You are on page 1of 3

AP REVIEWER

Aralin 1 : Disaster Risk Reduction

Ang DRR ay naglalayong maibsan ang matinding kapamahakan, pagkasira, at pinsala na dala ng mga likas na
panganib sa mga tao, ari-arian, at mga estraktura sa pamamagitan ng prebensiyon.

Aralin 2 – Climate Change

Ang climate change ay anumang kapansin-pansing pagbabago sa klima na nagtatagal nang isang dekada o
matagal pa, kabilang ang pagbabago sa teperatura, pag-ulan, at global na direksiyon ng hangin, at iba pa. Ayon
sa United Nations (UN), ang climate change ay pagbabago ng klima naa iniuugnay sa mga Gawain ng tao,
direkta at di-direkta, na nagpapaiba ng komposisiyon ng atmospera, dagdag pa sa likas na pagbabago sa klima,
na naobserbahan sa pinaghambing na magkakaibang panahon.
Ang usapin sa climate change ay mas mauunawaan kung titignan ang mga aspektong political, pang-
ekonomiya, at panlipunan.
Sa aspektong pang-ekonomiya pinag-uusapn ng epekto ng climate change sa kabuhayan ng tao, s likas-yaman,
at kung ano-anong patern ng produksiyon at mga paraan ng ekonomikong pang-unlad ng mga bansa ang
nakaapekto sa paagbabago ng klima.

Kasaysayan ng Pang-aaral sa Climate Change

Ang kasaysayan ng climate change ay sinasabing maiuungat sa pagkakaimbento ng steam engine si Thomas
Newcome noong 1712. Ginagamitan ng ulinf ang makinarya nito upang gawing singaw ang tubig na siyang
magpapagalaw sa piston.
Noong 1800s, ipinaliwanag ng mga siyentista ang tungkol sa natural na pangyayari sa atmospera na
greenhouse effect, isang likas na proseso ng pag-init ng rabaw ng mundo.Tinatnggap ng lupa at karagatan sa
mundo ang init na dala ng sinag ng araw.
Noong 175, ginagamit ng siyestistang si Wallace Broecker ang terminong global warming. Noong 1987, nabuo
ang Montreal protocol na isang kasunduan ng mga bansa sa paglimita sa paggamit ng mga kemikal na
makakasira sa ozone layer. Binuo naman ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) noong 1988
upang mag-ipon ng ebidensiya tungkol sa climate change.

Mga Programa, Polisiya, at Patakaran tungkol sa climate change tungkol sa Climate Change
Ang climate change ay isang pandaigdigang suliranin. Noon, ipinagsasawalang-bahala ito na para bagang
imposibleng mangyari. Puno ng likas-yaman ang mundo na wari’y hindi mauubos. Napakaraming halaman,
punongkahoy, at kagubatan na gumagawa ng oxygen na para mabuhay ang mga tao. At nariyan din ang
yaman-dagat, mga mineral, mga hayop at marami pang iba na nagbibigay ng likas na proteksiyon sa tao at
kapaligiran at nakatulong sa patuloy nap ag-agos ng buhay.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas makaranas ng mga kalamidad na epekto ng climate change. Sa
2016 Climate Change Vulnerability Index (CCVI), ang Pilipinas ay nasa ika-13 na bulnerable sa pagbabago ng
klima.
Ayon sa WorldRiskReport 2016, nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas ayon sa risk index na inilahad ng Alliance
Development Works, isang nongovernmental organization sa Ger,any.
Hinulaan sa pagsapit ng 2050, ang climate change ay magdudulot ng labis nap ag-init ng kragatan sa paligit ng
Timog-silangang Asya kung saan kabilang ang Pilinas. Magiging dahilan ito sa halos 50% pagbaba ng huli ng
isda at pagkawala ng halos 70% ng pagang ( coral reef )
Ang bansa naman ay mayroong Climte Chnge Commission o OCC na itinatatag noong 2009 sa bisa ng Batas
Republika blg. 9729 o “Climate Change Act of 2009.” Tungkulin ng komisiyon na maglatag at magpatakbo ng
mga patakaran at polisiya ng bansa bago 2020.
Loa Observatory sa Hawaii siya nagsimulang magtas ng dami ng carbon dioxide sa atmospera. Ginawaran siya
noong 2002 ng National Medal of Science, ang pinakamataas na parngal na iginagawad ng pangulo ng Estados
Unidos sa mga siyentipiko.
Noong 197, napagtanto ng mga lumagdang bans ana hindi sapat ang kasunduang magbawas lamang ng
emisiyon. Kinakailangan din ang isang batayang susundin kaya binuo nilaa ang Kyoto Protocol kung saan
nagtakda sila ng target na ibabawas sa emisiyon, lalo na sa maunlad na bansa. Nagkabisa ang Kyoto Protocol
noong 2005. Dalawang panahon ang pagsunod sa pagbabawas ng emisiyon ang itinakda sa protocol ng mga
lumagdang bansa: 2008-2012 at 2013-2020. Ang 2008-2012 ay ang commitment period upang umabot ng mga
lumagdng bansa ang kanilang target. Ang 013-202 naman ay ang ikalawang commitment period.
Noong 2016, nasa 14 na ang lumandang bansa sa Kyoto Protocol at 75 ang nagratipika. Nitong 2009,
nalampasan ng ng Tsina ang Estados Unidos bilang pinakamalakas magbuga ng GHG, nagkaroon din ng Bali
Action Plan na binuo noong 2007; Copenhagen Accord noong 2012; at Paris Agreement noong 2015 na
nagging epektibo noong Nobyembre 2016.
Sa Paris Agreement, nangako ang mga lumagdang bansa na lilimitahan ang emisiyon ng GHGH sa kung ano
lamang ang kayang tanggapin o sipsipin ng mga puno, kalupaan, at kragatan mula 2050 hanggang 2100.

Epekto ng Climate Change sa Kapaligiran at Lipunan


Kadalasan, ang epekto sa kapaligiran ay may epekto rin sa kabuhayan ng tao at sa lipunan. Bukod sa hindi
normal nap ag-init o bad ozone sa hangin bunga ng mainit na temperature.
Nagdudulot din ang climate change ng mga sakit na may kinalaman sa labis na mainit na panahon. May mga
nagkakasakit at namamatay dahil sa heat wave, inaatake ng hika, heat stroke, at mataas na presiyon ng dugo.
Upang maiangkop sa panahon ng tag-init at tagtuyot, ang mga dalubhasa sa pagsasaka ay inatasang magbigay
ng payo tungkol sa mga pananim na nabubuhay at napapakinabangan kahit tag-init tulad ng saging, pakwan,
at mga punongkahoy na namumunga sa tag-araw.

Aralin 3 – Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Sariling Pamayanan

Ang malawakang suliranin sa kapaligiran na may epekto sa cliate change ay malapit sa karanasan kung
nararamdaman sa pamayanan.

Deforestation
Ang deforestation o pagkaubos ng gubat ay ng pangmatagalan o permanenteng pagkakalbo ng kagubtan
upang palitan ang gamit ng lupa. Ito ay nagging dahilan ng kakulangan sa tubig na higit na nararamdaman
kung tag-init.
Isa ring sanhi ng pagkaubos ng gubat ay agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga lupaing sakahan
at pastulan. Isa pang sanhi ang urbanisasiyon dahil binibigyang-daan ang pagkakaroon ng malaking bilang ng
tao sa papel at kahoy, na pawang nanggagaling sa mga puno sa kagubatan.

Maling Pangangasiwa ng Basura


Pinakamalaking problemang pangkapaligiran ay ang maling pangangsiwa sa pagtatapon ng basura. Nangyayari
ito kung walang tiyak at maayos na plano ang pamahalaan tungkol sa pangangasiwa ng basura at kung ang
mga tao ay walang disiplina. Maging mga kalye, palengke, loob ng bus, tubig sa kanal, at estero ay mayroong
nakakalat at nakalutang na basura. Sanhi nito ay mga barang daluyan ng tubig.

Biglaang Pagbaha
Ang biglaang pagbaha o flash flood ay maaring maranasan din ng isang pamamayanan. Ang nakakalbong
kagubatan, mga nakabarang basura sa kanal, mga sirang daluyan ng tubig, makipot na ilog, at malakas na
buhos ng ulan ay ilan sa salik ng flash flood.

You might also like