You are on page 1of 4

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION

Vinzons Ave, Daet Camarines Norte

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Fil1: Introduksyon sa Komunikasyon: Kahulugan at Kahalagahan ng Wika

INTRODUKSYON:

Sa chapter na ito ay tatalakayin ang kahulugan at kahalagahan ng wika at mga katangian


ng wika upang maslalong maunawaan ng mga mag aaral ang epektibo at mabisang paggamit ng
wika sa pakikipagtalastasan/komunikasyon.

OVERVIEW:

Ang talakayang ito ay makatutulong upang madagdagan pa ang mga kaalaman ng mga
mag-aaral sa pakikipagtalastasan.

MGA INAASAHANG BUNGA:

› Natutukoy ang kahulugan at mga kahalagahan ng wika

› Napapahalagahan ng bawat isa ang halaga ng wika

› Nailalarawan ang mga katangian ng wika

› Naisasabuhay ang mga nakuhang impormasyon/aral ukol sa Kahulugan at Kahalagahan ng


Komunikasyon.

PAUNANG PAGSUSUBOK:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan at Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang kasagutan sa patlang bago ang bilang.

_________1. Ito ay isang proseso na nagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang simbolo.

a.komunikasyon c. transportasyon

b. impormasyon d. eksperementasyon

________2. Nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao kabilang sa isang kultura.
a. Archibald A. Hill c. Gleason
b. Aristotle d. Frank Smith

________3. Ang mga makahulugang yunit ng isang salita katulad ng panlapi at salitang-ugat ay tinatawag
na ________?

a. Ponema c. Pangungusap
b. Morpolohiya d. Diskurso

________4. Ang pag-aaral ng mga makahulugang tunog ng isang wika ay tinatawag na _______?

a. Ponolohiya c. Sintaksis
b. Morpolohiya d. Balarila

________5. Upang manatiling buhay ang isang wika, kinakailangang ito’y patuloy na ____?

a. Sinasaliksik c. ginagamit
b. Isinasaaklat d. itinuturo

LEARNING ACTIVITIES:

WIKA:KATUTURAN AT KATANGIAN

Ayon kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na what is language? Ang wika raw ay ang
pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong Gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga
tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa klase at patern na lumilikha sa isang
komplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Ayon naman kay Gleason ang wika raw ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

MGA KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay masistemang balangkas- Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos
sa isang tiyak na balangkas. Lahat ng wika ay nkabatay sa tunog. Ponema ang tawag sa
makahulugang tunog ng isang wika, samantalang Ponolohiya naman ang tawag sa makaagham
nap ag-aaral ng mga ito. Kapag ang ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit
nay unit ng salita na tinatawag na morpema. Ang morpemang mabubuo ay maaring salitang-
ugat,panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring
magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham nap ag-
aaral ng morpema.Samantala kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari naman tayong
makabuo ng pangungusap. Sintaksis naman ang tawag sa makaagham nap ag-aaral ng
pangungusap. Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng pangungusap ang dalawa o higit
pang tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskurso.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay
may kahulugan. Sa tao ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayo’y
kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog
na sinasalita.Samakatwid ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na
nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya,nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at minomodopika
ng resonador.

›Ang wikang Filipino ay may dalawampu’t isang ponemang napapangkat sa dalawa- mga
ponemang katinig at ponemang patinig.

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Sa lahat ng pagkakataon pinipili natin ang wikang ating
gagamitin. Madalas ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsa’y sa ating
conscious nap ag-iisip.
4. Ang wika ay arbitraryo- Nangangahulugang na ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili
para sa layunin ng mga gumagamit. Isinasaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan ng
pangkat ng mga taong gumagamit nito.
5. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon- Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at
katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura- Ang kultura ng isang sibilisasyon ay makikita sa wikang
pinahahayag ng sibilisasyong yaon. Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi
mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay,
sa loobin, tradisypon, mithiin, paniniwala ng mga tao. Sapat ang wika upang magpahayag sa
kultura ng mga taong gumagamit nito.
7. Ang wika ay nagbabago- Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging hindi magbago.

KAHALAGAHAN NG WIKA SA KOMUNIKASYON

Ang wika ang kasangkapang kailangan sa pakikipagkomunikasyon. Hindi naitala sa kasaysayan


kung paano nagsimula ang pagkakaroon ng wika ng mga tao sa mundo.Mahihinuha lamang na marahil ay
nagsimulang magtalastasan ang mga tao sa pamamagitan ng mga ungol o tunog na tulad sa mga hayop.
Marahil din sinasabayan ng kumpas ang mga ungol para maipaliwanag ang ibig nilang ipahatid. Paglipas
ng panahon, natutuhan nila ang magsalita at sumulat sa mga balat ng kahoy at bato. Ang mga tunog ay
nabigyan nila ng kani-kaniyang kahulugan hanggang sa matapatan iyon ng mga letra na katulad ng sa
wikang Niponggo at Tsino. Naging mabilis ang pag-unlad ng wika sa pagkakadiskubre ng papel na
sulatan sa Tsina at ng limbagan sa Alemanya. Nagamit nang ganap ang wika sa dalawang uri ng
komunikasyon; ang pasalita at pasulat.

SUPPLEMENTARY AIDS:

Maaring bisitahin ang link na ito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa aralin.
https://www.google.com/search?
q=katuturan+at+katangian+ng+wika&prmd=inv&sxsrf=ALeKk02-
Dt023bPhuF1qUjVfUaPLalH7RQ:1592630942700&source=Inms&tbm=vid&sa=X&ved=2ahUKE
wjL6-PM1l_qAhWUBogKHcdZAgkQ_AUoA3oECA0QAw&biw=360&bih=648#

IKALAWANG PAGSUSUBOK:

Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pahayag ng pangungusap at MALI naman kung mali
ang pahayag sa pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang.

___________1. Ang wika ay nakabatay sa kultura.

___________2. Ayon kay Gleason ang wika ay anyo ng simbolikong pantao.

___________3. Ang wika ang kasangkapan sa pakikipagtalastasan.

___________4. May dalawang uri ng komunikasyon ang pasalita at pasulat.

___________5. Ang wika ay hindi nagbabago.

REFERENCES:

Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasa), Sining ng Pakikipagtalastasan (Filipino 1)

https://www.google.com/search?
q=katuturan+at+katangian+ng+wika&prmd=inv&sxsrf=ALeKk02-
Dt023bPhuF1qUjVfUaPLalH7RQ:1592630942700&source=Inms&tbm=vid&sa=X&ved=2ahUKE
wjL6-PM1l_qAhWUBogKHcdZAgkQ_AUoA3oECA0QAw&biw=360&bih=648#

You might also like