Professional Documents
Culture Documents
Isa sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas ang “Bantugan” na epiko ng Mindanao. Narito
ang buod ng naturang epiko.
Buod ng Bantugan
b. Awit - ito ay tulang maromansa kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang
mga tauhan nito at higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga
pangyayari. Ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagtas ay isang
halimbawa ng awit.
kagubatan ang nakarinig sa pagtangis ni Florante. Ang pangalan ng moro ay Aladin at ito’y tila
naantig ng mga pananalita ni Florante.
Dalawang liyon ang umatake noon kay Florante ngunit iniligtas siya ni Aladin. Nawalan ng
malay tao ni Florante kaya ipinasya ni Aladin na alagaan muna ang binata hanggang sa magbalik
ang kanyang lakas.
Nang gumaling si Florante ay nagulat ito sapagkat hindi niya lubos akalain na isang kalaban ng
mga Kristyano ang nagligtas sa kanya sa kamatayan. Silang dalawa ay nag-usap at sinimulan na ring
isalaysay ni Florante ang tungkol sa kanyang buhay.
Si Florante umano ay anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-
payong maharlika. Lumaking masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga ang binata. Mahilig
siyang maglaro at noong siyang anim na taong gulang ay muntik na siyang mapatay ng isang
buwitre na nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Mabuti na lamang at
nasagip siya ng pinsang si Menalipo na taga-Epiro na mahusay gumamit ng pana.
Nang siya’y labing isang taong gulang na ay ipinadala si Florante ng kanyang mga magulang na
sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro
na si Antenor.
Sa Atenas niya nakilala si Adolfo na kababayan niya at pinakamatalinong magaaral sa paaralan
nang mga panahong iyon. Ngunit makalipas lamang ang anim na taon ay nalampasan na ni Florante
ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Naging kilala si Florante at hindi ito
ikinatuwa ni Adolfo.
Tinangkang patayin ni Adolfo si Florante habang ito’y gumaganap sa isang dulaan sa kanilang
paaralan. Mabuti na lamang at mabilis na namagitan ang kaibigan ni Florante na si Menandro kaya
nakaligtas ito sa tangkang pagpatay sa kanya ni Adolfo.
Dahil sa naunsiyaming balak ay umuwi si Adolfo sa Albanya. Makalipas ang isang taon ay
nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang
kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Dalawang buwan pa ang lumipas bago nakauwi si Florante sa
Albanya. Kasama niya si Menandro sa kanyang pagbabalik.
Sa Albanya ay isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay
Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persa (Persian). Hindi nakatanggi si Florante
sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Samantala, naimbitahan naman si Florante sa palasyo ng hari kung saan siya’y nabighani kay
Laura na anak ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Nang paunlakan ni Florante ang hinihinging tulong ng Krotona ay nakipagdigma ito laban sa
heneral ng Persiya na si Osmalik. Limang oras ang itinagal ng kanilang pakikipagtunggali kung saan
matagumpay na napatay ni Florante si Heneral Osmalik. Limang buwan na namalagi si Florante sa
Krotona bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura.
Noong siya nama’y nagbalik sa kanyang bayan na Albanya ay napansin ni Florante na
nakawagayway ang bandila ng Persiya sa kanilang kaharian. Dahil dito’y muli siyang
nakipagtunggali sa mga taga-Persiya at nagapi ang mga ito. Kanyang nailigtas sina Duke Briseo,
Adolfo, Haring Linceo at Laura na muntikan nang mapatay ni Emir.
Dahil sa pangyayaring ito ay itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa
kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan. Ito nama’y lubhang ikinamuhi at ikinainggit ni
Adolfo.
Sa isa namang labanan sa Etolya ay muling ipinagtanggol ni Florante ang Albanya mula sa
pananakop ng mga taga-Turkiya na pinamumunuan ng kilalang mananakop na si Heneral
Miramolin. Sa Etolya ay nakatanggap ng liham si Florante mula sa kaniyang ama. Pinababalik
umano siya nito sa Albanya kaya naiwan sa pangangalaga ni Menandro ang hukbong kanyang
pinamumunuan.
Nang makauwi si Florante sa kanyang bayan ay tinugis siya ng tatlumpung libong mga kawal
na inutusan ni Adolfo. Siya’y nabilanggo ng dalawampu’t walong araw. Sa piitan na din nalaman ni
Florante ang ginawang pagpugot ng ulo ni Adolfo sa kanyang ama at sa hari ng Albanya. Pagkaraan
ay dinala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.
Doon ay isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura pati na rin ang
pagkainggit sa kanya ni Adolfo na gustong angkinin ang trono ng Albanya.
Samantala, pagkalipas ng ilang panahon ng kanilang paglalakbay sa kagubatan ay ipinagtapat din ni
Aladin na isa palang Persa na may pagkakatulad ang kanyang kapalaran kay Florante.
Aniya, pinagbintangan umano siya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab na iniwan daw niya
ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Dahil dito’y nais
papugutan ng ulo ni Sultan Ali-Adab si Aladin. Dahil kay Flerida na iniibig ng binata ay hindi
natuloy ang balak na pagpatay sa kanya. Hiniling kasi ng dalaga sa Sultan na palayasin na lamang si
Aladin sa kaharian at ang kapalit ay papakasal siya dito.
Habang nagsasalaysay si Aladin ay nakarinig sila ng mga tinig. Isang babae ang nagkukwento
tungkol sa kaniyang pagtakas mula sa isang kaharian at sa kanya sanang pagpapakasal. Hinahanap
umano ng babae ang kanyang kasintahan na tumagal ng anim na taon. Dagdag pa niya, sa loob ng
kagubatan ay nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong.
Natagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumahasa dito. Ayon sa
babaeng naglalahad ay ginamit niya ang kanyang pana upang paslangin ang lalaking
lumalapastangan sa babae.
Nagpakilala ang naglalahad bilang Flerida at ang babaeng kanyang iniligtas ay si Laura.
Si Laura naman ang sumunod na naglahad ng kanyang kwento. Ayon sa kanya, nang malayo sa
kanyang piling ang kasintahang si Florante ay naging bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan
ng Albanya, kahit na puro kasinungalingan naman ang ginagawa nito.
Nagtagumpay si Adolfo na sirain sa mga mata ng mga mamamayan ang hari ng Albanya kaya
naangkin at naupo siya sa trono. Si Laura nama’y napilitang maging reyna nito. Ang hukbong nasa
ilalim ng pamumuno ni Menandro ang naging dahilan kaya nalupig si Konde Adolfo.
Tumakas itong tangay si Laura at nagtungo sa loob ng kagubatan.
c. Korido - ito ay tulang maromansa kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang
supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na di magagawa ng
karaniwang tato tulad ng pagpatag ng bundok at pag-iiba ng anyo.
Pagkakaiba ngAwit at Korido
Mga Pamantayan Awit Korido
Tinulungan si Don Juan ng isang ermitanyo kaya naligtas nito ang dalawang kapatid.
Naiingit si Don Pedro kung kaya’t pinagtaksilan nila si Don Juan, binugbog nila ito at iniwang
nakahandusay sa gitna ng daan pagkatapos ay umuwi na sila tangan ang ibong adarna.
Tinulungang muli ng ermitanyo si Don Juan kaya ito ay nakabalik sa Berbanya. Nalaman ng
Hari ang pagtatagksil na ginawa ng dalawa ngunit inihingi ito ng tawad ni Don Juan kaya ito’y agad
ding pinatawad.
Lumaon ay nawili ang hari sa ibon at sa takot na makawala ito, ang tatlo niyang anak ang
pinagbantay niya dito.
Gumawa na naman ng kataksilan ang dalawa, pinalaya nila ang ibong adarna. Sa pag-
aakalang si Don Juan ang may kasalanan sa pagkawala nito, siya ay lumayo upang takasan ang
kasalanag ginawa.
Napadpad ang prinsipe sa Armenya at doon naman ay sinundan siya ng dalawa niyang
kapatid. Natuklasan ng tatlo ang isang mahiwagang balon at si Don Juan lamang ang matapang na
nakababa rito.
Doon niya nakilala sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Dito rin ay ginapi ng prinsipe ang
higante at ang serpyente. Tinakas ni Don Juan ang dalawang prinsesa.
Nang makalabas na ang tatlo, naalala ni Prinsesa Leonora na naiwan ang
kanyang dyamanteng singsing kung kaya’t binalikan ito ni Don Juan. Ngunit noong
nakababa na sa balon si Don Juan ay pinutol ni Don Pedro ang lubid kaya ito ay
nahulog.
Pinatulungan ni Prinsesa Leonora sa kanyang oso si Don Juan. Habang pabalik na ng
Berbanya ni Don Juan ay muli niyang nakita ang Ibong adarna. Sinambit ng ibon na pumunta ito sa
Reyno de los
Cristales.
Tinulungan ang prinsipe ng ermitanyo upang makarating sa nasabing kaharian at doon
nakilala si Maria Blanca. Upang masungkit ang pag-ibig nito, dumaan siya sa sunud-sunod na
pagsubok at sa huli ay nabigo pa rin ito kaya naisipan ng dalawa na tumakas nalang.
Sa labis na galit sinumpa ng Hari si Maria Blanca na pagtataksilan siya ni Don Juan
pagdating nito sa Berbanya. Natupad na ang sumpa ni Haring Salermo at nakatakda nang ikasal si
Don Juan at Prinsesa Leonora.
Ngunit ito ay hindi matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t ito ay nagpanggap biglang isang
emperatris upang ipaalala kay Don Juan ang kanilang pag-iibigan. Nahirapan man ngunit nakamit ni
Maria Blanca ang kanyang nais.
Doon di’y nalaman ng Hari ang muling pagtataksil ng dalawang prinsipe ngunit muli na
namang inihingi ng tawad ni Don Juan kaya agad na pinatawad.
Si Don Pedro at Prinsesa Leonora na ang itinalaga biglang hari at reyna sa kaharian ng
Berbanya habang si Don Juan at Maria Blanca naman ay ang bagong hari at reyna ng Reyno de los
Cristales.
a. Pastoral - ang salitang pastoral ay nanggaling sa salitang latin na “Pastor”. Ito’y tulang
naglalahad ng buhay-buhay sa bukid at pagpapahalaga sa gawain at pamumuhay sa
bukid.
b. Dalit (Himno sa Bayan) - noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa
Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring ito ang tula ng pagmamahal at
pagkalugod na ang layunin ay pagkadakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga
Kastila ang dalitsamba at dalitbansa ay itinuturing ng iisa dahil kilala kapwa sa
taguring dalit. Ang dalitsamba ay patungkol sa buhay ng mga santo at awit na papuri sa
Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag sa pag-ibig at pagkadakila sa
bayan.
Sanggunian: dela ruz, MA.S. (2017). Malikhaing Pagsulat. Makati City. Diwa
Learning System Inc.
g. Awit - tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit
hinggil sa pag-ibig o palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at
punung-puno ng pagsasamo sa isang sinisinta.
b. Zarzuela - isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17
siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin, at
may paksang mitolohikal at kabayanihan. Ito ay binubuo ng isa hanggang limang
yugto, hinggil sa mga kwento ng pag-ibig at suliraning pamilya, at tinatampukan ng
mga awit at sayaw. Tinatawag din itong dulang hinonihan, dulang inawitan, drama-
liriko, at opereta.
d. Tibag – itinatanghal tuwingbuwan ng Mayo. Ang mga tauhan ay sina Reyna Elena at
ang anak na si Constantino. Hinahanap nila ang krus na pinagpakuan kay Hesus na
matatagpuan lamang sa ilalim ng templo ni Venus sa kaharian ng isang Sultang
Muslim. Kinakailangan
pa munang magkaroon ng labanan ang mga moro at Kristiyano bago matibag
ang templo para makuha ang krus. Ang pagbabalik sa Roma ng mag-ina,
kasama ang mga bihag ang nagging ugat ng tradisyon sa sa Santa Cruzan.
1. Karaniwang anyo – tulang may sinusunod na sukat at tugma. Karaniwang iisang sukat at
iisang tugmaan ang sinusunod sa buong tula.
Halimbawa:
KABAYANIHAN
Lope K. Santos
Halimbawa:
Ang Kubrador
Rosario Torres-Yu
3. Tanaga – maikling tulang binubuo ng apat na linya at bawat taludtod ay may sukat na
pipituhing pantig. Karaniwan itong nagtataglay ng gintong aral. Ang sinaunang anyo ng
Tanaga ay may tugmaang isahan (a-a-a-a) ngunit sa kasalukuyan ay ginnagamit na rin ang
tugmaang a-b-b-a, ab-a-b, at a-a-b-b. Sa limitadong sukat ay dapat ganap na naipahayag ng
makata ang kanyang mensahe gamit ang talinhaga.
Halimbawa:
4. Dalit - binubuo ito ng apat na taludtod at ang bawat taludtod ay may walong pantig.
Halimbawa:
Halimbawa:
Ang maton,
nakaidlip At hilik
pa nang hilik Sa
higaang masikip.
6. Cinquian - tulang nauso sa Amerika noong 1900. Ito’y binubuo ng 22 pantig at nahahati sa
limang taludtod taludtod na nang maglaon na’y nagkaroon ng iba-ibang istruktura:
Istruktura 1: Halimbawa:
Istruktura 2:
Halimbawa:
Istruktura 3:
Halimbawa:
Halimbawa:
Ayon sa Kayarian
1. Matanda o Makalumang Tula – binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may sukat at
tugma. Ito ang pamamaraang ginagamit ng mga kilalang makatang Tagalog.
2. Malayang Taludturan o Free Verse – nabibilang ditto ang tulang walang sukat at walang
tugma. Isa itong paghihimagsik sa “makipot” nabakod ng matandang panulaan.
3. Tula sa Tuluyan – ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang nakapaloob ay
masagisag. Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng isang tunay na tula.
4. Di-tugmaang Tula – nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma. Hindi ito
gaanong gamitin sa ating lipunan.
Ayon sa Layon
Ayon sa Pamamaraan
Ayon sa Kaukulan
1. Mabigat – mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uri ng panitikan.
3. Magaan – hindi gaanong mataas ang uri. Madaling isipin at karaniwan sa mga bugtungan at
tulang pambata.
Ang tugma ay tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng dulo ng mga iba pang
taludtod sa loob ng isang estropa. Gaya ng kinaugalian, ang malumay ay sa malumay, ang
malumi ay sa malumi, ang mabilis ay sa mabilis at ang maragsa ay sa maragsa. May tugmang
tinatawag na karaniwan (ordinary) at mayroon naming tugmang ganap (perfect) sa tulang
Tagalog.
Sa tula, ang isang taludtod ay isang tudling ng mga salitang may sukat at may indayog.
Ayon kay Gener, (1965) “ang sukat ay bilang ng pantig sa loob ng isang hati o bahagi ng isang
pangungusap. Ito ay sinasabing tagal o bilang ng bagsak ng tunog sa diin o bigkas ng mga salita
sa taludtod.
“Ikaw ba ay ano?
Ikaw ba’y ag-ibig.
Halamang ligaya ng tigang na dibdib?
Bakit nang nupling ka sa puso kong sabik,
Ang mga ugat mo’y may pighating hatid?” (A.I.
Dizon, “Ikaw Ba’y Ano?”) Senteto (Sestet) – ang
tawag sa may anim na taludtod.
“Hindi na mabilang
Sa buhok ang uban…
Sa pisngi’t sa noo ay nakabalatay
Ang guhit na tanda ng pinagdanasan…
Limampu’t tatlo na ang kapanahunang
Lumipas sa kanya, sapul nang isinilang.
(P.A. Dionisio, “Panibugho”)
4. Paksa o Kaisipang Taglay ng Tula – mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at
saloobin nito.
5. Talinhaga
7. Aliw-iw
Ang aliw-iw ay isang katangian ng galaw kung ito’y tinataningan, at iyan ay mapapansin
sa sining ng pagsayaw, pag-awit, musika at panulaan. Ang tula ay isinaayos sa paraang
maaliwiw. May aliw-iw ang tula kapag ang mga tunog ay nahahati sa pare-parehong patlang. Sa
tulang Tagalog, ang aliw-iw ay binubuo ng mga tulang may pare-parehong bilang ng pantig.
8. Tono
Ito ang damdaming nakapaloob sa tula. Ang tula ay kinapapalooban ng iba’t ibang
damdamin tulad ng kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala at iba pa. ang tula ay maaari rin
naming nangangaral, nanghihikayat, nang-aalis, o nagtuturo.
9. Persona
Ang persona ang nagsasalita sa loob ng tula o teksto. Maaaring ang persona at ang makata
ay iisa. Ngunit hindi laging iisa ang persona at makata. Maaaring babae ang persona ngunit lalaki
naman ang makata. Maaaring daga o pusa ang persona, ngunit isang bata ang makata. Maaaring
maging persona ang isang buhay na nilalang o kaya’y isang bagay na walang buhay.