You are on page 1of 4

Aralin 3 – Pagbabago sa Klima at mga Suliraning

PAngkapaligiran
Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na natataya mo ang mga epekto ng climate change sa
kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng mga tao sa Pilipinas at sa daigdig.

Mahahalagang tanong:

 Ano-ano ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ng mga


tao sa Pilipinas at sa daigdig?
 Paano makikibahagi ang bawat indibidwal sa paglaban sa mga epekto ng climate
change?

Balikan Natin!
Ang Climate Change
 Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ang
pagbabago ay naramdaman noong kalagitnaan ng ika-20 siglo at nagpapatuloy.
Iniuugnay ito sa paggamit ng fossil fuels.

 Ang patuloy na paggamit ng fossil fuels ay naghahatid ng carbon dioxide at iba


pang greenhouse gases sa atmospera.

Aspektong Pampulitika, Pang-ekonomiya, at Panlipunan ng Climate Change


 Ang mga pansarili, pangkapaligiran, at panlipunang salik ay nakaiimpluwensiya
kung paanong ang mga pangyayaring may kinalaman sa klima ay nakaaapekto sa
kapakanan at kaligtasan ng mga tao.

 Isa sa mahahalagang gawain kaugnay ng aspektong pang-ekonomiya ay ang


paglikha ng mga bagong metodo para sa pagbibigay-halaga sa mga benepisyong
pangkapaligiran.

 Ang climate change ay isang napapanahong isyung politikal. Ilan sa mga hamong


politikal ay ang peligro ng pangasiwaan, pagrepaso sa plano, paglikha ng
pampolitika at pampublikong consensus para sa aksiyon, at ang implikasyon para sa
hustisyang panlipunan.

Mga Programa, Polisiya, at Patakarang Pandaigdigan


para sa Climate Change
Malaking hamon sa sangkatauhan ang climate change. Dahil dito, ang mga pamahalaan at
mga pandaigdigang samahan ay nagsasama-sama upang tugunan ang hamong ito ng
kalikasan sa pamamagitan ng mga programa, polisiya, at mga patakarang may kaugnayan
sa:

 Pandaigdigang Kooperasyon
 Pananalapi
 Teknolohiya
 Edukasyon at Pagsasanay

Pag-aralan Natin!
Mga Epekto ng Climate Change
Ang climate change ay may malaki at seryosong epekto sa kapaligiran, lipunan, at
kabuhayan.

Kapaligiran
 Dahil sa carbon dioxide at fossil fuels, nagiging mainit ang kapaligiran.
Ang cryosphere o nagyeyelong bahagi ng mundo (halimbawa, Antarctic at Arctic)
ay natutunaw. Ang mga karagatan ay nagiging mas mainit, mas mataas, at mas
asidiko. Dahil dito, maaaring mamatay ang mga hayop.

 Ang malalakas na bagyo o unos ay nagdudulot ng mga pagbaha at labis na


pinsala sa mga buhay at ari-arian, gayundin ang matitinding tagtuyot.

 Dahil sa dumadalas na forest fires, nauubos ang mga puno sa kagubatan.


Ang heatwaves ay nagdudulot din ng malulubhang pinsala.

Lipunan
 Namimiligro ang kalusugan ng mga tao dahil sa paglaganap ng mga sakit tulad
ng cholera, dengue, mga komplikasyong dulot ng malnutrisyon, at marami pang iba
lalo na sa mga bansang umuunlad pa lamang.

 Marami ring nagdurusa at nasasawi dahil sa hika, TB, heat stroke, skin cancer, at mga
katulad nito dahil sa maruming hanging sanhi ng polusyon at usok mula
sa wildfires at sa matinding tag-init.

 Sa mga bansa sa Africa, ang malaking banta sa agrikultura na dulot ng climate


change ay nagreresulta sa panganib sa seguridad ng pagkain.

 Napaparalisa din ang daloy ng transportasyon dahil sa mga pagbaha.

Kabuhayan
 Ayon sa ulat ng International Food Policy Research Institute, dahil sa halos kalahati
ng populasyon ng mundo ay nakatira sa developing countries, ang pagbabago ng
klima ay may negatibong epekto sa pagsasaka at pangingisda.

 Ang mga magsasaka ay nahihirapan dahil nababawasan ang suplay ng tubig para sa
kanilang mga panananim dulot ng matinding tagtuyot. Nahihirapan din silang
labanan ang pag-atake ng mga peste.

 Ang industriya ng pangingisda ay pinakaapektado sa Bangladesh at Angola na kung


saan namamatay ang mga isdang pang-export. Nababawasan ang kita ng mga
mangingisda, masyadong naaapektuhan ang mga pamilya.

Mga Epekto ng Climate Change sa Pilipinas


 Ang climate change ay nagbabantang magdudulot ng isang bagong demograpiko sa
maralitang Pilipino.
 Bukod sa mga epekto nito sa pangingisda, ang produksiyon ng mga pangunahing
pananim tulad ng palay, mais, at trigo ay namimiligro din dahil sa pagtaas ng
temperatura.

 Ayon sa ulat ng Philippine Movement for Climate Justice, International Rice Research
Institute, at Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services
Administration, bababa ang ating produksiyong agrikultural dahil maraming
pananim ang sensitibo at hindi maaaring mabuhay sa matinding init o lamig.

 Apektado ang mga ani dahil natutuyo ang mga mapagkukunan ng tubig para sa mga
pananim.

 Ang mga bahay at kagamitan ng mga magsasaka ay napipinsala rin ng matitinding


pag-ulan, pagbagyo, at pagbaha na nangangahulugan ng negatibong epekto sa
presyo, daan, at katatagan sa suplay ng pagkain. Dahil dito, maaaring tumaas ang
presyo ng pagkain na hahantong sa lalo pang paglala ng kahirapan.

Mga Paraan ng Paglaban sa mga Epekto ng Climate Change


 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinapatupad ng mga pamahalaan
at ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat isa ay makatutulong din sa paglaban
sa mga epekto ng climate change sa sariling kaparaanan.

 Upang mabawasan ang carbon footprints o mga bakas na ambag sa


nakapipinsalang carbon emissions, tayo ay maaaring gumamit ng compact
fluorescents bulbs, renewable energy sources (tulad ng hangin, sikat ng araw, tubig),
at ang paghugot sa naka-plug na linya ng TV, computer, at iba pang electronics kapag
hindi naman ginagamit.

 Ang pagre-recyle ng mga papel, karton, salamin, at metal, at ang paggamit


ng reusable o recyclable packaging ay mas mainam. Makababawas ang mga ito sa
basurang dati ay inilalagak sa landfills na nagpapakawala ng methane (masamang
gas).

 Nakababawas din sa paggamit ng gasolinang nagpapainit sa kapaligiran ang


paglalakad, pagbibisikleta, pagka-carpooling, pagsakay sa tren, at iba pang katulad
nito.

Pagnilayan
Ang mga epekto ng climate change sa kapaligiran, lipunan, at kabuhayan ay nakaaalarma.
Inilalagay nito ang kinabukasan ng sangkatauhan sa peligro kung hindi maaagapan. Bilang
isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa iyong komunidad upang mabawasan
ang carbon footprints?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang climate change ay may malaki at seryosong epekto sa kapaligiran. Ang
malalakas na bagyo o unos ay nagdudulot ng mga pagbaha at labis na pinsala sa mga
buhay at ari-arian, gayundin ang matitinding tagtuyot.

 Ang pamumuhay ng mga tao sa lipunan ay apektado rin ng climate change.


Namimiligro ang kanilang kalusugan dahil sa paglaganap ng mga sakit tulad
ng cholera, dengue, mga komplikasyong dulot ng malnutrisyon, at marami pang iba.
 Ang climate change ay nakaaapekto sa kabuhayan. Ayon sa ulat ng IFPRI, dahil sa
halos kalahati ng populasyon ng mundo’y nakatira sa mga developing countries, ang
pagbabago ng klima ay may negatibong epekto sa pagsasaka at pangingisda.

 Dahil kapuluan, ang Pilipinas ay sensitibo sa climate change. Bukod sa mga


negatibong epekto nito sa pangingisda, ang produksiyon ng mga pangunahing
pananim tulad ng palay, mais, at trigo ay namimiligro din dahil sa pagtaas ng
temperatura.

 Bukod sa mga programa, polisiya, at patakarang ipinatutupad ng mga pamahalaan at


ng mga pandaigdigang samahan, ang bawat isa ay makatutulong din sa paglaban sa
mga epekto ng climate change sa kani-kaniyang paraan.

You might also like