You are on page 1of 3

ARALIN 2 – SA HARAP NG KALAMIDAD - Bagyo,

Baha, Storm Surge

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
 naipaliliwanag mo ang konsepto ng kalamidad; at
 natatalakay mo ang iba’t ibang uri ng kalamidad na nararanasan sa komunidad at sa
bansa gaya ng pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo.
Mahahalagang tanong:
 Ano ang ibig sabihin ng kalamidad?
 Ano-ano ang kalamidad na kalimitang nararanasan sa Pilipinas?

Balikan Natin!
Pag-aralan Natin!
Kalamidad
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.
 Ito ay bunga ng natural na proseso ng kalikasan, subalit may kinalaman din ang mga
tao sa madalas at sa hindi maipaliwanag na pagtama nito.
 Ang pagdagsa ng maraming kalamidad ay maaring epekto ng climate change o
pagbabago ng klima.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbagyo, pagbaha, storm surge,
paglindol, tsunami, pagputok ng bulkan, La Nino, at La Nina.
 Iba’t ibang uri na ng kalamidad ang tumama sa Pilipinas. Labis na humahanga sa
mga Pilipino ang ibang lahi dahil sa kakayahan nitong makabangon agad mula sa
dagok ng matitinding kalamidad.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbagyo


Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang kinalaman
ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo.
 Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na
sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan,
karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.
 Kadalasang nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kung saan nagtatagpo ang
mainit at malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay pumapailanlang dahil sa init
ng dagat at habang ito ay umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa
paligid. Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid, naaakit nito ang iba pang malamig
sa hangin sa ibang lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din at bubuo ng
mga ulap.
 Ang Pilipinas ay karaniwang nakararanas ng 20 bagyo kada taon. May apat na uri
ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin. Ang PAGASA ang tumututok at
nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon.
 Ilan sa mga bagyong hindi malilimutan ng mga Pilipino ay ang mga bagyong Ondoy
(2009) at Yolanda (2013) na nagdulot ng matinding pinsala sa mga bayan at
lalawigang tinamaan nito.

Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagbaha


Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang malawak at
malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
 Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at
walang tigil na pag-ulan sa komunidad.
 Ang pagbaha sa Pilipinas ay pinalalala ng mga baradong daluyan ng tubig.
 Sa mga panahong ito, kahit kaunti o sandaling pag-ulan lamang ay agad nang
bumabaha. Ordinaryo na itong nararanasan sa Metro Manila at ilang malalaking
lungsod sa Pilipinas, gayundin sa ilang mabababang lugar o sa mga lugar na malapit
sa anyong tubig.
 Labis ding nakapipinsala ang pagbaha dahil sinisira nito ang mga gamit at ari-arian.
Nagdudulot din ito ng mga sakit gaya ng leptospirosis (nakukuha kapag nababad ang
sugat sa maruming tubig na may ihi ng daga).
Iba’t Ibang Uri ng Kalamidad: Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge
Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.
 Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig
sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng
dalú yong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at
ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).
 Ang pagdaluyong-bagyo ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa
naminsala ito kasabay ng bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga tao,
kaya, maraming namatay.
 Mahirap iwasan ang pagdaluyong-bagyo dahil hindi ito napipigilan. Ang maaari
lamang gawin para makaiwas dito ay ang paglikas tungo sa mas mataas na lugar
kung may nakaambang bagyo o pagtaas ng antas ng tubig mula sa dagat.
Pagnilayan
Sa iyong palagay, natuto na ba ang mga Pilipino sa mga karanasan mula sa malalakas na
pagbagyo, pagbaha, at pagdaluyong-bagyo?

Mahahalagang Kaalaman
 Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o kaganapang nagdudulot ng malaking
kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao at komunidad na tinatamaan nito.
 Ang Pilipinas ay isang kapuluang nakaharap sa Karagatang Pasipiko. Malaki ang
kinalaman ng lokasyon nito sa nararanasan nitong palagiang pagbagyo. Ang bagyo
ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog o spiral na sistema ng
marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-
daang kilometro o milya sa diyametro ang laki.
 Kaalinsabay ng malakas na pagbagyo at ng pag-iral ng hanging habagat ay ang
malawak at malubhang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ang baha ay ang
umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-
ulan sa komunidad.
 Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ay ang pagdaluyong-bagyo.
Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig
sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng
dalú yong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at
ang tiyempo ng kati (mababa ang tubig sa dagat).

You might also like