You are on page 1of 8

PANGKATANG PAGSUSURI PATUNGKOL SA GLOBAL WARMING

GROUP 7

10 – DANIEL

Sonza, Michael Angelo

Vitug, Kendrick

Mallo, Jersey

Liam, Geraldine

Liam, Danica
“Antas ng kamalayan ng mga mag-aaral ng Saint John Academy ukol sa suliraning Global Warming

Abstrak

Ang pananaliksik na ito ay tatalakay hinggil sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa sanhi, epekto at

solusyon sa suliraning Global Warming. Naglalayon ang pananaliksik na malaman ang kabuuang antas ng

mga mag-aaral sa kursong engineering hinggil sa usaping Global Warming. Gumamit ng mga talatanungan

o questionnaire sa pangangalap ng datos.

INTRODUKSYON

Ang paiba-iba ng temperatura sa mundo ang nagiging sanhi ng Global Warming. Ayon sa artikulo,

ang pag-iinit ng daigdig (o global warming sa ingles) ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng temperatura

ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada.

Ayon sa mga nabasang artikulo, marami ang epekto nito sa mundo hindi lang sa atin pati sa mga

hayop o ibang nilalang na naninirahan rito. Ayon sa pananaliksik ni John Joshua Chan isang Bs

Architecture, ito daw ay naging napakagandang balita noon sa mga taong naninirahan sa hilaga. Hanggang

sa matuklasan ng mga eksperto at ng mga siyentipiko noong taong 1960 ang pangmatagalang masamang

epekto nito sa pagkain at sa mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan. Isa sa mga nakakaalarmang

epekto nito ay ang pagtaas ng sealevel. Hindi naman lingid sa ating kaalaman, ang Pilipinas ay isang maliit

na bansa lamang kung ikukumpara sa ibang bansa, napapalibutan rin tayo ng mga anyong tubig isa rito ang

pinakamalaking karagatan sa mundo, ang Pacific Ocean. May posibilidad na matunaw ang mga yelo mula

sa hilaga at timog Antartica at mapunta sa atin ang mga tubig mula rito. Kung ito man ay mangyari marami

ang mapipinsala at isa na rito ang pangunahing pangangailangan ng tao ang kabuhayan.
KATAWAN NG SANAYSAY

Dahil sa problemang kinakaharap ng mundo, ‘di lamang ng ating bansa ay hindi malayong

mangyari ang nakasaad sa banal na kasulatan na ang katapusan ng mundo. Subalit wala paring

ginagawang aksyon ang mga tao. Hindi ang “Amang Lumikha” ang sisira sa mundo, ang mga tao na

mismo ang sumisira sa sariling mundo. Dahil sa suliranin, natitiyak nan g nakakarami na nalalapit na ang

katapusan ng mundo. Kontrobersyal ang isang prediksyon sa taon 2012 na isinapelikula pa. Subalit hindi

lamang ito isang pelikula na kung saan ay hindi magkakatotoo subalit para saamin ay hindi lamang ito

isang pelikula kundi ito ay isang babala saatin na kung hindi tayo kikilos para sa mundo patuloy ito sa

pagkasira at kung ito man ay mangyari siguradong wala ng makakaligtas. Kaya’t hanggang maaga ay

dapat mamulat na sa katotohanan na kung wala tayong gagawin na kilos para sa mundo ay guguho ito at

mawawalan tayo ng tinatawag na tahanan. Ayon pa nga sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Mahalaga ang gagampanang papel ng kabataan sa kasalukuyang

panahon dahil tayo ang nakatakdang mamuno sa ating lipunan sa mga susunod pa na taon.
RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay maglalahad ng mga naging resulta o kinalabasan ng

isinasagawang pag-aaral mula sa naging kabuuang proseso ng pagkalap ng datos at impormasyon. Ang

kabanatang ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ilalahad sa unang bahagi ang kabuuang antas ng kamalayan

ng mga mag-aaral ng Saint John Academy hinggil sa sanhi ng suliraning Global Warming. Sa ikalawang

bahagi naman ay maipakikita ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa mga posibleng epekto

ng suliranin at sa huling bahagi ay magpapakita ng antas ng kamalayan ukol sa mga solusyon o paraan sa

pagsugpo sa suliranin.

I. Profayl ng Respondent

Respondente Frequency Percentage

Babae 17 68%

Lalaki 8 32%

Kabuuan 25 100%

Ipinakikita sa talahanayan sa itaas na mas marami ang bilang ng babae kumpara sa lalaki.
II Antas ng Kamalayan Ukol sa Sanhi ng Suliraning Global Warming

Sa bahaging ito mailalahad ang antas ng kamalayan ng mga piling mag-aaral ukol sa sanhi o dahilan ng
pagkakaroon ng suliraning Global Warming.

Nilalaman ng kurso Weighted


Description
Mean
1. Ang mga tao ang may kagagawan kaya nagkaroon ng Global Warming. Mataas ang
3.60
kaalaman
2. May kontribusyon ang paninigarilyo sa pagkakaroon ng Global Warming. Mataas ang
3.28
kaalaman
3. Sanhi ng Global Warming ang hindi mapigilang paglawak ng populasyon. Mataas ang
3.40
kaalaman
4. Ang pagsunog ng mga basura lalo na ang plastik ay may kontribusyon sa Mataas ang
3.40
paglaganap ng suliraning Global Warming. kaalaman
5. Sanhi ng Global Warming ang iligal na pagputol ng mga puno at pagkalbo Hindi mataas
3.12
ng ating mga kagubatan. ang kaalaman
6. Ang paglaganap ng makabagong teknolohiya ay sanhi ng Global Mataas ang
3.92
Warming. kaalaman
7. Ang mga mayayamang bansa tulad ng ng Amerika ang siyang may Mataas ang
3.84
pinakamalaking kontribusyon sa paglaganap ng suliraning Global Warming. kaalaman
8. Ang pangunahing sanhi ng Global Warming ay ang parami ng paraming
Hindi mataas
konsentrasyon ng mga gas tulad ng Carbon dioxide, methane, nitrous 3.8
ang kaalaman
oxide, chloroflourocarbons at ozone na naiipon sa atmospera.
9. Ang “greenhouse gases” ay dala ng polusyon mula sa iba’t- ibang gawain Hindi mataas
3.12
ng tao sa mundo, gaya ng mga pagawaan (factories), at coal- mining. ang kaalaman
TOTAL 3.4977

Ipinakikita sa talahanayan sa itaas na bahagyang mataas ang kaalaman ng mga estudyante sa Saint John’s
Academy patungkol sa isyu ng global warning. May iilang hindi mataas ang kaalaman ngunit mas marami
parin ang may kamalayan sa isyung global warming.
III. Antas ng Kamalayan Ukol sa mga Posibleng Epekto ng Suliraning Global Warming

Ang naunang bahagi ay tumutukoy sa kamalayan patungkol sa mga sanhi o dahilan ng pagkakaroon
ng suliraning Global Warming. Ang bahagi naman na ito ay kumakatawan sa kamalayan patungkol sa mga
posibleng epekto ng suliranin.
Nilalaman ng kurso Weighted
Description
Mean
1. Maraming tao na ang namatay dahil sa Global Warming. Hindi mataas ang
3. 24
kaalaman
2. May kinalaman ang Global Warming sa pagkaubos ng ibang Mataas ang
3.28
hayop at mga pananim. kaalaman
3. Epekto ng Global warming ang nararanasang pagkagutom ng Hindi mataas ang
2.88
maraming tao. kaalaman
4. Ang pagbago bago ng klima o climate change ay epekto ng Hindi mataas ang
3.12
Global Warming. kaalaman
5. Nakaaapekto ang Global Warming sa ating Kalikasan. Hindi mataas ang
3.20
kaalaman
6. Kasali ang bansang Pilipinas sa bansang naapektuhan ng Hindi mataas ang
3.20
suliraning Global Warming. kaalaman
7. Ang paglaganap ng mga sakit tulad ng Dengue at Malaria ay Hindi mataas ang
2.80
kagagawan ng Global Warming. kaalaman
8. Makaaapekto ang Global Warming sa mga susunod pang Hindi mataas ang
3.20
henerasyon. kaalaman
9. Panipis ng panipis ang ozone layer na siyang pumoprotekta sa Hindi mataas ang
3.12
mundo mula sa direktang sikat ng araw. kaalaman
TOTAL 2.76

Ipinakikita sa talahanayan sa itaas na hindi mataas ang kaalaman patungkol sa mga epekto ng
global warming. Marami ang walang may kamalayan patungkol rito.

Kapansin-pansin sa talahanayan sa itaas na wala man lang nakakaalam ang mga estudyante sa mga
nagiging epekto ng global warming sa mundo. Wala silang ideya patungkol rito.
IV.Antas ng Kamalayan Ukol sa mga Posibleng Solusyon sa Suliraning Global Warming

Sa bahaging ito naman mailalahad ang kabuuang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa
mga solusyon sa suliranin.

Nilalaman ng kurso Weighted Mean Description


1. Ang pagbubukod ng basura sa nabubulok at ‘di nabubulok ay Mataas ang
3.84
makatutulong sa pagsugpo ng Global Warming. kaalaman
2. Ang simpleng pagtitipid ng tubig ay makatutulong upang Mataas ang
3.92
masolusyonan ang suliranin. kaalaman
3. Ang pagrerecycle ng mga bagay na maaari pang gamitin ay Hindi mataas
3.8
makatutulong. ang kaalaman
4. Malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng mga puno. Mataas ang
3.76
kaalaman
5. Malaki ang magagawa ng paghihikayat sa ibang tao ukol sa Mataas ang
3.64
pagtitipid at pagtatanim ng puno. kaalaman
6. Ang pagbibisikleta ay makatutulong sa kalusugan at sa suliraning Mataas ang
3.52
Global Warming. kaalaman
7. Ang pag patay ng mga kagamitan kung hindi ginagamit ay Hindi mataas
3.6
makatutulong ang kaalaman
8. Mainam sumali sa mga organisasyon na naghahangad ng Mataas ang
3.72
kalinisan. kaalaman
9. Disiplina sa sarili ang kailangan upang masolusyunan ang Mataas ang
3.68
suliranin kaalaman
TOTAL 3.72

Makikita sa talahanayan sa itaas na mataas ang kaalaman nila upang mapanatiling maayos ang
mundo. Ibig sabihin na lamang nito ay may alam sila kung papaano nila maiiayos ang mundo ng sa
gaanon hindi na magtuloy tuloy ang problemang ito.
KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Mula sa mga datos at resultang nakalap ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa sanhi ng suliraning Global Warming ay nakakuha ng
pangkalahatang weighted mean na 3.12 at deskripsyong hindi mataas ang kaalaman. Naipakita ng
pananaliksik kung ano ang mga sapat na kaalaman at kung anong suliraning mayroon ang ating
kapaligiran.

2. Ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa posibleng epekto ng suliraning Global Warming ay
nakakuha ng pangkalahatang weighted mean na 3.11 at deskripsyong hindi mataas ang kaalaman . Ipinakita
ng pananaliksik na marami ng nangangamatay na tao at maging ang mga pananim pati na rin ang mga hayop
dahil sa pagnipis ng ozone layer.

3. Ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa mga posibleng solusyon sa pagsugpo sa suliraning
Global Warming ay nakakuha ng pangkalahatang weighted mean na 3.72 at deskripsyong mataas ang
kaalaman. Masasabing sapat na ang kaalaman pagdating sa pagsosolusyon sa suliranin. Gayunpaman ay
may iilang hindi pa sapat ang kaalaman sa pagpatay ng hindi ginagamit na mga bagay.

REKOMENDASYON

Batay sa mga inilatag na konklusyon ng pag-aaral ay narito ang mga rekomendasyon:

1. Hindi mataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga sanhi ng suliraning Global Warming. Subalir
iminumungkahi na palawakin ang kaalaman ng mag-aaral hinggil dito.

2. Hindi mataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa posibleng epekto ng sukiraning Global Warming. Dahil
dito ay iminumungkahi na bigyan ito na malawakang pansin hindi lamang ang mga mag-aaral kundi pati
rin ang may matataas na katungkulan. Para magkaroon ng impormasyon tungkol sa suliranin.

3. Mataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa maaaring solusyon o pagsugpo ng suliraning Global
Warming. Ngunit nakakalungkot na isipin na hindi ito isinasagawa. Iminumungkahi na isagawa ang mga
nalalamang solusyon rito.

You might also like