You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
coted@antiquespride.edu.ph

GEE 2- Panitikang Filipino

PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN at REPUBLIKA/ISINAULING KALAYAAN


(SIMULA 1946)

SULYAP SA NAKARAAN
Nagbunyi at nagdiwang ang mga Pilipino nang matapos ang digmaan noong
1945. Ang matagal na inaasam na pagkahango sa kalupitan ng mga Hapones ay natupad
na rin. Ang iniwang kapinsalaan sa buong kapuluan, tulad ng mga nawasak na gusali,
mga paaralan, tulay, lansangang-bayan ay nangangailangan ng pagsasaayos. Ang
pagbabagong tatag sa napinsalang kabuhayan ay naging panibagong suliranin sa mga
Pilipino. Naging suliranin din ang mga pinaghihinalaang may mga kilalang tao, na ang iba
ay may katungkulan pa, na nakipagsabwatan o nakipagtulungan sa mga Hapones sa
panahon ng pananakop. Sinasabing sa mga nagsipagtaksil na ito may ilang kilalang
pinatunayang hindi kolaboretor, at ang pakikisamang ginawa nila sa mga Hapones ay
sinadya nila upang maging daan din sa pagtulong sa mga Pilipino.
Ang Pilipinas naman ay tinulungan sa panahong ito ng Estados Unidos, sa
pamamagitan ng mga pagkain, mga pangunahing kagamitan, at ilang milyong dolyar
upang makabangon kahit paano sa bumagsak na kabuhayan. May mga nagsagawa ng
kahilingan na pasukan ng pagbabago ang Saligang-Batas ng Pilipinas, na binibigyang-
karapatan ang mga mamamayang Amerikano sa ating mga likas na kayamanan (parity
rights). Walang nagawa ang mahigpit na pagtutol ni Claro M. Recto at Jose P. Laurel,
sapagkat ang mamamayan ay sumang-ayon na rin dahilan sa mahigpit na
pangangailangan ng naghihirap na bansa.
Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng Batas Tydings-McDuffie
noong Hulyo 4, 1946, ngunit masasabing walang ganap na kalayaan dahil sa kahirapan
ng bayan, at kakulangan ng wastong pagpaplano para sa pagpapanibagong tatag ng
bansa.
PANITIKAN
Sa pagbabalik ng mga Amerikano ay masasabing nabigyan lalo ng pagpapahalaga
ang wikang Ingles. Sa pangunguna ng Estados Unidos sa mga kaunlarang pambansa, ay
nanguna rin ang kanilang wika na itinuring nang wikang pandaigdig. Nagkaroon ng
wikang opisyal- Tagalog, Ingles, at Kastila, at ito ay nang matamo ang republika noong
taong 1946.

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

Ang naging kalagayan ng panulatang Tagalog sa panahong ito ay tulad din noong
bago magkadigmaan. Ang pagkabuhay at pagkamatay ng mga akdang Tagalog ay
nakasalalay sa mga mambabasa. Ang karamihang tumangkilik sa babasahing Tagalog ay
yaong mga hindi nakapag-aral o nakatapos ng pag-aaral. ang mga nagsipag-aral ay hindi
nagkahilig sa pagbabasa nito. Kaya’t noong Liberasyon (1945) hanggang pagsapit ng
1950, nawala’t lumitaw ang mga babasahing Tagalog gaya ng Sinagtala, Malaya, at
Kayumanggi, sa ilalim ng pamamatnugot nina Clodualdo del Mundo, Teodoro Agoncillo,
at Alejandro Abadilla. Ang Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 (1949) na
pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo ay nabilang mga akdang may uri na kinagiliwan ng
marami.
Taong 1946 nang sumigla ang Panitikang Filipino, sapagkat bawat manunulat ay
nagnais ba makasama ang kanilang akda sa mga katipunan ng mga piling-akda na nang
panahong ito ay nagkasunod-sunod ang mga aklat-katipunan na naglalaman ng mga
maituturing na may uring katha.
Nakilala rin ang mga aklat-pampaaralan ni Juan C. Laya na Diwang Kayumanggi at
Diwang Ginto ni Brigido Batungbakal. Dahilan sa mga pinasimulang ito, unti-unting
nakilala sa mga paaralan ang kahalagahan ng mga akdang nagpapalawak sa kaisipan at
pananaw ng mga kabataangmag-aaral, kaugnay ng layuning pagbibigay-halaga sa
panitikang Filipino.
Ang mga sumusunod na akda mula sa kalipunan ng mga akda ni Alejandro G.
Abadilla (1948): Silakbo ni Marcial I. Aguila; Siya sa Ibabaw ngDaigdig ni Brigido C.
Batungbakal; Maganda ang Ninang Ko at Sining Din ng Buhay ni Liwayway Arceo;
Nupling ang Isang Munting Halaman ni Pedro S. Dandan; Kalansay ni Genoveva Edroza
Matute, at marami pang iba.
Mula naman sa kalipunan ng Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 ni
Teodoro Agoncillo (1949) ay ang sumusunod: Noche Buena ni Genoveva Edroza Matute;
Ako’y Mayroong Ibon ni Deogracias Rosario; Walong Taong Gulang ni Genoveva Edrosa
Matute; Bakya ni Hernando R. Ocampo, at Pusa Sa Aking Hapag ni Jesus A. Arceo.
Sina Abadilla, F.B. Sebastian, at A.D.G. Mariano (1954) ay ilan sa mga nanguna sa
larangan ng maikling kathang Tagalog, gayundin ang mga sumusunod: Aloha ni
Deogracias Rosario; Kasalan sa Nayon ni Eleuterio P. Fajas; Bungan g Kasalanan ni Cirio
H. Panganiban; Ang Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes; at Ang Langit ni Ka Martin ni
Macario G. Pineda.
Masasabing si Genoveva Edroza (1952) ang nagbigay ng pasimula sa ibang
kamanunulat sa pagbuo ng aklat na katatagpuan ng mga piling sariling akda. Ang aklat ni

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

Edroza ang kauna-unahang katipunan ng akda sa Filipino. ang ilan sa mga kuwento niya
ay ang sumusunod: Sariwa Pa Ang Alaala, Walong Taong Gulang, atAt Lumaki si Ben.
MGA SAMAHANG PAMPANITIKAN NA ITINATAG
o TANIW – Taliba ng Inang Wika
o KADIPAN – Kapisanan ng Diwa at Panitik
o KAMPI – Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino
o Panitik ng mga Kababaihang Manunulat
o Samahang Balagtas
o PANITIKAN – ito ay samahang pampanitikan sa iba’t ibang pamantasan at
kolehiyo

MGA SAMAHANG PAMPANITIKAN SA INGLES


o Philippine Writer’s Association
o PETA – Philippine Educational Theater Association
o Barangay Writer’s Guild
o Arena Theater
o Dramatic Philippines
 Ang pansin ng mga manunulat na Tagalog ay nalipat sa pagsusulat ng mga aklat
pampaaralan sa Pilipino. Nagsulat sila ng mga aklat na pambalarila at
pampanitikan, kasama ang mga tula, sanaysay at maikling kuwento. Ang mga
akda ng mga dakilang manunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli
sapagkat ang mga ito’y isinama sa mga babasahing pampanahon ng mga bagong
manunulat.

MGA MANUNULAT NG TULA SA PANAHONG ITO:


1. Alejandro Abadilla – “Ako ang Daigdig” 1955, dahil sa kagandahan ng tulang ito
ay pinagkalooban siya ng Surian ng Wikang Pambansa ng Diploma ng Karangalan
bilang Pangunahing Makata ng taong 1957.
2. Jose Villa Panganiban – “Mga Butil ng Perlas” 1960, binubuo ng 70 tula na
handog nya sa kanyang asawa para sa kanilang ika-25 taong anibersaryo n pag-
iisang dibdib.
3. Aniceto Silvestre – “Filipinas” nanalo ng unang gantimpala sa paligsahan ng
Surian ng Wikang Pambansa noong 1946. Kinilala siya bilang Pambansang
Makata ng maipanalo nya ang dalawa nyang tulang “Ako’y Lahing Kayumanggi”
at “Mutya ng Silangan” na nagkamit ng una at pangalawang
4. Teo Baylen – “Tinig ng Darating” kanyang tulang tinipon sa loob ng 30 taon at
pinagkalooban ng Republic Cultural Award noong 1963.

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

5. Amado V. Hernandez – “Isang Dipang Langit” humalili kay Jose Corazon de Jesus
bilang pangunahing makata sa Tagalog. Siya ay nagkamit ng Republic Cultural
Award. Ang tulang ito ay nagtataglay ng diwang mapanghimagsik na kanyang
sinulat sa loob ng bartolina ng Muntinlupa noong Abril 22, 1952. Nabilanggo sya
dahil sa bintang na isa syang komunista dahil sa pagtatanggol nya sa mga dukha
at manggagawa.
6. Bienvenido A. Ramos – “Maynila” nagkamit ng Unang Karangalan sa Taunang
Timpalak ng Talaang Ginto noong 1963, sa tulang ito ipinakita ng makata ang
dalawang mukha ng lungsod ng Maynila: ang pangit at magandang mukha nito.
Ngunit higit na binigyang diin ng makata ang pangit na mukha ng lungsod dahil
sa likod ng lahat ng kariktan at kasaganaan nito ay naroon ang lahat ng uri ng
kasamaan, karahasan, katiwalian at pagkukunwari.

TALAAN NG MGA NAGWAGING GANTIMPALANG PALANCA SA TULA


Nagsimula ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong
1950.Si Tan Guin Lay o Carlos Sr. ang Ama ng Gawad Palanca.
1963-1964
1. Alamat ng Pasig-Fernando Monleon
2. Ito ang Aking Panahon- Bienvenido A. Ramos
3. Halimuyak 101-Vedasto G. Suarez
1964-1965
1. Sa Pagkaparool- Ruben Vega
2. Mga Sugat ng Siglo- Teo S. Baylen
1965-1966
1. Ebolusyon- C.C. Marquez, Jr.
2. Logos- Vict. V. dela Cruz
3. Tinig Mula sa Kung Saan- Rogelio G. Mangahas
1966-1967
1. Toreng Bato-Kastilong Pawid at Bagwis ng Guniguni- Federico Licsi
Espino, Jr.
2. Mga Paa…Mga Kamay…- Bienvenido A. Ramos
3. O Sanggol ng Hari- Ruben Vega
1967-1968
1. Mga Ibon at Iba Pang Tula- Bienvenido A. Ramos
2. Ito ang Kabihasnan at Ilang Tula- Victor S. Fernandez

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

3. Kaktus ng Bungo- Martin D. Pantaleon


1968-1969
1. May Luha ang Tula at Iba Pa- Aniceto F. Silvestre
2. Paraanin Ako- Jose M. Buhain
3. Walong Tukod-Langit- C.M. Vega
1969-1970
1. Peregrinasyon at Iba Pang Tula- Virgilio S. Almario
2. Alay ng Lahi- Ruben Vega
3. Maliwalu- Epifanio S. San Juan, Jr.
1970-1971
1. Mga Duguang Plakard at Iba Pang Tula- Rogelio Mangahas
2. Tatlong Awit ng Pagpuksa- Lamberto E. Antonio
3. Dalawang Tula- Cicilio F. Bautista
MAIKLING KATHA
Ang maikling katha ay tinatawag ding maikling kuwento o kung minsan ay payak
na kuwento. Ito ay isang mahalagang pangyayari sa buhay ng isang tauhan (maaaring
tao, hayop, o bagay) na siyang iniikutan ng iba pangyayari na nagbubunga ng tunggalian
na umaantig ng damdamin ng mambabasa.
Ang maikling katha ay naiiba sa karaniwang salaysay dahil sa sumusunod na
katangian:
 Iisang impresyon o kakintalan ang layon ng katha
 Iisang pangunahing tauhan ang inilalarawan
 Iisang pangyayari ang isinasalaysay, at
 Iisang paksa ang pinagsisikapang ipaliwanag
Ang maikling katha ay nagmula sa dagli (sketches). Nagsisulat ng dagli sina V.
Hernandez Peña, Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio Mariano, at iba pa.
Maituturing na ang nagpasigla sa pagsulat ng maukling kathang Tagalog ay ang
Lingguhang Liwayway. Ito ay pinayaman ng iba’t ibang katipunan at ng mga individwal
na manunulat, gaya ng Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 ni Teodoro A.
Agoncillo; Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute; Mga Agos sa Disyerto ni Efren
R. Abueg at mga kasama; Uhaw ang Tigang na Lupa at iba pang katha ni Liwayway
Arceo; Isang Kalipunan ng mga Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards ni Dionisio
S. Salazar; at iba pa.

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

Ang magasing Liwayway ay namili ng mahuhusay na kuwento na tinatawag na


Ang 25 Pinakamabuting Kathang Pilipino ng 1943. Ang Carlos Palanca Memorial Awards
for Literature ay namili rin ng mahuhusay na akda simula noong 1950.
MGA NAGWAGING GANTIMPALANG PALANCA SA MAIKLING KUWENTO (1950-1971)
1950-1951
1. Kuwento ni Mabuti – Genoveva Edroza-Matute
2. Mabangis na Kamay….Maamong Kamay- Pedro S. Dandan
3. Planeta, Buwan, at mga Bituin- Elpidio p. Kapulong
1951-1952
1. Kaliwanagan- Pablo N. Bautista
2. Pagbabalik- Genoveva Edroza-Matute
1952-1953
1. Kapangyarihan- Buenaventura S. Medina, Jr.
2. Ang Anluwague- Hilario L. Colonel
3. Malalim ang Gabi- Ponciano B.P. Pineda
1953-1954
1. Sa Kamatayan Lamang- Teodoro Agoncillo
2. Ang Pusa at Aking Durungawan- Macario H. Afable
3. Matalino ang Inaanak Ko- Fenando L. Samonte
1954-1955
1. Paglalayag sa Puso ng Isang Bata- Genoveva Edroza-Matute
2. Batingaw- Elpidio kapulong
3. Lumamig na Bakal- Virgilio Blones
1955-1956
1. (Walang Nagkamit)
2. Lupa, Ulan….at Supling- Martin del Rosario
3. Mga Butil, Mga Busal – Pedrito Salazar
1956- 1957
1. Sugat ng Digma- Pedro S. Dandan
2. Punongkahoy- Buenaventura S. Medina, Jr.
3. Pag-uugat…Pagsusupling- Edgardo B. Reyes
1957-1958

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

1. Ang Mangingisda- Ponciano B.P. Pineda


2. Mahaba ang Daang-Bakal- Simplicio Bisa
3. Lakas- Pedro S. Dandan
1958-1959
1. Dayuhan- Buenaventura S. Medina, Jr.
2. Estero- Pedro Ricarte
3. Mapanglaw ang Mukha ng Buwan- Efren Reyes Abueg
4. Banyaga- Liwayway Arceo
1959-1960
1. Luntiang Bukid- Edgardo B. Reyes
2. Kinagisnang Balon- Andres Cristobal Cruz
3. Di-Maabot ng Kawalang-Malay- Edgardo B. Reyes
1960-1961
1. Parusa- Genoveva Edroza-Matute
2. Binhi- Clodualdo del Mundo
3. Mabangis na Lungsod- Efren Reyes Abueg
1961-1962
1. Banyaga- Liwayway Arceo
2. Impeng Negro- Rogelio Sicat
3. Sugat sa Dibdib ng Gabi- Buenaventura S. Medina, Jr.
1962-1963
1. Himaymay- Buenaventura S. Medina, Jr.
2. Tata Selo- Rogelio Sicat
3. Sa Bagong Paraiso- Efren Reyes Abueg
1963-1964
1. Mga Aso sa Lagarian- Dominador B. Mirasol
2. Si Ama- Edgardo B. Reyes
3. Dugo sa Ulo ni Carbo- Efren Reyes Abueg
1964-1965
1. Landas ng Bahaghari- Benjamin Pascual
2. Kamatayan sa Dilim at Ulan- Eli Ang Barrozo
3. Mga Luha ni Lolo- Bayani M. de Leon

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

1965-1966
1. Bilanggo- Wilfredo Virtusio
2. Ang Anino ng Kanyang Amo- Pedro S. Dandan
3. Ang Dalaw- Jemias Vista Lamienta
1966-1967
1. Ang Kamatayan ni Tiyo Samuel- Efren Reyes Abueg
2. Talulot sa Pagas na Lupa- Leoning G. Landicho
3. Masaya ang mga Alitaptap
1967-1968
1. Anay- Epifanio San Juan, Jr.
2. Si Boy Nicolas- Pedro Ricarte
3. Himagsik ni Emmanuel Lazaro- Domingo Landicho
1968-1969
1. Huwag, Huwag Mong Kukuwentuhan ang Batang si Wie Fung- Ricardo Lee
2. Mariang Makiling- Eli Ang Barrozo
3. Elias at Salome- Domingo Landicho
1969-1970
1. Servando Magdamag- Ricardo Lee
2. (Walang Nagkamit)
3. Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak- Dominador Mirasol
1970-1971
1. Ipis sa Guhong Templo- Edgar Maranan
2. Isang Gabi sa Buhay ni Juan Lazaro- Jose Rey Monsayac
3. Maria, Ang Iyong Anak- Wilfredo P. Virtusio

Inihanda ni:

JONATHAN P. DE LA CRUZ, MAEd

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

Pangalan:___________________________ Seksyon: _____________Petsa: ________

PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN at REPUBLIKA/ISINAULING KALAYAAN

PAGSUBOK SA KAALAMAN
I. Panuto: Bigyan ng buong diwa ang mga pangungusap sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga kinakailangang salita sa mga inilaang patlang.
1. Nagbunyi ang mga Pilipino matapos ang digmaan noong _______________
2. Ang pagbabagong tatag sa napinsalang ________________ ay muling paghahandaan
nang matagal na panahon.
3. Ang mga pinaghihinalaang nilang mga Pilipinong nakipagsabwatan sa mga Hapon ay
tianatawag nilang ______________________.
4. Ang Pilipinas ay tinulungan ng _____________________________ sa pamamagitan ng
mga pagkain,
5. pangunahing kagamitan at ilang ________________________ dolyar bilang
6. pasimula sa _______________________________ na kabuhayan.
7. May mga nanguna na pasukan ng pagbabago ang ____________ batas ng
8. Pilipinas, na binibigyang-karapatan ang mamamayang _____________________
9. sa ating mga ______________________ na yaman.
10. mahigpit na tinutulan nina ________________________________ at
__________________________ ngunit walang nangyari.
11. Ang _____________________ay sumang-ayon, dahil nasa mahigpit na
pangangailangan ang ating bayan.
12. Ang kalayaan ng mga Pilipino ay ipinagkaloob sa bisa ng batas
_______________________________
13. noong _________________________, ngunit masasabing hindi
14. ganap ang kalayaan dahil sa __________________ng bayan at kakulangan ng
wastong 15. _________

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

16. Ang naging kalagayan ng panulatang ____________________ay tulad din noong


bago 17. __________
18. Noong Liberasyon (1945) hanggang sa pagsapit ng __________________ nawala at
lumitaw ang mga babasahing Tagalog tulad ng Sinagtala 19.
____________________, at 20. ________________________.
21. Nakilala rin ang mga aklat-pampaaralan ni _________________________ na Diwang
Kayumanggi at 22. __________________nina Brigido Batungbakal at 23.
_______________________.
24. Mula naman sa Katipunan ng Ang Maikling Kuwentong Tagalog 1886-1948 na
pinamatnugutan ni ______________________, ay nakilala ang “Noche Buena” ni 25.
______________________________, at marami pa na labis na kinagiliwan ng mga
Pilipinong mambabasa.

II. Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawang tula at isang maikling kuwento mula sa
mga nagwagi ng gantimpalang Palanca. At gumawa ng simpleng pagsusuring
pampanitikan sa sinaliksik na tula at maikling kuwento.

Inihanda ni:

JONATHAN P. DE LA CRUZ, MAEd

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20

You might also like