You are on page 1of 2

FLORANTE AT LAURA

( MGA TAUHAN )

Florante
=>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura,
at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya.
Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng
Kaharian ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa
isang digamaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca.

Laura
=>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante.
Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito.
Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring
lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay
Laura sa unang pagkakakita pa lamang.

Duke Briseo
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante,
at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo
ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan
ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang
kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.

Prinsesa Floresca
=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya
ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang namatay,
na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik
ng Albanya.

Konde Sileno
=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong
ayon kay Florante ay marangal.

Haring Linseo
=>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya,
at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos
nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa
pag-uutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo
upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang
usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo
ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa
Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas
namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo
upang maiupo ang sarili sa trono.

Osmalik
=>Si Osmalic ang heneral ng hukbong
Persyanong sumakop sa Krotona sa
ilalim ng utos ni Aladin.

Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop
ng Albanya mula sa Turkiya.

Sultan Ali-Adab
=>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw
sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang
malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si
Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo
niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay
upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak.
Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang
nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan,
isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida
sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang
kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman
ay hindi niya mababalikan.

Menalipo
=>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante.
Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng
dadagitin siya sana nang siyang isang sanggol
pa lamang gamit ang kanyang pana at busog.
Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas
matanda kaysa kay Florante.

Antenor
=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina
Florante, Konde Adolfo at Menandro.

Flerida
=>Si Flerida ang kasintahan ni Alading
inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab.
At sa pagpapangakong pagpapakasal sa
Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa
pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan,
hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas
sa araw ng kasal.

Menandro
=>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante
sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante mula
sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang
tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa
isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas.
Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang
ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya
nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.

Konde Adolfo
=>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa
sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng
Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya.

You might also like