You are on page 1of 12

PAKSA: ANG LIPUNAN

LIPUNAN:
• Tumutukoy sa mga taong sama-samang
naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon,
at pagpapahalaga.
Ayon kay EMIL DURKHEIM:
• “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung
saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.
Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit kung ang
bawa’t pangkat at institusyon ay gagampanan
nang maayos ang kanilang tungkulin.”
Ayon kay KARL MARX:
• “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang kanilang
pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging
makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa
produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng
magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”
Ayon kay CHARLES COOLEY:
• “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakahawig na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos
na interaksyon ng mga mamamayan.”
LIPUNAN

ISTRUKTURA NG KULTURA
LIPUNAN
MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANG
PANLIPUNAN:
1. INSTITUSYON – organisadong sistema
ng ugnayan sa isang lipunan
- pamilya
- paaralan
- ekonomiya
- pamahalaan
2. SOCIAL GROUP
-tumutukoy sa dalawa o higit pang taong

may magkakatulad na katangian na nag-


kakaroon ng ugnayang panlipunan.
 2 uri:
-PRIMARY GROUP
-SECONDARY GROUP
SOCIAL GROUP
PRIMARY GROUP SECONDARY GROUP
• Tumutukoy sa maliit at • Binubuo ng mga indibidwal na
impormal na ugnayan may pormal na ugnayan sa
isa’t-isa
ng mga indibidwa
• Nakatuon sa pagtupad sa
isang Gawain
Halimbawa: pamilya, Halimbawa: ugnayan sa
kaibigan pagitan ng
amo at manggagawa
: ugnayan ng
manggagawa sa
isa’t-isa
3. STATUS
- Tumutukoy sa posisyong
kinabibilangan ng isang indibidwal sa
lipunan.
Ang ating pagkakakilanlan o
identidad ay naiimpluwensyahan ng

ating status.
2 URI NG STATUS:
STATUS

ASCRIBED ACHIEVED
STATUS STATUS

-Nakatalaga sa isang
indibidwal sa bisa ng
-Nakatalaga sa isang
kanyang
indibidwal simula ng
pagsusumikap
siya ay ipanganak
-Maaaring mabago ng
-Hindi ito kontrolado
indibidwal sa kanyang
ng isang indibiwal
achieved status.
Hal. kasarian
Hal. Pagiging isang
guro
4. GAMPANIN (ROLES)
• Tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon,
at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat
ng posisyon ng isang indibidwal
• Batayan ng kilos ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan.
• Ang hindi pagganap sa inaasahang
gampanin ay maaaring magdulot ng ilang
isyu at hamong panlipunan.

You might also like