You are on page 1of 20

Mga Tauhan sa

Florante at Laura

PRESENTASYON NI:
RECM SLIDES
Mga Kristiyanong Tauhan
• Menandro
• Antenor
• Prinsesa Floresca
• Duke Briseo
• Haring Linceo
• Florante
• Laura
• Konde Adolfo
• Menalipo
• Konde Sileno
Mga Morong Tauhan
• Heneral Osmalik
• Heneral Miramolin
• Sultan Ali-Adab
• Emir
• Aladin
• Flerida
FLORANTE
Anak ni Duke Briseo, siya ay ang
mang-iibig ni Laura, Prinsesa ng
Kaharian ng Albanya, siya ang
namataan ni Florante bago siya
sumabak sa isang digamaan nang
ang bayan ng kanyang inang, si
Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop
ng mga Morong Persyano.Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang
Morong nagligtas sa kanya mula sa
mga leon nang siya ay nakagapos pa
dahil sa Konde Adolfo.
LAURA
Si Laura ang minamahal nang lubos
ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng
Albanya, siya ang prinsesa ng
kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari
ng lubos na kagandahang ipinuring
lubos ni Floranteng nadulot sa
kanyang umibig kay Laura sa unang
pagkakakita pa lamang.
ADOLFO
Si Konde Adolfo ay Anak siya ng Konde
Sileno, at pareho silang nagmula sa
Albanya. Nag-aaral silang pareho ni
Florante sa Atenas.Si Adolfo ang
pinakasikat na mag-aaral. Ito ay buhat ng
kanyang angking talino at "kabaitan".
Ngunit napunta kay Florante ang
kapurihan ni Adolfo. At dahil dito,
pinagtangkaan pa niyang patayin si
Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot
ng pagkakita sa lahat ng kanyang
pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa
Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng
utos ng kanyang gurong si Antenor.
ALADIN
Si Aladin ay isang Morong Persyanong
tumulong kay Florante, at nagligtas ng
kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si
Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa
kanyang kasintahang si Flerida. Si
Aladin at Florante ay nagkita noong si
Florante ay nasa bingit ng kamatayan.
Siya rin ang idolo ni Florante bilang
pinakamagaling na mandirigma, ngunit
sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni
Florante na ang kausap niya ay si Aladin,
ang kanyang idolo
FLERIDA
Si Flerida ang kasintahan ni Aladin.
Inagaw ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa
Sultan, napagpabago niya ang isip
nito sa pagbitay kay Aladin napugutan
sa ulo. Ngunit sa katotohanan, hindi
niya tinupad ang pag-aako, at
tumakas sa araw ng kasal.
MENANDRO
Si Menandro ang matalik na kaibigan ni
Florante sa Atenas na lumigtas din ng
buhay ni Florante mula sa mga tagang
nakakamatay ni Adolfo, nang kanyang
tangkaing patayin si Florante sa isang
dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa
Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng
buhay niya, marami pa siyang ginawa
para kay Florante, at noong sinakop ang
Albanya nang makailang ulit, kasama
siya ni Florante sa pakikibaka.
ANTENOR
Si Antenor ay isang Mabait
at Matalinong Guro sa
Atenas.
Siya ang Guro nina Florante,
Konde Adolfo at Menandro.
Siya ay lahi ni Pitako ( isa sa
mga tanyag na pilosopo sa
Grecia )
DUKE BRISEO
Si Duke Briseo ang ma-arugang ama
ni Florante at naglilingkod bilang
sariling tanungan ng Haring Linceo ng
Albanya. Siya ay pinatay at
ipinaghagisan ang bangkay niya ng
mga alagad ng Konde Adolfo nang
kanyang agawin ang trono ng Haring
Linceo
PRINSESA
FLORESCA
Si Prinsesa Floresca ang Dukesa
ng Albanya.
Siya ang ina ni Florante.
Siya ay mula sa bayan ng Krotona,
at maaagang namatay.
SULTAN ALI ADAB
 SiSultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang
umagaw sa kasintahan ni Aladin,si Flerida.
Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan
niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang
anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya,
ngunit ang totoong dahilan dito ay upang
makuha niya si Flerida mula sa kanyang
anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay
Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang
pakakasalan ang Sultan, isang pangako na
hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa
mismong araw ng kasal; ang naging hatol na
lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa
Persyang kailanman ay hindi niya
mababalikan.
KONDE SILENO
SiKonde Sileno ay ang ama ni
Konde Adolfo.
HARING LINCEO
Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian
ng Albanya, at ama ni Laura. Ang
kanyang pamumuno ay nagtapos nang
mayroong kumalat na usap-usapan
tungkol sa pag-uutos daw niyang
harangin ang imbakan ng trigo upang
gutumin ang mga tao ng Albanya.
Ang usap-usapang itong pinasimulan ni
Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga
damdamin ng mga tao sa Albanyang
nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-
aaklas namang ito ang ginamit ni Konde
Adolfo upang maiupo ang sarili sa
trono.
HENERAL OSMALIK
Si Osmalik ang heneral ng hukbong
Persyanong sumakop sa Krotona
sa ilalim ng utos ni Aladin.
Isa siyang marahas at mabalasik
na heneral na napatay ni Florante
sa labanan sa Krotona.
HENERAL MIRAMOLIN
Si Miramolin ang pinuno ng
mga mananakop ng Albanya
mula sa Turkiya.
Siya ay nasupil ni Florante sa
sagupaan ng mga hukbong
Kristiyano at Turko sa Albanya.
MENALIPO
Si Menalipo ay isang pinsan ni
Florante. Iniligtas niya si Florante mula
sa isang buwitreng dadagitin siya
sana nang siyang isang sanggol pa
lamang gamit ang kanyang pana at
busog.
HARI NG KROTONA
Siya ang Ama ni Prinsesa Floresca
at Lolo ni Florante.

You might also like