You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BIÑAN CITY
JACOBO Z. GONZALES MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MAHABANG PAGSUSULIT


Araling Panlipunan 8
SY 2022-2023

Panuto: Alin ang tinutukoy sa Hanay A? Piliin ang titik ng tamang sagot sa Hanay B.

A B.
1. Pag- aaral ng katangiang pisikal at kultural ng daigdig A. mantle
2. Estruktura ng daigdig napakainit kaya malambot at B. heograpiya
natutunaw ang ilang bahagi nito C. kontinente
3. Pamilya ng wika ang kinabibilangan ng Pilipinas D. Austronesian
4. Nagtuturo ng pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao E. Wika
5. Pinakamalaking bahaging lupa F. Karagatan
6. Ito ay nagsisilbing susi sa pagkakaunawaan. G. nomadiko
7. Tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook H. lugar
8. Pinakamalaking bahaging tubig I. apoy
9. Walang permanenteng tirahan at palaging lumilipat ng lugar J. heograpiyang
10.Pinakamahalagang tuklas sa panahon ng Paleolitiko pantao

TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto. Kung ang pahayag ay mali baguhin
ang nakasalangguhit na salita.

11. Industriya ang pangunahing hanap-buhay ng mga


sinaunang tao sa panahong pre-historiko.
12. Nanirahan malapit sa ilog-lambak at nagsimulang magtanim at mag-alaga ng hayop.
13. Ang kahulugan ng Mesolitiko ay Panahon ng Bagong Bato.
14. Ang Mesopotamia ang tinagurianang pinakamatandang kabihasnan sa daigdig.
15. Ang sinaunang kabihasnan ay umusbong sa kontinenteng Asya, Africa at
Amerikano malapit sa mga lambak-ilog.

Aytem 16-20
Piliin mula sa loob ng kahon ang angkop na pangyayaring tumutukoy sa kondisyong heograpiko ng
sinaunang kabihasnan. Isulat ang titik ng tamang sagot

A. Dahil sa ang rehiyon ay inihihiwalay ng mga kabundukan ng Himalayas,


Karakuran at Kush ay nakaranas ito ng pagsalakay at pandarayuhan.
B. Ang pagapaw ng Huang Ho River ay nagdulot ng pataba sa lupa na
mainam sa mga pananim subalit ang pagiging patag naman nito ang
madalas daanan ng baha.
C. Ang malawak na lupaing dinadaluyan ng Tigris at Euphrates ay walang
likas na hangganan kaya naman mahirap ipagtanggol sa mga karatig na
lugar.
D. Ang taunang pag-apaw ng ilog Nile ay nagbigay daanupang makapagtanim
ang mga magsasaka sa lambak-ilog.
E. Matabang rehiyon ng lupain sa Kanlurang Asya na kinaroroonan ng
Mesopotamia

16. Ehipto : ________ 19. Mesopotamia: ____________


17. Indus: ___________ 20. Tsina: _____________
18. Fertile Crescent: __________
Tukuyin kung saang sinaunang kabihasnan umusbong ang mga sumusunod na
kontribusyon.Isulat sa patlang ang M kung mula sa Mesopotamia, I kung mula sa Indus, T kung
mula sa Tsina at E sa Ehipto.
21. Cuneiform 26. Ayurveda
22. Great Wall of China 27. Sewerage system
23. Code of Hammurabi 28. Ziggurat
24. Taj Mahal 29. Epic of Gilgamesh
25. Mummification 30. Arthasastra

31. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia ang ipinagawa ni Nebichadnezzar para sa
kaniyang asawa at itinuturing na Seven Wonders of the Ancient World sa
kasaysayan ng daigdig?
A. Alexandria B. Hanging Garden C. Pyramid D. Ziggurat

32. Bakit ipinatayo ni Shi Huang Di ang Great Wall of China?


a. Magsilbing sentro ng turismo sa bansa.
b. Upang gawing libingan ng mga prominenteng tao tulad ng Pharoah.
c. Tanggulan laban sa pananalakay ng mga barbarong nomadiko.
d.Ihiwalay ang Tsina sa iba pang mga karatig bansa.

33. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakinabangan din
sa kasalukuyan?
a. Nakasalalay lamang sa agrikultura ang pagyaman ng bansa.
b. Ang kalakalan ay dahilan ng pagkalugi ng mga Pilipino.
c. Napananatili ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.
d. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat tao o bansa.

34. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabangang ang mga pamanang handog ng
sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Limitado ang naiwan na pamana ng Kabihasnang Olmec dahil sa pagnakaw ng kayamanan at
pagkasira ng mga estruktura nito.
B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel,compass,kalendaryo,medisina,orasan,
matematika,pagembalsamo at pagsulat sa kasalukuyang pag-aaral.
C. Madaling maunawaan ang cuneiform at heirogliphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa
kasalukuyan.
D. Umanib sa mga relihiyonng itinatag noong panahon ng sinaunang kabihasnan ng daigdig.

35. Ang bawat kabihasnan ay nag-iiwan ng makabuluhang pamana sa kanilang panahon tulad ng pagsulat,
pamamahala, mataas na antas ng teknolohiya, ekonomiya at arkitektura. Mula sa pagiging lagalag ay
nagsimula magtayo ng pamayan at pamahalaan. Natuto sa hamon ng kalikasan upang makapagpatuloy.
Lumikha ng ibat ibang kagamitan sa pamayanan at nagkaroon ng sistema ng pagsulat. Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng wastong
buod ng pahayag?
A. Ang mga sinaunang tao ay may mataas na kaalaman sa pamamahala at
pagpapaunlad ng pamayanan.
B. Pinatunayan nito na ang mga sinaunang tao ay mayroong kakayahan na
harapin ang hamon ng buhay.
C. Ang mga sinaunang tao ay likas na taga-gubat kaya nakapanatili ng matagal
sa kanilang panahon.
D. Ang kanilang pamana ay naging batayan ng hinaharap upang makapagpatuloy
at paunlarin pa ang kanilang pamumuhay.

You might also like