Professional Documents
Culture Documents
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
Tsismisan
Umpukan
Talakayan
Pagbabahay-bahay
Pulong-bayan
Komunikasyong Di Berbal (Kumpas atbp.)
Mga Ekspresyong Lokal
TSISMISAN
TSISMISAN
ay isang uri ng pag-uusap
sa pagitan ng dalawa o
higit pang magkakakilala o
magkapalagayang loob.
DAHILAN SA PAGSASAGAWA NG
TSISMISAN:
upang makapagbigay ng panimulang ideya hinggil
sa mga isyung binibigyang pansin ng mga
mamamayan.
upang makapagbigay ng panandaliang katuwaan at
kaluwagan sa damdamin ng tao.
Makasira ng reputasyon o pagkakaibigan dahil sa
pagkalat ng impormasyong hindi beripikado.
TSISMIS = GOSSIP
LIBEL O SLANDER
KAHALAGAHAN NG TSISMISAN
kakayanan sa pakikinig
pagkaalam ng mahahalagang ideya at paksa
pagtukoy ng kasinungalingan at katotohanan
mas mapalalim ang pag-unawa sa iyong
naririnig
pagkaaroon ng bukas na isipan
UMPUKAN
UMPUKAN
Ang ibig sabihin ng umpukan ay ang
paggawa ng tao ng isang maliit na grupo
pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang
okasyon o pangyayari o sa anong
kadahinalan.
Ginagamit din ang “umpukan” para ilarawan
ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang
grupo o pangkat
May mga umpukan na impormal ang talakayan
kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-
kuro o opinyo tungkol sa isang bagay o paksa.
Isa pang halimbawa ng umpukan ay ang
pakikipagtalo o debate, na maaring kaswal na
usapan lamang o maaring rin naming pormal na
pakikipagtalo
Dito makikita natin ang mga tao ay may kanya-
kanyang katwiran batay sa kanilang mga opinyon.
TALAKAYAN:
MASINSINANG
PALITAN AT TALABAN
NG KAALAMAN
TALAKAYAN
Ang talakayan ay ang pagpapapalitan ng mga
ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang
kalahok na nagkakaroon nang tukoy na
paksa.
Ito ay maaring pormal o impormal at harapan
o mediated o ginamitan ng anumang midya.
Ang karaniwang layon ng talakayan ay
pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap
ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan,
o buong bansa para makapulot ng aral,
magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan,
maresolba ang isa o magkakakawing na mga
problema at makagawa o makapagmungkahi
ng deesisyon at aksiyon.
URI NG TALAKAYAN
PORMAL NA TALAKAYAN
Nakabatay sa tiyak na mga hakbang at may tiyak na
mga taong namamahala at mamumuno ng talakayan.
Nakahanda ang paglalahad, pagmamatuwid at
pagbibigay ng kuro-kuro ng mga kalahok sa talakayan.
Ang pormal na talakayan ay karaniwang nagaganap sa
mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa
telebisyon at programa sa radyo kung saan pinipili ang
mga kalahok.
Sa mga pormal na talakayan,
karaniwang may itinatalagang
tagapagpadaloy (facilitator) na titiyak
sa kaayusan ng daloy ng diskusyon at
asal ng mga kalahok habang
nagpapalitan ng kuro-kuro at
impormasyon.
2. IMPORMAL NA TALAKAYAN
Ito ay malayang pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil
sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na
sinusunod. Sa impormal na talakayan, ang kalahok
mismo ang nagmamaneho sa daloy ng diskusyon.
Ang impormal na talakayan ay madalas nangyayari
sa umpukan, minsan ay sa tsismisan o sa mga hindi
sinasadyang pagkikita. Ang mga kalahok dito ay
hindi pinipili.
Sa lipunang Pilipino, mas madalas
mangyari ang harapan kaysa mediated na
talakayan, na maaaring iangkla ang
pagiging makalipunan nating mga
Pilipino at sa “personal” na pakikipag-
ugnayan natin sa kapwa. (Josefina B. San
Juan & Resurreccion Soriaga, 1985).
MGA BENTAHE NG MEDIATED NA
TALAKAYAN
1. Naiigpawan ang hadlang sa distansiya kung ang mga
kalahok ay magkakalayo.
2. Maraming tagapakinig o manonood ang naaabot ng
talakayang isinasahimpapawid sa pangmadlang midya
kagaya ng radyo o telebisyon.
3. Ang midyang pangkomunidad ay mainam gamitin sa mga
talakayan hinggil sa mga gawaing pangkaunlaran na
nakatuon sa mga tukoy na pamayanan at may dulog na
partisipasyon.
HALIMBAWA NG TALAKAYAN
Panel Discussion
Lecture Forum (Panayam)
Simposyum
PANEL DISCUSSION
Ang panel discussion ay isang pormat na ginagamit sa
isang pulong, o kumbersasyon.
Maaaring personal o birtwal.
Ang mga panelist na kalimitang binubuo ng tatlo o higit
pa ay nagpapahayag ng ng kani-kanilang pananaw ukol sa
paksa.
Pinangungunahan ng tagapagpadaloy na nagsisilbing
gabay ng mga panelist at tagapakinig sa talakayan.
LECTURE FORUM (PANAYAM)
Isang anyo ng forum na isinasagawa
upang magbigay ng lecture sa isang
espisipikong paksa.
SIMPOSYUM
Isang uri ng pormal na akademikong
pagtitipon kung saan ang mga kalahok
ay pawang eksperto sa kani-kanilang
larangan.
PAGBABAHAY-BAHAY:
PAKIKIPAGKAPWA SA
KANYANG TAHANAN AT
KAPALIGIRAN
PAGBABAHAY-BAHAY
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing
pangkomunikasyon ng mga Pilipino kung saan
naglalakbay o dumadayo ang isang tao o grupo ng
tao sa isang partikular na lugar kung saan iniisa-isa
nila ang mga kabahayan upang kumuha ng mga
impormasyon o datos na kinakailangan nilang
makalap para sa isang partikular na gawain.
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng
isang tao o grupo sa mga bahay sa isang pamayanan
para maghatid o mangalap ng mahalagang
impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa
isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang
paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa
isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
Mainam itong pamamaraan para pag-usapan ang mga
sensitibong isyu sa isang pamayanan.
Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian
ng pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng
mga Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural.
Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay ay madalas
isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensiya ng
pamahalaan, pribadong institusyon, o nongovernment
organization na may tiyak na layong panlipunan na
nangangailangan ng kontribusyon, pakikiisa, at
pakikipagtulungan ng mga residente ng isang
komunidad.
MGA HALIMBAWA
Census
Ang cencus ay ang pagbabahay-
bahay upang magkaroon ng
angkop at tamang datos ng
bilang ng populasyon sa bawat
barangay sa buong bansa.
• Oplan Tokhang
Ang oplan tokhang ay
isinasagawa ng mga pulis
alinsunod sa programa ng
administrasyong Duterte
kung saan nagbabahay-bahay
sila upang madakip o mahuli
ang mga gumagamit at nag
bebenta ng ipinagbabawal na
gamot o droga.
Pangangampanya
nagpapakita ng
emosyon
B. GALAW NG MATA
nagpapakita ng
katapatan ng isang
tao, nag-iiba ang
mensaheng
ipinapahayag batay sa
tagal, direksiyon at
kalidad ng kilos ng
mata.
C. KUMPAS O GALAW NG KAMAY
ang kamay at galaw ng katawan ay
maraming bagay at kapamaraanang
magagawa katulad ng pagsenyas,
pag sang-ayon o pagtutol, magpakita
ng kasiyahan o papuri, pananakit,
paghingi ng paumanhin o pakikipag
alitan, mga pagpapakita ng
karamdamang pisikal, emosyonal at
marami pang iba.
D. TINDIG O POSTURA
tindig pa lamang ng
isang tao ay
nakapagbibigay na ng
hinuha kung anong
klaseng tao ang iyong
kaharap o kausap.
Sa kagawiang pangkomunikasyon
ng mga Pilipino, ang pagmamaktol,
pagtatampo, pagmumukmok at
pagdadabog ay ilan lamang sa
komunikasyong ‘di berbal na
naipapakita gamit ang kilos o galaw
ng katawan:
A. PAGTATAMPO (TAMPO)
Ito ay damdaming dala ng pagkabigo
sa isang bagay na inaasahan sa isang
malapit na tao gaya ng kapatid,
magulang, kamag-anak, kasintahan o
kaibigan.
B. PAGMUMUKMOK (MUKMOK)
Ito ay komunikasyong
naipaparating sa pamamagitan ng
pagsasawalang kibo.
C. PAGMAMAKTOL (MAKTOL)
Akto ng pagpapahayag na ang layunin ay
ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o
pagtutol sa isang bagay na labag sa
kalooban.
D. PAGDADABOG (DABOG)
Ito ay ‘di berbal na komunikasyon na likas sa
kulturang Pilipino na ang pinakamalaking
elemento ay paglikha ng ingay gaya ng
pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto,
pagbagsak ng mga bagay-bagay at iba pang
ingay na intensyonal na ginagawa ng taong
nagdadabog.
2. PROKSEMIKA (PROXEMICS)
komunikasyong ginagamitan ng espasyo.
ang espasyo o proksemika ay
nagpapahiwatig din ng mensahe sa
kulturang Pilipino.
3. PANDAMA O PAGHAWAK
(HAPTICS)
ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng
komunikasyon.
nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa.
ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch.
4. PARALINGGWISTIKO O
VOCALICS
komunikasyong naipaparating
gamit ang tono ng pagsasalita.
5. ORAS/PANAHON (CHRONEMICS)
komunikasyong nakabatay sa
panahon o oras.
ginagamit ito bilang pamamaraan ng
pagpaparating ng mensahe.
EKSPRESYONG
LOKAL
EKSPRESYONG LOKAL
Ayon kay San Juan et al. (2019), ang ekspresyong lokal ay
mga salita o pararilang nasasambit ng mga Pilipino dahil
sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak.
Sa talastasang Pilipino, ang mga lokal na ekspresyon ang
nagpapaigting at nagbibigay-kulay sa mga kwento ng
buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga
Pilipino.
Mga parirala o pangungusap na
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag
ng damdamin o pakikipag- usap na ang
kahulugan ay hindi ang literal na
kahulugan ng bawat salita at hindi
maiintindihan ng mga ibang taong
hindi bihasa sa lengguwahe.
MGA HALIMBAWA:
D’yos ko po! Di ka sure Share mo lang/
Hay naku! Jinx Share ko lang
Susmaryosep! Hatdog
Speed lang
Ano ba yan? Edi wow
Boplaks
Charot Walwal
Bonak
Echos Ginagawamu
Kalat
Sana all Bahala na si batman
Edi wow
EKSPRESYONG LOKAL
Katutubong Ekspresyon
Makabagong Ekspresyon
Ekspresyong Milenyal