You are on page 1of 7

Florante

at
Laura
Emman Ruel L. Cabalhug
8-Beryl
Frendelyn P. Gador
Guro
Florante at Laura
Kaligirang Pangkasaysayan

Unang nailimbag ang Florante at Laura noong 1838,


panahon kung kailan si Francisco Baltazar, ang orihinal na
manunulat ay nasa edad 50 na. May isang manunulat na
nagngangalang Herminigildo Cruz ang sumulat ng akda ukol sa
buhay at akda ni Francisco Baltazar at pinamagatan niya itong
"Kung Sino ang Kumatha ng Florante at Laura". Ito ay isinulat
niya bilang pagbibigay - pugay sa pamanang iniwan ni Francisco
Baltazar.Ang mga unang sipi ng aklat na Florante at Laura ay
kapwa isinulat sa wikang Ingles at Tagalog. Ngunit, sa
kasamaang palad, nasunog ang mga iyon noong 1945 matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Samantalang mayroong
isang publishing house ang nakapag tabi ng orihinal na sipi ng
aklat na siyang pinag kopyahan ng mga sumunod na sipi ng aklat
noong 1875.Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng korido
na naglalaman ng mga pasakit at pag - iibigan ng dalawang
tauhang nabanggit sa pamagat. Ang nagsasalita sa korido ay
mismong si Florante at ang kwento ay naganap sa gubat ng
Quezonaria. Ipina palagay na ang bidang si Florante ay
kumakatawan kay Francisco Baltazar samantalang si Laura ay
ang kanyang unang pag - ibig na si Maria Asuncion Rivera na
naikasal sa ibang lalaki sa katauhan ni Mariano Capule na isa
ring masugid na manliligaw at karibal sa pag - ibig ni Francisco
Baltazar at kina katawan naman ni Adolfo sa kwentong Florante
at Laura.
Batay sa binasa mng kaligirang pangkasaysayan nagkaroon
kaya ng impluwensiya ang florante at laura, nagkaroon nga
kaya ng impluwensya ang florante at laura sa mga
nangyaring pag-aalsa ng mga pilipino laban sa pamahalaang
kolonya? Ipaliwanag

Oo, ang Florante at laura ay naging


inspirasyon ng pambansang bayani ng
Pilipinas, na si Jose Rizal. Laging dala-
dala ni Rizal saan man siya makarating
ang kanyang sipi ng Florante. Maaring
nakaimpluwensiya ito sa kanya na
ipagpatuloy ang pagtutol sa kanyang
nobelang Noi at Fili
Mga Pangunahing Tauhan:
Florante
Makisig na binatang anak
ni Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Siya ang
pangunahing tauhan ng
awit. Halal na Heneral ng
hukbo ng Albanya. Magiting
na bayani, mandirigma at
heneral ng hukbong
magtatanggol sa pagsalakay
ng mga Persiyano at Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at
ang natatanging pag-ibig ni
Florante. Tapat ang puso sa
pag-ibig ngunit aagawin ng
buhong na si Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na
si Konde Sileno ng
Albanya. Kabaligtaran ng
kanyang ama, si Adolfo ay
isang taksil at lihim na may
inggit kay Florante mula nang
magkasama sila sa
Atenas. Siya ang mahigpit na
karibal ni Florante sa pag-
aaral at popularidad sa
Atenas. Ang malaking balakid
sa pag-iibigan nina Florante at
Laura, at aagaw sa trono ni
Haring Linceo ng Albany
Aladin
Isang gererong Moro at
prinsipe ng Persiya. Anak ni
Sultan Ali-adab. Mahigpit
na kaaway ng bayan at
relihiyon ni Florante, ngunit
magiging tagapagligtas ni
Florante.

Flerida
Isang matapang na
babaeng Moro na tatakas sa
Persiya para hanapin sa
kagubatan ang kasintahang
si Aladin. Siya ay magiging
tagapagligtas ni Laura mula
kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na
kaibigan ni Florante. Mabait
at laging kasa-kasama ni
Florante sa digmaan.
Mga iba pang tauhan :

Duke Briseo
Ang mabait na ama ni
Florante. Taga-payo ni
Haring Linceo ng Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni
Florante.

Haring Linceo
Hari ng Albanya at
ama ni Prinsesa Laura.

Antenor
Ang mabait na guro
sa Atenas. Guro nina
Florante, Menandro at
Adolfo. Amain ni
Menandro.
Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na
taga-Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko
na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya
na lumusob sa
Krotona. Siya ay napatay ni
Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na
umagaw sa kanyang
magandang kasintahang si
Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante.
Siya ang pumana sa buwitre na
sana'y daragit sa sanggol na si
Florante.

You might also like