Professional Documents
Culture Documents
Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
naipaliliwanag mo ang konsepto, mga uri, at mga dahilan ng unemployment;
natataya mo ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa; at
nakapagbibigay ka ng mga mungkahi upang malutas ang mga suliraning dulot
ng unemployment.
Sa Paete, Laguna, dating malago ang industriya ng paglililok. Subalit nang nauso na ang mga
produktong gawa sa bakal at plastik, dahan-dahan na itong humina. Dahil iilan na lamang
ang kailangang manggagawa ng industriya, nagkakaroon ng unemployment sa lugar.
Ano ang unemployment?
Kung gusto ng pamahalaang buhayin muli ang industriya, paano ito isasakatuparan?
Pag-aralan Natin!
Ang Unemployment at Full Employment
Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin sa unemployment ang bansa, hindi na
maaaring magkaroon ng full employment. Mawawala lamang ang posibilidad ng full
employment kapag ang uri ng unemployment ay hindi na nagbibigay ng
pagkakataong muling makapagtrabaho ang mga tao, kahit na mag-aral pa ng ibang
gawain o trabaho ang bawat indibidwal .
Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang imperfect mobility of labor sa mga nakapag-aambag
sa unemployment. Ito ay dalumat na tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga
manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.
Sa kabuuan, nakikitang ang unemployment ay may iba’t ibang uri at dahilan, ngunit ang
kakayahan ng taong mag-iba o lumipat ng gawain ayon sa pangangailangan ng ekonomiya
ay isa sa mga salik nito.
Indibiduwal
Industriya
Pamahalaan/Bansa
Pagnilayan
Paano maiibsan ang patuloy na paglala ng kaso ng unemployment sa bansa?
Mahahalagang Kaalaman
Ang kawalang hanapbuhay o unemployment ay tumutukoy sa kalagayang kapag
ang isang tao ay pursigidong naghahanap subalit walang makita o makuhang
trabaho o pagkakakitaan.
Ang unemployment ay maaaring voluntary, frictional, casual, seasonal, structural,
cyclical, at technological.
Ang bawat isang uri ng unemployment ay may kani-kaniyang dahilan, pati na epekto
sa mga indibidwal, industriya, at pamahalaan o bansa.
Upang masolusyonan ang unemployment, madalas na gumagamit ng expansionary
monetary policy at expansionary fiscal policy ang pamahalaan ayon sa
pangangailangan at kakayahan ng bansa.