You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA PARA SA KALAGITNAANG TAON SA


ARALING PANLIPUNAN 8
PANUTO: Basahin nang may pang-unawa ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang daigdig ay nahahati sa apat na hating-globo o hemisphere. Anong imahinaryong


guhit ang nasa zero-degree (0°) na naghihiwalay sa Northern at Southern
Hemisphere?
A. Equator B. Latitude C. Longitude D. Prime Meridian
2. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon na isa
sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang klima ng Pilipinas ay tropikal.
B. Islam ang opisyal na relihiyon sa Saudi Arabia.
C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog bahagi ng Taiwan.
D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

3. Anong mahalagang papel ang ginagampanan ng wika sa tao?


A. Ito ang magpapalakas sa kapangyarihan ng mga lider.
B. Ito ay magiging susi sa pagkakaintindihan ng mga tao.
C. Lalong magiging tanyag ang tao kung maraming alam na wika.
D. Yayaman ang kaalaman ng tao kapag maraming alam na wika.

4. Batay sa antas ng pag-unlad ng mga ginamit na kasangkapan ng tao, alin ang


itinuturing na pinakamahabang panahong prehistoriko?
A. Mesolitiko B. Metal C. Paleolitiko D. Neolitiko

5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-


kasaysayan?
A. May klimang tropikal ang mga bansang malapit sa ekwador.
B. Napaliligiran ang Pilipinas ng mga karagatan at kabundukan.
C. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa mga pakinabang na dulot ng
Ilog Nile.
D. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-
daan sa pagtatag ng imperyo.

6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang mga katangian ng Panahong Paleolitiko?


I. May sistema na sila ng pagsusulat.
II. Yari sa metal ang kanilang mga kagamitan sa araw-araw.
III. Pangunahing pinagmumulan ng pangangailangan ang kalikasan.
IV. Nabuhay ang mga tao sa pamamagitan ng pangangaso at pangangalap.

A. I at II B. I at III C. II at III D. III at IV

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

7. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit ipinagawa ni Nebuchadnezzar II ang


Hanging Gardens of Babylon?
A. para sa kaligayahan ng kanyang asawang si Amitis
B. magiging kaakit-akit ang kapaligiran sa labas ng palasyo
C. upang magkaroon ng pasyalan ang mga bibisita sa Babylon
D. upang maranasan ang malamig na klima sa gitna ng disyerto

8. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita ng pagiging nomadiko ng


sinaunang tao?
A. pagkakaroon ng agrikultural na pamayanan
B. palipat-lipat ang mga tao upang maghanap ng pagkain
C. paggawa ng mga tapayan bilang imbakan ng kanilang tubig
D. gawa sa mga pinakinis na bato ang mga kagamitan at sandata.

9. Bakit nagwakas ang kabihasnang Minoan?


A. dulot ng sunog at iba pang natural na kalamidad
B. simula nang dumami ang mga bayan at lungsod
C. nang salakayin ng mga Mycenaean ang isla nila
D. nang sila ay magsimulang makipagkalakalan sa iba

10. Alin sa sumusunod ang mga ambag sa kabihasnan ng Mesopotamia?


I. Code of Hammurabi III. Pyramid
II. Hanging Gardens of Babylon IV. Ziggurat

A. I, II at III B. II, III at IV C. I, II at IV D. I, II, III at IV


11. Bakit naging epektibo ang pangangasiwa ng mga Persiano sa kanilang imperyo?
A. Lalo nitong napalaganap ang relihiyong Zoroastrianismo.
B. Hinati nila ang imperyo sa mga satrapy na pinamahalaan ng mga satrap.
C. Takot ang mga mamamayan sa mga pinuno na namamahala sa imperyo.
D. Nagtalaga ang hari ng Persia ng kanyang mata at tainga sa bawat bayan at
lungsod.

12. Ang mga himnong pandigma, sagradong ritwal, sawikain at mga salaysay ng mga
Hindu ay nakatipon sa isang sagradong aklat. Ano ang tawag sa aklat na ito?

A. Bibliya B. Koran C. Torah D. Vedas


13. Aling kaisipan ang humubog sa kamalayan ng mga Tsino na naglalayong
magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng
pagpapabuti ng tao sa sarili at pagpapahalaga sa pakikipag-ugnayan?
A. Confucianism B. Legalism C. Shintoism D. Taoism

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

14. Ayon sa mga sinaunang Tsino, ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at ang
namumunong Emperador ay Anak ng Langit o Son of Heaven. Ano ang kahulugan
ng konseptong ito?
A. Namumuno siya batay sa mga kautusan na itinakda.
B. Siya ang pinakamabuti sa lahat at itinalaga ng Diyos.
C. Pinili siya ng mga mamamayan na anak ng Diyos upang mamuno.
D. Siya ang pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at
kapayapaan.

15. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga antas o pangkat sa lipunang Ehipto
noong sinaunang panahon?
A. May kanya-kanyang gawain ang mga tao.
B. Walang pagkakapantay-pantay ang mga tao.
C. Watak-watak o walang pagkakaisa ang mga tao.
D. Nakabatay sa kakayahan ang pagpapangkat ng mga tao.

16. Bakit binansagang Biyaya ng Ilog Nile ang Ehipto?


A. Ang Ilog Nile ang pinakamahabang ilog sa buong daigdig.
B. Kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Ehipto.
C. Ang matabang lupa mula sa ilog ang nagpapataba sa mga pananim ng mga
magsasaka.
D. Ang Ilog Nile ay naging daungan ng mga mangangalakal na dumadayo sa
lupain ng Ehipto.

17. Bakit kinilala ng mga arkeologo ang kabihasnang Indus na isang organisado at
planadong lipunan?
A. Maayos ang labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito.
B. Maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan.
C. Hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aagaw sa lugar na ito.
D. Natuklasan ang dalawang lungsod na magkapareho ang sukat ng bloke ng
mga kabahayan.

18. Ang mga tao sa sinaunang kabihasnan ay nakalinang ng sistema ng pagsulat. Kung
ang mga Sumerian ay may cuneiform, ano naman ang tawag sa sinaunang sistema
ng pagsulat ng mga taga-Ehipto na binubuo ng mga larawan at simbolo?
A. Alibata B. Calligraphy C. Hieroglyphics D. Linear A

19. Alin sa sumusunod na palatandaan ang nagpapatunay na naging maunlad ang


pamumuhay ng mga Sumerian?
A. nagkaroon ng mga kanal pang-irigasyon para sa mga sakahan
B. nakapagpatayo ng mga dam at dike upang maiwasan ang pagbaha
C. nakapagpatayo ng mga pyramid para sa mga yumaong mahal sa buhay
D. nagkaroon ng pagawaan ng mga tapayan upang maging imbakan ng tubig at
pagkain

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

20. Bakit sinamba ng mga Olmec ang hayop na Jaguar bagamat kinatatakutan ito noon
sa Central America?
A. May taglay itong lakas ng isip at kapangyarihan.
B. Simbolo ito ng kalakasan, katusuhan, katapangan at kakayahan.
C. Ito ay may kakaibang kagalingan sa paghahanap ng kanyang makakain.
D. Nagpapakita ito ng mga katangian ng pagiging isang makapangyarihang
hayop.

21. Isa sa mga kahanga-hangang ambag ng sinaunang kabihasnan ang mga pyramid.
Bakit ipinatayo ng mga hari ang mga istrukturang ito noong sinaunang Egypt?
A. upang maging sentro ng pagsamba ng mga tao
B. para magsilbing libingan ng mga Paraon at ng kanilang pamilya
C. upang gawing imbakan ng mga aning produkto ng mga magsasaka
D. para magsilbing pagamutan ng mga may sakit na Paraon at ng kanilang
pamilya

22. Naging makapangyarihan ang Simbahan noong Panahong Medieval na nagsagawa


ng mga Krusada sa pagitan ng taong 1095 hanggang 1291. Ano ang pangunahing
layunin ng paglunsad ng mga Krusada?
A. pagpapakilala sa Crucifix
B. pagkakataon na makapaglakbay sa Jerusalem
C. pagbawi sa banal na lupain na nasakop ng mga Turkong Muslim
D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa iba’t ibang panig ng daigdig

23. Ang sumusunod na mga gawain ay nagpapamalas ng pagpapahalaga sa mga


pamanang iniwan ng mga sinaunang kabihasnan. Ano ang pinakamainam na
maaaring gawin?
A. Kilalanin, pag-aralan at tangkilikin ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan.
B. Itago ang mga labi at alaala ng mga kontribusyong ito sa mga museo ng
komunidad.
C. Ilathala ang mga ito sa mga aklat upang patuloy na mapag-aralan ng mga
mag-aaral.
D. Ituring ang mga ito na bahagi ng nakaraan at hindi na angkop sa
makabagong panahon.

24. Ang kabihasnang Minoan ay umusbong noong kalagitnaan ng Panahon ng Bronse


sa pagitan ng 2000 hanggang 1500 BCE sa pulo ng Crete. Ano ang pangunahing
dahilan sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?
A. Sagana ito sa yamang gubat.
B. May matabang lupain ang kanilang lugar.
C. Magagaling na manlalayag ang mga Minoan.
D. Sagana ito sa yamang likas at may masiglang kalakalan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

25. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa


rin sa kasalukuyan?
A. Natutugunan nito ang mga pangangailangan ng tao.
B. Nagdulot ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.
C. Nakadepende sa kalakalan ang pagyaman ng isang bansa.
D. Dito nakasalalay ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura ng isang bansa.

26. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay ng kapakinabangan ng mga pamana ng


sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Ang barter trade ay maituturing pa ring mahalagang uri ng pakikipagkalakalan
sa kasalukuyan.
B. Ang imbensyon ng mga sinaunang Tsino tulad ng papel, compass, at
imprenta ay ginagamit pa rin natin.
C. Marami pa ring tagasunod ngayon ang mga relihiyong naitatag noong
panahon ng mga sinaunang kabihasnan.
D. Ang Cuneiform at Hieroglyphics na madaling unawain ay dapat maging
bahagi sa pagtuturo sa mga paaralan sa kasalukuyan.

27. Ano ang mahihinuha natin mula sa mga istrukturang tulad ng Ziggurat, Pyramid,
Great Wall of China at iba pang naipatayo noong panahon ng mga sinaunang
kabihasnan?
A. Madalas ang digmaan noong sinaunang panahon kaya nagpatayo ng mga
pananggalang sa mga kaaway.
B. Relihiyoso ang mga sinaunang tao kaya nagpatayo sila ng mga bahay-
sambahan at tirahan ng kanilang mga diyos.
C. Malawak at may mataas na antas ng kaalaman sa inhinyeriya, agham at
matematika ang mga tao sa mga sinaunang kabihasnan.
D. Ipinatayo ang mga istruktura upang magsilbing paalala sa mga susunod na
salinlahi ang kadakilaan ng mga sinaunang kabihasnan.

28. Sa sinaunang Greece nakilala ang dalawang magkaribal na lungsod-estado, ang


Athens at Sparta. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa Sparta?
A. May mga kilalang pilosopo rin ang lungsod-estado.
B. Nakadepende sa pakikipagkalakalan ang ekonomiya ng estado.
C. Nagkaroon din ng pagawaan ng barko dahil malapit ito sa dagat.
D. Nakasentro sa pagsasanay pangmilitar ang lungsod-estado ng Sparta.

29. Ang Digmaang Peloponnesian ay labanan sa pagitan ng dalawang kilalang lungsod-


estado noong panahon ng sinaunang Greece, ang Athens at Sparta. Alin sa
sumusunod ang naging pangunahing dahilan ng kanilang digmaan?
A. Sinalakay ng Athens ang Sparta na siyang ikinatalo ng huli.
B. Nagkaroon ng pag-aagawan ang dalawang lungsod-estado sa pamumuno sa
rehiyon.
C. Nais ng dalawang estado na makamkam ang mga kayamanan ng kalabang
estado.
D. Nais ng Sparta na makontrol ang mga nakikipagkalakalan sa buong Dagat
Mediterranean.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

30. Si Solon ay isang kilalang pulitiko ng Athens na naging instrumento sa pagkakatatag


ng demokrasya sa sinaunang Greece. Alin sa sumusunod na pagbabago ang hindi
kabilang sa mga ipinatupad ni Solon sa kanyang panunungkulan sa Athens?
A. Inalis niya ang pagkakautang ng mga mahihirap.
B. Ginawa niyang ilegal ang pagkakaalipin dahil sa utang.
C. Nagsagawa siya ng mga repormang pangkabuhayan.
D. Pinaboran niya ang mga maykaya sa lipunang Athens.

31. Si Socrates ay isa sa mga kilalang pilosopo ng sinaunang Greece. Alin sa


sumusunod ang totoo patungkol sa kanya?
A. Itinuring siyang “Ama ng Matematika”.
B. Ipinahayag niya ang kaisipang demokratiko.
C. Kilala siya sa kanyang matalas na pagtatanong sa kanyang mga mag-aaral.
D. Ipinahayag ang kaisipan ng pagtatatag ng republika bilang pundasyon ng
pamamahala.

32. Ang Twelve Tables o Laws of Twelve Tables ay ang talaan ng mga batas na dapat
sundin ng mga mamamayang Romano na nakasulat sa labindalawa (12) na mga
tabletang bronse. Gaano kahalaga ang mga batas na ito sa buhay ng mga
Romano?
A. Naging proteksyon ito ng mga mamamayan laban sa mapang-abusong
pamamahala.
B. Naging gabay ito sa maayos na kalakalan ng mga negosyante sa imperyong
Romano.
C. Nagbigay-daan ang mga batas na ito sa paglakas ng kapangyarihan ng mga
naging emperador.
D. Naging instrumento ito sa pag-angat ng estado sa buhay ng mga
mamamayang plebeian at patricians

33. Si Gaius Julius Caesar ay kabilang sa unang Triumvirate ng Rome kasama sina
Gnaeus Pompeius Magnus at Marcus Licinus Crassus. Alin sa sumusunod ang
hindi totoo tungkol kay Julius Caesar?
A. Itinatag niya ang Republikang Romano.
B. Hinirang siyang diktador panghabangbuhay.
C. Bilang kasapi ng unang Triumvirate, napalawak niya ang hangganan ng
Rome.
D. Sa pagtawid niya sa ilog ng Rubicon natanyag ang katagang “passing a point
of no return".

34. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkapanalo sa Digmaang Punic o Carthaginian War
laban sa Carthage?
A. Naisakatuparan ang pananakop sa iba pang karatig-bansa.
B. Napagpasyahan nila kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
C. Naging sentro ng kalakalan at kabihasnan ang bansang mananalo.
D. Nagkaroon ng kalayaan ang mga Phoenicians laban sa mga Romans.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

35. Alin sa sumusunod na kaganapan ang naging epekto ng Digmaang Peloponnesian


sa Greece?
A. Nasakop ng Sparta ang Thebes.
B. Nasakop ng Macedonia ang Greece.
C. Umunlad ang astronomiya ng Greece.
D. Naranasan ng Greece ang Ginintuang Panahon.

36. Bakit itinuring na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Romano?


A. Naging malawak ang kapangyarihan ng mga Romano.
B. Nagsilbing modelo ang mga Romano sa mga Griyego sa kanilang
kabihasnan.
C. Ang sibilisasyong Romano ang naging daan sa pagbuo ng iba pang
kabihasnan.
D. Nakapag-ambag sila sa modernong wika, teknolohiya, batas, politika,
gobyerno, arkitektura, inhinyeriya, at iba pa.

37. Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagbagsak o pag-abandona ng mga Maya
sa kanilang lugar noong ikawalong siglo CE?
I. pagkasira ng kalikasan II. patuloy na digmaan
III. pagputok ng bulkan IV. pagbagsak ng produksyon ng pagkain

A. I, II at III B. I, II at IV C. II, III at IV D. I, III at IV


38. Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean sa Greece?
A. Lumakas ang imperyong Greek.
B. Humina ang kabihasnang Greek.
C. Nagpatuloy ang pag-unlad ng Greece.
D. Naranasan nito ang Dark Ages o ang Panahon ng Karimlan.

39. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging resulta ng paninindak at


pagsasakripisyo ng mga tao o human sacrifice sa ilalim ng pamamahala ng mga
Aztec?
A. Sinamba nila si Huitzilopochtli.
B. Nanlaban ang mga dayuhang sinakop.
C. Nakontrol at napasunod nila ang mga karatig-lugar.
D. Nagbigay ng tribute o buwis ang mga nasakop na lugar.

40. Sa pagdating ni Hernando Cortez sa Mesoamerica noong taong 1519, ano ang
idinulot nito sa kabihasnang Aztec?
A. Ito ay nagbigay-wakas sa kulturang Aztecs.
B. Nagkaroon ng epidemya sa lupain kung saan maraming namatay.
C. Lumaki ang kanilang populasyon dahil sa pag-aasawahan ng mga Kastila at
mga katutubo.
D. Nakipagdigmaan sila sa mga katutubong Inca kung saan nanaig ang mga
katutubong pinuno.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

41. Alin sa sumusunod na larangan ang binigyang-pansin ni Mansa Musa sa kanyang


pamamahala sa Imperyong Mali?
A. pag-unlad ng ekonomiya
B. pagpapahalaga sa karunungan
C. pagbuti ng sistema ng pamamahala
D. pagbilis ng sistema ng transportasyon

42. Alin sa sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa katangian ng sinaunang


kabuhayan ng mga tao sa mga pulo sa Pacific?
A. Pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa Pacific.
B. Naninirahan ang mga tao sa mga isla malapit sa mga lawa o dagat-dagatan.
C. Pagsamba sa kalikasan ang pangunahing paniniwala ng mga tao sa mga
pulo ng Pacific.
D. Pinaniniwalaan ng mga sinaunang mamamayan sa mga pulo ng Pacific ang
banal na kapangyarihan o mana.

43. Ano ang kaugnayan ng heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at


Songhai sa pag-unlad ng kanilang nasasakupan?
A. Umunlad ang pagsasaka dahil napalilibutan sila ng mga anyong tubig.
B. Ang disyerto ng Sahara ay nakatulong upang madaling masakop ang mga
kaharian.
C. Ang disyerto ang nagsilbing tagapamagitan ng kalakalan ng ginto at iba pang
produkto.
D. Ang lokasyon ay nakatulong upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan
mula sa mga banta ng mga mananakop.

44. Sa pagbagsak ng imperyong Romano, ang Simbahang Latin ay may mahalagang


papel na ginampanan. Alin sa sumusunod ang naging papel ng simbahang Katoliko?
A. Sa simbahan itinago ang armas ng mga Romano.
B. Ang mga pari ng simbahan ang nakipaglaban sa mga mananakop na
barbaro.
C. Ang simbahan ang naging kanlungan at tagapagtanggol ng mga tao sa mga
kaaway.
D. Nagpatuloy ang pagsasagawa ng mga sakramento ng mga pari sa mga
bayan at lungsod.

45. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa kalagayan ng mga serf sa


panahon ng Piyudalismo sa Europe?
I. Nakatira sila sa maliliit at maruruming silid.
II. May tinatamasa silang karapatan at kalayaan.
III. Wala silang pagkakataon na umangat sa buhay.
IV. Makakapag-asawa lamang sila sa pahintulot ng lord.

A. I, II at III B. I, III at IV C. I, II at IV D. I, II, III at IV

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

46. Sa Panahong Medieval, isa sa mga mahahalagang pangyayari ay ang paglakas ng


Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ay ang paglakas ng kapangyarihan ng
Kapapahan. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?
A. Papa ang kasalukuyang tawag sa Ama ng mga Kristiyano.
B. Ang kapangyarihang politikal ng Vatican ay nasa kamay lamang ng Papa.
C. Sinasaklaw nito ang mga tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.
D. Ang malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong
Medieval ay sinisimbolo ng Kapapahan.

47. Paano nakatulong ang Sistemang Piyudalismo sa pagpapanatili ng kapayapaan


noong Kalagitnaang Panahon sa Europe?
A. Naitatag ang mga hukumang-bayan.
B. Nakipagkasundo ang pinunong-bayan sa mga barbaro.
C. Ang Sistemang Piyudalismo ang nagpaunlad sa kabuhayan ng mga tao.
D. Nagbigay-proteksiyon ang sistema sa mga mamamayan laban sa mga
mapanakop na barbaro.

48. Ang Holy Roman Empire ang pinakamalaking estado sa Europe na itinatag noong
800. Binubuo ang imperyo ng mga kaharian ng Germany kabilang ang mga katabing
kaharian ng Italy at Burgundy. Kadugtong ito ng Roman Empire na pinamumunuan
ng isang Holy Roman Emperor. Alin sa sumusunod ang katangian ng imperyo?
A. Nagkaisa ang relihiyon at politika sa isang sentralisadong pamamahala.
B. Hinirang si Charlemagne bilang tanyag na emperador ng Holy Roman
Empire.
C. Natalo nila ang mga manananakop na Muslim sa mga kaharian dahil sa
imperyo.
D. Dito nagsimula ang Medieval Period sa kasaysayan ng makabagong Roman
Empire.

49. Ang guild system ay itinatag noong ika-14 hanggang ika-15 na siglo sa Europe. Alin
sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa guild system noong Gitnang
Panahon?
A. Napaunlad nito ang agrikultura sa mga bayan.
B. Napalawak ang sistemang piyudal sa mga bayan.
C. Naitatag ang samahan ng mga nagtatrabaho na may magkakatulad na
hanapbuhay.
D. Naipalaganap ang samahan ng mga mangangalakal sa mga pamilihang
bayan sa Europe.
50. Paano nakatulong sa mga mamamayan ang paglago ng mga bayan at lungsod
noong Gitnang Panahon?
A. Napabuti ang antas ng kalagayan sa buhay at kabuhayan ng mga tao.
B. Nagkaroon ng mataas na antas ng teknolohiya na ginamit sa mga tahanan.
C. Napabilis ang sistema ng transportasyon sa pagkakaimbento ng tren sa mga
lungsod.
D. Nagkaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa pamamagitan ng
malawakang pakikilahok ng mga mamamayan.

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

ANSWERS KEY
1. A 11. B 21. B 31. C 41. B
2. D 12. D 22. C 32. A 42. A
3. B 13. A 23. A 33. A 43. D
4. C 14. D 24. D 34. C 44. C
5. C 15. B 25. A 35. B 45. B
6. D 16. C 26. B 36. D 46. C
7. A 17. D 27. C 37. B 47. D
8. B 18. C 28. D 38. D 48. A
9. A 19. A 29. B 39. C 49. C
10. C 20. B 30. D 40. A 50. A

Sanggunian

Aklat:
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig, pahina 10 - 259

Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 • Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like