You are on page 1of 116

Yunit 2

PAGPROSESO NG
IMPORMASYON PAR
SA KOMUNIKASYON
Mga Layunin

(1). Natutukoy ang mahahalagang sangkap na


kailangan para sa isang epektibong
komunikasyon o pakikipagtalastasan;
(2). Naiuugnay sa praktikal na buhay ng tao ang
bawat pagpoproseso ng impormasyon para sa
epektibong komunikasyon;
(3). Nakapipili ng batis (sources) ng
impormasyon na mahalaga para sa iskolarling
pag-aaral;
(4) Nakapagbabasa ng mga pananaliksik na
nanggaling sa mahahalagang batis ng
impormasyon;
(5) Nakapagbubuo at nakapag-uugnay-
ugnay ng mahahalagang impormasyon
Ano ang Komunikasyon?

Ang komunikasyon ay ang proseso ng


pagpapabatid ng mensahe mula sa
tagapaghatid tungo sa tagatanggap nito.
Nanggaling ito sa salitang Latin na
"communis" na ang kahulugan sa Ingles ay
"ordinary" at "karaniwan" naman kapag
isinalin sa Filipino.
Sangkot sa komunikasyon ang mga sumusunod
na makrong kasanayan sa pag-aaral nito:

1. pagsasalita
2. pakikinig
3. pag-unawa
4. pagbasa
5. Pagsulat
URI NG
KOMUNIKASYON
Komunikasyong Berbal
Ang komunikasyong ito ay ginagamitan ng
wika na maaaring pasulat at maaari rin
namang pasalita. Sa uring ito ng komunikasyon
nakatuon ang pansin sa pag-aaral ng maraming
asignatura sa Filipino. Gamit ito sa pakikipag-
ugnayan sa tao at lipunang ginagalawan. Ang
ordinaryong pakikipag-usap ng mga kasangkot
sa komunikasyon sa tindahan, sa tambayan, sa
mga kapamilya at kapuso ay maituturing na
komunikasyong berbal.
Ang simpleng text message man, gamit
ang cellular phone bilang kasangkapan ng
komunikasyon ay pumapasok din sa
depinisyon ng komunikasyong berbal.
Kung pagbabatayan ang depinisyong
ibinigay sa itaas, masasabi ring
komunikasyong berbal ang pagbibigay ng
mensahe ng mga nakalimbag na teksto sa
mga nagbabasa nito.
Komunikasyong Di-berbal
Kinasasangkutan naman ng mga kilos o
galaw ng katawan ang uri ng komunikasyong
ito. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon
ang mga senyas upang maisakatuparan ang
proseso ng komunikasyon. Ang simpleng
pagtango ay maaaring mangahulugan ng
pagsang-ayon, subalit maaari rin naman na
walang ibig sabihin dito ang taong
kasangkot.
Ang pagkindat ay maaaring nag-aanyaya ng
pagsang-ayon, maaari rin naman na isang
payak na pagbati lamang, subalit pwede ring
itanggi ng taong kasangkot na nangangati
lamang ang kanyang noo kung kaya siya
napapakindat. Ang pagtulong sa kapwa ay
maaaring bigyan ng ibang pakahulugan ng
taong tinutulungan. Para sa kanya, ito ay isang
uri ng panunuyo subalit sa taong tumulong, ito
ay isa lamang gawi na kanya nang
nakasanayan sa kanyang pagkabata.
ANYO NG
KOMUNIKASYON
Intrapersonal na komunikasyon
Hindi kabaliwan ang pakikipag-ugnayan
ng tao sa kanyang sarili. Ito ay isang uri
ng pagmumuni-muni upang makabuo ng
isang nararapat na desisyon. Ang
intrapersonal komunikasyon ay self-
meditation na komunikasyon.
Kinakausap ng tao ang kanyang sarili sa
pagnanais na higit na maging produktong
indibidwal.
Naniniwala ang may-akda ng aklat na
ito na bago pa man maganap ang
interpersonal na komunikasyon,
dumadaan muna ang tao ang
pakikipag- usap sa sarili o tinatawag
na intrapersonal na komunikasyon.
Interpersonal na komunikasyon
Ang interpersonal na komunikasyon ay ang ugnayang
komunikasyon ng isang tao sa iba pang tao.
Nagaganap dito ang paikot na proseso ng
komunikasyon kung kayat hayag na hayag ang tugon o
feedback. Karaniwang nagaganap ang interpersonal na
komunikasyon sa pang- araw-araw na pakikisalamuha
natin sa iba't ibang uri ng tao. Dalawang katao lamang
ang kasangkot sa komunikasyong ito (ang nagpapadala
at ang tumatanggap).
Komunikasyong Pampubliko
Ang komunikasyong pampubliko ay ang
ugnayang komunikasyon sa pagitan ng isang
tao at dalawa o higit pang katao. Sa
pamamagitan nito, ipinararating ng
tagapaghatid ng mensahe o isang indibidwal
ang kanyang mensahe sa dalawa o higit pang
katao subalit umaasa ang una para sa isang
tugon. Linyar ang komunikasyon sa
komunikasyong pampubliko.
Ang ibig sabihin, natatapos ang komunikasyon
kapag naiparating na nagpapadala ng
mensahe ang kanyang mensahe sa kanyang
mga tagapakinig. Karaniwang ginagamit ang
komunikasyong pampubliko sa mga miting de
avance, seminar, o palihan. Interpersonal na
komunikasyon ang magaganap kung sakali
man na magpukol ng katanungan sa
tagapagsalita ang isang tagapakinig at hindi
komunikasyong pampubliko.
Komunikasyong Pangmadla
Maihahalintulad sa komunikasyong pampubliko
ang komunikasyong pangmadla sa kadahilanang
parehong linyar ang komunikasyong namamagitan
sa kanilang dalawa. Nagkaiba lamang ang mga ito
kasangkapang gamit sa pagpapadala ng mensahe.
Direktang pakikipag-usap sa tao ang sangkot sa
komunikasyong pampubliko, samantalang
gumagamit pa ng kagamitang pangkomunikasyon
sa komunikasyong pangmadla.
TANONG:

Paano kung gumamit ng cellular phone ang


isang indibidwal upang kausapin ang isang
indibidwal? Anong anyo ang komunikasyon
ang namagitan sa kanilang dalawa?
SAGOT NG MAY-AKDA:

Naniniwala ang may-akda na interpersonal


komunikasyon ang sangkot sa kadahilanang
bagamat gumamit ng kagamitang pangmadla
(cellular phone) ang naturang indibidwal,
dalawang katao lamang ang naging kasangkot
sa proseso ng komunikasyon.
TANONG:

Komunikasyong pangmadla ba ang


kinasasangkutan ng GM O Group
Messaging, gamit ang telepono o kaya ay
e-mail?
SAGOT NG MAY-AKDA:

Bagamat gumamit ng cellular phone ang


tagapaghatid ng mensahe, hindi pa rin
maituturing na komunikasyong pangmadla
ang anyo na namayani sa sitwasyon. Layunin
ng sitwasyon na gamitin ang komunikasyong
pangmadla o komunikasyong pampubliko,
subalit hindi ito nagkaroon ng katuparan sa
kadahilanang indibidwal naman na
natanggap ng bawat kasangkot ang
mensahe at hindi bilang isang grupo.
KOMUNIKASYON
AT ANG PROSESO
NITO
– Makapaghatid ng impormasyon o mensahe ang
pangunahing layunin ng komunikasyon at ang
maunawaan ito mula sa isang tao tungo sa ibang tao o
pangkat. Binubuo ng tatlong pangunahing sangkap ang
prosesong ito ng komunikasyon.

-Tagapaghatid (sender)
-Mensahe
-Tsanel (channel)
-Tagatanggap (receiver)
MODELO NG KOMUNIKASYON
TAGAPAGHATID MENSAHE TRANSMISYON TUMATANGGAP TAGATANGGAP
(Ideya) (Enkowd) (Signal) (Dekowd) (Kahulugan)

TUGON
(Feedback)
Mahalaga na malaman sa proseso ng komunikasyon ang tinatawag na siklo ng
pagtugon (feedback cycle). Kadalasan na umiikot ang proseso ng komunikasyon sa
mga pakikipagtalastasan na ating ginagawa. Sa tuwing tumatanggap ng mensahe
ang isang indibidwal ay kadalasan itong nagbibigay ng tugon na maaaring berbal
na tugon o di-berbal na tugon. Mahalaga ito upang maunawaan ng tagapaghatid
ng mensahe kung angkop ba ang naging pagtanggap ng tagatanggap(receiver) ng
mensahe sa ideya na nais niyang ipahiwatig. Mahalaga ang tugon sapagkat maaari
itong maging batayan ng tagapaghatid(sender) ng mensahe kung paano siya
makakagawa ng paraan upang maging mahusay na tagapaghatid ng mensahe.
-Ang pamantayan ng isang epektibong komunikasyon ay
nakabatay sa pagtugon ng tagatanggap (receiver) sa
layunin ng tagapaghatid(sender) ng mensahe. Madali
itong mapagtagumpayan sa interpersonal na
komunikasyon na kung saan ay may pagkakataon ang mga
kalahok sa komunikasyon na ipaliwanag ang mga punto na
nais ng tagapaghatid(sender) kung sakali na mayroong
mga bagay na hindi nauunawaan ang
tagatanggap(receiver) sa pinag-uusapang mensahe.

-Hindi madaling maunawaan ang pagiging epektibo ng


komunikasyon kung ang daluyan(channel) ay sa
pamamagitan ng kahit na anong uri ng media(telebisyon,
pahayagan, panlipunan o social media).
ELEMENTO NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon


sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Katulad ng basketbol, ang isang
manlalaro ay dapat rin na marunong magpadala ng mensahe sa
kanyang mga kakampi at dapat ay marunong ding siyang tumanggap
ng mensahe buhat sa mga ito. Upang maiwasan ang mga pagkakamali
(errors) ay dapat na maging tantyado at maingat sa pamamagitan ng
pag-alis sa mga balakid (barriers) na maaaring makaapekto sa totoong
intension ng mensahe na ipahahatid sa mga kakampi.
1. ANG TAGAPAGHATID NG MENSAHE (SENDER)

– Kung saan nagsisimula ang proseso ng komunikasyon


– Tinatawag na communicator o source
– Pinag-iisipan niyang mabuti kung paano bang ang impormasyon ay maipararating
nang maayos sa tagatanggap (receiver). Maaari siyang mag-isip ng iba’t ibang
estratehiya kung paanong ba niya maipararating (encode) ang isang mensahe sa
paraang ito ay mauunawaan batay sa kaniyang layunin.
2. ANG TAGATANGGAP NG MENSAHE (RECEIVER)

– Interpreter ng mensahe
– Taong tumatanggap ng mensahe sa buong proseso ng komunikasyon
– Dapat maging matalas ang pakiramdam upang makapag-isip ng tamang diskarte
na makatutulong upang hindi maputol ang daloy ng komunikasyon
– Kailangan niyang tanggalin ang lahat ng balakid sa kanyang dinaraanan upang
matanggap nang maayos ang mensahe
3. ANG MENSAHE

– Tumutukoy sa impormasyon na nais maiparating ng tagapaghatid (sender) sa


tagatanggap (receiver).
– Dapat suriin upang makamit ang layunin
4. DALUYAN (CHANNEL NG KOMUNIKASYON)

– Tumutukoy sa paraan kung paanong ang mensahe ay maipahahatid nang buong


husay mula sa tagapaghatid (sender) tungo sa tagatanggap (receiver).
– Maaaring sa pamamagitan ng berbal o di berbal na komunikasyon
– Bawat mensahe ay pinadaraan sa kilos at galaw na makabuluhan
5. TUGON (FEEDBACK)

– Pinakapinal na punto upang masabi na ang mensahe ay matagumpay na


naihatid, natanggap, o naunawaan.
– (Ang dating tagapaghatid ay maaaring maging tagatanggap, at ang dating
tagatanggap ay maaaring tagapaghatid, depende sa pagkakataon)
– Maaaring maging positibo at maaari rin namang negatibo dahil sa dami ng
balakid na nakapaloob sa bawat sitwasyon
6. INGAY (NOISE/BARRIER)

– Hindi lamang tumutukoy sa naririnig ng tainga kundi anumang nakaaapekto sa


buong sistema o proseso ng komunikasyon.
– Maaari itong makita sa dalawang anyo:

Internal na ingay Eksternal na ingay


INTERNAL NA INGAY

– Tumutukoy sa anumang balakid ng komunikasyon na nakikitan sa loob mismo


ng naghahatid (sender) at tumatanggap (receiver) ng komunikasyon
Halimbawa:
– kaba sa naghahatid ng mensahe kung kaya’t hindi niya maitawid nang maayos
ang mensahe; kaba sa tagatanggap dahilan kung bakit hindi niya makuha ang
mensahe na nais iparating ng nagdadala(sender)
– Masamang pakiramdam
EKSTERNAL NA INGAY

– Tumutukoy sa ingay na nanggagaling sa kapaligiran ng taong naghahatid ng


mensahe.
– Halimbawa: malakas na hiyawan (cheers/boo)
KONTEKSTO
Bukod sa mga nabanggit na elemento ng komunikasyon,
mahalaga rin na malaman ng mga mag-aaral ang iba’t-
ibang konteksto o pagtingin sa komunikasyon. Ang may-
akda ay naniniwala na ang mga sumusunod na konteksto ng
komunikasyon: Pisikal, sosyal, kultural, sikolohikal, at
historikal.
Pisikal
Ang oras at lugar na pinagdarausan ng isang pangyayari ay mahahalagang
konteksto ng komunikasyon. Maaari itong kasangkutan ng aktwal na lugar, oras,
ilaw, antas ng ingay at mga kaugnay na salik. Kung babalikan ang basketbol bilang
lunsaran ng pagtalakay, masasabi na ang pisikal na konteksto katulad ng lugar at
oras na pagdarausan ng paligsahan ay mga salik na nakadagdag sa kompiyansa ng
mga manlalaro para sa isang maayos na komunikasyon sa loob ng basketbol court.
Home court advantage para sa isang koponan kung ang kanilang pakikipagsagupa
sa kalaban ay gaganapin sa lugar kung saan sila ay madalas na mag-ensayo at
maraming tagasuporta sa aktwal na laro. Nakapagdudulot ng inspirasyon sa mga
manlalaro na pagbutihan ang kanilang komunikasyon sa loob ng basketbol court
kung nakikita nilang maraming nagmamahal at sumusuporta sa kanila.
Sosyal
Ang sosyal na konteksto ng komunikasyon ay tumutukoy
sa mga personal na ugnayan ng mga kalahok sa
komunikasyon. Dapat maunawaan ng isang manlalaro kung
sino ang kanyang kakampi sa loob ng court at kung sino ang
kalaban. Maaasahan ang teamwork sa isang koponan kung
ang bawat manlalaro ay may maayos na ugnayan at iisang
layunin na mapagtagumpayan ang napakahalagang laro.
Malaki rin ang papel na ginagampanan ng referee sa loob
ng court bilang tagapamagitan at tagahusga. Hindi dapat
magkaroon ng kikilingan para sa isang maayos at patas na
laban.
Kultural
Ang kultural na konteksto ng komunikasyon ang isa sa
pinakamahalagang salik na nakaapekto sa buong proseso
ng komunikasyon. Tumutukoy ang kultura sa prinsipyo at
paniniwala ng isang pangkat. Maaaring paniwalaan ng
isang pangkat na kaya nilang maipanalo ang laban kung
malinis at patas ang lahat ng gawi na kanilang ipakikita sa
loob ng court. Mayroon din namang mga pangkat na ang
kultura ay ang manalo sa laban sa kabila ng mga dumi ng
mga diskarte na gagamitin sa laro.
Sikolohikal
Tinutukoy ng sikolohikal na konteksto ang mood at ang
emosyon ng mga kasangkot sa buong proseso ng komunikasyon.
Sapagkat ang basketbol ay isang uri ng pisikal na laro, madalas
ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng pagkakainitin ang mga
manlalaro sa loob ng court. May mga nagpapasirangan at may
mga namimisikal. Ang tendensiya na manakit sa loob ng court ay
may karampatang regulasyon na tungkuling inapataw sa referee.
Ang pag-aasam na maipanalo ang kampiyonato ng isang
koponan ay sikolohikal na konteksto na batayan ng pagsusumikap
ng bawat kasapi sa pangkat na gawin ang kanilang makakaya
upang makamtan ang inaasaam ina ito.
Historikal
Tinutukoy ng historikal na konteksto ang mga inaasahan ng bawat
kasali sa proseso ng komunikasyon batay sa mga kaganapang
nangyari sa mga nakaraan. Kung ang isang koponan ay nagapi na ng
kasalukuyang koponan sa puntos o lamang na mahigit sa kalahati,
maaari itong maging sanligan ng nagaping koponan para sa kanilang
paghahanda sa mga susunod na pakikipagtunggali sa nanalong
koponan. Sa medaling salita, ang historikal na konteksto sa proseso
ng komunikasyon ay sanligan ng pag-aaral sa kung paano ba higit na
mapauunlad ang komunikasyon sa mga susunod na pagkakataon,
kung kahaharapin ang sitwasyon na sila ay muling magtutunggali.
PAGPOPROSESO
NG IMPORMASYON
PARA SA
KOMUNIKASYON
– Tinutukoy ng pagpo-proseso ng impormasyon ang
aktibidad ng utak mula sa mga gawaing kinasangkutan ng
pag-iisip habang ginagamit sa kapaligiran ng isang
indibidwal. Mahalaga ang prosesong ito sa konteksto ng
komunikasyong pananaliksik sapagkat ang katangian ng
istimuli na may kaugnayan sa komunikasyon- nasa
parehong pinamagitan (mediated) at interpersonal na
komunikasyon- ay kinasasangkutan ng kapaligirang
panlipunan na kung saan ang isang indibidwal ay
nakikipagsapalaran sa pagpro-proseso ng impormasyon
(Bolls, 2017).
– Idinagdag pa ni Bolls na ang pagpro-proseso ng
impormasyon ay isang mahalagang dulog ng pananaliksik
na bahagi ng kognitibong rebolusyon sa sikolohiya, na
nagbunga ng pagbabago ng pandirigma kung paano
sinubukan ng mananaliksik sa laranagan ng sikolohiya
ang pag-unawa sa isip ng tao, Iminungkahi ng iskolar na
ito na ang matibay na paliwanag na teoretikal para sa
kalikasan at ugali ng tao ay mauunawaan lamang sa
pamamagitan ng pananaliksik na direkta at sistematikong
pinag-aaralan ang isip at utak ng indibidwal na sangkot sa
pagpro-proseso ng makabuluhang impormasyon buhat
sa kanilang kapaligiran.
MGA KATEGORYA NG
SANGGUNIAN

1) PRIMARYANG DATOS

2) SEKONDARYANG DATOS

3) TERSYARYANG DATOS
PRIMARYANG DATOS

– Mga datos na hinalaw o nagmula sa mga dokumentong


isinulat sa panahon na isinasagawa ang aktwal na
pananaliksik.
– Nanggaling ang mga ito sa mga orihinal na dokumento kung
saan ang pananaliksik ay nakabatay.
• Talum
• Liham
• Birth
• Diarie
• Trans
feed
• Pangu
kagan
SEKONDARYANG DATOS

– Mga datos na nanggaling sa mga dokumentong isinulat matapos


ang isang kaganapan.
– Mga impormasyong nakalap batay sa interpretasyon ng may-akda
sa mga kaganapang nangyari na maaaring kinasasangkutan ng
obserbasyon at may kinikilingan at subhektibong komentaryo na
sinusubukang ipaliwanag ang isang pangyayari.
– Madalas na ang mga may-akda o mananaliksik ay hindi
nagkakaroon ng pagkakataon na saksihan ang pangyayari.
1. Datos na nanggaling sa mga sangguniang materyal (reference
materials):
• DISKYUNARYO
• ENSAYKLOPEDIA

2. Aklat na may artikulo na nagbibigay ng interpretasyon, rebyu, o


binigyan ng synthesis ang orihinal na pananaliksik
TERSYARYANG DATOS

– Mga datos na hinalaw sa mga dokumentong naglalarawan sa


mga primarya at sekondaryang sanggunian.
1. Indexes – nagbibigay mga pagkakakilanlan kung saan nanggaling ang mga
impormasyon
2. Abstrak – ibinubuod nito ang primarya at sekondaryang sanggunian
3. Databases – mga online na indexes na karaniwang kinabibilangan ng mga abstrak
para sa primarya at sekondaryang sanggunian at maaari rin naman na digital na
kopya ng sanggunian.
MGA MUNGKAHI SA PAGKUHA NG
IMPORMASYON BUHAT SA MGA
SANGGUNIAN

 Tamang pagtugon sa mga pamantayang pang-akademiko


 Mabigyan ng rekognisyon ang may-akda ng sanggunian
Mahalaga na mabigyan pansin ang pahina bilang ng sanggunian
kung ang mahahalagang kaisipan ay iyong sisipiin, aayusin bilang
talata o bibigyan ng buod.

Mahalaga ang URL at ang petsa kung kailan mo kinuha ang


impormasyon sa isang website.
ANG TAMANG REKOGNISYON SA MAY-AKDA AY NARARAPAT LAMANG
NA KABAYARAN PARA SA KANYANG KARUNUNGANG HINDI
IPAGDAMOT KAILANMAN. ANG HINDI PAGTUPAD SA TUNGKULING ITO
AY KATUMBAS NG PAGLAPASTANGAN SA KANYANG KABUTIHANG
MAMAHAGI NG KAALAMAN SA IBA.
SISTEMANG PANSILID-
AKLATAN
– Ang tamang retrieval system ng silid-aklatan ay
makakatulong nang malaki upang higit na
mapadali at mapaghusay ng mag-aaral ang
pangangalap ng mga impormasyon at datos na
kailangan sa kanyang pag-aaral.
– Ang retrieval system ay nakatutulong nang malaki
para sa higit na sistematikong database ng mga
sanggunian na kinasasangkutan ng mga
sumusunod: pangalan ng may-akda (author),
pamagat ng aklat o publikasayon at iba pa.
MABUTING dulot ng paggamit ng
Kompyuter o Online System sa mga
silid aklatan:

1. Higit na konbinyente para sa mga mag-aaral ang sistemang ito


sapagkat makakukuha sila ng access sa mga impormasyon na
kanilang nais anumang oras na kanilang kailangan basta
suportado sila ng maayos na internet connection.
2. Maraming mga mag-aaral ang makapagbabasa ng unipormeng
sanggunian sa iisang pagkakataon dahil na rin sa ang mga
sanggunian na katulad ng aklat at artikulo ay nasa anyong
elektroniko.
HINDI MABUTING dulot ng
paggamit ng Kompyuter o Online
System sa mga silid aklatan:
1. Ang limitadong subskripsyon ng mga eskwelahan sa sangguniang
manggagaling sa online ay magbibigay rin ng limitadong access
sa mahahalagang impormasyon na kanilang kailangan sa kanilang
mga pag-aaral. May mga institusyon o paaralan na limitado ang
subskripsyon sapagakat ang bawat package ng subskripsyon ay
may kaakibat na dagdag na bayarin buhat sa kanila.
2. Ang paggamit ng pisikal na kopya ng sanggunian ay higit na
konbinyente para sa ibang mga mag-aaral sapagkat maaari niya
itong balik-balikan kung sakali na may mga impormasyon na
nangangailangan nang higit na mahabang panahon ng pagtutok
upang ito ay kanilang maunawaan.
INTERNET BILANG SANGGUN
– Malaking hamon na maituturing sa kasalukuyang
panahon ang matukoy ng mga mag aaral o mananaliksik
ang mga sangguniang mapagkukuhanan nila tama at at
kredibilidad na mga datos at impormasyon sa mundo na
kanilang kinagisnan, ang mundo ng internet. maraming
impormasyon ang naibabahagi ng internet sa iba't-iba
nitong plataporma katulad ng webpages, blogs, forums,
katalogoat iba pa na wala namang sapat na regulasyon
ng paglalagay (posting) dahilan kung bakit
iminumungkahi sa mga mag aaral ang ibayong pag iingat
sa pananalig sa mga platapormang ito bilang sanggunian
ng kanilang pag aaral o pananaliksik
Internet bilang Sanggunian

– Bawat institusyong pang akademiko ay mayroong regulasyon


o pamantayang sinusunod sa paggamit ng internet bilang
sanggunian ng pag aaral. mahalaga na matutunan ang mga
regulasyong ito upang maiwasan ang sakit sa ulo bunga ng
pagnanakaw ng karunungan (plagiarism) at paninira ng
impormasyong nais ng may akda (misattribution)
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa
mga paalala kung paano gamitin ang
internet sa inyong pananaliksik:
– isaalang-alang ang domain ng site na iyong sinasangguni. ang Domain ay alinman sa mga
sumusunod: .ac o .edu. ay ginagamit sa mga institusyong pang akademiko. ang mga domain na
nagtatapos sa .gov. ay nakalaan para sa impormasyong pangpamahalaan
• Ang mga link buhat sa mga kolehiyo at unibersidad ay nakatutulong ng
malaki upang mahikayat ang mga mag aaral at mananaliksik na buksan
ang mga ito at magbasa ng online na artikulo. kung natagpuan mo ang
sanggunian sa pamamagitang ng seach engine o link buhat sa ibang site,
ito ay paanyaya na kailangan mong suriin mabuti ang sanggunian
• Maari mong gamitin ang google scholar search (sa halip na ang
regular na google) bilang iyong panimula ng isinasagawang
pananaliksik
Sanggunian buhat sa Bibliograpiya
Ang bibliograpiya ay mainam ding gamitin na sanggunian ng
mga impormasyon at datos ng isang pag aaral. Sa
pamamagitan ng pagsangguni sa ibang iskolar at sa mga
bibliograpiya na kanilang ginamit ay maaring makatuklas ng
mga kaugnay na publikasyon na makatutulong ng malaki sa
pagpapaunlad ng isinasagawang proyekto o pag aaral. Ang
ibang mga may akda ay nagbibigay rin g mga mungkahing
babasahin na sa kanilang palagay ay makatutulong ng malaki
sa iyo sapagkat napakinabangan nila iti ng husto ng sila ay
sumangguni rito.
Bakit kailangan ng siping panloob
at paglalagay ng sanggunian?
– sandata ng isang manunulat ang kanyang oras, panahon, Talino at lakas sa
pagbuo ng kanyang iskolarling sulatin.hindi madaling gawin ang mga sulating
ito sapagkat may mga pagkakataon na kahit taglay ng iang indibidwal ang
talino at lakas ay nalilimitahan naman siya ng kanyang oras at panahon. kun
minsan taglay ng isang indibidwal ang oras at panahon subalit wala naman sa
kanya ang kinakailangang lakas at talino. Sa madaling salita. ang gawaing
pagsusulat ay nangangailangan ng puhunang dugo at pawis. Dahil diti
masasabi na hindi makatarungan kung ang isang may akda ay hindi mabibigyan
ng sapat na rekognisyonpara sa kanyang naging puhunan bago matapos ang
isang sulatin.
Ang Siping panloob (citation) ay
kailangan upang matugunan amg mga
sumusunod:

– Mabigyan ng tamang pagkilala ang may akda para sa kanyang napakahalagang


ideya na gagamitin bilang pamantayan sa iyong sariling pagsusulat.
• Mabigyan ng sapat na balidasyon ang iyong mga argumento at
pinaglalaban.
• Mabuksan ang batis na pinagmulan ng isang prinsipyo at paniniwala upang
maging batayan ng iyong pagsisiyasat. Madalas na nais ng isang mananaliksik na
sundan ang orihinal na sanggunian upang makatiyak na wasto at tamang
paghalaw ng ng impormasyon at datos.
– Maipagbigay alam sa mga magbabasa ng iyong akda kung gaano kanapapanahonang ideya na
iyong sinasangguni para sa iyong pag aaral

• Maiwasan ang pagnanakaw ng talino o plagiarism

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, ang paggamit ng sipi o citation ay makatutulong


upang patunayan na iyong ideya ay sinusuportahan ng hindi lamang isang
literatura at pag aaral. Bunga nito ay ang pagpapatatagng iyong argumento o mga
pangangatwiran.
Plagiarismo o plagiarism
– Mayroong nagaganap na plagiarism o pagnanakaw ng karunungan ng iba kung sa
iyong pagsusulat ay makikita ang alinma sa mga sumusunod na pangyayari:

1. Mayroong paglalahad ng mga ideya na mistulang ikaw ang orihinsl na


may akda, bagamat ang katotohanan, ito ay hinalaw o kinuha lamang sa
iba.
Dalawa ang ang anyo ng ganitong uri ng palgiarismo, direkta at hindi direkta. Direkta ang plagiarismo
kung ang pagkopya mananaliksik sa akda ng iba ay buong buo, kasama ang tama at maing mga baybay
at wala itong oagkilalasa totoong may akda ng mga sulatin. Sa kabilang dako, ang di direktang
plagiarismo ay tumutukoy sa pangongopya ng mahalagang impormasyon sa iba bagamat may kaunting
modipikasyon sa orihinal ay hindi parin nabigyan ng nararapat na rekognisyon ang orihinal na may akda.
2. Pagkopya at pagdikit (copy and paste)ng mga teksto at imahe na
hindi binibigyan ng rekognisyon kung saan ang mga ito nanggaling.
3. Hindi pagpapakita na ang sipi ay sipi
4.Pagbubuod ng impormasypn na hindi man lamang ipinapakita
kung ano ang orihinal na pinanggalingan nito.
5.Pagpapalit ng ilang mga salita sa isang seksyon ng teksto na hindi
man lamang binibigyan ng pagkilala ang orihinal na may akda.
Pangangalap ng Impormasyon
sa Pamamagitan ng Pagbabasa
– Ang pagbabasa ay ang pangunahing Gawain ng isang
mananaliksik o mag-aaral upang maisagawa ang
tungkuling makapangalap ng mahahalagang
impormasyon para sa isinasagawang pag-aaral. Ang mga
panuntunan sa pagbabasa ay inisa-isa batay sa
pinaglalaanan nito:
A. Para sa Asignatura
B. Para sa Iba’t ibang layunin
C. Para sa Pag-Unawa
A. Pagbabasa para sa
asignatura
– Katulad na ng nabanggit sa mga nakaraang pagtalakay, ang mga
impormasyon na kinakailangan upang mapatatag ang paninindigan
ng isang pag-aaral o pananaliksik ay madaling kalapin dahil na rin
sa mga naglipanang sanggunian sa silid-aklat at maging sa internet.
Mabuti kung ang makakalap na impormasyon ay manggagaling sa
isang lehitimo at may kredibilidad na sanggunian, subalit isang
kamalasan kung ang sanggunian na makukuha ay naglalaman ng
maling mga impormasyon para sa isang pag-aaral. Dahit ditto ay
iminumungkahi ang mga sumusunod:
1. Maging mapamili sa mga sanggunian na gagamitin sa pag-aaral. Ang
isang matalinong mag-aaral ay hindi lamang mahusay sa larangan
ng pag-unawa sa isang asignatura. Kailangan din niyang maging
mahusay sa pagpili ng mga sanggunian na kanyang gagamitin sa
pag-aaral. May mga pagkakataon nas ang isang mahabang
seleksyon ay katumbas lamang ng isang maikling mag-aaral. Dapat
din na isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagpili ng mga
sanggunian: kawastuhan, kapanahunan, katatagan, kredibilidad ng
mga may-akda.
2. Bawat tao ay mga kanya-kanyang pamamaraan sa pag-unawa sa
mga binabasang teskto. Kung ang pamamaraan ng pagbabasa ay
hindi na nagiging epektibo batay sa iyong sariling pagsusuri,
mainam na gumamit ng ibang estratehiya batay sa kahalagahan ng
asignaurang babasahin.
3. Maaaring gumamit ng index na pahina na matatagpuan sa
likod ng aklat. Sa ganitong pamamaraan ay maasahan na
higit kang makatitipid ng oras at panahon sa gawaing
pagbabasa. Hanapin ang eksaktong pahina na kailangan
mong basahin.
4. Ang pag babasa gamit ang internet ay hindi rin mainam na
gawain sapagkat ang matagal na pagbabad ng mata sa
screen ng computer ay maaaring makapagdulot ang hindi
maganda sa iyong mga mata. Iminumungkahi ang
panggamit ng pisikal na papel para sa gawaing pagbabasa.
5. Ang pagkakaroon ng target na babasahin sa particular na oras
at panahon ay makatutulong nang malaki upang makapagbigay
ng tiyak na pokus ang isang mag-aaral o mananaliksik. Dapat
isaalang-alang sa gawaing ito ang oras na fapat ilaan sa bawat
naka-enrol na asignatura ng mga mag-aaral. Ang sapat na
pangangalaga ng oras ay makatutulong nang malaki sa
pagbibigay ng pokus sa pangangalap ng impormasyon para sa
isang pag-aaral. Ang paglalagay ng mga gabay na katanungan
bago isagawa ang pagbabasa at habang ito ay isinasagawa ay
makatutulong din sa pagkakaroon ng pokus sa gawaing
pagbabasa.
B. Pagbabasa para sa Iba’t
Ibang Layunin
– Ang layunin ang siyang nagbibigay ng direksyon sa lahat ng bagay na
ginagawa ng tao. Bago isagawa ang pagbabasa, mahalaga na mailatag
muna ng mga mag-aaral o mananaliksik kung ano ba ang kanilang nais
na mangyayari matapos ang isasagawang pag-aaral o pananaliksik. Kung
wala ang layunin, mahihirapan ang mga mag-aaral na alamin kung ano
ang landas na tatahakin ng kanilang iskolaring pagsulat. Ang mga
sumusunod na istilo sa pagbabasa ay magagamit sa mga akademikong
sulatin batay sa layunin ng pagbabasa: (1) Pagbabasa ng Palaktaw-
laktaw o browsing, (2) Pasisiyasat o checking, (3) Pagtutuon ng pansin o
focusing in, (4) Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding, (5)
Sanligan o referencing.
1. Pagbabasa ng palaktaw-laktaw o browsing
– Ito ay ang kaswal na pagtingin sa mga pahina ng teksto
upang matanta ang kahalagahan ng patuloy na pagbabasa
nito sa kabuuan at pahapyaw na malaman kung anu-ano
ang mga nilalaman nito na maaaring makatulong sa
isinasagawang pag-aaral.
2. Pagsisiyat o checking
– Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa nilalaman ng teksto o
index upang malaman kung ang aklat ay naglalaman ng
mga espisipikong impormasyon na nais mong malaman o
mga impormasyong malaki ang maitutulong sa iyo.
3. Pagtutuon ng pansin o focusing in
– Ito ay tumutukoy sa masinsinang pagbabasa sa isang mahalagang punto na may malaking
maitutulong sa pananaliksik. Kung ang impormasyon ay hindi naglalaman ng mahalagang
punto, ang pagtutuon ng pansin sa o focusing in ay maaraing ibalik sa palaktaw-laktaw na
pagbabasa. Samakatkwid, ang palaktaw-laktaw na pagbabasa ay ang preliminaryong bahagi
ng pagpapaubaya sa iyong sarili na magbasa nang masinsinan kung may nakita kang isang
punto na sa iyong palagay ay makakatulong nang malaki sa pananaliksik.
4. Paghahanap ng mga kaganapan o fact finding
– Ito ay isang istilo ng pagbabasa na kung saan ang layunin ay maghanap ng mga tiyak na
kaganapan o detalye na bumubuo sa isang pangyayari. Imbestigasyon ang pinakapuso ng
ganitong uri ng pagbabasa.
5. Sanligan or referencing
– Ito ay isang uri ng ekstensibong pagbasa ng teksto. Sa ganitong istilo, ang mga mag-aaral o
mananaliksik ay nangangailangan ng karagdagang teksto upang makita ang kabuuan ng isang
larawan.
C. Pagbabasa para sa Pag-
unawa
– Sa ganitong uri ng pagbabasa, ang mananaliksik o mag-aaral ay
naglalayong maunawaan nang buong buo ang teksto at mga
impormasyong nakapaloob dito. Hindi ito paligsahan ng bilis ng
pagbabasa o paramihan ng pahinang binasa upang masabi lamang na
iyong nagampanan ang tungkuling pagbabasa. Ang ganitong uri ng
pagbabasa ay nangangailangan ng komprehensyon. Ang mga
sumusunod ay maaring makatulong upang magkaroon ng mataas na
komprehensyon sa binabasang teksto:
(1) Pagkakaroon ng kaliwanagan sa layunin ng pagbabasa o
pananaliksik.
(2) Pakikipagpalitan ng kuro honggil sa binasang teksto. Ang
pagbabahagi ng iyong natutunan sa binasang teksto ay simula ng
pagtanggap sa perskeptiba ng iba na mainam upang higit na maging
malalamim ang iyong komprehensyon sa binasang teksto.
(3) Kung sa iyong palaktaw-laktaw na pagbabasa ay napagtanto mo na
ang paksa ay komplikado at mahirap na unawain, makabubuti na
magbasa muna ng ibang teksto na makapagbibigay sa iyo ng
pangkalahatang ideya sa komplikadong paksa. Maaari munang pumili
ng aklat na madaling unawain bago sumangguni sa higit na
komplikadong teksto.
(4) Iminumungkahi rin ang pagbibigay ng pagkakataon sa mata upang
makapagpahinga kahit ilang minuto para sa mas maayos na pagbabasa.
(5) Ang pagtatala habang isinasagawa ang pagbabasa ay isa
ring epektibong estratehiya upang magkaroon ng
komprehensyon sa binabasang teksto. Makatutulong ito nang
malaki upang mpanatili ang atensyon sa mga mahahalagang
iimpormasyon na nakapaloob sa teksto.
(6) Makatutulong din sa malalmin na komprehensyon sa
pagbabasa kung mahahanap ng mag-aaral o mananaliksik ang
kanyang sarili kakayahan o kapasidad na umunawa sa teksto.
Maaring maging epekrtibo ang mabilis na pagbabasa at maari
rin naman na higit na epektibo kung babagalan ito.
Iba pang Mungkahi sa
Pagbabasa
– May mga pagkakataon na nababawasan ang pagiging epsiyente ng pagbabasa ng
isang mag-aaral o mananaliksik dahil sa kakayahan mga mata na makibagay titik at
kulay ng mga font na nakalimbag. Upang malampasan ang ganitong mga uri
suliranin sa pagbabasa ay maaring imungkahi ang mga sumusunod:
(1) Magkaroon ng regular na pagpatingin ng mga mata
(2) Tingnan kung higit kang komportable sa pagbabasa ng malalaking teksto.
(3) Kung may tsansa na baguhin ang kulay at font sa computer ay gawin ito upang
makuha ng mata ang tiyempo sa pagbabasa.
(4) Gumamit ng tamang ilaw na bbagay sa pangangailangang liwanag ng iyong mga
mata.
MGA ESTRATEHIYA
SA PANANALIKSIK
PAGGAMIT NG
IMPORMASYON
– Ang pagbasa ng mga aklat, artikulo at iba pang
sanggunan na nasa silid-aklatan o kaya ay nasa
internet ay mga tungkuling inaasahan sa mga
mag-aaral upang magkaroon ng higit na pag-
unawa sa kanilang mga asignatura.
Maaaring may mga pagkakataon na
kinakaharap nila ang halos nag-uumapaw na
mga impormasyon dahilan kung bakit
kanilang kinasasangkutan ang mga
suliraning may kaugnayan sa mga
sumusunod:
– Paghahanap ng impormasyon;
– Pagtatala at pagre-record
– Pagbibigay ng interpretasyon sa binasang impormasyon
– Pagsasaayos ng mga impormasyon para sa iba't ibang layon
– Pag-uugnay ng mga impormasyon sa inyong takdang-araiin
PAGPILI NG MGA
MAKABULUHANG
IMPORMASYON

– Inaasahan na ang isang mag-aaral ay dapat


magkaroon ng katalinuhan na mamili ng tamang
sanggunian para sa mga impormasyon na
kailangan sa kanyang pag- aaral. Dapat niyang
maisaalang-alang kung anong sanggunian ang
nararapat at kung ano hindi nararapat.
– Maaaring isaalang-alang ng mga mag-
aaral ang mga sumusunod sa pagpili ng
mga makabuluhang sanggunian para sa
mga impormasyon na kailangan ng
kanyang pag-aaral:
1. Pagkakaroon ng layunin. Makatutulong
ang iayunin ng pag-aaral o pananaliksik
sa paglaiaan ng pamantayan sa kung
anong uri ng impormasyon ang
kakailanganin para sa proyekto. Tinitiyak
din ng layunin ang tamang oras at
panahon kung kailan dapat na
makapangalap ng sapat na impormasyon
na magpapatatag sa isang gawain.
2. Pagsasaalang-alang sa mga datos na mayroon sa
kasaiukuyan. Nararapat ding tingnan ng isang mag-
aaral ang mga bagay na mayroon siya na maaaring
gamitin sa kanyang isinasagawang kasaluyang pag-
aaral o proyekto. Maaaring magsagawa ng
pakikipagpalitang kuro (brainstorming) hinggil sa
kaalaman sa paksa ng pag-aaral at magsagawa ng
pagtatala sa mahahalagang salita na may kinalaman
sa proyekto. Maaari itong gamitin biiang gabay sa
iyong pananaliksik sa mga impormasyong nakalagay
sa index na nasa likod ng aklat, katalogo, at
internet.
3. Ang pagmumuni-muni sa mga
mahuhusay na sanggunian ay maaari ring
makatulong sa sistematikong
pangangaiap ng impormasyon. Maaaring
siyasatin kung ang sanggunian ay
talagang mapagkakatiwalaan,
napapanahon, isinulat ng eksperto sa
larangan ng pag-aaral, o makabuluhan ba
itong impormasyon na ito para sa iyong
pag-aaral.
4. Nararapat din na siyasatin kung ang
impormasyong nakalap nga ba ang
pinamahusay na halimbawa na maaaring
ibigay sa isasagawang pag-aaral o
pananaliksik o proyekto. Kung sakali man
na makakukuha ng naparaming
impormasyon, maging matalino sa pagpili
ng higit na kailangang halimbawa na may
pagsasaalang-alang sa mahahalagang
impormasyon.
5. Tingnan din kung gaano karami ang
mga babasahin na may pagsasaalang-
alang sa limitasyon ng papel na hinihingi
sa inyo bilang mga mag-aaral o
mananaliksik. Ang mga bagay na ito ay
dapat na tandaan habang nagsasagawa
ng pagtatala at pagbabasa upang hindi
rin masayang ang oras na ilalaan sa
pananaliksik.
PAGGAMIT NG DYORNAL

DYORNAL
- Isa sa mga sangguniang pinakapalasak na gamitin
sa mga pag-aaral o pananaliksik dahil madali itong
matagpuan sa mga silid-aklatan at sa internet.
- Mataas ang kalidad nito bilang sanggunian ng isang
pag-aaral
IMPORTANTENG PUNTOS NG
DYORNAL
 Petsa ng paglathala o publikasyon;
 Pinagkakadalubhasaan ng isang dyornal;
 Isaalang-alang kung ito ay lumalabas sa mga
elektronikong sanggunian;
 Saang dyornal matatagpuan ang mga mahahalagang
impormasyon na may kaugnayan sa isang pag-aaral;
 Abstrak ng isang pag-aaral
PAG-AAYOS NG FILE PARA SA
MGA IMPORMASYON
Mga paraan sa pag-fa-file ng mga dokumento na
mapagkukunan ng impormasyon:

1. Tignan paminsan-minsan ang iyong mga file at


tanggalin na ang mga impormasyon na hindi mo
na kakailanganin. Ihiwalay ang mga ito sa iyong
ibang file.
2. Lagyan ng marka ang bawat file na iyong itinago
para sa mga susunod pa na paggamitan.
MGA ESTRATEHIYA UPANG
MATANDAAN ANG IMPORMASYON

1. Maaaring idaan sa pagkanta o di kaya ay gumagamit ng mga patterns upang maging


gabay sa pagtanda sa mahahalagang impormasyon ng pag-aaral.
2. Ang paggamit ng highlighter o pangkulay sa mga mahahalagang impormasyon sa
teksto ay makakatulong din upang matandaan ang mga mahahalagang imprmasyon
sa teksto.
3. Ang aktibong gawain katulad ng paglalakad ay maaari ring makatulong.
4. Maari rin naman iugnay ng mag-aaral ang mga impormasyon sa teksto sa mga
mahahalagang personal na bagay sa mga mag-aaral o mananaliksik.
5. Makatutulong din sa pagtanda ng mga impormasyon ang paglalagay ng mga
ilustrasyon at ibang marka habang nagbabasa.
Konsepto ng pagbubuod
– Ang konsepto ng pagbubuod ay mahalagang matutunan ng mga mag-
aaral o mananaliksik kaugnay pa rin ng kanilang tungkulin na mangalap
ng mga lehitimo at may kredibilidad na impormasyon na makatutulong
sa pagpapatatag ng kanilang mga pag-aaral o proyekto. Ang iba’t
ibang anyo ng pagbubuod ay nakabatay sa antas ng kakayahan ng
isang indibidwal na magbigay ng interpretasyon o pagsusuri sa
sanggunian- maaaring napakahaba o ang ilan naman ay ilang pahina
lamang. Ang bawat pagbubuod ay may kaakibat na tungkulin na
paggamit sa sariling wika ng nagbubuod subalit may pagsasaalang-
alang sa konsepto ng tekso na ibinubuod.
Ang mga sumusunod ay maaaring
makatulong sa gawaing pabubuod:
1. Pagsasaalang-alang sa kapakinabangan na maaaring maidulot sa kapwa,
kamag-aaral, at iba pa.
Mga halimbawa:
Kung ang ibinubuod na teksto ay isang particular na desisyun mula sa Kataas-
taasang Hukuman, dapat makita ng nagbubuod na ang magiging produkto ay
makatutulong nang malaki sa mga nag-aaral ng abogasiya na kulang ang panahon
na basahin ang karaniwang napakahabnag teksto ng desisyon. Sa ganitong mga
babasahin, mahalaga na matukoy ang mga sumusunod:
a) Pangyayari
b) Usapin
c) Desisyon
Kung ang orihinal na teksto ay balita, isaalang-
alang sa pagbubuod ang sagot sa mga
sumusunod na katanungan:
a)Ano?
b)Sino?
c) Kailan?
d)Saan?
e)Paano?
2. Ang buod ya higit na maiksi kaysa orihinal na teksto
3. Ang isang maayos na buod ay nagtataglay ng kakayahang manghikayat sa
mga mananaliksik at magbasa na higit na mainam na basahin ang
pinaiksing bersyon kaysa napakahabang orihinal. Nararapat na
mapagtagumpayan ng nagbubuod na mabigyan ng kagyat na ideya sa
orihinal na bersyon ang mga sasangguni rito;
4. Ang pagbubuod ay isang gawain naglalarawan ng mataas na antas na pag-
unawa sa binasang teksto.
Ang paggamit ng sipi at ang
pagbubuod
– Napakahalaga ng sipi sa buong proseso ng pagbubuod sa
mga pagkakataon na ang orihinal na teksto ay mahirap
tumbasan sapagkat maaring magdulot ng maling
rekognisyon (misattribution) sa konteksto ng may-akda
na labag sa etika ng pagsulat. Sa kabilang dako, nararapat
ang pagbubuod kung teksto ay maaaring bigyan ng
paliwanag sa paraang hindi nasasagasaan ang orihinal na
konteksto ng may-akda. Higit na mainam ang pagbubuod
kaysa sa paggamit ng sipi sapagkat binibigyan nito ng
kontrol ang mag-aaral o mananaliksik sa argumento ng
orihinal na may-akda.
Ang proseso ng pagbubuod
1. Basahin at unawain nang buong husay ang buong orihinal na teksto bago
isasagawa ang pagbubuod. Iwasan ang pagbubuod sa bawat yunit upang
magkaroon nang mahigit na kalayaan na mapaiksi ang buong teksto.
2. Gumamit ng lapis upang bigyang-diin ang mahahalagang puntos na maaari
mong bigyan ng konsiderasyon sa gagawing pagsasabuod. Maaari ring
maglagay ng ibang palatandaan sa margin ng teksto o kaya naman ay
gumagamit ng hiwalay na papel para rito.
3. Makakatulong ang paggamit ng balangkas o outline ng mga nagging
argumento sa orihinal na teksto bago isagawa ang aktwal na pagbubuod.
4. Nararapat na maging tapat sa mga mambabasa kung ano ang mga
pangangatwiran or argumento ng orihinal na may-akda.
MGA KONBENSYON SA
PAGBUBUOD
– Mahalaga na mabigyan ng rekognisyon ng mag-aaral ang
orihinal na may- akda kung isinasagawa ang pagbubuod. Ang
pagbibigay ng kaukulang sipi ng pagkilaia (in-citation) sa may-
akda ng teksto na binibigyan ng buod ay iminumungkahi upang
maiwasan ang plagiarismo (plagiarism) o pagnanakaw ng
karunungan ng iba.
– Gumamit ng buong pangungusap upang ilarawan ang
argumento na ibinibigay ng orihinal na may-akda.
– Iwasan ang paggamit ng ekstensibong sipi. Tanging ang
mahahalagang puntos lamang na ibinigay ng orihinal na
may-akda ay nararapat na bigyan ng rekognisyon sa
pamamagitan ng paggamit ng sipi o (" ").
– llagay ang huling pangalan ng may-akda at ang petsa
kung kailan inilathala ang orihinal na akda bilang
rekognisyon na ang ibinubuod na teksto ay nanggaling sa
nabanggit na may-akda.
HALIMBAWA

– Sa panulat ni Maranan (2018), kanyang sinabi


– “…huwag nating hayaang balutin ng kamangmangan ang
akademikong institusyon sa pamamagitan ng
4 Tingnan ang hambingan sa ibaba

pagsasawalang bahala sa pangangailangan ng mga


dalubguro na maunawaan ang kahalagahan ng
pananaliksik sa pang-araw-araw nilang pakikisalamuha sa
mga mag-aaral"(Maranan, 2018)
– Ang pananaliksik ayon kay Maranan (2018) ay…
ORIHINAL NA TEKSTO
– Matagal nang naghahari ang proklamasyon 1017 sa pinakamaliit na yunit ng alinmang
institusyong pang-akademiko subalit maraming saksi at biktima ang nagmistulang pipi at
bingi sa paglalahad ng katotohanan. Sa apat na sulok ng silid ng bawat klase makikita ang
realidad na ang dalub guro ang batas at walang sinumang maaaring sumuway sa kanyang
kautusan. Ang pagtatanong ng mga mag-aaral ay itinuturing na gawa ng kaaway at ang
pagbibigay ng opinyon ay isang gawaing subersibo. Ito ay nagbunga at patuloy na
nanganganak. ng isang lipunang animo ay bangkay na pinaglalamayan ng mga mapang-abus
at sakim sa pansamantalanhg kapangyarihan. Lipunang tahimik at walang pakialam sa mga
isyung dapay sana ay mabigyan ng agarang lunas upang maiwasan ang patuloy na
pagkaagnas nito. Lipunang hindi nag-iisip at walang ginawa kundi ang magsunod-sunuran na
lamang. May mga ideolohiyang nakapaghihinayang na hindi na naibahagi sa kapwa sapagkat
minarapat na sarilihin na lamang dahil itinuro ng eskwelahan na huwag pumalag kung
nasasaktan… huwag lumaban kung nilalapastangan.
BUOD

– Sa sanaysay ni Maranan (2018), kanyang sinabi na ang


suliranin sa paniniil sa kalayaan na katulad ng isinasaad
ng Proklamasyon 1017 ay matagal ng naghahari maging
sa akademikong institusyon. Kanyangbinigyang-diinang
tungkulin ng institusyon na turuan ang mgamag-aaral
naipaglaban ang kanilang mga karapatan at magagamit
nila ito kahit sa lipunan na labas sa kanilang eskwelahan.
Pagbubuod at ang Synthesis

– Ang pagbubuod ay may pagkakaiba sa synthesis bagama’t


ang dalawang konsepto ay parehong nararapat na
isaalang-alang sa pangangalap ng impormasyon para sa
isang iskolarling pagsusulat. Ayon kay Fries-Gather.(2010)
ang pagbubuod ay pagtukoy sa mahahalagang elemento
ng teksto at ang pagpapaiksi ng mahahalagang
impormasyon gamit ang sariling lenggwahe o salita
habang at pagkatapos ng isinasagawang pagbabasa para
sa isang buong kahulugan.
– Ang synthesis sa kabilang dako ay tumutukoy sa proseso
ng pagbubuod sa mas mataas nitong antas. Sa halip na
ulitin ang mahahalagang puntos sa teksto na ginagawa sa
pagbubuod, kinasasangkutan ng paglalangkap ng sariling
pananaw ng mag-aaral ang ideya na ibinibigay ng orihinal
na may akda ng teksto na ginagawang synthesis. Sa
madaling salita, nakapagbibigay ng sariling argumento
ang mag-aaral sa synthesis na hindi maaaring ibigay sa
pagbubuod ng teksto.
Halimbawa ng Pagbubuod at Synthesis gamit ang
Sanaysay na “Ikaw Pala” ni Dr. Mario H. Maranan

Buod
Matagal ang panahong nakibaka ang may-akda upang
malaman kung anu-ano nga ba ang mga suliraning nakapaloob
sa paraan ng kanyang panulat. May mga pagkakataong siya ay
nagtataka kung bakit walang nakikitang kagandahan sa
kanyang panulat ang kanyang pinag-aalayan ng kanyang obra.
Sa wakas ng salaysay ay lumabas na hindi pala ang obra ang
ugat ng problema kundi ang taong tumitingin sa kanyang obra.
Synthesis
Hindi madali para sa isang indibidwal na tanggapin ang kanyang mga
kahinaan bilang tao. Madalas ang pagkakataon na kanyang ipinupukol sa iba
ang mga kahinaang sa totoo lamang ay siya naman ang may dala. Makikita
sa kwentong binasa na matagal ang may akda malaman kung anu-ano nga
ba ang may dala. Makikita sa kwentong binasa na matagal na nais ng may
akda na malaman kung anu-ano nga ba ang mga suliraning nakapaloob sa
paraan ng kanyang panulat. May mga pagkakataong siya ay nagtataka kung
bakit walang nakikitang kagandahan sa kanyang panulat ang kanyang pinag-
aalayan ng kanyang obra. Sa wakas ng salaysay ay lumabas na hindi pala ang
obra ang ugat ng problema kundi ang taong tumitingin sa kanyang obra.
Pagsusuri at Pagbibigay ng
Interpretasyon sa
Impormasyon
– Nakabatay sa gawaing ito ang kalidad ng solusyon at desisyon
para sa isang suliranin ma kinakaharap ng pag-aaral. Kung mali
ang impormasyon at ang pinanggalingan nito, maling solusyon
ang mabibigay para sa totoo at orihinal na usapin o isyu.
– Pagtalakay na mahalagang isaalang-alang:
– Bigyan ng konsiderasyon ang mga layuning nakapaloob sa pag-aaral.

 Enumerasyon at Diskurso- ang pag-aaral ay naglalayon na alamin ang


kabutihan, at di-kabutihang dulot batay sa kanilang pananaw, at
ang tanging mayroon ka ay kwalitatibong datos.
 Talahayanan- nagpapakita ng kasagutan hinggil sa kanilang pananaw.
 Iskala- kung nais na malaman ang taas ng antas.
Ilang Paalala sa Pagsusuri ng
Kwantitatibong Impormasyon
1. Maglaan ng hiwalay na kopya para sa pag-edit, cut,
paste, at iba pa.
2. Gumawa ng maayos na tabulasyon ng impormasyon para
sa presentasyon ng mga datos. Iminumungkahi ang
paggamit ng talahanayan kung masyadong malaki ang
datos na bibigyan ng enterpretasyon at pie chart o kahit
na anong grpikal na pglalahad kung ang datos ay maliit
lamang.
3. Mainam na ilagay ang numerical na datos sa presentasyon bago
isagawa ang ranking kung tumutugon sa layunin ng pag-aaral.
Kung ang datos na naklap ay kwalitatibo , maaaring isaalang-
alang ang mga sumussunod na hakbang:
I. Basahin ang lahat ng datos
II. Bigyan ng kategorya ang presentasyon ng mga kasagutan.
III. Subukang lagyan ng asosasyon o ugnayan sa pksa ng pag-aaral ang mga
kwalitatibong datos.

4. Itago ang mag datos at talatanungan kahit sa loob ng ilang taon


upang maging sanggunian sa mga darating pa na hinaharap.
Mga Hakbang sa Pagsusuri ng
Impormasyon
1. Balikan ang mga katanungan. Makakabuti na muling balikan ng mananaliksik ang
mga katanungan bago isagawwa ang pangangalap ng datos upang masayasat kung ang
mga ito ba ay tumutugon sa mga hinihingi ng bawat katanungang nabanggit.
Mahalaga din ito upang malaman kung ano ang magiging solusyon. Gumawa muna ng
matrix na susukat kung may tumutugon ba sa mga katanungan na kanilang inilahad.
2. Pagsasaayos ng mga impormasyon. Ang panununtunan sa pag
aayos ng mga impormasyon para sa pagsusuri ng datos ay
nakabatay sa paraan ng pag-iisip ng iba’t ibang uri ng tao. Sa
kabilang dako, maaring sundan ang mga sumusunod na
mungkahi para sa maayos na presentasyon ng mga
impormasyon:
a. Kalapin ang mahahalagang impormasyon na kailangan para sa pag-aaral.
b. Kung kinakailanga, ayusin ang impormasyon baatay sa mga bahagi na kanilang
kinabibilangan.
c. Ang iba ay maaaring nasuri na, ang iba naman ay kagyat ng nasuri, at ang iba
ay hindi pa nasusuri.
3. Pagpapasya kung paano susuriin ang mga impormasyon. Maaring makatulong ang mga
sumusunod sa paraan ng pagsusuri ng mg impormasyon:
a. Ang pagsusuri ng mga bahagi ng mga impormasyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
pagsama-sama ng mga bilang (adding) o pagkuha sa gitna (averaging) o paghahambing ng mga
impormasyon upang suriin ang ugnayan ng isang bagay sa ibang bagay, o ng pinagsamang
dalawang bagay.
b. Ang pagsusuri ay maaaring gawin sa pamamagitan ng paghahanap sa mga magkakatulad samga
datos;
c. Maaari ring tingnan ang pagkakaiba ng mga impormasyon na ipinakikita ng mga datos;
d. Maaari ring ipakita ang ugnayan ng isang baryabol sa iba pang baryabol;

4. Integrasyon ng mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo. Makakatulong ito upang


mailarawan ng mananaliksik nang buo ang sinasabi ng mga datos oo impormasyong
kanyang nakalap sa iba’t ibang sanggunian. Sa pamamagitan ng integrasyon, nabibigyan
ng buong mukha ang isang pag-aaral o pananaliksik.

You might also like