You are on page 1of 2

GAWAIN 1: GENDER TIMELINE

PANAHON BABAE BABAE LALAKI


LALAKI
PRE - KOLONYAL Sa kasaysayan, ang mga babae sa bansa, Sila ang mga pinuno, nangunguna sa
maging ito’y isang pinakamataas na uri, lahat ng aspeto, itinuturing na malakas
sila ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Ang at may kakayahang mamahala ng
katibayan nito ay ang mga binukot. pangkat.
ESPANYOL Sumunod sa mga pinag-uutos ng kayang Ayon sa Boxer Codex noong panahon
asawang lalaki. Maaaring patayin kung ng mga Kastila, pinapayagan na ang
makita ng kanyang asawang lalaki na may mga lalaki ay magkaroon ng maraming
kasamang ibang lalaki. asawa.

Kapag gustong makipaghiwalay ng babae Kung makita ng lalaki na ang kanyang


sa asawa ay wala siyang makukuhang asawa ay may kinakasamang lalaki,
anumang pag-aari. maaring patayin ng lalaki ang kanyang
asawang babae.
Anng mga Filipina ay sunod-sunuran
lamang sa mga pinag-uutos ng kanilang Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang
mga asawa. Limitado pa rin ang kanilang kaniyang asawa, maaari niya itong
taglay na karapatan. gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa
ari-ariang ibinigay niya.
AMERIKANO Nabigyan nang karapatang mag-aral, Ang mga lalaki ay nagkaroon din ng
mahirap man o mayaman ang antas ng Karapatan upang mag-aral kahit
pamumuhay. anuman ang antas ng pamumuhay.

Ang isyu sa pagboto ng kababaihan ay


naiayos sa pamamagitan ng isang
espesyal na plebesito.
HAPONES Sa panahon ng pananakop ng mga Ang mga lalaki ay katuwang ang mga
Hapones, ang mga kababaihan ay babae sa pakikidigma sa mga
kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa Hapones. Sila’y nakikipaglaban upang
mga Hapones. mapatalsik ang mga Hapones sa
bansa
Nagbibigay sila ng lunas at pagkain sa
mga sugatang sundalo at indibidwal na
nadadamay sa digmaan.

Ang mga babae ay inaasahang gumawa


ng gawaing bahay may trabaho man o
wala.
KASALUKUYAN Marami nang mga batas at pagkilos ang May karapatan, malaya sa pagpili ng
isinulong upang magpagkalooban ng trabaho at may karapatan sa lipunan.
patas at pantay na karapatan sa trabaho’t
lipunan kahit anuman ang kasarian
mapa babae, lalaki at LGBT.
Panuto: Itala sa talahanayan ang gampanin ng babae at lalaki sa kasaysayan ng ating bansa. (5pts each)
PAMPROSESONG TANONG: (5pts each)
1. Ano – ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na napansin mo?
Ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at lalaki na aking napansin ay ang pagabago
sa kanilang mga karapatan sa paglipas ng panahon. Kung noon, tinitingnan ang mga babae na
sunud-sunuran sa mga kalalakihan, sa paglipas ng panahon ito’y nabago at naging patas na ang
pagtingin sa mga kasarian. Kung dati ay inaasahang ang mga babae ang gumagawa lamang ng
mga gawain sa bahay, ngayon ay pwede na itong gawin ng dalawang kasarian. Ang sa aspeto rin
ng pagtatrabaho ay nakitaan ko ng pagbabago dahil ngayon maaari na magtrabaho ang dalawang
kasarian.
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos ba naabuso ang karapatan ng mga
kababaihan? Pangatwiranan.
Sa panahon ng Hapones ay ang nakikita kong may matinding pang-aabuso sa karapatan ng mga
kababaihan. Wari ngang ang mga kababihan ay kabahagi ng kalalakihan sa pakikipaglaban ngunit
sa madilim na bahagi ng panahong ito’y ang mga babae ay ginagawang comfort women ng mga
Hapones. Pinagmalupitan, ginahasa at ang ilan na para sa kanila ay di mapakinabangan ay
ginagawang katulong, binilanggo at ang di sumunod sa kanilang pinag-uutos ay pinapatay ng
walang kalab-laban.
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa kababaihan at
kalalakihan?
Ang panahon na kung saan ay nagsimula ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa kababaihan
at kalalakihan ay noong panahon ng mga Amerikano. Noong panahon ng mga Amerikano,
binigyan ang parehong kasarian ng karapatan upang mag-aral kahit ano man ang antas ng
kanilang pamumuhay. Binigyang karapatan din upang bumoto ang mga kababaihan sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito sa panahong iyon.
4. Nakakaapekto ba ang gampanin / katayuan ng babae at lalaki sa lipunan? Pangatwiranan.
Para sa akin oo, nakakaapekto ang gampanin o katayuan ng mga babae at lalaki sa lipunan at
nakaugat ito sa kasaysayan. Tulad na lamang sa mga panahon ngayon, mayroon ng pagkapantay-
pantay at maraming mga babae ang malawak ang nagawa at naabot, hindi na lang rin ang mga lalaki
ang kayang mamuno sa lipunan dahil ngayon pwede na mamuno ang mga kababaihan at parehas
silang itinuturi na may patas na kakayahan. Sa usapin rin ng pamiilya, ang dalawang kasarian ay may
patas ring gampanin at ang mga ito’y nakakaapekto sa lipunan.

You might also like