You are on page 1of 2

Mga tauhan ng florante at laura

1. 1. MGA TAUHAN SA
2. 2. FLORANTE =>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng
mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mangingibig
ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng Albanyang na namataan ni Florante bago siya sumabak
sa isang digmaan nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay
sinakop ng mga Morong Persyano.
3. 3. PRINSESA LAURA  Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring
Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na
kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang
pagkakakita pa lamang.
4. 4. FLERIDA  Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan AliAdab.
At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay
kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng
kasal nila.
5. 5. KONDE ADOLFO Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing
kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. 
Pinagtangkaan niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita sa
lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa ilalim ng
utos ng kanyang gurong si Antenor. 
6. 6. ALADIN  Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng
kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang
kasintahang si Flerida.
7. 7. MENANDRO  Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na nagligtas
din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang
kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa
Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante,
at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
8. 8. DUKE BRISEO AT PRINSESA FLORESCA =>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni
Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay
pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang
agawin ang trono ng Haring Linceo. =>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay
mula sa bayan ng Krotona, at maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula
sa Atenas pabalik ng Albanya.
9. 9. HARING LINCEO  Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura.
Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa
paguutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng
Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga
damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang
ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
10. 10. SULTAN ALI-ADAB  Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa
kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng
kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang
totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi
natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang
Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng
kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman
ay hindi niya
11. 11. MENALIPO  Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa
isang buwitreng dadagitin siya sana nang siya’y isang sanggol pa lamang gamit ang
kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay
Florante.
12. 12. HENERAL OSMALIK AT MIRAMOLIN Osmalik =>Si Osmalik ang heneral ng hukbong
Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin. Miramolin =>Si Miramolin ang
pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.
13. 13. KONDE SILENO =>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay
marangal.
14. 14. ANTENOR =>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at
Menandro.
15. 15. KAHARIANG ALBANYA
16. 16. PAGSASANAY: KILALANIN ANG TAUHANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG. 1. Siya
ang hari ng kahariang albanya. 2. Ang pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya
ay bata pa. 3. Ang pinuno ng hukbong Turkiya. 4. Ang naging guro ni Florante sa Atenas. 5.
Ang nagligtas kay Florante sa
17. 17. 6. Ang nagligtas kay Laura sa masamang balak sa kanya ni Adolfo? 7. Ang buhong ng
kasaysayan. 8. Ang heneral ng hukbong persyano. 9. Ang kasintahan ni Florante. 10. Ang
nagligtas kay Florante sa taga ni Adolfo noong sila ay nagtatanghal ng isang dula.

You might also like