You are on page 1of 4

REVIEW FOR KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika raw ay MASISTEMANG BALANGKAS ng SINASALITANG TUNOG na pinipili at isinasaayos sa paraang ARBITRARYO upang MAGAMIT
NG MGA TAONG KABILANG SA ISANG KULTURA.” Henry Gleason

Pamela Constantino at Galileo Zafra (2000)- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito
para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.

Ayon kay Mangahis, et al(2005),- ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan . Ito ang midyum na
ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Ayon kay Bienvenido Lumbera (2007),- Ang wika ay tila hininga. Ayon kay Jose Rizal, Ang wika ay kaisipan ng mamamayan

Kahalagahan sa SARILI-Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili . Nagagawa rin niyang maipahayag ang
kanyang saloobin, paniniwala at prinsipyo sa mga isyung panlipunan na malaki ang epekto sa kanya. Maaari din niyang magamit ang wika sa
kanyang pampersonal na kasiyahan.

Kahalagahan sa KAPWA-Bawat isa ay kinakailangang magkaroon ng komunikasyon upang mapanatili ang relasyong-sosyal. Nagagawa nitong
mapalawak pa ang ating karanasan sa buhay.

Kahalagahan sa LIPUNAN-Ang bansa ay maraming magkakaibang kultura ngunit dahil sa wika nagagawang pagbuklurin ang isang lipunan. Sa
pamamagitan ng wika, matatamo ng bansa ang pagkakaisa.

KONSEPTO NG WIKA

● PAMAHALAANG KOMONWELT
(1935)- Nagnais ang pamahalaang magkaroon ang bansa ng isang wikang magbibigkis sa buong kapuluan.

● Seksyon 3, Artikulo 14: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

SURIAN NG WIKANG PAMBANSA

BATAS KOMONWELT BLG. 184

 Ito ang nanguna sa pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa iba’t ibang wika sa Pilipinas sa pangunguna ni Kgg. Jaime C. de
Veyra bilang tagapangulo nito

 Kailangang magkaroon ng isang wikang pambansang ang magiging batayan ay isa sa mga katutubong wika sa bansa.

ANG FILIPINO BILANG


WIKANG OPISYAL Konstitusyon 1987: Artikulo 14,

Seksyong 6-9

KONSTITUSYON 1987 ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9

Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

KONSTITUSYON 1987 ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9

Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles, hanggat walang ibang
itinatadhana ang batas. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.

KONSTITUSYON 1987

ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9

Seksyon 8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at
Kastila.
KONSTITUSYON 1987

ARTIKULO XIV, SEKSYON 6-9

Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinakatawan ng iba't ibang rehiyon at
mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at matataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

ANG FILIPINO BILANG WIKANG PANTURO

Kautusan Blg. 52 Ang paggamit ng Filipino bilang panturo sa lahat ng antas ng paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng
edukasyong bilinggwal.

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

 Nagsasagawa ng iba pang pananaliksik at pag-aaral upang lalong mapaunlad ang Filipino bilang wikang Pambansa, opisyal at
panturo.

 Nakapokus sa pagpapaunlad ng iba’t iba pang mga katutubong wikain at pagbuhay sa ilang mga unit-unti nang namamatay.

MOTHER TONGUE BASED-MULTILINGUAL EDUCATION Ipinakikita ng resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng unang wika (mother tongue) sa
loob ng silid-aralan sa mga unang taon ng bata ay nakatutulong upang matutuhan niya nang mabilis ang mga aralin at madaling matutuhan
ang ikalawang wika.

Mga TUNGkulin o gamit ng wika

1. Interaksyonal – ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa
kapwa tao.

a. Halimbawa:
i. Pasalita – Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello, pangangamusta at pagpapalitan ng biro
ii. Pasulat – Liham-pangkaibigan, pakikipag-chat
2. Instrumental – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay.

a. Halimbawa:
i. Pasalita – pakikiusap o pag-uutos, Panghihikayat
ii. Pasulat – Liham-pangangalakal (business letters), Application letter, Request letter
3. Regulatori – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.

- ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
b. Halimbawa: Pagbibigay ng Direksiyon, Paalala o Babala, Panuto sa Pagsusulit, Nakapaskil na do’s and don’t’s
4. Personal – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.

a. Halimbawa:
i. Pagsigaw, Pagrerekomenda, Pagmumura, Pagpapayahag ng emosyon, Paghingi ng paumanhin, Talakayang
pormal o impormal, Kolum o Komentaryo sa dyaryo
5. Imahinatibo – ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.

a. Halimbawa:
i. Paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo,
ii. Akdang Pampanitikan tulad ng Tula, Nobela at Maikling Katha

HOMOGENOUS AT HETEROGENOUS

◦ Homogenous- Nagmula sa salitang Griyego na homogenes mula sa hom-na nangangahulugan ng uri o klase at genos na
nangangahulugan ng kaangkan o kalahi.

◦  ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya ay pagkakaroon ng iba’t ibang porma o
barayti.

◦ Akomodasyon sa wika: Divergent

◦ Kakahayang pangwika: Monolingguwalismo


◦ Divergent- Sadyang pag-iba o paglayo sa paraan ng pagsasalita ng kausap upang ipakita o ipadama na naiiba ang nagsasalita sa
kinakausap. Ginagamit niya ang kanyang sariling wika o register ng grupong kinabibilangan sa pakikipag-usap. (Santos et
al(2012)p.12)

◦ Ipinapahayag ang pagiging iba sa paggamit ng wika ng isang tao tungo sa pagbuo o pagkilala sa kanyang kaakuhan o aydentiti.

◦ HETEROGENOUS- Ang salitang heteros  ay nangangahulugang magkaiba at ang genos na may ibig sabihin na lahi o uri.

◦ Nakapaloob dito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika.

◦ Akomodasyon sa wika: Convergent

◦ Kakahayang pangwika: Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

◦ Convergent- Ang pakikihalubilo na nagpapakita na kapag ang isang indibidwal ay nakikipag-usap sa kapwa, ang kanyang pakikipag-
usap ay halos nakakatulad ng sa kinaka-usap (Santos et al. 2012).

◦ Ipinapakita sa interaksyon ng mga tao, na nagkakaroon ng tendensya na gumaya o bumagay sa pananalita ng kausap.

◦ Maraming kaparaanan para maakomodeyt ang pagsasalita ng iba,


Ito ay; Paggaya sa bilis ng pagsasalita

◦ Pahaba at paiksi ng pagbigkas

◦ Sa dalas ng paghinto

◦ Sa paggamit ng mga register ng kausap

◦ Sa intonasyon atbp.

◦ Unang Wika (l1) kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong wika (mother tongue).

◦ Ito ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at
nagagamit ng tao ang nasabing wika.

◦ Halimbawa:

◦ Filipino para sa mga Pilipino

◦ Ingles para sa mga Amerikano

◦ ikalawang Wika (L2) Ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit
ang kanyang sariling wika.

◦ Halimbawa:

◦ Ingles para sa mga Pilipino

◦ Espanyol para sa mga Amerikano

◦ ikatlong Wika (L3) Nagagamit niya ang wikang ito sa pakikiangkop niya sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan.

Antas ng wika

1. Pormal – Ito ang mga salitang standard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na nga mga nakapag-aral
ng wika.

a. Pambansa – Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan.

b. Pampanitikan o Panretorika – Ito naman ang mga salitang gamitin ngmga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.

Impormal – Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

a. Lalawiganin – ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang mga ito sa mga particular na pook o lalawigan
lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas.

b. Kolokyal – ito’y mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal.

Halimbawa: sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon), pa’no (paano), nasa’n (nasaan).
c. Balbal – ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat
ay magkaroon ng sariling codes.

Halimbawa: Mga mura at mga salitang may kabastusan.

Teorya sa Pinagmulan
ng WIKA

• Ayon sa BIBILIYA- Tore ng Babel .Genesis 11:1-8

• Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa

• Teoryang Ding Dong- Nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog ng kalikasan. Boom Splash
Whoosh.

• Teoryang Bow-Wow- Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop .Bow-
wow Ngiyaw Kwak-kwak Moo

• Teoryang Pooh-Pooh- Nagmula ang wika sa mga salitang namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng
masidhing damdamin.

• Ai ai (Aray)

• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay- Likha sa mga sinaunang tao ang mga ritwal.

• Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

• Teoryang Ta-ta- Ta-ta (salitang Pranses na nangangahulugang “paalam”)

• Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay
ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.

You might also like