You are on page 1of 4

ANG ISYU NG KAHIRAPAN

World Bank – ang kahirapan ay kondisyon ng tao king saan mayroon siyang kakulangan sa mga
pangunahing pangangailangan tulad pagkain at tubig. Kaakibat din ditto ang kabiguan ng mga
tao na makakain ng tatlong beses isang araw.
ANG KAHIRAPAN SA IBA’T IBANG ASPETO
EKONOMIYA
-Ang pangkat na komokongtrol sa kayamanan ng isang bansa ay tinatawag na OLIGARCH o
isang kasapi ng OLIGRAPHY.
-Oligraphy – ay isang kaayusan ng bansa kung saan ang kapangyarihan at kayamanan ay
nakalagay sa maliit na bilang ng mga tao. Isinusulong lamang ng mga ito ang pansariling interes
ng kanilang uri.
-Usapang magkaroon ng patas at pantay na opotunidad:
1. Huwag iluklok sa kapangyarihan ang mga oligarch/.
2. Dapat maging aktibo ang pamahalaan at pagbubukas ng oportunidad sa mga Pilipino upang
makapuhunan.
-Dahil sa unemployment at underemployment ay mas mababang kita ng mga Pilipino kumpara
sa kanilang mga pangangailangan, napipilitan ang ilang mga Pilipino na magtrabaho sa ibang
bansa.
-Ang WORKFORCE ang bahagi ng populasyon ng bansa na nasa tamang edad upang
makapagtrabaho.
-Ang Gross Domestic Product ay nagiging sukatan ng paglago ng ekonimiya ng bansa.
-Underemployment –pagkakaroon ng trabaho na kaunti ang bayad o kaunti ang oras ng
pagtatrabaho na nagtutulak sa isang tao uoang humanap ng dagdag na trabaho. Pagkakaroon ng
trabaho na hindi angkop sa kurso o overqualified.
-Unemployment – ay isang kondisyon kung saan ang manggagawa ay walang Makita o
mapasukang trabaho sa kabila ng kanilang sapat na pinag aralan at kakayahan.
-paglaganap ng krimen – dahil sa pagiging desperado na mga taong nangangailangan ng
panustos upang mabuhay.
POLITIKA
-Korapsyon - tumutukoy sa kawaln ng integridad at karapatan. Ito rin ang dahilan kung bakit
nananatiling mahirap ang mga Pilipino at hindi makakaangat sa kabuhayan nila. Ipinagkakait
nito sa mahirap ang karapatan
LIPUNAN
-kakulangan sa Edukasyon – batay sa DEPED nasa higit kumulang 7% ang drop out rate sa
elementary at highschool levels sa Pilipinas.
- Mga pangunahing dahilan:
Kakulangan sa panustos
Malayo sa tirahan
Tinatamad
Walang interes
Mababang grado, atbp.
ANG LIPUNAN
EMILE DURHEM – ang lipunan ay isang uhay na organism kung saan nagaganap ang mga
pangyayari at Gawain. Ito ay patuloy nakumikilos at nagbabago.
KARL MARX – ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian o kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil
sap ag aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
CHARLES COOLEY – ang lipunan ay binubuo ng tao na may mag kakawing na ugnayan at
tungkulin nauunawan at higit na nakikila ang mga tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iabang pang miyembro ng lipunan.
-Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may batas, tradisyon komunikado na may iisang batas,tradisyon at pagpapahalaga.
Binubuo ng ibat ibang institusyon , ugnayan at kultura.
ISTRUKTURANG LIPUNAN
Mga Elemento:
1. INSTITUSYON-isang organisadong Sistema ng ugnayan sa isang lipunan
a. Pamilya
b. Edukasyon
c. Ekonimiya
d. Relihiyon
e. Pamahalaan
2. SOCIAL GROUP – tumutukoy sa dalawa o higit pang tao may pagkakatulad sa
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.
-Dalawang uri:
Primary Group – tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal.
Secondary Group – binubuo ng indibidwal na may pormal na ugnayan sa isat isa.
3. STATUS – tumutukoy sa kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
-Dalawang uri
Ascribed Status – nakatalaga sa isang indibidwal mula ng siya ay ipinanganak. Hindi ito
kontrolado ng isang indibidwal.
Achieved Status – nakatalaga sa isang indibidwal sa bias na kanyang pagsusumikap.
Maaaring magbago ang isang indibidwal ang kanyang achieved status.
4. GAMPANIN – tumutukoy ang gampaning ito sa karapatan, obligasyon, at mga inaasahan
ng lipunang kanyang ginagalawan
ISYUNG PERSONAL at ISYUNG PANLIPUNAN
SOCIOLOGICAL IMAGINATION
- C. Wright Mills (1959) – mahalagang malinang ang isang kakayahang Makita ang
kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipuanang kanyang
ginagalawan.’
- Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksyon ng mga
personal at isyu sa lipunan.
- Mahalaga ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang
indibidwal at pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan
- Halimbawa: usaping trapiko

ISYUNG PERSONAL
- Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa probading
paraan.

ISYUNG PANLIPUNAN
- Isang pampublikong bagay, karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga
instutusyong panlipunan.

You might also like