You are on page 1of 3

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE FOUNDATION

Vinzons Ave, Daet Camarines Norte

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

Fil 1: Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon/ Pinagmulan ng Komunikasyon

INTRODUKSYON:

Sa araling ito ay mapapag-usapan ang kahulugan ng komunikasyon, pinagmulan ng


lomunikasyon at kahalagahan ng komunikasyon. Ang mga ito ay makatutulong sa bawat mag-aaral
upang madagdagan pa ang kanilang kaalaman.

OVERVIEW:

Sa talakayang ito ay makakakuha ng impormasyon ang mga mag-aaral upang mapalawak


pa ang kanilang mga natutunan sa bawat asignatura.

Inaasahang Bunga:

→ Natutukoy ang kahulugan at pinagmulan ng komunikasyon

→ Naipaliliwanag ang mga kahalagahan ng komunikasyon sa buhay ng tao.

→ Nasusukat ang kaalaman base sa tinalakay na aralin.

PAUNANG PAGSUSUBOK:

Panuto: Isulat ang TAMA kung Tama ang pahayag at MALI naman kung mali ang pahayag ng
pangungusap.

_________1. Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na “comunis” na nangangahulugang


karaniwan o panlahat.

_________2. Ang komunikasyon ay binubuo ng dalawang panig isang nagsasalita at isang nakikinig na
kapwa nakikinabang ng walang lamangan.

_________3. Ang terminong komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng


pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

_________4. Ang tagumpay at kabiguan,ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng pakikipag


unawaan.

_________5. May kahalagahang pangkabuhayan din ang komunikasyon. Ang isang taong mahusay sa
komunikasyon ay higit na malapit sa tagumpay.

Learning Activities:

KOMUNIKASYON

Ang terminong komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan


ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Upang maging matagumpay, ang bawat
participant ng prosesong ito ay kailangang makapagpahatid ng impormasyon at maunawaan ang isa’t isa.
Kung ang daloy ng komunikasyon ay masasagkaan sa anumang dahilan, o kaya’y kung hindi
maipauunawa ng isa sa isa ang kanyang nais sabihin, ang komunikasyon ay mabibigo.
Pinagmulan ng Komunikasyon

›Mula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”

›Isang proseso na nagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang simbolo

›Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng cues na maaaring berbal o


di-berbal

› Tahasan itong binubuo ng dalawang panig:isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang
ng walang lamangan.(Atienza et. Al. 1998)

› Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang


maging mabisa at mahusay na maipahayag ng taoang kanyang palagay o saloobin sa kapwa, anuman
angpaksang inaakala niyang mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987)

KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON

›Kahalagahang Panlipunan

Ang tagumpay at kabiguan,ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng pakikipag unawaan.


Pinatatag din ng pakikipag-unawaan ang kalagayan atbinibigyang halaga angpagkatao. Sa pamamagitan
ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba, nakagagawasiya ng desisyon tungkol
sa anumang bagay: sa kabuhayan, relihiyon, edukasyon at pulitika.

Kahalagahang Pangkabuhayan

May kahalagahang pangkabuhayan din ang komunikasyon. Ang isang taong mahusay sa
komunikasyon ay higit na malapit sa tagumpay.

Unang-una sa pagpasok pa lamang sa Gawain kakailanganin na ang paggawa ng liham-


namamasukan. Kung hindi maayos ang pagkakasulat ng liham, baka hindi iyon pansinin ng
tagapamahala. Kung maisaalang-alang naman, daraan parin sa karaniwan sa personal na pakikipanayam
ang namamasukan. Dito mahalagang muli ang kaalaman at kahusayan sa pakikipagtalastasan.

Kahalagahang Pampulitika

Mahalaga ang komunikasyon sa larangan ng pulitika sapagkat ito ang gamit ng tao upang
matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa bayan at maipaabot sa kinauukulan. Kailangan din
ito upang maliwanag na masulat at maipatupad ang mga batas. Maging ang pakikipag ugnayana sa iba
pang bansa ay hindi kailanman maiging possible kung hindi dahil sa komunikasyon.

PANGALAWANG PAGSUSUBOK:

Panuto: Isulat ang TAMA kung Tama ang pahayag at MALI naman kung mali ang pahayag ng
pangungusap.

_________1. Ang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na “comunis” na nangangahulugang


karaniwan o panlahat.
_________2. Ang komunikasyon ay binubuo ng dalawang panig isang nagsasalita at isang nakikinig na
kapwa nakikinabang ng walang lamangan.

_________3. Ang terminong komunikasyon o pakikipagtalastasan ay tumutukoy sa proseso ng


pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.

_________4. Ang tagumpay at kabiguan,ang hinaharap ng tao ay nakasalalay sa paraan ng pakikipag


unawaan.

_________5. May kahalagahang pangkabuhayan din ang komunikasyon. Ang isang taong mahusay sa
komunikasyon ay higit na malapit sa tagumpay.

REFERENCES:

Alcomtiser P.Tumangan et., al. Sining ng Pakikipagtalastasan (Pandalubhasa), Alcomitser P.


Tumangan et., al. Sining ng Pakikipagtalastasan Filipino 1

You might also like