You are on page 1of 2

Tsismisan: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan

 Ang Tsismisan ay itinuturing na isang uri ng. pag-uusap sa pagitan ng


dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Ang hab ng
oras ng tsismisan ay di tiyak maaari itong saglit lamang o tumatagal ng isa o
higit pa.
 Sa mga bansang Ingles ang bernakular na wika tulad ng United States at
Australi, ito ay madalas katumbas ng gossip, rumor at iba pang kaugnay
na salita kagaya ng hearsay, scuttlebutt o chatty talk.

Tsismis

 Ito ay halaw sa salitang espanyol na chismes, isang uri ng usapan o


huntahan na posibleng nangyari nab ago pa man dumating ang mga
mananakop sa bansa.

Ang tsismis ay maaaring:

 katotohanan
 bahagyang totoo
 binaluktot na katotohanan
 dinagdagan o binawasang kato- tohanan
 sariling interpretasyon sa nakita o narinig,
 pawang haka-haka
 sadyang di-totoo o inembentong kuwento

3 uri ng pinangagalingan ng tsismis:

1. obserbasyon ng unang tao o grupong nakakakita o nakakarinig sa itsinitsismis;


2. imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang –uri sa kapuwa; o
3. pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
 Sa unang uri, ang obserbasyon ay maaring naipamahagi nang walang
malisya, at ito ay naging tsismis lamang dahil kumalat nang hindi
nabeberipika.
 Subalit sa pangalawa, ang pahayag ay may kaakibat na balaking
maghimagsik ng intriga.

Ang Intriga ay isang uri ng tsismis na nakasisira sa reputasyon o pagkakaibigan.

 Sa pangatlong uri naman ay madalas kinakasangkapan ng naghaharing-uri


kagaya ng mga politico,negosyante at dinstiyang politikal para manira ng
kalaban, lituhin ang taumbayan , o pagtakpan ang mga kabuktutan.

Ang tsismis ay maari ding makapagbigay ng panimulang ideya hinggil sa mga


isyung binibigyang pansin ng mga mamamayan., Maituturing ito na isang hamon sa pag-
alam o paglalantad sa katotohanan.

Halimbawa:

Paano kung ang laman ng tsismisan ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang
bayan? Oo nga’t hindi dapat agad paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang
totoo ang tsismis, kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang
bayan. Kung hindi ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis
at malamang na may naninira sa kanila na silang maitim an budhi.
Sanggunian:

Aklat

San Juan, et.al. (2018). PIGLAS-DIWA Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino

Erika H. Mindanao
BSBA 2101

You might also like