You are on page 1of 34

Aralin 3

MGA GAWING
PANGKOMUNIKASYON
NG MGA FILIPINO
Bawat isa ay may karapatng magpahayag
ng kanyang kaisipan at damdamin. Bagamat
sa iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba ang
pamamaraan, gawi at ugaliin ng pagpapahayag
nito. Upang maging mabisa at malinaw ang
pakikipagkomunikasyon, nararapat
matutuhan ang mga pamamaraan, ugaliin at
mga gawing pangkomunikasyon ng iba-ibang
pangkat.
Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang
natatanging pamamaraan,gawi at ugaliin hinggil sa
pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat
pangkat ng tagapagsalita ayon sa nakagawiang
konteksto ng kultura.
Para sa araling ito, layunin ng pag-aaral ang
sumusunod:

Pangkaalaman
1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga
Filipino sa ibat-ibang antas at larangan.
2. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga
komunidad at sa buong bansa.
Pangkasanayan

1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na


sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa
pamamagitan ng tradisyon at modernong midyang
akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto.
Kahalagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling
paraan ng mga Filipino sa iba’t ibang antas ng
larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang
aspektong panlipunan sa pakikipagpalitang-
ideya.
Tsismisan, Umpukan, Talakayan, Pagbabahay-
bahay at Pulong-bayan
Ang komunikasyon ay naguugnay at nararapat na
umayon sa kontekstong kultural. Iba-iba ang
pamamaraan,gawi at ugaliin ng
pakikipagkamunikasyon sa bawat kultura. Katulad ng
mga mamayan sa iba-ibang bansa, ang mga Filipino
ay mayroong ding natatanging kultural na
pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito
sa bawat pangkat etniko na naninirahan sa libo-libong
kapuluhan ng bansa.
Iba-iba ang mga gawing
pangkomunikasyon nating mga Filipino.
Nag-iiba-iba ito ayon sa kultural na
katangian ng isang pangkat at
naapektuhan ito ng ilang salik tulad ng
lugar, mga taong naninirahan sa lugar,
sosyo-ekonomiko, edukasyon at
kasarian.
Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing
Pangkomunikasyon

Lugar
Ang mga lugar ay tumutukoy sa lokasyon
kung saan isinasagawa ang komunikasyonn.
Malaki ang epekto nito sa gawaing
pangkomunikasyon sapagkat ito ang nagtatakda
sa uri, paraan at gawi ng pananalita. Kailangang
isaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng
paghatid ng mensahe at kung paano maaring
isagawa ang daloy ng usapan.
Bukod pa rito, may mga kultural na gawi at
pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar na
tangi sa pangkat ng tagapagsalita. Halimbawa ay ang
paggamit ng mga Ilocano ng wen at win na ang
kahulugan ay “oo” sa mga tagalog. Iba-iba ang gawi
at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba-ibang lugar
ngunit iisa ang kahulugan. Isa pang halimbawa ay
ang agalwad kayo o kaya ay agannad kayo na isang
pahayag-Iloko na maaring mangahulugang sana’y
maging ligtas kayo sa inyong pag uwi o simpleng
ingat kayo. Sa lugar sa Ilokos, ang agalwad kayo o
agannad kayo ay pagbibigay-babala sa kaanak,
kaibigan o kakilala sapagkat may hinihinuha na
nakaambang panganib.
Mga taong naninirahan sa lugar
Napakalaki ang epekto sa gawing
pangkomunikasyon ang taong naninirahan
sa lugar, sapagkat sila ang humuhubog ng
kultura sa lugar. Ang kanilang mga
paniniwal, ugaliin, gawi at uri ng
pamumuhay, at maging ang kanilang
kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa
kanilang paligid na siyang nagtatakda ng
paksa o usapin.
Ayon kay Davey (2018), ang kultura ay ang
kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga
palagay at karanasan na nabuo sanhi ng sama-
samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng
iisang pangkat. Ang kultura ay sinasabing
komunikayon sapagkat may malaking bahagi ito sa
kung paanong ang mga mensahe ay naihahayag at
naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging
kilos, ugaliin at pananalita at gawaing
pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang
pangkat etniko.
Sosyo-ekonimiko
Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang
kaniyang estadong sosyo-ekonomiko ay nag
uugnay sa gawing pangkomunikasyon.
Halimbawa, sa pelikula ay napapanood ang mga
sitwayong kinasasangkutan ng tauhang mayaman
na karaniwang mababa ang tingin sa mga
kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng
mayamang amo sa pananalita ng aping
kasambahay.
Edukasyon
Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan
at nilalaman ng pahayag ay naiimpluwensyahan ng
edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng
salita ay may kaugnayan sa edukasyon. Saan ba
madalas marinig ang mga salitang balbal at
kolokyal? Sino ang madalas gumamit ng mga
salitang pormal? Ang mga guro sa kanilang
pagtuturo at tagapamahala ng kumpanya ay higit na
gumagamit ng mga salitang pormal. Ang impormal
salita naman ay madalas naririnig sa palengke at sa
umpukan ng magbabarkada.
Kasarian
May mga salitang ginagamit ang mga
babae na kapag ginamit ng lalaki ay hindi
ayon sa kanyang kasarian. Gayundin, may
mga salitang ginagamit ang mga lalaki na
hindi akma kapag gamitin ng isang babae,
kung kayat ang paraan at gawi ng
komunikasyon ay apektado dahil sa
kasarian.
Halimbawa, ang paggamit ng mga salitang besh o
kaya ay beshie na higit na angkop gamitin ang mga
babae sa kapwa babae at ng bro o brod na malimit
namang gamitin ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Sa
kasalukuyan, ang ganitong kalakaran sa paggamit ng
salita bilang bahagi ng gawi ng komunikasyon ay hindi
narin batayan kung sino ang kausap at kung ano ang
kasarian ng kausap anhi ng usapin hinggil sa gender
awareness and development kung saan tanggap ng
lipunan ang paggamit ng alinmang salita na hindi
mahalaga sa sekswalidad ng nagsasalita. Maging lalaki,
babae, tomboy o bakla ay malayang nakagagamit ng
mga salitang naisin upang maipahayag ang damdamin.
Mga Gawing Pangkomunikasyon
Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na
“chismes”. Karaniwan, kapag sinasabing tsismis ay may
kwento o pangyayari na maaring totoo at may basehan
ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay
maaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay
maging usap-usapan hanggang tuluyan ng magkaroon
ng iba’t-ibang bersyon. Kadalasa’y hindi kabutihan ang
dulot nito dahil nakakasira ito sa ugnayang pantao,
reputsyon at nagbubunyag ng mga lihim na maaring
wala naman talagang katotohanan.
Umpukan

Ang umpukan ay gawing pang komunikasyon na


tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya
o magkakapatid, magkakaibigan, magkakalase,
magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na
may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin.
Ito ay nangyayari dahil sa isang paksa, usapin at
hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at
bigyang linaw.
Pangbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay siang gawaing
panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan,
may isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang
ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga
kabahayan ng isang barangay upang ipagbigay-alam
ang isyu o mga isyu. Sa pamamagitan ng
pagbabahay-bahay, ang mga mamamayan ay
nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga
gawaing at layuning nais isakatuparan sa lugar.
Pulong-bayan

Usaping politikal ang karaniwang paksa ng


pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at
layuning pambarangay at pambayan.
Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno
sa isang barangay o bayan kasama ang mga
mamamayan upang pag-usapan ang mga layunin,
proyekto at/o mga batas na isasakatuparan sa lugar.
Ang pulong -bayan din ay di-gaanong pormal kapag
ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa lamang ng
anunsyo sa pangkat ng mamamayang sa
pamamagitan ng pamaraang pasalita.
Komunikasyong Di-Berbal

Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang


paggamit ng pagpapahayag na hindi ginagamitan ng
salita. Hindi natim ito napapansin sapagkat ang
paggamit ng mga kilos, ekpresyon, at mga
paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman
sa oras ng pagpapahayag. Ang mga uri ng komukisyong
di-berbal tulad ng paraan ng pag-upo, bilis ng paggalaw
ng mga kamay, pagbilog ng mga mata, pag iling at
maging paggalaw ng bibig, pagtapik at iba pa ay
nagsasaad ng iba’t-ibang mensahe na nabibigyang
kahulugan ng kausap.
Ang mga sumusunod ay halaw mula sa
pagpapaliwanag sa artikulo nian Hans at Hans
(2018) hinggil sa tatlong aspekto ng komunikasyong
di-berbal. Kabilang dito ang kinesika (kinesic
behavior), pandama (haptics) at proksemika
(proxemics). Bagamat nakaugnay sa tatlong ito ang
dalawa pang mahalagang uri ng di-berbal na
komunikasyon na batay sa pagpapaliwanag ni
Heathfield (2018) tulad ng pralenggwahe
(paralanguage) at mga bagay (object language):
1. Kinesika (Kinesics)

Ang kinesika ay bsa komunikasyonng di-berbal na may kaugnay sa


paggalaw ng katawan tulad ng tindig (posture), kumpas (gesture), ekspresyon
ng mukha (facial expression) at occulesics na tumutukoy sa paggamit ng mata
(eye contact) sa pagpapahayag ng mensahe.
Tindig . Isinasaalang-alang dito ang ideya kung paano naaapektuhan ang
ibang tao sa paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya pagkilos ng ulo.
Halimbawa, sa isang panayam sa telebisyon, ang pag-upo nang nakakrus ang
paa at maayos na pagtindig ng katawan ay nagpapahiwatig ng pagiging handa
ng guest artist sa mga tanong at sa iba pang mga ipapagawa sa kanya sa
kabuoan ng panayam.
Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na
pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang kumpas
ay may iba-bang kahulugan sa konteksto ng iba-ibang lahi at bansa.
Ang pagkaway ay maaring mangahulugan ng pagsabi ng “kumusta”
o kaya ay “paalam”. Ang pagturo ay maari ding mangahulugan ng
galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na
nagugustuhan.
Ekspresyon ng mukha. Binaggit nina Hans at Hans (2015) na ang
mukha ay isa sa mga bahagi ng katawan na nakakapahayag ng
maraming ekspresyon at kahulugan. Ang mukha ay
nakakapagpahiwatig ng kaligayahan at saya, ng kalungkutan, galit
at maging takot ng kabiguan.
Occulesics/Pagtingin. Mabisang gamitin ang mga mata sa
pagpapahayag. Kung paano tumingin sa iba ay
nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring
makapagpakita ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot
at maging pagkagusto. Ayon parin kina Hans at Hans
(2015), maari tayong makipag-usap sa pamamagitan ng ating
mga mata:
“ Eye contact serves severalcommunicative functions
ranging from regulating innteraction to monitoring
interaction, to conveying information, to establishing
interpersonal connection”
2. Pandama (haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din
ng iba’t-ibang kahulugan., daan-daang taon na itong ginagamit
bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon. Halimbawa, ang
mariing pakikipagkamay at pagtapik sa balikat ay may
magkaibang kahulugan inihahatid. Maaring may galit,
nakikiramay, at maari rin itong nagpapaalam. Samantala, ibadin
ang kahulugan ng paghaplos, pagpindot at paghipo sapagkat ang
diin sa pagsasagawa nito ay naghahatid ng magkakaibang
mensahe ayon sa pandama ng tumatanggap nito.
3. Proksemika (Proxemics)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaring may
kaugnayan sa dalawang taong nag-uusap. Ang pagiging
malapit, malayo o kaya’y malapit na malapit ng mga tong
nag-uusap ay naghahatid ng iba’t-ibang kahulugan ayon sa
kung sino ang nag-uusap. Ang espasyo ay nakapaghahatid ng
mga kahulugan tulad ng kapalagayan loob, pagkamapusok o
pagiging agresibo, pangingibabaw (dominance) at
pagmamahal o pagsuyo. Ayon kina Hans at Hans (2015) na
ang espasyo ay may mga kahulugang taglay tulad ng
isinasaad ng “Proxemics Zones of Personal Space”
4. Paralengguwahe (Paralanguage)
Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano
nasabi o kung ano ang paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa
sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi. Halimbawa nito ay
ang bilis o bagal ng oagsasalita, tono, impleksyon ng boses,
pagtawa, paghikab, buntong hininga, pag-ungol at kahit na ang
pananahimik.
5. Bagay (Object language)
Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy
sa komunikasyong nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga kahulugan sa mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na
tinatawag ding material artifacts).
Karaniwan, nauukol ito sa arkitektura tulad ng disenyo ng
mga gamit, mga sasakyan, damit, at iba pa. Kaugnay nito, sa
ibang kalagayang kultural, mayroon ding iba pang mga uri
ng di-berbal na komunikasyon tulad ng oras (chronemics),
simbolo (iconics) at kulay (color).
Oras. Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga,
tanghali, hapon, takipsilim, gabi, hatinggabi at madaling
araw. Sa ibang kultural na kalagayan ang mga ito ay may
kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit ang iba naman
ay walang takdang oras ang pagtatrabaho at pagpapahinga.
Sa ibang bansa ay may winter, summer, spring, at fall, ngunit
sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang
mayroon tayo.
Simbolo. Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga
simbolo. Makikita ang mga ito sa pamilihan, daan, palikuran,
sasakyan at iba-iba pa. Halimbawa rito ang mga simbolo ng
No-U turn, No Smoking, No Parking at Male/ Female sa mga
palikuran.
Kulay. Maraming kulay at iba’t-iban ang kahulugan nito.
Halimbawa ang pagsusuot ng putting damit ng ikakasal na
babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay
simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay karaniwang
ginagamit sa mga fastfood chain sapagkat ito ay sumisimbolo
sa kulay ng pagkain at bukod pa rito ay nagdadala ito ng
mainit na pakiramdam. Ngunit sa pangkat ng LGBT
community, ang kulay na bahaghari ay sumisimbolo naman sa
kalayaan nilang maging bahagi ng lipunan na walang
diskriminasyon.
Mga Ekprseyong Lokal

Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na


pagpapahayag tulad ng paggamit ng mga salawikain, kasabihan,
talinghaga at bulong. Ang mga ito ay may uri ng pagpapahayag na
ginagamit para sa iba’t-ibang layunin tulad nga pangangaral,
pagbibigay ng paalala, pagbababala, paghahangad at
pagpapahiwatig ng damdamin at kaisipan.
Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na
kinalakihan. Iba-iba ang ekspresyong ito ayon sa lugar na
kinaibilangang pangkat na tagapagsalita. Halimbawa ay ang
ekspresyong tulad ng “Wen Manong” o “Wen Manang” na ang
katumbas ay “opo kuya o “ opo ate” na nagpapahiwatig ng
paggalang sa nakakatandang kapatid o kaya sa mga kakilala.
Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing
pangkomunikasyon ng mga Filipino ay nag-iiba dahil sa
heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung
bakit may varyasyon ang paggamit ng wika.
Halimbawa:
Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sika’t ng araw.
( nangangahulugang tanghali na kaya dapat bumangon na sa
pagkakahiga at magtrabaho na)
Ilokano: Bumtak ti sara’t nuangin. Sa literal na kahulugan ay
pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak
ti sara’t nuangin ay ipinakakahulugan na tanghali na at mataas
na ang sikat ng araw kaya bumangon na at magtrabaho na.
May mga ekpresyong lokal na karaniwan sa mga
tagapagsalitang Filipino. Nahahati ito sa tatlong pangkat, ang una
ay ang mga katutubong ekspresyon, ang ikalawa ay ang mga
ekspresyong makabago at ang ikatlo ay ang ekspresyongmilenyal.
Narito ang mga halimbawa.
Katutubong Ekspresyon
1. Jeproks 6. Iniputan sa ulo
2. Para kang sirang plaka 7. Bugtong na anak
3. Kopong-kopong 8. Topo-topo
4. Naniningalang-pugad 9. Makunat pa sa belekoy
5. Giyera patani 10. May pileges sa noo
Makabagong Ekspresyon
1. Anak ng …….! 6. Diyos ko!
2. Diyaske 7. Ikako
3. Susmaryosep 8. Mucho denero
4. Bahala na/ sige lang 9. Totoy o Nene
5. Ganun? 10. Lutong Macau
Ekspresyong milenyal ( higit na makabagong ekspresyon)
1. Humuhugot 6. Lodi
2. Ansabe 7. E di wow !
3. Ligwak 8. Ginigigil mo ako.
4. Havey 9. Petmalu
5. Werpa 10. Pak!

You might also like