You are on page 1of 2

Ang Mga Krusada ay isang sunod sunod ng digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon na

itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 1096–1273, karamihan nito ay pinagtibay


ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi
ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain" mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod
bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula
kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenos upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk
Turks sa Anatolia.
Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095.
Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. ang ikalawang Krusada
naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na
Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito, sila ay si Haring Richard I ng Great
Britain, haring Philip II ng France at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat
na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng
mga Venezio sa Pagsalakay sa Constantinople noong 1203–1204 na ikinahina ng Silangang Imp.
Romano (Imperyong Bizantion). Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang
ng sinakyan nilang barko at ipnagbili bilang mga alipin.
Ang layunin ng mga krusada ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa
ng mga hukbo ng mga Kristiyano at Muslim ay nag-iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang
pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano. Nabigo rin ang mga Kristiyanong nagkrusada
na magtatag ng mga permanenteng Kahariang Kristiyano sa Herusalem.

Si Marco Polo (15 Setyembre 1254, Venice, Italya; o Curzola,


Benesyanong Dalmatia na Korčula, Croatia sa kasalukuyan — 8 Enero 1324, Venice) ay isang
mangangalakal na taga-Venice at eksplorador na, kasama ang kanyang tatay na si Niccolò at tiyuhing
si Maffeo. Siya ang naging unang taga-Kanlurang naglakbay sa Daanang Seda sa Tsina (na tinawag
niyang Cathay). Dinalaw niya ang Dakilang Khan ng Imperyong Mongol na si Kublai Khan (apo
ni Genghis Khan). Isinulat ang kanyang mga paglalakbay sa Il Milione ("Ang Milyon" o Ang mga
Paglalakbay ni Marco Polo).
“Ang panahon ng renaissance”
*Pag-usbong ng renaissance*
Sa pag-unlad ng agrikultura ,bunga ng mga pagbabago sa kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim
umunlad ang produksyon sa Europe noong “middle ages” . dahil dito lumaki ang populasyon at dumami
ang pangangailangan ng mga mamamayanan na matutugunan naman ng maunlad
na kalakalan.ang mga lungsod-estado sa hilagang Italy ang nakinabang sa kalakalan .noong ika-11
hanggang ika-12 n sigalo umunlad iot bilang sentrong pangkalakalanat pananalapi sa Europe.ilan sa
mga lungsod-estado na umusbong ay ang Milan, lorence, Venice, Mantua, Ferrara, Padua, Bologna at
Genoa.
*Pamilyang Medici*

Sila ay mga mangangalakan at banker kaya sila ay yumaman at nakilala sa europoe bilang
mga duke. Sa pamilyang ito nagmula ang tatlong papa sina “Leo V”, “Clement VII”, at “Leo XI”, at
dalawang reyna sina “Catherine” at “Marie”. Mahalaga ang nagging papel ng Pamilyang medici sa
pagpapalaganap ng “renaissance” sa pamamagitan ng pagtatayo ng pampublikong aklatan,
pagsuporta sa mga pintor at eskultor.
*Ang Humanismo*

Si Francisco Petrach ang tinaguriang “ama ng humanismo” . pinagtuunan nya ng pansin


ang iniisip at nararamdaman ng mga roman.ang Humanismo ay kilusang intelektuwal noong panahon
ng renaissancena naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at
rome . ang nag-aaral sa klasikal na sibilisasyon ng Greece at rome ay tinaawag na “humanist o
humanista” mula sa salitang Italian na nangangahulugang “guro ng humanides”
“Mga ambag sa renaissance sa iba’t-ibang larangan”
*Politika*

Ang Europe ay kinakitaan ng paglalabanang political. Ang naglaban-laban para sa


pamumuno ay ang papa, emperador, at ang mga pinuno ng France at Spain. Sa larangang political ay
nakilala rin si Niccolo Machiavellie ang sumulat ng “The Prince”. Sa aklat na ito ,nagbigay siya ng mga
mungkahi kung paano mamuno ng epektibo. Sa medaling salita ang pamamaraan ng pinuno ,ano man
ang anyo nito ay nagiging mabuti kung mabuti ang kanyang hangarin para sa nasasakupan.sa wikang
ingles tinawag itong ‘The end justifies the means”.

Ang Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na naniniwalang ang bansa ay mapayayaman


sa pamamagitan ng pagpigil sa pang-angkat at pagsuporta sa pag-export. Sumikat ito noong 16th
century sa Western Europe. Ang layunin ng Merkantilismo ay magkaroon ng balance sa pangangalakal
na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at magpapanatili ng domestic employment.

Dahil dito, naging napakayaman ng mga mangangalakal at producer tulad ng British East India
Company na pinrotektahan ng estado sa mga layunin at aksyon nito.

Ang nasyonalismo ay isang katangian na dapat taglayin ng isang tao.


Ito ay tumutukoy sa pagmamahal at pagmamalaki sa sarili mong bayan o pagiging makabayan.
Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
(a) Paggalang sa Lupang Hinirang
(b) Pagbibigay parangal sa bansa ( Manny Pacqiuao )
(c) Pagbili ng mga bagay na saraling bansa
(d) Pagmamano bago o pagdating ng bahay.

You might also like