Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon at
Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Konseptong Pangwika
Paunang Salita
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Filipino .
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
guro mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka.
Binuo ito upang matulungang kang makamit ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12. Hangad rin namin na mapagtagumpayan mo ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ka sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at
oras. Naglalayon din itong matulungan ka upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang iyong
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo sa
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Panimula
Ang aralin na ito ay naglalayong maipaliwanag ang kahulugan ng wika,
kahalagahan ng wika, at mailahad ang maikling kasaysayan ng wikang
Pambansa.
Subukin
Aralin
Alamin
Balikan
Sariling Pagpapakahulugan
Tuklasin
Ang Wika
Isang napakahalagang instru-
ment ng komunikasyon ang wika. Mula
sa pnagsamasamang mkabuluhang
tunog, simbolo, at tuntunin ay nabuo
ang mga salitang nakapagpapahayag ng
kahulugan at kaisipan. Ito ay behikulong
ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
Nagkakaintindihan tayo, makapagbi-
bigayan tayo ng ating mga pananaw o
ideya, opinion, kautusan, tuntunin,
impormasyon, gayundin ng mga
mensaheng tumatagos sa puso at isipan
ng ibang tao, pasalitan man o pasilat
gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay
nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”. Ito ay pinagmulan ng
salitang Pranses na langue na
nangangahulugan ding dila at wika.
Kalaunan ito’y nagging language na siya na ring ginagamit na katumbas ng
salitang lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo,
ang mga salitang wika at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito
marahil ay sa dahilang ang dila ay konektado sa pasalitang pagbigkas dahil
ang iba’t ibang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon ng
dila. Kaya naman ang, ang wika ay may tradisyonal at popular na
pagpapakahulugang Sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang
3
tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang
pakikipagtalastasan at pakikipag ugnayan sa isa’t isa.
Marami ding dalubhasa sa wika ang nagbigay ng iba’t ibang
pagpapakahulugan sa wika katulad ng mga sumusunod:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra(2003:1), ang wika ay tulay na
ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan natin.Ito ay behikulo ng ating eksprsyon at komunikasyon
na epektibong nagagamit.Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip, sa
kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usapsa ibang tao, at maging sa
pakikipag-usap sa sarili.
Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor
emeritus sa University of Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng
mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng
mga taong nabibilang sa isang kultura.
Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa
ganitong paraan: ito ay isang Sistema ng komunikasyonng nagtataglay ng
mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga
mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
Samantalang ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniwalang ang
wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbebake ng cake, o ng
pagsusulat. Hindi rind aw ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay
kailangan munang pag-aralan bago matutuhan. Gayumpama’y naiiba ito sa
mga pangkaraniwang sining dahil ang tao,y may likas na kakayahang
magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakpak ng mga bata; wala kasing
batang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bakae, o sumulat.
Higit sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang
inimbento; sa halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang malinang sa
pamamagitan ng maraming hakbang o proseso.
Madalas hindi na natin gaanong nabibigyang-pansin o hindi gaanong
napag-iisipan ang kahulugan ng wika sapagkat tila ba likas o natural na sa
atin ang pagkatuto at paggamit ng wika sa ating pagpapahayag mula pa sa
pagkabata hanggang sa kasalukuyan. Subalit marahil iyo nang napagtanto
na ang wika ay hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito’y isang
napakahalagang instrument ng komunikasyon. Nagapapahayag ang tao ng
kanyang saloobin sa pamamagitan ng wika kaya’t nararapat lang na
pagyamanin at gamitin nang naayon sa angkop na layunin.
4
PONOLOHIYA
(tunog)
MORPOLOHIYA
(salita) PASALITA
DISKURSO
SINTAKSIS
(palitan ng
(parirala/sugnay, PASULAT
pangungusap)
pangungusap)
PONOLOHIYA
(tunog)
Diyagram na nagpapakita ng balangkas ng wika at ang ugnayan
ng mga ito patungo sa pangunahing tunguhin ng wika.
5
E. Ang wika ay natatangi
• Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Bawat wika ay may itinakda na mga yunit panggramatika at
sariling Sistema ng ponolohiya (palatunugan), morpolohiya (palabuuan) at
sintaksis (palaugnayan) at maging sa aspektong pansemantika.
Suriin/Talakayin
6
1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba’t ibang
pulo at sa dami ng wikang umiiral ditto, nagging isang paksang
mainitang pinagtatalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong
Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga
delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa
bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga
maka-Ingles na niniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang
pagiging mahusay sa Ingles. Subalit nagging ang grupong
nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K.
Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral
na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay salungat ni Manuel L.
Quezon na noo’y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
7
1946: Nang ipagkaloob ng Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng
Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang
mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas
Komonwelt Bilang 570.
8
Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng Saligang
Batas.
Pag-usapan Natin:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa isang buong
papel.
9
Isaisip
Alam mo ba?
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito ng mahigit pitong
libong pulo na nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa
bansa:ang Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang
heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon tayo ng iba’t ibang pangkat ng
mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito ang nagbigay
daan sa napakaraming wika at diyalektong ginamit sa iba’t ibang bahagi
ng bansa.
Isagawa
Buuin Natin
Panuto: Sa isang buong papel,gumawa ng dayagram na kagaya sa ibaba. Sa
iyong sariling salita, punan ang mga kahon ng mahahalagang pangyayaring
nagbigay-daan sa pagpapatibay sa Filipino bilang wikang Pambansa.
Gawing gabay ang petsang nakalahad sa mga kahon. Ang una’y pinunan
para sa iyo.
Nagkaroon ng
kombensyong
konstitusyonal kung
saan isa sa
mainitang tinalakay
at pinagtuunan ang
pagpili ng wikang
pagbabatayan ng 1937 1959 1987
wikang Pambansa
1937
10
Pagyamanin/Karagdagang Gawain
Iguhit Mo
Panuto: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng paggawa ng isang Poster,
magbigay ng tatlong pangungusap na naglalarawan sa ginawang poster. Gawin ito
sa isang long bond paper.
(NOTE:Isumiti. Huwag kalimutang isulat ang pangalan, baitang , seksyon
at bilang ng modyul.)
Tanong: Ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao? Ano kaya ang
mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa
isang pamayanan o kultura?
Tayahin
11
2. Ang naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang bawat
wika raw kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
a. Henrey Otley Beyer c. Henrey Allan Gleason
b. Charles Darwin d. Paz, Hernandez, at Peneyra
3. Siya ang pangulo ng bansang sumusog sa mungkahing ibabatay ang
wikang Pambansa sa isa sa mga umiiral na wika o wikain sa ating bansa.
a. Ramon Magsaysay c.Manuel L. Quezon
b. Carlos P. Garcia d. Jose P. Laurel
4.Ito ang sangay na itinatag sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184 na
naatasang magsagawa ng pag-aaral kung alin sa mga umiiral na wika sa
wikain sa bansa ang dapat maging batayan ng ating wikang pambansa.
a. Surian ng Wikang Pambansa c. Komisyon sa Wikang Filipino
b. Surian ng mga wikain sa Pilipinas d. Komisyon sa Wikang Pambansa
5. Ito ang wikang nagging batayan ng wikang Pambansa dahil ito ay tumugma
sa mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa iba’t ibang wika o
diyalekto sa bansa.
a. Tagalog b. Filipino c. Cebuano d. Pilipino
6. Ito ang pag-aaral ng mga kahulugan at relasyon ng mga salita sa
pangungusap.
a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya
7. Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga Sistema ng pagsasama-
sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap.
a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya
8. Ito ay ang makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog
(ponema)
a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya
9. Ang makaagham na pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng mga
tunog (morpema) ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita.
a. Semantika b. Sintaks c. Morpolohiya d. Ponolohiya
10. Ito ay masistemang balangkas na isinasaayos ang mga tunog sa
sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit katulad ng
tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors.
a. Ponema b. morpema c. wika d. salita
Sanggunian
Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Pheonex
Publisher House Inc, Quezon City, 2016
13