Professional Documents
Culture Documents
Ang bansang Hapon ay malaki ang pagnanais nasiyang maghari sa buong Asya.
Ang lingguhang Liwayway lamang ng mga Roces ang nagbukas ngunit nasa ilalim ngpangangasiwa
ng hapong si Kin-Ichi Isikawa.
Ang pinakamahusay na akda sa taong 1945nay pinili ng isang lupong binuo nina Agustin C. Fabian,
Francisco B. Icasiano, Arceneo B. Afan, Jose Esperanza Cruz,
Clodualdo Del Mundo, Buenventura C. Medina at Teodoro C. Santos. Ang pamimiling ito ay ginananap noong
1944.
Ang 25 na napili ay ipinasuri naman kay Lope K. Santos, Julian Balcameda at Inigo Ed. Regaldo.
Mga nagkamit ng Gantimpala
“Lupang Tinubuan “ ni Narciso Reyes – Unang Gantimpala
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo – Ikalawang Gantimpala
“Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni N.V.m Gonzales – ikatlong Gantimpala
Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gayang Tribune at Free Press
“Dugo at Utak”
Nagtataglay ng talinghag
Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito
1. HAIKU - Isang tulang may malayang taludturan na kinagiliwan ng mga Hapones. Binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
2. TANAGA - Tulad ng Haiku, ito ay maikli lamang ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod
nito ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matalinhagang kahulugan.
3. KARANIWANG ANYO - Ang katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral ng aklat na ito.
ANG NOBELA
Ang nobela ay isang mahabang likhaing sining na nagpapakita
ng mga pangyayaring pinagdikit sa pamamagitan ng
balangkas.
Walang gaanong nobelang naisulat noong panahon ng hapon. Marahil ang nagging dahilan ay ang kakauntian ng
nobelangnalathala sa panahong yaon ay ang kakapusan ng papel. Ang ilan sa mga nobelang nabanggit ay
kapirapirasong inilathalasa liwayway na ginamitan ng napakaliit na titik o tipo, isang malinaw na tanda nag
paghahangad na habaan ang malalagay na bawat labas na magasin.
Naging karaniwang paksa sa panahong ito ang tungkol sa karalitaan ng buhay, pakikipagsapalaran sa unos ng
buhay na dulot ng digmaan, at ang kabayanihan at katapangan ng mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang
Karapatan sa kamay ng mga mananakop.
Ang nobela ni Jose Esperanza Cruz “Tatlong Maria” ay isa sa mga nobelang naisapelikula noong panahon ng
hapon.
ANG SANAYSAY
Ang sanaysay ay tinatawag na “essay” sa wikang ingles. Ito ay isang uri ng sulatin na
nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may
pokus sa iisang diwa at paksa. Ang mga sanaysay ay may layong magbahagi ng
impormasyon , magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng
ibang tao at iba pa.
DALAWANG URI NG SANAYSAY
Pormal na sanaysay
karaniwang nagpapahayag tungkol sa seryosong paksa at karaniwang isinusulat na may taglay na maiging pag aaral o
pananaliksik ng may akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat ibang paksa. Ang tono ng pagsulat ay
Di-pormal na sanaysay
tungkol sa karaniwang paksa, personal na pananaw o mga sulat na naglalayong makapagbigay aliw sa mambabasa.
Ang tema at pormat nang pagsulat nang ganitong uri ng sanaysay ay kadalasang may bakas ng personalidad ng may
akda at parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan at hindi gaanong pormal ang mga salitang gamit sa pagsulat.
Ang Sanaysay sa Panahong Hapon
Sa panahong ito, nagsimula ang malaking pagbabago sa pamamaraan ng mga manunulat. Gayundin sa
paksa at wikang kanilang ginamit.
Namayani sa panahong ito ang mga paksang “ pagbabalik sa lupa” o tumatalakay sa karaniwang buhay ng
Pilipino.
Dahil sa laban ang mga Hapon sa Amerika , ang wikang Tagalog ay kanilang ipinagamit bilang opisyal ng
wika sa bansa.
Maraming manunulat sa wikang Ingles ang nawalan tuloy ng pagkakataong sumulat sa wikang ito kayat
sinubukan nilang sumulat sa Filipino.
Sumikat ang magasing Liwayway at maraming akda, kabilang na ang sanaysay, ang nagpalimbag dito.
Nakilala bilang mananasaysay sa panahong ito sina Maria Luna, Lina Flor at Maria Mababanglad.
Ang sanaysay ay pinagtangkaang paunlarin noong panahon ng Hapon ng isang hapon, Kinichi Ishikawa.
PANITIKANG FILIPINO SA INGLES SA
PANAHONG ITO
Sa kabilang dako ay umunlad ang panitikang Pilipino. Ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa
pagsulat sa Tagalog. Sa Ingles at Tagalog ay nakilala si Juan C. Laya. Sa panahong ito pinili ang
pinakamahusay na 25 kuwento ng 1943, at sa 25 namang mahuhusay ay pinili ang tatlong binigyan ng
gantimpala. Ang mga nagkamit ay ang mga sumusunod: "Lupang Tinubuan" ni Narciso Reyes, unang
gantimpala, "Uhaw ang Tigang na Lupa" ni Liwayway Arceo, ikalawang gantimpala, "Lunsod. Nayon at
Dagat-dagatan" ni N.V.M. Gonzales, ikatlong gantimpala.
Sa panahong ito pinili ang pinakamahusay na 25 kuwento ng 1943, at sa 25 namang mahuhusay ay pinili ang
tatlong binigyan ng gantimpala. Ang mga nagkamit ay ang mga sumusunod: "Lupang Tinubuan" ni Narciso
Reyes, unang gantimpala, "Uhaw ang Tigang na Lupa" ni Liwayway Arceo, ikalawang gantimpala, "Lunsod,
Nayon at Dagat-dagatan" ni N.V.M. Gonzales, ikatlong gantimpala.
Ang namalasak na tula ng panahong yaon ay ang "Haiku", isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludtod.
Maikli ang Haikku ngunit nagtataglay ng kagandahan, kahulugan, kaisipan at damdamin. Bukod sa Haikku ng
Hapon ay may dalawa pang uri ng tulang lumaganap, ang maka-Amerikano, kabilang sina Federico Mangahas,
Francisco B. Icasiano, Salvador Lopez at Manuel Anguilla.
Sa America noong 1942 ay nagsusulat sina Jose Garcia Villa ng tula Have Come, Am Here; si Carlos
Bulosan ay ng Chorus for America and Letter from America at maikling kuwentong "The Laughter of my
Father": si Carlos P. Romulo naman ay sumulat ng mga aklat na may pamagat na 7 Saw The Fall of the
Philippines, Mother America (1945).
PANAHON
NG
BAGONG
KALAYAAN
KAPALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pangakong pagbabalik ng mga Amerikano ay natupad noong 1945.
Nagdiwang ang mga Pilipino at ang mga namundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon.
Naging makasaysayan sa ating mga Pilipino ang ika-4 ng Hulyo, 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan.
Nawala ang tanikala, nawala ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa turing ang mga Pilipino.
Ang Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon) na binubuo ng pangkat ng mga gerilyang may pagkiling
sa komunismo, ay isa pang pamana ng digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-
ekonomiko.
PAGBABAGO AT SALOOBIN
Sa mga pamantasan ay nadagdagan ng mga kurso sa pagsulat ng tula, kuwento at sanaysay sa Ingles at
Filipino.
Maraming mga manunulat sa Pilipino at sa Ingles na lumawak ang kaalaman sa sining ng pagsulat sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga akda ng mga amerikano, Ingles at ng mga taga- ibang bansa upang
mabigyan nila ng pagbabago ang kanilang mga pagsulat.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang mga mambabasa naman ay nahati sa dalawang uri, ang mga tinatawag
na intelektuwal na mambabasa at ang mga karaniwang mambabasa o ang masa. Ang mga intelektuwal na-
mambabasa'y karaniwan ay mga akdang Ingles ang mga binabasa samantalang ang masa'y ang mga
babasahin sa Filipino ang mga binabasa.
Ang mga intelektuwal ay nagbabasa upang madagdagan ang kaalaman samantalang ang masa'y upang
maglibang, kaya't lalong dumami ang mga lingguhang babasahin upang mapagbigyan ang
dumaraming karaniwang mambabasa.
Noon namang 1955 ay ipinalimbag niya ang katipunan ng kanyang mga tulang may pamagat na "Ako ang
Daigdig". Dahil sa kagandahan ng mga tula niya'y pinagkalooban siya ng Surian ng Wikang Pambansa ng
Diploma ng Karangalan bilang "Pangunahing Makata ng taong 1957.
Noong 1960 ay ipinalimbag ni Jose Villa Panganiban ang kanyang 70 tulang pinamagatan "Mga Butil ng
Perlas". Inihandog niya ito sa kanyang maybahay na si Gng. Consuelo Torres Panganiban, alang-alang sa
pagsapit ng kanilang ika-25 taong anibersaryo ng pag-iisang dibdib Sinulat din ni Dr. Panganiban ang 101
Tanong at Sagot na pangwika". Makata ng taong 1957.
Si Amado V. Hernandez na Humalili ay nagkamit ng "Republic Cultural award noong 1962 sa katipunan ng
kanyang mga tulang may pamagat na "Isang Dipang Langit". Sinulat niya ito sa piitan sa Muntinglupa. Siya'y
napiit sapagka't napag- bintangang isang kumunista dahil sa pagta- tanggol niya sa mga dukha at mangga-
gawa. ang kanyang mga tula at mga dula ay nag- tatanggol sa katarungang panlipunan. Pag- katapos ng
walong taong pagkakapiit ay nakalaya na rin siya nguni't makalipas ang ilang taon siya'y binawian ng buhay.
Noong 1957 ay lumabas ang katipunan ng 20 maikling katha ng mga pangunahing manunulat na tinipon ni
Alejandro Abadilla at ni Ponciano B.P. Pineda. Ito'y inilathala ng Panitikan ng Wika. Ang mga kuwentong
ito'y naiiba sa mga unang kuwentong nasulat noong panahon ng Amerikano. Ang mga paksa at istilo ng
pagsulat ay makabago.
MGA IBA PANG
MAKATA
Manuel Car Santiago
Hernando Ocampo
-“Unang Pamumulak
- Isang pilipinong manunulat at pintor na nagawaran ng karangalan bilang
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.
Manuel Principe Bautista
- asawa ni Liwayway Arceo Bautista
- ang may akda sa“Himig at Sinag” at “Dalawa(2)”
Ruben Vega
- pangunahing alagad ng sining
- makata at kwentista, sarsuwelista, mandudula, director at
kumposer
Manuel Car Santiago
Hilario Coronel
Manunulat
Nanalo ng Palanca Memorial Awards ng kanyang Maikling kwento “Tanging Pamana”
Ang may akda ng “Aliping Maharlika”(1957) “Pintor Kulapol” (1957)
MGA MAKABAGONG
MANUNULAT NG MAIKLING
KWENTO
Alejandro Abadilla.
Ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa tulang tagalog nang higit kanino
man
Si Antonio H. Sempio ay isa ring magaling na nobelista. Karamihan ng kanyang mga nobela'y
isinapelikula. Ang mga ito'y "Rosa Birhen," "Pusong Lumuluha," "Pangarap Lamang." "Ilaw at
Panitik," "Dalagang Bukid," Ang Mga Ulila," "Magandang Loleng." "Ave Maria," "Celia Macaraig,"
"Ama Maria," "Anak Dalita," "Luha ng Dalaga," "Dasalang Perlas," "Ang Punyal na Ginto" at "Luha
at Luwalhati."
ANG MGA DULANG TAGALOG
Severino Reyes ama ng dulang Tagalog
Ang Palanca Memorial Awards sa Panitikan pinagkaloob noong 1954
Pagsasadula ng kilalang ( Hamlet at Macbeth) at mga orihinal na rin na kwento
Kilalang mandudula
• Wilfredo Maria Guerrero – 1997 Kinilalang pambansang alagad ng sining
• Dionisio S. Salazar – “Makapapaghintay ang Amerika” at Hulyo 4, 1945”, unang gantimpala
sa Carlos Palanca Memorial
PANITIKANG FILIPINO SA
INGLES
Simula nang ituro ang Ingles sa mga Pilipino ay kasama na ring itinuro ang mga yaman ng pampanitikang
Ingles. Ito'y kanilang napa-unlad, at sa loob lamang ng may 20 taon ay may tatlong daan nang mga
makatang Pilipino sa Ingles ang nagsisulat ng tula.
May dalawang kadahilanan ang mabilis na pag-unlad ng panitikang Filipino sa Ingles.
Una, ay ang pagkakaroon ng bagong sistema ng Edukasyon sa buong bansa
ang demokratikong edukasyong ang lahat ay binibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang mabilis na
pag-unlad ng edukasyon ay kaalinsabay na rin ng pag-unlad ng panitikan
Ang ikalawang dahilan ay ang pag kakaalis ng lupon ng sensura na siyang pumigil sa kalayaan sa
pagsulat noong panahon ng Kastila. Sapagka't may kalayaan na sa pagsulat pagbasa at
pakikipagtalastasan ang mga manunulat ay nakapagbasa ng mga banyagang aklat na kinapulutan
nito ng mga bagong ideya at palagay.
Ang mga unang makatang Filipino sa Ingles ay sina Fernando M. Maramag, Luis
Serrano, Bernardo P. Garcia, Juan Salazar, Lorenzo Paredes, Francisco M. Africa,
Mario Mendez, Maximo M. Kalaw, Nicasio Espinosa, Celedenio P. Gloria,
Natividad Marquez, Procopio Solidum, Ceferino Montejo, Luis Dato, Leopoldo
Uichangco, M. de Gracia Concepcion at mga iba pa.
MGA BAGONG
MAKATA
NICK JOAQUIN
Makata ng Pag–ibig
Makatang Kwentista.
“Estero Poems” noong 1961.
Maikling kwento na “White Wall”
Kanyang mga Tula na
“Dusk”
“Dawn”
“Flower by the Estero”
“Night of the Estero”
“Evensong”
RICARDO DEMETILLO
Pinakamahusay na makata
pagkatapos ng digmaan.
Wala na ang sensura o pagpigil sa pagsulat noong panahon ng Hapones at ngayon ay malaya nang sumulat sa iba't-
ibang paksa. Ang mga samahan at pamahalaan ay nagkaroon ng pagganyak upang maisulong ang kalagayan ng ating
panitikan. Ang mga ito'y Palanca Memorial Awards in Literature. Gawad ni Balagtas, Republic Cultural Heritage
Award, Tang Ginto at mga iba pa. Nagbigay sila ng nga gantimpala upang sumigla ang pagsulat.
Maraming nagsisulat ng mga tula, kuwento dula sa Pilipino at Ingles. Umunlad agad sining na ito sapagka't ang mga
paman- asan at kolehiyo ay isinama sa kanilang palatuntunan ng pag-aaral ng dula, tula, at sanaysay.
Ilan sa mga makatang Pilipinong sumikat a panahon ng Bagong kalayaan ay sina:
Amado V. Hernandez
Alejandro Abadilla
Manuel Car Santiago
Aniceto Silvestre
Brigido Natungbakal
Liwayway Arceo- Bautista
Pedro Dandan
Antonio Rosales
Sa dula naman ay sumikat ang mga musunod:
• Julian Cruz Balmeceda
• Amado V. Hernandez
• Dionisio Salazar
• Hermogenez Jagan
• Aurelio Tolentino
• Benjamin Pascual
• Rolando Bartolome
Sa maikling kuwento sa Tagalog ay nagkamit ng Palanca Memorial Award ang mga sumusunod:
Genoveva Edroza-Matute
Pedro Dandan, Jesus Arceo,
Liwayway Arceo
Macario Pineda,
Clodualdo del Mundo
Antonio Rosales
Teodoro Agoncillo
Sa nobela ang mga sumusunod:
Julian Cruz Balmeceda
Rosala Aguinaldo
Teofilo E. Sauco
Gregorio Choching
Jose Domingo Carasig
Narciso Asistio
Antonio Simpio
Buenaventura Medina