You are on page 1of 4

Advance Montessori Education Center of Isabela, Inc.

Maligaya, Tumauini, Isabela


Email:amecimontessori@gmail.com

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

MODYUL 1
IKALAWANG MARKAHAN
Pangalan: ________________________________________________
(Unang Linggo)
Baitan at Seksyon: _____________________
October 11-15, 2021

Kasanayang Pampagkatuto:
Ang mag-aaral ay…
✓ natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa (EsP8PIIa-5.1);
✓ nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong intelektuwal,
panlipunan pangkabuhayan, at pulitikal (EsP8PIIa-5.2); at
✓ nahihinuha na: a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipagugnayan
siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal. b. Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal
(charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. b. Ang pagiging ganap niyang
tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na indikasyon ng pagmamahal
(EsP8PIIb-5.3)

Pangkalahatang Konsepto:
Sa iyong pag-aaral ng edukasyon sa pagpapakatao, malaki ang bahaging ginagampanan mo at
ng iba’t-ibang henerasyon ng iyong pamilya. Sa pagpapatuloy ng ating pag-aaral, masusuri natin na
likas sa isang tao ang makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa bawat aspekto ng kaniyang buhay, tiyak na
mayroong papel na ginagampanan ang kaniyang kapwa.
Ang magandang ugnayan sa iba ay isa sa mga pagpapahalagang binibigyang-diin ng mga Pilipino.
Tanyag ang Pilipino dahil sa kaniyang magiliw na pagharap, maingat na pakikipag-ugnayan, at malapit
na relasyon sa kaniyang kapwa. Katunayan, ito ang isa sa mga sinasabing kalakasan ng mga Pilipino.

Paunang Pagtatasa Panuto: Isulat ang mga tinuturing mong kapwa sa loob ng kahon.

Pakikipagkapuwa: Kahulugan at Kahalagahan

Tuklasin

Etikal na Pagpapakahulugan sa Kapuwa at Pakikipagkapuwa


Ang “kapuwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang kapaligiran. Ang

1|Page
lahat ng tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapuwa. Ayon
kay Dr. Manuel Dy, Jr., isang professor ng sosyolohiya at pilosopiya sa Ateneo de Manila University, ang
tao ay isang panlipunangnilalang at hindi lamang ito dahil kasama niya ang kapuwa kundi dahil ang
lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad at pagbuo ng sarili, ay mula
sa kapuwa at para sa kapuwa. Kailangan din ng tao ang kaniyang kapuwa sapagkat kailangan niyang
mabuhay-para-sa-kapuwa. Ito ang tinatawag ni Dy na pakikipagkapuwa. Tinutukoy ni Dy kung paano
mabuhay para sa kapuwa o makipagkapuwa. Ito ay sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa at
pagtataguyod ng pag-unlad ng kapuwa para sa kanilang kapakanan at hindi para sa sarili. Ang dayalogo
ay ang pakikipag-usap sa kapuwa ng buong katapatan at may pagkilala at pagtanggap sa pagiging
bukod-tangi niya bilang tao. Magiging madali ang pakikipag-usap na ito kung may kasamang
pagmamahal sa kapuwa sapagkat sa pamamagitan ng pagmamahal lamang maaaring matanggap ang
ibang tao nang buo kasama ang kaniyang kahinaan at pagkukulang. Kalakip ng pagmamahal sa kapuwa
ang katarungan. Ayon kay Dy, ang katarungan ay ang pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya, at
ito ay ang kaniyang dignidad o halaga bilang tao. Ang pakikipagkapuwa bilang paglilingkod sa kapuwa
ay nangangailangan ng dayalogo, pagmamahal, at katarungan bilang paraan para mabuo ang sariling
pagkatao.

Ang kapuwa at Pakikipagkapuwa sa Kulturang Pilipino


Sa kulturang Pilipino, ang sariling “kapuwa” ay mayroong mas malalim at malawak na
kahulugan kaysa sa kanluraning paggamit ng salitang ito. Ayon sa pangunahing pag-aaral sa konsepto
na ginawa ni Virgilio Enriquez, isang kilalang sikolohistang Pilipino, noong 1994, ang salitang “kapuwa”
para sa mga Pilipino ay tumutukoy sa pagiging pantay at pagkakaroon ng nagkakaisang pagkakakilanlan
(shared identity) ng dalawang tao.
Sa makatuwid, ang isang taong itinuturing na kapuwa ay hindi tinitingnan nang mas mababa
kaysa sa sarili, sa halip ay kinikilala ang dignidad at pagkatao nito nang kapantay sa sarili o sa ibang
tao. Ayon kina Landa at Serafin Talisayon, mga kilalang awtor sa sosyolistang Pilipino, ang Pilipino
ay may oryentasyong pampangkat (groupist) kung kaya binibigyang-kahulugan niya ang kaniyang
sariling pagkakakilanlan batay sa kaniyang pangkat na kinabibilangan.

Ang Antas ng Ugnayan sa Pakikipagkapuwa


Sa iyong araw-araw na pamumuhay, may mga taong nakasasalamauha ka sa iba’t ibang
pagkakataon na maituturing mong kasama sa lawak ng iyong kapuwa. Bukod sa iyong mga magulang,
kapatid, at kaibigan, nariyan din ang iyong mga kamag-aral, guro, kapitbahay, kabaranggay, at iba pang
mga tao na maaaring hindi mo nabibigyang-pansin.

Mayroong walong antas ng pakikipagkapuwa. Sa bawat antas, nagkakaroon ng iba’t ibang pagkilos,
damdamin, at kaisipan ang isang tao patungkol sa kaniyang kapuwa.
1. Pakikitungo- Ito ang pinakamataas na antas ng pakikipagkapuwa. Dito naipakikita ng isang tao ang
pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit hindi niya ito kilala o kasama sa pangkat.
2. Pakikisalamuha- Sa antas na ito, napalalalim nang bahagya ang pakikitungo sa pamamagitan ng
mga maiikli at kaswal na pakikipag-usap gaya ng pagtatanong ng oras o pagbibigay ng komento ukol
sa panahon.
3. Pakikilahok- Ang isang taong nasa antas na ito ay maaaring nakikita na o nakikilahok na sa mga
gawain ng ibang tao gaya ng pagdalo sa isang pagtitipon at programa.
4. Pakikibagay- Sa antas na ito mayroong pagpapakita ng interes o pagkawili sa mga gawain ng ibang
tao kung kaya maaaring ginagawa rin ang nakikitang gawain ng iba gaya ng paglilinis sa sariling
bakuran.
5. Pakikisama- kusang pagsama sa mga gawain ng iba kahit hindi pa lubusang nauunawaan o
nagugustuhan ito gaya ng pakikibahagi sa paglilinis ng kalye ng pamayanan.
6. Pakikipagpalagayang-loob- Nagsisimula sa antas na ito ang pagbubukas ng sarili at pagbibigay ng
tiwala sa kapuwa na makikita sa pagbabahagi ng mga personal na impormasyon ukol sa sarili.
7. Pakikisangkot- Dito maituturing ng isang tao ang kaniyang sarili bilang kalahok o kasama sa
anumang suliranin, layunin, o gawain ng kaniyang kapuwa kung kaya nakikibahagi siya sa mga ito.
8. Pakikiisa- Sa antas na ito, naituturing ng isang tao na siya ay hindi iba sa kaniyang kapuwa at iisa
ang kanilang suliranin, layunin, o gawain. Sa antas na ito, naipakikita ng isang tao ang kaniyang
pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng pakikiramay at pagtulong sa paglutas sa mga surilanin
nito.

Ayon kay Enriquez, may dalawang kategorya ang ating pakikipagkapuwa na maaaring matukoy ayon
sa antas ng pakikipag-ugnayang ginagawa mo sa kanila.

2|Page
Mayroong kategorya ng “ibang tao” kung saan nakikitungo ka nang walang komitment sa pangkat at
maaaring hindi mo gaanong nauunawaan ang kanilang mga ginagawa o layunin.
Ang mga taong ito ay itinuturing na “iba” hindi dahil sa sila ay mas mataas o mas mababa kaysa sa
iyo, kundi dahil sila rin ay hindi pa ganap na kabilang sa pangkat ng mga tao na iyong
pinagkakatiwalaan.
Ang ikalawang kategorya ay tinatawag na “hindi ibang tao” sapagkat dito ay ipinapalagay na ang isang
tao ay talagang kabilang na sa pangkat at nakikiisa sa damdamin at kaisipan ng pangkat.
Sa kategoryang ito kabilang ang pamilya at ang mga matatalik na kaibigan.
Sa huling antas na ito, ang kapuwa ay nasa kategoryang “hindi ibang tao.”

Gawain 1
Panuto: Isulat sa ibaba ang mga taong tinutukoy mula sa pinakamalapit hanggang sa
pinakamalayo. Sa tapat ng bawat isa, isulat kung paano mo siya itinuturing upang
masagot ang tanong na “Sino siya para sa akin”?. Maaaring maglista ng inyong mga
naiisip, damdamin, o ikinikilos sa harap ng taong ito o kapag kasama siya.
(Halimbawa: Pamilya- pinakamahalaga sa akin, mahal ko, inaalagaan at tinutulungan ko)

Gawain 2 Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gamitin ang patlang para sa
iyong sagot.
1. Ano ang etikal na pagpapakahulugan sa konsepto ng pakikipagkapuwa? Ipaliwanag ang tatlong
sangkap ng ideyang “mabuhay-para-sa-kapuwa.”
___________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang konsepto ng mg Pilipino sa salitang “kapuwa,” gayundin ang mga antas ng ugnayan
nito.
___________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga paraang ginagamit mo upang paunlarin pa ang iyong pakikipagkapuwa? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Gawain 3

3|Page
Panuto: Kompletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Gamitin ang patlang para sa iyong
sagot.
1. Para sa Pilipino, ang kapuwa ay nangangahulugan ng pagiging ____________________ ng sarili at ng
iba.
2. May walong antas ang pakikipagkapuwa. Ito ay ang _______________, _______________,
_______________, _______________, _______________, _______________, _______________, at _______________.

3. Ang “kapuwa” ay isang ____________ na tumutukoy sa mga tao sa isang panlipunang


________________.

NOTE: Para sa karagdagang tanong o klaripikasyon tungkol sa aralin, maaaring makipag-ugnayan sa


guro gamit ang numerong ito, 0906-726-2941.

SANGGUNIAN:
- Punzalan, T. G., Gonzales, C. C., Marte, N. C., Nicolas, MV. D., (2019) Paano Magpakatao
Batayan at Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8, pp 136-145
-

Inihanda ni: Iwinasto ni:


KAYE JOY S. RODRIGUEZ APPLE L. SIAGAN
Guro Sabyek Koordineytor

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:


REYCHELA C. FORTO JERIC T. VALDEZ
Head, JHS Dept. Punong Guro

Binigyang pansin ni:


NELIA Z- ANGULUAN, PhD
Direktor

4|Page

You might also like