You are on page 1of 26

Mga Mahahalagang Tauhan sa

MGA TAUHAN
SA
FLORANTE
=>magiting na heneral ng hukbo ng
Albanya at nagpabagsak sa 17
kaharian bago siya nalinlang ni
Adolfo at naipatapon sa gubat. Halos
lahat ng mga bahagi ng salaysay ay
umiikot sa kanya. Anak ni Duke
Briseo, siya ay ang mangingibig ni
Laurang Prinsesa ng Kaharian ng
Albanyang na namataan ni Florante
bago siya sumabak sa isang digmaan
nang ang bayan ng kanyang inang, si
Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop
ng mga Morong Persyano.
Prinsesa Laura
•Si Laura ang anak ng
Haring Linceo ng Albanya,
na hinahangaan at
hinahangad ng maraming
kalalakihan subalit ang
kanyang pag-ibig ay
nanatiling laan lamang
para kay Florante.
Flerida
•Si Flerida ang kasintahan ni Alading
inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-
Adab. At sa pagpapangakong
pagpapakasal sa Sultan, napagpabago
niya ang isip nito sa pagbitay kay
Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi
niya tinupad ang pag-aako, at tumakas
sa araw ng kasal nila. Nailigtas niya si
Laura sa kamay ng buhong si Adolfo.
Konde Adolfo
•Kaaway ni Florante. Ang
kanyang inggit at paninibugho
sa binata ang naging sanhi ng
pananakop niya sa Albanya,
pagpatay sa hari at mga
tauhan, pagpapahirap kay
Florante at tangkang pag-agaw
kay Laura.
Aladin
•Si Aladin ay isang Morong
Persyanong tumulong kay Florante,
at nagligtas ng kanyang buhay. Ang
kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab
na siya ring umagaw sa kanyang
kasintahang si Flerida. Nailigtas
niya si Florante mula sa pangil ng
leon na magdadala sana sa binata
sa tiyak na kamatayan.
Menandro
 SiMenandro ang matalik na kaibigan ni
Florante sa Atenas na nagligtas din ng
buhay ni Florante mula sa mga tagang
nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga
nang kanyang tangkaing patayin si
Florante sa isang dula-dulaan nila sa
kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa
pagliligtas ng buhay niya, marami pa
siyang ginawa para kay Florante, at
noong sinakop ang Albanya nang
makailang ulit, kasama siya ni Florante
sa pakikibaka.
Duke Briseo at Prinsesa
Floresca
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni
Florante, at naglilingkod bilang sariling
tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay
pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng
mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang
agawin ang trono ng Haring Linceo.

=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante.


Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at
maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni
Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
Haring Linceo
 Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng
Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang
pamumuno ay nagtapos nang mayroong
kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos
daw niyang harangin ang imbakan ng trigo
upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang
usap-usapang itong pinasimulan ni Konde
Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng
mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas
nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit
ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa
trono.

Sultan Ali-Adab
Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang
umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida.
Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya
ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak,
dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit
ang totoong dahilan dito ay upang makuha
niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit
hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang
nangako si Flerida na kanyang pakakasalan
ang Sultan, isang pangako na hindi rin
natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong
araw ng kasal; ang naging hatol na lamang
kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang
kailanman ay hindi niya mababalikan.
Menalipo
•Si Menalipo ay isang pinsan ni
Florante. Iniligtas niya si Florante
mula sa isang buwitreng dadagitin
siya sana nang siya’y isang sanggol
pa lamang gamit ang kanyang pana
at busog. Ipinapakita nito na si
Menalipo ay higit na mas matanda
kaysa kay Florante.
Heneral Osmalik at
Heneral Miramolin
Osmalik
=>Si Osmalik ang magiting na heneral ng
hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa
ilalim ng utos ni Aladin, natalo at napatay ni
Florante.

Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga
mananakop ng Albanya mula sa Turkiya na
sumalakay sa Albanya subalit nalupig nina
Florante at kanyang hukbo.
Konde sileno
=>Si Konde Sileno ang
ama ni Konde Adolfong
ayon kay Florante ay
marangal.

You might also like