You are on page 1of 153

KABANATA I

MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

Sa lahat ng nilalang ng Diyos, tao lamang ang binigyan ng


kapangyarihang makapagsalita kaya’t bawat pangkat ng mga tao sa daigdig
ay may kanya-kanyang wikang nagsisilbing pagkakakilanlan. Sa pagsasalita
ng mga tao, anumang pangkat ang kinabibilangan ay may mga komong
gamit, katangian at kahalagahan.

Maliban sa pagsasalita, ginagamit din ang wika sa pagsusulat, ito man


ay sa paraang makaluma o makabago. Sa kahit anumang transaksiyong
personal, akademiko at panlipunan ay kaagapay natin ang wika sa
pagsasakatuparan ng mga ito. Kung kaya’t masasabing hindi matatawaran
ang kahalagahan ng wika saan mang panig ng mundo.

Sa Pilipinas, ang mga mamamayang Pilipino ay nagkakabuklod-buklod


sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wikain. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng
mga pambansang wikang Filipino na pinagsikapang itaguyod ng mga
naunang batikang lider na may malasakit para sa pambansang
pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang nasabing hakbangin ay isang malaking
bahagi ng ating kasaysayan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang wika ay humaharap din sa


mga pagsubok tulad ng tao. Isa sa mga halimbawa nito ay ang kinaharap ng
wikang Filipino sa nakalipas na mga taon – ang muntik nang pagpaslang sa
wikang tagapagbuklod ng mga Pilipino. Ngunit dahil sa kahalagahan ng
wikang Filipino, ipinaglaban ito ng mga grupong may malasakit sa
pambansang pagkakakilanlan.

Kaya, bilang isang kabataang Pilipino, isang kaaya-ayang katangian ang


pagkakaroon ng malawak at sapat na kaalaman tungkol sa wika. Kung kaya’t
inihanda sa kabanatang ito ang mga mahahalagang kaalaman at
impormasyon na magsisilbing inspirasyon ng mga mag-aaral (sa Filipino) na
pahalagahan ang wikang kaloob ng Maykapal.

1
Pangkalahatang Layunin:
1. Matalakay ang mga batayang kaalaman tungkol sa wika tulad ng mga
kahulugan, at kahalagahan ng wika, at
2. Magbalik-tanaw tungkol sa kasaysayan ng wikang Pambansa at sa
magiging kinabukasan nito sa mas mataas na antas ng edukasyon at
lagpas pa.
Aralin 1- Mga Kahulugan at Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang
yaman ng isang kultura at lahi upang mapahusay at mapadali mga
pangangailangan sa lipunan gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang
kalinangan.
Sa araling ito, ating alamin ang mga kahulugan at kahalagahan ng wika
upang ating mabatid ang natatagong kapangyarihan nito.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang alinman sa mga kahulugan ng wika, at
2. Napahahalagahan ang wika ng kinabibilangang pangkat-etniko.

Pagtalakay sa Paksa
Ano ba ang wika?

2
3
“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa isang kultura,” ayon kay
Henry Gleason. Lahat ng wika sa mundo ay magkatulad ng patern ng
balangkas. Nagsimula ang wika sa mga set ng ponema. Ang mga ponemang
ito at pinagdugtong upang makabuo ng morpema. Ang mga morpema naman
ang ginagamit upang makabuo ng pangungusap upang magamit sa diskurso.
Nagiging arbitraryo naman ito sapagkat pinagkasunduan ng mga kasapi ng
kultura ang katawagan at kahulugan sa mga konsepto. Higit sa lahat,
ginagamit ito ng isang kultura dahil nag-ugat ang wika rito. Nakabatay sa
kultura ang lahat ng mga salita at pahayag na matatagpuan sa isang wika.
Kapapansinan na mahirap isalin sa ibang wika ang katawagan ng isang
kultura. Halimbawa na rito ang pinakbbet ng mga Ilocano na kapag isasalin sa
ibang wika sa Pilipinas ay walang maaaring itumbas.
“Ang pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa,”
pahayag ni Charlemagne. Kapag nakapagbasa, nakapagsalita at nakauunawa
ng ibang wika ang tao maliban sa kaniyang unang wika, natututo siya ng
bagong mga kaisipan, ideya, kultura at mga bagong sistema na makatutulong
upang mapagaan at mapahusay ang kaniyang buhay.
Saad naman nina Sampson et.al., “ang wika ay isang obra maestra ni
Picasso, isang komposisyon ni Beethoven o di kaya’y ang kahanga-hangang
pagtatanghal ng mga gymast sa Olympic. Ito ay isang sining. Lumilikha ito ng
kagandahan, pasalita man o pasulat”. Makulay, malikhain at malalim ang
katangian ng wika dahil likha ito ng talino at aking talento ng tao. Bawat wika
ay tumatatak ang gamit nito at nangingibabaw ang angking kakanyahan nito.
Wika naman ni Prof. Virgilio S. Almario, “ang wika mismo ang patunay na
tayo’y may katutubong kultura. Isang wika itong patuloy na nabuhay sa kabila
ng mahanang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa
ating lahi.” Buhay na buhay ang wikang Filipino na nagpapakita ng karanasan,
mithiin, karanasan at kagalingan ng mga Pilipino.
Sa mga ibinigay na pagpapakahulugan sa wika, mapapansinan na
ang wika ay sining ng isang kulturang lumikha nito na nagiging tulay upang
magkaunawaan, magkaroon ng karunungan at makamit ang mga mithiin at

4
mga gumagamit nito kung kaya, tala rin ito ng kaalaman, paniniwala, lunggati,
karanasan, pangarap at kalinangan.
Samantala, hindi mapasusubalian ang papel ng wika sa sarili,
lipunan, kultura, kapayapaan, pagkakaisa at iba pa. Narito ang sumusunod na
mga tiyak na kahalagahan ng wika:
a. Pinakapangunahing kailangan ito upang maipahayag natin ang
damdamin, saloobin kaisipan at iba pa.
b. Nagbubuklod ito ng bansa.
c. Nag-iingat at nagpapalaganap ito ng kaalaman.
d. Lumilinang ito ng malikhaing pag-iisip.
e. Nagpapalaganap ng kaalaman paglalakbay, pagsasalin,
pagtatala ng midyum ng karunungan.

Buod ng Aralin
Sa tinalakay na mga kahulugan ng wika ayon sa iba’t ibang dalubhasa,
kapapansinan ito ng mga komong pananaw. Sa pangkalahatan, ang wika ay
ang ginagamit sa komunikasyon. Isa ito sa iniingatang yaman ng isang kultura
at lahi upang mapahusay at mapadali mga pangangailangan sa lipunan
gayundin sa pagpapaunlad ng kanilang kalinangan. Nabatid din na talagang
hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika na nabuhay sa kabila ng
mahabang pananakop na nagbigay kaalaman at karunungan tungkol sa ating
lahi.”
Pagtataya
Ipaliwanag Mo….
Pumili ng isang kahulugan ng wika batay sa mga tinalakay at
ipaliwanag ito. Magbigay ng dalawang tiyak na halimbawa upang maging
lubos na kapani-paniwala ang iyong pagpapaliwanag. Makikita sa ibaba ang
pamantayan.
Pamantayan sa Pagtataya

Kawastuhan ng Pagpapaliwanag 10

Kaangkupan ng Dalawang Tiyak na 10


Halimbawa

5
Kawastuhan ng Gramatika 5
KABUOAN 25

Magsulat Ka….
Isulat gamit ang sariling diyalekto ng isang awit o tula na matatagpuan
lamang sa iyong pangkat-etniko. Pagkatapos, gawan ito ng buod na nakasulat
na sa wikang Filipino. (20 puntos)

Aralin 2- Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Alam mo ba ang pinagdaanan ng wikang pambansa ng Pilipinas?
Marami sa ating mga Pilipino ang may kakapusan sa kaalaman pagdating sa
ating wikang pambansa sapagkat mas lantad tayo sa paggamit ng wikang
Ingles. Nakababahala ang ganitong pag-iisip nating mga Pilipino sapagkat
hindi uunlad ang wikang Filipino kung salat tayo sa kaniyang pinagdaanan,
tagumpay maging ng kanilang adhika.
Sa araling ito, maglalakbay tayo sa kasaysayan ng ating wikang
pambansa.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakikilala ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng
wikang pambansa, at
2. Napatutunayan ang katangian ng mga naging wikang pambansa ng
Pilipinas.
3. Napahahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng
pagsusulat.

Pagtalakay sa Paksa
Idineklara sa Saligang Batas ng Biak-na-Bato noong 1897 na ang
Wikang Opisyal ng Pilipinas ay wikang Tagalog. Ginamit ang wikang ito sa
mga opisyal na komunikasyon sa pamahalaang itinatag ng mga Pilipino. Ito
rin ang naging simbolismo na nakawala na ang Pilipinas sa pananakop ng
mga Espanyol.

6
Nang masakop naman ng Amerikano noong 1901 ang Pilipinas,
ginamit na panturo sa paaralan ang wikang Ingles ayon sa nakasaad sa Batas
74 ng Phil. Commission. Bunsod nito, nagkaroon ng kabatiran sa wikang
Ingles ang mga Pilipino kung kaya marami na rin ang gumamit nito maging sa
pagsulat ng mga panitikan.
Sa panahon naman ng Komonwelt, naglibot sa buong Pilipinas si
Pangulong Manuel L. Quezon upang malaman ang sitwasyon ng bansa.
Walang isang wika na komon sa lahat ng mga Pilipino kung kaya hindi siya
naunawaan ng kaniyang mamamayan. Kaya naman, isinaad sa Art. 9 Sek. 3
ng 1935 na Konstitusyon na magkakaroon ng pagpapatibay at pagpapaunlad
ng isang wikang pambansa. Upang maisakatuparan ito, itinatag sa ilalim ng
Batas Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 ang Surian ng Wikang
Pambansa (SWP) na siyang mamamahala sa pagpili ng isang wikang
pambansa. Humirang si Pang. Quezon ng kapulungan na pinangunahan ni
Jaime C. De Veyra na taga-Samar bilang Direktor, Cecilio Lopez (Tagalog)
bilang Kalihim at Punong Tagapagpaganap, Santiago A. Fonacier (Ilokano)
bilang Kagawad at mga kasamahang sina Filemon Sotto (Cebuano), Felix R.
Salas Rodriguez (Hiligaynon), Casimiro F. Perfecto (Bikolano) at Hadji Butu
(Muslim). Nagkaroon pa ng karagdagang kagawad na sina Lope K. Santos
(Tagalog), Jose I. Zulueta (Pangasinense), Zoilo Hilario (Kapampangan) at
Isidro Abad (Cebuano) dahil sa sumakabilang buhay si Hadji Butu at may
kapansanan naman si Felimon Sotto.
Nagkaroon ng pamantayan sa pagpili ng wikang pambansa ang SWP
(Austero, C. et al, 2014). Nararapat na ginagamit ito sa sentro ng kalakalan,
industriya at politika ng mayorya ng mamamayang Pilipino. Isa ring
pamantayan ang paggamit ng wika sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan.
Higit sa lahat, ang wika ay may pinakamaunlad na gramatika at mekanismo.
Batay sa naging pamantayan, nakasaad sa ginawang resolusyon ng
SWP noong Nobyembre 9, 1937 na ang Tagalog ang napiling wikang
pambansa. Sinimulan ito sa pagtuturo sa paaralang pampubliko at pribado
noong 1940. Dahil dito, bumuo si Lope K. Santos ng alpabeto na kaniyang
tinawag na ABAKADA. Ang ABAKADA ay binubuo ng 20 titik na ibinatay sa

7
Baybayin. Ang pagbigkas ng mga titik ay may kasamang patinig na “a”.
Kalaunan, ang Wikang Pambansa ay naging Opisyal na Wika na rin ng bansa
noong Hulyo 4, 1946. Nagkaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
Marso 29 hanggang Abril 4 bilang pagbibigay ng pagpapahalaga kay
Francisco Baltazar na tinaguriang “Ama ng Panitikang Pilipino”. Kalaunan,
inilipat ang pagdiriwang ng wikang pambansa sa Agosto bilang pagkilala kay
Manuel L. Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa”.
Tinawag naman na Pilipino ang Wikang Pambansa noong Agosto 13,
1959 sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7. Pinalitan ang katawagan sa
Wikang Pambansa upang tuluyang kumatawan ito sa mga Pilipino at hindi
lamang sa isang pangkat-etniko.
Nagsagawa ng pag-usig si Kongresista Inocencio Ferrer sa SWP
sapagkat ang Pilipino ay isang purista. Sinasabing Tagalog pa rin ang wikang
pambansa dahil lahat ng katangian ng wikang Pilipino ay katulad na katulad
sa Tagalog. Bunsod nito, nagpetisyon sa hukuman ang Pro-Hiligaynon
Society na isang pangkating pangwika na pigilin ang pagpapatupad ng
Pilipino. Hindi man nagtagumpay ang petisyon subalit naging simula ito upang
muling suriin ang wikang pambansa.
Tinawag naman na Filipino ang wikang pambansa sa Konstitusyong
1973. Ang letrang “F” ay kumakatawan sa mga iba pang wika sa Pilipinas
maliban sa Tagalog. Nakabatay kung gayon ang Filipino sa mga wika sa
Pilipinas kung kaya, nagkaroon ng pagpapapasok ng mga salita at pagkilala
sa katangian ng mga wika sa bansa. Nagkaroon din ng pagpasok ng mga
talasalitaan mula sa banyagang wika bunsod sa pagpasok ng teknolohiya at
siyensiya. Ito ang naging sanhi ng pagrerebisa ng alpabeto. Dinagdagan ng
11 titik na C, CH, F, J, LL, N, Q, RR, V, X, Z upang mahiram ang mga salitang
banyaga. Tinawag itong Pinagyamang Alfabeto na binubuo ng 31 titik.
Nagkaroon naman ng pagbabago sa SWP. Tinawag itong Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) na may layuning pangalagaan, paunlarin, pag-aralan
pa ang wikang Filipino upang tuluyan itong maging intelektuwalisado.
Isinaad sa Artikulo XIV seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay Fiipino. Ito ay lilinangin at payayabungin batay sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas. Nagkaroon naman ng pagbabago sa

8
alpabeto upang mas mapahusay ito. Tinawag itong Alpabetong Filipino na
binubuo ng 28 letra. Binibigkas ang mga titik nito nang pa-Ingles maliban sa
isang titik na binibigkas nang pa-Espanyol.

Buod ng Aralin
Bago naabot ang adhikaing magkaroon ng pambansang wikang walang
bahid ng rehiyunalismo, dumaan pa ito sa mahabang proseso. Tumatak sa
kasaysayan ang naging ebolusyon ng wikang Filipino. Patunay lamang ito ng
pagsisikap ni Pangulong Quezon para sa pagkakaroon ng wikang pambansa
na tagapagbuklod ng buong sambayanang Pilipino.
Pagtataya

Kilalanin Mo….
Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. (2 puntos bawat bilang)
_____1. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa”.
a. Manuel Roxas c. Manuel Dialogo
b. Manuel Quezon d. Manuel Hidalgo
_____2. Ito ang artikulo ng Saligang Batas ng 1987 na nagsasaad ng wikang
pambansa ng Pilipinas.
a. Artikulo XIV c. Artikulo XVI
b. Artikulo XV d. Artikulo XVII
_____3. Siya ang unang direktor ng Surian ng Wikang Pambansa.
a. Cecilio Lopez c. Jaime C. de Veyra
b. Casimiro Perfecto d. Hadji Butu
_____4. Ito ang tawag sa pambansang wika noong 1959.
a. Tagalog c. Pilipino
b. Filipino d. Wikang Pilipino _____ 5.
Ito ang pinagbatayan ng wikang Filipino.
a. Tagalog c. mga wika sa Pilipinas
b. Pilipino d. mga dayuhang wika _____
6. Ito ang Saligang Batas na nagsasaad na Filipino ang kasalukuyang
wikang pambansa ng Pilipinas.
a. Saligang Batas ng 1935 c. Saligang Batas ng ng 1987

9
b. Saligang Batas ng 1973 d. Saligang Batas ng Biak-
na-Bato
_____7. Ito ang kasalukuyang alpaebto ng wikang Filipino.
a. Baybayin c. Pinagyamang Alfabeto
b. ABAKADA d. Alpabetong Filipino _____8.
Alin ang hindi wasto tungkol sa ABAKADA?
a. Binibigkas ito na may kasamang patinig na “i”.
b. Pangatlong alpabeto ito ng bansa.
c. Binubuo ito ng 20 na titik.
d. Binuo ni Lope K. Santos

_____9. Alin ang hindi totoo sa wikang Filipino?


a. binubuo ng 28 na titik
b. pambansang wika ito ng Pilipinas
c. nakabatay ito sa mga wika sa bansa
d. binibigkas nang pa-Ingles ang mga titik
_____10. Ano ang kasalukuyang tawag sa Surian ng Wikang Pambansa?
a. Linangan ng Mga Wika sa Pilipinas
b. Komisyon ng/sa Wikang Filipino
c. Kagawaran ng Wikang Filipino
d. Linangan ng Umuunlad na Mga Wika
Patunayan Mo….
Ibigay ang mga hinihiling sa bawat bilang upang mapatunayan ito. (20
puntos)
1. Magbigay ng limang salita sa wikang Pilipino at ibigay ang
kasingkahulugan nito sa wikang Filipino.
2. Magbigay ng dalawang salitang Cebuano na nasa talasalitaan ng
wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap.
3. Magbigay ng dalawang salitang Ilocano na nasa talasalitaan ng
wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap.
4. Magbigay ng dalawang salitang Hiligaynon na nasa talasalitaan ng
wikang Filipino at gamitin ito sa pangungusap.
Magsulat Ka….

10
Sumulat ng isang salaysay na may dalawang talata sa kahit ano mang
paksa gamit ang lima sa nasaliksik na mga salitang Cebuano, Ilocano at
Hiligaynon na nasa talasalitaan ng wikang Filipino. Makikita sa ibaba ang
pamantayan.
Pamantayan Puntos
Wastong Paggamit ng mga Salita 10
Kawastuhan ng Gramatika 5
Wastong Pagbaybay (May isang 5
kabawasang puntos ang bawat maling
baybay)
KABUUAN 20
Aralin 3 - PagtaTAguyod ng Filipino sa Mataas na Antas ng

Edukasyon at Lagpas pa

Nagkaroon ng mga hakbang ang pamahalaan na paslangin ang mga


asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo bilang pagbabawas ng mga
kukuning asignatura ng mga mag-aaral. Ang hakbanging ito ay nakapagbigay
ng pangamba sa mga guro sa Filipino at sa estado ng wikang Filipino lalo na
ang paggamit nito sa akademya at sa pampropesyonal na larangan.
Tatalakayin sa araling ito ang mga binuong konseptong papel at petisyon ng
Tanggol Wika at mga unibersidad na nanguna upang manatiling pagaralan
ang asignaturang Filipino at panitikan sa kolehiyo upang magamit pa sa mas
mataas na antas ng edukayon.

Mga Tiyka na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
1. Nabubuod ang mga petisyon na ginamit sa pagtataguyod ng wikang
Filipino,
2. Nabibigyan ng patunay ang mga siniping pahayag mula sa mga
ginamit na posisyong papel sa pagtatanggol ng asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo, at

11
3. Nakasusulat ng teksto sa Matematika/Agham/Teknolohiya gamit ang
wikang Filipino.

Pagtalakay sa Paksa
Sa simula ng pagpapatupad ng K-12 na kurikulum sa bansa, kumalat
na ang balita tungkol sa plano ng pamahalaan na magkaroon ng pag-aalis ng
mga aralin sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Kung kaya, may posibilidad na
magkakaroon ng pagbubura ng Departamento ng Filipino sa kolehiyo.
Bilang tugon sa nakaaalarmang balak, itinatag ang Tanggol Wika noong
Oktubre 2, 2012. Ang unang hakbang na ginawa ng Tanggol Wika ay
nagpalaganap ng petisyon na humihiling sa CHED at sa Department of
Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng Senior High School,
Junior High School at ng Revised General Education (RGEC) ng K-12 (San
Juan, D.M., et al, 2018).
Dumating nga ang kinatatakutan ng Tanggol Wika sapagkat
lumabas ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013
noong Hunyo 28, 2013 na naglalaman ng pagtatanggal ng mga asignaturang
Filipino at Panitikan sa kolehiyo para mapagaan ang kurikulum dahil
mababawasan ang kukuning asignatura ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
Sa panawagan ng Tanggol Wika na agapan ang pagtatanggal ng Filipino at
Panitikan sa kolehiyo, nagpalabas ng mga posisyong papel ang mga
unibersidad at kolehiyo sa bansa na kaisa ng Tanggol Wika sa pangangalaga
sa kapakanan ng wikang Filipino. Nagbigay naman ng pahayag ang UP
Diliman University Council tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo.
Ipinahayag nila ito sa isinagawang Midya Forum ng Tanggol Wika noong
Hulyo 2014. Makikita sa ibaba ang buong hinalaw na pahayag mula sa
https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikangfilipino-at-panitikan-
sa-kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/.
“…Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili –
at patuloy na paunlarin – ang Wikang Filipino at Panitikan bilang mga
batayang kurso sa General Education Curriculum sa kolehiyo.
Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa
pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan

12
ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at
larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at
panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito
sa pamantasan, bansa, at buhay.
Mataas ang pagpapahalaga ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman
sa wikang Filipino at panitikan bilang kapwa mga asignatura at disiplina na
humuhubog sa makabayan, makatao, at demokratikong aspirasyon ng
pamantasan at bansa. Bahagi ang pagsusulong ng wikang Filipino at
panitikan sa mandato ng 1989 Patakarang Pangwika ng UP – ang
pagtataguyod at pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika ng pagtuturo,
pagsasaliksik, at talastasang-bayan.
Naninindigan kami na ang wikang Filipino ay buháy na teorya at
praktikang mahalaga sa pagbubuo ng bansa. Naninindigan kaming higit na
mapaglilingkuran namin ang mas malawak na mamamayan gamit ang wikang
Filipino. Mandato ng UP, bilang pambansang pamantasan, ang paglingkuran
ang sambayanan, tulad ng nakasaad sa UP Charter (2008) o Republic Act
9500.
Sa sarili naming bakuran, ang mga sentro at dalubhasaan tulad ng
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at ng Sentro ng Wikang
Filipino, ay may mahaba at mayamang tradisyon ng pagsusulong ng wikang
Filipino at panitikan bilang mga larangan at disiplina ng pagtuturo, pag-aaral,
pananaliksik, at pakikipagtalastasang-bayan. Gamit ang wikang Filipino,
patuloy na nakikipag-ugnayan ang UP sa iba’t ibang mga akademikong yunit,
opisina, institusyon, at ahensiya sa loob at labas ng pamantasan. Nagluluwal
ang mga ugnayang ito ng mapanuri, malikhain, makamamamayan, at
makabayang programa at proyekto gamit ang wikang Filipino…”
Dagdag pa rito, nagpalabas din ng apila ang Departamento ng Filipino
ng DLSU, Manila na suriin at rebisahin ang desisyong pagtatanggal ng mga
mandatoring asignaturang Filipino at Panitikan sapagkat may mga nalabag at
nakaligtaan ito. Ginamit ng Tanggol Wika sa pag-apila ang posisyong papel
ng DLSU. Makikita sa ibaba ang hinalaw na mga bahagi ng posisyong papel
mula sa Tanggol Wika.
Una, hindi nagpatawag ng publikong pagdinig o oral arguments ang
Korte Suprema hinggil sa kasong ito, kaya’t ang desisyon ay hindi nakasalig
13
sa komprehensibong pagpipingkian ng mga argumento na maaari sanang
naisabalikat sa pamamagitan ng publikong pagdinig.
Ikalawa, ang desisyon ng Korte Suprema ay tuwirang pagbalewala sa
mandato ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa gampanin ng buong
gobyerno sa pagtataguyod ng wikang pambansa, sariling kultura,
kasaysayan, at nasyonalismo – mga paksang ubod at puso ng mga
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
Ikatlo, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino
ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement o
pakikibahagi sa mga pamayanan ng iba’t ibang mga kolehiyo at unibersidad
sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa
mga komunidad na dapat pinaglilingkuran ng mga institusyong
pangedukasyon sa bansa. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating
pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon
ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang
Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento sa mga
pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga
pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga
kababayan.
Ikaapat, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations
(ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may
inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa
proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang
iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika
at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?
Ikalima, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o
kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit
100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa
mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito
sa ibang bansa.
Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa mga
unibersidad ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at

14
bawat mag-aaral sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang
mga departamento gaya ng Natural Language Processing Department (CCS)
kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino,
pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey instruments mula sa iba’t
ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo,
at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik.
Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa unibersidad,
inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang
gradweyt ng unibersidad sa bansa, sa mataas na antas ng
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong
pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura.
Ikawalo, ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay
nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng
Filipino sa buong bansa – na mga balwarte ng intelektwalisasyon ng Filipino,
ng pananaliksik sa sariling wika sa iba’t ibang larangan.

Ikasiyam, sa diwa ng international benchmarking, dapat bigyang-diin


na ang pag-aaral ng wikang sarili at/o panitikan ay pawang bahagi rin ng mga
required na asignatura sa mga unibersidad sa mga bansang gaya ng Estados
Unidos, Germany, Sweden, Norway, Thailand, at Indonesia.
Ikasampu, ang wikang English, Matematika, Siyensya, at Physical
Education ay pawang itinuturo rin sa basic education, ngunit ngayo’y bahagi
rin ng kurikulum sa kolehiyo sa ilalim ng K to 12, sa porma ng asignaturang
Purposive Communication na sa esensya ay English for Specific Purposes;
Mathematics in the Modern World; Science and Technology for Society; at
Physical Education. Samakatwid, nararapat lamang na may Filipino at
Panitikan din sa kolehiyo, sa diwa ng pagiging patas, balanse, at holistikong
paghubog na siyang dapat ikintal sa General Education.
Malinaw na hindi simpleng usapin lamang ng pagsasalba sa trabaho
ng mga guro ang adbokasing ito. Sa konteksto ng daan-daang taon ang
pagsagpang sa Pilipinas ng kolonisasyong kanluranin, ang adbokasing ito'y
pagsasalba na rin sa sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa salamin ng
ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng

15
nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga
kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.
Nagsampa ng kaso ang Tanggol Wika sa Korte Suprema sa
pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera at kaniyang mga kasamahan laban
kina Pangulong Benigno Simeon Aquino III at Punong Komisyon sa Lalong
Mataas na Edukasyon Dr. Patricia Licuanan. Binigyan ng pansin ng apila ang
mga nalabag na probisyon ng Konstitusyon tulad ng Artikulo XiV, Seksiyon 6;
Artikulo XIV, Seksiyon 14, 15 at 18; Artikulo XIV, Seksiyon 3; Artikulo II,
Seksiyon 17; at Artikulo XIV, Seksiyon 2 at 3; Artikulo II, Seksiyon 18; at
Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Konstitusyon 1987 at sa mga Batas Republika
7104 o “Commission on the Filipino Language Act” (An Act Creating the
Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and
Functions, and For Other Purposes”), Batas Pambansa Bilang 232 o
“Education Act of 1982,” at Batas Republika 7356 o “An Act Creating the
National Commission for Culture and Arts, Establishing National Endowment
Fund for Culture and the Arts, and for Other Purposes.” Ang nasabing
45pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino kaya ito ang itinuturing na
kaunaunahang petisyon na nakasulat sa wikang pambansa at opisyal na
nakasulat sa G.R. No. 217451(San Juan, D.M., et. al, 2018). Kinatigan naman
ng Korte Suprema ang apila ng Tanggol Wika kaya nagpalabas ito ng
temporary restraining order (TRO) na pinalabas noong Abril 21, 2015.
May mga pangkat na gustong kitlin ang bisa ng TRO. Subalit, hindi ito
hinayaan ng mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino lalo na ng Tanggol Wika
at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ang KWF ay nagpalabas ng pahayag
na pinamagatang “Pahayag Hinggil sa Pagtatanggal ng Temporary
Restraining Order (TRO) sa CHED Memorandum Order Blg. 20 S. 2013
Kaugnay ng Desisyon ng Korte Suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451,
217752, 218045, 218098, 218123 at 218465”. Nilagdaan ito ng mga guro sa
unibersidad at kolehiyo sa buong bansa noong Nobyembre 2018 sa
ipinatawag na forum ng KWF. Makikita sa ibaba ang mga buong hinalaw na
pahayag mula sa www.kwf.gov.ph.
SAPAGKAT, minamahalaga na noon pang panahon ni Rizal ang
pagbuo at pagpapatatag ng isang nasyon sa pamamagitan ng pagkakaroon

16
ng isang wikang magbibigkis at magpapahigpit ng pagkakaisa ng mga
mamamayan nito.
SAPAGKAT, itinakda na noon pa man sa 1935 Konstitusyon na dapat
bumuo ng wikang pambansang batay sa mga wikang katutubo upang maging
tulay na wika ng lahat Filipino.
SAPAGKAT, itinatakda at kinikilala noon pa man sa 1973 at 1987
Konstitusyon ang gampanin ng wikangFilipino bilang wikang pambansa at
wika ng edukasyon ng gamiting wikang panturo ang wikang Filipino at
opsiyonal ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo.
SAPAGKAT, magkakapamilya ang mga katutubong wika ng Pilipinas, higit na
epektibo ang wikang Filipino bilang tulay na wika ng bansa kaysa anumang
banyagang wika.
SAPAGKAT, napakahalaga na patuloy na isulong at palaganapin ang
paggamit, pag-aaral, at pagkatuto ng Filipino mulang batayan, lalong mataas
na edukayson hanggang sa patuluyang paggamit, pag-aaral at pagkatuto nito
sa iba’t ibang larang tungo sa paglinang at sa pagpapaigting ng pambansang
kamalayan at identidad.
SAPAGKAT,humihirang ang Commission on Higher Education (CHED)
ng mga sentro ng pagpapaunlad (center of development) at sentro ng
kahusayan (center of excellence) sa programang Filipino na lunsaran ng guro
sa Filipino, mahalaga na bumalik sa sistema ng edukasyon ang mga
natutuhan ng mga guro ang maging angkop ang kasanayan nila sa antas ng
kanilang pinaglingkuran para sa patuluyang pagpapakadalubahsa sa
pagaaral sa wika, panitikan, pagsasalin at malikhaing pagsusulit.
SAPAGKAT, mahalaga ang mga gampanin ng mga gurong Filipino sa
paglinang at pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at identidad at
isang banta sa kanilang kabuhayan at propesyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino at panitikan sa antas tersyarya.
SAPAGKAT, kinakailangang magkaroon ng pagpapalakas sa paggamit
at katatasan sa wikang Filipino sa pananaliksik at pagsasalin upang
mapaunlad ang paggamit nito sa pandalubhasang larang.
SAPAGKAT, isang realidad pa rin na Ingles ang nananatiling
dominanteng wika sa lalong mataas na edukasyon at kaunti o hindi

17
nabibigyan ng pagkakataon ang paggamit at paglinang ng Filipino at
alinsunod sa mandating 1987 Konstitusyon, at upang higit na matutuhan at
maisaloob ng mga mag-aaral ang wika at panitikang Filipino sa kanilang
buhay at mas maunawaan ang mga serbisyong propesyonal gaya ng batas,
medisina na inihahandog sa karaniwang Filipino.
SAPAGKAT, sa pandaigdigang pananaw ang wikang Filipino ay isa ng
wikang global at isang mahalagang kasangkapang pangkultura para sa mga
gawaing diplomatiko at sangkap sa pagkakatatag ng Philippine Studies sa
iba’t ibang unibersidad sa mundo.
SAPAGKAT, bagaman kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
ang diwa at mithiing reporma sa lalong mataas na edukasyon ng CHED
Memorandum Order Blg. 20, s. 2013, minabuti ng KWF na magpatibay ng
mga kapasiyahan at hakbanging higit na magtataguyod sa wika at panitikang
Filipino sa pamamagitan ng:
(a) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 14-26, s. 2014 na naglilinaw sa Tindig
ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) hinggil sa Commission on
Higher Education Blg. 20, s. 2013 at may petsang 20 Hunyo 2014
(b) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 14-45 s. 2014, na nagpapatupad ng
proyektong Paghahanda ng mga Pangunahing Sanggunian para sa
General Education Course sa Tersyarya na nasa wikang Filipino at
may petsang 12 Disyembre 2014.
(c) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 15-28, s. 2015, na nagpapatibay sa
Pambansang Progmara sa Intelektuwalisasyon ng Filipino (PPIF) at
may petsang 1 Disyembre 2015.
(d) Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 15-37, s. 2015, na nagpapatibay sa
Filipino bilang wika ng Lalong Mataas na Edukasyon at may petsang 2
Disyembre 2015 – na hindi binigyang pansin ng CHED.
SAPAGKAT, ang CHED ay nagpatibay ng mga kautusan at pahayag na
nagtataguyod sa mga kahilingan ng sambayanan kaugnay ng pagtuturo ng
wika at panitikang Filipino sa lalong mataas na edukasyon sa pamamagitan
ng:
(a) Statement of the Commission on Higher Education on Filipino at the
Revised General Education Curriculum (CMO No. 13. Seies of 2013)
at may petsang 27 Nobyembre 2014.
18
(b) CHED Memorandum Order Blg. 57, s. 2017 re: Policy on the offering of
the Filipino subjects in all Higher Education Programs as part of the
new General Education Curriculum per CHED Memorandum
(c) CHED Memorandum para sa mga pangulo at puno ng lahat ng publko
at pribadong higher education institution at sentral at rehiyonal na
direktor re Classification on the offering of Filipino and Panitikan
courses in all Higher Education programs at may petsang 11 Hulyo
2017 at
(d) CHED Memorandum Order Blg.4, s. 2018 re Policy on the offering of
Filipino and Panitikan subjects in all hiher institution programs as part
of the new General Education Curriculum at may petsang Abril 2018.
SAPAGKAT, nagpasya ang Korte Suprema hinggil sa konstitusyonal ng
CHED Memorandum Order Blg. 13, s. 2013, na nakapaloo bilang ng
konsolidadong pagpapasiya sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045,
218098, 218123, at 21846, at may petsang 9 Oktubre 2018.
SAPAGKAT, sinusuportahan ng KWF ang tungkuling moral sa
rekonsiderasyon ng mga petisyoner gaya ng Tanggol Wika at iba pa.
IPINAPASIYA, gaya ng ginagawang pagpapasiya ngayon, na bilang
tugon sa pasiya ng Korte Suprema ay mariing ipinaalala ng KWF ang
tungkuling moral at legal ng pamahalaan na pangalagaan at pagyamanin ang
mga karunungan ng bayan sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapaunlad ng
wika at panitikang pambansa, mariing isinigiit na magaganap lamang ang
holistiko at makabayang edukasyon ng kabtaang Filipino kung ganap na
babalikatin at isasaloob ng mga institusyon ng pamahalaan ang mga
probisyong pangwikana inilatag sa 1987 Konstitusyon, at mariing
ipinagugunita ang mga pagpapakahulugan sa Konstitusyon ay hindi
nahahanggahan ng mga teknikalidad at bagkus dapat itong maging
pagpupunyagi para sa pagtatanggol sa tunay na kalooban ng sambayanang
Filipino.
IPINAPASIYA din, na pinaaalalahanan ng mga administradorng Higher
Education Institutions (HEIs) na nasa sugnay ng CHED Memorandum Order
Blg. 13, s. 2013 ang pagtuturo ng mga kurso sa general education at electives
gamit ang wikang Filipino.

19
IPINAPASIYA pa, na matinding hinihimok ng KWF ang CHED na ituloy ang
pagpapatupad ng nilalaman ng CMO Blg. 4, s. 2018 na nagpapanatili ng anim
hanggang siyam na yunit ng Filipino at anim na yunit ng Panitikan at
pagpapataas ng antas ng pagtuturo ng mga kursong ito.
IPINAPASIYA din, na nararapat panatilihin ng HEIs ang mga guro sa Filipino
at tiyaking hindi mababawasan ang kanilang karapatan bilang mga
manggagawang pangkultura ng bansa at maging tagapanguna ang mga HEI
sa pagpapalakas ng paggamit ng wikang Filipinosa pagtuturo ng mga kursong
GEC.
IPINAPASIYA sa wakas, na nararapat na ang mga administrador ng
HEI ay pahintulutan at paglaanan ng higit na tangkilik ang mga guro sa
Filipino upang makalahok sa mga pagsasanay para sa GEC, gaya ng
isinasagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino, upang maging handa sa
pagtuturo ng mga bagong kurso sa general education.
Pinagtibay ng mga delegdo ng Pambansang Konstitusyon hinggil sa Wika at
Panitikang Filipino sa Antas Tersyarya na ginanap noong 16 Nobyembre
2018 sa Bulwagang Romualdez, Gusaling Watson, Klaye JP Laurel, San
Miguel, Maynila.

Buod ng Aralin
Tulad ng tao, ang wika ay dumaranas din ng mga pagsubok. Ang
tangkang pagpaslang sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa antas
tersyarya ay isang matinding pagsubok sa tanang buhay ng Pambansang
Wikang Filipino. Subalit gaano man katindi ang pagsubok ay hindi nito
magagapi ang isang wikang matatag – pinatatag ng mga tao o pangkat ng
mga taong may tunay na malasakit sa ating pambansang wika.
Ang pakikipaglaban ng Tanggol Wika sa ating Pambansang Wikang
Filipino na sinuportahan ng mga kolehiyo at unibersidad sa ating bansa ay
isang patunay na gaano man kalakas ang bagyo ay hindi nito kayang
patumbahin ang ano mang bagay na sagad sa katatagan.

Pagtataya

20
Buodin Mo….
Buodin nang malinaw at mahusay ang mga punto ng mga
sumusunod:
1. Pahayag ang UP Diliman University Council tungkol sa pagpapanatili
ng Filipino sa Kolehiyo
2. Posisyon Papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU
3. “Pahayag Hinggil sa Pagtatanggal ng Temporary Restraining Order
(TRO) sa CHED Memorandum Order Blg. 20 S. 2013 Kaugnay ng
Desisyon ng Korte Suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752,
218045, 218098, 218123 at 218465”

Patunayan Mo….
Patotohanan ang mga piling siniping pahayag mula sa mga ginamit na
posisyong papel upang magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.
1. “…Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at panitikan sa kolehiyo,
bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito sa
pamantasan, bansa, at buhay.” Ibigay ang pamagat at maikling
deskripsiyon ng mga Asignaturang Filipino at Panitikan na ipinakukuha
sa Sultan Kudarat State University
2. “…ito'y pagsasalba na rin sa kolektibong identidad ng mga Pilipino, sa
salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at
pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga
estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng
ating bansa.” Magbigay ng dalawang patunay alinman sa sinasalba ng
wikang Filipino.
3. “…mas maunawaan ang mga serbisyong propesyonal gaya ng batas,
medisina na inihahandog sa karaniwang Filipino…” Magbigay ng
dalawang patunay.

Bumuo Ka….
Magsulat ng isang pagtalakay ng paksa sa Matematika o Agham o
teknolohiya bilang patunay na ang wikang Filipino ay wika ng akademya.
21
Makikita sa ibaba ang pamantayan.

Pamantayan sa Pagtataya

Kawastuhan ng Nilalaman 15

Kaangkupan ng Panghihiram at 15
Pagsasalin
Kawastuhan ng Gramatika 15
KABUUAN 45

Mga Sanggunian

Aklat
Almario, V. et.al. (2013). Ortograpiyang pambansa. Maynila: Komisyon sa
Wikang Filipino.

Austero, C., et al. (2014). Komunikasyon sa akademikong filipino. Manila:


Rajah Publishing House.

Bernales, R., et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at global na


konteksto. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Hufana, N., et al. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Lungsod ng


Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon

22
sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc.

Elektroniko
“Pahayag hinggil sa pagtatanggal ng temporary restraining order (TRO) sa
CHED memorandum order blg. 20 S. 2013 kaugnay ng desisyon ng korte
suprema sa G.R. Blg. 216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123 at
218465”. (n.d.) Kinuha mula sa www.kwf.gov.ph

“Panatilihin at pagyamanin ang wikang Filipino at panitikan sa kolehiyo”. (n.d.)


https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikang-filipino-at-panitikansa-
kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/.

“Posisyong papel ng Departamento ng Filipino”. Kinuha mula sa


https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-
ngdepartamento-ng-filipino-ng-de-la-salle-university-
manilatan/2197404793880743/

KABANATA II

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA


KOMUNIKASYON

Introduksiyon

Tayo’y nabubuhay sa daigdig ng mga impormasyon. Mga impormasyong


hango sa pang-araw-araw na pangyayari sa lipunang ating ginagalawan. Ang
mga ito’y ating natatanggap nang personal o impersonal. Sa paghatid at
pagtanggap ng mga impormasyon, nagkakaroon ng tinatawag na
komunikasyon – isang prosesong naglalayong magkaunawaan ang mga tao.
Likas sa atin ang pagpapahalaga sa mga impormasyong natatanggap, ito
man ay mula sa aklat o sa internet. Kaugnay nito, nararapat na tayo’y maging
mapanuri. Ayon nga sa isang kasabihan, “Ang taong naniniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili.” Sa ibang salita, hindi lahat ng naririnig at nababasa

23
nating mga impormasyon ay dapat tanggapin agad. Kailangan nating maging
mapanuri upang makaiwas sa kapahamakan.
Sa hangarin nating makakuha ng kapaki-pakinabang na impormasyon,
nagiging mapili tayo sa mga batis o daluyan ng karunungan na gagamitin.
Lalo na sa kasalukuyan, halos lahat ng mga impormasyong kinakailangan ay
makukuha agad sa simpleng pagpindot lamang sa keyboard ng kompyuter,
laptap, cellphone, at iba pang gadyet. Sa panahong digital, lalong higit na
kailangan ang pagpili at pagklasipika ng mga impromasyong totoo at huwad.
Sa hangaring magabayan ang mga mag-aaral sa tamang pagpoproseso ng
mga impormasyon ay inihanda ang kapaki-pakinabang na mga aralin sa
kabanatang ito. Matutunghayan dito ang mga butil ng karunungan na
makatutulong sa mga mag-aaral para maging mapili at mapanuri sa
pangangalap ng mga impormasyon.

Pangkalahatang Layunin:
1. Mapalalim ang kaalaman sa katuturan, elemento, uri at antas ng
komunikasyon.
2. Mailapat ang mga kasanayan sa pangangalap ng impormasyon sa
sariling konteksto.

Aralin 1 - KomunikasyoN
Nakikipagtalastasan tayo araw-araw. Isa ito sa ating Gawain upang
patuloy tayong mabuhay, matuto, at matamo ang ating mga pangangailangan.
May mga taong sadyang magaling makipag-usap subalit may iba namang
hindi nakukuha ang tugon na inaasahan sa kausap. Sa araling ito, pag-
aaralan natin ang katangian, elemento, uri at mga antas ng komunikasyon
upang mapabisa pa ang pakikipagtalastasan natin.

Mga Tiyak na Layunin:

24
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang proseso, katangian at elemento ng komunikasyon,
2. Naaanalisa ang mga pahayag hinggil sa proseso, elemento at mga uri
ng komunikasyon, at
3. Nakabubuo ng isang makabuluhang proyekto gamit
ang pakikipagtalastasan.

Pagtalakay sa Paksa
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Dalawang daan
ang proseso nito upang maipakita ang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
taong nakikipagtalastasan.
Ang komunikasyon ay binubuo ng mga elemento. Ang bawat elemento
ng komunikasyon ay may kani-kaniyang gampanin upang mapahusay ang
daloy ng pakikipagtalastasan. Makikita sa talahanayan ang mga ito.
Tunghayan.

Mga Elemento Gampanin sa Komunikasyon


1. Tagahatid Tungkulin ng tagahatid na
maging tagapag-encode ng
mensahe. Kung kaya,
responsibilidad niyang mag-isip
ng mensahe na angkop sa
konteksto ng pag-uusap,
bakgrawnd ng tagatanggap,
maging ang angkop na daluyan
ng mensahe.

25
2. Tagatanggap Tungkulin ng tagatanggap na
maging tagapag-decode ng
mensaheng ipinadala ng
tagatanggap. Gampanin niyang
unawain nang mabuti ang lahat
ng mensahe at magbigay ng
angkop na tugon.

3. Konteksto Dito nagaganap ang


komunikasyon. Kasangkot dito
ang pisikal, sosyal at kultural na
konteksto.

4. Mensahe Ito ang ipinadadala ng


tagapaghatid. Maaaring berbal o
di-beral o pinagsamang berbal at
di-berbal. Kinangailangang
napakalinaw ng pagkakahatid
upang makuha ang wastong
tugon.

5. Tsanel/Daluyan/Midyum Ito ang instrumento upang


maipadala nang maayos ang
mensahe. Sensori at
institusyonal ang dalawang uri
nito.

26
6. Tugon Pinag-iisipang mabuti ng
tagatanggap batay sa
ipinadalang mensahe ng
tapaghatid. Tuwiran, di-tuwiran
at naantala ang tatlong uri ng
tugon. Tuwiran tugon kapag
gumamit ng berbal. Di-berbal
naman ang di-tuwirang tugon
samantala, gumagamit naman
ng elektroniko ang naantalang
tugon.

Berbal at di-berbal ang dalawang uri ng komunikasyon. Ang berbal na


komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at
epektibo ang pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang
nakikipagtalastasan sa gramatika ng wika, mga uri ng pagpapahayag maging
estilo ng pagpapahayag.
Ang di-berbal naman ay may layuning ulitin ang berbal na pahayag,
komplemento sa isang mensahe, panghalili sa isang berbal na mensahe,
nagbibigay ng diin sa bigat ng tiyak na salita o pahayag at hudyat kung
magsasalita na o hindi pa ang kausap (Austero, C. et al, 2013). Narito ang
mga pag-aaral sa di-berbal na komunikasyon.

Mga Pag-aaral Pokus ng Pag-aaral Mga Halimbawa


a. Proxemics Pag-aaral ito sa Masyadong Malapit =
kahulugan ng magkaibigan
distansiya o pagitan sa May sapat na distansiya
mga nag-uusap. = magkatrabaho
b. Chronemics Pag-aaral ito sa oras at Pagtawag ng madaling
panahon. araw sa cellphone =
importante
Pagdating ng huli sa klase
= iresponsable,

27
hindi interesado
c. Haptics Pag-aaral ito sa Pagtapik sa balikat =
kahulugan ng kumpas pakikiramay o
ng kamay.
pakikisimpatya
Panduduro = may utang
o pangmamaliit

d. Kinesics Pag-aaral naman ito sa Pagtango = sang-ayon


galaw ng katawan at Pagtayo nang matuwid =
ekspresyon ng mukha. may tiwala sa sarili

e. Objectivs Pag-aaral ito sa Singsing sa


kahulugan ng mga palasinsingan sa kanang
bagay.
kamay = kasal na
Pagsuot ng makabagong
damit = sunod sa uso

f. Vocalics Pag-aaral ito sa Pasigaw = galit


kahulugan pagtaas at
pagbaba ng boses o
tinig sa pagsasalita.

g. Oculesics Nakatuon ang pagaaral Tinging Pailalim =


na ito sa kahulugan ng pangiinsulto
mata.
Panlalaki ng mata = galit
h. Colorics Pinag-aaralan dito ang Itim na damit =
kahulugan ng kulay. nagluluksa

i. Olfactorics Pag-aaral ito sa Paglagay ng pabango =


kahulugan ng amoy. binata/dalaga/presentable

j. Iconics Nakatuon ito sa watawat= kalayaan


kahulugan ng mga
simbolo.

k. Pictics Nakapokus ito sa Pagsimangot =


galaw ng mukha. nagrereklamo

Ang pagsasama ng dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa


upang maging malinaw, simple, tiyak at buo ang pakikipagtalastasan.
28
Mayroon namang tatlong antas ng komunikasyon – komunikasyong
intrapersonal, komunikasyong interpersonal at komunikasyong
pampubliko. Nakatuon ang intrapersonal sa pansariling pakikipagtalastasan.
Nagaganap naman ang komunikasyong interpersonal sa pagitan ng dalawang
tao o di kaya’y sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. Ang
komunikasyong pampubliko naman ay nangyayari sa pagitan ng isa at
malaking pangkat ng mga tao (Bernales, R., et al, 2018).

Buod ng Aralin
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao. Binubuo ng mga
element tulad ng tagahatid, tagatanggap, konteksto, mensahe,
tsanel/daluyan/midyum at tugon.
May dalawang uri ng komunikasyon, ang berbal at di-berbal. Ang berbal na
komunikasyon ay gumagamit ng mga titik. Upang mas maging malinaw at
epektibo ang pagpapahayag, kailangang may kabatiran ang
nakikipagtalastasan sa gramatika ng wika, mga uri ng pagpapahayag maging
estilo ng pagpapahayag. Ang di-berbal naman ay may layuning ulitin ang
berbal na pahayag, komplemento sa isang mensahe, panghalili sa isang
berbal na mensahe, nagbibigay ng diin sa bigat ng tiyak na salita o pahayag
at hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap. Ang pagsasama ng
dalawang uri ng komunikasyon ay napakabisa upang maging malinaw,
simple, tiyak at buo ang pakikipagtalastasan.

Pagtataya
Ipaliwanag Mo….

29
Ipaliwanag nang maikli ngunit malinaw ang kasagutan sa mga tanong
sa ibaba. (5 na puntos bawat bilang)
1. Paano nagaganap ang proseso ng komunikasyon?
2. Paano nagiging hudyat kung magsasalita na o hindi pa ang kausap
gamit ang di-berbal?
3. Ano ang maibibigay mong halimbawa sa intrapersonal na antas ng
komunikasyon?

Analisahin Mo….
Analisahin ang sumusunod na pahayag sa bawat bilang. Isulat ang
sang-ayon kung wasto ang pahayag samantala, isulat naman ang hindi
sangayon kung hindi wasto ang pahayag. Alinman sa dalawa ang sagot,
magbigay ng isang tiyak na patunay. (5 puntos bawat bilang)
1. Matatawag pa rin na komunikasyon kung nagbigay ng hindi angkop na
tugon ang tagatanggap ng mensahe.
2. Hindi naiimpuwensiyahan ng emosyonal na salik ang pormal na
pakikipagtalastasan.
3. Mas nauunawaan ang di-berbal na uri ng komunikasyon kaysa sa
berbal.

Bumuo Ka….
Magsagawa ng isang impormal na pakikipanayam sa isang karaniwang
manggagawa tungkol sa nararanasang suliranin dulot ng pandemya. Batay sa
kaniyang sagot, bumuo ka ng isang simpleng proyekto para matugunan ang
kaniyang suliranin. Makikita sa ibaba ang mga detalye sa bubuoing proyekto.
(50 puntos)
1. Buod ng Pakikipanayam at Larawan
2. Pangalan ng Proyekto
3. Mga Inaasahang Awtput
4. Panahon ng Pagsasagawa
5. Paraan ng Pagsasagawa

30
Aralin 2 - Pagpili ng Batis ng Impormasyon
Nagpapakita ng kredebilidad ang pagsulat na may pinagkunan ng datos.
Ito ang nagsasaad na ang isang panulat ay sinaliksik at hindi gawa-gawa
lamang kaya higit na mapagkakatiwalaan. Batid mo ba ang mga uri ng batis
ng impormasyon at mga pamantayan sa pagpili nito?

Sa araling ito, pag-aralan natin ang kahulugan, uri at pamantayan sa


pagpili ng batis ng impormasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakikilala ang mga primarya at sekundaryang batis ng impormasyon, at
2. Nakabubuo ng sulatin gamit ang mga nakalap na impormasyong primarya
at sekundarya.

Pagtalakay
Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga
katunayan upang makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang
isyu, penomenon o panlipunang realidad (San Juan, D.M., et al., 2018).
Nakatutulong ang batis ng impormasyon upang maipakitang
mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na ideya pasalita man o
pasulat.
Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng
impormasyon. Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na
direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomenon ang
primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman sa primaryang
batis ang sekundaryang batis.
Makikita sa talahayanan ang mga halimbawa ng dalawang uri ng batis na
kinuha mula kina San Juan, D.M., et al., (2018).
Primaryang Batis Sekundaryang Batis
Harapang ugnayan sa kapuwa-tao Teksbuk Encyclopedia
*pagtatanong-tanong

31
*pakikipagkuwentuhan Diksyonaryo Manwal at
*panayam gabay na aklat

*pormal o impormal na talakayan


*umpukan
*pagbabahay-bahay
Mula sa mga materyal na Komentaryo
nakaimprenta sa papel na may Sanaysay
kopyang elektroniko Sipi mula sa orihinal na pahayag
*awtobiyograpiya Abstrak
*talaarawan
*sulat sa koreo at email
*tesis at disertasyon
*sarbey
*artikulo sa journal
*balita sa radio, diyaryo at telebisyon
*mga record sa tanggapan ng
pamahalaan
*orihinal na dokumento
*talumpati at pananalita
*larawan at iba pang biswal na grapika

May mga nararapat ding tandaan sa pagpili ng batis ng impormasyon.


Makikita sa talahanayan ang mga pamantayan sa pagtataya ng mga
impormasyong nakalap mula sa www.scribd.com/presentation.

Pamantayan sa Pagtataya ng mga Impormasyong Nakalap


Mga Pamantayan Mga Nararapat Tayahin
1. Kabaguhan ➢ Kailan sinulat ang impormasyon
o inilathala?
➢ Nirebisa ba o ina-update ang
impormasyon?
➢ Nangangailangan ba ng
kasalukuyang impormasyon o

32
maaari din bang gumamit ng
matagal ng impormasyon ang
paksa?
➢ Maa-access pa rin ba ang link na
ginamit?

2. Kahalagahan ➢ May kaugnayan ba sa iyong


paksa o sumasagot sa iyong
tanong ang impormasyon?
➢ Sino ang inaaasahang
tagapakinig o tagapagbasa ng
iyong sulatin?
➢ Angkop ba sa antas ng
awdyens ang impormasyong
nakalap?
➢ Naghanap ka ba ng iba’t ibang
sanggunian bago mo pinili o
ginamit ang nasabing
sanggunian?
➢ Komportable ka bang banggitin
ang sanggunian sa iyong
sulatin?

3. Awtoriti ➢ Sino ang awtor o pinagmulan?


➢ Ano-ano ang mga kwalipikasyon
o kinasasapiang organisasyon
ng awtor?
➢ Kwalipikadong bang magsulat
ng paksa ang awtor?
➢ Mayroon bang impormasyon
kung saan maaaring makontak
ang awtor?
➢ Nagbibigay ba ng impormasyon
ukol sa awtor o sanggunian ang

33
pinagkuhanang impormasyon?
4. Kawastuhan ➢ Saan nanggaling ang
impormasyon?
➢ Gumagamit ba ng sapat na
ebidensya ang impormasyong
nakalap?
➢ Nirebyu ba o tinaya
ang impormasyon?
➢ Mabeberipika mo ba ang
impormasyon sa iba pang
sanggunian?

Buod ng Aralin
Ang pagpili ng batis ng impormasyon ay nagpapakita ng kredibilidad ng
pagsulat na may pinagkunan ng datos. Ito ang nagsasaad na ang isang
panulat ay sinaliksik at hindi gawa-gawa lamang kaya higit na
mapagkakatiwalaan.
Tumutukoy ang batis ng impormasyon sa pinagmulan ng mga katunayan
upang makabuo ng mga pahayag ng kaalaman tungkol sa isang isyu,
penomenon o panlipunang reyalidad. Nakatutulong ang batis ng impormasyon
upang maipakitang mapagkakatiwalaan at makatotohanan ang inilatag na
ideya pasalita man o pasulat.
Primarya at sekundaryang batis ang dalawang uri ng batis ng
impormasyon. Nakatuon sa orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na
direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon na nakaranas,
nakaobserbal, o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomenon ang
primaryang batis ng impormasyon. Samantala, batay naman sa primaryang
batis ang sekundaryang batis.

34
Pagtataya

Kilalanin Mo….
Isulat ang malaking titik na PB kung ang halimbawang ibinigay ay
Primaryang Batis, at malaking titik na SB naman kung ito ay Sekundaryang
Batis.
_____ 1. Panayam _____ 6. Teksbuk
_____ 2. Tesis _____ 7.
Talaarawan
_____ 3. Disertasyon _____ 8.
Diksyonaryo
_____ 4. Pagmamasid _____ 9. Sarbey
_____ 5. Pananaliksik _____ 10. Abstrak

Bumuo Ka….
Pumili sa kahon ng isang paksa at talakayin ito sa loob ng dalawang
talata. Salungguhitan nang isang beses ang lahat ng primaryang
impormasyon samantala, salungguhitan naman nang dalawang beses ang
lahat ng sekundaryang impormasyon. Makikita sa ibaba ang pamantayan sa
pagwawasto ayon sa pamantayan sa pagtataya ng impormasyong nakalap.
a. Epekto ng Pandemyang Covid -19 sa Pagsasama-sama ng Pamilya
b. Epekto ng Online Class
c. Karanasan ng mga Frontliner sa Pagpigil sa Pandemya
d. Kasiyahan sa Online Marketing

Pamantayan sa Pagtataya

Kabaguhan 10

Kahalagahan 10
Awtoriti 10
Kawastuhan 10
Primaryang Impormasyon 10
Sekundaryang Impormasyon 10
KABUUAN 60

35
Aralin 3 - Pamamaraan ng Pagbabasa/Pananaliksik ng
Impormasyon
Kinakailangang mapananaligan ang tekstong binabasa kaya naman
nararapat na nagtataglay ito ng katotohanan. May mga paraan ng
pangangalap ng impormasyon para maipakita ang katotohanan sa iyong mga
datos. Alam mo ba ang mga ito?
Sa araling ito, tatalakayin ang mga paraan ng pagpili ng impormasyon at
mga intrumentong gagamitin.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Natutukoy ang iba’t ibang mga pamamaraan sa pananaliksik ng
impormasyon, at
2. Nagagamit sa pagsulat ang kaalaman sa pamamaraan sa pananaliksik
ng impormasyon.

Pagtalakay sa Paksa
Maraming disenyo ang pananaliksik. Kaakibat nito, nagkakaroon ng
angkop na pamamaraan upang maisagawa ito. Ang pamamaraan na pinili
ang magiging landas ng pananaliksik. Ito ang magbibigay ng ideya kung
paano katatawanin ang pag-aaral sa paksa, alin ang dapat tingnan at
tanungin at paano dapat tumingin at magtanong (Salazar, J. & Lim, M.B.,
2017).
Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pangangalap ng datos upang
makakalap ng impormasyon.
1. Interbyu o Pakikipanayam. Paraan ng pangangalap ng datos na
isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong. Maaaring pormal ito o
dipormal. Binibigyan ng mga tala ng tanong ang taong kapananayamin sa
pormal na interbyu upang makapaghanda nang lubusan ang kapananayamin.
Samantala, ang tagapanayam lang ang may alam sa mga itatanong sapagkat
katulad lamang sa nagkukuwento o nagtatalakayan ang daloy ng interbyu.

36
Makikita sa talahanayan ang mga nararapat gawin at isaalang-alang sa
pagsasagawa ng pakikipanayam.
Bago ang Habang Pagkatapos ng
Pakikipanayam Nakikipanayam Panayam
✓ Pumili ng ✓ Dumating ✓ Kung
nang maaga nakavideo o
kakapanayamin.
recorder ay
sa lugar na itala ang
pagdarausan. mga ideya
ng
napagusapa
n.

✓ Makipagkasundo sa ✓ Maging magalang ✓ Ipaliwanag


oras. at sensitibo at suriin ang
sa
kinakapanayam resulta.

✓ Pag-isipang mabuti ✓ Gawing ✓ Bigyan ng


ang mga katanungan kasiyasiya at kopya ng
na naaayon sa kapana- output ang
paksa. Itala ito panabik kinapanaya
ayon sa ang m.
pagkakasunodsuno usapan.
d.

✓ Ihanda ang mga ✓ Huwag


kagamitan tulad ng magpaligoy-
panulat, papel,
tape recorder, ligoy sa
camera at video. katanungan.
Tumbukin
agad ang
nais
malaman.
✓ Ihanda ang ✓ Ipakita ang
kasuotan na kawilihan sa
babagay sa pakikinig.

sitwasyon. Huwag

37
pigilan ang
pagsasalita
ng kausap.

✓ Itala ang mga


napag-
usapan.
I-video at
kuhanan ang
pag-uusap.
✓ Magpasalamat
sa
kinakapanaya
m

2. Focus Group Discussion o FGD. Ginagamit ito kung nais makakalap


ng malalimang impormasyon sa maikling panahon tungkol sa ideya at
opinyon ng komunidad sa isang paksa. Ito ay planado sapagkat may
balangkas ng mga tanong na inihanda na nagsisilbing giya sa daloy ng
pangangalap ng datos (www.odi.org ).
Binubuo ng 8-12 katao ang pangkat subalit mayroon ding binubuo lamang
ng 6 katao. Mayroong tagapagdaloy (moderator) na siyang namamahala sa
takbo ng pangangalap ng datos. Ang mga kalahok ay may magkatulad na
backgronnd. Kailangang piliing mabuti ang mga kalahok upang
makapagsalita, makapagbahagi at makatugon sila sa tanong ng tagapagdaloy
maging sa sagot ng kanilang kasamahan nang hindi naaasiwa. Narito ang
mga hakbang sa pagsasagawa ng FGD (www.herd.org.np)

Bumuo ng pangkat Bumuo ng


Tukuyin ang uri ng na mamamahala balangkas ng mga mga kalahok ayon
sa FGD na tanong at pormat sa kinakailangan sa
pag-aaral. binubuo ng ng pagrekord ng tagapagdaloy. mga
sagot.

Magsagawa ng Isagawa ang Sanayin ang pangkat

38
pagtranskriba, GFD. na mamamahala sa pag-analisa at FGD at subukin din
interpretasyon sa ang binuong
mga tugon ng balangkas mga kalahok.

May mga nararapat at hindi rin nararapat gawin sa FGD


(www.herd.org.np). Tunghayan ang nasa talahanayan.
Dapat Hindi Dapat

39
✓ Gumawa ng balangkas ng  Huwag magtanong ng mga
mga tanong. tanong na nasasagot ng
✓ Magsuot ng kasuotang “oo” o “hindi” sapagkat hindi
angkop sa pangangalap ng nagbibigay ng daan sa
datos. pagpapaliwanag.
✓ Ipaliwanag sa pangkat ng  Huwag magtanong nang
mga kalahok na magiging sunod-sunod.
kumpedensiyal ang mga  Huwag sabihin o iparamdam
impormasyong makakalap at na hindi wasto ang sagot ng
ipaliwanag din kung saan kalahok.
gagamitin ang makakalap na  Huwag magbigay ng sariling
datos. opinyon, ideya, pananaw o
✓ Simulan sa mga bukas na karanasan.
tanong ang FGD.  Huwag pigilang magsalita
✓ Pangkalahatan ang mga ang kalahok.
uunahing tanong upang  Kung may nahihiyang
makapagbigay ang lahat ng magsalita sa mga kalahok,
kanilang mga ideya/saloobin huwag siyang pilitin. Bigyan
✓ Kung may narinig sa kalahok siya ng sapat na oras.
na hindi pamilyar na ideya o  Huwag ipagsabi pagkatapos
salita, tanungin ang kalahok ng FGD ang napag-usapan.
upang mas maipaliwanag
niya ang ideya o salita.
✓ Kung magbibigay ng
pangkalahatang sagot ang
kalahok, hikayatin silang
mabigay ng halimbawa

40
✓ Kung may nagbibigay ng
opinyon sa pangkat,
obserbahan ang iba pang
kalahok kung nakikinig ba sila
✓ Purihin at pasalamatan ang
mga kalahok upang
maiparamdam sa kanila na
mahalaga at kapaki-
pakinabang ang
kanilang sinasabi.
✓ Magbigay ng simpatya sa
mga isyu na kanilang
sasabihin.
✓ Maaaring pag-iba-ibahin ang
pagkakasunod ng mga
tanong o hindi naman kaya ay
magdagdag o magtanggal ng
tanong ayon sa
pangangailangan.

3. Pagtatanong-tanong. Ito ay isang etnograpikong pamamaraan ng


pangangalap ng datos sa mga pananaliksik sa social science sa Pilipinas.
Hikayatin na makilahok ang mga kalahok, pagkakapantay ng mananaliksik at
impormante, naaangkop ang mga impormante sa mga kinagawian ng
pangkat, at mga integrasyon iba pang mga etnograpikong pamamaraan sa
pananaliksik (Pe-Pua, R., 1989).
Mainam namang gamitin ang ganitong pamamaraan sa sumusunod
ayon kina San Juan, D.M. (2018).
a. Ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang
tagapaghatid. Nangangahulugan lamang na maraming kalahok ang
mapagkunan ng datos.
b. Ang mga taong may direktang karanasan sa paksang siniyasat ay
hindi direktang matatanong.
c. Ang may kaalaman hinggil sa paksa ay hindi pa tiyak.
41
d. Ang mga impormasyong nakuha ay nais beripikahin.

4. Sarbey. Ginagamit ito sa malawakang paraan ng pagkuha ng datos o


impormasyon tungkol sa preperensiya, pananaw, opinyon, damdamin at
paniniwala.
Maaaring nasa anyo ng inihandang talatanungan o personal na
pakikipag-usap. Ang talatanungan ay tala ng mga planado at pasulat na
mga tanong tungkol sa isang tiyak na paksa. Mga set ng tanong at
espasyong sasagutan ang mga bahagi nito. Kaya naman, itinuturing itong
pinakamabisa at pinakamadali. Makikita sa talahanayan ang kalakasan at
kahinaan nito.
Kalakasan Kahinaan
Madaling gawin Hindi maaaring sagutan ng
Madali at hindi magastos hindi marunong bumasa at
Madaling itabyuleyt sumulat.
Malaya Maaaring makalimutang
Makapagbibigay ng masagutan o sadyang hindi
kompidensyal na sagot ang sagutan.
mga respondente Maaaring magbigay ng maling
Masasagutan sa oras na gusto impormasyon, sinasadya
Higit na akyureyt man o hindi.
Maaaring hindi sagutan o
masagutan ng respondente
ang ilang aytem.
Maaaring hindi maintindihan
ng respondente ang ilang
katanungan.
Napakalimitado ng
pagpipiliang-sagot ng mga
respondente

Upang mapadali at mapahusay ang pagbubuo ng talatanungan, may


mga tagubilin na nararapat naunawaan ng mananaliksik. Narito ang mga
sumusunod:

42
a. Simulan sa talatang nagpapakilala sa mga pananaliksik, layunin ng
pagsasarbey, kahalagahan ng tapat at akyureyt na sagot ng mga
respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik ang
nasagutang kwestyoneyr, garantiya ng anonimiti, pagpapasalamat,
atbp.
b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksiyon sa pagsagot sa
mga tanong.
c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa talatanungan.
d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
e. Itala ang mga posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng mga tanong
g. Iayos ang mga tanong sa lohikal pagkakasunod-sunod
h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng kompidensiyal na
sagot
i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
j. Iayos ang mga espasyong pasasagutan sa isang hanay lamang.
k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.

5. Pakikipagkuwentuhan. Naisasagawa ito sa pakikipagkuwentuhan sa


umpukan ng mga tao habang isinasagawa ang field work. Walang mga
inihandang tiyak na tanong ang mananaliksik, nakapagbibigay ng berbal at
diberbal na tugon ang mga kalahok, at nawawalan ng takot at pag-
aalinlangan sa pagsagot ng mga tanong ang mga kalahok ang mga katagian
nito (San Juan, D.M. et al., 2018).
6. Pagdalaw-dalaw. Pagpunta-punta ito ng mananaliksik sa komunidad
ng mga kalahok lalo na kung walang sapat na panahon na manirahan ang
mananaliksik sa komunidad.
7. Pakikipanuluyan. Isinasagawa ito upang makakuha nang mas
komprehensibo at mas malalim na impormasyon sa mga respondente (San
Juan, D.M. et al., 2018). Komrehensibo ang impormasyon sapagkat
nagkakaroon ng pagkakataon ang mananaliksik na mamuhay kasama ng
mga kalahok. Bunsod nito, nakikisangkot at nakikilahok siya sa mga gawaing
pamayanan kung saan nakapagpapalalim ito sa mga impormasyong nakalap.

43
8. Pagbabahay-bahay. Isa itong etnograpikong pamamaraan ng
pangangalap ng datos upang makakuha ng buo, kompleks at malalim na
impormasyon (San Juan, D.M. et al., 2018). Pumupunta sa bahay ng mga
kalahok upang makapagmasid, magtanong at makipagkuwentuhan ang
mananaliksik.
9. Pagmamasid. Ito ang pinakalumang paraan ng pag-unawa. Ginagamit
ito upang magkaroon ng paunang kaalaman upang mas mabigyan ng
malinaw na direksiyon ang pag-aaral at makuha ang holistikong impormasyon
sa pinag-aaralan. Nagbigay si Gold (1958) ng apat na uri ng tagapagmasid –
ganap na tagapagmasid, ganap na kalahok, tagapagmasid bilang kalahok at
kalahok bilang tagapagmasid.

Mga Instrumento sa Pangangalap ng Datos


Sistematiko ang pananaliksik kaya naman gumagamit ang mga
mananaliksik ng tiyak na isntrumento sa pangangalap ng datos. Iba-iba ang
uri ng instrumento sapagkat nakaayon ito sa disenyo at pamaraan ng
pananaliksik.
Sa aklat nina San Juan, D.M. et al. (2018), naglahad sila ng mga
karaniwang instrumento sa pangangalap ng datos. Ang mga sumusunod ay
karaniwang instrument.
1. Instrumento sa Pangngalap ng Datos sa Kapuwa-tao. Talaan at
gabay na tanong, pagsusulit at eksaminasyon, talaan sa fieldwork, at
rekorder ang apat na uri ng instrumentong ito.
Mga Uri Mga Katangian
a. Talatanungan at Gabay na ▪ Tala ng mga tanong
Tanong pinaghandaan ayon sa
suliranin ng pananaliksik

▪ Ginagamit sa pangangalap ng
impormasyon tulad ng
pakikipagkuwentuhan,

pagdalaw-dalaw,
pakikisangkot,

44
pakikipanuluyan at iba pang
etnograpikong
pamamaraan
b. Pagsusulit at Eksaminasyon ▪ Binubuo sa tulong ng mga
eksperto
▪ Ginagamit sa pagsukat ng
kaalaman, kakayahan, aktitud
at kilos ng mga kalahok

▪ Ginagamit sa eksperimental na
disenyo ng pananaliksik sa
sikolohiya, sosyolohiya,
edukasyon gayundin sa case
study at pagtatasa ng
kasanayan ng mga mag-aaral
sa wika, pagsulat ng sanaysay
at pagtatalumpati.

c. Talaan sa fieldwork ▪ Talaan tao, bagay, lugar at


pangyayari na may kaugnayan
sa pananaliksik gayundin ang
iniisip, agam-agam,
repleksiyon at napagtanto ng
mananaliksik.

▪ Ginagamit sa pagsulat ng mga


impormasyong hindi nakuha
ng elektronikong rekorder.

▪ Mainam ding gamitin sa


pagberipika ng mga
impormasyon.

d. Rekorder ▪ Maaaring audio o video.


▪ Kinakailangan ito sa FGD at
minsan kailangan din sa
pakikipagkuwentuhan,
pagdalaw-dalaw at

pakikipanuluyan.

45
▪ Ginagamit ito sa pagrekord ng
usapan ng mananaliksik at
kalahok kung mayroong
pahintulot ng huli.

▪ Nakapagdudulot ng
agamagam at panghihinalasa
kalahok na magbahagi nang
bukal sa loob lalo na sa mga
nakaranas na ng pang-
aabuso, pagmamalabis, o
pagsasamantala sa
pampubliko o pribadong
institusyon.

2. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Aklatan. Matatagpuan sa


aklatan ang mga libro, journal, magasin, diyaryo, tesis, encyclopedia,
diksyonaryo, globo at iba na nasa anyong papel at elektroniko.
Mga Paalala sa Paghahanap ng Batis ng Impormasyon sa Aklatan
a. Alamin ang aklatan na katatagpuan ng kinakailangang batis ng
impormasyon.
b. Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung
mananaliksik sa aklatan ng ibang paaralan, kolehiyo o
unibersidad na nagsasaad ng pahintulot sa gagawing
pananaliksik ng batis ng impormasyon. Sa ganitong paraan din,
magkakaroon ng kabatiran ang mananaliksik sa mga protokol at
patakaran ng aklatan.
c. Alamin naman ang kahingian bago makagamit ng aklatan kung
hindi kinakailangan ang pahintulot tulad sa mga pampublikong
aklatan.
d. Magsagawa ng pagrebyu sa sistemang Dewey Decimal at
sistemang Library of Congress dahil ito ang mga madalas
gamiting klasipikasyon ng mga aklat. Maging pamilyar din sa
lokasyon ng pangkalahatang sanggunian, aklat Filipiniana,

46
natatanging koleksiyon, serials, tesis at disertasyon, microforms,
materyales na audio-visual/miultimidya, at iba pa.
e. Basahin nang matiyaga at mabilis ang material sapagkat
ipinagbabawal ang pagpa-photocopy ng buong aklat, tesis at
disertasyon.
f. Gumamit ng Online Public Access Catalog (OPAC) para sa
mabilis na paghahanap ng sanggunian.
g. Maghanap din sa online lalo na sa mga journals, e-books,
edatabases, iba pang batis ng impormasyon.
3. Pangangalap ng Datos mula sa mga Online na Materyal. Makikita sa
internet ang mga artikulo sa journal, balita sa online news at account ng
karanasan sa blog.
Napakaraming e-journal ang mababasa sa internet ngayon. Isa
na rito ang Philippine E-Journals Database. Naririto ang sumusunod na
mga journal na makikita rito: a. Daloy
b. Dalumat
c. Hasaan
d. Layag
e. Malay
f. Katipunan (https://journals.ateneo.edu/ojs/katipunan)
g. Daluyan (http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf)
h. Social Science Diliman
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman)
i. Humanities Diliman
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman)
May mga online news sites naman mapagkukunan din ng batis ng
impormasyon. Naririto ang mga kilala at matagal ng kumpanya ng midya sa
bansa:
a. ABS-CBN (http://news.abs-cbn.com)
b. GMA 7 (http://www.gmanetwork.com/news)
c. PTV (https:www.ptvnews.ph)
d. CNN (http://cnnphilippines.com/news)
e. Philippine Daily Inquirer (www.inquirer.net)
f. Manila Bulletin (https:mb.com.ph)
47
g. Philippine Star (https://www.philstar.com)
h. Manila Standard (http://manilastandard.net)

4. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Pangmadlang Midya. Ang


pangmadlang midya ay kinabibilangan ng radyo, magasin, telebisyon,
pelikula at internet. Nahaharap ito sa isyu ng kredibilidad sapagkat
napabibilang sa komersiyalisasyon.
Narito ang mga gabay upang matukoy na walang kinikilingan ang
pangmadlang midya:
a. Walang kinikilingang tao, grupo o oraganisasyon
b. Umaamin o pumupuna sa sariling pagkakamali sa pamamagitan ng
komento
c. Hindi nagpapalabas ng propagandang nakapagpapaganda sa
pangalan ng tao, grupo o institusyon

Buod ng Aralin

Maraming pamamaraan ng pagbabasa o pananaliksik ng


impormasyon. Kaakibat nito, nagkakaroon ng angkop na pamamaraan upang
maisagawa ang pananaliksik. Ang pamamaraan na pinili ang magiging landas
ng pananaliksik. Ito ang magbibigay ng ideya kung paano katatawanin ang
pag-aaral sa paksa, alin ang dapat tingnan at tanungin at paano dapat
tumingin at magtanong.
Kabilang sa mga paraan ng pangangalap ng datos upang makakalap
ng impormasyon ang mga sumusunod: interbyu o pakikipanayam, Focus
Group Discussion o FGD, pagtatanong-tanong sarbey, pakikipagkuwentuhan,
pagdalaw-dalaw, pakikipanuluyan, pagbabahay-bahay, at pagmamasid.
Ang mga instrumento sa pangangalap ng datos ay sistematiko. Kaya naman,
gumagamit ang mga mananaliksik ng tiyak na instrumento sa pangangalap ng
datos. Iba-iba ang uri ng instrumento sapagkat nakaayon ito sa disenyo at
pamaraan na pananaliksik.

48
Pagtataya

Tukuyin Mo….
Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang.
_____ 1. Ginagamit ito sa malawakang pagkuha ng datos tungkol sa
preperensiya.
_____ 2. Namumuhay ang mananaliksik sa bahay ng kalahok sa
pangangalap ng impormasyon.
_____ 3. Isa sa kapakinabangan nito ang pagbibigay ng paunang
impormasyon sa mananaliksik sa pinag-aaralang paksa nito. _____ 4. Ito ay
binubuo sa tulong ng mga eksperto upang masukat ang kaalaman
ng mga kalahok.
_____ 5. Ginagamit ito upang maberipika ang impormasyong nakalap.
_____ 6. Dito matatagpuan ang napakaraming e-journal.
_____ 7. Ito ang online news site ng Philippine Daily Inquirer.
_____ 8. Nagkapagpapahayag ng saloobin nang walang pagdududa ang
kalahok sa uring ito ng pangangalap ng impormasyon. _____ 9. Ito ang
bubuoin sa ikatlong hakbang ng pagsasagawa ng FGD. _____ 10. Uri ng
pakikipanayam na may ginagamit na nakabalangkas na mga
katanungan.

Isagawa Mo…
Magsagawa ng isa sa mga etnograpikong pamamaraan ng
pangangalap ng impormasyon at ilarawan ang mga epekto ng Covid-19 sa
sumusunod. Pumili lamang ng isa sa kahon. Ilahad ang iyong nakalap na
datos sa pamamagitan ng isang sanaysay na binubuo ng tatlong talata. Isulat
din ang uri ng pangangalap ng datos na ginamit bago ang sanaysay.
Mga Pagpipiliang Paksa
a. Misa sa simbahan d. Online class
b. Pamimili sa palengke e. Modular na pagtuturo
c. Kabuhayan ng mga Pilipino

Pamantayan sa Pagtataya

49
Kawastuhan ng Datos 20

Kawastuhan ng Gramatika 10
Kronolohikal na Pagkakasaayos ng 15
Impormasyon
KABUUAN 45

Aralin 3 - Pagbubuod at Pag-uugnay ng Impormasyon


Kinakailangan sa isang pagsulat ang may kalinawan at kakipilan upang
mas mailahad nang mahusay ang mga nakalap na impormasyon.
Nakatutulong nang malaki ang kaalaman sa pagsasagawa ng pagbubuod ng
mga nasaliksik na impormasyon upang malahad nang maikli ngunit malinaw
at buo ang mga datos. Alam mo ba kung paano gawin ito?
Sa araling ito, ating aalamin ang mga paraan ng pagbubuod at
paguugnay ng impormasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakapagsasagawa ng pagbubuod sa isang teksto.

Pagtalakay sa Paksa
Ang pagbubuod ng impormasyon ay paraan upang mapaikli ang teksto.
Isinusulat lamang ang pangunahing ideya at mga sekundaryang ideya na
isinusulat gamit ang sariling pananalita. Ang sukat nito ay 1/3 ng teksto sa
orihinal na teksto.
Narito ang mga nararapat na tandaan sa pagbubuod:
1. Simulan sa pagsasaad ng uri ng teksto, pamagat, may-akda at
pangunahing ideya. Gumamit ng aspektong imperpektibo.
2. Naglalaman ng kabuuan.
3. Maikli lamang.
4. Sabihin sa sariling pananalita.
5. Bigyang-pansin ang pangunahin at sumusuportang ideya.
6. Iwasang lakipan ng opinyon, interpretasyon at panghuhula.
50
7. Paghambingin ang tekstong binuod at ang ginawang buod nito.
May mga hakbang sa pagbubuod at pag-uugnay ng mga impormasyon
sa teksto (www.scribd.com).
1. Basahin ang teksto na buBuodin at siguraduhing naunawaan ito.
2. Balangkasin ang teksto. Tukuyin ang mga mahahalagang datos.
3. Sumulat ng unang burador ng teksto nang hindi tinitingnan ang
tekstong binubuod.
4. Sikaping ang haba ng buod ay nasa ¼ lamang ng tekstong binubuod.
Mababasa sa ibaba ang orihinal na teksto at ang ginawang pagbubuod
dito.

Orihinal na Teksto
PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim
Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo
Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na
walang kasalanan kaya hindi kailangang binyagan upang ito ay maalis.
Ganoon pa man, mayroon silang seremonya na kahalintulad ng binyag na
tinatawag na pagislam.
Pinaniniwalaang ito ay pagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan,
mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napaloloob sa
pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang
sanggol.
Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang
pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y
ginagawa upang dito’y ikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang
salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.
Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o
pegudad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga
magulang ng kanduli, isang salusalo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng
anak. Dito’y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.
Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa
pamayanan. Karaniwang kumakatay ng hayop, kambing o baka. Ito’y

51
tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at
pasasalamat.
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng
pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok
ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon
sa paniniwalang Maguindanao, kapag lumutang ang buhok magiging
maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag ito ay
lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito
ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon,
patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanaon.
Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama sa seremonya ay ang
paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kakanin,
dalawang nilagang itlog ang pinakamata at pinakalaman ng niyog ang
ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang
kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag
nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito.
Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig.
Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya.
Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung
ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok
na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa
mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang
alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang
walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa
kaugalian ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin
Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

Pagbubuod
Ang pagislam ay pagtutuli ng mga Muslim na isinasagawa sa loob ng
tatlong seremonya. Isinasagawa ang unang seremonya ilang oras
pagkapanganak na ipinaririnig sa sanggol ang pangalan ni Allah. Ang
ikalawang seremonya naman na penggunting o pegudad na isinasagawa
pitong araw pagkapanganak na isinasagawa sa pamamagitan ng

52
paghahandog ng kanduli. Ang panghuling seremonya ay pagislam na
naangyayari sa edad na pito hanggang sampung gulang. Dito nagaganap ang
pagtutuli na pag-aalis ng dumi sa ari.

Buod ng Aralin
Ang pagbubuod at pag-uugnay ng impormasyon ay kinakailangan sa
isang pagsulat nang may kalinawan at kakipilan upang mas mailahad nang
mahusay ang mga nakalap na impormasyon. Nakatutulong nang malaki ang
kaalaman sa pagsasagawa ng pagbubuod ng mga nasaliksik na impormasyon
upang malahad ng maikli ngunit malinaw at buo ang mga datos. Ang
pagbubuod ng impormasyon ay paraan upang mapaikli ang teksto. Isinusulat
lamang ang pangunahing ideya at mga sekundaryang ideya na isinusulat
gamit ang sariling pananalita. Ang sukat nito ay 1/3 ng teksto sa orihinal na
teksto.

Pagtataya Isagawa Mo…


Gawan ng buod ang teksto sa ibaba. Isaalang-alang ang mga nararapat
tandaan sa pagbubuod. (30 puntos)

Mga Drayber ng Dyip


ni Julisa V. Mojica
Ang dyip ay tatak na ng ating bansang Pilipinas, tatak Pinoy ika nga.
Ang sabi pa nga sa isang patalastas, “Hindi ka Pinoy kung hindi ka pa
nakakasakay sa dyip.” Ang dyip ang sasakyang naging kakabit na ng
pangalang Pilipinas. Ito ang sasakyang pang-araw-araw nang tanawin sa alin
mang kalsada sa ating bansa.
Sa pagsakay mo sa sasakyang ito ay makakatagpo mo ang iba’t ibang
uri ng drayber na maghahatid sa iyo sa iyong nais puntahan. May drayber na
karerista, may drayber na ang minamaneho yata’y pagong, may drayber na
nagbibingi-bingihan, at may drayber na may sariling presyo ng pamasahe.
Kaya nga ba’t sa pagbaba ng Pilipino sa dyip na kanyang sinasakyan
ay samu’t saring reaksyon ang iyong makikita. May natatawa, may naiinis,
may yamot na yamot, may bulong nang bulong at may naiiling na lamang.

53
Mabuti pa siguro’y kilalanin natin ang mga drayber na nakapagdudulot ng
samu’t saring reaksyon sa kanyang mga pasahero.
Ang una ay ang drayber na malimit mong makatagpo kung ika’y
bumabyahe bago sumikat ang haring araw at kumalat ang liwanag sa
kapaligiran. Siya ang drayber na parang nasa karera ng kotse kung
magpatakbo. Parang palagi na lamang siyang may inuungusang katunggali
kahit na sa katotohana’y wala ka namang makitang gaanong kasabay na dyip
o ano pa mang sasakyan sa daan. Kung mahal mo pa ang iyong buhay ay ‘di
sasalang kakapit ka ng mahigpit, gamit ang dalawang kamay (isa sa itaas at
isa sa gilid) sa mga bakal na kapitan ng dyip sapagkat kapag nagpreno na
ang drayber at hindi ka nakakapit ng mahigpit ay paniguradong titilapon ka sa
kabilang dulo ng upuan at kapag minamalas ay malalaglag ka pa sa may
sahig.
Magandang kapalaran na nga lamang siguro kung hindi ka
magkakaroon ng ni isang galos man lang. Dahil dito, habang nasa byahe’y
hindi mo malaman kung mapapangiti ka na lang (dahil sa mga reaksyon ng
mga kaharap mong tila pare-parehong nakasakay sa isang nakakatakot o di
kaya’y kapana-panabik na sasakyang pangperya), magdarasal na sana’y buo
pa at nakakabit ang lahat ng parte ng katawan sa iyong pagbaba o matutuwa
dahil walang salang hindi ka mahuhuli sa iyong pupuntahan.
Ang ikalawang uri nama’y ang drayber na malimit mong makakatagpo
kapag medyo nahuli ka na nang gising o ‘di kaya’y tanghali nang talaga ang
iyong lakad. Siya ang drayber na tila isang daang taong gulang na pagong
ang minamaneho dahil ang lahat ng kanto ay kanyang hinihintuan. Ang lahat
ng tao, kahit hindi naman pumapara, ay kanyang aayain at hihintaying
sumakay. Hindi siya aalis hangga’t hindi niya nasisigurong yamot na ang hindi
naman talaga sasakay na taong hinaharangan niya at inaalisan ng
pagkakataong mapara ang sasakyang nais talaga niyang sakyan.
Sa mga pagkakataong ito, kung nakamamatay lamang ang mga
masasamang tingin ay napakaraming beses na sanang napahandusay ang
manhid na drayber dahilan sa mga matatalim na titig ng kanyang mga
pasaherong huli na sa kanilang mga patutunguhan dahil sa kanyang
kabagalan sa pagpapatakbo. Ngali-ngali na siyang singhalan at sigawan ng

54
mga pasahero ng “ano ba manong, wala namang sasakay!” dangan nga
lamang at iniisip rin nila marahil na ang manong drayber ay maraming bibig na
pakakainin kaya’t abot-abot ang paghahangad sa isang mas malaking kita.
Ang ikatlong uri ng drayber ay yaong drayber na hindi naman
katandaan (ang iba’y batang- bata pa nga) ngunit may problema yata o may
takip ang tainga kung kaya’t hindi ka marinig kapag ika’y nagsasalita na. Siya
ang drayber na kapag binigyan mo ng kinse at hingiin mo ang iyongt sukli ay
parang kinakausap mo na lamang ang hangin sapagkat tuloy-tuloy lang siya
sa pagpapatakbo at pagmamaneho na parang walang anumang naririnig lalo
na nga kung gabi na’t wala nang pakialam ang iba pang pasahero. Dahilan sa
pagtataingang-kawali ng drayber ay mayayamot ka na lamang at
magpapasyang hindi na kunin ang sukli lalo na kung malapit ka nang bumaba
ngunit wala pa ring pagtinag ni paglingon ng saglit mula sa drayber.
Ang ikaapat na uri ng drayber ay yaong drayber na ipinapanalangin
mong huwag mo sanang makatagpo sapagkat siya namang tunay na
makapagpapasakit sa iyong ulo. Siya ang drayber na nakasanayan na yatang
magtaas at magdagdag ng pasahe kung kailan niya gusto. Sa pagbigay mo
ng eksaktong pasaheng araw-araw mong ibinabayad sa ibang dyip ay daglian
ka niyang lilingunin at sasabihing “kulang po ng tres”, mga katagang ikatataas
mo na lamang ng kilay at gagantihan ng isang imbing pagtutol sapagkat hindi
mo na nais na humantong pa ito sa isang argumento.
Kapag naratnan ka ng drayber na ito sa isang hindi mapagtimping
kalagayan ng damdamin at mapangahasan mong sabihing, “araw-araw ho,
iyan ang ibinabayad ko” ay daglian ka niyang tutugunin ng isang may halong
pagkains na “araw-araw din ho akong bumabyahe, ilang balik dito, mula
umaga hanggang gabi”, bulalas na lalo lamang makapagpapainit ng iyong ulo.
Kung isa ka namang estudyante, naka-ID at nakauniporme, hindi sasalang
lilingon pa rin siya at sasambit ng isang “kulang po ng tres” na tutugunin
naman ng mag-aaral ng isang, “estudyante po” na wari’y hindi niya maririnig
kaya’t ipipilit pa rin niyang kulang ka ng tres. Ito’y ikaiiling mo na lamang,
ikabubuntong hininga at saka magdudulot ng isang maypangutyang tanong sa
sarili, “kailan kaya nagtaas ng pasahe?”.

55
Hay naku! Buhay nga naman. Sa dami ng tao sa mundo (o drayber sa
pagkakataong ito) ay hindi sasalang makatatagpo ka talaga ng mga taong
makapagpapainit sa iyong ulo. Kaya nga kung isa kang pasahero at
makatagpo ka ng isang drayber na sasagad sa iyong pasensya, mangyari
lamang na pumikit at bumilang hanggang sampu nang sa gayon ay hindi na
makapagbitiw ng mga salitang hindi na mababawi. Mga salitang
makasususgat at makapagsisimula ng isang walang patutunguhang away.
Isipin na lamang na marahil ay kinakailangan lamang niyang kumayod nang
higit sa kaya para sa isang lumolobong pamilya.
At para naman sa lahat ng mamamayang Pilipino ay pakaisipin ang mga
tanong na ito, ang mga kaugaliang ito ba, tulad ng dyip, ay hahayaan nating
maging tatak na rin nating mga Pilipino? Ang paglimot ba sa kapakanan at
kabutihan ng kapwa’y likas na sa tao? At ang panlalamang din ba iba, tulad
ng gawi ng ilang drayber, sa ano mang paraan ay gawain mo?
Sana’y pakaisipin natin ang bawat nating gawi at huwag nang gumaya
sa mga ugaling alam na nating mali at nakayayamot. Sapagkat lahat tayo
naman ay binigyan ng Diyos ng kakayahang magtimbang-timbang at pumili ng
sa tingin natin ay nararapat. Sana nga lamang ay piliin nating gawin ang
tumpak at hindi yaong pagtulad lamang sa mga ugaling kumakalat, lumulukob
at sumisira sa mga magagandang ugaling pinasimulan at ipinunla ng ating
mga ninuno.
Mga Sanggunian Aklat
Austero, C., et, al. (2014). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila:
Rajah Publishing House.
Austero, C., et al. (2014). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Manila:
Rajah Publishing House.
Salazar, J. & Lim, M. (2017). Babasahin sa kultural na malayuning
komunikasyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.
San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon

sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc.

Elektroniko www.herd.org.np.
www.mypsychologyproject.wordpress.com www.odi.org
56
KABANATA III

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA


PILIPINO

Introduksiyon

“No man is an island,” isang pupolar na linya mula sa awiting Ingles. Ano
ang ipinahihiwatig ng nasabing linya? Walang taong kayang mamuhay nang
mag-isa. Kailangan niyang makisalamuha sa kapwa.

Tayo’y nakatira sa isang lipunan ng mga tao. Mga taong biniyayaan ng


kapangyarihang magsalita at makapagsulat gamit ang wika. Ang wikang ito
ang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaniyang naiisip at nadarama.
Kung nagnanais tayong makapaghatid ng kaisipan, damdamin, saloobin,
impormasyon at kaalaman sa ibang tao, sumasailalim tayo sa proseso ng
komunikasyon. Ibig sabihin, likas sa tao ang pakikipagtalastasan sa iba
depende sa kaniyang layunin.

Sa proseso ng komunikasyon, tayo’y nagbabahagi ng mga kaisipan at


impormasyong kapaki-pakinabang sapagkat mananatiling walang bisa ang
mga ito kapag sinasarili lamang. Higit pa rito, mababaon lamang sa limot
kalaunan. Kaya upang hindi masayang ang mga kaisipan at impormasyon,
kailangan natin itong ibahagi sa iba. Malay natin, ang nasabing mga kaisipan
at impormasyon ay makapagpabago ng kaniyang buhay.

Maraming paraan at anyo ang pakikipagkomunikasyon. Nakadepende na


sa mga tao kung sa anong paraan at anyo niya ibabahagi sa iba ang kaniyang
kaisipan, damdamin at mga nakalap na impormasyon. Tao na rin ang bahala
kung anong instrumentng pangkomunikasyon ang kaniyang gagamitin. Ang
mahalaga, magkaroon ng pag-uunawaan ang tagahatid at tagatanggap ng
mensahe – ito ang pinakalayunin ng komunikasyon.

Ang isang mag-aaral ay nararapat na mahantad sa mga gawaing


pangkomunikasyon ng mga Pilipino para sa layuning makamit ang mabisang

57
komunikasyon. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit inihanda ang mga
aralin tungkol sa komunikasyon sa kabanatang ito.
Pangkalahatang Layunin:
1. Magtamo ng kaalaman sa mga sitwasyong pangkomunikasyon sa
bansa.
2. Masuri ang mga katangian ng mga sitwasyong pangkomunikasyon
upang maihanda sa paglalapat.
3. Mailapat sa isang aktuwal na pakikipagkomunikasyon ang mga
sitwasyong pangkomunikasyon.

Aralin 1 – TSISMISAN
Mahilig ka bang makinig o makiusyuso sa mga nagaganap sa iyong
kapaligiran? Makatotohanan ba ang narinig mong balita o baka balitang
kutsero lamang? Napakahilig ng mga Pilipino sa tsismis at likas ito sa atin
kaya isa ito sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
Sa araling ito, ating palalimin ang ating pagkaunawa sa gawaing
pangkomunikasyon na tsismisan.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang positibo at negatibong epekto ng tsismisan sa
lipunang Pilipino,
2. Napupunan ng angkop na salita/mga salita ang isang teksto tungkol sa
tsismisan, at
3. Nakalilikom ng mga tsismis at nasusuri kung ito’y totoo o hindi totoo.

Pagtalakay sa Paksa
Pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon sa
isang tsismisan. Dahil dito, ginagamit upang malaman ang tungkol sa mga
alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit
sa bawat isa. Tinutulungan din tayo sa pamamagitan ng pagpapaalam ng
matututunan ang mahahalagang impormasyon nang hindi na kailangang
makipag-usap sa bawat miyembro ng grupo.

58
• Pagbubuntis ng mga
hindi kasal o Narito ang mga nakahiligang paksain sa
“destroys” • Nakasasakit ngtsismis at ang epekto nito.
isang
damdamin
• Pagiging
homoseksuwal • Nakasisira ng
• Pambababae reputasyon g ibang
tao
• Sex
• Maling
• Estado sa buhay
panghuhusga
• Pag-aaral
sa katauhan,
kamalian at
kasalanan

Tsismosa/tsismoso ang tawag sa taong nagsasagawa ng tsismis.


Karaniwan itong mayroong negatibong konotasyon tulad ng sinungaling at
mapag-imbento. Nag-ugat ang pagiging sinungaling at mapag-imbento sa
inggit dahil sa kakitiran ng pag-iisip.
Sa kasalukuyan, mas napaigting ang tsismisan dahil sa pagsulpot ng
social media. Hindi na lamang sa pagtitipon-tipon nagaganap kundi maging
sa mga platform ng social media tulad ng twitter, facebook, instagram,
youtube at iba pa. Napakabilis kumalat ng tsismis dito dahil sa mga feature
nitong like at share.
Upang maiwasan ang paninira sa kapwa, may mga batas din tulad ng
kasong libel, slander at cybercrime upang maprotektahan ang mga biktima ng
tsismis.

Buod ng Aralin
Ang tsismisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng
impormasyong di-tiyak na isang uring pag-uusap sa pagitan ng dalawang tao
o higit pang magkakilala o magkapalagayang-loob. Tsismosa/tsismoso ang
tawag sa taong nagsasagawa ng tsismis. Mas umigting pa sa kasalukuyan
ang pakikisangkot ng mga tao sa tsismisan dulot ng social media. May
kaukulang batas ang ating pamahalaan upang maprotektahan ang mga taong
biktima ng tsismis, gaya ng kasong libel, slander at cybercrime.

59
Pagtataya

Ipaliwanag Mo…
Ipaliwanag nang malinaw at mahusay ang iyong kasagutan sa
sumusunod na katanungan. (10 puntos)
1. Sa iyong sariling opinyon, ano-ano ang mga positibo at negatibong
epekto ng tsismisan sa lipunang Pilipino?

Buuin Mo…
Punan ng angkop na salita ang mga nakalaang puwang upang mabuo
ang pahayag.
Mabuti ba ang Gumagawa ng Kuwento sa Kapwa? Ang
_____1________ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang
tao kapag hindi sila naroroon. Karamihan sa mga tao ay marahil na
naniniwala na hindi nila tsismis dahil sa tingin namin ang tsismis ay
walang halaga at madalas na negatibo. Gayunpaman, ang ilang mga
tao ay kumbinsido na ang tsismis ay isang _____2_______ na bahagi
ng pakikipag-ugnayan ng tao, at na ang lahat ay nagtsismisan. sa
katunayan, ang pananaliksik ay napatunayan na ang dalawang-katlo
ng lahat ng mga taong ____3________ na tsismis! Ang mga tao
ay nag-tsismis mula sa simula ng pagsasalita ng tao, at ang tsismis ay
may mahalagang _______4______ sa lipunan. Karaniwang nilalayuan
o iniiwasan ang mga ____5_____, pero marami rin ang mahilig
makipagkwentuhan sa kanila.
Ang mali sa pagiging tsimosa ng mga Pinoy ay ang pangtsitsismis
hango sa ___6______, na maaaring nagmumula sa kakitiran ng isip
natin.
Ang mga tsismis ay kadalasang ginagamit para makasakit at
makapanira ng ___7______ ng ibang tao, o kaya naman ay husgahan
ang kanilang katauhan, kamalian, at kasalanan.

60
Mangalap Ka…
Mangalap ng tatlong tsismis sa iyong bahay/sitio/barangay at tayahin kung
totoo o hindi. Kung hindi ito totoo, ibigay ang pagwawasto nito. Ilahad sa
talahanayan ang iyong sagot ayon sa talahanayan sa ibaba.

Tsismis Pagtataya Pagwawasto


(Totoo o Hindi (Kung hindi totoo)
Totoo)

Aralin 2. UMPUKAN
Uso ba sa inyo ang pag-uumpukan sa inyong komunidad? Isa ito sa
mga gawaing malimit na maganap sa komunidad maging sa tahanan.
Sa araling ito, tatalakayin ang umpukan bilang gawaing pangkomunikasyon
ng mga Pilipino.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nasasabi ang kahalagahan ng umpukan sa lipunang Pilipino, at
2. Naipaliliwanag ang mga karaniwang paksa ng umpukan sa lipunang
Pilipino.
Pagtalakay sa Paksa
Ang ibig sabihin ng "umpukan" ay ang
paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang
okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan.
Ginagamit din ang "umpukan" para
ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa

61
isang grupo o pangkat. May mga umpukan na impormal ang talakayan kung
saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuro-kuro o opinyon tungkol sa isang
bagay o paksa. Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o
debate na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal
na pakikipagtalo. Dito natin makikita na ang mga tao ay may kaniya-
kaniyang katwiran batay sa kanilang mga opinyon.
Sa kabuuan, ang umpukan ay isa ring impormal na talakayan ng isang
pangkat o grupo na nagtitipon-tipon habang ito ay nagpapahinga o
nagpapalipas oras. Mula sa kuhang opinyon, may mga umpukan kung saan
ang mga tao ay nagpapalitan ng kuro-kuro o opinyon.

Buod ng Aralin
Ang umpukan ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa
anong kadahilanan. Maituturing ito bilang isang impormal na talakayan ng
isang pangkat ng mga tao.

Pagtataya

Ipaliwanag Mo….
Ipaliwanag nang malinaw at mahusay ang kasagutan sa sumusunod na
katanungan. (5 puntos bawat bilang)
a. Ano ang kahalagahan ng
umpukan sa lipunang Pilipino?
b. Sa iyong palagay, ano-ano
ang mga karaniwang paksa ng
umpukan sa lipunang Pilipino?
Maaari kang makipanayam sa
ibang tao bilang pangsuporta
sa iyong kasagutan.

Aralin 3. TALAKAYAN
Ginagawa ba ang talakayan sa klaseng iyong dinaluhan? Ano ang
karaniwang pinapaksa ninyo? Kadalasan, ito ang isa sa mga pamamaraan ng
62
guro sa pagtuturo sa klase. Hindi lamang ito sa loob ng silid-aralan
nagaganap kundi maging sa komunidad.
Sa araling ito, pag-aralan natin ang talakayan bilang isa sa mga
gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng talakayan, at
2. Nakapagsasagawa ng halimbawa ng talakayan.

Pagtalakay sa Paksa
Ang talakayan ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa
pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga magaaral
sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatuwiran.
Pormal at di-pormal ang uri nito kung saan pinag-uusapan ang isang
tiyak na paksa na may tagapagsalita at maaaring ang kasapi ay magbahagi at
makinig sa mga impormasyong pinag-uusapan.
1. Impormal na Talakayan. ´Ito ay malayang pagpapalitan ng kuro-kuro
hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod.
Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao.
2. Pormal na Talakayan. Nakabatay ito sa tiyak na mga hakbang, may
tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda
ang mga kalahok sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay
ng kuro-kuro.
Mga halimbawa ng talakayan:
1. Pangklasrum na talakayan. Ang talakayang ito ay
kadalasan ginagampanan ng mga
mag-aaral sa isang klase na may isang
guro bilang tagapatnubay.
2. Simposyum. Ang talakayang ginagamit
kadalasan ng mga ahensya
sa pamahalaan sa layuning may

63
mahalagang ipapaalam sa mga kabaranggay o isang target na
komunidad.
3. Panahon ng Homilya Simbahan. Ang
talakayang ito ay ginagawang
panrelihiyon sa paghahatid ng banal na
balita sa loob ng simbahan.
4. Sesyon ng mga Opisyal. Ito ay nagaganap
kadalasan sa pagdiskuyon ng mga taong
politiko sa paksang patungkol sa kanilang
pamamahala at kaunlaran ng bayan o
barangay.
5. Asembleya. Ang talakayang ito ay
pangkalahatang gamitin sa lahat ng uri
ng pangkat, ahensya, institusyon, at iba
pang maramihang kasapi para sa
pagsisiwalat ng impormasyon.
6. Pagdinig sa Senado. Ang talakayang ito
ay para lamang sa mga senador tungkol
sa mga paksa o isyung panlipunan
alinsunod sa kaniyang tungkulin.
7. Telebisyon/Panradyong talakayan at iba
pa.
Tumutukoy ito sa iba’t ibang talakayang
programang panradyo at pantelebisyon na
naririnig at napapanood sa midya.

Buod ng Aralin
Ang talakayan ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase at sa iba pang
pook na maaaring pormal o di-pormal. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan,
nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag
at pangangatuwiran. Maraming uri ng talakayan na nakadepende sa layunin at
sa pook na pagdadausan.

64
Pagtataya

Tukuyin Mo….
Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. (2 puntos bawat bilang) _____
1. Tumutukoy ito sa iba’t ibang talakayang programang panradyo at
pantelibisyon na naririnig at napapanood sa medya.
_____ 2. Ang talakayang ito ay pangkalahatang gamitin sa lahat ng uri ng
pangkat, ahensya, institusyon, at iba pang maramihang kasapi. _____ 3.
Ang talakayang ito ay para lamang sa mga senador tungkol sa mga
paksa o isyung panlipunan alinsunod sa kaniyang tungkulin. _____ 4. Ito ay
nagaganap kadalasan sa pagdiskuyon ng mga taong politiko sa
paksang patungkol sa kanilang pamamahala at kaunlaran ng
bayan o barangay.
_____ 5. Ang talakayang ito ay kadalasang ginagampanan ng mga mag-aaral
sa isang klase na may isang guro bilang tagapatnubay.

Isagawa Mo ….
Pumili ng isang halimbawa at uri ng talakayan at isagawa ito. Piliin sa
loob ng kahon ang paksang nais mong talakayin. Maglagay din ng larawan sa
pagsasagawa.
a. Isyu tungkol sa Covid-19
b. Isyu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN
c. Mga nauusong ginagawa ng mga Pilipino sa lockdown
d. Pagtaas ng maagang pagbubuntis sa gitna ng pandemya
e. Karanasan sa pag-aaral gamit ang e-modyul/online class

65
Aralin 4-. PAGBABAHAY- BAHAY
May nagbabahay-bahay na ba sa inyo? Ano ang kaniya o kanilang
pakay? Karaniwang makikita natin ang mga nagbebenta ng mga produkto at
mga taga-gobyerno na gumagawa nito.
Sa araling ito, ating pag-aralan ang kahulugan at layunin ng
pagbabahay-bahay.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng pagbabahay-bahay, at
2. Natutukoy ang uri ng pagbabahay-bahay na nagaganap sa sariling
tahanan o kapitbahay.
Pagtalakay sa Paksa
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na
pumupunta sa iba’t ibang lugar at tirahan upang
magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring
maging tulay sa pagkuha ng mga impormasyon.
Maraming kahulugan o layunin ang
pagbabahay-bahay, iilan dito ang pagsisiyasat sa
taong nais bumili ng kotse o nais umutang ng
malaking halaga. Ginagamit din ito sa pagkuha ng
impormasyon tungkol sa mga nasasakupan ng isang
barangay o
pagkuha ng sensus para malaman ng gobyerno ang dami at estado ng mga
Pilipino.
Narito ang mga halimbawa:
1. Bible Sharing. Isang pagbahay-bahay na pakikipagkomunikasyon
upang makabenta gaya ng mga saksi, Iglesia ni Kristo, Katoliko, at
iba pa.
2. Pag-aalok ng mga Produkto. Isang gawaing pangnegosyo kung
saan kailangang mahusay sa pakikipagkomunikasyon upang

66
makapagbenta gaya ng pautang ng mga furniture, kitchen utensil,
cosmetics, at iba pa.
3. Pagtotokhang. Ang makontrobersyal na estratehiya sa
pagbabahay-bahay na gawain ng kapulisan sa panahon ng
pamamahala ni Pangulong Duterte kaugnay ng kampanyang
pakikidigma laban sa droga. Kailangan ang maingat na
pakikipagkomunikasyon dito upang hindi magkapikunan ang bawat
panig ng biktima ng droga at ang tauhan ng gobyerno.
4. Sarbey para sa Sensus. Ang pagbabahay-bahay na isinasagawa
ng mga taong inatasang magsarbey sa bawat pamilya para alamin
ang bilang ng miyembro nito lalo na sa panahon ng eleksyon.
5. Pangkalusugang Serbisyo. Kadalasan itong ginagawa ng mga
Barangay Health Workers upang mamigay ng libreng gamot oo
pagbabakuna at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Buod ng Aralin
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain kung saan pumupunta sa
iba’t ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na
maaaring maging daan sa pagkuha ng mga impormasyon. Maraming uri ang
pagbabahay-bahay, nakadepende sa layunin.

Pagtataya
Kilalanin Mo….
Isulat sa patlang bago ang bilang kung ano ang tinutukoy sa pahayag. 2
puntos bawat bilang.
_____ 1. Pagbabahay-bahay na isinasagawa ng mga taong inatasang
magsarbey sa bawat pamilya para alamin ang bilang ng miyembro
nito.
_____ 2. Makontrobersyal na estratehiya sa pagbabahay-bahay na gawain ng
kapulisan sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Duterte
kaugnay ng kampanyang pakikidigma laban sa droga. _____3. Isang
pagbahay-bahay na pakikipagkomunikasyon upang makabenta
gaya ng mga saksi, Iglesia ni Kristo, Katoliko, at iba pa. _____4. Kadalasan

67
itong ginagawa ng mga Barangay Health Workers upang mamigay
ng libreng gamot oo pagbabakuna at iba pang serbisyong
pangkalusugan.
_____ 5. Isang gawaing pangnegosyo kung saan kailangang mahusay sa
pakikipagkomunikasyon upang makapagbenta gaya ng pautang ng
mga furniture, kitchen utensil, cosmetics, at iba pa.

Isagawa Mo…
Tumukoy ng uri ng pagbabahay-bahay na naganap sa inyong tahanan o
kapitbahay. Ilahad din ang layunin nito at kunan ito ng larawan bilang
patotoo.

Aralin 5. Pulong – Bayan


Nakadalo ka na ba sa isang pulong-bayan sa inyong komunidad? Bakit
kaya nagpupulong? Napakahalaga sa ating Pilipino ang mapag-usapan ang
mga isyu – maliit man ito o malaki sapagkat nais makisangkot at makatulong
ang bawat kasapi nito.
Sa araling ito, unawain natin ang kahulugan, layunin at mga pinapaksa
sa pulong-bayan.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nailalahad ang kahulugan ng pulong-bayan at nakapagbibigay ng
halimbawa nito.

Pagtalakay sa Paksa
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago.
Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang
maayos ang mga bagay-bagay. Ito ay isang pormal na pakikipag-ugnayan o
68
pakikipagkomunikasyon ng pangkat ng mga tao sa isang komunidad. Dito,
maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin at lahat ay binibigyan
ng pagkakataong makapagsalita.
Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga impormasyon,
pakikipagkasunduan sa alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat
at pamayanan. Isang halimbawa ng pulong-bayan ay ang SONA. Ito ang
tamang pag-uulat ng Pangulo ng Pilipinas sa sambayanan tungkol sa
pangkalahatang kalagayan ng bansa sa aspektong ekonomiya, panlipunan,
politika, iba pa.
Buod ng Aralin
Ang pulong-bayan ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang
bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga
inaasahang pagbabago. Isa sa pinakaraniwang halimbawa nito ang SONA ng
pangulo ng Pilipinas.

Pagtataya

Ipaliwanag Mo…
Ilahad ang depinisyon ng pulong-bayan. Pagkatapos, bigyan ito ng
halimbawa.

Aralin 6-. Ekspresyong lokal


Masining ang wika at malikhain naman ang mga Pilipino. Dahil dito,
mababasa mo sa social media at telebisyon at maririnig sa radyo at kapuwa
mo ang mga bagong ekspresyong lokal na kanilang ginagamit upang
maipahayag ang damdamin at mabisang pakikipagtalastasan.
Sa araling ito, ating aalamin ang katuturan ng ekspresyong lokal na
nabubuo at ginagamit sa lipunan.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:

69
1. Nakasasaliksik ng mga ekspresyong lokal na ginagamit sa social
media at lipunan, at
2. Nakasusulat ng ekspresyong lokal na umaangkop sa emojis.

Pagtalakay sa Paksa
Ang ekspresyong lokal ay isang likas at ordinaryong wika ngunit naiiba
sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. ´Ito ay mga parirala o
pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o
pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat
salita at hindi maiintindihan ng ibang mga taong hindi bihasa sa lengguwahe.
Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Halimbawa:
Manigas ka!
Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay mo.
Sayang. (Sayang naman.)
Hay naku.
Susmaryosep! Anak ng !

Pagtataya
Magsaliksik Ka….
Magtala ng tiglilimang ekspresyong lokal sa lugar ninyo na ginagamit
sa milenyal at di-milenyal o kapwa ginagamit ng dalawa gamit ang H-chart.
(15 puntos)

Milenyal Hindi
Kapwa ginagamit milenyal

Magsulat Ka….
Isulat ang ekspresyong lokal (maaring milenyal o hindi milenyal) na
umaangkop sa sumusunod na emojis.

70
______________________________________________

_______________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________
Mga Sanggunian

Aklat
Almeda, F. (1993). Surigao across the years. Quezuon City: Echanis Press,
Philippines.

Belves, P. et al. (2003). Pagbasa at Pagsulat sa iba’t ibang didplina. Manila:


Rex Bookstre.

71
Bernales, R. et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at pangglobal
na konteksto. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Santos, A., & Sermolan T. (2009). Ang Akademikong Filipino sa


komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Elektroniko
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-
pangkomunikasyonng-mga-pilipino
https://www.coursehero.com/file/44730085/filipinopptx/
https://www.coursehero.com/file/44730007/Pulong-bayanpptx/
https://www.scribd.com/document/439349751/EKSPRESYONG-LOKAL
https://e-edukasyon.ph/filipino/dalawampung-halimbwa-ng-ekspresyong-
2435079

KAB ANATA IV
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT
NASYONAL

Introduksiyon
Tayo’y nakatira sa isang lipunan. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami
na ang lipunang ating ginagalawan ay punong-puno ng suliranin. Kaya,
natural lamang na lumabas ang iba’t ibang isyu at usapin.

72
Ang ilan sa mga isyung panlipunan sa ating bansa, mapa-lokal man o
mapa-nasyonal ay napakatagal na ngunit patuloy pa ring hindi
nasosolusyunan. Kabilang dito ang mga isyu tungkol sa kahirapan, kawalan
ng trabaho, korapsiyon, bagyo at iba pa. Nariyan din ang isyu tungkol sa
globalisasyon at migrasyon na taas-noong kinalulugdan ng iba ang mga
adbentahe habang ipinagwawalang naman bahala ang mga disadbentahe
nito.
Sa larangan ng akademya, ang mga pangunahing isyung nabanggit ay
kadalasang pinag-uusapan sa mga talakayang pangklase, at higit sa lahat,
nagiging paksa ng mga pananaliksik. Ang pag-aaral o pagtalakay sa mga
isyung panlipunan, lokal man o nasyonal ay nakatutulong sa mga mag-aaral
upang magkaroon sila ng malawak na pang-unawa sa kahalagahan ng mga
tao sa lipunan, sa puno’t dulo ng mga pangyayari at suliranin at sa mga
posibleng lunas o solusyon.
Kung kaya’t nilalayon ng kabanatang ito na palawakin pa ang pag-unawa
ng mga mag-aaral sa mga suliraning lokal at nasyonal upang maging
makabuluhan ang kanilang pagkatuto at mabatid ang talas ng kanilang
pakikipagtalastasan sa wikang Filipino batay sa iba’t ibang konteksto at
pamamaraan. Isang gabay ito para sa paghubog ng mga mag-aaral na
mapanuri at masiyasat kung saan magagamit nila ang wikang sarili sa
pakikipagtalastasan/pakikipagkomunikasyon.

Pangkalahatang Layunin:
1. Mailarawan ang mga isyung lokal at nasyonal sa bansa.
2. Masuri ang iba’t ibang isyung panlipunan na nararanasan ng mga
Pilipino.

Aralin 1. KORAPSIYON

Ang korapsiyon ay isang kanser sa lipunang Pilipino na mula noon


hanggang ngayon ay pinag-uusapan. Hindi matapos-tapos ang usaping ito
sapagkat hindi rin tumitigil ang mga Pilipino sa pagsasagawa nito.
73
Sa araling ito, ilalahad ang katuturan ng korapsiyon at mga ayo nito
upang mabigyan ng kaalaman ang kabataang tulad mo sa mga hindi
magandang naidudulot nito upang tuluyan na itong mahinto para sa ikauunlad
ng bansang Pilipinas.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng arali, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng korapsiyon, at
2. Nakasusulat ng komposisyon tungkol sa alinman sa mga uri ng
korapsiyon na nagaganap sa sariling komunidad.

Pagtalakay sa Paksa
Ang mga salitang korapsyon o
katiwalian ay ginagamit sa
paglalarawan ng isang opisyal na
naglilingkod sa gobyerno na may
sariling interes. Sila ang tinutukoy na
mga kawatan sa kaban ng bayan.
Maraming paraang na makilala ang
isang opisyal o politiko na sangkot sa
katiwalian o pangungurakot.

ANG GRAFT AT CORRUPTION


1. Korapsiyon. Isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng
opisyal ng isang institusyon. Ito ay ang pang-aabuso sa hawak na
posisyon upang magkaroon ng pakinabang.
2. Graft. Isang anyo ng politikal na korapsiyon kung saan ang opisyal
ng pamahalaan ay nagkakamal ng pinansiyal na pakinabang sa
hindi tapat o hindi legal na paraan

74
ANYO O URI NG KORAPSYON
1. Embezzlement o Paglustay. Ito ay pagnanakaw ng
pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito.
Karaniwang ito ay ginagawa sa pamamagitan ng
paglustay o maling paggamit (misappropriation) ng
pondo.
Ang pangkaraniwang ipinapataw na parusa sa ganito ay
panghabambuhay na pagkakakulong.
2. Bribery o Lagay System. Ito ay ang pagaalok,
pagbibigay, pagtanggap, o paghingi ng
anomang bagay na may halaga upang
impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang
opisyal o empleyado ng pamahalaan.
Isang halimbawa nito ay ang red tape.
Ang mga fixer na binabayaran upang mapabilis
ang proseso ng dokumento.
3. Fraud o Pamemeke. Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang
(deception) sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang
benepisyo.
Ang ilang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga palsipikadong
dokumento o paglikha ng scam.
4. Extortion o Pangingikil. Isang illegal ito na
paggamit ng kapangyarihan. Ito ay tumutukoy sa
panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha
ng salapi. Karaniwang ginagamit
ang blackmailing o pangunguwalta sa
pamamagitan ng pananakot. May iba pang uri ng korapsiyon.
Maaaring ang mga ito ay kaugnay o nakapaloob sa mga pangunahing
uri ng korapsiyon.
1. Tax Evasion o Pagtakas sa pagbabayad ng kaukulang buwis
2. Ghost Project at Ghost Payroll
3. Evasion of public bidding in the awarding of contracts
4. Passing of contracts

75
5. Nepotismo at Paboritismo
6. Tong o Protection Money
Nagkakaroon ng hindi magandang epekto ang korapsiyon sa lipunan.
Narito ang iilan:
Nawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa mga opisyal ng
gobyerno.
Nawawalan ng partisipasyon ang mga mga mamamayan na makiisa at
makilahok sa mga programa ng gobyerno.
Hindi na nakikipagtulungan ang mga mamamayan sa gobyerno.
Nakapag-iisip ng mga maling bagay ang mga mamamayan tulad ng
pagnanakaw, pagpatay, panloloko at iba pa.
Nagpapatindi ito sa agwat ng mayaman at ng mahirap.
Nawawalan ng oportunidad ang bawat mamamayan na magkaroon ng
papel sa lipunan sapagkat ninakaw na.

Upang maiwasan ang magkaroon ng korap na opisyales ng gobyerno,


isaalang-alang ang sumusunod na mga mungkahi:
✓ Matalinong pagpili ng mga ihahalal sa pwesto
✓ Pagkakaron ng transparency o regular na pag-uulat ng pamahalaan
tungkol sa pondo ng bayan
✓ Pagsasabatas ng Freedom of Information Bill
✓ Paigtingin ang pagmomonitor ng Statement of Assets, Liabilities and
Networth (SALN) na isusumite ng mga opisyal at empleyado ng
pamahalaan

✓ Patawan ng mabigat na parusa ang mga napatunayang nangurakot.


✓ Paigtingin ang pagtuturo ng kasamaan ng graft at corruption sa paaralan.

76
Buod ng Aralin
Ang mga salitang korapsyon o katiwalian ay ginagamit sa paglalarawan
ng isang opisyal na naglilingkod sa gobyerno na may sariling interes. Kabilang
sa mga uri nito ay ang mga sumusunod: 1) Embezzlement o Paglustay, 2)
Bribery o Lagay System, 3) Fraud o Pamemeke, at 4) Extortion o Pangingikil.
Ang mga binanggit na mga uri ng korapsiyon ay kaakibat na parusa.

Pagtataya

Unawain Mo…
Bilugan ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat bilang)
1. Ano ang ibig sabihin ng salitang suhol?
a. Pagbibigay ng pera sa isang tao kapalit ng isang pabor
b. Anumang mapanlinlang na aktibidad
c. Isang anyo ng pangangalakal ng tagaloob
d. Isang legal ngunit hindi etikal na aktibidad

2. Alin sa mga sumusunod ang gagawin upang makita ng tagasuri ang


panunuhol?
I. Magsagawa ng isang audit
II. Mga testigo ng panayam
III. Subaybayan ang mga transaksyon ng kumpanya

a. I, II, at III
b. I at II lang
c. II at III lamang
d. I lang
3. Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang (deception) sa layuning
makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo.
a. Fraud c. Extortion
b. Bribery d. Paglustay
4. Ito ay tumutukoy sa panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha
ng salapi. a. Fraud
b. Bribery
77
c. Extortion
d. Paglustay
5. Pagnanakaw ito ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito.
Karaniwang ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglustay o maling
paggamit (misappropriation) ng pondo. a. Embezzlement
b. Bribery
c. Extortion
d. Paglustay

Magsulat Ka…
Magbigay ng tatlong uri ng korapsiyon na isinasagawa sa inyong
komunidad o barangay. Pumili ng isang pinakamatinding ginawa sa inyong
komunidad. Ilahad ang sumusunod sa loob ng isang komposisyon na binubuo
ng tatlong talata:
➢ Sino ang nagsagawa (opsiyonal ang pangalan)
➢ Magkano ang perang nakuha
➢ Paano isinagawa
➢ Epekto o mga epekto sa lipunan ➢ Aral na
natutunan mo rito

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


Nilalaman 25
Kawastuhan ng Gramatika 10
Kabuuan 35

Aralin 2. KONSEPTO NG BAYANI


Nakagawa ka na ba ng kabayanihan? Mataas ang pagtingin ng lipunan
sa isang bayani ngunit kaakibat nito ang matinding sakripisyo at
responsibilidad.
Sa araling ito, uunawain nating mabuti ang konsepto ng bayani sa
lipunang Pilipino.

Mga Tiyak na Layunin:

78
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Naiisa-isa ang mga taong itinuturing na mga bayani ng bayan, at.
2. Nakasusulat ng isang komposisyong binubuo ng tatlong talata tungkol
sa konsepto ng kabayanihan na naobserbahan sa sariling komunidad.

Pagtalakay sa Paksa
Ang bayani ay isang taong mayroong kabayanihan at mayroong
kaugnayan sa pagiging matapang o magiting.
Maraming mukha ang kabayanihan. Wala itong pinipiling edad at
maging kasarian. Ang pagiging bayani ay hindi nangangailangan ng
propesyon dahil ito ay kusa at likas na gawain ng isang tao.
Hindi lahat ng kabayanihan ay makikilala pagkatapos mong mamatay
na katulad sa ating mga pambansang bayani at bayani na OFW. Bayani sila
sapagkat nagsasakripisyo sila sa ibang bansa upang mapabuti ang buhay ng
kanilang pamilya at ekonomiya ng bansan kahit na ang kapalit nito ay
matinding pangungulila at matagal na panahong pagiging mag-isa. Nariyan
din ang mga sundalo na araw-araw ay walang kasiguraduhan ang seguridad
ng buhay sapagkat inialay na nila ang buhay sa pangangalaga ng
kapayapaan at katiwasayan ng bansa. Hindi rin matatawaran ang pagsuong
mga Frontliners tulad ng mga doktor, nars, opisyales ng gobyerno, kapulisan
at iba pa sa pagpigil sa paglaganap ng Covid-19.
Kung gayon, ang retorika ng kabayanihan ay esensyal sa anumang
bansang nagsisikap na mabuo ang identidad. Ang dalumat ng bayani ay
makikita sa mga etno-epiko at maging sa makasaysayang yugto na tinalikdan
ng indibidwal ang awtoridad para isulong ang kapakanan ng nakakarami.
Kaya, ang bayani ay hindi lang tumulong sa kaniyang sariling
kababayan kundi ang tumutulong sa kapakanan ng kanyang Inang Bayan.

Buod ng Aralin
Ang konsepto ng pagiging isang bayani ay hindi lamang lumilitaw pagkatapos
mamatay ang isang taong nag-alay ng sakripisyo at buhay para sa bayan.
Nariyan din ang mga bayaning buhay tulad ng mga sundalo at OFW.

79
Samantala, sa panahon ng pandemya ay lumitaw ang mga bagong bayani ng
bayan tulad ng mga doktor, nars, kapulisan, opisyales ng gobyerno at iba pa.
Pagtataya

Kilalanin Mo…
Isa-isahin ang mga taong itinuturing na mga bayani ng ating bayan. 2 puntos
bawat bilang.
1.__________

2.__________

3.__________

4.__________

5.__________

Magsulat Ka….
Sumulat ng isang komposisyong binubuo ng tatlong talata tungkol sa
konsepto ng kabayanihan na naobserbahan sa sariling komunidad. 20 puntos.

Aralin 3. Kalagayan ng Pabahay, Pangkalusugan,


Transportasyon, at Edukasyon
Nakatira ba sa komportableng bahay ang aleng nakita mong
namamalimos sa kalye? Nakakapagpapagamot pa ba siya ng kaniyang
karamdaman? Nakapag-aaral ba ang kaniyang mga anak?
Ito ang mga karaniwang katanungan natin sa mga ordinaryong
mamamayang Pilipino lalo na ang nasa pinakamababang antas ng lipunan.
Sa araling ito, gagalugarin natin ang kalagayang pabahay, pangkalusugan,
transportasyon at edukasyon ng ating bansa.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:

80
1. Naipaliliwanag ang mga kasagutan
tungkol sa mga isyu ng pabahay,
kalusugan, transportasyon at edukasyon,
at
2. Naibabahagi ang mga sariling karanasan
kaugnay ng mga isyung panlipunan sa
pamamagitan ng jingle o rap song.
Pagtalakay sa Paksa
Ang kalagayan ng pabahay, pangkalusugan, transportasyon at
edukasyon ay mga suliranin na kinakaharap ng pamahalaan at pamilyang
Pilipino lalo na ang mga mahihirap. Sa kasalukuyan, maraming mga Pilipino
ay walang sariling bahay kaya umaasa sa pamahalaan kung paano sila
matutulungan. Ganoon din sa pangkalusugan, transportasyon at edukasyon
na hanggang sa ngayon ay patuloy na binibigyan ng pansin ng ating
pamahalaan upang matugunan ang mga hinaing ng mga Pilipino.
A. PABAHAY
Ang pabahay ay isang karapatang pantao. May karapatan ang
bawat tao na manirahan sa isang ligtas, walang diskriminasyon at
panliligalig.
Ang pabahay ay isa sa mga pilit na tinutugunan ng ating
pamahalaan. Sa pagdami ng populasyon, batid natin na marami pa
ang nangangailangan ng tahanan pagdating ng panahon. Ayon sa
investigative Documentaries ni Manghas (2017), isang pinakamalaking
isyung pabahay sa Balagtas, Bulacan na may 6,000 housing units na
pabahay ng gobyerno na inokupa ng mga miyembro ng kalipunan ng
Damayang Mahihirap o KADAMAY noong Marso. Ngunit, umuupa rin
itong mga umuukupa.
B. PANGKALUSUGAN
Pinakamahalaga sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino
ang kalusugan. Kadalasan sa ating bansa, ang kalusugan ay isang
personal na isyu sa mamamayan. Nahihirapan ang marami na
maiugnay ang isyu ng personal health na isyu sa public health.

81
Marami nang sakit na madaling kumalat gaya ng dengue, aids at ang
kasalakuyang isyu tungkol sa COVID19.
Basahin ang teksto sa ibaba tungkol sa Covid-19 mula sa
internet.
ISYU TUNGKOL SA COVID 19
Ang corona viruses ay isang malaking
pamilya ng virus na nagdudulot ng iba’t
ibang sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon
hanggang sa mas malubhang mga
impeksyon tulad ng MERS-CoV at
SARSCoV. Ang coronavirus ay maaari ring
magdulot ng iba’t ibang sakit sa mga hayop.
Noong ika-31 ng Disyembre 2019,
naitala ang ilang kaso ng pneumonia na
hindi pa gaanong kilala sa Wuhan, China at
naireport sa WHO. Napagalaman na
lamang na ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang
coronavirus. Ang coronavirus na ito ay karaniwang natatagpuan sa mga
hayop lamang, at hindi pa nakita sa mga tao noon. Ang COVID-19 ay
nagmula sa mga hayop. Posible na ito ay nagmula muna sa mga hayop bago
naapektuhan o naisalin sa mga tao. Samantala, ang pinagmulan ng
COVID19 virus ay kasalukuyan pang inaalam at inaaral. Ang coronaviruses
ay isang malaking pamilya ng mga virus na pangkaraniwan sa mga hayop.
May mga pagkakataon ang mga tao ay nahahawaan ng mga virus na ito
tulad ng SARS-CoV na mula sa tinatawag na civet cats at MERS-CoV na
galing

82
naman sa tinatawag na dromedary camels.
Para makaiwas sa mga posibleng virus mula sa mga hayop, iwasan ang
direktang kontak o paghawak sa mga hayop, siguraduhin ang food safety sa
lahat ng oras, ayusin ang paghahanda sa mga hilaw na karne, gatas o mga
iba parte ng katawan ng hayop upang maiwasan ang kontaminasyon sa mga
di lutong pagkain, at iwasang kumain o uminom ng mga hilow o di lutong
produkto mula sa mga hayop.
Base sa WHO, wala pang kumpiramadong oras kung gaano nagtatagal o
nagsu-survive ang virus ng COVID-19 sa mga bagay o kagamitan. Subalit
maaaring tulad ito ng ibang coronaviruses. Ipinapakita sap ag-aaral na ang
coronaviruses ay maaaring mag-survive sa mga bagay o kagamitan sa loob
ng maiksing oras hanggang sa ilang mga araw depende sa iba’t ibang
kondisyon (hal. Uri ng kagamitan, temperature, at humidity sa kapaligiran).
Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng COVID-19 ay lagnat,
pagkapagod, at dry cough. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas ng sipon at
baradong ilong, sore throat, o diarrhea. Habang isa (1) lamang sa anim (6) na
pasyente ang nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging malubha ang
kalagayan. Ang COVID-19 ay maaaring nakamamatay, ngunit madalang
itong mangyari. Base sa WHO, 82% ng mga infected na pasyente ay may
banayad lamang na representasyon, 15% ang may malubhang
manipestasyon, habang 3% lamang ang nagiging kritikal. Base sa nabanggit
sa itaas, ang mga nakatatanda, nakumprumisong immune system, at mga
taong mayroon nang naunang kondisyong medikal gaya ng diabetes at sakit
sa puso ay ang mas madaling kapitan ng sakit dahil sa virus. Nasa 2%
lamang ng mga infected ang namatay dahil sa sakit.
Sa ngayon, wala pang gamut o bakuna laban sa COVID-19. Subalit
marami sa mga sintomas ang maaaring magamot base sa clinical condition
ng pasyente. Ang supportive care para sa mga
taong infected ay lubos na epektibo sapagkat
marami ang nakarecover ditto sahil laman sa
supportive care. Kasalukuyang dine-develop at
sinusuri sa pamamagitan ng mga clinical trial ang
mga bakuna at partikular na mga gamut. Ang WHO
at DOH ay nakikipag-ugnayan sa mga nagde-
develop ng mga bakuna at gamot upang malaman
ang mga posibleng pagkukuhanan nito. Sa
kabilang banda, ang DOH ay aptuloy na
pinapayuhan ang publiko na regular

83
at madalas na maghugas ng kamay, takpan ang bibig at ilong gamit ang tisyu
o loob ng siko sa tuwing uubo, at panatilihin ang isang metrong distansya
mula sa mga umuubo o bumabahing (para sa iba pang impormasyon, tingnan
ang Section ng Protective and Preventive Measures).
Masugid na mino-monitor ng Department of Health ang mga indibidwal na
mayroong mga sintomas at may nagdaang paglalakbay sa China at iba pang
bansang may kumpiramdong kaso ng COVID-19. Nakikipag-ugnayan ang
DOH sa WHO at China Center for Disease Control para sa mga update.
Mahigpit na mino-monitor ng DOH ang mga repatriate o mga Pilipinong galing
sa Wuhan, China at M/V Diamond Princess sa Japan. Patuloy na
isinasagawa ang contact tracing sa mga may positibong kaso upang matiyak
na hindi kumalat ang virus sa bansa.
Binuo rin ng DOH ang Interagency Task Force for the Management of
Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang ahensyang nakatalaga sa
pamamahala ng lahat ng kahandaan at pagtugon sa COVID-19. Binuo rin
ang DOH Emergency Operation Center (DOH EOC) for COVID-19, ang
command center na nakatalaga para sa pagsasaayos ng mga update at
impormasyon sa mga patuloy na nangyayari ukol sa COVID-19. Sa
pagpaparating ng mga impormasyon sa publiko, nagsasagawa ng press
briefings ang DOH tatlong beses sa isang lingo upang masiguro ang
transparency at accountability ng gobyerno.
Pinaghusay rin ng DOH ang kapasidad ng coronavirus laboratory testing,
kahandaan ng mga ospital, mabilis na pagtugon, risk communication at
pagpaparating ng mga impormasyon. Habang ang Bureau of Quarantine ay
patuloy na nagtatrabaho kasama ang mga airline at airport authorities upang
palakasin ang border surveillance habang pinagtitibay naman ng
Epidemiology Bureau ng DOH surveillance sa komunidad.

C. TRANSPORTASYON
Isa sa kinakailangan upang umunlad ang ekonomiya ng bansa
ang transportasyon sapagkat mapalalabas ng mga magsasaka ang
kanilang produkto nang mabilisan at matiwasay.
Basahin ang artikulo tungkol sa estado ng transportasyon sa
Pilipinas mula sa internet.

84
Ang transportasyon sa Pilipinas ay hindi pa gaanong maunlad,
dahil sa mga sumusunod na dahilan: mga buludunduking lugar sa
bansa at mga nakakalat na mga pulo, at ang patuloy na hindi
paglalaan ng pondo ng pamahalaan sa mga imprastrakturang
pantransportasyon ng bansa. Subalit sa mga nakalipas na taon, ang
pamahalaan ay sumisikap upang maipaganda ang sistema ng
transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga iba't-ibang
proyektong pang-imprastrasktura.
Ang mga dyipni ay pinakatampok na anyo ng pampublikong
transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito ng kultura
ng bansa. Isa pang tampok na anyo
ng pampublikong transportasyon ay
ang de-motor na traysikel;
maspangkaraniwan ang mga
ito sa mga pook-rural.Sa mga
nakalipas na taon, nagiging
tampok na anyo ng
pampublikong transportasyon
ang mga daambakal sa bansa, lalo na sa
maabalang kalakhan ng Kamaynilaan. May tatlong pangunahing
sistema ng daambakal sa Pilipinas: ang Sistema ng Light Rail Transit
ng Maynila na binubuo ng Linya 1 at Linya 2, ang Sistema ng Metro
Rail Transit ng Maynila na binubuo ng Linya 3, at ang Pambansang
Daambakal ng Pilipinas (o PNR). Ang dalawang sistema na unang
binanggit ay nagsisilbi lamang sa Kamaynilaan, samantala ang PNR
ay sumisilbi sa Kamaynilaan at sa ilang bahagi ng Luzon. Mayroon
ding mga lokomotorang singaw (steam engines) na matatagpuan sa
Kabisayaan na gumagana sa mga gilingan ng tubo tulad ng Central
Azucarera. Ang mga taksi at bus ay mga mahalaga ring anyo ng
pampublikong transportasyon sa mga pook-urban ng bansa.
May labindalawang (12) paliparang pandaigdig ang Pilipinas, at
may higit sa dalawampung (20) paliparang panloob na sumisilbi sa
bansa. Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (o NAIA) ay ang
pangunahing pasukan sa Pilipinas.

85
Noong taong 2016, napagsang-
ayunan ng Land Transportation
Franchising Regulatory Board (LTFRB)
ang pag-phase out sa mga karag karag at
mga luma ng pampasaherong jeep na may
edad na 15 taon na. Dahil umano ito na
kinakailangan na matanggal sa
pagpapasada ang mga lumang jeep upang makapagbigay ng mas
maayos na serbisyo sa riding public.
Ang jeepney modernization program ay isang batas na
naglalayong alisin ang mga jeepney na may edad na 15 taon pataas at
papalitan ito ng makabagong mga sasakyan na hindi nakasisira sa
kalikasan. Ito ay tinututulan ng mga operator ng jeepney at maging ng
mga driver nito. Para sa kanila, ito ay magiging sobrang pabigat,
sapagkat sa batas na ito, kailangan nilang bumili ng ng bagong unit ng
mga sasakyan na may makabagong mga gamit at teknolohiya.
Ang Department of Transportation ay ang siyang nagpanukala ng
mga tuntunin na magpapasimula ng pagpapatupad ng batas na
tinatawag na Jeepney Modernization Program.
Sa unang bugso ng programa, maaaring makapag-loan ang mga
driver o operator ng mula sa P1.2 hanggang P1.6 milyon, depende sa
standard ng jeep na maaprubahan. Nasa P80,000 ang sagot ng
gobyerno. Maaari namang bayaran ang natitira pang halaga sa loob ng
pitong taon. Mahigit P2 bilyon subsidiya para sa mga jeepney driver at
operator ang aprubado na at maari nang ipamahagi para sa
modernisasyon ng jeep. Nasa 250 units ng mga modernong jeep, ang
handa nang bigyan ng subsidiya para makaarangkada na ang mga
public utility vehicle (PUV) modernization program ng Department of
Transportation (DoTr). Inaprubahan noong Hulyo 1, 2017 ng gabi ng
Department of Budget and Management (DBM) at ng Department of
Finance (DOF) ang P2.2 bilyong pondo bilang ayuda sa mga jeepney
driver at operator na apektado ng programa.
Ngayon ay naipatupad na ang modernisayon ng jeepney kung
saan nag-aalangan ang karamihan ngunit wala na ring magagawa ang

86
publiko dahil naisabatas na ito at ini-implementa na ng ating gobyerno.
Dahil rito, nagagambala ang publiko dahil sa maaaring pagtaas ng
pamasahe sa jeepney ngunit nagpaliwanag naman ang LTFRB na
walang tataas na presyo dahil lang sa makabagong jeepney na ang
nagpapasada ngayon.
Sa kasalukuyang panahon kung saan nakararanas ng krisi ang
bansa, ang Land Transportation Franchising Regulatory Board
(LTFRB) ay nagdeklara ng pagkakaroon ng increase mula sa otso
pesos at naging siyam na pesos na ang pamasahe sa jeep sa lugar ng
National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, at
MIMAROPA.
Nagkaroon ng pagtaas ng pasada sa mga jeep at ito ay
hanggang matapos lamang ang taong kasalukuyan at magkakaroon ng
opsiyon kung dadagdagan ito ng 3-6 buwan depende sa pagtaas ng
gasolina.
Ang ibang transport group naman ay humihirit ng 10 pisong
minimum fare at ang iba naman ay gustong magkaroon ng limang
pisong discount sa oil exemptipn galling sa value added tax.

D. EDUKASYON
Ang edukasyon ay sandata upang mapabuti ang buhay ng bawat
tao. Ito rin ay nagtuturo sa tao upang maging makatao, maka-Diyos,
makakalikasan at makabansa tulad ng adhikain ng Departamento ng
Edukasyon.
Sapagkat nais ding makaagapay ng pamahalaan sa kompetisyon
sa globalisadong mundo, ipinatupad ang programang K-12 upang
mapahusay ang kalidad ng edukasyon. Sa kabila ng pagsisikap ng
Departamento ng Edukasyon, tumaas ang dropout sa elementarya at
sekondarya sa 11%% mula noong 2012 (Philstar.com n.d.).
Ang suliraning ito ayon sa pananaw ng karamihan ay bunsod ng
mga masasamang pag-uugali ng mga mag-aaral dulot ng mga bisyo,
87
mga online game, mga patakaran ng Kagawaran ng Edukasyon, at iba
pa.
Sa pagpasok ng pandemya, kumakaharap naman ang edukasyon
sa bansa ng mga panibagong suliranin tulad ng mga kagamitang
pampagtuturo at makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
Basahin sa ibaba ang pahayag ng pakikiisa ng Kagawaran ng
Edukasyon upang patuloy na maibigay ang kalidad ng edukasyon sa
bansa.

Kasalukuyang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas


(Pahayag ng Pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon)
Kami, ang mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon, ay
kaisa ng sambayanang Pilipino sa laban sa pagpuksa ng COVID-19.
Mula sa Central Office hanggang sa aming mga paaralan,
ipinangangako namin ang paglaan ng aming oras at kasanayan para
sa ikabubuti ng ating bansa. Mula sa pambansa hanggang sa lokal na
yunit ng pamahalaan at para sa ating matatapang na frontliners,
susuportahan namin ang buong pagsisikap ng gobyerno tungo sa
patuloy na paghilom ng ating bansa. Ito ang layunin ng Sulong
EduKalidad – ang magpatuloy nang sama-sama habang inihahanda
natin ang sistema ng edukasyon para sa hinaharap.
Sa laban na ito, ang ating mga pagsusumikap at patakaran ay
nakaangkla sa paglilingkod sa kapwa Pilipino, at ang pagtitiyak sa
kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani ay unang
isasaalang-alang sa ating mga polisiya.
Haharapin natin ang ‘bagong normal’ ng may kahabagan, sensibilidad,
at pagiging makabayan upang ang paraan ng pag-aaral ay hindi
maging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at guro
ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga hamon na
tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan
ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.
Tayo ay maglulunsad ng isang komprehensibong Learning
Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga hamon kabilang ang mga

88
kinakailangang pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga
materyales sa pagkatuto, at karampatang suporta para sa mga guro at
magulang.
Habang sinusugpo pa natin ang hindi nakikitang banta, patuloy
tayong magiging matatag sa paghahatid sa publiko ng katotohanan at
wagas na paglilingkod upang sugpuin ang maling impormasyon at
pagkakahati-hati. Marami pang gawain ang dapat na harapin. Hindi ito
ang oras upang magpalaganap ng takot, pag-aalinlangan at poot dahil
ito ang panahon upang magkaloob ng pag-unawa at pagmamahal. Sa
hanay ng Kagawaran, ipinangangako namin ang patuloy na
paghahatid ng abot-kaya, dekalidad, mapagpalaya at ligtas na
pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahong ito.
Kami, ang mga kawani ng DepEd, ay hinihikayat ang buong bansa
na muling isabuhay ang diwa ng Bayanihan.
Tayo ay mananatili hanggang ang lahat ay gumaling. Tayo ay patuloy
na lalaban upang makapagbigay ng edukasyon sa milyon-milyong mga
Pilipinong mag-aaral. Bilang isang bansa, tayo ay magtatagumpay at
gagaling nang nagkakaisa.

Buod ng Aralin
Kabilang sa mga pangunahing suliranin ng ating bansa ay may
kinalaman sa isyu ng pabahay, kalusugan, transportasyon at edukasyon. Sa
usapin ng pahabay, maraming pa ring mga Pilipino sa kasalukuyan ang
walang sariling bahay kaya umaasa sa pamahalaan kung paano sila
matutulungan. Sa kalusugan naman, pinakamahalaga sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino ang kalusugan. Kadalasan, ang kalusugan ay isang
personal na isyu sa mamamayan. Samantala, isa sa kinakailangan upang
umunlad ang ekonomiya ng bansa ang transportasyon sapagkat mapalalabas
ng mga magsasaka ang kanilang produkto nang mabilisan at matiwasay.
Sa kabilang dako, ang edukasyon ay sandata upang mapabuti ang buhay ng
bawat tao. Ito rin ay nagtuturo sa tao upang maging makatao, maka-Diyos,
makakalikasan at makabansa tulad ng adhikain ng Departamento ng
Edukasyon.
89
Pagtataya

Ipaliwanag Mo…
Ipaliwanag nang malinaw at buong husay ang iyong sagot sa mga
katanungan. (5 puntos bawat bilang)
1. Ano ang mga naranasang diskriminasyon ng mga Pilipino sa
pabahay?
2. Paano mapananatiling malusog ang sarili habang wala pang gamot
na panlunas sa COVID-19?
3. Natugunan ba ng ating pamahalaan ang suliranin sa transportasyon
sa pamamagitan ng ipinatupad na modernisasyon ng dyipni?
Patunayan ito.
4. Paano tutugunan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbibigay ng
edukasyon sa gitna ng pandemya?

Magsulat Ka…
Pumii ng isa sa mga tinalakay na paksa na personal mong naranasan o
kasalukuyang nararanasan. Bumuo ng jingle o rap song na nagpapahayag ng
iyong karanasan at solusyon kung paano mo ito natugunan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


Kaangkupan ng mensahe 50%
Ayos ng komposisyon 30%
Kaayusan sa paglalahad 20%
KABUUAN 100%

Aralin 4. BAGYO
Isa sa pinakakaraniwang sistema ng klima sa ating bansa ang
pagkakaroon ng bagyo. Maraming mga nasasalanta tulad ng kabuhayan,
gusali at kumikitil din ng napakaraming buhay ang mga pumapasok na bagyo
sa ating bansa.

90
Sa araling ito, tatalakayin natin ang kaligiran at uri ng bagyo maging
ang mga babala upang magbigay ng sapat na impormasyon nang
makapaghanda at maiwasan ang mga sakuna na dulot nito.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Natutukoy ang mga katangian, babala at pinsalang dulot ng bagyo.
2. Nailalarawan ang mga karaniwang paghahanda ng mga Pilipino kapag
may bagyo.
Pagtalakay sa Paksa
Ang bagyo (mula sa Proto-Austronesian: *baRiuS at Ingles: typhoon,
hurricane, storm at tropical cycone) ay isang sistema ng klima na may
nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng
isang sentro ng mababang lugar, tumatakbo
sa pamamagitan ng init na inilabas kapag
umaakyat at lumalapot ang basang hangin.
Natutukoy sila sa mga ibang unos, katulad
ng mga mababang presyon sa polar, sa
pamamagitan ng mekanismo na
nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng
klima. Tinatawag din itong unos at sigwa.
Ang bagyo sa Pilipinas ay naaapekto ng 20 beses kada taon. May apat
na uri na bagyo depende sa bilis ng hangin niya. Ang PAGASA ang
nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada 4 taon. Ang World
Meteorological Organization (Pandaigdigang Organisasyong Meteorolohikal)
ang nagpapangalan sa internasyunal na pangalan ng isang bagyo.
Sa Pilipinas, ang pagbabantay ng mga bagyo ay nakatalaga sa
Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng
Pilipinas o PAGASA.
Bagaman may mga nakatakda nang mga
internasyonal na pangalan ang mga bagyong
mamumuo sa Kanlurang Pasipiko, may sariling

91
nakatakdang pangalan ng mga bagyo ang PAGASA. May apat na listahan
ang PAGASA na nagsasalit-salitan kada taon, na bumabalik sa unang
listahan makaraan ang apat na taon. Ang bawat listahan ay may
dalawampu't limang pangalan na naaayon sa makabagong Alpabetong
Pilipino maliban sa Ñ, NG at X, at may ekstra pang sampung nakalaan kung
baka sakaling lumagpas sa 25 ang mga bagyong naitala sa taong iyon.
Kapag labis na mapinsala ang isang bagyo, ang pangalan noon ay iniaalis sa
listahang iyon at pinapalitan ng bago. Binibigyan lang ng PAGASA ng
pangalan ang bagyo kapag ito ay nakapasok na sa Lugar na Responsibilidad
ng Pilipinas.
Nagbigay ang PAG-ASA ng Public Storm Signal na magsisilbing
gabay ng mga tao sa lagay ng panahon, epekto ng hangin at mga paalala.
Basahin at pag-aralan ang nakalahad sa talahanayan.
STORM LAGAY NG EPEKTO NG MGA PAALALA
SIGNAL PANAHON HANGIN
Signal No. 1 *Isang *Mababali ang *Kapag lumakas at
Inaasahan ang bagyo ang sanga ng maliliit kumilos papalapit ang
pagsama ng
panahon sa paparating sa na puno. bagyo, maaaring itaas
loob ng 36 lugar. *Maaaring mabali ang warning signal.
oras
o tuluyang *Pinapayuhan ang
*Inaasahan ang mahugot ang lahat na makinig sa
hanging ilang puno ng pinakahuling
may bilis na 30 saging. ulatpanahon mula sa
hanggang 60 *Maaaring PAGASA kada anim
kph *Inaasahan matanggalan ng na oras.
ang bubong ang ilang *Maaaring isagawa
pabugsobugsong
ulan sa loob ng bahay na di ang pang-araw-araw
36 oras. gawa sa matibay na mga trabaho at
na materyales. gawain maliban na
*Mababaw o lang kung bumaha.
halos walang *Inilalagay sa alert
pagkasirang status ang disaster
magaganap sa preparedness units.
apektadong Ibig sabihin, itinaas na
92
lugar. ang pagkaalerto ng
*Malaking pinsala mga pangkat na
ang maaaring tutugon sa epekto ng
matamo ng palay
na bagyo.

nagsisimula pa
lang
umusbong.
Signal No. 2 *Isang *Maaaring *Mapanganib sa
Inaasahan ang bagyo bumaluktot o maliliit na sasakyang
pagsama ng
pahanon sa ang paparating tuluyang pandagat ang
loob ng 24 sa lugar. mabali karagatan pati na ang
oras.
ang mga puno ng mga dalampasigan.
*Inaasahan niyog. *Maaaring *Higit na atensiyon
ang hanging mabunot ang ang kailangang ibigay
may bilis na 60 ilang malalaking sa pinakahuling
kph hanggang puno. *Maaaring posisyon,
100 kph sa bumagsak ang direksiyon, bilis,
loob ng 24 maraming at lakas ng bagyo
oras. puno ng habang kumikilos ito
saging. patungo sa
*Apektado ang isang lugar.
mga palayan at *Pinag-iingat ang
iba pang mga publiko lalo na ang
pananim. mga naglalakbay sa
*Matatanggalan karagatan.
ng bubong ang *Huwag palalabasin
maraming bahay ng bahay ang mga
na gawa sa di- bata.
matibay na *Itago o ihanda ang
materyales. mga ari-arian bago pa
*Maaaring
matanggal ang tumaas ang warning
mga lumang signal.
*Kumikilos na ang

93
disaster preparedness

bubong na yari agencies/organizations


sa yero. Sa para paghandain ang
pangkalahatan, kanilang mga
maaaring komunidad.
magdulot ng
mababaw
hanggang
katamtamang
pagkasira sa
mga tinamaang
komunidad.

94
Signal No. 3 *Isang *Mababali ang *Delikado ang lagay
Inaasahan ang bagyo maraming puno ng panahon sa mga
pagsama ng ng niyog. apektadong lugar.
ang paparating
pahanon sa
loob ng 18 sa lugar. *Babagsak ang *Lubhang delikado sa
oras. *Inaasahan halos lahat ng lahat ng uri ng
ang hanging puno ng saging sasakyang pandagat
may bilis na at mabubunot ang karagatan at mga
100 kph ang malaking dalampasigan.
hanggang 185 bilang ng iba *Mapanganib ang
kph sa loob ng pang puno. paglalakbay lalo na sa
18 oras. *Matindi ang dagat at papawirin.
pinsala sa mga *Pinapayuhan ang
palayan at iba lahat na manatili sa
pang pananim. mga gusaling matibay
*Matatanggalan ang pagkakatayo,
ng bubong o lumikas sa
tuluyang mabababang lugar, at
mawawasak ang lumayo sa mga
karamihan sa pampang ng ilog o sa
mga bahay na
gawa sa di- mga dalampasigan.
*Maging alerto sa

95
matibay na pagdaan ng mata ng
materyales. May bagyo na maaaring
bahagyang matukoy sa
pagkawasak sa pamamagitan ng
mga estrukturang biglang pagbuti ng
di-matibay panahon na agad
hanggang sa namang susundan ng
digaanong pagsama, na may
matibay ang dalang malalakas na
konstruksiyon. hangin na madalas na
*Magkakaroon ng nagmumula sa hilaga.
pagkabalam sa *Kapag tumama na sa
serbisyo ng lugar ang mata ng
komunikasyon at bagyo, huwag
koryente. Sa lumabas sa lugar na
pangkalahatan, tinitigilan dahil
katamtaman makalipas lang ang isa
hanggang sa hanggang dalawang
matinding oras, babalik din ang
pagkasira ang pinakamasamang
mararanasan lagay ng panahon na
partikular na sa may dalang ubod ng
agrikultural at lakas na hangin galing
industriyal na timog.
sektor. *Suspendido ang mga
klase sa lahat ng
antas at hindi dapat
pinapayagang
lumabas ng bahay ang
mga bata.
*Nagbibigay na ng
nararapat na pagtugon
sa mga emergency

96
ang mga disaster
preparedness unit.

Signal No. 4 *Isang malakas *Malawakang *Maaaring maging


na bagyo ang pagkasira sa sanhi ng matinding
Inaasahan ang darating sa mga taniman ng pagkawasak sa
pagsama ng lugar. niyog. *Maaaring komunidad ang
pahanon sa
loob ng 12 *Inaasahan mabunot ang sitwasyon.
oras. ang hanging maraming *Dapat kanselahin ang
may bilis na malalaking puno. lahat ng biyahe.
185 kph o *Malaking pinsala Manatili sa loob ng
mahigit pa sa ang sa mga bahay.
loob ng 12 palayan at iba *Dapat nang
oras. pang taniman. maisagawa ang lahat
*Matinding ng paglikas patungo
pagkasira sa sa mas ligtas na lugar.
karamihan ng Malaki ang posibilidad
mga gusaling na tamaan ang lugar
residensiyal at ng mata ng bagyo.
institusyonal na *Habang papalapit ang
iba-iba ang klase mata ng bagyo,
ng konstruksiyon. patuloy ang paglala ng
*Matinding lagay ng panahon, na
pagkabalam sa may hatid na mga
mga serbisyo ng hanging galing hilaga,
komunikasyon at papalakas hanggang
koryente. sa pinakamatindi nito.
*Matinding *Isang biglang pagbuti
pagkasira sa ng panahon ang
mga apektadong mararanasan, na
lugar. nangangahulugang
nasa ilalim na ng mata
ng bagyo ang lugar.
*Depende sa laki at

97
bilis ng mata ng
bagyo, ang biglang
pagbuti ng panahon ay
maaaring tumagal ng
isa hanggang
dalawang oras.
*Habang lumalabas sa
lugar ang mata ng
bagyo, lalong sasama
ang lagay ng panahon,
kasabay ng lalong
pinalakas na hangin
na madalas ay galing
sa timog.
*Ganap nang
tumutugon sa
emergency ang
disaster coordinating
councils at iba pang
disaster response
organizations.

Super *Isang ubod ng *Halos lubos na *Maaaring maging


Typhoon lakas na bagyo pagkasira sa sanhi ng ubod ng
ang darating sa mga estrukturang tinding pagkawasak o
lugar. gawa sa delubyo sa
*Inaasahan magagaang komunidad.
ang hanging materyales, lalo
*Dapat kanselahin ang
na sa
may bilis na mga lahat ng biyahe.
220 kph o napakalapit sa Manatili sa loob ng
dalampasigan.
mahigit pa sa bahay.
*Lubusang
loob ng 12 matatanggalan *Dapat nang
oras. ng bubong ang maisagawa ang lahat
ng paglikas patungo

98
maraming gusali. sa mas ligtas na lugar.
Matindi at Malaki ang posibilidad
malawakang na tamaan ang lugar
pinsala sa mga ng mata ng bagyo.
bintana at pinto. *Habang papalapit ang
*Malubhang mata ng bagyo,
pinsala sa patuloy ang paglala ng
karamihan ng lagay ng panahon, na
mga residensiyal may hatid na mga
at institusyonal hanging galing hilaga,
na gusali na papalakas hanggang
halo-halo ang sa pinakamatindi nito.
materyales. *Isang biglang pagbuti
*Mapuputol ang ng panahon ang
mga linya ng mararanasan, na
koryente at nangangahulugang
komunikasyon. nasa ilalim na ng mata
*Tutumba ang ng bagyo ang lugar.
lahat ng mga *Depende sa laki at
signboard at bilis ng mata ng
malalaking bagyo, ang biglang
karatula. pagbuti ng panahon ay
*Lubos na maaaring tumagal ng
pagkasira sa isa hanggang
mga taniman ng dalawang oras.
saging. *Habang lumalabas sa
lugar ang mata ng
*Karamihan ng
bagyo, lalong sasama
mga matataas na ang lagay ng panahon,
puno tulad ng kasabay ng lalong
pinalakas na hangin
buko ang na madalas ay galing
mabubuwal, sa timog.
mababali, o
makakalbo.

99
*Napakakaunting *Ganap nang
halaman at puno tumutugon sa
emergency ang
lamang ang disaster coordinating
makalalampas sa councils at iba pang
disaster response
bagyo.
organizations.

Buod ng Aralin
Isa sa pangunahing likas na kalamidad na madalas nagaganap sa ating
bansa ay ang bagyo. Maraming masamang dulot ito tulad ng pagkasira ng
mga kabuhayan, imprastraktura at minsan ay kumikitil ng maraming buhay.
PAG-ASA ang ahensiya ng gobyerno na nagpapangalan sa mga bagyo at
nagbibigay ng babala sa mamamayan hinggil sa mga paparating na bagyo.
Ang Public Storm Signal ay nagsisilbing gabay ng mga tao sa lagay ng
panahon, epekto ng hangin at mga paalala na buhat din sa PAG-ASA.

Pagtataya

Tukuyin Mo….
Tukuyin kung anong signal ng bagyo ang tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat bilang)
_____1. Ito ay may lakas na hangin na 61- 120 kph at inaasahan sa
loob ng 24 oras mula sa unang paglathala.
a. Signal # 1 b. signal # 2 c. signal # 3 d. signal # 4
_____2. Ito ay may lakas na hangin 30-60 kph at inaasahan sa loob ng
36 oras ng unang paglathala.
a. Signal # 2 b. signal # 1 c. signal # 4 d. signal # 3 _____3. Ito
ay may lakas na hangin 220 kph sa loob ng 12 oras mula sa
unang paglathala.
a. Signal # 3 b. signal # 5 c. signal # 4 d. signal # 2
_____4. Ito ay may lakas na hangin 170-220 kph at inaasahan sa loob
ng 12 oras mula sa unang paglathala.
a. Signal # 1 b. signal # 2 c. signal # 3 d. signal # 4
100
_____5. Ito ay may lakas na alon 121-170 kph at inaasahan sa loob
ng 18 oras mula sa unang paglathala.
a. Signal # 2 b. signal # 3 c. signal # 5 d. signal # 1

Magsulat Ka….
Ilarawan ang ginagawang paghahanda ng mga magsasaka sa inyong
komunidad tuwing may bagyo. Magsagawa ng pakikipanayam at kunan ng
larawan (20 puntos).

Aralin 5. MANGAGAWANG KONTRAKTUWAL


Magkano ba ang sinasahod ng isang manggagawang kontraktuwal?
Sapat ba ang kanilang benepisyong inaasahan sa kompanya? Kamakailan
lang, lumabas ang isyu ng kontraktuwalisasyon sa bansa dahil sa maraming
Pilipino ang nabibiktima nito.
Sa araling ito, tatalakayin natin ang kalagayan ng mga manggagawang
kontraktuwal maging ang ipinasang batas para mahinto na ang
kontraktuwalisasyon lalong-lalo na sa mga pribadong kompanya.

Mga Tiyak na Layunin


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Nakasasaliksik ng mga tiyak na karanasan ng mga kontraktuwal sa
pamamagitan ng pakikipanayam.

Pagtalakay sa Paksa
Isang iskema ang kontraktuwalisasyon kung saan higit na mababa ang
sahod, may kaunti o walang benepisyo, at walang seguridad sa trabaho.
Nagtatapos ang kontrata sa loob ng anim na buwan upang maiwasan ang
pagreregular sa mga manggagawa. Kung nais
namang magpatuloy sa pagtatrabaho, maaaring
mag-aplay ulit pagkatapos ng lay-off period.
Matagal na ring isinasagawa
ang kontraktuwalisasyon sa mundo. Nagsimula

101
ito sa huling bahagi ng dekada ng 1970. Pinasimulan ito ng mga imperyalistang
bansa upang magkaroon ng ipitan ang kabuhayan ng mga tao sa kabila ng
matinding krisis. Makikinabang nang husto ang mga kapitalista sapagkat
napakamura ng kanilang manpower sa kanilang negosyo. Narito ang mga
ipinagkait na benepisyo ng kontraktuwalisasyon.
Mas mababa ang natatanggap na sahod kaysa sa regular.
Pagkait ng mga benepisyong pangkalusugan. Ang manggagawa pa ang
gumagastos sa kanilang pagkakasakit at walang pananagutan ang
employer.
Kapag nabuntis ang babaeng manggagawa, siya ang unang ma-endo.
Mawawalan ng trabaho pagkatapos ng kontrata
Walang insurance na matatangap.

Sa kabila ng pagkakait ng mga benepisyong ito, marami pa rin ang


kumakagat sa kontraktuwalisasyon sapagkat walang oportunidad na
makahanap ng mas magandang trabaho ang mga Pilipino.

Buod ng Aralin
Ang kontraktuwalisasyon ay isang iskema kung saan higit na mababa
ang sahod, may kaunti o walang benepisyo, at walang seguridad sa trabaho.
Nagtatapos ang kontrata sa loob ng anim na buwan upang maiwasan ang
pagreregular sa mga manggagawa. Sa kabilang ng ganitong sistema, marami
pa rin ang kumakagat sa kontraktuwalisasyon upang magkaroon ng
oportunidad na magkatrabaho. Patunay lamang ito na susuungin ng isang tao
ang isang trabahong walang katiyakan, kumita lamang sa legal na paraan.

Pagtataya Manaliksiksik Ka…


Magsagawa ng pakikipanayam sa dalawang tao na nakaranas ng
kontraktuwalisasyon. Alamin sa pakikipanayam ang sumusunod (25 na
puntos)
1. Ano ang kaniyang naging trabaho?
2. Ilang oras siyang nagtatrabaho at magkano ang kaniyang naging
sahod?

102
3. Nakasasapat ba ang kaniyang sahod sa pagtustos sa kaniyang mga
pangangailangang pansarili at pamilya? Bakit?
4. Bakit niya tinanggap ang pagiging kontraktuwal?
5. Ano ang mungkahi mo para tuluyan ng matigil ang
kontraktuwalisasyon?

Aralin 6. MAGSASAKA
Magsasaka ba ang iyong ama? Ano ang kanilang mga suliraning
nararanasan lalo na sa pagbili ng kanilang produkto? Isa sa
pinakanakababahalang isyu ngayon ang napakamurang halaga ng palay sa
merkado.
Sa araling ito, aalamin natin ang mga suliraning nararanasan ng mga
magsasaka at mga hakbang upang malunasan ang mga ito.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakasasaliksik ng sitwasyon ng mga magsasaka sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng pakikipanayam.
Pagtalakay sa Paksa
Umabot sa P6 bawat kilo ang halaga ng bawat kilo ng palay. Minsan,
tumataas naman hanggang sa P17 ang bawat kilo. Napakamura nito
sapagkat napakamahal ng mga gastos ng financing ng pagpapaararo,
pestisidyo, abono at pag-aani. Hindi mabubuhay ang mga magsasaka sa
nagiging halaga ng palay ngayon sa Pilipinas.
Bumaba ang presyo ng palay sapagkat umaangkat ang bansa ng mga
imported na bigas gaya na lamang sa mga bansang Thailand at Vietnam. Mas
mababa ang halaga ng bigas sa mga bansang ito kaya naman pinatay nito
ang oportunidad ng mga magsasakang Pilipino na makapagbenta ng kanilang
produktong palay sa patas na halaga. Dagdag pa rito, sinasakyan din ng mga
negosyante ang suliraning kinakaharap ng mga magsasaka. Binibili nila sa
murang halaga ang palay subalit kanila naman ibinebenta ito sa napakataas
na halaga na umaabot sa P55 mahigit ang halaga ng bawat kilo.

103
Hindi rin gaanong nabigyan ng oportunidad ng National Food Authority
ang mga karaniwang magsasaka sapagkat nasa mababang halaga rin ang
pagbili nila sa mga produktong palay ng mga lokal na magsasaka. Gayundin,
marami ring nakitang mga stock ng palay na hindi nila pinalalabas kaya
naman nagkakaroon ng rice shortage sa bansa kaya napipilitan ang gobyerno
na mag-import.
Nakapagdudulot ng napakalaking suliranin ang sitwasyon ng pagsasaka
sa Pilipinas (www.philstar.com). Pag-aralan ang sumusunod ➢ Nalulubog sa
utang ang mga magsasaka.
➢ Ayaw ng maging magsasaka ng mga anak ng magsasaka. Mas gusto
na lamang nilang magtrabaho sa lungsod o sa ibang bansa sapagkat
mas malaki ang sahod at mataas ang pagtingin sa kanila ng mga tao.
Dahil dito, lumiliit na ang bilang ng magsasaka sa bansa.
➢ Kakaunti rin ang kumukuha ng kursong agrikultura sa kolehiyo.
➢ Ibinebenta na ng mga ekta-ektaryang lupain sa mga negosyante upang
gawing real-estate subdivision at industrial area. Darating ang panahon
na wala ng sapat na lupang sakahan dahil dito kaya patuloy na lamang
tayong mag-iimport ng palay.

Nagbigay rin ng mungkahi ang www.philstar.com upang mapabuti ang


kalagayan ng mga magsasaka sa bansa.
➢ Magsagawa ng geographical profiling sa rehiyon upang malaman ang
angkop na pananim.
➢ Palakasin ang rice-producing region.
➢ Bigyan ng sapat na ayuda ang bawat magsasaka.
➢ Hikayatin ang mga mag-aaral na mahalin ang pagsasaka.

Buod ng Aralin
Ang Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Kaya naman,
pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino ang pagsasaka. Ngunit kung sino
pa ang nagtatanim para may makain ang mga taumbayan ay sila pa ang
nadedehado. Silang mga magsasaka ay naghihirap dahil sa napakababang
presyo ng palay na bunsod ng pagpapatupad sa Rice Tarrification Law.

104
Pagtataya Manaliksik Ka…
Magsagawa ng pakikipanayam sa isang magsasaka. Gawing gabay sa
pagtatanong ang sumusunod (20 puntos)
1. Ano-ano ang iyong mga nararanasang suliranin sa pagsasaka?
2. Masaya pa rin bang magsaka? Patunayan ang sagot.

Aralin 7. KABATAANG MANGGAGAWA


May kilala ka bang kabataang manggagawa? Napakaraming
naglipanang kabataang manggagawa sa palengke, mga gusali, minahan,
palaisdaan at iba pang maaaring mapagkukunan ng ikabubuhay upang
mairaos ang kumakalam nilang sikmura.
Sa araling ito, aalamin natin ang buhay ng kabataang manggagawa.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Nailalarawan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kabataang
manggagawa sa pamamagitan ng pagtula.
Pagtalakay sa Paksa
Sa tala ng NSO o National Statistics Office, nasa 5.5 milyon na ang
kabataang manggagawa na nasa edad 5-17. Sa bilang na ito, tatlong milyon
ang nagtatrabaho nang hindi ligtas (www.pressreader.com).
Makikita sa talahanayan ang mga dahilan ng pagpasok ng kabataang
manggagawa gayundin ang kanilang mga panganib na dulot sa kanila.
Mga Dahilan Mga Panganib ng Dulot
➢ Matinding kahirapan ➢ Panganib sa kalusugan na
➢ Iresponsableng magulang maaaring hahantong sa
➢ Kapos na kita ng magulang kamatayan.
➢ Walang mga magulang ➢ Hindi na makapag-aral kaya
hindi na makapagtapos ng
pag-aaral kahit man lamang sa
senior high school.

105
Nagsasagawa rin ng programa ang pamahalaan tulad ng Philippine
Program Against Child Labor. May mithiin ang programa na ito na alisin ang
mga milyong kabataang manggagawa sa panganib na sitwasyon sa 2025.
Nagpalabas din ang Department of Labor and Employment o DOLE ng mga
listahan ng mga mapanganib na trabaho at ang mga trabahong hindi
nararapat sa kabataan. Kaya naman, nakatanggap na rin ang ating
pamahalaan ng papuri mula sa United States Department of Labor (US DOL)
dahil sa pagpapaigting ng kampanya para maiahon na ang batang
manggagawa.

Buod ng Aralin
Ang pagtatrabaho ng kabataan ay isang likas na pangyayari sa ating bansa.
Bunsod ito ng kahirapan, iresponsableng magulang, kapos na kita ng
magulang at kawalan ng mga magulang. Ang senaryong ito ay nagdudulot ng
panganib sa kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan. May programang
panggobyerno naman na may mithiing alisin ang mga milyong kabataang
manggagawa sa 2025, gaya ng Philippine Program Against Child Labor

Pagtataya

Magsulat Ka…
Bumuo ng isang tula na binubuo ng dalawa hanggang tatlong saknong
na naglalaman ng karanasan ng isang kabataang manggagawa.
Pamantay an sa Pagtataya

Nilalaman 15
Kalinawan 5
Pagkamalikhain 10
KABUUAN 30

106
Aralin 8. MIGRASYON
Patuloy na dumarami ang mga Pilipinong nangingibang bansa. Bakit
kaya? Sagot umano ito sa kahirapan, kaya milyon-milyon na ang
nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay pansamantalang
magtatrabaho doon at ang iba naman ay tuluyan nang nanirahan doon.
Sa araling ito, ating gagalugarin ang dahilan ng migrasyon sa ibang bansa at
ang epekto nito sa ating bansa.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Nasasaliksik ang sitwasyon ng mga migrante sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng pakikipanayam.
Pagtalakay sa Paksa
Tumutukoy ang migrasyon sa paglilipat ng
tao mula sa isang bansa tungo sa ibang bansa
upang doon manirahan nang panandalian o
pangmatagalan. Halimbawa nito ay paninirahan
ng mga Pilipino sa Amerika o sa iba pang bansa
gayundin, ang pagtatrabaho ng Overseas Filipino
Workers (OFW) sa ibang bansa.
Irregular, temporary at permanent ang mga uri ng migrante. Makikita sa
ibaba ang kanilang pagkakaiba.
Irregular Temporary Permanent
➢ Migranteng hindi ➢ Migranteng may ➢ Migranteng ang
dokumentado kaukulang permit layunin sa
at dokumento na
➢ Walang permit na magtrabaho sa pagpunta sa
magtrabaho dayuhang bansa dayuhang bansa
sa takdang
➢ Overstaying ay permanenteng
panahon.
sa bansang manirahan doon.
dayuhan
➢ Nagiging citizen
na sila ng
dayuhang bansa.

107
Ayon sa tala ng Philippine Statistics Office o PSA noong 2016, nasa 2.2
milyon na ang nangibang-bansa na mga Pilipino. Bakit nga ba nangingibang
bansa ang mga Pilipino? Narito ang iilang kadahilanan:
1. Mas maraming trabaho na maaaring pasukan sa ibang bansa. Hindi
kahingian ang makapagtapos ng kolehiyo, sapat ng mayroong
kasanayan na nakuha sa bokasyonal na kurso o TESDA.
2. Mas mataas ang sahod sapagkat mas mataas ang halaga ng dolyar
kaysa sa piso.
3. Matustusan ang pangangailangan ng pamilya sa pagkain at kalusugan.
4. Matugunan ang pangangailngan sa matrikula lalo na pagpapaaral ng
anak o kapatid sa kolehiyo.
5. Nais makapag-ipon agad upang makapagpundar ng bahay, lupa,
sasakyan, negosyo at iba pa.
6. Magkakaroon ng kaalaman sa iba’t ibang larangan.
7. Magkaroon ng mas ligtas na tirahan.
Sa kabila ng magandang naidudulot nito, mayroon ba itong negatibong
naidudulot sa ating bansa? Ang sumusunod ay negatibong dulot nito sa ating
bansa:
1. Nawawalay sa mahal sa buhay ang migrante.
2. Nababawasan ang magagaling na skilled worker sa bansa.
Nababawasan ng lakas-paggawa sa bansa.
3. Nagkakaroon ng brain drain sapagkat ang mga propesyonal tulad ng
mga doktor, nars, arkitekto, guro at iba pa ay nangibang-bansa na. Ang
kanilang talino ay hindi nila naibabahagi sa ating bansa.
4. Nakararanas ng pang-aabuso ang mga OFW lalo na ang mga
domestic helper.

Buod ng Aralin
Noon pa man, maraming Pilipino na ang nangingibang-bansa. Patuloy
itong dumarami sa kasalukuyan sapagkat mas madali at mabilis na ang
proseso. Tinatawag itong migrasyon. Tumutukoy ang migrasyon sa paglilipat
ng tao mula sa isang bansa tungo sa ibang bansa upang doon manirahan

108
nang panandalian o pangmatagalan. Pangunahing dahilan ng migrasyon ang
oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho sa ibang bansa.
Pagtataya
Magsaliksik Ka….
Magsagawa ng pakikipanayam gamit ang teknolohiya sa mga OFW sa
kasalukuyan. Gawing gabay sa pagtatanong ang sumusunod: (25 na puntos)
1. Saan ka nagtatrabaho at ano ang iyong trabaho?
2. Bakit mo napagpasiyahang mangibang-bansa?
3. Ano ang naitutulong sa iyo ng pangingibang-bansa?
4. Ano ang iyong nararanasang suliranin sa pagtatrabaho sa ibang
bansa?
5. Nararapat bang mangibang-bansa ang mga Pilipino?

Mga Sanggunian

Alaska, C. (2016). Simple paraan upang labanan ang epekto ng climate


change. DOH 2014. Doh. https: //www.gov.ph.climate change.
https://www.slideshare.net/Mikarosendale2296/ap -10-isyung-pampolitika-ang-
graft-and-corruption-kahulugan-uri-at-mungkahi
www.doh.gov.ph. Climate-change.
Balita.net.ph. (2007). Ang isyu sa kalusugan.
https//www.pressreader.com.balita
https://dabawenyonglumad.wordpress.com/category/davao -tribal-culture
https://mimirbook.com/tl/56a912e0376/ Pinagmulan Encyclopedia Mypedia
https://www.doh.gov.ph/climate-change https://news.abs-
cbn.com/news/10/12/18/ https://thebenildean.org/2018/03/sulyap -sa-buhay-
ng-isang-minorya/. https://www.coursehero.com/file/56323169/Filipino -
kontraktwal-namanggagawa-handoutdocx/
http://diaryobomba.com/special-report/problema-ng-mga-magsasaka-lumala/
https://news.abs-cbn.com/news/07/07/18/ilang-tindera-mamimili-umaaray-
sapatuloy-na-pagsipa-ng-inflation
https://news.abs-cbn.com/news/11/08/19/ilang-tsuper-hati-sa-
planongpagpapalit-ng-modern-jeepneys https://news.abs-
109
cbn.com/news/11/08/19/ilang-tsuper-hati-sa-planongpagpapalit-ng-modern-
jeepneys https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/10_working
%20children.pdf https://www.veritas846.ph/kailangan-ang-inklusibong-
edukasyon/ https://mimirbook.com/tl/affbb509847
https://ejournals.ph/article.php?id=7900/
https://www.veritas846.ph/tumitinding-kahirapan-sa-pilipinas-tinutugunan-
ngpamahalaan/ http://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement/
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
Panay News (2017). Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa
pangkalahatang Pilipino. Metro Bacolod, 12-09 2017.
Philippine Statistic Authority. Sept.06 2019. FNRI conducts the 2015 updating
of nutritional status of Filipino children and other population groups.
Ref. number 1508-01 Sept. 7, 2015 www.gmanetwork.com/.../paglala-
ng-malnutrisyon-sa-kabataan-
https://johnpaoloblog.wordpress.com/2016/10/17/kasalukuyang -sitwasyon-ng-
edukasyon

KABANATA V
MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

Introduksiyon
Bawat tao’y biniyayaan ng Diyos ng bibig upang makapagsalita; ng
tainga upang makarinig; ng kamay upang makapagsalita; at ng mata upang
makapagbasa at makapanood. Pagsasalita, pakikinig, pagbabasa, pagsusulat
at panonood – ang limang makrong kasanayang pangkomunikasyon.
Isang malaking kasiyahan para sa isang magulang ang marinig na
nakapagsasalita na ang kanilang anak. Hindi man nakabibigkas nang tama sa
umpisa, tila musika sa pandinig ng mga ito ang bawat lumalabas sa labi ng
kanilang munting anghel. Higit lalo ang kasiyahan ng magulang kapag
nakapagsasalita na nang maayos ang kanilang anak. Samantala, isang
malaking katuwaan naman para sa isang guro ang pagkakaroon ng magaaral
110
na mahusay magsalita sa klase, dahil magandang sukatan ito ng awtentikong
pagkatuto ng mga aralin.
Siyempre, nakatutuwa ring makita ang mga anak na mahusay makinig sa
sinasabi ng mga magulang. Gayundin naman sa panig ng isang guro, isang
katuwaan ang pagkakaroon ng mag-aaral na mahusay makinig dahil nagiging
tulay ito para sa epektibong pagtuturo-pagkatuto. Maliban sa pakikinig,
kailangang taglayin din ng mga mag-aaral ang husay sa pagbabasa at
pagsusulat sapagkat kabilang ito sa mga pangunahing kasanayan na dapat
malinang sa larangan ng edukasyon. Sa kabilang banda, nagiging
mahalagang batis din ng karunungan ang telebisyon, pelikula, google,
youtube at iba pa kung kaya’t itinuturing ang panonood bilang isang makrong
kasanayang pangkomunikasyon.
Mga mga tiyak ding sitwasyong pangkomunikasyon kung saan
nagtitipon-tipon ang mga kalahok para sa mga tiyak na layunin. Kabilang dito
ang lektyur at seminar, simposyum at kumperensiya, round table discussion,
small group discussion, pasalitang ulat, at ang video conferencing.
Masusing tatalakayin sa kabanatang ito ang nabanggit na mga tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon.

Pangkalahatang Layunin:
1. Magtatamo ng kasanayan sa mga tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon ng lipunang Pilipino.
2. Mailalapat nang kontekstuwal ang mga kasanayan sa sitwasyong
pangkomunikasyon.

Aralin 1. LEKTYUR AT SEMINAR


Nais ng mga Pilipino na magtamo ng karunungan at kasanayang
kinakailangan at napapanahon upang mas mapaunlad pa ang kahusayan sa
pinag-aaralan at sa propesyon. Dahil dito, kabi-kabila ang pagsasagawa ng
mga forum, lektyur, seminar.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang katangian ng forum, lektyur, at
seminar.

Mga Tiyak na Layunin:


111
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Nakapagdidisenyo ng isang lektyur at seminar ayon sa hakbang at
paraan ng pagsasagawa nito.

Pagtalakay sa Paksa
Ang lektyur at seminar ay may layuning masinsinang matutunan ang
isang paksa na inorganisa nang mapatibay ang propesyonalismo. Binubuo ito
ng 20 hanggang 70 kalahok.
Ginagamit ito upang magbigay ng mga update sa dati ng nalalaman at
magpakikilala ng mga bagong kaalaman (San Juan, D.M., 2018).
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng pinapaksa sa lektyur at seminar :
a. Pagsasanay sa mga pagsasalin
b. Pagsasanay sa paggamit ng mga social media sa pagtuturo
Naririto ang mga hakbang sa pagsasagawa ng lektyur at seminar
(www.eventbrite.com).
1. Tukuyin ang layunin ng lektyur at seminar gayundin ang bilang ng mga
kalahok.
2. Magplano para sa badyet tulad ng badyet sa bulwagan, pagkain,
imbitasyon, tagapagsalita at iba pa para makapagdesisyon ng wastong
halaga ng pagpapatala.
3. Pumili ng petsa ng pagdadaos ng lektyur at seminar, pagpapadala ng
imbitasyon sa kalahok at tagapagsalita, at pagpapatala. Pag-usapan
din ang programa.
4. Pumili ng lugar na panggaganapan ng lektyur at seminar.
5. Tumukoy ng angkop na magiging tagapagsalita sa paksa.

Buod ng Aralin
Isa ang lektyur at seminar sa mga karaniwang aktibidades na
isinasagawa ng mga guro, mag-aaral at iba pang pangkat ng mamamayan.
Ito’y may layuning masinsinang matutunan ang isang paksa na inorganisa
upang mapatibay ang propesyonalismo.

112
Pagtataya

Bumuo Ka….
Magdisenyo ng isang lektyur at seminar ayon sa sumusunod: (30 puntos)
1. Pamagat ng lektyur at seminar
2. Magbigay ng dalawang layunin
3. Sino at bilang ng kalahok
4. Badyet sa bulwagan, pagkain, tagapagsalita at imbitasyon
5. Lugar/bulwagan na pagdarausan
6. Tagapagsalita

Aralin 2. Simposyum at KumperensIya


Nakadalo ka na ba sa simposyum at kumperensiya? Maraming
inoorganisang simposyum at kumperensiya ang mga institusyon, oranisasyon
at iba pa.
Sa araling ito, ating pag-aaralan ang katuturan ng simposyum at
kumperensiya bilang mga tiyak na gawaing pangkomunikasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Naipaliliwanag ang pagkakatulad at pagkakaiba ng simposyum at
kumperensiya, at
2. Nakapagsuri ng isang simposyum at kumperensiya.

Pagtalakay sa Paksa
May pagkakatulad at pagkakaiba ang simposyum at kumperensiya. Ang
kanilang pagkakatulad ay kapuwa ito pagpupulong subalit nagkakaiba sila sa
bilang ng kalahok at paksang tinatalakay.
Maliit na bersyon ng kumperensiya ang simposyum kaya mas kaunti ang
bilang ng mga kalahok at karaniwang mga eksperto sa paksa ang
nagpupulong-pulong. Ang paksang tinatalakay rito ay isang partikular na isyu
o usapin.
113
Ang kumperensiya ay mas marami ang mga kalahok na nilalahukan ng
mga eksperto at mga kalahok. Sa loob ng kumperensiya, nagaganap ang iba’t
ibang pagpupulong.
May mga hakbang sa pagbubuo ng kumperensiya.
1. Pagtalakay sa detalye ng kumperensiya tulad ng:
a. Petsa at oras ng simposyum
b. Lugar
c. Komite
d. Pamumunuan ng pondo
e. Pagkakagastusan
f. Paksang tatalakayin
g. Mga tagapagsalita
2. Pagreserba ng kagamitan at lugar gaya ng:
a. Lugar
b. Mesa at silya
c. Sound system
d. LCD projector
e. Gamit sa dokumentasyon
3. Pagbuo ng programa para sa kumperensiya
4. Pagpapaalam sa madla ng mga detalye sa kumperensiya sa
pamamagitan ng liham, poster o patalastas.

Buod ng Aralin
Ang simposyum at kumperensiya ay kapwa gamit na gamit sa mga
pagtitipon sa mga akademikong institusyon. Mayroon itong pagkakatulad at
pagkakaiba. Ang kanilang pagkakatulad ay kapuwa ito pagpupulong subalit
nagkakaiba sila sa bilang ng kalahok at paksang tinatalakay.
Ang simposyum ay tumutukoy sa maliit na bersyon ng kumperensiya at
mas kaunti ang bilang ng mga kalahok, habang ang kumperensiya ay mas
marami ang mga kalahok na nilalahukan ng mga eksperto at mga kalahok.

Pagtataya

Ipaliwanag Mo….
114
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng simposyum at kumperensiya?
10 puntos.

Suriin Mo….
Magsaliksik ng isang kumperensiya sa internet at alamin ang mga
sumusunod: (30 puntos)
1. Ano ang pamagat ng kumperensiya?
2. Ano ang layunin ng kumperensiya? Nakamit ba ito?
3. Sino ang mga kalahok?
4. Ano ang mga paksa? Napapanahon ba ito?
5. Sino ang tagapagsalita sa bawat paksa? May kredibilidad ba siya?
Patunayan.
6. Nasunod ba ang daloy ng programa? Pangatuwiranan ang sagot.
7. Paano ipinaalam ang kumperensiya? Epektibo ba ito?

Aralin 3. ROUND TABLE AT SMALL GROUP DISCUSSION


Mahalagang maipahayag ng bawat kasapi ang kaniyang ideya at saloobin
dahil makapagbibigay ito ng bagong kaalaman, mungkahi at iba pa na
makapagpapahusay sa ideya ng pangkat.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang round table discussion at small
group discussion bilang mga tiyak na gawaing pangkomunikasyon.

Mga Tiyak na Layunin:


Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nagapagsasagawa ng roundtable at small group discussion para sa
pagpapatupad ng isang proyekto.
Pagtalakay sa Paksa
Isinasagawa ang roundtable at small group discussion upang
makapagbahagi ng kaalaman sa hangaring malutas ang isyu o suliranin.
Ginagamit din ito upang makapagmungkahi ng solusyon sa pagsasagawa ng
mga pagpaplano ng proyekto, pagdedesisyon at iba pa (San Juan, D., et al,
2018).

115
Nagbigay rin sina San Juan, D. et al, (2018) ng pangangasiwa sa
roundtable at small group discussion.
1. Paglalahad ng layunin ng talakayan.
2. Pagpapakilala ng mga kalahok
3. Pagtalakay sa paksa. Itatala ng documenter ang pagtalakay tulad na
lamang ng paksa, oras at lugar ng pagpupulong, mga kalahok, mga
mungkahi at komento, mga napagkasunduan at mga susunod na
hakbang ng pangkat.
4. Pagbibigay ng opinyon, puna at mungkahi ng mga kalahok. Magbigay
ng galang sa nagsasalita. Bigyan ng pantay na pagkakataon na
makapagbahagi ang mga kalahok.
5. Paglalagom sa mga napag-usapan at napagkasunduan
6. Pagtukoy ng susunod na mga hakbang.

Buod ng Aralin
Kabilang sa mga karaniwang uri ng talakayan ay ang roundtable at
small group discussion na isinasagawa upang makapagbahagi ng kaalaman
sa hangaring malutas ang isyu o suliranin. Ginagamit din ito upang
makapagmungkahi ng solusyon sa pagsasagawa ng mga pagpaplano ng
proyekto, pagdedesisyon at iba pa.
Pagtataya

Isagawa Mo….
Mag-isip ng isang paksa/proyekto at magsagawa ng roundtable discussion
kasama ang mga kasama mo sa inyong tahanan o mga kapitbahay. Isagawa
ang mga hakbang sa pagsasagawa nito. Gawan ng ulat ang inyong ginawang
roundtable at small group discussion ayon sa sumusunod :
1. Paksa
2. Oras
3. Lugar ng pagpupulong
4. Mga kalahok
5. Mga mungkahi
6. Komento
7. Mga napagkasunduan
116
8. Mga susunod na hakbang ng pangkat.

Aralin 4. Pagsagawa ng Pulong/Miting/AsembleYa


Upang maging matiwasay ang pagpapatupad ng isang proyekto
halimbawa, kailangang mapagkasunduan muna ito ng isang pangkat.
Nakatutulong ito upang maging bukal sa kalooban ng bawat kasapi ang
kanilang suporta.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang pagsasagawa
ng pulong/miting/asembleya upang mabigyan tayo ng gabay sa pagsasagawa
nito.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral
ang sumusunod:
1. Nakasusuri ng isang iskrip ng pulong/miting/asembleya.

Pagtalakay sa Paksa
Isang pagtitipon ang pulong/miting/asembleya na binubuo ng mga taong
kasapi sa isang pangkat. Karaniwan itong ginagawa sa mga paaralan, opisina
at iba pa upang pag-usapan ang mga punto na dapat gawin.
Ito ay isang sitematikong isinasagawa. May apat na elemento ng isang
organisadong pulong/miting /asembleya.
1. Pagpaplano. Nagkakaroon dito ng pagtutukoy ng pag-uusapan, petsa
at oras.
2. Paghahanda. Bahagi nito ang pagpapaalam sa mga kasapi ng
oraganisasyon ng isasagawang pulong/miting/asembleya.
3. Pagpoproseso. Pagsagawa ito ng pagpupulong. Magsimula sa
takdang panahon at magtapos sa takdang panahon.
4. Pagtatala. Ang mga mapag-usapan ay itatala ng kalihim upang may
rekord sa napag-usapan ng pangkat.

117
Buod ng Aralin
Ang pulong/miting/asembleya ay kabilang din sa mga karaniwang
paraan ng pagtatalakayan ng isang pangkat. Isa itong uri ng pagtitipon na
binubuo ng mga taong kasapi sa isang pangkat. Karaniwan itong ginagawa sa
mga paaralan, opisina at iba pa upang pag-usapan ang mga punto na dapat
gawin. Ang gawaing ito ay sistematiko na binubuo ng sumusunod na mga
hakbang tulad ng pagpaplano, paghahanda, pagpoproseso at pagtatala.

Pagtataya

Magsuri Ka….
Maghanap sa internet lalo na sa scribd ng isang iskrip ng
pulong/miting/asembleya. Sagutan ang mga sumusunod: 20 puntos
1. Sino ang nagbubukas ng pulong?
2. Ano-ano ang gawain ng tagapangulo?
3. Paano kinukuha ang boto ng mga kasapi?
4. Sa iyong palagay, malaki ba ang implikasyon ng pulong sa iyong
komunidad? Bakit?

Aralin 5. Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat


Nais nating marinig o malaman ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa
isang partikular na paksa. Sa loob ng silid-aralan, ginagamit din itong
pasalitang pag-uulat sa maliit na pangkat o sa buong klase. Alam mo ba kung
paano ito gawin nang mabisa?
Sa araling ito, aalamin natin ang katangian ng ulat at mga paraan ng
pagsasagawa nito.

Mga Tiyak na Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral


ang sumusunod:
118
1. Nakasusuri ng ulat batay sa mga katangian nito, at
2. Nakagagawa ng isang ulat batay sa mga katangian nito.

Pagtalakay sa Paksa
Isang pagpapahayag na pasalita man o pasulat ang pag-uulat na
naglalahad ng mga natipong kaalaman sa isinagawang pangangalap ng datos
mula sa iba’t ibang mga batis ng impormasyon.
Sa pagbuo ng isang ulat, nagbigay si Bernales, R. (2018) ng mga
katangian nito.
a. Organisado. Naisaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang
mga datos. Maaaring gumamit ng mga grapikong pantulong kung
kinakailangan.
b. Obhektibo. Walang kinikilingan ang pagpili ng datos.
c. Makatotohanan. Ito ay kayang suportahan ng mga ebidensiya at mula
sa pinagkakatiwalaang batis. Nakasulat din ang mga pinagkunan ng
datos.
d. May gamit. Kapaki-pakibanabang ang mga impormasyon sapagkat ito
ay bago, may pagdaragdag sa dati ng impormasyon at hindi pag-uulit
lamang ng mga alam ng impormasyon.

Buod ng Aralin
Isa sa pinakakaraniwang estratehiya sa larangan ng pagtuturo-pagkatuto
ay ang pag-uulat. Isa itong pagpapahayag na maaaring pasalita o pasulat na
naglalahad ng mga natipong kaalaman sa isinagawang pangangalap ng datos
mula sa iba’t ibang mga batis ng impormasyon. Upang masabing mahusay
ang isang ulat, kailangan nitong taglayin ang sumusunod na mga katangian
gaya ng organisado, obhektibo, makatotohanan at may gamit.

Pagtataya

119
Magsuri Ka…
Magsaliksik ng isang powerpoint presentation sa internet. Suriin ang
mga sumusunod ayon sa mga katangian ng pag-uulat: (25 puntos)
1. Sino ang tagapag-ulat?
2. Ano ang paksa?
3. Organisado ba ang pagkakalahad ng impormasyon? Patunayan.
4. May sapat ba itong pinagkunan ng datos at mapagkakatiwalaan ba ito?
Patunayan.
5. May gamit ba ito? Patunayan.

Bumuo Ka….
Gumawa ng isang ulat sa anumang paksa gamit ang powerpoint
presentation. Isaalang-alang ang mga katangian nito.
Pamantayan sa Pagmamarka
Organisasyon 10
Obhektibo 10
Makatotohanan 10
May gamit 10
Kabuuan 40

Aralin 6. VIDEO CONFERENCING


Ang pagpasok ng modernong teknolohiya ay nagbigay ng panibagong
tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon tulad ng video conferencing. Isa ito sa
mga kapaki-pakinabang na komunikasyon sapagkat globalisado na ang
mundo. Wika nga ng iba, tayo ay nasa digital world na. Kaya, kakambal na ng
ating buhay ang paggamit ng modernong teknolohiya.
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang video conferencing.
Mga Tiyak na Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang maisagawa ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
1. Nakalalahok sa isang video conferencing.

120
Pagtalakay sa Paksa
Ang video conferencing ay ginagamit ng mga indibidwal o grupo sa
iba’t ibang lugar na nagpapadala ng mga dokumento at gumagamit ng
multimedia, tunog, video at mga dokumento na nangangailangan ng mabilis
na kasagutan o tugon.
May application nito sa internet na ginagamit tulad ng facebook chat room,
google meet at zoom. Ito ay makikita sa laptop, kompyuter at smartphones.
Nangangailangan ito ng camera, earphone o head phone. Kadalasan
itong ginagamit sa mga industriyang pampinansiyal, pangenerhiya,
edukasyon, pangkomunikasyon at kalusugan.
Bunsod ng paglaganap ng pandemya sa buong mundo, lumawak pa ang
saklaw ng video conferencing. Ito ay dahil sa pagbabawal ng harapang
pagsasagawa ng klase sa lahat ng akademikong institusyon. Kaya naman,
nauso ang paggamit ng google meet, zoom, screen cast matic at iba pang
internet application upang maitawid pa rin ang proseso ng pagtuturopagkatuto
sa lahat ng antas ng edukasyon.

Buod ng Aralin
Tayo ay nasa digital world na, kung saan halos lahat ng gawain ay
mabilis nating nagagawa sa tulong ng modernong teknolohiya, gaya ng
internet. Isa sa pinakapatok gamitin sa kasalukuyan ay ang video
conferencing. Ginagamit ito ng mga indibidwal o grupo sa iba’t ibang lugar na
kinasasangkutan ng pagpapadala ng mga dokumento at paggamit ng
multimedia, tunog, video at mga dokumento na nangangailangan ng mabilis
na kasagutan o tugon.

Pagtataya

Isagawa Mo…
Magkisali sa isang video conferencing at sagutan ang mga sumusunod:
1. Ano ang pinag-usapang paksa?
2. Anong application ang inyong ginamit?
3. Ano ang kalakasan at kahinaan nito?

121
4. Ano ang napagtanto mo gamit ang video conferencing?

Mga Sanggunian

Aklat
Bernales, R., et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at global na
konteksto. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon


sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc.

Elektroniko https://evenues.com/event-planning-guide
https://www.coursehero.com/file/50809787/
https://mymemory.translated.net/en/Tagalog/English/roundtable-
atsmall-group-discussion
https://prezi.com/czhxrvvfgppa/sitwasyong-pangwika-sa-
telebisyonradyo-at-diyaryo-at-pelikula/ https://philippines.mom-
rsf.org/fil/media/radyo/ https://ejournals.ph/article.php?id=7949
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-
71363858
PANGKALAHATANG SANGGUNIAN

Aklat
Almeda, F. (1993). Surigao across the years. Quezuon City: Echanis Press,
Philippines.

Austero, C., et al. (2014). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila:


Rajah Publishing House.

Austero, C., et al. (2014). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Manila:


Rajah Publishing House.

Belves, Paz, et al. (2003). Pagbasa at pagsulat sa iba’t-ibang disiplina.


122
Manila: rex Bookstore.

Bernales, R., et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at global na


konteksto. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Hufana, N., et al. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Lungsod ng


Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Salazar, J. & Lim, M. (2017). Babasahin sa kultural na malayuning


komunikasyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Santos, A., & Sermolan T. (2009). Ang akademikong Filipino sa


komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon


sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing, Inc.

Elektroniko
Alaska, C. (2016). Simpleng paraan upang labanan ang epekto ng climate
change. DOH 2014. Doh. https: //www.gov.ph.climate change. May 31,
2016.
Panay News (2017). Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa
pangkalahatang Pilipino. Metro Bacolod, 12-09 2017.
Philippine Statistic Authority. Sept.06 2019. FNRI conducts the 2015 updating
of nutritional status of Filipino children and other population groups.
Ref. number 1508-01 Sept. 7, 2015

www.herd.org.np.
www.mypsychologyproject.wordpress.com www.odi.org www.kwf.gov.ph
https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikang-filipino-at-
panitikansa-kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/.
https://www.facebook.com/TANGGOLWIKA/posts/posisyong-papel-
ngdepartamento-ng-filipino-ng-de-la-salle-university-
manilatan/2197404793880743/
123
https://www.slideshare.net/Mikarosendale2296/ap -10-isyung-pampolitika-
anggraft-and-corruption-kahulugan-uri-at-mungkahi www.doh.gov.ph.
Climate-change.
Balita.net.ph. (2007). Ang isyu sa kalusugan.
https//www.pressreader.com.balita
https://dabawenyonglumad.wordpress.com/category/davao -tribal-culture
https://mimirbook.com/tl/56a912e0376/ Pinagmulan Encyclopedia Mypedia
https://www.doh.gov.ph/climate-change https://news.abs-
cbn.com/news/10/12/18/ https://thebenildean.org/2018/03/sulyap -sa-buhay-
ng-isang-minorya/. https://www.coursehero.com/file/56323169/Filipino -
kontraktwal-namanggagawa-handoutdocx/
http://diaryobomba.com/special-report/problema-ng-mga-magsasaka-lumala/
https://news.abs-cbn.com/news/07/07/18/ilang-tindera-mamimili-umaaray-
sapatuloy-na-pagsipa-ng-inflation
https://news.abs-cbn.com/news/11/08/19/ilang-tsuper-hati-sa-
planongpagpapalit-ng-modern-jeepneys https://news.abs-
cbn.com/news/11/08/19/ilang-tsuper-hati-sa-planongpagpapalit-ng-modern-
jeepneys https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/10_working
%20children.pdf https://www.veritas846.ph/kailangan-ang-inklusibong-
edukasyon/ https://mimirbook.com/tl/affbb509847
https://ejournals.ph/article.php?id=7900/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Globalisasyon
https://www.veritas846.ph/tumitinding-kahirapan-sa-pilipinas-tinutugunan-
ngpamahalaan/ http://masipag.org/2020/03/masipag-covid19-statement/
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
www.gmanetwork.com/.../paglala-ng-malnutrisyon-sa-kabataan-
https://johnpaoloblog.wordpress.com/2016/10/17/kasalukuyang -sitwasyon-
ngedukasyon https://evenues.com/event-planning-guide
https://www.coursehero.com/file/50809787/
https://mymemory.translated.net/en/Tagalog/English/roundtable -at-
smallgroup-discussion https://prezi.com/czhxrvvfgppa/sitwasyong-pangwika-
sa-telebisyon-radyo-atdiyaryo-at-pelikula/ https://philippines.mom-
rsf.org/fil/media/radyo/ https://ejournals.ph/article.php?id=7949
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
124
Republic of the Philippines
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
Tacurong City, Sultan Kudarat
College of
Teacher
Education
First Semester S.Y.
2020-2021

U
N
UNIVERSIT I
Y VISION V
E
A trailblazer in R
arts, science S
and technology I
in the region. T
Y

M
I
S
S
I
O
N

The University
shall primarily
provide advance

125
instruction and
professional
training in
science and UNIVERSIT
technology, Y
agriculture, OBJECTIV
fisheries, ES
education and
other related field a. Enhanc
of study. It shall e
undertake compete
research and ncy
develop
extension
ment,
services, and
commit
provide
ment,
progressive professi
leadership in its onalism,
area of unity
specialization. and true
spirit of
UNIVERSIT service
Y GOAL for
public
To produce account
graduates with ability,
excellence and transpar
dignity in arts, ency
science and and
technology. delivery
of
quality

126
services research
; culture
b. Provide among
relevant faculty
program and
s and students
professi ;
onal e. Develop
trainings and
that will promote
respond environ
to the mentally
develop -sound
ment and
needs of market-
the driven
region; knowled
c. Strength ge and
en local technolo
and gies at
internati par with
onal internati
collabor onal
ations standard
and s;
partners f. Promote
hips for research
borderle -based
ss informati
program on and
s; technolo
d. Develop gies for
a
sustaina
127
ble tion to
develop sustain
ment; financial
g. Enhanc viability
e of the
resource universit
generati y.
on and
mobiliza

Program Objectives common to all


programs in all types of schools
and its relationship to University
Objectives:
GENERAL EDUCATION PROGRAM OBJECTIVES (PO)

The graduates have the ability to:


a
a. Articulate and discuss the latest development in the specific field of practice; ✓

b. Effectively communicate in English and Filipino both orally and in writing;
c. Work effectively and collaboratively with substantial degree of independence in multi-disciplinary ✓
and multi-cultural teams;
d. Act in recognition of professional, social and ethical responsibility; ✓
e. Preserve and promote Filipino historical and cultural heritages. ✓

1. Course Code : GE 713


: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
2. Course Title
Filipino
3. Pre-requisite : wala

4. Credits: 3 yunit
5. Deskripsyon ng Kurso:

128
Ang Kontekstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) ay
isang praktikal na kursong nagpapalawak
at nagpapalalim sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad at sa buong lipunang
Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayan na
pagsasalita at pakikinig gayundin sa
kasanayan sapaggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan.

129
Course Learning Outcomes and its Relationships to Program Objectives Program
Objectives
Ang Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya ay naghahangad na makahubog ng isang mag- a b c d e
aaral na bihasa sa wika at panitikang Filipino na may kakayahan at kasanayan sa paglalapat ng
mga natamong kaalaman at pagpapahalaga tungo sa reyalidad ng buhay.

a. Nagpapamalas ng mataas na antas ng kamalayan sa mga batayang kaalaman tungkol sa wika ✓ ✓ ✓


at sa kasaysayan ng wikang pambansang Filipino.

b. Nagpapakita ng malawak at malalim na pag-unawa at paglalapat sa pagpoproseso ng mga ✓ ✓ ✓


impormasyon para sa komunikasyon.

c. Nagagamit ang iba’t ibang kasanayan at kaalaman tungkol sa iba’t ibang batis ng impomasyon ✓ ✓ ✓
para sa pagsasagawa ng makabuluhang pananaliksik.

d. Nagtataglay ng kamalayan at kaalaman hinggil sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga ✓ ✓ ✓


Pilipino.

e. Nagpapakita ng mataas na antas ng mapanuring kamalayan hinggil sa iba’t ibang ✓ ✓ ✓


napapanahong isyung lokal man pambansa.

f. Nagagamit ang mga natamong kabatiran tungkol sa mga tiyak na sitwasyong ✓ ✓ ✓


pangkomunikasyon para sa aktwal na paglalapat nito sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

6.

130
7. Nilalaman ng Kurso
Layuin ng Kurso/ Paksang Mga Inaasahang Bunga Mga Gawaing Katibayan ng Inaasahang Mga Mga
Aralin/ Inalaang oras Kaugnay sa Makabuluhang Kalalabasan Layunin Pagpapahalag
Inaasahang Bunga Pagkatuto ng Kurso ng Kurso a
(OBA)

Paksa: SKSU VMGO, Mga Pamantayan sa Klase, Course Overview, Mga Kahingian ng Kurso, Sistema ng Pagmamarka (2 oras)

1. Balangkas ng kurso, 1. Nagkakaroon ng Silabus, balangkas ng Pagkamasunu


Mga kahingian ng kurso, kamalayan at kurso, at kopya ng rin
Sistema ng pagmamarka, pagkalugod tungkol sa Bagyuhang utak VMGO a, b, c a, b, c, d,
Mga pamantayan sa klase balangkas ng kurso, d, e, f e Paggalang
at VMGO ng SKSU. mga pamantayan sa • Propesor
• Kaklase Pagkalugod
klase, mga kahingian ng Interaktibong
kurso, sistema ng Talakayan • Sarili
Pagkakaroon
pagmamarka at VMGO
ng kamalayan
ng Unibersidad
Orientation Form
Pananagutan
Attendance Sheet

Paksa: Mga Batayang Kaalaman sa Wika (8 oras)

1. Kahulugan ng Wika 1. Naipaliliwanag Masiglang


ang mga kahulugan ng Bagyuhang Rubriks para sa partisipasyon
wika. pakikilahok sa a a, b, c, d,
-utak interaktibong e
2. Napahahalagahan talakayan, oral
ang wika ng Masiglang
2. Kahalagahan ng Wika recitation at indibidwal
kinabibilangang pangkat- kooperasyon
Interaktibong na gawain
etniko. Talakayan

3. Kasaysayan ng Wikang 3. Nakikilala ang • Propesor


Mapanuring
Pambansa mga mahahalagang kamalayan
pangyayari sa

131
kasaysayan ng wikang • Kaklase
Pambansa.
Oral Recitation • Sarili Mapanuring
4. Napatutunayan
ang katangian ng mga pag-iisip
Rubriks para sa
naging wikang Pagsulat ng pagsusulat ng
pambansa ng Pilipinas. Komposisyon komposisyon
Tiwala sa
5. Napahahalagahan Sarili
ang wikang pambansa • Propesor
sa pamamagitan ng Indibidwal na
• Kaklase
pagsusulat. Gawain
Pagiging
• Sarili
6. Nabubuod ang Masigasig
4. Pagtaguyod ng Wikang mga petisyon na ginamit
Maikli at Mahabang
Pambansa sa Mas sa pagtataguyod ng
Pagsusulit
Mataas na Antas ng wikang Pananagutan
Edukasyon at Lagpas Filipino.
pa
7. Nabibigyan ng
patunay ang mga
siniping pahayag mula
sa mga ginamit na
posisyong papel sa
pagtatanggol ng
asignaturang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.

8. Nakasusulat ng
teksto
saMatematika/Agham/T
eknolohiya gamit ang

132
wikang Filipino.

Paksa: Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon (10 oras)

133
1. Naipaliliwanag ang Bagyuhang Rubriks para sa Pagkalugod
1. Komunikasyon proseso, katangian at -utak pakikilahok sa
elemento ng interaktibong b, c a, b, c, d,
e Masiglang
komunikasyon. talakayan, oral
recitation, indibidwal partisipasyon
2. Naaanalisa ang na gawain,
mga pahayag hinggil sa Interaktibong pakikipanayam,
proseso, elemento at Talakayan Masiglang
pagsulat ng kooperasyon
mga uri ng komposisyon,
komunikasyon. pananaliksik at
3. Nakabubuo ng Oral Recitation pagbubuod
isang makabuluhang Pakikiisa
proyekto gamit ang • Propesor
pakikipagtalastasan.
Indibidwal na Mapanuring
• Kaklase
4. Nakikilala ang Gawain kamalayan
2. Pagpili ng Batis ng mga primarya at • Sarili
Impormasyon sekundaryang batis ng Pagiging
impormasyon. masigasig
Pakikipanayam
5. Nakabubuo ng
sulatin gamit ang mga
nakalap na
impormasyong primarya
at sekundarya. Pagsulat ng
komposisyon
6. Natutukoy ang
3. Pagbabasa at iba’t ibang mga
Pananaliksik ng pamamaraan sa
Impormasyon pananaliksik ng
impormasyon, at Pananaliksik

134
4. Pagbubuod at 7. Nagagamit sa
Paguugnay ng pagsulat ang kaalaman Pagbubuod
Impormasyon sa pamamaraan sa
pananaliksik ng
impormasyon.

8. Nakapagsasagaw Maikli at Mahabang


a ng pagbubuod sa isang Pagsusulit
teksto.

Paksa: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino (10 oras)

135
1.Naipaliliwanag ang Bagyuhang Rubriks para sa Masiglang
positibo at negatibong pakikilahok sa partisipasyon
-utak interaktibong d a, b, c, d
epekto ng tsismisan sa e
1. Tsismisan talakayan, oral
lipunang Pilipino. recitation, indibidwal
2.Napupunan ng angkop Interaktibong na gawain,
Talakayan pakikipanayam, Masiglang
na salita/mga salita ang kooperasyon
pagmamasid,
isang teksto tungkol sa pananaliksik at
tsismisan. Oral Recitation pagbubuod

3.Nakalilikom ng mga Mapanuring


• Propesor kamalayan
tsismis at nasusuri kung
Indibidwal na
ito’y totoo o hindi totoo. Gawain • Kaklase
2. Umpukan
4.Nasasabi ang Mapanuring
• Sarili
kahalagahan ng umpukan
sa lipunang
Pilipino.

136
5.Naipaliliwanag ang pag-iisip
mga karaniwang paksa Pakikipanayam
ng umpukan sa lipunang
Tiwala sa
Pilipino. Sarili
6. Natutukoy ang iba’t
3. Talakayan
ibang uri ng talakayan. Pagmamasid
7. Nakapagsasagawa ng
halimbawa ng talakayan. Pagiging
Masigasig
8. Nakikilala ang
Pananaliksik
iba’t ibang uri ng

4. Pagbabahay-bahay pagbabahay-bahay. Pananagutan


9. Natutukoy ang
uri ng pagbabahay-
Maikli at Mahabang
bahay na nagaganap Pagsusulit
sa sariling tahanan o
5. Pulong-Bayan kapitbahay. 10.
Nailalahad ang
kahulugan ng
pulongbayan at
nakapagbibigay ng
halimbawa nito.
6. Mga Ekspresyong lokal
11. Nakasasaliksik ng
mga ekspresyong lokal
na ginagamit sa social
media at lipunan, at
137
12. Nakasusulat ng
ekspresyong lokal na
umaangkop sa
emojis.
Paksa: Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal (12 oras)

1.Natutukoy ang iba’t Bagyuhang Rubriks para sa Masiglang


1. Korapsiyon ibang uri ng korapsiyon. pakikilahok sa partisipasyon
-utak interaktibong e a, b, c, d,
2.Nakasusulat ng e
talakayan, oral
komposisyon tungkol sa
recitation, indibidwal Masiglang
alinman sa mga uri ng Interaktibong na gawain, kooperasyon
korapsiyon na Talakayan pakikipanayam,
nagaganap sa sariling
pagmamasid, pagsulat
komunidad. ng awit, pagsulat ng
3. Naiisa-isa ang Oral Recitation tula, pananaliksik at
mga taong itinuturing na pagbubuod Mapanuring
2. Konsepto ng mga bayani ng bayan. kamalayan
“Bayani” • Propesor
4. Nakasusulat ng
isang komposisyong Indibidwal na • Kaklase Mapanuring
binubuo ng tatlong talata Gawain
tungkol • Sarili pag-iisip
sa konsepto ng
kabayanihan na
Pakikipanayam
naobserbahan sa
Tiwala sa
sariling komunidad.
Sarili
5. Naipaliliwanag
ang mga kasagutan
3. Kalagayan ng tungkol sa mga isyu ng

138
Serbisyong pabahay, kalusugan,
pabahay, pangkalusugan, transportasyon at
transportasyon, at
edukasyon

139
edukasyon. Pagmamasid

6. Naibabahagi ang Pagiging


mga sariling karanasan Masigasig
kaugnay ng mga isyung Pagsulat ng Awit
panlipunan sa
pamamagitan ng jingle o Pananagutan
rap song. Pagsulat ng Tula

7. Natutukoy ang
4. Bagyo mga katangian, babala at
Pananaliksik
pinsalang dulot ng
bagyo.

8. Nailalarawan ang Maikli at Mahabang


mga karaniwang Pagsusulit
paghahanda ng mga
Pilipino kapag may
bagyo

9. Nakasasaliksik ng
5. Manggagawang mga tiyak na karanasan
Kontraktwal, ng mga kontraktuwal sa
pamamagitan ng
pakikipanayam.

10. Nakasasaliksik ng
sitwasyon ng mga
6. Magsasaka magsasaka sa
kasalukuyan sa
pamamagitan ng
pakikipanayam.

11. Nailalarawan ang


140
kasalukuyang sitwasyon

141
7. Kabataang Manggagawa ng mga kabataang
manggagawa sa
pamamagitan ng
pagtula.

12. Nasasaliksik ang


sitwasyon ng mga
8. Migrasyon migrante sa kasalukuyan
sa pamamagitan ng
pakikipanayam.

142
Paksa: Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (12 oras)

1.Nakapagdidisenyo ng Bagyuhang Rubriks para sa Masiglang


1. Lektyur at Seminar isang lektyur at seminar pakikilahok sa partisipasyon
-utak interaktibong d, f a, b, c, d
ayon sa hakbang at e
talakayan, oral
paraan ng pagsasagawa recitation, at indibidwal Masiglang
nito. Interaktibong na gawain, kooperasyon
Talakayan
• Propesor
2. Naipaliliwanag ang
pagkakatulad at • Kaklase
2. Simposyum at Oral Recitation
pagkakaiba ng • Sarili Mapanuring
Kumperensiya
simposyum at kamalayan
kumperensiya. Pagdidisenyo ng
Rubriks para sa
lektyur at seminar
sistema ng
3. Nakapagsusuri ng pagmamarka sa Mapanuring
isang simposyum at pagdidisenyo ng
pag-iisip
kumperensiya. lektyur at seminar,
pagsagawa ng
Pagsasagawa ng roundtable at small
4. Nagapagsasagaw group discussion,
roundtable at small Tiwala sa Sarili
a ng roundtable at small group discussion pagsusuri ng iskrip ng
miting, pag-uulat at
3. Round Table at Small group discussion para sa pakikilahok sa video
Group Discussion pagpapatupad ng isang conferencing.
proyekto. • Propesor

• Kaklase

• Sarili
143
4.Pulong/Miting/Asemblea 5. Nakasusuri ng Pagsusuri ng Iskrip Pagiging
isang iskrip ng ng Miting Masigasig

pulong/miting/asembleya Pag-uulat

6. Nakasusuri ng ulat Pananagutan


5. Pasalitang Pag-uulat batay sa mga katangian Pakikilahok sa
sa Maliit at Malaking
nito. Video Conferencing
Pangkat

7. Nakagagawa ng
isang ulat batay sa mga Maikli at Mahabang
Pagsusulit
katangian nito.

8. Nakalalahok sa
isang video conferencing.

6. Video Conferencing

Kabuuan=54 oras

8. Ebalwasyon ng Kurso

MGA KAHINGIAN NG KURSO (Course Requirements)

1. Pagpasok sa Klase
2. Maikli at Mahabang Pagsusulit
3. Indibidwal na Gawain

144
4. Paggamit ng Makabagong Teknolohiya sa komunikasyon (pagsusulat, pagsasalita at pananaliksik) SISTEMA NG
PAGMAMARKA

Midterm na Markahan

Partisipasyon – 10%
Mga Awtput - 20%
Mga Pagsusulit/Takdang Aralin - 20%
Midterm na Pagsusulit - 50%
- 100%

Pinal na Markahan
Partisipasyon – 10%
Mga Awtput - 20%
Mga Pagsusulit/Takdang Aralin - 20%
Pinal na Pagsusulit -50%
100%

Mga Sanggunian Mga Aklat

Almeda, F. (1993). Surigao across the years. Quezuon City: Echanis Press, Philippines.

Austero, C., et al. (2014). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila: Rajah Publishing House.

Austero, C., et al. (2014). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Manila: Rajah Publishing House.

Belves, Paz, et al. (2003). Pagbasa at pagsulat sa iba’t-ibang disiplina. Manila: rex Bookstore.

145
Bernales, R., et al. (2018). Malayuning komunikasyon sa lokal at global na konteksto. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing
House, Inc.

Hufana, N., et al. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Salazar, J. & Lim, M. (2017). Babasahin sa kultural na malayuning komunikasyon. Manila: Komisyon sa Wikang Filipino.

Santos, A., & Sermolan T. (2009). Ang akademikong Filipino sa komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

San Juan, D.M., et al. (2018). Ugnayan: Kontekstuwalisadong komunikasyon sa Filipino. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing,
Inc.

Elektroniko
Alaska, C. (2016). Simpleng paraan upang labanan ang epekto ng climate change. DOH 2014. Doh. https: //www.gov.ph.climate
change. May 31, 2016.

Panay News (2017). Ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa pangkalahatang Pilipino. Metro Bacolod, 12-09 2017.
Philippine Statistic Authority. Sept.06 2019. FNRI conducts the 2015 updating of nutritional status of Filipino children and other
population groups. Ref. number 1508-01 Sept. 7, 2015.

146
Inihanda nina:

GRACELYN C. ALTAYA, MAT


Instruktor sa Filipino

ANESA P. MANGINDRA, PhD Instruktor sa Filipino

ARMANDO S. DARDO, JR., EdD


Instruktor sa Filipino

Binigyang-pansin nina:

ANESA P. MANGINDRA, PhD ADRIAN V. PROTACIO, PhD VIVENCIO L. CALIXTRO, JR.


EdD Tagapangulo, BEED Program Tagapangulo, BSED Program Tagapangulo, BPED
Program

Pinagtibay ni:

NANCY B. ESPACIO, EdD


Dekana, Kolehiyo ng Edukasyong Pampagtuturo
ACCESS Campus

147
Republic of the Philippines
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
ACCESS, EJC Montilla, 9800 City of Tacurong
Province of Sultan Kudarat

CERTIFICATION

This is to certify that the instructional material of GRACELYN C. ALTAYA,


ANESA P. MANGINDRA, ARMANDO S. DARDO, JR., EUFEMIA B.
PORQUE, DIVINA T. FELICIANO & DAYANARA P. BESA entitled:
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO has been
thoroughly reviewed as to its contents and format by the undersigned and is
hereby recommended for further review and evaluation by the SKSU
Instructional Materials and Development Center (IMDC) Editorial Board.

Given this 30th day of October, 2020 at Sultan Kudarat State University,
ACCESS, EJC Montilla, Tacurong City.

ANESA P. MANGINDRA, PhD

Subject Specialist, Filipino Republic of the


Philippines
SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY
ACCESS, EJC Montilla, 9800 City of Tacurong
Province of Sultan Kudarat

November 05, 2020

148
The Chairman and Members
IMDC Editorial Board
This University

This is to certify that the instructional material of GRACELYN C. ALTAYA,


ANESA P. MANGINDRA, ARMANDO S. DARDO, JR., EUFEMIA B.
PORQUE, DIVINA T. FELICIANO & DAYANARA P. BESA entitled:
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO has been
thoroughly reviewed by the undersigned in consideration with the suggested
revisions and/or improvements by the Instructional Materials and
Development Center (IMDC) Editorial Board and have been incorporated in
the finalized e-copy and PDF files of the material.

The undersigned respectfully endorse the said instructional material this 9 th


day of November, 2020 for reproduction and utilization.

ANESA P. MANGINDRA, PhD


Subject Specialist, Filipino

149
150
140
141

You might also like