Dahil sa pag unlad ng agrikultura bunga ng mga pagbabago sa
kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong ika-11 hangang Ika-12 siglo, umunlad ang mga ito bilang sentrong pangkalakalan at pananalapi sa Europe. ANG PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Monopolisado rin ang hilagang Italy ang kalakalang sa Asya at
Europa. Ilan sa mga lungsod-estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Mantua, Ferrara, Bologna, at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay sa lupa kundi sa kalakalan at industriya. ANG PAG-USBONG NG RENAISSANCE
Sa katunayan, kung nangangailangan ng pera ang Papa, hari o
panginoong maylupa, nanghihiram sila sa mga mangangalakal at banker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florence ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker. BAKIT NGA BA SA ITALY UMUSBONG ANG RENAISSANCE? 1. Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na sinilangan ng Renaissance ang Italy, ay magandang lokasyon nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe. 2. Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmang bansa sa Europe. BAKIT NGA BA SA ITALY UMUSBONG ANG RENAISSANCE? 3. Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral. 4. Mahalagang papel ang ginampanan ng mga unibersedad sa italya, naitaguyod ng at napanatiling buhay ang kulturang klasikal at ang mga teolohiya at pilosopiyang kaalaman ng kabihasnang Griyego at Romano.