You are on page 1of 13

Florante at Laura

TALAMBUHAY NI FRANCISCO ‘BALAGTAS’


BALTAZAR

- Ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay,


Bigaa(Ngayon ay Balagtas), Bulacan.
- Siya ang "Hari ng Makatang Tagalog”at “Prinsipe ng
Balagtasang Tagalog”.
- Ang kanyang magulang ay sinaJuana dela cruz at Juan
Baltazar.
Edukasyon

Colegio de San Jose- Gramatika Castellana, Gramatica Latina,


geografia at fisica at Doctrina Christiana.

Colegio de San Juan de Letran- Teolohiya, Filisofia at


Humanidades -Naging guro niya si Padre Mariano
Pilapil(sumusulat ng Pasyon)
- Jose dela Cruz(Huseng Sisiw) - Isang makata sa Tondo. Lumikha ng
Ibong Adarna. Nagtulak kay Francisco sa pagsulat ng Florante at Laura.

- Maria Asuncion Rivera(Selya o M. A. R) - Inspirasyon ni Francisco


Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura.

- Mariano "Nanong" Capule- Mayaman at malakas sa pamahalaan-


Karibal ni Kiko sa pag-iibig kay Selya o kay Maria Asuncion Rivera.

- Naipakulong si Baltazar at naisulat ang Florante at Laura.


Nakalaya noong 1838 at pumunta sa Udyong(ngayon ay Orion),
Bataan.
- Juana Tiambeng y Rodriguez - Ang nakatuluyan at napangasawa ni
Francisco.
- Si Balagtas ay naging Tinyente at naging kawani ng Hukuman.
- Nabilanggo siya muli dahil sa naakusahan siyang gumupit ng buhok
ng kasambahay.
- Ginamit niya ang kanyang lupain at nagbayad ng malaki upang
makalaya
-Pumanaw sa 74 na gulang noong Pebrero 20, 1862.
Kaligirang Pangkasaysayan:
- Ang Florante at Laura ay isinulat noong 1838 ni
Francisco ‘Balagtas’ Baltazar. Siya ang “Hari ng
Makatang Tagalog”at “Prinsipe ng Balagtasang
Tagalog”
- Itinuturing na isang obra-maestra ng
panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas
ng landas para sa panulaang Tagalog noong
ika-19 na dantaon
- Ang akdang Florante at Laura ay nasa tulang
pasalaysay na nasa awit o romansang
metrikal.
- Ang buong pamagat ng Florante at Laura ay
“Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura
sa Kahariang Albanya” 
- Ang Florante at Laura ay inalay ni Francisco
Balagtas kay Selya o
M. A. R (Maria Asuncion Rivera)
Noong 1995, si Lope K. Santos
ay naglagom ng kaniyang “Ang
Apat na Himagsik ni Francisco
Balagtas”.
- Himagsik laban sa malupit na
pamahalaan.
- Himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya.
- Himagsik laban sa maling
kaugalian.
- Himagsik laban sa mababang
uri ng pantikan.
TALASALITAAN
Buwitre – uri ng ibon na kumakain ng mga bangkay
Halimbawa: Nakuwento rin ni Florante na kamuntikan na
siyang madagit ng isang buwitre.

Baluti – panangga sa katawan; kasuotang panlaban


(armour).
Halimbawa: Lahat ng mga pag-aalaga dati sa kanya ni
Laura ay wala lang pala, katulad ng pagpapakintab nito sa
panangga at paglilinis ng kanyang baluti.
Higera at Sipres – Ang Higera ay
isang punong mayabong, malalapad
ang dahon ngunit hindi namumunga;
fig tree. Habang ang sipres naman ay
isang uri ng puno na mataas at tuwid
lahat ang sanga.
Halimbawa: Maraming nakapalibot na
Higera at Sipres sa masukal at
mapanglaw na gubat.

Higera Sipres
TALASALITAAN
Gerero – Mandirigma.
Halimbawa:
Si Heneral Osmalik ay taga Persya na pumapangalawa sa kasikatan ni
Aladin na isang gerero.

Moro – muslim
Halimbawa: May nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok.

Monopolyo – uri ng kalakaran na kung saan ay isang kumpanya lang ang


nagbibigay ng isang partikular na produkto o serbisyo
Halimbawa: Ang paniniwala ng mga tao ay si Haring Linceo ay
nagmomonopolya sa mga pagkain at trigo.

Ehersito- Hukbo o samahan ng mga sundalo.


Halimbawa: Nagdiwang din ang mga ehersito mula sa Etolia. 

Tabak – Espada
Halimbawa: Bumabaon ang bawat pagkilos ng tabak na hawak ni Aladin.

Turbante – telang binabalot sa ulo ng mga bumbay


Halimbawa: Isang gererong may putong na turbante ang dumating, si Aladin
na taga-Persiya.
TAUHAN
Florante
Gerero at tagapagtanggol ng kaharian ng Albanya; mabait na anak
nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca; pinakamamahal ni Laura.
Laura
Prinsesa ng Albanya; anak ni Haring Linceo; minamahal ng lubos ni
Florante.
Adolfo
Anak ni Konde Sileno; nagtangkang pumatay kay Florante; umagaw
kay Laura kay Florante.
Aladin
Gererong moro ng Persiya; anak ni Sultan Ali Adab; nagligtas sa
buhay ni Florante; nakaisang-dibdib ni Flerida.
Flerida
Napusuan ni Sultan Ali Adab; nakaisang-dibdib ni Aladin.
Menadro
Isa sa mga naging kamag-aral nina Florante at Adolfo nung sila’y nag-
aaral pa; pamangkin ng gurong si Antenor; nagligtas kay Florante sa
tangkang pagpatay ni Adolfo.

Emir
Gobernador ng mga Moro
TAUHAN
Antenor
Mabait at matalino na guro nina Florante, Adolfo, at
Menandro.
Duke Briseo
Ama ni Florante; kabiyak ni Duke Floresca; namatay dahil sa
utos ni Adolfo.
Prinsesa Floresca
Ina ni Florante; may-bahay ni Duke Briseo; prinsesa ng
Krotona.
Konde Sileno
Ama ni Adolfo
Haring Linceo
Hari ng Albanya; ama ni Laura; namatay dahil sa utos ni
Adolfo.
Miramolin
Pinuno ng mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.
Sultan Ali Adab
Ama ni Aladin; umagaw kay Flerida.
Heneral Osmalik
Sa isang gubat na madilim at mapanglaw sa may dakong labas ng
Albanya, malapit sa ilog Kositong na may makamandag na tubig,
may isang lalaking na nagngangalang Florante na nakagapos sa
puno ng higera at kung titingnan ay kahabag-habag dahil sa
sinapit nitong masamang kapalaran. Si Florante ay puno ng
hinagpis at pighati habang ginugunita ang mga alaala niya kasama
ang kanyang kasintahan na si Laura. Siya’y namimighati sa
pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos mabaliw siya
sa kakaisip sa kanyang minamahal na si Laura na baka
mapasakamay ng anak ni Konde Sileno na si Konde Adolfo.Sa
hindi sinasadyang pagkakataon, may isang Moro na naglalakad sa
gubat. Narinig niya ang isang kaawa-awang tinig at agad
pinuntahan ang pinanggagalingan nito. Sa pagdating ng Moro,
agad na bumungad ang dalawang mababangis na leon na tila
handa nang kainin ang kaawa-awang si Florante. Pinatay ng Moro
ang mababangis na hayop na ito at pagkatapos ay tinanggal sa
pagkakagapos si Florante. Hindi ito iniwan ng Moro, sa halip ay
inalagaan nya ang kaawa-awang si Florante.
Nang lumakas na si Florante ay isinalaysay nito sa Moro
ang kanyang buhay mula sa kanyang
pagkabata.Isinalaysay niya kung paano siya muntik
nang madagit ng isang buwitre,mabuti na lamang ay
agad siyang nailigtas ng kanyang pinsan na
nagngangalang Menalipo na taga-Epiro. Kung paano
kinuha ng isang arkon ang kupidong dyamante mula sa
kanyang dibdib. Isinalaysay din ni Florante kung paano
siya ipinadala ng kanyang ama na si Duke Briseo sa
Atenas upang mag-aral sa ilalim ng kanyang guro na si
Antenor. Isa pa sa kanyang isinalaysay kung paano siya
iniligtas ni Menandro mula sa mga taga ng kaaway
niyang si Adolfo noong sila ay nagtatanghal sa isang
dula at kung paano niya nakuha ang isang liham na
nagsasaad ng pagkamatay ng kanyang ina na si
Prinsesa Floresca. Isinalaysay din niya kung paano siya
nagbalik sa Albanya kasama si Menandro ang matalik
niyang kaibigan, ang pagpaslang niya kay Heneral
Osmalik , ang tagumpay niya sa labing pitong kaharian
at ang pagtalo niya sa hukbong Turko ni Miramolin na
lumusob sa Albanya.
Tinapos niya ang pagsasalaysay sa pagkuha ni Adolfo sa trono ng
Albanya at ang pag-agaw sa kanyang minamahal na si Laura hanggang
sapitin niya ang masamang kalagayan sa gubat.Nagpakilala ang Moro
bilang si Aladin , isang kaaway na mahigpit ng relihiyon at bayang
kinabibilangan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay
Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang
kanyang kasintahang si Flerida. Inagaw din ng kanyang ama na si Ali-
Adab ang pinakamamahal niyang si Flerida kaya nilisan niya ang
kanilang kaharian. Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang
dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita
nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya
upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat
ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya
ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.Ikinuwento ni Laura ang
paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si
Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at
pagdadala sa gubat.Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na
ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante
at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at
Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-
Adab, ay naghari sa Persya.

You might also like