You are on page 1of 2

Ang Ating Panitikang Filipino

ANG ATING PANITIKANG FILIPINO

PANIMULA

Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag


ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa
salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa
unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na
nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa
Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO? Ang panitikang Filipino ay pahayag na


pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-
uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap
ng mga Pilipino.

MGA URI NG PANITIKAN


1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan

Panggawaing Panitikan Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap


ang kaalaman ukol sa gayo't ganitong uri ng gawain at karunungan.

Masining na Panitikan Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang
tinatawag na masining na panitikan. Ang masining na panitikan ay may kambal
na layunin a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at b. magturo o
maghikayat,

Malikhaing Panitikan Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang


pukawin ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang
paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring
binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng
kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang
pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng
panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y
gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at
maghandog sa mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang
kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING


SARILING PANITIKAN

1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.


2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-
uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong
mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN

Maging tuluyan o patula man, Ang Ating Panitikang Filipino

Ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ayon sa hinihingi ng hangarin:


1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.
2. Paglalarawan — kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay,
at iba pa.
3. Pagsasalaysay — kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari.
4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYARI SA PANITIKAN


1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at
6. Edukasyon

You might also like