You are on page 1of 10

FILIPINO 8

MGA KARUNUNGANG
BAYAN
KARUNUNGANG-BAYAN Panimula (Susing Konsepto)
Alam mo ba, na bawat isa sa atin ay bahagi na ng nakaraan. Dahil
sa mga sinaunang ninuno natin, nararanasan ang magandang
buhay sa kasalukuyan. Sila ang repleksiyon ng kinagisnang
kultura, sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipag-ugnayan
sa kapwa. Kaya, lumaganap noong Panahon ng Katutubo ang
karunungang-bayan (salawikain, sawikain, bugtong at kasabihan).
Napakalaki ang impluwensiya ng panitikan sa buhay ng bawat
Filipino na unti-unting bumuo sa ating pagkatao. Simulan nating
buksan ang baul ng ating nakaraan. Handa ka na bang palawakin
ang iyong kaalaman hinggil sa ating pinagmulan? Halika,
umpisahan na nating tuklasin.
KARUNUNGANG-BAYAN -(KA+DUNONG+NG-
BAYAN)

-tumutukoy sa salawikain, sawikain, kasabihan, alamat at iba


pang anyo ng katutubong katutubong panitikan na
mapaghahanguan ng sinaunang paniniwala at halagahan.
(bagay na mahalaga sa buhay).
Salawikain ay matalinghagang pahayag na ginagamit ng
matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin
ang kabataan tungo sa kabutihan at kagandahang asal.
Halimbawa: 1.Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw
pagdating ng takdang panahon. 2.Kung hindi ukol, hindi
bubukol.
Sawikain ay salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga at
mayroong nakatagong kahulugan; tinatawag din itong idyoma o
eupemistikong pahayag.
Halimbawa: 1. Malawak ang isip - maraming nalalaman
2. Mapurol ang utak - mahina ang pag-intindi
Bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
Binibigkas nang patula at nagpapatalas sa isip ng ating
mga ninuno noon. Ito ay nangangailangan ng tiyak na
kasagutan.
Halimbawa: 1. Limang puno ng niyog, isa’y matayog.
Sagot: daliri
2. Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing.
Sagot: kampana
Kasabihan ay mga pahayag hinggil sa paniniwala na may
kaugnayan sa mga pangyayari sa buhay ng tao na dapat
tanggapin o iwasan.Ito ay payak dahil di nagtataglay ng
talinghaga. Maaaring parirala o pangungusap, na karaniwang
sinasambit sa ngayon o nakaugaliang sabihin ng mga tao sa
isang pook ng isang kapanahunan. (E.G Angeles at N.V
Matienzo)
Halimbawa: 1.Kasama sa gayak, di kasama sa lakad. 2.Ubos-
ubos biyaya, bukas nakatunganga 3. Utos na sa pusa, utos pa sa
daga.
Panuto : Tukuyin at ibigay ang mga katangian ng mga karunungang-bayan
batay sa binasang aralin. Isulat ang sagot sa pyramid diagram
MARAMING SALAMAT!

You might also like