You are on page 1of 4

SUYUAN SA TUBIGAN

Ni Macario Pineda

Bisa sa isip/kaisipan
At wariy malikmatang gumuhit sa balintataw ng aking mga mata ang
mga liham ng dulang nangyari na sa paligid-ligid ng mga tubigang yaon.
Ito ay isang bisa sa kaisipan sapagkat ipinakikita o binabalikan ng tauhan
ang mga pangyayaring natapos na o napagdaanan na ng tauhan sa
pangyayaring iyon. Habang ang tauhan ay abalang-abala sa pag-aararo sa
tubigan ay napapansing ang dalawang binata ay wala sa pokus ng kanilang
ginagawa. Naroon lamang ang kanilang isipan sa dalawang dalagang serbedura
na ubod ng ganda. Napaisip sila kung paano sila mapalapit sa dalawa na tila
umiibig sila.

LUPANG TINUBUAN
Ni Narciso G. Reyes

Bisa sa Damdamin.
Si Nanding ay sinagian ng lungkot, bagamat hindi niya nakita kailanman
ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit ng kanyang ama ang tumino
ng ilang bahagi ng kanyang puso, at nglapit sa kanyang damdamin ang hindi

kilalag patay. Naalala niya ang Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip


angkanyang ama.
Ang linyang ito ay isang bisa sa damdamin sapagkat ang tauhan na si
Danding ay nakadaarama ng kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang kamaganak at tumimo ang kanyang puso. Higit sa lahat sa tulong ng mga kwentong
ibinahagi ni lolo tasyo ay doon niya nalalaman ang buhay ng kanyang ama
noon mula sa pagkabata. Napaisip siya na ang buhay pala ng kanyang ama
noon ay nasa kritikal na kalagayan dahilnoong panahong iyon ay kainitan ng
himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito.
Ang kanyang ama ay may tagong kapilyuhan, sumulat ito g kauna-unahang
tulang isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakikita
niya sa bayan. Kaya yun ang sanhi ng pagkaluwas niya sa maynila.
Bisa sa Kaasalan
Yukod at Ngiti rito, Halik ng kamay roon
Ang linyang ito ay bisa sa kaasalan kung saan pagdating ni Danding sa
lugar sa lupang tinubuan ng kanyang ama. Ay taos puso niyang nirespeto ang
kanyang mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagyuko,ngiti, halik ng kamay
at kumustahan. Doon niya nalalaman ang mabubuting ugali ng kanyang mga
kamag-anak. Madalas naikwento sa kanya ang buhay ng kanyang ama, maging
ang ugali nito na katulad ng kanyang ugali. Mabait at may katalinuhan.

Uhaw ang Tigang na Lupa


Ni Liwayway A. Arceo
Bisa sa Isip/kaisipan

Ang pag-ibig na itoy isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing


tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay wakas. Ipalagay
mo ng akoy nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang
pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa
kalungkutang itong halos pumatay sa akin.

Ang linyang ito ay pumupukaw sa aking isipan kung saan inilalarawan niya
ang kanyang nais ipabatid sa mambabasa sa paggamit ng mga bagay na
konektado sa nais niyang ipabatid. Ito ay nag-iwan ng palaisipan sa mga
manbabasa kung ano ang mangyayari sa tauhan ng isang kwento.

You might also like