You are on page 1of 14

Modyul 1

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob
sa mga karunungang-bayan sa mga pangyayari sa
tunay na buhay sa kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Nakikilala ang mga karunungang-bayan at ang mga kahulugan nito;
2. Naiuugnay ang karunungang bayan sa iyong sariling karanasan; at
3. Napahahalagahan at naisasabalikat ang pananagutan sa paggamit at
pagpapanatili ng mga karunungang-bayan.
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING
ANG MGA ESPANYOL
Sinasabing may mayaman ng panitikan ang ating mga
ninuno bago pa man dumating ang mga Espanyol, na
sumasalamin sa nakagisnan, kalinangan at kultura ng lahing
Pilipino. Napapabilang dito ang Karunungang-Bayan
(salawikain, sawikain/kawikaan, bugtong, palaisipan).
KARUNUNGANG-BAYAN – ito ay tinatawag
ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga
salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at bulong. Karaniwang nagmula sa
mga tagalog at hinango sa mahahalagang tula.
A. Salawikain – nakaugaliang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno na
may layuning mangaral at akayin ang kabataan patungo sa kabutihang-asal. Karaniwang patalinghaga ang
salawikain na may kahulugang nakatago. Ito ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap
pakinggan kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
Ngipin sa ngipin Mata sa mata
Kahulugan: ito ay hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang kaparusahan ay naaangkop sa iyong krimen.
Kung ano ang hindi mo gusto, Huwag gawin sa iba Kung ano ang iyong inutang Ay siya ring kabayaran
Kahulugan: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang mga tao, mauna ka na magpakita ng
respeto at magandang asal at tiyak na susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.
Ang tumatakbo ng matulin Pag masusugat ay malalim
Kahulugan: matutong pagisipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong desisyon.
 B. Sawikain o Idyoma – salita o pahayag na nagtataglay ng
talinghaga. Hindi tiyak ang kahulugang ibinigay nito dahil may
natatago pa itong kahulugan patungkol sa iba’t-ibang bagay. Ito rin
ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas
na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o
patambis samakatuwid, ay masasabing mga salitang eupemistiko,
patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang
paraan ng pagpapahayag.
Mga Halimbawa:
1. parang natuka ng ahas- natulala
2. malayo sa bituka- hindi malubha
3. Bagong tao – Binata
4. itaga mo sa bato- pakatandaan
5. mahaba ang kamay- magnanakaw
C. Kasabihan – tugmang sinasambit ng mga bata at
matatanda na katumbas ng Mother Goose Rhymes sa
Ingles. Ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos
ng isang tao. Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa
dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga.
Payak ang kahulugan. Ang kilos, ugali, at gawi ng
isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Mga Halimbawa:
 "Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan" ay nangangahulugan na ang sinuman na hindi marunong tumanaw ng utang
na loob at magbigay ng pasasalamat sa mga taong nakatulong sa kanya sa maliit o
malaking bagay man ay hindi kailanman magiging matagumpay sa buhay.
 "Kapag may isinuksok, may madudukot" ay nangangahulugan na ang taong marunong
mag impok at magtipid ay tiyak na may magagamit na salapi sa oras ng kanyang
pangangailangan. Hindi na niya kakailanganin pang mangutang o manghingi ng tulong sa
ibang tao.
 Ang ibig sabihin ng "ang taong nagigipit sa patalim kumakapit" ay ang mga taong
dumaranas ng kagipitan ay kadalasang gumagawa ng desisyon na hindi naayon sa batas
ng moralidad tulad ng pagnanakaw, pandaraya, at pangungutang.
D. Bugtong – ito’y pahulaan, o patuturan ng
isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang
palaisipan.
Mga Halimbawa:
1. Bumili ako ng alipin, Mataas pa sa akin. sagot: sombrero
2. Isda ko sa Mariveles, Nasa lobb ang kaliskis. sagot: sili
3. Hinila ko ang baging, Nagkakara ang matsing sagot: kampana
4. Mataas kung nakaupo, Mababa kung nakatayo sagot: aso
5. Nagbibigay na’y sinasakal pa sagot: bote
Bilang pagtatapos

Magbigay ng halimbawa ng kahit


anong karunungang bayan na ating
pinag-aralan.
Repleksiyon

Paano ninyo maisasabuhay ang


mga natutunan ninyo sa ating
aralin?

You might also like