You are on page 1of 5

Group 1 Ang Pag-Usbong ng Renaissance

Historical Mapping
1. Basahin ang inyong paksa, suriin ang mapa ng Italya.
2. Gamit ang mapa ng Italya ipaliwanag bakit sa Italya sumibol
ang Renaissance.
3. Magbigay ng 3 paliwanag isulat ito sa mga bond paper at
idikit sa mapa ng Italya
4. Mag- assign ng 2 tagapagsalita.
5. Gayahin ang pormat sa ibaba
Group 2: Ang Sining at Panitikan
Literature Analysis
1. Basahin ang inyong paksa.
2. Ipakilala ang ang mga humanista sa larangan ng Sining at
panitikan at ang kanilang mga akda o isinulat gamit ang chart
sa ibaba.
3. Kopyahin ang chart sa manila paper
4. Mag- assign ng 2 tagapagsalita.

HUMANISTA SA AKLAT NILALAMAN at

SINING AT TANYAG NA LINYA
PANITIKAN NG ISINULAT?
1.
2
3
4
5
6
Group 3: HUMANISTA SA LARANGAN NG PINTA
Art Gallery
1. Basahin ang inyong paksa.
2. Ipakilala ang mga “obra maestra” o likha ng mga humanista
sa pinta gamit ang scenario ng nasa isang ART GALLERY
3. Gumawa ng Introductory speech---Isulat ang mga Humanista
at deskripsyon ng kanilang obra maestra sa papel bilang
gabay sa pagpapakilala ng kanilang mga likhang sining.

GROUP 4: HUMANISTA SA LARANGAN NG AGHAM

MEET AND GREET

1. Basahin ang inyong paksa.

2. Ipakilala ang mga tanyag na scientist sa panahon na ito gamit ang
MEET and GREET scenario.
3. Mayroong gaganap bilang mga scientist at ipakikilala ang kanilang
ambag o likha.
4. Mag-assign ng mga miyembro sa bawat tauhan.
5. Maaaring gamitin ang mga gamit na makikita sa silid-aralan bilang
props.
ANG PAG-USBONG NG RENAISSANCE

Nagsimula ang Renasimyento sa Italya at kumalat ang ideya nito sa ibang mga bansa sa Europa. Maraming

dahilan kung bakit ito sumibol sa Italya. Una, ang Italya ang sentro ng Imperyong Romano. Naging madali para sa mga

patron ng sining at mga manunulat na buhayin ang mga istilo ng sinaunang kabihasnan.

Ikalawa, matatagpuan ang Italya sa pagitan ng Kanlurang Europa at ng Kanlurang Asya. Dahil sa estratehikong

lokasyon nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipag- kalakalan sa mga bansa sa Asya. Ang mga

lungsod ng Florence, Venice, at Milan ay nag-silbing tagpuan ng mga mangangalakal. Bunga nito, ang mga lungsod-

estado sa Italya ang naging sentro ng kalakalan sa' Mediteraneo. llan sa mga ruta sa Hilagang Europa, mga ilog sa pagitan

ng Dagat Baltic at Dagat Itim at Constantinople sa gawing timog ang nagbukas upang bigyang-daan ang malawakang

kalakalan.

Ikatlo, ang suporta at pagtataguyod ng mayayamang maharlikang angkan tulad ng Medici, Sforza, at Montefeltro

na nag-anyaya sa mga alagad ng sining upang pag-ibayuhin ang pag-aaral sa mga unibersidad.

You might also like