You are on page 1of 3

Talambuhay ni Francisco Balagtas

 Ipinanganak sa Barrio Panginay, Bigaa, Bulacan noong Abril 2, 1788


 “Kikong” o “Balagtas”
 Ina = Juana Dela Cruz (maybahay)
Ama = Juan Baltazar (panday)
Mga Kapatid = Felipe, Concha at Nicolasa
 Pumasok sa Paaralang Parokyal sa Bigaa (tinuruan tungkol sa relihiyon at
katekismo)
 Naging katulong ni Donya Trinidad noong 1799 upang makapagpatuloy siya ng
kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila (Canon Law, Pilosopiya,
Humanidades, Teknolohiya)
 Nag-aral naman sa Colegio de San Juan de Letran – naging guro si Mariano
Pilapil at Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
 Natutong sumulat at bumigkas ng tula kay Jose dela Cruz, makata mula sa Tondo
 Mga babae sa buhay ni Balagtas:
1. Magdalena Ana Ramos - unang pag-ibig (first love)
2. Maria Asuncion Rivera - nakilala noong 1835 sa Pandakan, Maynila
nang nanirahan doon ang makata, dalagang nagsilbing inspirasyon ng
makata, tinawag na “selya/celia” & M.A.R. ni Balagtas (greatest love)
3. Juana Rodriguez Tiambeng – mayaman na mestiza, nagpakasal sila
noong Hulyo 22, 1842 na pinamunuan ni Fr. Cayetano Arellano
 Naging karibal si Mariano “Nanong” Capule (isang taong ubod ng yamaan at
malakas sa pamahalaan) sa pag-iibig kay Selya
 Nang nakulong si Balagtas ay sumibol ang konsepto upang gawi niya ang Florante
at Laura
 Taong 1838 – nakalaya sa kulungan at pumunta sa Udyong, Bataan
 Nagkaroon ng 11 anak(5 lalaki at 6 na babae)kay Juana Tiambeng
 Taong 1849 – ginamit ang “Baltazar” na apelyido dahil sa kautusan ni
Gobernador Heneral Narciso Claveria na ang bawat aktutubong Pilipino ay
magkaroon ng apelyidong Espanyol
 Taong 1856 – si Balagtas ay naging pangunahing tinyente at tagpagsalin sa korte
 Nabilanggo muli dahil sa sumbong ng isang katulong ng babae sa di umano’y
pagputol ng buhok niya
 Nakalaya noong 1860
 Namatay sa piling ng kanyang asawang si Juana Tiambeng at ang 4 anak noong
Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74 sa Udyong, Bataan
 Nalimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura noong 1838 (50
taong gulang si Francisco Baltasar)
Mga Tauhan ng Florante at Laura
 Florante
 Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
 Siya ang pangunahing tauhan ng awit.
Halal na Heneral ng hukbo ng Albanya; Tagapagtanggol ng Albanya
 Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng hukbong magtatanggol
sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.
 Katambal ni Laura; Nakita ng prinsesa si Florante bago ito nakilaho sa
isang digmaan nang ang bayan ng kanyang ina ay sinakop ng mga
Morong Persiyano
 Pangunahing taga-salaysay ng kwento at kinukwento kay Aladin
 Laura
 Anak ni Haring Linceo ng Albanya at ang natatanging pag-ibig ni
Florante
 Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.
 Adolfo
 Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya.
 Isang taksil at lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama
sila sa Atenas.
 Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa
Atenas.
 Malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa
trono ni Haring Linceo ng Albanya.
 Aladin
 Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya.
 Anak ni Sultan Ali-adab.
 Mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit magiging
tagapagligtas ni Florante.
 Flerida
 isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya dahil tinangkang
agawin siya ni Sultan Ali-Adab at para hanapin sa kagubatan ang
kasintahang si Aladin
 Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.
 Menandro
 Ang matapat na kaibigan ni Florante.
 Mabait at laging kasa-kasama ni Florante sa digmaan.
 Duke Briseo
 Ang mabait na ama ni Florante.
 Taga-payo ni Haring Linceo ng Albanya.
 Prinsesa Floresca
 Ang mahal na ina ni Florante.
 Prinsesa ng Krotona
 Haring Linceo
 hari ng Albanya
 ama ni Prinsesa Laura.
 Antenor
 ang mabait na guro sa Atenas.
 Guro nina Florante, Menandro at Adolfo.
 Amain ni Menandro.
 Konde Sileno
 Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.
 Heneral Miramolin
 Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.
 Heneral Osmalik
 Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona.
 Siya ay napatay ni Florante.
 Sultan Ali-abab
 Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si
Flerida.
 Menalipo
 Ang pinsan ni Florante.
 Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit sa sanggol na si Florante.
 Hari ng Krotona
 Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.
 Emir
 Moro/Muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura
 Heneral Abu Bakr
 Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida

You might also like