You are on page 1of 11

MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1

KASAYSAYAN

Sa dahon ng kasaysayan ay madudulang pinag-ugatang katunungan ng mga tao


noong unang panahon. Ang kalawakan ng papawirin, ang kagandahan ng paligid, ang
mapangaraping guniguni at ang damdaming namimiyapis sa bawat makata ay para-parang
bagay na nakatawag pansin sa kanila para lagumin ang kagandaha’t kariktan ng mga
bagay na ito. Sa katotohanang iyan ay siyang tanging kayamanan ng makata ay nagawa
niyang buuin ang isang panginorin at lumikha ng sarili niyang sagimsim. Dahil dito,
nagsimula siyang kumatha-katha, bumigkas-bigkas at humabi-habi ng mga salita’t
pariralang may tono, sintunog o tugma, may dalit at indayog, may lundo at aliw-iw na
sukat na makaaliw sa pandinig ng balanang sa kanya’y nakaririnig. Sa kaubud-uburan ng
mapangaraping guniguni at mayaman niyang diwa ay nagawa niyang magtala ng mga
kaisipan na ang tanging kadluan niya ay kalikasan, ang dagat, ang hangin, ang ulan, ang
kaparangan, ang mga bangin at ang luntiang dahon na nasa kanyang paligid. Malayang
naaabot ng kanyang mga mata, nadarama ngunit hindi mailagay sa mga palad para salatin
datapwat naroon ang diwa at kahulugan. Ang pagiging makata ay taal sa tao. Ito ay nag-
uugat sa isang pambihirang kahiwagaan na dili iba’t sila lamang ang nakatatarok. Ang

1|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
kapangyarihan ng sining na ito ay sadyang ang damdamin lamang ang
siyang nakadarama at makapagpapaliwanag.

Paksa 1: Panulaan Bago Dumating ang mga Kastila

Alinsunod sa kasaysayan, ang panulaan ay nag-ugat at sumibol sa kamalayan ng


ating mga ninuno noong panahong hindi pa man nakadaraong ang mga barko ng mga
Kastila sa ating lupain. Maipalalagay na ang panulaan ay kasabay na sumilang sa
kapuluan ng mamalasak ang panitikang salindila o bukambibig na sinasabing matandang
panitikang Pilipino o ang katutubong panitikan. Dito nakilala ang bugtong, talinghaga,
palaisipan at iba pa na sa dahilan ngang taglay ng mga ito ay sintunog o tugma ay
maipapalalagay na unang anyo ng tulang Tagalog. Ang mga tulang ito ay maipapalagay
na bahagi ng poklor na ipinahahayag ng tao sa kanyang kapwa sa paraang pasalita na
binibigkas nang malinaw, maharaya at naaayon sa kinakailangang diin at taginting na
nakaaaliw sa pandinig.

Ang Bugtong

Ayon kay Abadilla, “Ang ating mga


ninuno ay humahabi sa simula ng isa o
dalawang taludtod o maikli, na may sukat
at tugma; bugtong ang nayari-may sariling
katuturan. Tanong na may kasagutan at
siya ring tumanong ang sumagot.”
Ang isang mabuting bugtong ay may
apat na katangian-tugma, sukat,
kagandahan at diwa. Ayon naman kay
Panganiban, “Ang bugtong ay libangang
sagutan na ibinibilang sa unang drama.
Ito’y lumaganap sa buong kapuluan at nagpapahayag ng mga hilig ng damdamin at
kaisipan gayundin ng yaman ng haraya ng bawat barangay o liping kinabibilangan nito.
Ang pantig ng berso ng bugtong ay maaaring apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu,
labing-isa at labindalawa.”

Halimbawa: Maliit pa si kumare, nakakaakyat na sa tore. -Gagamba

Ang Talinghaga
2|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus
Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
Sapagkat ang mga naunang ninuno ay mapanlikha, ang kanilang mapangaraping
guniguni ay namihasa na sa pagbuo ng mga salita’t pariralang matatalinhaga. Ang
talinhaga ayon sa ulat ni Manuel (1976) ayon kina Noceda at Sancular ay “misterio,
metapora” na kung isasalin sa tagalog ay kahiwagaan at katalinhagaan ay kakabit ng
kahulugan.” (Devesa at Guamen, 1979)

Halimbawa: Ubos-ubos biyaya, bukas naman ay tunganga

Ang Palaisipan

Ayon kina Sauco, et al., (1978) “ang


palaisipan ay nakapupukaw at nakahahasa
ng isipan ng tao. Katulad ng bugtong, ito’y
nangangailangan din ng talas ng isip.”
Ayon naman kina Jose Villa
Panganiban, et al.,(1992) “ang palaisipan
ay may lamang tuusing pang-aritmetika o
suliraning pangkabuhayan.”

Halimbawa: Ako ay may dalawang


kalabaw na nanganak ng tig-isa. Pagka
isang tao’y nanganak ulit ng tig-isa. Ilan
ngayon ang kalabaw ko?

Ang Salawikain
Ang mga salawikain, proverbs o
sayings ay mga salitang sumasalamin sa
mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino.
Ito ay maaari ring tawaging mga katuruan o
pilosopiya sa Pilipinas. Maaari ring mga
katutubong karunungan. Kalimitan ay
ginagamitan ito ng retorika para mas
kaaya-ayang pakinggan o basahin ang mga
ito.

Halimbawa: Aanhin mmo pa ang damo ung


patay na ang kabayo.

Ang Panunudyo

Ang panunudyo ay kasalamin ng


karunungan ng tao na ginagamit ng

3|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
matatanda sa panunukso sa bata at ng bata sa kanilang kapwa bata sa
panahon ng kanilang paglalaro na kadalasa’y humahantong sa pag-aaway ng mga paslit.

Halimbawa: Ang may patong sa ulo/ikakasal sa linggo/kapag inalis/ikakasal naman sa


lunes.

Ang Bulong

Ang bulong ay karaniwang


ginagamt sa kulam na gawa ng tao o likha
ng anumang gawa ng lamang-lupa. Maaari
rin itong gamiting pangkontra sa mga
nasabing kulam at likha ng mga nuno sa
punso kung ang tao o bata ay kanilang
napagkakatuwaan.

Halimbawa: Tabi po nuno, tabi po,


ilag/Hindi ko po kayo nakikita/Tabi po
nuno, tabi po, ilag/Makikiraan lamang po.

Ang Kawikaan

Ang kawikaan ay maipagkakamali


ring kasabihan. Ito ay tinatawag na sayings
sa Ingles na ang kahulugan ay batay sa
pinaniniwalaan ng matatanda. Maaari rin
ito’y batay sa pagkakataong nagaganap sa
araw-araw.

Halimbawa: Kung anong puno, siyang


bunga.
Paksa 2: Panulaan sa Panahon ng mga Kastila

Sinabi nina Angeles, Matienzo at Panganiban (1992) na bago pa man dumating sa


Pilipinas ang mga Kastila, ang ating mga ninuno ay marunong ng bumasa at sumulat,
ngunit ng pumasok ang abecedario ng mga Kastila ay halos biglang naging mangmang

4|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
ang mga Katutubong Pilipino. Gayunpaman, ang likas ng mga matatandang
uri ng panitikan ay nanantili paring buhay sa mga labi ng mamamayang Pilipino, kaya
upang mapaunlad ng mga Kastila at mapalaganap ang pananampalatayang Katoliko
Apostolika Romano ay unti-unti nilang pinag-aralan ang tula ng ating mga ninuno sa lahat
ng pagkakataon at sa lahat ng pangyayari. Mapapansin na iba sa bigkas nila ang bigkas ng
mga Tagalog. Nanatili ang kanilang gawi at kinamulatang paraan ng pagbigkas dahil iyon
ang kinasanayan ng kanilang dila. Hindi naglaon ay namalasak ang haluang Kastila-
Tagalog sa mga panulaan, at ito ang ipinalalagay na unang uri ng tula nang panahong
yaon. Ang sumulat nito ay kilala sa tawag na Ladino-nakababatid ng dalawang wika. Ang
ganitong uri ng tula ang hinangaan ng marami.

 Si Bagong Banta (1946) ay nakisama sa daloy na ito kung kayat kanyang sinulat ang:
Salamat na walang hanga Que desterno las tinieblas
Gracias se den sempiternas Sa lahat ng bayan natin
Nanagpasilong ng tala De toda nuestra tierra
At que hizon saler la estrella
 Isa pang kayarian ng tula ang mapapansin sa ibaba ng haluang Tagalog-Kastila rin na
sinulat ni Franisco Balagtas Baltazar noong 1860. narito ang taludtod mula sa “La
India Elegante y el Negrito Amante.”
a ver, kung siya’y suminta
Ngayong ako’y de levita
Pagkat ang aking “echura”
Kastila’t di na Ita.

 Ang mga kayariaang ito ng mga tulang haluang Kastila-Tagalog ay naging


pangunahin sa mga unang panahon ng pananahan ng mga Kastila sa kapuluan, ngunit
hindi nagtagal at nagkaroon din ng mga maipapalagay na tunay na tula at ito’y unang
sinimulan ni Phelipe de Jesus.

Ang Korido at Awit

Ang korido at awit ay mga patulang


salayasay na paawit kung sabihin. Taglay
nito ang mga paksang may pagkamaginoo
at pakikipagsapalaran ng mga tauhan tulad
ng hari, prinsipe, duke, reyna, prinsesa.
(Rivera, 1982).
Ang unang kinabakasan ng pagkabisa
ng awit sa paglaganap ng relehiyon ay ang
Talindao. Ang Talindao ay isang berso na
inaawit ng isang namumuno ng isang
seremonya. Ang Pabinian ay ang paawit na
sagot ng isang pangkat at dinarasal ng
namumuno.
Ayon kay de Tavera, ang salitang “kurido” ay galing sa Kastilang “occurido” na
nangangahulugang kasalukuyang pangyayari na sa Mehikano ay “Corrido”. (Casanova,
Ruben, et al., 2001).

5|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
Sa Pilipinas ang kurido ay mga tulang pasalaysay na may sukat na
walong bilang ng pantig sa bawat taludtod, karaniwang mahaba at may mahusay na
banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. Ito ay may himig na mapanglaw sa paksang
Europeo na dala rito ng Kastila. (panganiban, et al., Binagong Edisyon 1995)

.Halimbawa ng Korido
 Ibong Adarna  Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz
 Don Juan Tiňoso  Rodrigo de Villas ni Jose dela Cruz
 Mariang Kalabasa  Prinsipe Florencio ni Ananias Zorilla
 Ang Haring Patay  Mariang Alimang

Halimbawa ng Awit:
 Florante at Laura ni Franisco Balagtas
 Buhay ni Segismundo ni Eulogio juan de Tandiona
 Doe Pares ng Kaharian ng Francia ni Jose dela Cruz
 Salita at Buhay ni Mariang Alimango
 Prinsipe Igmedio at Prinsesa Clariana
 Siete Infantes de Lara

Ang Pasyon

Ang pasyon ay patulang salaysay


ukol sa buhay , paghihirap at
pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.
Kinapapalooban din ito ng ilang
kasaysayang hango sa Banal na Kasulatan
na buong kataimtimang inaawit sa
panahon ng kwaresma. Maraming
kinilalang manunulat ang nag sisulat ng
Pasyon ngunit ayon sa mga kritiko ang

6|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
pinakamahusay na bersyon ay ang isinagawa ni Aniceto del Merced dahil
ito ay umaakma sa may pinakamahusay na pamantayang pampanitikan.

Ang Karagatan

Ang karagatan ay isa sa uri ng ating


panitikan kabilang siya sa dulang
panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino
noong panahon ng mga Kastila. Ayon kay
Jose Villa Panganiban (1992), ang
karagatan ay isang larong may paligsahan
ng tula. Ito ay batay sa alamat ng isang
dalaga na nahulog ang singsing sa dagat
sa hangaring makapili ng mapapangasawa.

Ang Duplo

 Sa Kastila ang “duplo” ay


nangangahulugang Doble o Ibayo.
 Ito ay isang tulang ginagamit ang talas
ng pagiisip sapagkat ito ay larong
paligsahan sa pagtula.
 Ang mga lalake sa larong ito ay
tinatawag na duplero samantalang ang
mga babae naman ay duplera.
 At kapag naglalaro na ay tinatawag
silang bilyako at bilyaka.
 Ang tsinelas o palmatorya naman ang
ginagamit ng hari na pamalo sa palad
ng natalo bilang parusa.
 Maari ring parusa sa natalo ang pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa
ng isang namatay.
 Ang paksa sa larong ito ay patungkol sa nawawalang loro ng isang hari o di naman
kaya ay magsusumbong ang isang bilyako sapagkat siya ay hinamak ng isang bilyaka.
 Ito rin ay ginaganap sa bakuran ng isang tahanan at dinaluhan ng mga tauhan.
 Ito rin ay nagpapatalas ng kaispan dahil ang pagmamatuwid ay daglian.

Paksa 3: Panulaan sa Panahon ng mga Amerikano

7|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
Ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanlaban. Ang bunga ng
panitik ay naglalarawan ng mga damdaming makabayan. Ang mga akda ay binalot ng
mga paksang ukol sa pag-ibig at pagmamahal sa bayan, pangarap sa kasarinlan at pagtutol
sa kolonyalismo. Dito nagsimulang lumaganap ang romantisismo. Ang mga akda ay
naging emosyonal, sentimental at may pansariling kamalayan ng katutubong kulturang
Pilipino.

Unang Makatang Tagalog

1. Francisco Balagtas
 Sa panulaan, naging maningning
ang pangalan ni Franiso Balagtas
dahil sa kanyang akdang awit na
Forante at Laura. Siya ang
kinilalang “Hari ng Panulaang
Tagalog”, “makatang liriko,
dramatiko at humuristiko.”
2. Jose de la Cruz
 Sa pangalang Huseng Sisiw ay
lalong kinilala si Jose de la Cruz.
Siya ay kilala bilang Hari at makata ng buong katagaluan. Tinawag siyang Huseng
Sisiw dahil kinaugalian niyang huminge ng sisiw sa sinumang humihingi sa kanya
ng pabor o tulong tuladd ng pagpapasulat ng tula.
Mga akdang Korido: Historia famosa, Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia,
Rodrigo de Villas, Ibong Adarna.
3. Lope K. Santos
 Si Lope K. Santos ay kinilala rin sa panahong ito ng panitikan. Naging dakila siya
ng kanyang tulang “Ang Panggingera”. nakilala rin siya sa estilong maluwag,
mahimig sa aklat na may pamagat na “Puso’t Diwa” at kinilala rin siya sa akdang
“Banaag at Sikat,” isang akdang tuluyan at nobelang ipinapalagay na kanyang
Obra Maestra. Bukod sa kanyang pagiging makata ay kinilala rin siya bilang
“Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa” na siyang naging batayan ng pagtuturo
at pag-aaral ng balarila sa kapuluan.
4. Jose Corazon De Jesus
 Nakilala sa mga akdang “Itapon ng Kapalaran,” “Pamana,” “Pagbabalik,” at
“Bayan Ko,” na nilapatan ng tugtugin ni Constanio de Guzman at naging awitin
ng Rebolusyon ng EDSA sa panahon ni Gng. Corazon C. Aquino. Tinagurian
siyang “Huseng Batute” sa mga mapanudyong tudling na “Buhay Manila” na
lumabas sa Taliba. Siya ang kauna-unahang tinaguriang “Ama ng Balagtasa” sa
tulang tagalog.
5. Florentino Collantes
 Nagsimula siyang tumula sa gulang na labinlima at naisaulo ang buong “Pasyon,”
“Buhay Lansangan.” kinilala siyang makata na gumagamit ng tula sa
panunuligsang pampulitika sa pangahon ng mga Amerikano. Naputungan din siya
ng titulong “Hari ng Balagtasan” at naging malaking karangalan niya ang tulang
“Lumang Simbahan.” Napatanyag din siya sa mga tulang “Ang Tulisan,” “Ang
Magsasaka,” “Pangaral sa Bagong Kasal,” “Patumpik-tumpik” at iba pa.
6. Amado V. Hernandez

8|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
 Siya ay kinilala sa pagiging “Makata ng mga Manggagawa”
mambabalagtas, mambibigkas at ang nagbigay sa kanyang pangalan ay ang tulang
“Bonifacio” at “Guro ng Lahi”. Kilala siyang isang realista at nagpapahalaga sa
mga pangyayari at mga kuro-kurong may katunayan. Ang kanyang panitik ay
naglalarawan ng mga suliranin at kaapihan ng mga manggagawa gaya ng makikita
sa mga tula niyang “Ang Panday,” “Aklasan,” “Isang Dipang Langit” at marami
pang iba.

Paksa 4: Panulaan sa Panahon ng Hapon

Sa pagsapit ng mga Hapon sa Pilipinas ay nakapagdagdag din nang malaki sa


kasaysayan ng bansa bagamat hindi gaanong nakaimpluwensya sa larangan ng
edukasyon, pulitika at panitikan. Naging matamlay ang panulaan dahil sa pamamahinga
ng maraming mga manunulat sa pagsulat, pag-akda o pagkatha ng alinmang akdang
dating kinalulugdan ng sambayanang mambabasa. Ilan lamang ang mga manunulat na
nagpatuloy sa panunulat sa paksaing “Pagbabalik sa Lupa” bilang pagbibigay at
pakikibagay sa gustong mangyari ng bagong Panginoon. Bagamat ang panulat ay may
paksaing pambayan, ang wika lamang nilang nagamit ay ang Tagalog at ang iba pang
wikang Katutubo ng bansa dahil ito lamang ang binigyang pagkakataon ng mga Hapon
dahilan sa kanilang poot sa Amerikano at kasama na rin diyan ang galit nila sa sa wikang
kanilang inihasik sa kapuluan. Ang mga akda ay nahihinggil sa mga buhay-Pilipino na
sumasaklaw lamang sa panahon ng mga Kastila. Ang bagay na ito ay lumitaw sa lahat ng
akda, tuluyan man o patula.

Paksa 5: Ang Pagkakatatag ng Republika Hanggang sa Kasalukuyan

9|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
 ang naging paksa ng mga akda sa panahong ito ay tungkol sa
kalupitan ng mga Hapones, kahirapan ng pamumuhay noon, pamahalaang Hapon,
at kabayanihan ng mga gerilya.
 Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, idineklara nya ang
Batas Militar. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin ng
kanyang pamahalaan na pagkakamit ng bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan, kayat maraming mga kathang nalathala na
nauukol sa pagtataguyod ng mga layunin ng bagong lipunan.
 May mga lathalain ding naglalarawan ng tunay na nadarama ng marami sa Pilipino
nang panahong iyon. Ang mga nasabing akda ay nagpapahiwatig ng
mapanghimagsik na damdaming namamayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil
sa ilang karapatang pantao katulad ng kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag.
Palihim o pailalim na nalathala ang mga naturang akda.
 Sa panahon ng Batas-Militar ay ipinagbawal ang mga di-opisyal na diskurso, ang
bawat sambit ay dapat naaayon sa diskurso ng nakakapangyayari. Nagkaroon ng
paglilinis(sensura) ng mga palabas, brodkast at limbag na midya.
 Nilikha ang mga pangkulturang institusyon, organisasyon, programa at iba pang
may kinalaman sa paglalatag ng pundasyon ng Bagong Lipunan:
o Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP)
o National Music Competition for Young Artists (NAMCYA)
o Phil. Youth Orchestra
o Philharmonic Orchestra
o Philippine Society for Music Education
o Popular Music Foundation of the Philippines
 Mga ipinatayong gusali na naging tahanan ng kulturang Pilipino
o Folk Arts Theater
o Cultural Center of the Philippines
o Philippine International
Mga Manunulat ng Tula sa Panahong ito Convention Center

 Alejandro Abadilla – “Ako ang


Daigdig” 1955, dahil sa
kagandahan ng tulang ito ay
pinagkalooban siya ng Surian ng
Wikang Pambansa ng Diploma ng
Karangalan bilang Pangunahing
Makata ng taong 1957.
 Jose Villa Panganiban – “Mga
Butil ng Perlas” 1960, binubuo ng
70 tula na handog nya sa kanyang
asawa para sa kanilang ika-25 taong anibersaryo n pag-iisang dibdib.
 Aniceto Silvestre – “Filipinas” nanalo ng unang gantimpala sa paligsahan ng Surian
ng Wikang Pambansa noong 1946. Kinilala siya bilang Pambansang Makata ng
maipanalo nya ang dalawa nyang tulang “Ako’y Lahing Kayumanggi” at “Mutya ng
Silangan” na nagkamit ng una at pangalawang

10|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT
MAIKLING KASAYSAYAN NG ARALIN

TULANG FILIPINO 1
 Teo Baylen – “Tinig ng Darating” kanyang tulang tinipon sa loob ng 30
taon at pinagkalooban ng Republic Cultural Award noong 1963.
 Amado V. Hernandez – “Isang Dipang Langit” humalili kay Jose Corazon de Jesus
bilang pangunahing makata sa Tagalog. Siya ay nagkamit ng Republic Cultural
Award. Ang tulang ito ay nagtataglay ng diwang mapanghimagsik na kanyang sinulat
sa loob ng bartolina ng Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Nabilanggo sya dahil sa
bintang na isa syang komunista dahil sa pagtatanggol nya sa mga dukha at
manggagawa.
 Bienvenido A. Ramos – “Maynila” nagkamit ng Unang Karangalan sa Taunang
Timpalak ng Talaang Ginto noong 1963, sa tulang ito ipinakita ng makata ang
dalawang mukha ng lungsod ng Maynila: ang pangit at magandang mukha nito.
Ngunit higit na binigyang diin ng makata ang pangit na mukha ng lungsod dahil sa
likod ng lahat ng kariktan at kasaganaan nito ay naroon ang lahat ng uri ng kasamaan,
karahasan, katiwalian at pagkukunwari.

Iba Pang Manunulat ng Tula sa Panahong ito

 Cirio Panganiban – “Salamisim” 1955


 Jose Corazon de Jesus – “Talaang Ginto” 1958
 Manuel Car. Santiago – “Buhay at Iba pang mga Tula” 1959
 Teodoro Gener – “Ang Sining ng Tula” 1958, “Pag-ibig,” “Guro,”
 Benigno Ramos – “Ang Bahay ng Diyos,” “Ang Kayumanggi,” “Bayani” atbp.
 Ang makabagong tula ni Jose Villa Panganiban - “Tanaga at Pantun” 1963, ito ay
makabagong tulang walang sukat at tugma.

11|PANULAANG FILIPINO | OMSC Sablayan Campus


Ikalawang Semestre | Taong Panuruan 2022-2023
Instructor: JUDE PATRICK F. ACIERTO, LPT

You might also like