You are on page 1of 3

PANAHON NA AMERIKANO

May tatlong wikang ginamit sa panahon ng amerikano ito ay ang TAGALOG, KASTILA, at INGLES. Ang
paksa sa panahong ito ay PAGKAMAKABANSA, DEMOKRASYA, RELIHIHIYON, SOSYALISDAD at POLITIKA.

AKLATANG BAYAN (1900 - 1921) - yumabong ng husto ang mga tula at nanaig ang teoryang
pampanitikan na ROMANTISISMO.

ILAW AT PANITIK (1922 - 1934) - sumikat ang LIWAYWAY magasin at dito nakalathala ang ibang mga tula
sa panahon ng amerikano.

ALEJANDRO G. ABADILLA - "PAGHIHIMAGSIK", pagsira sa tradiyunal na anyo ng tula na may sukat at


tugma. Nakilala ito bilang malayang anyo ng tula. Tinagurian din si "AGA" na Ama ng Malayang Tulang
Tagalog.

JOSE CORAZON DE JESUS - kilala sa panulat ngalan na "Huseng Batute", kampeon ng mga taong mababa
ang kalagayan sa pamayanan. Sinulat niya ang dalawang kilalang tula na "Bayan Ko" at "Pamana".

Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang
mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang
Kastila.

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang
imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa
Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga
panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng mga oda para
kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga talumpati; si Lope K.
Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at nagpauso ng panitikang sosyalista;
si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na
‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang
ipinababayad kapag nagpapagawa sa kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat
ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang
na pinakaunang nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang
iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na ginamit ng mga
gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba pang uri (genre) ng panitikan
gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang pelikula.

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din


ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito. Dala nila ang
mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang mga artista na
nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa
bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw lamang at nagsasalitang walang
tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa
nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa pagsabog ng
mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga lamang ng pagka-
ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.

Ang mga unang pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng
kanyang dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang
pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan) na
malateatro rin ang kinalabasan.

Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga Amerikano.


Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.

Ang dula ay sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang
hangad na paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng
mga Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin
nasiyahan ang mga manunulat.

Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa mga
Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903 –
ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang
dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala rin sa tulong ng isang
mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang
“Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng
kanyang may-bahay.

You might also like