You are on page 1of 5

Kabilang sa 25 kababaihang pinarangalan sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela: (mula kaliwa) Kinatawan ni Lydia

Canson, Grace Noval, Atel Hijos, Lucy Francisco, Vernie Diano, at Rina Amacio. (KR Guda)

Si Sr. Mary John Mananzan, chair emeritus ng Gabriela. (KR Guda)

Mga pinuno ng Gabriela na sina (mula kaliwa) Emmi de Jesus at Liza Maza, kasama ang isa sa mga tagasuporta ng
Gabriela na si Angel Locsin. (KR Guda)
GABRIELA

Kapag binanggit ang pangalang Gabriela, kadalasang unang naiisip ang isang
imahen ng palabang babae, mapagmatyag sa kanyang karapatan bilang babae at
mamamayan.

Ang GABRIEla ay isang grupo ng mga Pilipino na patungkol sa pagsulong ng


mga isyu patungkol sa mga kababaihan.

Ito ay ang samahan ng mga organisasyon, paaralan, at iba upang tumugon sa


mga isyu tulad ng "human trafficking", kahirapan, globalisasyon, "militarism", karahasan,
kalusugan, "sex trafficking" at "censorship". Ang GABRIELA ay isa lamang acronym
para sa General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action. Mayroon itong mga bahagi sa iba't ibang rehiyon tulad ng
Metro Manila, Cordillera, Administrative Region at Mindanao; mayroon ding pang sub-
regional tulad ng sa Negros, Panay at Samar; at meron din probinsiyal tulad ng sa Bicol
at sa Cebu.

Matayog na noon pa man ang mithiin ng Gabriela, na itinayo noong 1984 o


kasagsagan ng batas military o matapos ang pagmamartsa ng 10,000 na kababaihan
laban sa isang batas na ipinatupad ng dating Pangulong Marcos. Ito ay ipinangalan kay
Gabriela Silang, isa sa mga nanguna sa rebolusyon laban sa mga kastila noong ika-18
na siglo. “Itinayo namin ito hindi bilang isang simpleng peministang organisasyon, kundi
sa konteksto ng komprehensibong pagpapalaya ng lipunan,” sabi sa Pinoy Weekly ni
Sr. Mary John Mananzan, lider-simbahan na naging tagapangulo ng grupo mula 1986
hanggang 2004.

Bagamat pangalan din ito ng isang babaing lider-rebolusyonaryo noong panahon


ng himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol, mas tumatak ang imahen ng
Gabriela na palabang babae dahil sa organisasyong 25 taon nang namumuno sa
paglaban ng kababaihan mula sa pang-aabuso, karahasan at panunupil.

Sa isang pagtitipon noong Oktubre 28, 2009 sa Amoranto Theater, Quezon City,
ginunita ang ika-25 na anibersaryo ng Gabriela. Sa okasyong ito ipinagdiwang ang
kasaysayan ng itinuturing nang nangungunang kilusang kababaihan sa bansa.
Seryoso ang tungkulin noon na mapabagsak ang diktadurang Marcos, at
kalampagin naman ang sumunod na administrasyon para sa batayang mga reporma.
Pero puno rin ito ng masasayang sandali.

Ang opisina ng Gabriela ay matatagpuan sa 35 Scout Delgado


Roxas District 1103 Quezon City Philippines.

Noong 2003, ang partidong 'Gabriela Women's Party' ay isinulong ang


GABRIELA. At noong eleksiyon ng taong 2004 ang GABRIELA ay nakakuha ng
464,586 na boto o humigit kumulang 3.6518 porsyento ng boto at nakakuha rin sila ng
isang posisyon para kay Liza Maza. Noong sumunod na eleksiyon ng taong 2007
nakakuha sila ng dalawang pwesto para sa pambansang botohan. Si Liza Maza ang
lider ng party list at si Luzviminda Ilagan ang Spokesperson. Ang kanilang slogan ay
”Babae, bata, bayan... tuloy ang laban! “ (Women, children, (and the) nation... the fight
continues!)

Sa Pilipinas ang Gabriela ay aktibong nakikilahok sa kampanya laban sa "human


trafficking" lalo't higit ng mga kababaihan. Isa sa kanilang mga pamamaraan ay
pagbibigay ng talakayan at pagbibigay ng impormasyon sa mga NGO's at sa
ahensiyang panggobyerno at kampanya na magmumulat ng isang komunidad. Natala
ng GABRIELA na ang mga kababaihang pilipino ay maaring maipagbili sa halagang
$3000at $5000 sa "international sex trade".

Ang GABRIElA-USA ay ang kaunaunahang 'chapter' ng GABRIELA sa ibang


bansa na naglalayong palawakin ang kanilang ipinaglalaban hanggang sa America.

Ang GABRIELA Network o GABnet ay isang bahagi ng GABRIELA sa America.


Noong taong 2005 ika-20 ng Mayo nagsagawa ito ng isang vigil sa Limang bahagi ng
America. Ang vigil na ito ay nagbunga mula sa mga nangyayaring pagpatay sa
Pilipinas.

Mula sa 24 na organisasyong kasapi nito noong 1984 ngayon umabot na ito ng


250.
Republika ng PIlipinas
Pamantasang Mindanao
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Departamento ng Filipino
Lungsod ng Marawi

Takdang Aralin sa FIL124 – Uu


Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
1st Semester A.Y. 2018-2019

Ipinasa ni: Brigette Kim M. Lumawas


BSEd Filipino

Ipinasa kay: Prop. Wilfredo M. Viňas

Oktubre 2019

You might also like