Professional Documents
Culture Documents
Kabilang sa 25 kababaihang pinarangalan sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela: (mula kaliwa) Kinatawan ni Lydia
Canson, Grace Noval, Atel Hijos, Lucy Francisco, Vernie Diano, at Rina Amacio. (KR Guda)
Kapag binanggit ang pangalang Gabriela, kadalasang unang naiisip ang isang
imahen ng palabang babae, mapagmatyag sa kanyang karapatan bilang babae at
mamamayan.
Bagamat pangalan din ito ng isang babaing lider-rebolusyonaryo noong panahon ng himagsikan
laban sa kolonyalismong Espanyol, mas tumatak ang imahen ng Gabriela na palabang babae
dahil sa organisasyong 25 taon nang namumuno sa paglaban ng kababaihan mula sa pang-
aabuso, karahasan at panunupil.
Sa isang pagtitipon noong Oktubre 28 sa Amoranto Theater, Quezon City, ginunita ang ika-25 na
anibersaryo ng Gabriela. Sa okasyong ito ipinagdiwang ang kasaysayan ng itinuturing nang
nangungunang kilusang kababaihan sa bansa.
Matayog na noon pa man ang mithiin ng Gabriela, na itinayo noong Marso 11, 1984 o
kasagsagan ng batas militar. “Itinayo namin ito hindi bilang isang simpleng peministang
organisasyon, kundi sa konteksto ng komprehensibong pagpapalaya ng lipunan,” sabi sa Pinoy
Weekly ni Sr. Mary John Mananzan, lider-simbahan na naging tagapangulo ng grupo mula 1986
hanggang 2004.
Seryoso ang tungkulin noon na mapabagsak ang diktadurang Marcos, at kalampagin naman ang
sumunod na administrasyon para sa batayang mga reporma. Pero puno rin ito ng masasayang
sandali.
Kuwento ni Mananzan, naaalala niya ang isang kilos-protesta sa harap ng Mendiola, kung saan
inangat at itinabi nila ang iniharang na barbed wire ng pulisya. Hindi na niya maalala ang
ispesipikong isyung kanilang bitbit noon—marami silang tinututulan, mula sa baseng militar ng
US hanggang sa Bataan Nuclear Power Plant. “Basta’t ang naaalala ko, nakatutuwa ang
kagitingan ng kababaihan kapag nagsama-sama,” aniya.
Ginagamit din nila noon sa kanilang bentahe ang mga katangiang ikinakabit sa mga babae. Nang
harangin sila isang beses sa martsa patungo sa embahada ng US, sabi ni Mananzan sa pulisya,
“Let us pass or we will talk here forever.” Sa huli, hinayaan silang makaraan, aniya.
“Kami noon ang darlings of the press, kasi laging nasa mga aktibidad sina Nelia Sancho at Maita
Gomez. Sikat na sikat noon ang aming street plays, ” sabi naman ni Fe Arriola, dati ring
pangkalahatang kalihim ng grupo.Kilalang mga beauty queen noong dekada ’80 sina Gomez at
Sancho na naging mga lider ng kilusang kababaihan.
Retirado na ngayon sina Arriola at Perredo, bagaman nananatiling masugid na tagasuporta pa rin
sila ng Gabriela.
Patuloy na nakikibaka
Nangingisi siya tuwing maaalala ang reaksiyon ng mga lalaki sa komunidad matapos maturuan
ang mga babae hinggil sa kanilang mga karapatan.“Sinasabihan nila ako, ‘Kung hindi dahil sayo,
hindi ako hihiwalayan ang asawa ko.’ Ang sagot ko naman, ‘Kung tinatrato mo ng maayos ang
asawa mo, hindi ka hihiwalayan,’” sabi ni Deunida, ngayo’y chair emeritus ng Kalipunan ng
Damayang Mahihirap o Kadamay.
Isang pampublikong guro naman ang 65-anyos na si Atel Hijos, kasalukuyang pangkalahatang
kalihim ng Gabriela sa rehiyon ng Caraga. Aniya, nagsimula ang organisasyon doon noong 1983
nang may pito lamang kasapi.
Laganap noon ang paglabag sa karapatang pantao na bumibiktima sa mga babae at bata.
“Naramdaman naming kailangan may gawin,” sabi ni Hijos sa Pinoy Weekly.
Bukod sa paglaban sa militarisasyon at karahasan laban sa kababaihan, malakas din ang pagtutol
ng kababaihan doon laban sa pagmimina at pagtotroso na sumisira sa kalikasan at kabuhayan ng
mga komunidad.
Saksi rin sa paglago ng Gabriela ang 52-anyos na si Lucy Francisco, na 23 taon nang organisador
ng kababaihan sa probinsiya ng Panay. Nagsimula lamang sila, aniya, sa hanay ng maralitang
lungsod. Ngayon, nakikisangkot na rin sa iba’t ibang isyung panlipunan ang mga babaing
manggagawa, kabataan, at propesyunal.
“Kami ang tumutol sa pagkakaroon noon ng mga bikini carwash. Kami rin ang tumulong sa mga
komunidad na bumangon mula sa salanta ng bagyong Frank,” pagmamalaki niya.
Pinarangalan ng Gabriela noong gabing iyon sina Mananzan, Deunida, Hijos, at Francisco, at iba
pang kababaihan na nag-ambag sa paglawak ng kilusang kababaihan sa bansa at patuloy na
nakikibaka sa iba’t ibang paraan.
Kabilang dito sina Lita Mariano at Zen Soriano, mga nagtatag ng Amihan o Pambansang
Pederasyon ng Kababaihang Magsasaka; Nitz Gonzaga, bise-presidente ng Women’s Affairs ng
sentrong unyong Kilusang Mayo Uno; Nerissa Guerrero ng Samakana; at Rechilda Extramadura
ng Lila Pilipina o organisasyon ng mga comfort women.
Gayundin ang mga lider ng Gabriela sa iba’t ibang rehiyon na sina Rina Amacio, Tess Pielago,
Vernie Diano, Grace Noval, at Lyda Canson; lider-simbahan na si Norma Dollaga; at
tagapagtaguyod ng mga karapatan ng bata na si Rosalinda Duque.
Pinarangalan din ang matatagal na naging istap at opisyal ng Gabriela—sina Rina Anastacio,
Vicvic Calvo, Pining Tolentino.
Mga pinuno ng Gabriela na sina (mula kaliwa) Emmi de Jesus at Liza Maza, kasama ang isa sa mga tagasuporta ng
Gabriela na si Angel Locsin. (KR Guda)
si Rep. Luz Ilagan, isa sa dalawang kinatawan ng Gabriela sa Kamara. (KR Guda)
Nominado rin si Ilagan bilang kinatawan ng GWP. Si Maza naman, na inihalal na bagong
tagapangulo ng Gabriela, ay tatakbo sa pagkasenador sa halalan na 2010, sa ilalim ng koalisyong
Makabayan.
Sa kanyang talumpati sa simula ng pagtitipon, inihayag ni Maza, “Hindi biro ang ating dinanas,
hindi matatatwa ang mga pagsubok. Kaya napakahalaga ng araw na ito, sapagkat magsisimula
muli tayo sa ating mga tagumpay. Isusulong natin sa mas mataas pang antas ang pakikibaka ng
sambayanang Pilipino.”
Dalawampu’t limang taon mula nang mag-umpisa, matayog pa rin ang mithiin ng mga babaing
nagtayo ng Gabriela.
Ilang-Ilang D. Quijano
Ilang-Ilang D. Quijano is former executive director of PinoyMedia Center, Inc. and former editor of
Pinoy Weekly. She is a documentary filmmaker and part of AlterMidya-People's Alternative Media
Network. Ilang earned her masters degree in journalism at the Ateneo de Manila University Konrad
Adenauer Asian Center for Journalism.
Recent Posts
We are
GABRIELA's History
Filipino women have a long struggle against HOME
oppression, foreign control and male domination.
They fought for better jobs and the rights to vote and HISTORY
go to school. One of them led a regional revolt against
Spanish colonizers. She was Gabriela Silang. PRINCIPLES
| HOME | HISTORY | PRINCIPLES | OUR TASKS | STRUCTURE | DEPARTMENTS | MEMBERS |
GABRIELA's Principles
We seek to forge women's unity within and among
classes and constituencies to wage a struggle for
the liberation of women and the rest of the Filipino HOME
people. This force will work for:
HISTORY
GABRIELA's Tasks
arouse, mobilize and organize the greatest
number of women for genuine liberation HOME
promote and conduct information and education
HISTORY
activities to initiate socio-cultural
transformation PRINCIPLES
promote and create programs and projects to
uplift the condition of women OUR TASKS
GABRIELA's Departments
Campaigns Department coordinates campaigns
and all-women actions launched by GABRIELA HOME
members nationwide on various issues affecting
women and ensures support from other people's HISTORY
organizations. SINING-LILIA, the all-women
PRINCIPLES
performing group of the organization, is a vital
unit that uses popular, cultural methods in OUR TASKS
educating the public on women's issues.
STRUCTURE
Public Information Department develops and
executes media strategies to raise public DEPARTMENTS
awareness and support for women's issues.
MEMBERS
camp visitations
Food
medical aid
legal and psychological aid
transportation aid
temporary shelter
Research, documentation and fact finding missions
on state violence against women;
Publication of fact finding missions results,
researches, and case studies;
Campaigns on WPPs and WIRs;
Networking with local and international human
rights organizations; and
Community-based education and trainings on Basic
Human Rights.
Women's Health and Welfare
Department seeks to promote and protect
women's health and reproductive rights by
raising public consciousness regarding women's
health issues and organizing small scale
alternative health care systems responsive to
women's needs. Our activities include:
| HOME | HISTORY | PRINCIPLES | OUR TASKS | STRUCTURE | DEPARTMENTS | MEMBERS |
GABRIELA's MEMBERS
From being a coalition of middle class women,
Gabriela now finds its base among grassroots women,
the peasants, workers and urban poor, the most HOME
oppressed and marginalized. Together, 250 women's
organizations fall under Gabriela's mantle. HISTORY
Amihan STRUCTURE
a national federation of peasant women that
primarily takes up the issues of genuine agrarian DEPARTMENTS
reform and the right of peasant women to own
land. MEMBERS
Kilusan ng Manggagawang
Kababaihan (KMK) - Women Workers'
Movement
a movement uniting women workers in their
struggle for wages and other issues such as
discrimination and wiolations of women's rights
in the workplace. KMK initiates the formation of
women's committees in trade unions and workers'
federations and links up with the Kiulusang Mayo
Uno (KMU) or the May First Movement.
Samahan ng Malayang Kababaihan
(SAMAKANA) - Association of United and Free
Women
A nationwide federation of women from urban
poor communities struggling against the adverse
consequences of national economic policies on
women, focusing on poverty, inflation,
homelessness, unemployment and the lack of
social services confronting urban poor
communities.
SAMAKANA also conducts education on various
issues confronting urban poor women and leads
community actions against domestic violence.
GABRIELA Youth
OTHER CHAPTERS and big MEMBER
ORGANIZATIONS:
INNABUYOG
An alliance of indigenous women's organizations
in the Cordilleras, Northern Philippines. It was
formed to unite and forward the struggle for the
rights of indigenous women to their ancestral
domain and against development aggression.
Membership is open primarily to groups,
organizations, institutions or their program desks.
Individuals will also be accepted provided they
join a committee or network of coalition.
GABRIELA Bulacan - Central luzon
BICOLANA - Bicol Region
SAGUPA-SB - Leyte/Samar Region
Women's Development Center - Bohol
GABRIELA Cebu - Cebu
GABRIELA Negros - Negros
GABRIELA Panay - Panay
WINZAM - Western Mindanao Region
GABRIELA SOCSARGEN - Far South of
Mindanao
BUKAS - Eastern Mindanao
GABRIELA DAVAO - Southern Mindanao
Center for Women's Resources