You are on page 1of 21

College of Teacher Education

Second Semester, A.Y. 2020-2021


MODYUL 1

Oryentasyon sa misyon at bisyon, saligang halagahan ng UEP para sa polisiya at deskripsyon ng kurso
Ang Wika
1. Kahulugan ng wika
2. Mga Pilosopiyang Pangwika
3. Papel ng Wika sa Pagkatuto
4. Paglikha ng mga salita

Panimula
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng wika sa pananaliksik. Tatalakayin sa modyul na ito
ang kahulugan, papel, kahalagahan ng wika sa pagkatuto at pananliksik. Ilalahad ang mga pilosopiyang
pangwika na gagamitin sa isang suring saliksik sa kabuoan ng  kurso.

I. Layunin

1. Nababatid ang misyon at bisyon, saligang halagahan ng UEP para sa polisiya at deskripsyon ng kurso
2. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng wika 
3. Nakikilala ang mga pilosopiyang pangwika
4. Napahahalagahan ang papel ng wika sa pampersonal, panlipunan at pandaigdigang paggamit dito.

II. Lektyur
Wika
Kasangkapan sa Pagpapahayag Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay
kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.” Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Ito ay isang behikulo o paraan ng
paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura.
Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama
at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin. Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
mga salitang binibigkas.
Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking kakayahang
makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha
ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayahan.
Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view).Kung titingnan ang wika bilang
isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at
karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at
kinabibilangan.
Isang disiplinang maituturing ang pag- aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y kabilang sa mga bagay na
dapat pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang mas malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o
katayuan nito para sa ating ikagagaling bilang praktisyoner ng wika.
Wika bilang totalidad sa pag-iral Isang katangian ng wika bilang penomenong panlipunan ay ang totalidad
ng pag-iral at patuloy na pagbabago ng wika kasama ang maraming gamit at antas ng istruktura nito na
malinaw na sumasailalim sa mga karanasan.
Ang wikang ginagamit ng isang lipunan ay maaaring sumailalim sa mga paniniwala nito at mga
karanasan. Maaari tayong hubugin ng ating wika matapos natin itong mabigyan ng kahulugan.
Ano ang wika? Ang wika ay ang pinaka importanteng uri sa isang bansa kasi ito ay ang
ginagamit sa pagkomyunicate sa isa't isa at sa aming wika ay dapat pahalagahan at nagsilbi na
may paggalang at dapat makatulong sa aming mga susunod na henerasyon upang maunawaan
kung gaano kahalaga at pinasasalamatan ang aming sariling wika.

Wikang Filipino Ang ating bansa ay may madaming Kuktura lalo sa ating pagkomunikasyon na sa isa’t
isa.Madami tayong naranasan na pananakop ng iba’t ibang bansa
Ang ating Wika • Tayo ang may pinaka maraming wika na ginagamit kahit iisang bansa lang tayo.Kahit tayo
ay maliit lang na bansa tayo ay may padami nang naranasan.madami nang sumakop sa atin at salamat sa
kanila tayo ay may advancement sa pagtuturo galing yun sa amerikano at sa katarayan ng mga espanyol
tayo ay umiral sa atingmamamayan.
Ano ang wika? -isang sistematik na balangkas ng balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at
inaayos sa paarang arbitrari upang magamit ng mga taong May iisang kultura. -Ang wika ang pangunahing
at y anyo ng gawain pansagisag ng tao. -itinuturing ang wika bilang Saplot ng kaisipan, gayunman, mas
angkop marahil sabihing ang wika ay wikang saplot-kilanam,ang mismong katawan ng isipan.
MGA SUMAKOP SA ATIN • ESPANYOL • AMERIKANOMGA PANAHON • PANAHON NG MGA
ESPANYOL • PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN • PANAHON NG MGA AMERIKANO •
PANAHON NG MALASARILING PAMAMARAAN • PANAHON NG KONSTITUSYON 1987
Ang Kasaysayan ng ating Wika mga Espanyol • Dati tayo ay sinakop ng mga Espanyol sila ay ang nagturo
sa atin ng mga iba’t ibang salita parang Banyo,Kutsara,at iba pa.Noong araw na iyon dun nagsimula ang
Abecedario,at ang Aliba ay natanggal at iniba- iba ang mga letrang gamit gamit natin.Itong oras ng ito tayo
ay walang kalayaan hindi tayo binigyan ng kalayaan ang mga Espanyol ay talagang strikto pagdating sa
kultura at wika.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan • Dito na tayo nagka kongting kalayaan.Si Andres
Bonifacio,Apolinario Mabini,at si Jose Rizal ay ang nagpatatag sa ating mamamayan.Doon narin nauso
ang El Filibusterismo,La Liga Filipina,at ang La Solidaridad.Dito na tayo naging matatag at laging
nakikipaglaban sa mga karapatan at kalayaan natin.
Katangian ng wika • Kahalagahang pansarili • Kahalagahang panlipunan • Kahalagahang
global/international
Kahalagahang pansarili • Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa at
siyang nagbigay buhay dito.Ito ang nag sisilbing tulay sa siyang nag dudugtong dugtong sa isang
kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito,ang pag kakaisa at pagkakaunawaan sa
bawat tao ay lalong yumayabong,ito rin ang nag sisilbing susi ng ating pagkaka kilanlan.Sa pamamagitan
nito,nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.
Kahalagahang Panlipunan • Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda,kaya ating pagyamaning kusa,gaya ng isang inang sa atin ay pinagpala,ito ang mga
tanyag na katagang nag mula sa ating pambansang bayani na si gat.jose rizal na nagbibay importansya sa
kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.
Kahalagahang Global/internasyonal • pandaigdigang wika ay kung paano namin makipag-usap sa ibang
mga bansa at ito ay tulad ng english ito ay ika-1 ng pinaka ginagamit sa daigdig at pagkatapos ay dumating
Mandarin. Ito ay sa 2nd na pinaka ginagamit na wika sa buong mundo.
Ang Wikang Tagalog • Noong Hunyo 2007 , Ricardo Maria Nolasco , Tagapangulo ng Komisyon ay isang
Wikang Filipino ( Komisyon sa Wikang Filipino ), kinikilala na Pilipino ay lamang Tagalog sa syntax at
grammar , na may bilang pa walang pambalarila elemento o lexicon nanggagaling mula sa Ilocano,
Bisaya , Hiligaynon, o alinman sa iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ang Wikang Tagalog • Ang Tagalog ay isa sa Nangungunang 40 wika ng mundo na may 24 milyong
nagsasalita nito bilang kanilang unang wika at higit sa 65 milyong mga nagsasalita nito bilang kanilang
pandagdag na wika. Ang Tagalog ay katutubo sa rehiyon ng Katagalugan ng bansa, na kung tutuusin ay
ang binubuo ng kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang 10 katabi nitong mga lalawigan sa kalagitnaan
hanggang katimugang bahagi ng isla ng Luzon kasama ang ilang mga bahagi ng mga isla ng Marinduque
at Mindoro.
Ang wika Tagalog • Ang pambansang alpabeto ay lumawak upang magkaroon ng 31 titik—ang 26 titik ng
alpabetong Ingles, ang ñ mula sa Espanyol, ll, rr, at ch, at ang ng ng Tagalog—at muli, noong 1976 ay
nabago ito upang maisama ang mga titik na C, Ch, F, J, Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z upang maisama ang mga
salita na nagmula sa Espanyol at Ingles.
Ang wikang Tagalog • Pagsapit ng 1987, ang alpabeto ay nabawasan at naging 28 titik, at natanggal ang
rr, ll at ch, na kapwa nagmula sa Espanyol, at kasabay nito ay ang pangalan ng opisyal na wika ay
napalitan mula “Pilipino” upang maging “Filipino”. Kaakibat ng pagbabagong ito, may ilang mga
"makalumang" patakaran sa pagbaybay ang pinalitan (hal. ang "Caloocan City" ay naging “Kalookan City”)
habang sinimulng talikuran ang transliteration o ang literal na pagbaybay ng mga salita kapalit ang
paggamit ng mga direktang katumbas na salita (hal. “Pamantasan” para sa “University” sa halip
na “Unibersidad”) at-- hangga't naaangkop--assimilation o pagtanggap ng mga dayuhang salita (hal.
“computer” sa halip na “kompyuter” para sa “computer”).
Panahon ng mga Amerikano • Itong mga panahon na ito dito tayo may kalayaan pero ang kapalit ay ang
pagsunod sa kultura ng mga Amerikano.Tinuro sa atin ang pagturo sa pampublikong paaralan at ang mga
tinuro sa atin ay ang pang araw araw na gawain dito tayo naturuan ng maayos.Ang unang gurro natin ay
ang mga Sundalo ng Amerika tapos sunod ay ang mga Thomasites.
Malasariling Pamamaraan • Itong Panahong ay ang katapusan ng Panahon ng mga Amerikano dito na
tayo nakalaya sa wakas sa tagal na nating sinakop tayo rin ay nakalaya at hindi na tayo sinakop ulit.Dito
narin tayo natuto sa mga pinagdaanan natin dito na tayo nagkaisa at lumakas unti unti at dito na tayo
nag”apply” sa ibat ibang natutunan dati parang sa pagtuto at sa gamit ng kanilang kultura.
Konstitusyon 1987 • Itong Konstitusyong ito ay nagtatag na ang wika natin ay final na at wala nang iiba
doon “isang bansa,isang diwa”.Ang una nating wika ay ang Tagalog sumunod ang Pilipino tapos naghuli
ang Filipino.Iba’ ibang nagiba sa ating wika at sa wakas tayo rin ay malaya sa ating gawain sa pangaraw
araw.
Wikang Filipino • Lagi nalang may sumasakop sa atin dati para lang sa lupa natin ngayon nawala narin sa
wakas sila iniwanan narin nila yung ating lupain at wala na silang kinukuha sa atin.Ang ating wika ay
importante kasi ito ay ang isang uri ng komunikasyon
PILOSOPIYANG PANGWIKA
Ang pilosopiya ng wika ay nakatuon sa apat na pangunahing mga suliranin: ang kalikasan
ng kahulugan, paggamit ng wika, kognisyon ng wika, at ang ugnayan na nasa pagitan ng wika at
ng katotohanan o realidad. Ngunit, para sa mga pilosopong kontinental, ang pilosopiya ng wika ay tila
hinaharap, hindi bilang isang nakahiwalay na paksa, subalit bilang isang bahagi ng lohika.
Una, ang mga pilosopo ng wika ay nag-uusisa sa kalikasan ng kahulugan, at naglalayong
maipaliwanag ang kahulugan ng pagkakaroon ng "kahulugan" ng isang bagay. Ang mga paksang nag-
uugat ay kinabibilangan ng kalikasan ng sinonimiya (pagiging magkasingkahulugan), ang pinagmulan
mismo ng kahulugan, at kung paano talagang malalaman ang anumang kahulugan. Ang isa pang
proyekto sa ilalim ng pamagat na ito ng natatanging pagtutuon ng mga pilosopong analitiko ng wika ay
ang pag-iimbistiga sa gawi kung paano binubuo o nabubuo ang mga pangungusap upang maging
isang makahulugang kabuuan magmula sa kahulugan ng mga bahagi nito.
Pangalawa, nais nilang maunawaan kung ano ang ginagawa ng mga tagapagsalita at mga takapakinig
sa loob ng komunikasyon, at kung paano ito ginagamit sa pakikipagkapuwa. Ang partikular na mga
pagtutuon ay maaaring kabilangan ng mga paksang pagkatuto ng wika, paglikha ng wika, at mga akto
ng pananalita.
Pangatlo, nais nilang malaman kung paano umuugnay ang wika sa mga isipan ng kapwa tagapagsalita
at ng tagapagpaunawa. Isa sa pinagtutuonan ng pansin ay ang pamantayan ng matagumpay
na pagsasalinwika ng mga salita papunta sa iba pang mga salita.
Bilang panghuli, sinisiyasat nila ang kung paanong ang wika at ang kahulugan ay umuugnay
sa katotohanan at sa mundo. Ang mga pilosopo ay may gawi na maging mas hindi nagtutuon sa kung
ano mga pangungusap ang talagang tunay, at mas marami ang sa anong mga uri ng mga kahulugan
ang maaaring hindi tunay o mali . Ang isang pilosopo ng wika na makapangkatotohanan ay maaaring
mag-isip kung ang isang pangungusap na walang kahulugan o walang saysay ay maaari bang maging
makatotohanan o hindi, o kung ang mga pangungusap ay maaari o hindi ba maaaring
makapagpahayag ng mga mungkahi hinggil sa mga bagay na hindi naman umiiral, sa halip na sa
paraan ng paggamit sa mga pangungusap.

MGA PILOSOPIYANG PANGWIKA


1. Ang wika ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng tao sa kanyang kapaligiran - Benjamin Lee Whorf
2. Ang wika ay nakabatay sa kakayahan at kagalingan sa pakikinig (Performance and Competence)
- Noam Chomsky
3. Ang wika ay nakabatay sa kasarian (Language Sexism) - Ronald Wardhaugh at Allan Pace Nielsen
4. Ang wika ay nakabatay sa karaniwang karanasan - Hudson, Liam
5. Ang wika ay nakabatay sa gamit ng lipunan - Basil Bernstein
 
 
 
 
PAPEL NG WIKA
Ang wika ay iisa sa mahahalagang bagay na pinanghahawakan ng isang bansa. Dahil kung wala ito,
mahirap ang pakikipagugnayan ng bawat isa at hindi mailalahad ang impormasyon na kanilang nais ilahad.
Magkakaroon ng di pagkakaintindihan at maaari itong mag sanhi ng gulo.

Sa pamamagitan ng Wika nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bansa, kung saan sila ay nagkakaroon ng
pagkakaisa. Sila ay kabilang sa grupo ng kanilang sinilangan at nararapat silang kilalanin bilang ganito.
Sa madaling salita, ang Wika ang nagiging tulay sa pagkakaroon ng matatag at mapayapang lipunan,
upang mailahad ang nais na impormasyon na dapat maunawaan ng bawat indibidwal.

Kahalagahan ng Wika
 
May malaking papel na ginagampanan ang wika sa bawat tao at maging sa lipunan. Sa pamamagitan ng
wika, nabubuo ang mabuting relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang sarili at nakatutulong
din siya sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng iba. Dahil sa wika nakatatanggap at nakikibahagi siya sa
kapwa ng bisang dala ng pagbabago sa kultura at kabihasnan. Ang realisasyon ng kanyang mga pangarap
bilang tao at ang pagtupad ng kanyang tungkulin bilang makabuluhang kasapi ng lipunan ay nakasalalay
sa kanyang kakayahan sa paggamit ng wika. Samakatwid, ang kahusayan ng tao sa paggamit ng wika na
ipinakikita sa kanyang kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay maituturing na isang
mahalagang katuparan at instrumento sa pansariling pag-unlad.
 
Narito ang ang iba’t ibang kahalagahan ng wika.
Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level, ang dalawang tao ay nagkakaunawaan sa
pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Ang magkasintahan, halimbawa, ay nakapagpapanatili ng
relasyon dahil may wikang nagiging instrumento nila ng komunikasyon. Samantala, may mga nagkakagalit
o nag-aaway bunga ng miskomunikasyon o di-epektibong paggamit ng wika. Samakatwid, ang mabisang
paggamit ng wika ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa dahil tayong mga tao ay
mga nilikhang panlipunan. Kung gayon, ang wika ang pangunahin nating kasangkapan upang tayo’y
makaganap sa ating mga tugkuling panlipunan. Ayon din sa macro-level, ang mga bansa ay nakakapag-
ugnayan dahil sa wika. Iba-iba man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin sila ng komong wikang
kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan.
 
Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salin-lahi at
napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang
taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang
nagkakanlong dito at nag-iingat hanggang sa kasalukuyan. Ang mga mahahalagang imbensyong kanluran
ay napakikinabangan din sa ating bansa dahil may wikang nagkakanlong sa mga iyon at naging sanhi
upang iyon ay mapalaganap sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang
mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng mga iyon. Paano na lang kaya kung
hindi man lang naisulat o naipagsabi ni Benjamin Franklin ang pagakatuklas niya sa kuryente bago siya
namatay? Marahil ay baka wala pa rin tayong kuryente hanggang sa ngayon.
 
Nagbubuklod ng Bansa. Sa panahon ng mga katipunero, wikang Tagalog ang naging daan upang mapag-
isa ang kanilang mga hinaing. Tagalog ang kanilang wikang opisyal, sa kanilang pakikipaglaban sa mga
Kastila, samantalang ang mga Propagandista naman ay ng wikang Kastila, na naging wika nila sa
pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa la Solidaridad. Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring
maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa
layuning pagpapalaya. Tulad na lamang ng sa Edsa I at II, wika ang daan upang magtipon ang mga
Pilipino sa monumento ng EDSA upang isigaw ang nag-iisang mithiin ang pagtuldok sa pamahalaang
diktadorya at mandarambong.
 
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y
kapag tayo’y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo niyon.
Maaaring tayo’y napahalakhak o napapangiti, natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o
naninibugho. Ito ang nagpapagaan ng ating imahinasyon. Sa ating isipan, nalilikha natin ang bawat
larawan ng mga tagpo sa kwento o nobelang ating binabasa o pelikulang ating pinapanood. Ang wikang
nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang
nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating
malikhaing pag-iisip mahinasyon, at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip
 

Mga paraan ng pagbubuo ng salita


1. Paglalapi 
2. Pag-uulit ng salitang ugat 
3. Pagtatambal ng mga salita
PAGLALAPI
1. Pag-uunlapi 
2. Pag-gigitlapi 
3. Pag-huhunlapi 
4. Pag-uunlapi at paghuhunlapi 
5. Pag-uunlapi at pag-gigitlapi 
6. Pag-gigitlapi at pag-huhunlapi 
7. Laguhan
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan ng salitang-ugat. Halimbawa: nag + dalamhati = nagdalamhati 
Ang panlapi ay inilalagay sa gitna ng salitang-ugat. Halimbawa: b + um + asa = bumasa
Ang panlapi ay inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat Halimbawa: aklat + an =aklatan
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat Halimbawa: nag + gusto + han
=nagustuhan
Ang panlapi ay inilalagay sa unahan at gitna ng salitang-ugat Halimbawa:
Ang panlapi ay inilalagay sa gitna at hulihan ng salitang-ugat. Halimbawa: –in- + titig + an =tinitigan
Ang salitang ugat ay may panlapi sa unahan, gitna at hulihan. Halimbawa: mag + -in + dugo + an =
magdinuguan
1.Ganap na pag-uulit 2. Di-ganap na pag-uulit
Buong salita ay inuulit ang mga salita ay nagtatapos sa O at kung ang mga ito’y ganap na uulitin, ang titik
O ay pinapalitan ng titik U sa unahang bahagi na salitang inuulit ϖganap na paguulit na kinakabitan ng
panlapi 
Halimbawa: kabit-kabit, sinu-sino
paguulit ng salita kung saan bahagi lamang ng salitanng ugat ang inuulit 2.1 . Paguulit ng unang pantig 2.2
Paguulit ng unang dalawang pantig
Mga salita na binubuo ng pag-uulit ng unang pantig Halimbawa: sasabay, babasa
Mga salitang binubuo ng paguulit ng unang dalawang pantig Halimbawa: bihi-bihira, dala-dalawa
Pagsasama ng dalawang payak ng salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita Halimbawa: hingal +
kabayo = hingal-kabayo

III. Gawain
IV. Pagtatasa
College of Teacher Education
Second Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 2

Pagbasa ng Iba’t-ibang Disiplina


1. Katuturan, Teorya at Katangian ng Pagbasa
2. Prosesong Sikolohiya ng Pagbasa: Teoryang Iskema
3. Metakognitiv/Pagkatuto mula sa Pagbasa
4. Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagbasa

Panimula
Ang modyul na ito ay patungkol sa pag-aaral ng katuturan, teorya at katangian ng pagbasa.
Ilalahad ang kahalagahan ng pagbasa sa iba’t-ibang aspeto higit sa lahat sa larangan ng pananaliksik.
Tatalakayin ang mga prosesong sikolohiya sa pagbasa at iuugnay sa tunay at angkop na pagbasa ng iba’t-
ibang teksto. Ilalahad din dito ang mga salik na nakaaapekto sa pagbasa at kung paano ito mabibigyan ng
karampatang solusyon.

I. Layunin

1. Natutukoy ang iba’t-ibang teorya at disiplina sa pagbasa


2. Nakikilala ang mga salik sa pagbasa
3. Napapahalagahan ang layunin ng pagbasa sa larangan ng pananaliksik

II. Lektyur
Ang Pagbasa
Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo osagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan ointerpretasyon
sa mga ideya o kaisipan na gustong manunulat nailipat sa kaisipan ngmambabasa Ito ay nangangailangan
ng kakayahangpangkaispan dashil alam ang tunog (ponema) ng naisulat na letra.
Kahalagahan ng Pagbasa
1. Nadadagdagan ang kaalaman
2. Napapayaman ang kaalaman at napapalawak ang talasalitaan
3. Nakararating sa mga pook na hindi pa narrating
4. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan
5. Nakakukuha ng mga mahahalgang impormasyon
6. Nakatutulong sa mabibigat na suliranin at damdamin
7. Nagbibigay ng inspirasyon st nakikita nag iba’t ibang antas ng buhay ata anyo ng daigdig

Layunin ng Pagbasa
1. Magkaroon ng kalinawan ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman
2. Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan
3. Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
4. Magkaroon ng bukas na isipan

Kailangan sa Pagbasa
Ang pagbasa ay may kaugnayan sa linguistika. Kailangan ng malusog na pangangatawan,isipan at
amalayang damdamin upang maunawan ang binabasa. Ang pagbabasa ay isang proseso na
nangangailangan ng mataas na kaisipan,konsentrasyon at focus. Kailangan ang tagasulat at ang tagabasa
ay may ugnayan. Kailangan malinawpaningin sa pagbabasa. Kailangan ang pagkakaroon ng interes at
kaalaman sa binabasa.

Mga Uri ng Pagbasa:


Ang pagbasa ay maaaring mauri batay sa layunin. Kung gayon ito ay maaaring skimming o scanning.
Iskiming:
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto kung paano inorganisa
ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
 
 
Mas kompleks ang ISKIMING kaysa iskanning dahil nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng
organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang kabuuang tekso at hindi
lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.
Nangangailangan ng oras ang Iskiming dahil kailangan mong malaman ang pangkalahatang kaisipan sa
tekstong binabasa.
Ginagamit ang iskiming kapag may pangakalahatang tanong tungkol sa isang akda.
Iskaning:
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda
bago bumasa.
Kinapapalooban ito ng bilis at talas nga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang
tiyak na kailangang impormasyon.
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo o tiyak na sipi na makakatulong sa iyo,
iskaning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin.
Halimbawa: Paghahanap ng pangalan at numero sa phone directory, pangalan ng pumasa sa board exam,
pagbabasa ng pahayagan na tanging ang ulo ng balita lamang ang tinitignan atpb.
Batay sa paraan, ang pagbasa ay maaring tahimik o pasalita.
Tahimik: mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
Pasalita: ginagamitan ng bibig, bukod sa mga mata kaya nagkakaroon ng tunog ang pagbasa.
Mauuri rin ang pagbasa batay sa bilis o tulin.
Study speed o bilis habang nag-aaral bumasa: Ito ang pinakamabagal na pagbasa at ginagamit ito sa
mahihirap na seleksyon.
Hal. Pag-unawa sa Panuto/ dokumento
Matulin na pagbabasa: 
Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa layunin ng bumabasa. Ito ang
pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na mambabasa.
 
DIMENSYON NG PAGBASA
Pag-unawang Literal
Pagpuna sa mga detalye
Pagpuna sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pagsunod sa panuto
Pagbubuod o paglalagom sa binasa
Paggawa ng balangkas
Pagkuha ng pangunahing kaisipan
Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungan
Pagbibigay ng katotohanan (facts) upang mapatunayan ang isang nalalaman na.
Paghanap ng katibayan para sa laban sa isang pansamantalang kongklusyon
Pagkilala sa mga tauhan
Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan
Pagdama sa katangian ng tauhan
Pag-unawa sa mga tayutay at patalinghangang salita
Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
Pagbibigay ng mga kuro-kuro at opinyon
Paghula sa kalalabasan
Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
Pagbibigay ng pamagat
Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad
Pagbibigay ng reaksyon
Pag-iisip ng masaklaw at malawak
Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad
Paglikha sa sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon.
Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
Pagbabago ng wakas ng kwento
Pagbabago ng pamagat ng kwento
Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhan
Pagbabago ng mga pangyayari sa kwento
Paglikha ng sariling kwento batay sa binasa
Limang uri ng Estratehiya sa interaktib na pagbasa
Pagtatanong (Questioning)-
Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa
Paghuhula (Predicting)-
Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan
Paglilinaw (Clarifying)-
Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga tanong
Pag-uugnay (Assimilating)-
Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.
Paghuhusaga (Evaluating)-
Husgahan/suriin ang mga elemento ng teksto.
 
Apat na Teorya ng Pagbasa
Teoryang Bottom-Up 
Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa
kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala
ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang
teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at
pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga
salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant
lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng
nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula
sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up.
Teoryang Top-Down 
Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang
pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng
sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa
ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang
nakaimbak sa kanyang isipan ay may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out
o cenceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa
teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng
konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito,
nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng
awtor ng isang teksto.
Teoryang Interaktib 
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga proponent nito,
ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang.
Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon
ng komprehensyon, itaas-pababa at ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa
wika at kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor kung gayon,
ang interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang
pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.
Teoryang Iskema 
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto,
siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring
binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay
tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso
ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa
isipan ng mambabasa.
 
SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGBASA
1. INGAY (Panlabasa at Sikolhikal)
2. KAPALIGIRAN
3. AKLAT NA BINABASA
4. KOMPREHENSYON (SLOW AND FAST READER)
5. KAKULANGAN SA KAALAMAN
6. KAHIRAPAN
College of Teacher Education
Second Semester, A.Y. 2020-2021
MODYUL 3
1. Mga Pamamaraan, estratehiya at aplikasyon sa Pagbasa
2. Pagbasa ng mga Tekstong Akademik at Propesyunal
3. Komprehensyon at ugnayan ng Pagbasa at Pagsulat
4. Katangian ng Tekstong Akademik at Propesyunal (Teksto sa Agham Panlipunan, Agham Teknolohiya
at Humanidades)

Panimula
Ang modyul na ito ay pumapatungkol sa pag-aaral ng mga estratehiya, aplikasyon at pamamaraan
sa larangan ng pagbasa. Tatalakayin din sa modyul na ito ang katangian ng tekstong akademik at
propesyunal. Magkakaroon ng isang pagsusuri sa mga teksto at susulat ng pansariling gabay na
pagsusuri. Isasalaysay ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat sa larangan ng pananaliksik at iba pang
larangan at aspeto.

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga uri at estratehiya sa pagbasa


2. Naipaliliwanag ang kahalagahan pagbasa ng mga tekstong akademik sa larangan ng pananaliksik
3. Nasusuri ang mga katangian ng tekstong akademik

II. Lektyur

ESTRATEHIYA SA PAGBASA

HABANG NAGBABASA Sabihin sa sarili kung ano ang sinasabi ng awtor Tanungin ang sarili kung may
punto ang binabasa Ilarawan ang ipinapahayag ng awtor Hulaan kung ano ang mangyayari KUNG HINDI
MAINTINDIHAN Tukuyin ang problema Paalahanan ang sarili kung ano ang gusto mong malaman Balikan
HARAPIN Magdahan-dahan humingi ng tulong PAGKABASA Ikuwento sa sariling pananalita ang binasa
Ibuod ang mga importanteng idea Tanungin ang sarili ng mga tanong at sagutin din Ilarawan sa isip kung
ano ang ipinahayag ng awtor Magdesisyon kung ano ang interesante at nakakaaliw.
Kognitibong Pananaw  - Dating Alam at Teorya ng Iskema
 Iskema (cognitive psychology) – paano inoorganisa ng tao ang mga kaalaman mula sa araw-araw na
akranasan tungo sa makabuluhang mga pattern at kaisipan. = koleksiyon ng mga organisado at
magkakaugnay na mga idea at konsepto - Hal. Fast Food (Huwag umasang makakapagpadagdag ng
sabaw, etc. paris ng sa karinderya) - nakakatulong para makagawa ng paglalahat, makabuo ng mga
opinyon, at maunawaan ang mga bagong karanasan. Mambabasa • Dating Alam (Iskema) Asimilasyon/
pagsasama-sama Akomodasyon ng mga bagong kaalaman
PAG-UNAWA TEXTO + Mundo Texto (wika) bokabularyo Explicit (nasa linya) Implicit (sa pagitan ng mga
linya) Applied (texto + dating alam = paglalahat [generalization]) Implicit (sariling Iskema para Bumuo ng
Kahulugan)
Literal na Lebel – ano ang sinasabi ng awtor. (explicit) Interpretatibong Lebel – ano ang talagang gustong
sabihin/ipakahulugan ng awtor. (implicit) Analitikal na Lebel – mga kakayahang makilala ang mga
pamamaraang retorikal na ginamit ng awtor. (applied) Kritikal na Lebel – pagmonitor ng sariling pagbasa
bilang mambabasa; ebalwasyon ng bisa ng awtor. (applied)
Kung Gagawa Ka ng Prebyu ng Teksto,Tanungin: Tungkol saan ang teksto? Ano ang pinakaimportanteng
idea ng Awtor tungkol sa Paksa? Bakit ko ito binabasa? Ano na ang alam ko tungkol sa paksa? Ano ang
hula ko sa sasabihin ng awtor? MADIDISKUBRE MO: Ang Paksa Ang Susing Idea Ang sarili mong pakay
at paraan ng pagbasa Mga asosasyon at koneksiyon sa mga dating alam Mga insight sa paksa
Kung Gagawa ka ng Panimulang Pagbasa (Skimming) ng teksto, Tanungin: MADIDISKUBRE MO: Tungkol
saan ang texto Ano ang pinakaimportanteng idea ng Awtor Tungkol sa Paksa? Anong mga teknik at
estratehiya ang ginamit ng awtor sa pagsulat ng texto? Ang mga paksa at mga sub-paksa Ang sariling idea
Kung Pag-aaralan mo ang texto, Tanungin: MADIDISKUBRE MO: Tungkol saan ang texto? Ano ang
pinakaimportanteng idea ng Awtor tungkol sa paksa? Sino? Ano? Paano? Bakit? Saan? Kelan? Alin Doon?
O Anong Uri? Ang paksa at mga sub-paksa Ang sariling idea Ang istruktura at mga pattern ng
organisasyon Mga sumusuportang idea at mga sumusuportang detalye

Kung Gusto mong basahin nang Kritikal ang texto, Tanungin: MATATAYA MO: Bakit sinulat ng awtor ang
teksto? Ang layunin ng awtor Ano ang mga kredensiyal at posibleng mga bias ng awtor? Ang kredebilidad
ng awtor Anong klaseng ebidensiya ang inihahain ng awtor? Gaano mapagkakatiwalaan ang ebidensiyang
iniharap ng awtor Paano binigyan ng interpretasyon ng awtor ang ebidensiya? Ang pangangatwiran ng
awtor
Iba't ibang Teksto sa Pagbasa
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Makulay na Paglalarawan  Layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba
pa.  Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na
makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Katangian ng Tekstong Deskriptibo 
1. Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga
mambabasa. 
2. Ang tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o suhetibo. 
OBHETIBO – direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian 
SUHETIBO – maaaring kapalooban ng matalinhagang paglalarawan at naglalaman ng personal na
persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan. 
3. Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging ispesipiko at maglaman ng konkretong detalye.
4. Tukuyin kung obhetibo o suhetibo ang mga sumusunod na paglalarawan. 
 Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana. 
 Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama kami ay lumalakas din
ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin
ang pamilya. 
 Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso. 
 Ayon kay dating Pangulong FidelV. Ramos, tila isang hindi maaasahang presidente si Pangulong
Benigno Aquino III kapag nagsalita. Dagdag niya pa, maaaring makasama sa imahen ng Pilipinas
ang mga pahayag ng kasalukuyang pangulo tungkol sa insidente sa Mamasapano, Maguindanao.
5. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force
(SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding pagsasanay.
TEKSTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA MAHIHIKAYAT
UMISIP NG ISANG PATALASTAS SA TELEBISYON NG KAHIT ANONG PRODUKTO NA SA TINGIN
NINYO AY GUMAMIT NG MAHUSAY NA PANGHIHIKAYAT. IPAKITA SA KLASE AT IPALIWANAG
KUNG BAKIT SA TINGIN NINYO AY EPEKTIBO ANG PANGHIHIKAYAT NA GINAMIT.
NAGKAROON KA NA BA NG KARANASAN KUNG SAAN HINIKAYAT MO ANG IYONG MGA KAIBIGAN
KUNG SAANG RESTAWRAN MAS MABUTING KUMAIN?  NARANASAN MO NA RIN BANG
KUMBINSIHIN ANG MGA MAGULANG MO NA PAYAGAN KANG SUMAMA SA ISANG BYAHE KASAMA
ANG MGA KABARKADA?
TEKSTONG PERSWEYSIB  Isang uri ng depiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa
na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay nagpapahayag ng impormasyon at
katotohanan upang suportahan ang isang opinion gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.  Hindi
dapat magpahayag ng personal at walang batayang opinion ang manunulat.
Ang tekstong persweysib ay naglalaman ng sumusunod: 
1. MALALIM NA PANANALIKSIK 
2. KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG MGA MAMBABASA 
3. MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG PANIG NG ISYU

TEKSTONG NARATIBO: MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO


APAT NA URI NG DISKURSO: 
A. PAGLALARAWAN O DESKRIPSYON 
B. PAGSASALAYSAY O NARASYON 
C. PAGLALAHAD O PAGBIBIGAY IMPORMASYON 
D. PANGANGATUWIRAN O ARGUMENTASYON

Pamamaraan ng Narasyon 
a. DIYALOGO - pag-uusap ng tauhan 
b. FORESHADOWING – nagbibigay ng pahiwatig o hints hinggil sa kahihinatnan ng kwento 
c. PLOT TWIST – tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalalabasan ng kuwento 
d. ELLIPSIS – omisyon/pag-aalis ng ilang yugto ng kuwento. Ito ay mula sa Iceberg Theory o Theory of
Omission ni Ernest Hemingway 
e. COMIC BOOK DEATH – pinapatay ang mahahalagang karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang
magbigay-linaw sa kwento
REVERSE CHRONOLOGY – nagsimula sa dulo ang salaysay patungong simula g. IN MEDIA RES –
nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento. Kadalasang ipinapakilala ang karakter, setting at
tension sa pamamagitan ng flashback. h. DEUS EX MACHINA (GOD FROM THE MACHINE) – isang plot
device kung saan nabibigyang resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong interbensyon
ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang kahihinatnan ng kwento at nareresolba ang matinding
suliranin na tila wang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao, bagay at pangyayari
na hindi nman naipakilala sa bahagi ng kuwento.
Komplikasyon o Tunggalian - Nagiging batayan ng paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng
mga tauhan. Nagtatakda ng magiging resolusyon ng kuwento.
Resolusyon - Kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian. Maaring masaya o hindi batay sa magiging
kapalaran ng pangunahing tauhan.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO: IPAGLABAN ANG KATUWIRAN
ALALAHANIN ANG ISANG PAGKAKATAON KUNG KAILAN KINAILANGAN MONG MAGBIGAY NG
SARILING ARGUMENTO TUNGKOL SA ISANG USAPIN. IBIGAY ANG NAGING PAKSA AT KUNG ANO
ANG NAGING POSISYON AT ARGUMENTO MO HINGGIL DITO.
Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa katapatan at katotohanan laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalingan, at kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig ay gagawa nito, mababago
ang mundo. WILLIAM FAULKNER Magbigay ng repleksiyon tungkol sa halaga ng paninindigan sa gitna ng
kawalan ng katarungan. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi niya?
TEKSTONG ARGUMENTATIBO Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literature at pag aaral, ebidensyang kasaysayan at resulta ng empirical na pananaliksik.
Ang empirical na pananaliksik ay tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbeyu at eksperimentasyon.
Mga Elemento ng Pangangatuwiran 
PROPOSISYON – Pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. - Bagay na pinagkaksunduan
bago ilahad ang katuwiran ng dalawang panig. 
HALIMBAWA: Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karanasan laban sa kababaihan.
(polisiya) Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang magtrabaho sa ibang bansa.
(paniniwala) Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual education kaysa sa bilingual
education. (paghahambing)
ARGUMENTO – paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging makatuwiran ang isang panig. -
Kinakailangan ng malalim na pananaliksik at talas ng pagsusuri upang makapagbigay ng mahusay na
argumento
Katangian at Nilalaman ng Mahusay na Tekstong Argumentatibo 
1. MAHALAGA AT NAPAPANAHONG PAKSA
2. MAIKLI NGUNIT MALAMAN AT MALINAW NA PAGTUKOY SA TESIS SA UNANG TALATA NG
TEKSTO 
3. MALINAW AT LOHIKAL NA TRANSISYON SA PAGITAN NG MGA BAHAGI NG TEKSTO 
4. MAAYOS NA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG TALATANG NAGLALAMAN NG MGA EBIDENSYA NG
ARGUMENTO. 
5. MATIBAY NA EBIDENSYA PARA SA ARGUMENTO

TEKSTONG PROSIDYURAL • Uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at


instruksyon kung paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay. • Layuning makapagbigay ng sunod-sunod
na direksiyon at impormasyon sa mga tao
NILALAMAN: 
1.LAYUNIN O TARGET NA AWTPUT 
2.KAGAMITAN 
3.METODO 
4.EBALWASYON
TIYAK NA KATANGIAN NG WIKANG MADALAS GAMITIN SA TEKSTONG PROSIDYURAL: •
NASUSULAT SA KASALUKUYANG PANAHON • NAKAPOKUS SA PANGKALAHATANG MAMBABASA •
TINUTUKOY ANG MAMBABASA SA PANGKALAHATANG PAMAMARAAN SA PAMAMAGITAN NG
PAGGAMIT NG PANGHALIP • GUMAGAMIT NG TIYAK NA PANDIWA SA INSTRUKSYON •
GUMAGAMIT NG MALINAW NA PANG UGNAY UPANG IPAKITA ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD •
MAHALAGA ANG DETALYADO AT TIYAK NA DESKRIPSIYON (HUGIS, LAKI, KULAY, AT DAMI)

UGNAYAN NG PAGBASA AT PAGSULAT


Ang pagbasa at pagsulat ay may malaking ugnayan lalo na sa pagsasalita at pakikinig. Mahalaga ang
salita sapagkat masasabi ng isang tao ang kanyang mga saloobin at nasa kaisipan. Pinaka mahalagang
paraaan ito sa pagsasalin ng karunungan at impormasyon.

Ang pagbasa at pagsulat ay magkaugnay at parehong mahalaga at dapat pag-ukulan ng ibayong pag-aaral
at panahon upang matuto ang isang tao. Itinuturing na ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat na nag-iisang
pinaka mahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat ng magkahiwalay.
Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat. Ang literasi ay ang kakayahang makabasa at
makasulat. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawing pagtuturo.
 
Sa kumbensyonal na mga programa ng pagtuturo ng wika, kasunod ng pagtuturo ng pagbasa ang
pagtuturo ng pagsulat. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay. Inihihiwalay rin ang ibat
ibang nilalaman ng pagsulat. Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malalaking
titik. Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo. Hindi nabubuo
ang tuluy-tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.
Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina. Ang mga salitang
natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa talasalitaang nakapaloob sa tekstong binabasa. Ang
ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa pagbaybay. Ang pamaraan sa
pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto. Sa kasalukuyan, may ugnayan ang
pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Napatunayan sa pag-aaral nina Noyce at Christie (1989) na mabisa ito
sa pagtuturo kung pag-uugnayin. Ang Pagbuo ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat 
1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.
2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat. 
3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.
4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.
5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip. 
6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.
 
ANG LIMANG SAKLAW NA MAG-UUGNAY SA PAGBASA AT PAGSULAT 
1.Kaalaman sa Informasyon 
2.Kaalaman sa Istruktural
3.Kaalaman sa Transaksyonal 
4.Kaalaman sa Aestetiko 
5 Kaalaman sa Proseso Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga magaaral na
nakapagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasa. Kapag
silay nakapagsusulat tungkol sa aklat ay kanilang natututuhan ang proseso ng pagkakasunud-sunod na
yunit ng wika. Encoding at decoding Pagsulat ng pangungusap Paglinang ng talata Pagsulat ng higit na
mahabang seleksyon
 
 
 
 
 
ANG KAHALAGAHAN NG UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT 
1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi. 
2. Nagaganap ang pagkatuto. 
3. Nalilinang ang aspeto ng pagkaunawa. 
4. Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay sa kanila. 
 
ANG PAGSULAT BILANG PROSESO 
Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at binibigyan ng kaukulang
evalwasyon ng guro ng kanilang mga naging produkto. Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na
isang proseso at hindi produkto. Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong
pagdulog sa pagsulat. 
 
Mga Hakbang sa Prosesong Pagdulog sa Pagsulat
1. Panimulang pagsulat 
2. Paghahanda ng burador 
3. Pagrerebisa 
4. Pagwawasto 
5. Pagpapalathala 
 
ANG UGNAYANG PAGBASA AT PAGSULAT SA KASALUKUYAN
Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oprtunidad upang pagugnayin ang pagbasa at
pagsulat. Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat
Ang Reader Response Journal Ang Reader Response Journal ang pinakagamiting uri ng journal na
nagagamit sa ibat ibang paraan.
 
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Reader Response Journal 
1. Pagbasa ng isang tekstong literari
2. Pagsulat ng tugon / reaksyon mula sa binasang teksto 
3. Paggamit ng mga panimulang ideya para sa malawak na saklaw ng susulatin Gumagamit ng reader
response journal ang mga mag-aaral upang makapagtala ng kanilang mga ideya at saloobin mula sa
tekstong kanilang binasa. Magagamit ang reader response journal sa malayang pagbabasa at maging sa
mga babasahing seleksyon na itatakda ng guro.
Sa paggamit ng reader response journal, hinahayaan ng guro ang mga mag-aaral na makontrol ang
kanilang mga tugon sa pagtatakda ng gawaing-bahay. Sinusuportahan ng guro ang mga karanasan ng
kanyang mga mag-aaral sa tulong ng teksto upang maging masaklaw ang pagtalakay nila sa kanilang mga
karanasan.
Ang mga tekstong naitala sa reader response journal ay maaaring mapalawak. Nagagawa ito kung
gaganyakin ng guro ang kanyang mga mag-aaral na balikang basahin ang mga ideyang naisulat nila sa
reader response journal. May 10-15 minuto araw-araw ang nilalaan ng guro sa pagpapasulat ng reader
response journal. Sa panahong ito ay pasusulatin ng guro ang mga mag-aaral batay sa kanilang binasang
seleksyon anuman ang nais nilang sulatin at dapat nilang sulatin. Mahalaga lamang na masubaybayan at
mapatnubayan ng guro ang kanyang mga mag-aaral habang isinasagawa ang proseso lalo na sa mga
digaanong familyar na gawain.
Katangian ng tekstong akademik
Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong
pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na
maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.
Ang akademikong pagsulat  ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan
ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang
akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin  sa pagbuo ng sulatin. Mayroon
itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap,
talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang
karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng
introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon,
at 
 
 
 
rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay,
synopsis, at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa  ng isang indibidwal (Arrogante
et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang
mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri,
marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.
Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target
na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito
ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa
at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong gustong ibigay at ang
argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).
3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o
mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran  ang
mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil
ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng
paninindigan ng manunulat.
4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang
kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na maging
malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng
ulat.
Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa
pagbabasa at pagsuri ng iba’t ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals,
almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang
paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang
wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng
impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga
impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng
bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging
nakapanghihikayat ang pagbasa ng pag-aaral o sulatin.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na magagamit sa
mga gawain ng akademikong pagsulat.
Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang
pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng
wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng
pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor.
Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos
ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat.
 
3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang
pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral—
kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy
ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa
ikabubuti ng kanyang sulatin.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang
pag-aaral.
Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang
kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga
naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na
magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng akademikong sulatin.
Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba’t ibang sulatin sa
larangan ng akademikong pagsulat.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral
sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.
Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na
pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito,
lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain
para sa kanyang mambabasa.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.
Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong
Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa
kanyang sarili. 
Katangian ng Tekstong Propesyonal
1. Hindimaligoy ang tapik o paksa
2. Komprehensibo ang pagkakapaliwanag
3. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya.
4. Mayaman sa mga impormasyon
5. Bunga ng masusing pag-aaral
6. Inuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao.

III. Gawain
IV. Pagtatasa
V. Sanggunian

You might also like