You are on page 1of 74

MGA GAWAING

PANGKOMUNIKASYON
ARALIN 3
• Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaiyang kaisipan at
damadamin. Bagamat sa iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba ang
pamamaraan, gawi at ugaliin ng pagpapahayag nito. Upang maging mabisa
at malinaw ang pakikipagkomunikasyon, nararapat matutuhan ang mga
pamaraan, ugaliin at mga gawing pangkomunikasyon ng iba-ibang pangkat.
• Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang natatanging pamamaraan,
gawi at ugaliin hinggil sa pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat
pangkat ng tagapagsalita ayon sa nakagawiang konteksto ng kultura.
• Paabo ba tayo naghahayag ng ating mga kaisipan at nararamdaman?
Angkop ba ang paraan ng pagpapahayag sa mga sitwasyong
kinasasangkutan?
• TSISMISAN, UMPUKAN, TALAKAYAN, PAGBABAHAY-BAHAY
AT PULONG-BAYAN
• Ang komunikasyon ay nauuganay at nararapat na umayon sa
kontekstong kultural. Iba-iba ang mga pamamaraan, gawi at
ugaliin ng pakikipagkomunikasyon sa bawat kultura. Katulad ng
mga mamamayan sa iba-ibang bansa, ang mga Filipino ay
mayroon ding natatanging kultural na pamamaraan ng
pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawat pangkat etniko na
naninirahan sa libo-libng kapuluan ng bansa.
• Panimulang Gawain.
• Pakinggan ang awit na Pitong gating ni Fred Panopio: pagkatapos ay sagutin ang ilang mga tanong
ukol dito.
• Tanong
1. Hinggil saan ang pinakinggang awit?
2. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “Kasaysayang nalaman” na binanggit sa awit.
3. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar ng Umbuyan at Kalye Pitong Gatang?
4. Abo-ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa ganitong lugar?
5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na:
“imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong secret
Sa Pitong gating lahat naririnig at kung ibig mong mabuhay nang tahimik na tahamik
Magpatay-patayan ka bawat saglit”
6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o matigil ang tulad ng mga nangyayari sa kalye Pitong
gating? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.
Mga salik na nakaaapekto sa gawing pang komunikasyon

• Lugar
• Ang lugar ay tumutukoy sa lokason kung saan isinasagawa ang komunikason. Malaki ang
epekto nito sa gawing pangkomunikasyon sapagkat ito ang natatakda sa uri, paraan at
gawi ng pananalita. Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng
mensahe at kung paano maaaring isagawa ang daloy ng usapan. Bukod a rito, may mga
kultural na gawi at pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar na tangi sa pangkat ng
tagapagsalita.

• Halimbawa:
• Ang paggamit ng mga ilokano wen, win at wen na ang kahulugan ay “oo” sa tagalog. Iba-
iba ang gawi at pamamaraan ng pagbigkas ng mga salita sa iba-ibang lugar ngunit ang
kahulugan at iisa.
Mga salik na nakaaapekto sa gawing pang komunikasyon

• Mga taong naninirahan sa lugar.


• Napakalaki ng epekto sa gawing pangkomunikasyon ang mga taong naninirahan sa lugar.
Ito ay sapagkat sila ang humuhubog sa kultural sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala,
ugaliin, gawi at uri ng pamumuhay at maging ang kanilang mga kaisipanhinggil sa mga
bagay-bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin.
• Ayon kay Davey (2018), ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, ma
palagay at karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob
ng isang pangkat. Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng
paghahatid at pagtangap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon.
• Ang kultura ang sinasabing komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa kung
paano ang mga mensahe ay naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging
kilos, ugaliin, at pananalita at gawing pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang
etnikong pangkat.
Mga salik na nakaaapekto sa gawing pang komunikasyon

• SOSYO-EKONOMIKO
• Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang kaniyang estadong sosyo-
ekomomiko ay nauugnay sa gawing pangkomunikasyon. minsa’y iniaayon ang
gawi ng komunikasyon sa iba-ibang antas ng pamumuhay ng mga tao.
• Halimbawa
• Sa mga pelikula ay napapanood ang mga sitwasyong kinasasangkutan ng
tauhang mayaman na karaniwang mababa ang tingin sa mga kasambahay.
Naiiba ang gawi ng pananalita ng mayamang amo sa pananalita ng apng
kasambahay.
Mga salik na nakaaapekto sa gawing pang komunikasyon

• EDUKASYON
• Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at nilalaman ng pahayag ay
naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang tao. Ang paggamit ng antas ng
mga salita ay may kauganayn sa edukasyon. Saan ba madalas marinig ang
mga balbal at kolokyal? Sino ang madalas gumagamit ng mga saliang pormal?
Ang mga guro sa kanilang pagtuturo at tagapamahala ng kompanaya ay higit
na gumagamit ng mga salitang pormal. Ang impormal na salita ay maririnig
naman sa mga pangkat na indibidwal na nasa palengke, umpukan ng
magbabarkada at iba pa. Ang gawi ng pananalita ng isang Dkotor ay pormal,
higit itong malumanay at nagtataglay ng mataas na uri bokabularyo
samantalang ang barker sa isang paradahan ng dyip ay gumagamit ng
impormal na salita at malakas na boses sa pagtawag ng mga pasahero.
Mga salik na nakaaapekto sa gawing pang komunikasyon

• KASARIAN
• May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng mga lalaki
ay hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit
ang mga lalaki na hindi akma kapag ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang
paraan at gawi ng komunikasyonay apektado dahil sa kasarian.
• Halimbawa
• Ang paggamit ng salitang besh o kaya ay beshie na higit na angkop gamitin
ng mga babae sa kapwa babae at ang bro at brod n amalimit naming gamitin
ng mga lalaki sa kapwa lalaki.
Mga gawaing pangkomunikasyon

TSISMISAN
– Ang salitang tsismis ay mula sa salitang kastila na “chismes”. Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang
mga bahagi ng kuwento ay pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan
upang ito ay maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t ibang
bersyon.
– Nangyayari sapagkat mabilis itong nagpapasalin-salin mula sa isang tao tungo sa iba
pang indibidwal. Intriga, alimuom, sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-
bulungan at alingasngas ito ay kung tawagin.
– Kadalasan ay di kabutihan ang dulot nito dahil nakakasira ito sa ugnayang pantao,
reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na maaaring wala nama talagang
katotohanan.
Mga gawaing pangkomunikasyon

UMPUKAN
– Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat
ng isang pamilya o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada,
magkakatrabaho o magkakakilala na may magkakatu;ad na gawi, kilos, Gawain at
hangarin. Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapain at hangarin na karaniwan sa
bawat isa ay nais talakayin at bigyang linaw nagsisilbi itong pagkakataon sa pangkat
upang lalong mapatatag ang kanilang samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa
isa’t isa.
– Naiiba ang umpukan sa tsismisan, sapagkat higit na napapabuti ang mga tunguhin ng
usapin sa umpukan. Napakaimpormal na Gawain ang umpukan, madalas itong
mangyari ng hindi binalak.
Mga gawaing pangkomunikasyon

PAGBAHAY-BAHAY
– Ang pagbahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang
pakikipag-usap sa mga mamamayan sa kanilang mga bahay.
Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais ipahatid kaya ang
ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang
barangay upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu. Sa
pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang mga mamamayan ay
nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga Gawain at layuning
nais isakatuparan sa lugar.
Mga gawaing pangkomunikasyon
PULONG-BAYAN
– Usaping political ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa
mga Gawain at layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito ng
pangkat ng mga namumuno sa isang barangay o bayan kasama ang mga
mamamayan upang pag-usaan ang mga layunin, proyekto at/o mga batas
na isasakatuparan sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng
barangay o bayan ang kasangkot at sama-sama sa pagpupulong dahil ang
mga na-uusapan at napagkakasunduan ay tinatalakay sa inihandang lugar
at inilahad sa pamamagitan ng katitikan. Ang pulong-bayan din ay di-
gaanong pormal kapag ang pinuno ng bayan ay nagsasagawa lamang ng
anunsyo sa pangkat ng mamamayan sa pamamagitan ng pamaraang
pasalita.
Maikling pagsusulit
______1. usaping political ang karaniwang paksa nito na nauukol sa mga
Gawain at layuning pambarangay at pamabayan.
______2. kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at
karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa
loob ng iisang pangkat.
______3. ito ay salik sa gawing pangkomunikasyon na natatakda sa uri,
paraan at gawi ng pananalita.
______4. tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o
magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada,
magkakatrabaho o magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos,
Gawain, at hangarin.
______5. isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng impormasyon.
______6. ang salik sa gawaing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit
ng mga salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng napag-aralan.
______7. isang salik sa gawing pangkomunikasyon na tumatalakay sa
paggamit ng mga salita ng iba-ibang kasarian.
______8. tumutukoy ito sa natas ng pamumuhay ng mga tao na nauuganay
sa gawing pangkomunikasyon.
______9. salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.
______10. isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa’y hindi kabutihan
ang dulot dahil minsa’y nakakasira sa ugnayang pantao, reputasyon, at
nagbubunyag ng mga lihim na walang katotohanan.
______5. isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga
mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng impormasyon.
______6. ang salik sa gawaing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit
ng mga salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng napag-aralan.
______7. isang salik sa gawing pangkomunikasyon na tumatalakay sa
paggamit ng mga salita ng iba-ibang kasarian.
______8. tumutukoy ito sa natas ng pamumuhay ng mga tao na nauuganay
sa gawing pangkomunikasyon.
______9. salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.
______10. isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa’y hindi kabutihan
ang dulot dahil minsa’y nakakasira sa ugnayang pantao, reputasyon, at
nagbubunyag ng mga lihim na walang katotohanan.
Uri ng komunikasyon
Suriin ang mga larawan sa ibaba:

Sa unang larawan, ano ang nais Sa ikalawang larawan, ano ang nais
ipagawa ng traffic enforcer sa ipagawa ng traffic enforcer sa
motorista? Paano niya ipinahatid ang motorista? Paano niya ipinahatid ang
mensaheng ito? mensaheng ito?

Sa aling larawan may nangyaring komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.


Ang Dalawang Uri ng Komunikasyon:

Berbal at Di-Berbal
Ang berbal na komunikasyon ay ang uri ng
komunikasyong gumagamit ng salita sa anyong
pasalita at/o pasulat man.

Samantala, ayon sa mga pag-aaral, lubhang


napakalaki ng elementong di-berbal sa pakikipag-usap
sa mga taong napapaloob sa sariling kultura.
• KOMUNIKASYONG DI-BERBAL
• Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na hindi
ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napaginipan sapagkat ang paggamit ng mga kilos,
ekspresyon at mga paralengguwahe ay umaayon sa bugs ng nararamdaman sa oras ng
pagpapahayag. Ang tawag dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal.
• Ang mga uring ito ng komunikasyong di-berbal tulad ng paraan ng pag-upo, bilis ng paggalaw
ng mga kamay, pagbilog ng mga mata, pag-iling at maging paggalaw ng bibig, pagtapik at iba
pa ay nagsasaad ng iba’t ibang mensahe na nabibigyang kahulugan ng kausap.
• Kahi kapag tayo ay hindi kumikilos o tayo ay hindi nagsasalita ay mayroon pa ring mga
mensaheng inihihiwatig. Minsan din, ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay hindi
umaaayon sa kahulugan ng mga ikinkilos natin. Sa mga sitwasyong ito, kinabibilangang
mapag-ugnay ng nakikinig ang kahulugan ng kilos at mahusay na mapili kung alin sa berbal at
di-berbal na paraan ng komunikasyon ang kailangan niyang paniwalaan.
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics)
Proksemika (Proxemics)

Pandama o Paghawak (Haptics)

Paralanguage

Katahimikan o Kawalang-Kibo

Kapaligiran

Bagay o (object language)


Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics)
• tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Proksemika (Proxemics)
• Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi man
Pandama o Paghawak (Haptics) tayo bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng pagkilos ay
maipaparating natin ang mensaheng nais nating ipahatad.
Paralanguage
• Halimbawa, sa ikalawang larawan ay makikita mo na nang
sumenyas ang traffic enforcer sa motorist na laam niyang ang
Katahimikan o Kawalang-Kibo ibig sabihin nito ay hinto. Kapag ang isang tao ay idinikit nang
patayo ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang labi,
Kapaligiran ginagamit nating ibigbsabihin nito ay kailangang tumahimik.
Kadalasan ginagamit din natin ang mga kumpas.
Bagay o (object language)
Anyo ng kinesika
Tindig

Pagkumpas

Ekspresyon ng mukha

Pagtingin (Occulesics)
Anyo ng kinesika

Tindig
• Isinasaalang-alang ang idea kung
paano naaapektuhan ang ibang
Pagkumpas tao sa paraan ng pag-upo,
paglakad, pagtayo, o kaya ay
Ekspresyon ng mukha pagkilos ng ulo. Kung paano
igalaw ang katawan o tumindig
Pagtingin (Occulesics)
ay nagkapagpapahayag ng iba’t
ibang kahulugan.
Anyo ng kinesika

Tindig • Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-


araw na pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay
Pagkumpas maaaring mangahulugan ng pagsasabi ng
“kumusta” o Kaya naman ay Paalam. Ang
pagturo (point) ay maari ding mangahulugan ng
Ekspresyon ng mukha galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng
mga bagay na nagugustuhan.
• Pagkuyom ng kamay- pagpipigil ng emosyon
• Paglahad ng kamay- pagpapahinto
Pagtingin (Occulesics)
Anyo ng kinesika

Tindig • Binanggit nina Hans at Hans (2015)


na ang mukha ay isa sa mga bahagi
Pagkumpas
ng katawan na nakapagpapahayag
ng maraming ekspresyon at
kahulugan.
Ekspresyon ng mukha • Ang mukha ay nagpapahiwatig ng
kaligayahan at saya, ng
kalungkutan, ng galit, ng takot at
Pagtingin (Occulesics)
maging kabiguan.
Anyo ng kinesika

• Mabisang gamitin ang mata sa


Tindig pagpapahayag. Kung paano tumitingin sa iba
ay nakapagpapahayag ng maraming
kahulugan. Ito ay maaaring makapagpakita
Pagkumpas
ng pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot
at maging pagkagusto.
• Ang pagtingin ay napakahalaga rin sa
Ekspresyon ng mukha pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung
paano maaaring tumugon sa kausap. Ayon
pa rin kina Hansa at Hans (2015), maaarin
Pagtingin (Occulesics) tayong makapag-usap sa pamamagitan ng
ating mga mata.
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon
• – tumutukoy sa distansiya sa pakikipag-usap.
Kinesika (Kinesics)
• Ito ang pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo,
Proksemika (Proxemics) isang katawagang binuo ng antropologong si Edward T.
Hall(1960). Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa
kinakausap.
Pandama o Paghawak (Haptics) • Sinsabing may kahulugan ang espasyong namamagitan sa
magkausap. Ang magkausap ay may iba’t ibang uri ng
proxemics distance na ginagamit sa iba’t ibang
Paralanguage pagkakataon.
• Ang distansiyang ito ay maaring magpahiwatis kung
anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa
Katahimikan o Kawalang-Kibo magkausap. Una, ang pag-uusap na intimate ay makikita
sa magkausap na may distansiyang 0 hanggang 1.5 feet.
Ikalawa, sinasabing personal ang pag-uusap kapag 1.5
Kapaligiran hanggang 4 feet ang pagitan. Ikatlo, kapag 4 hanggang 12
feet ang pagitan, uto ay sinasabing social distance. Ang
Bagay o (object language) ika-apat ay tinatawag na public kung saan ang pagitan ay
12 feet, karaniwang makikita sa mga nagtatalumpati.
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics) • Kadalasang nagsasaad ito ng positibong


Proksemika (Proxemics) emosyon o pakikiramay sa mga hindi
magandang karanasan.
Pandama o Paghawak (Haptics)
• Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o
Paralanguage pandama na naghahatid ng mensahe. Isang
anyo rin ito ng di-berbal na komunikasyon.
Katahimikan o Kawalang-Kibo
Ang pagtapik sa balikat, paghablot,
pagkamay, o pagpisil, ito ay mga paraan
Kapaligiran
upang mapabatid ang isang mensahe.
Bagay o (object language)
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon
• tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at
Kinesika (Kinesics) bilis ng pagsasalita.
Proksemika (Proxemics)
• Ito ang pagaaral ng mga lingguwistikong
Pandama o Paghawak (Haptics)
tunog na may kaugnayan sa pagsasalita,
kasama rito ang pagsutsot,
Paralanguage buntonghininga, at iba pang di-
linguwsitikong paraan upang maipahatid
Katahimikan o Kawalang-Kibo ang mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono,
lakas, bilis, o bagal ng pananalitang
Kapaligiran nagbibigay linaw sa verbal na
komunikasyon.
Bagay o (object language)
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics)

Proksemika (Proxemics) • lubhang makahulugan na


Pandama o Paghawak (Haptics)
karaniwang ginagawa upang
mag-isip at paghandaan ang
Paralanguage sasabihin, o dili kaya ay
Katahimikan o Kawalang-Kibo magparating ng tampo o sama
ng loob.
Kapaligiran

Bagay o (object language)


Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics)

Proksemika (Proxemics)
• tumutukoy sa pinagdarausan ng
Pandama o Paghawak (Haptics) pakikipag-usap at ng kaayusan
Paralanguage
nito.
• Mahihinuha ang intensiyon ng
Katahimikan o Kawalang-Kibo
kausap batay sa kung saang lugar
Kapaligiran niya nais na makipag-usap.
Bagay o (object language)
Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon
• Malimit itong tawaging material culture. Ito at
Kinesika (Kinesics) tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa
Proksemika (Proxemics)
mga bagay-bagay na nakikita sa paligid (na
tinatawag ding material artifacts). Karaniwan,
Pandama o Paghawak (Haptics) nauukol ito sa artitektura tulad ng disenyo ng mga
gamit, damit mga sasakyan at iba pa. ang
Paralanguage pagkakaayos ang mga kagamitan sa isang bahay o
opisina ay nagtataglay rin mensahe na
Katahimikan o Kawalang-Kibo nabibigyang kahulugan ng tunmitigin nito.
Kauganay nito, ang pananamit at uri ng pananamit
Kapaligiran ay ginagamitan din ng bilang isang paraan ng
pagsasaad ng mensahe tulad ng lahi, kalagayan
Bagay o (object language) antas, at uri ng pamumuhay at kalagayang
ekonomiko. Tulad
Bagay o Object language

Oras

Simbolo

Kulay
Bagay o Object language

Oras • Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng


umaga, tanghali, hapon takipsilim, gabi,
hatinggabi at madaling araw.
Simbolo • ang ibang kultural na kalagayan, ang mga
ito ay may kaugnayan sa trabaho at
pagpapahinga ngunit sa iba naman at
walang takdang oras ng pagtatrabaho at
Kulay pagpapahinga.
Bagay o Object language

Oras • Malinaw ang mga mensahe n ainihatid ng


mga simbolo. Makikita ang mga ito sa mga
pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba
Simbolo pa.
• Halimbawa:
• Ang mga simbolo ng no U-turn, no
Kulay smoking, at male/female sa mga palikuran
Bagay o Object language

Oras • Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito.


• Ang pagsusuot ng putting damit ng ikakasal na
babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit
Simbolo ay simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay
karaniwang ginagamit sa mga fastfood chain
sapagkat ito ang sumisimbolo ng kuay ng pagkain at
bukod pa rito ay nagdadala ito ng mainit na
Kulay pakiramdam katulad ng apoy.
SALOK-DUNONG
• TUKUYIN KUNG ANONG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON ANG IPINAHIHIWATIG NG
SUMUSUNOD. ISULAT ANG SAGOT SA NAKALAANG PATLANG BAGO ANG NUMERO.
__________1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol.
__________2. hindi pagtugon sa ipinadalang text message.
__________3. galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin
__________4. pasigaw na pananalita.
__________5. pagtabi sa kaibigan.
__________6. pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.
__________7. naghihingalong tinig.
__________8. pagpisil sa mukha ng kapatid
__________9. pag-iwas sa mga nag-iinuman.
__________10. pagtungo sa madilim na sulok ng silid.
SALOK-DUNONG
• TUKUYIN KUNG ANONG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON ANG IPINAHIHIWATIG NG
SUMUSUNOD. ISULAT ANG SAGOT SA NAKALAANG PATLANG BAGO ANG NUMERO.
__________11. ika:3:00 ng hapon
__________12. respeto: pagmamano sa magulong.
__________13. walang kahandaan: mga upuan at entabladong di –maayos
__________14. no U-turn sa gilid ng daan.
__________15. usapang intimate: paglapit ng lalake sa babae
__________16. stress: malalim na buntong hininga.
__________17. pagbati: pagkaway sa ibang tao.
__________18. takot: panginginig ng kamay at pagbilog ng mga mata.
__________19. pagluluksa: pagsusuot ng damit na kulay itim
__________20. paghawak ng kamay habang naglalakad ang magkasintahan.
Tukuyin ang kahulugang ipinahihiwatig ng mga kilos at ekspresyong makikita sa mga
ilustrasiyon sa ibaba. Matapos nito, bumuo ng isa hanggang dalawang pangungusap na
diyalogo na posibleng sinasabi ng tauhan habang isinasagawa ang mga kilos at ekspresiyon.

1 4
3

2 5
Uri ng komunikasyon ayon sa antas
1. INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
Pansarili
Ang tao’y may personal na paraan ng pakikipag-ugnaya sa sarili.
Siya ang tagapaghatid at tagapatanggap ng mesahe.
• Pagdarasal
• Pagpapasaya
• Pagtitimbang ng mga konsepto sa isip
• Mahina/maunawang pagbasa.
Uri ng komunikasyon ayon sa antas
2. INTERPERSONAL NA KOMUNIKASIYON
Dyad
Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao. May isang
tagapaghatid at isang tagatanggap ng mensahe.
• Pangungumpisal
• Panayam para sa trabaho
• Counseling
• pagsasarbey./pagsagot sa talatanungan
Uri ng komunikasyon ayon sa antas
2. Interpersonal na komunikasiyon
Komunikasyon sa pangkat o pangkatan
-nagkakaroon ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit
pang bilang ng mga taong may interaksiyon sa isa’t isa.
• Diskusyon sa round table
• Pagpupulong
Uri ng komunikasyon ayon sa antas
2. Interpersonal na komunikasiyon
Pampublikong komunikasyon
Ito’y isa o higit pa sa maraming tao. Ang isa o higit pa ay ang
naghahatid at ang tumatanggap ay ang pangkat ng taong nakikinig.
• Pagtatalumpati.- panel discussion
• Pagkukuwento - porum
• Deklamasyon - simposium
• Malakas na pagbasa
Uri ng komunikasyon ayon sa antas
2. Interpersonal na komunikasiyon
Pangmasang/pangmadlang komunikasyon
-marami ang kasangkot. Ang daluyan ng komunikasyon ay mga
elektronikong kagamitan.
-makikita ang antas na ito gamit ang iba’t ibang midyum tulad ng:
• Telebisyon
• Radyo
• Cellphone
• computer
Komunikasyong Filipino
Binanggit ni Maggay (2002) na ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang
komunidad na ang lahat ay nakikihalubilo sa isa’t isa at namumuhay
madalas nang sama-sama ay nagsisilbing pagkakataon upang ang linyang
humahati sa mga pribadong bagay at impormasyong publiko ay lumubo at
misan ay tuluyan nang naglaho.
Sinabi pa niya, nananatili ang lipunang pabigkas sa kabuoan, umiiral pa rin
ang matulaing istilo ng pananalita; mga kasang kapang panretorika gaya
ng mneionics, o iba pang pamamaraan ng paggugunita; mga pagdidiskurso
na nagpapahiatig ng madiing pagpapakahulugan sa matulain at
mabubulaklak n apgasasalaysay kaysa sa tahasan at hubad na paglalahad.
Sa konteksto ng ating kultura ipinahahayag ang ugnayn sa komunikasyon
sa pamamagitan ng mga sumusunod na nakagawiang pagpapahayag ng
mga Pilipino. narito ang talang inihanda ni Maggay (2002)
Paggamit ng tagapamagitan Pakiabot, pakisabi, pagbilin

Pagbubunyag ng tinatagong kalooban Ipinagtapat, ihinga, isiwalat, isambulat

Pagpapakita ng kagiliwan Pakitang-tao, pabalat-bunga

Pagtatampok ng sarili Bidahan, pabida, bida-bida, pabonggahan.

Pagtugon nang tuwiran Talastasan, batuhan, pagtalunan

Pagsisiwalat Ilantad, ipagwagwagan, tsismis

Pagtitipon, Kaumustahan, beso, beso, tsikahan

Paghahayag ng balita Ipagbigay-alam, ibalita, ipahatid

Paghahayag sa panitikan Bugtungan, balagtasan, batutian.


Sa pagpapalawak ng karanasang Pilipino sa berbal at di berbal na komunikasyon,
narito ang tala ng paggamit ng mga bahagi ng katawan na tiyak na nagpapalutang ng
katangiang Pilipino.

BAHAGI NG PAHAYAG NA KARGADO NG PAHIWATIG


KATAWAN AT
PAGGALAW NITO
BUHOK Maputi na ang buhok, humahaba ba ang buhok, tatlong
puyo, kalbo
NOO Malapad ang noo, paliparan, taas noo, kunot ang noo.
KILAY Tinaasan ng kilay, salubong ang kilay
MATA Tumirik ang mata, namalikmata, pinandilatan, kinindatan,
pinaningkitan, titigan, irapan, tingin, mababa ang tingin,
mataas ang tingin sa sarili, pikit mata.
TAINGA Humahaba ang tainga, maliit ang tainga.

ILONG Humahabang ilong, pango, pawising ilong


BIBIG Makating bibig, matalas ang bibig, bibig ng bayan, maduming
bibig, itikom ang bibig
LABI Kagat-labi, naglalaway, inginunguso

DILA Nadulas ang dila, maikli ang dila, umatras ang dila
NGIPIN Nagtitiim ng bangang at ipin

NGITI Ngiting aso, ngiting pilit, ngiting abot-tainga


TAWA Bungisngis, hagikhik, hagalpak, halakhak
MUKHA Mukhang maaasim, maamong mukha, mukhang kontrabida,
matigas ang mukha.
ULO Pag-iling, pagtango, taas noo, paulit-ulit na pagtango,
paglagay ng hintuturo sa sentido.
BALIKAT Pagkikibit-balikat, pagdantay sa balikat, pagtapik sa balikat.
KAMAY Paninisi, pagtawag, paglaban, pagpapasya, pagsag-ayon,
pagatanggi, pagpapahinto, paghingi, pagpapaubaya,
paglalahad ng kawalan, paglalahad ng pagkamayroon, dami at
bilang, pagsusumamo, pag-asam, paghiling, pagharang,
pamamaalam, pagkapanalo, pagkuha ng atensyon,
pamamaywang, pagkamot sa ulo, pagkakaunawaan,
pagsasama at pakikiisa, pag-akbay, pagpapalakas ng loon at
pagpuri.
BAYWANG HANGGANG Upong osto, upong de-kuwatro,
HITA upong pambahay.
BINTI HANGGANG PAA Pakuyakuyakoy, pagpadyak,
pagdabog, pasuray-
Suray ng lakad, lakad-prusisyon,
lakad-pagong, hinahabol ng
kabayo.
KONTEKSTONG MULTIKULTURAL
PAST TALK. Tayain natin ang iyong estado bilang communicator. Sagutin mo lamang ito
nang ganito: “ako yan. (AI) “hindi ako yan” (HAI).
1. Handa akong makipag-uganayan sa katulad ng aking pinananampalatayanan.
2. Ikinatutuwa ko ang pakikipag-usap sa katulad kog kasarian.
3. Ako ay higit na malakas ang loob na nakikipag-usap sa mga kabilang sa pangkat-
etniko.
4. Superuoy ang kinabibilangan kong pangkat kaya higit akong nakikipag-ugnayan
lamang sa katulad ko.
5. May malaki akong paghanga sa mga tuntunin sa pakikipag-ugnayan ng iba –ibang
pangkat-kultural
1. Handa akong magsimula ng diskusyon sa sinumang kabiang
sa ibang pangkat-etniko.
2. Kaya Kong sabihin ang hindi pagkaunawa sa kilos ng aking
kapuwa na nakakaapekto sa pagpapakahulugan ng kaniyang
mensahe.
3. Isinasaalang-alang-alang ko ang kakailanganin ng anumang
pangkat sa multicultural na lipunan.
4. Niyayakap ko ang kaibahan ng pananaw ng bawat isa.
5. Mas magaan ang pakirandam sa pakikipag-ugnayan sa
katulad na kinabiblangang pangkat-kultural.
KONTEKSTONG MULTIKULTURAL
Ang nailahad mong tugon ay hinggil sa mga inilhad sa mga katanungan ay panimulang
pagtataya sa iyong kahandaan at maaaring practice sa isang multicultural na konteksto
ng komunikasyon.
Mulat ito sa ugat na kultura na nangangahulugang Sistema ng mga kaalaman,
paniniwala, halagahan at kaugalian na nakukuha, pinagsasaluhan at ginagamit ng mga
kabilang sa pangkat-kultural sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Pinangunahan ito ng
panlaping multi- upang kilalanin ang kaeamihan
Ang kontekstong multikultural ay mahalagang isaalang-alang sa panahong pinaigting ng
globalisasyon ang teknolohiya bilang medium ng komunikasyon. Lalo itong nagbubukas
ng pagkakataon para sa tintawag na interkultural na komunikasyon. Pinagsasaluhan sa
terminong ito ang intekasyon ng iba’t ibang kultura sa pamamagitan ng iba-iba ring anyo
ng ugnayan.
• INTERRACIAL COMMUNICATION
• Ito ay paglalarawan at pagbabahagihan ng kahulugan sa mga kabilng sa iba-ibang lahi.
• Mula sa dating pagtukoy ng salitang lahi, kinikilala ang pakikipag-ugnayan sa iba-ibang
may pisikal na katangian (kulay ng balat, hugis ng mata, kulay ng buhok)
• INTERETHNIC COMMUNICATION
• Ito ay ugnayan sa mga kabiang sa iba-iang pangkat-etniko kahit pa may magkakatulad
na lahi.
• INTERNATIONAL COMMUNICATION
• Pakikipagtalastasan ito sa pagitan ng mga indibidwal n akumakatawan sa iba’t ibang
bayan.
• INTRACULTURAL COMMUNICATION
• Nangyayaring ugnayan sa pagitan ng magkatulad n alahi, kinabibilangang pangkat-
etniko at bayan
• Isinasaalang-alang dito ang mga mga sumusunod:
• PERSEPSYON
• Kinikilala ng communicator ang pagtingin sa mundo, Sistema ng paniniwala, halagahan
at kaugalian at institusyong panlipunana na kabilang sa proseso ng kominikasyon.
• Isinasaalang-alang niya ang namamayaning kaayusan at kalakaran ng pakikipag-
ugnayan sa iba upang maiangkop ang kilos at sasabihin.
• BERBAL NA PROSESO
• Kargado ang elementong ito ng kakayahang makipag-ugnayan ng communicator gamit
ang wika at kasanayan at pag-iisip sa iba-ibang pagpapakahulugan.
• DI BERBAL NA PROSESO
• Nakatuon ito sa pagkilos sa loob ng komunikasyon na kaugnay ng konsepto sa oras,
espasyo at mosyon ng mga bahagi ng katawan. Ito ay magkakaiba sa multicultural na
konteskto.
• Multiculturalist ang turing sa sinumamng may
paggalang sa kapuwa na kabilang sa iba-ibang
kultura. Kinikilala niya ang tinatawag na cultural
differences.
• Sa layon na maabot ang layuning multicultural na
konteksto ng komunikasyon, palakasin ang iyong
pagsasalang-alang sa iba-ibang kultura, tungo sa
komunikasyong local at global, para sa lipunang
global.
Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na Dito sa amin
komunikasyon konteksto (pagkakatulad
o pagkakaiba)
Tongans Nakaupo upang kilalanin ang pagdating ng
mga may matataas na tungkulin
Asyano Nakalahad ang dalawang kamay sa
pagbibigay at pagtanggap ng anumang
bagay.
Amerikano at Nakatingin mismo sa taong kinakausap ang
iba pang nagsasalita
kanluraning
lipuan
turkish Hudyat ng kawalang paggalang ang
paglalagay ng kamay sa bulsa.
Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na konteksto Dito sa amin
komunikasyon (pagkakatulad o
pagkakaiba)

Ethiopian Ang paglalagay ng apat na daliri sa tapat ng bibig ay


hudyat ng pagpapatahimik
African American Mas buhay at mas maraming paggalaw sa
pakikipagkomunikasyon

Amerikano Angkop ang pakikipag-usap sa katapat kaysa katabi.


Mabulis ang pagkilos na parang lagging may
hinahabol sa panahon.

Hapon at Hindi lantad ang pagpapakita ng damdamin


Amerikano
(lalaki)
Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na konteksto Dito sa amin
komunikasyon (pagkakatulad o
pagkakaiba)
Hapon Ang matagal na pagtigin sa kausap ay kawalan ng
respeto.
May kahandaan sa matagalang pag-uusap.
Koreano Kawalang ng paggalang ang direktang pagtingin
lalo na sa hindi kapantay ang estado.
Paghawak ng nakababata sa balikat ng
nakakatanda ay hindi maaari.
Mataas ang pagpagpapahalaga sa sinumang
nakaupo sa kanan.
Mexicano May pagyakap bilang pagbati
Burmese at Ang pag-amoy ng kapuwa pisngi ay
Mongols pangungumusta.
Kasangkot sa Komunikasyon sa Multikultural na Dito sa amin (pagkakatulad
komunikasyon konteksto o pagkakaiba)
Arabo • Ang pagtingin nang direkta at matagal na
pagkakataon ay pagpapakita ng interes.
Nakakatulong ito sa kanila na mataya ang
pagiging totoo sa salita ng kausap.
• Kalakasan at sinseridad ang kinakatawan ng
malakas na tinig sa pagsasalita.
• Karaniwan ang malapitang usapan.
• Ang mga asawang babae ay naglalakad kasunod
mula sa likuran ng lalaki(para sa mga Sudanese
Arab)
Sa Central Africa Ang pagtuturo (gamit ang hintuturo) ay hindi kaaya-
aya.
Muslim -Ginagamit ang kanang kamay sa pagkain at iba
pang Gawain, ang kaliwang kamay ay para sa
Gawain sa palikuran.
-ang balikat ay gamit sa pagkayap bilang
pagkatawan sa kapatiran.
Mga ekspresyong lokal
Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na oagpapahayg tulad ng
paggamit ng mga salawikan, kasabihan, talinghaga at bulong. Ang mga ito
ay may mga uri ng pagpapahayag na ginagamit para para sa iba’t ibang
layunin tulad ng pangangaral, pagbibigay ng paalala, pagbabala,
paghahangad at pagpapaliwanag ng damdamin at kaisipan. Mga tao sa
lipunan, ang gumagamit ng ganitong uri ng pagpapahayag. Nabubuo at
umuunlad ang kultura sanhi ng pakikisalamuha ng tao sa kaniyang lipunan.
Kaugnay nito, dahil iba-iba ang mga taong nakakasalamuha sa lipunan,
nahuhubog ang iba-ibang ugaliin, paniniwala, gawi at kabilang na rin ang
pagkakaiba ng mga ekspresyon.
Mga ekspresyong lokal
Tayo ay gumagamit ng mga ekpresyon na tangi sa lugar na kinalakhan. Iba-
iba ang ekpresyon ito ayon sa lugar na kinabibilangang pangkat ng
tagapagsalita. Halimbwa: ang mga ilokano ay gumagamit ng palasak na
ekspresyon tulad ng “wen manong” o kaya ay “Win, Mang”. Sa ibang lugar
sa sa ilokos, ang wen o win ay binibigkas na wen. Ang mga ekpresyon ito ay
katumbas ng “Opo, kuya” at “Opo, ate” na nagpapahiwatig ng paggalang
sa nakakatandang kapatid at/o kaya ay bilang pagrespeto sa mga kakilala.
Samantala, may mga ekspresyon tulad ng “Ating”, “Ire” o “Nire”
(Cabanatuan), “Ala, eh” (Batangas), “Sus, Ginoo”, “Alla naman” (Bataan) na
bukod-tangi rin sa nabanggit na lugar.
Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawaing pangkomunikasyon ng mga
Filipino at nag-iiba dahil sa heograpiya o lokasyon ng tagapagsalit. Ito ang
dahilan kung bakit may varyasyon. Ang paggamit ng wika.
Halibawa:
Tagalog: bumagon ka na, mataas na ang sikat ng araw.
(nangangahulugang tanghali na kaya dapat bumangon na sa
pagkakahiga at magtrabaho na)
Ilokano bumtak ti sara’t naungin ( o sa iba ay nuangen). Sa literal na
kahulugan ay pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag
sinabi ang bumatak ti sara’t nauangin (naungen) ay
ipinakakahulugan na tanghali na at mataas na ang sikat ng araw
kaya bumangon na at magtrabaho na.
Sa ibang tagapagalita, ipnapahayag ito katulad ng “Tindig
araw na’y di pa luto” na ang kahulugan ay tulad din ng sa
iloko at sa Tagalog.

May mga ekspresyong local na karaniwan sa mga


tagapagsalitang Filipino. Nahahati ito sa tatlong pagkat.
Ang una ay ang mga katutubong ekpresyon, ang ikalawa
ay ang mga ekpresyong makabago at ang ikatlo ay ang
ekspresyong milenyal.
Narito ang ilang halimbawa:
Katutubong Ekspresyon
1. Jeproks 6. iniputan sa ulo
2. Para kang sirang plaka 7. Bugtong na anak
3. Kopong-kopong 8. Topo-topo
4. Naniningalang-pugad9. Makunat pa sa belekoy
5. Giyera patani 10. May pileges sa noo
Narito ang ilang halimbawa:
1. Anak ng….! 7. Ikako
2. Diyaske 8. Mucho dinero
3. Susmaryosep 9. Totoy o Nene
4. Bahala na o kaya ay sige lang 10. Lutong Macau
5. Ganun?
6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!
Narito ang ilang halimbawa:
1. Humuhugot 8. Eh di wow!
2. Ansabe 9. Petmalu
3. Havey 10. Pak!
4. Werpa
5. Ligwak
6. Lodi
7. Ginigigil mo ako
•Pasagutan ang
pagsasanay
Ang mga sumusunod ay listahan ng mga ekspresyon katutubo at makabago. Isulat ang
kahulugan ng mga eksresyon.
1. Mabilis pa sa alas-kuwatro 11. pasharks 21. salt
2. Promdi 12. Mars 22. astig
3. Praning 13. Maningalang-pugad 23. itaga sa bato
4. Pate 14. walang-katorya-torya24. bokya na naman
5. Buhay alamang 15. nagdilang anghel. 25. ganern
6. Amboy 16. ilista sa tubig 26. KKB tayo
7. Babaing taratitat 17. kulelat 27. putok sa buhok
8. tulak ng bibig, kabig ng dibdib 18. atat na atat 28. magbatak ng buto
9. Utoy 19. utang na loob 29. kumukulo ang dugo
10. Amoy lupa 20. matigas ang ulo. 30. saling pusa
• Pagsulat ng sosyo-kultural na papel

• Sumulat ng sosyo-kultural na papel hinggil sa


gampanin ng Wikang Filipino sa pananatili at
pagpapahalaga sa kulturang Filipino.
• Ang sosyo-kultural na papel ay nilalaman ng
Limang talata
• Takdang aralin

• Magsaliksik ng labing limang iba’t ibang


ekspresyon. Isulat ang kahulugan at
saang sitwasyon ito ginagamit sa
lipunan.

You might also like