You are on page 1of 1

Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2018

Ang buwan ng wika ay palaging ipinagdidiriwang ng mga paaralan sa ating bansa isa na rito ang
Mindanao State University. Sa taong ito may temang Filipino: Wika ng Saliksik ang pagdiriwang
ng Buwan ng Wikang Pambansa 2018. Idinaos noong Agosto 28-30, 2018 sa Engler ng CSSH,
Mindanao State University.
Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Mindanao State University ay naging matagumpay itong
naidaraos dahil sa tulong ng mga guro na nagmula sa Kolehiyo Edukasyon at ng Kolehiyo ng
Agham Panlipunan at pang katauhan at higit sa lahat ay ang mga mag-aaral na taga pangasiwa
rito. Isa na dito ang FIMSO (Filipino Major Students Organization) na pinamumunuan ni Prof.
Alvin Flores, isa ang FIMSO sa tagapangasiwa sa programang naganap.

Sa pagdiriwang ng buwan ng Wika mayroong iba’t-ibang laro na


naganap na nagpapakita ng wika sa Pilipinas, pagkakaisa ng mga
Pilipino at higit sa lahat ay nagpapakita ng kultura ng mga
Pilipino. Kaya naman ang mga mag-aaral ay lahat naging abala
sa preparasyon ng bawat kalahok sa kani-kanilang kolehiyo. Ang
Balagtasan ay isa sa itinanghal sa Buwan ng Wika upang ipakita
ang tagisan ng talino ng bawat makata at ang pagiging mahinhin
o pananalita ng mga sinaunang Pilipino.Sabayang Pagbigkas isa
din ito sa idinaos sa Buwan ng Wika, kung sino ang higit na
maganda ang pagbigkas sa bawat salita. May naganap rin na
tanghal tula at paligsahan sa pag-awit.

You might also like