You are on page 1of 62

Ang Pag-aaral ng Kasaysayan sa Araling Panlipunan

Ang Kasaysayan:
Kahulugan, Layunin
at mga Sangay
Kahulugan ng Araling Panlipunan
Kasama sa AP ang pag-aaral
(mula sa DepEd) ng Kasaysayan; Ang
Nakaraan/ “Past”

“Ang Araling Panlipunan ay pag-aaral ng mga tao at grupo,


komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay,
ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isa’t isa,
ang kanilang mga paniniwala at kultura, upang makabuo ng
pagkakakilanlan bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at
mundo at maunawaan ang sariling lipunan at ang daigidig, gamit
ang mga kasanayan sa pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at
malikhaing pag-iisip, matalinong pagpapasya, likaskayang paggamit
ng pinagkukunang-yaman, at mabisang komunikasyon”.
Kahulugan ng History

Nagmula sa mga salitang “historia” Impormasyon mula sa pagsasaliksik

a chronological record of significant events (such as those affecting a nation or institution) often including
an explanation of their causes.

“Kronolohikong tala ng mga mahahalagang pangyayari na may


kasamang mga paliwanag tungkol sa mga dahilan nito”.
Tala - Written source; nakasulat
Source: Merriam Webster

Kronolohiko - Pagkakasunod-sunod; simula sa umpisa (Beginning)


hanggang sa kasalukuyang panahon (Present).
Kahulugan ng Kasaysayan Saysay: katuturan,
kabuluhan, kahulugan
Salaysay: Kuwento
Nagmula sa mga salitang “saysay” at “salaysay”

“Ang Kasaysayan ay salaysay hinggil sa nakaraan na may saysay para


sa sariling lipunan at kultura”
Source: Pantayong Pananaw, Dr. Zeus Salazar
Magkaibang Kahulugan ng mga salitang History at Kasaysayan

HISTORY KASAYSAYAN
• Ideyang nagmula sa • Ideyang nagmula sa
Europa Pilipinas
• Kahalagahan ng • Parehong naglalahad • Mahalaga ang anumang
nakasulat na mga tala ng mga medium na naglalahad ng
(written sources) bilang mahahalagang nakaraan (nakasulat man o
ebidensya sa paglalahad pangyayari sa pasalita)
ng nakaraan nakaraan • Pagkilala sa mga alamat,
• Pagtatala ng mga • Parehong pinag- mito at iba pang kuwento
aktuwal na pangyayari aaralan ang nakaraan bilang kasama sa
ng mga tao paglalahad ng nakaraan

Magkaiba man ang pinagmulang ideya, ang salitang History at Kasaysayan ay


gagamitin natin nang may iisang kahulugan: Ang pag-aaral sa nakaraan.
HALIMBAWA
Mga Sangay ng Kasaysayan HALIMBAWA
• Kasaysayan ng Sta. Mesa • Kasaysayan ng Dela Cruz
• Kasaysayan ng Luneta Family
• Kasaysayan ng Malacanang • Kasaysayan ng mga Tsinoy
• Kasaysayan ng Maynila • Kasaysayan ng kababaihan
• Kasaysayan ng Metro Manila • Kasaysayan ng mga Maralita
• Kasaysayan ng Pilipinas • Kasaysayan ng LGBT+
• Kasaysayan ng Timog Silangang • Kasaysayan ng mga Katutubo
Asya
• Kasaysayan ng Asya Nakabatay sa Isang Institusyon o Sektor ng lipunan/
• Kasaysayan ng Daigdig NakabatayNakabatay
sa relasyonsasaLugar
komunidad ibang Disiplina
Nakabatay sa Panahon (Period)
(Interdisciplinary)
(Geography)
(Group/Sectoral) HALIMBAWA
HALIMBAWA • Cultural History (History +
• Ancient History Anthropology)
• Medieval History • Economic History (History +
• Modern History Economics)
• Big History • Environmental History
• Colonial Period • Social History (Sociology +
• Postcolonial Period History)
• Art History (History + Arts)
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
1. Political History
• Pag-aaral sa pulitika ng nakaraan
• Nailalahad ang mga sistema ng
pamahalaan, mga kilalang
pinuno, at mahahalagang
pangyayaring pulitikal
• Paggamit ng mga ideya mula sa
Political Science upang
maipaliwanag ang mga
personalidad, pangyayari at
institusyong pulitikal
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
2. Diplomatic History
• Nakatuon sa mga ugnayan sa
pagitan ng mga bansa, pangunahin
tungkol sa diplomasya at mga
sanhi ng giyera.
• Kamakailan-lamang ay tinitingnan
nito ang mga sanhi ng kapayapaan
at karapatang pantao.
• Karaniwan nitong ipinapakita ang
mga pananaw ng dayuhang
tanggapan (Foreign Relations), at
pangmatagalang mga halagang
estratehiko, bilang lakas ng
pagpapatuloy at pagbabago sa
kasaysayan.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
3. Military History
• Pag-aaral hinggil sa pakikidigma,
mga diskarte, laban, sandata, at
sikolohiya ng labanan sa
nakaraan
• Pinag-aaralan dito ang
pinagmulan ng mga taktika sa
pakikipaglaban, pakikidigma,
pag-unlad ng teknolohiya sa
paggawa ng armas, pag-usbong
ng mga sandatahang lakas, atbp.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
4. Social History
• Paglalahad ng kasaysayan ng mga
ordinaryong tao at kanilang mga
diskarte at institusyon para sa
pagharap pang-araw-araw na buhay.
• Paggamit ng ilang pananaw sa
Sosyolohiya (Sociology) sa pag-aaral
sa araw-araw na buhay ng
ordinaryong mga tao.
• Dito nagsimula ang pananaliksik
tungkol sa buhay noon ng mga taong
di naisasama sa paglalahad ng
kasaysayan gaya ng mga kababaihan,
mahihirap, kabataan, atbp.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
5. Cultural History
• Sinusuri nito ang mga talaan at
pagsasalarawan ng nakaraang
kaalaman, kaugalian, at sining ng
isang pangkat ng mga tao.
• Pinagsasama ang mga disiplina
ng antropolohiya at kasaysayan
upang tingnan ang wika, mga
tanyag na tradisyon ng kultura at
interpretasyon sa kultura ng
karanasan sa kasaysayan.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
6. Economic History
• Pag-aaral sa mga patakaran at
sistemang pang-ekonomiko at
pangkabuhayan ng nakaraan
• Paggamit ng mga ideya mula sa
Ekonomiks upang maipaliwanag
ang mga pangyayari sa nakaraan
lalo na sa aspekto ng kabuhayan,
distribusyon ng mga produkto,
pangangailangan ng mga tao,
negosyo, atbp.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
7. History of Religion
• Pag-aaral sa nakaraan ng mga
relihiyon
• Ang mga pag-aaral ay maaaring
tungkol sa kasaysayan ng mga
namamayaning relihiyon sa
kasalukuyan, o di kaya ay sa
kasaysayan ng mga Mito o
Mythology (relihiyon na wala na
halos naniniwala o
mananampalataya).
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
8. Intellectual History
• ang pag-aaral ng mga ideya: sa
konteksto ng mga kultura na
gumawa sa kanila, at ang
kanilang pag-unlad sa paglipas
ng panahon.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
9. Psychohistory
• pag-aaral ng sikolohikal na
dahilan kayat naganap ang mga
pangyayari sa nakaraan
• Paggamit ng mga ideya mula sa
Psychology upang maunawaan
kung ano ang estado ng pag-iisip
na mayroon ang mga tao sa
nakaraan at motibasyon nila
upang gawin ang ilan sa mga
historical na pangyayari.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
10. Women’s History
• Pag-aaral sa karanasan at mga
mahahalagang pangyayari na
naganap sa mga kababaihan sa
nakaraan.
• Nabuo ang pag-aaral na ito
matapos ang paghingi ng mga
kilusang Feminista na mailahad
din sa kasaysayan ang buhay at
pangalan ng mga kilalang babae.
Mga Pangunahing Sangay ng Kasaysayan
11. Environmental History
• Pag-aaral sa relasyon ng tao
at ng kalikasan sa pagdaan
ng mga panahon
• Humihiram ng mga ideya
mula sa Environmental
Science upang
maipaliwanag ang ilan sa
mga kaganapang
pangkalikasan at
pangkapaligiran na
humubog sa kasaysayan.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kasaysayan

1. Kaalaman higgil sa iyong sariling pagkakakilanlan (identity) at sa


pinagmulan ng iyong lahi, komunidad, at bansa.
hal. Bakit ako Pilipino? bakit ganito ang aking lahi? Paano nabuo ang Pilipinas?
2. Upang makita na may kaugnayan ang mga nagaganap sa kasalukuyan
sa mga bagay na naganap sa nakaraan.
hal. Ang kaguluhan sa Iraq at Syria sa kasalukuyan ay dahil sa mga mahigpit na
patakarang pinairal noon ng mga namumuno sa mga bansang ito, at dinagdagan
pang pagpasok ng mga radikal na pananaw na nagmula sa ISIS.
3. Upang hindi na maulit ang ilan sa mga malagim at malungkot na yugto sa
kasaysayan ng tao.
hal. Pagkakaron ng pagkkasunduan ng mga bansa sa kasalkuyan upang hindi na maulit pa
ang pagkawasak at pagkamatay ng mga tao na dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Pag-aaral ng Kasaysayan sa Araling Panlipunan

Ang Kasaysayan at
Pag-aaral ng Panahon
(Chronology)
Pag-aaral sa Kalendaryo
Bawat kabihasnan sa daigdig ay
may kanya-kanyang pagsukat sa
oras (Araw, Linggo, Buwan,
Taon, etc.).
Pag-aaral sa Kalendaryo
Gregorian Calendar – Uri ng kalendryo na ginagamit ng halos karamihan ng
mga tao sa daigdig, kabilang na ang Pilipinas. Ito rin ang gagamitin natin sa
pag-aaral ng ibat-ibang nagdaang panahon sa kasaysayan.

batay sa Gregorian Calendar, ngayon ay ang taong 2020; pero sa ibang


kalendaryo, ngayon ay ang taong:
Chinese Calendar (Traditional): 4717
Korean Calendar (Dangun): 4353
Islamic Calendar (Hijri): 1442
Hebrew Calendar: 5781
North Korean Calendar (Juche): 109
Pag-aaral sa mga Panahon sa Kasaysayan Gamit ang Gregorian
Calendar
• BC or BCE: Mga taon bago
ipinanganak si Jesus
• AD/CE: Taon
pagkapanganak ni Jesus
• Ang Pagbilang ng taon
1 AD/CE
bago ipinanganak si Jesus
ay gaya ng pagbibilang ng
negative integer sa Math
(negative); at ang
pagbibilang ng taon
pagkapanganak ni Jesus
ay positive integer
Pag-aaral sa mga Panahon sa Kasaysayan Gamit ang Gregorian
Calendar
• Pagkatapos ng taong 1
BC/BCE ay taong 1 AD/CE.
Walang taong zero (0).
• Dahil hindi lahat ng taong
gumagamit ng Gregorian
Calendar ay Kristiyano, ang
tawag nila sa mga taon na BC 1 AD/CE
ay BCE; at sa mga taon
naman ng AD ay tinawag na
CE.
• Dahil dito, ang taong 2020 ay
kilala rin sa tawag na 2020
AD, o 2020 taon
pagkapanganak ni Jesus.
Pag-aaral sa Kalendaryo
Pagkompyut ng mga Taon
• 10 taon = 1 dekada (decade)
• 100 taon = 1 siglo (century)
• 1000 taon = 1 milenyo (millennium)
Century Chart (Tawag sa bawat Siglo)
TAON SIGLO TAON SIGLO TAON SIGLO
300 BCE -200 3rd Century BCE 500 CE – 599 CE 6th Century CE 1300-1399 14th Century
BCE Ikatlong Siglo BCE Ika-6 na siglo Ika-14 na Siglo
200 BCE-100 2nd Century BCE 600 CE – 699 CE 7th Century CE 1400-1499 15th Century
BCE Ikalawang Siglo BCE Ika-7 Siglo Ika-15 Siglo
100 BCE- 1 BCE 1st Century BCE 700 CE – 799CE 8th Century CE 1500-1599 16th Century
Unang Siglo BCE Ika-8 Siglo Ika-16 na Siglo
1 CE - 99 CE 1st Century CE 800 CE -899 CE 9th Century CE 1600-1699 17th Century
Unang Siglo CE Ika-9 na Siglo Ika-17 Siglo
100 CE – 199 CE 2nd Century CE 900 CE-999 CE 10th Century CE 1700-1799 18th Century
Ikalawang Siglo Ika-10 Siglo Ika-18 Siglo
200 CE -299 CE 3rd Century CE 1000 CE-1099 CE 11th Century CE 1800-1899 19th Century
Ikatlong Siglo Ika-11 Siglo Ika-19 na Siglo
300 CE – 399 CE 4th Century CE 1100-1199 12th Century 1900-1999 20st Century
Ika-4 na Siglo Ika-12 Siglo Ika-20 Siglo
400 CE – 499 CE 5th Century CE 1200-1299 13th Century 2000-2099 21st Century
Ika-5 Siglo Ika-13 siglo Ika-21 Siglo
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

1. Prehistory
• ay ang panahon na nagsisimula sa
paglitaw ng mga tao, halos limang
milyong taon na ang nakakalipas, at
natapos sa pagka-imbento ng
pagsusulat, mga 6,000 taon na ang
nakakaraan.
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

2. Ancient Period (Sinaunang Ancient Egypt


Panahon) aka Classical Period
• Sumasaklaw sa lahat ng mga
pangyayari sa daigdig sa Ancient Sumeria/Mesopotamia
pagitan ng panahong 3000
BC/BCE hanggang 500 AD/CE.
• Nagsimula ito sa panahon ng
imbensyon ng pagsulat. Ancient China

• Sakop ng panahong ito ang ilan


sa mga klasikal na kabihasnan sa
daigdig gaya ng sa Sumeria,
China, India, Egypt, Greece at
Roman.
Ancient Greece Ancient Rome
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

3. Medieval Period aka Middle Ages


• Sumasaklaw sa lahat ng mga
pangyayari sa daigdig sa pagitan ng
ika-5 Siglo hanggang ika-15 Siglo
(400 CE – 1499).
• Sa Europa, ito ay sa pagitan ng taon
ng pagbagsak ng Rome (476 CE)
hanggang sa taon ng pagbagsak ng
Constantinople (1453).
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

3. Modern Period
• Sumasaklaw sa lahat ng mga pangyayari sa
daigdig sa pagitan ng ika-16 na siglo
hanggang sa pagtatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
• Nahahati pa ito sa dalawa: Early Modern
Period (1500-1850), panahon na kung saan
nagsimulang magpalakas ang mga kaharian
sa Europa sa pamamagitan ng paghahanap
at pananakop ng mga lupain sa labas ng
kanilang kontinente, at nagtatapos sa
timatawag na “Panahon ng mga
Rebolusyon” (Enlightenment, American at
French Revolution).
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

3. Modern Period
• Late Modern Period (1850-1945):
Panahon na kung saan lumakas ang
mga bansa sa Europa at nagawang
kumontrol ng mga lupain sa ibat-
ibang bahagi ng daigdig (Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo), at
matatapos ito sa Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na kung saan dito lalabas
ang epekto ng kaisipang
Imperyalismo sa mga bansang
mananakop at sinakop nila.
Mga Pangunahing Panahon sa Kasaysayan ng Tao

4. Contemporary Period
• “History within living memory” – panahon ng
Kasaysayan na kung saan may malaking
bahagi ng populasyon nito ay kasalukuyan
pang nabubuhay.
• Originally, ang tinutukoy na Contemporary
Period ay panahon matapos ng 1945 hanggang
sa kasalukuyang panahon. Sa ibang
historyador, ito ay tumutukoy sa mga
pangyayaring naganap sa daigdig sa panahon
ng kasalukuyang henerasyon (present
generation) – 50 years ago up to present.
• Kung Kokompyutin ito, ang tatawagin nating
“Kontemporaryong Panahon” ay mula 1970-
2020.
Ang Pag-aaral ng Kasaysayan sa Araling Panlipunan

Primarya at
Sekundaryang
Sanggunian
Primaryang Sanggunian: Mga Ebidensya ng Nakaraan

• Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nangangailangan ng mga ebidensya o


“primaryang sanggunian” mula sa nakaraan upang ito ay mapag-
aralan. Ang mga primaryang sanggunian na ito ay lalapatan ng
pagsusuri ng mga historyador at saka gagawa ang mga ito ng pag-
aaral o ng libro na tatawaging “sekundaryang sanggunian”.
Primaryang Sanggunian (Primary Sources) Sekundaryang Sanggunian (Secondary Sources)
Mga ebidensya na nalikha ng tao na Mga bagay na nalikha ng mga historyador
nabuhay o saksi ng isang pangyarari sa batay sa kanyang interpretasyon at
nakaraan. pagsusuri sa mga nakuhang primaryang
sanggunian.
Hal. Artifacts, written official documents,
diary, photos, oral history, etc. Hal. History books, history articles,history
journals, Textbooks, Modules
Mga Primaryang Sanggunian (Primary Sources)
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

1. DOKUMENTO
• Mga bagay o usaping nakasulat
sa papel; Maaaring:
Pampublikong dokumento o
Personal/ pribadong dokumento
• Halimbawa: Ulat pampamahalaan,
Batas/ Ordinansa, Talaarawan,
Talambuhay, Autobiograpiya
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

1. DOKUMENTO
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

2. PAHAYAGAN AT BRAODCAST MEDIA


• Publikasyon na naglalaman ng balita,
tampok na kuwento, komentaryo,
anunsyo , at iba pa na inilalathala
araw-araw
• Halimbawa: Broadsheet, Tabloid,
Magasin, Editorial Cartoon, Editorial,
News Report
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

2. PAHAYAGAN AT BRAODCAST MEDIA


Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

3. PATALASTAS/ADVERTISEMENT
• Mga anunsyo na makikita sa
pahayagan, radyo, TV, Poster,
atbp. na may layuning maglahad
ng mensahe o di kaya ay
magbenta ng produkto o
serbisyo.
• Halimbawa: TV and radio
Commercial, Ad Posters, Print
Ads, Commercial Flyers
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

3. PATALASTAS/ADVERTISEMENT
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

4. LITRATO/PICTURE
• Larawang likha sa
pamamagitan ng potograpiya
• Halimbawa: Mga pribadong
larawan, mga kuha ng
propesyunal na photographer,
mga litratong kuha ng
pahayagan
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

4. LITRATO/PICTURE
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

5. DIGITAL
• Mga tala mula sa internet
o mga kagamitang digital
• Halimbawa: Facebook
account, Twitter, E-Mail,
Text Messages, Online site,
Online page
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

5. DIGITAL
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

6. KASAYSAYANG PASALITA/ ORAL HISTORY


• Pagtatala ng pagkakaalala, salaysay, at
interpretasyon ng isang tao na nabuhay sa
nakaraan at/o nakasaksi sa isang
pangyayari, gamit ang pegrerecord o
pagsusulat.
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian
6. KASAYSAYANG PASALITA/ ORAL HISTORY
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

7. ARTIFACT
• Produkto ng sining, kasanayan, at
pamumuhay ng mga sinaunang tao na
nahukay ng mga Arkeologo
• Halimbawa: Mga lumang kagamitan na
nabaon sa ilalim ng lupa sa loob ng daan-
daang taon
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian
7. ARTIFACT
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

8. PANITIKAN/ LITERATURE
• Produkto ng sining, kasanayan, at
pamumuhay ng mga sinaunang tao
• Halimbawa: Maikling Kuwento, Tula,
Kuwentong Bayan, Alamat, Epiko, Nobela,
Salawikain
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

8. PANITIKAN/ LITERATURE
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

9. HISTORICAL SITES/
SHRINES/MONUMENTS
• Mga lugar o istruktura na may
makasaysayang kahalagahan o
pangyayaring naganap
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

9. HISTORICAL SITES/
SHRINES/MONUMENTS
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

10. AUDIO-VISUAL
• Mga kuhang likha mula sa video camera o
mga kauri nito
• Halimbawa: Newsreel, video speeches,
travel video, home video, documentary
(informative); Pelikula, short movie (fiction,
narrative)
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

10. AUDIO-VISUAL
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

11. VISUAL/ FINE ARTS


• Mga biswal na likha ng imahinasyon,
sining
• Halimbawa: Paintings, 3D art,
Installation art
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

11. VISUAL/ FINE ARTS


Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

12. QUANTITATIVE DATA/ STATISTICS


• Mga pananaliksik na nagpapakita ng mga
quantitative na datos; madalas na maka-
table o di kaya ay grapiko
• Halimbawa: Census, Surveys, Statistical
Reports, Pictographs
Mga Uri ng Primaryang Sanggunian

12. QUANTITATIVE DATA/ STATISTICS

You might also like