You are on page 1of 2

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,

hangarin at diwa ng mga tao. o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang"
ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Kahalagahan ng Panitikan:
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang
yaman ng kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito
ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan ang gating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga
sa sariling atin.

Sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon tayo ng pagkakataon bilang isang Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba. Gamit ang
angking talino at angking kakayahan, nakakalikha tayo ng mga sulating sumasalamin sa mga matandang kaugalian at tradisyon na
siyang bumubuo sa ating kultura. Nasukat din rito ang kalakasan at kahinaan sa pagsulat at paglikha kaya naman mas nagiging
madali para sa atin na bumuo at luminang ng mga teksto. Maraming manunulat na Pilipino ang natuklasan ang kakayahan at
nabigyan ng pagkilala para sa kanilang mga akda na kinapupulutan ng aral at nagmulat sa mga kapwa Pilipino sa kagandahan ng
bansa at pagpapahalaga dito.

Higit sa lahat, nagkakaroon ng pagkakataon na maipadama ang umaapaw na pagmamahal sa bansang Pilipinas sapagkat taas
noo nilang ipinagmamalaki na sila ay mula sa lahing Pilipino at ang bawat panitikan na kanilang ginagawa ay sumasalamin sa
mayamang kultura ng Pilipinas. Tunay na mayaman ang bansang Pilipinas hindi lamang sa mga likas na yamang taglay nito
maging sa talino at kakayahang linangin ang kultura sa pamamagitan ng paggamit ng panitikan. Kaya naman mas maraming
bansa ang nagiging interesado na bumisita at manirahan dito sa ating bansa.

Uri ng Panitikan
1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Nausulat ito sa
karaniwang takbo ng pangngusap o pagpapahayag.
Mga Halimbawa:
Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.
Anekdotaisang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
Kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri:
katakataka at hango sa totoong buhay. Ito rin
ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng tao.
Nobela- o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na
binubuo ng iba't ibang kabanata.
Parabula- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na
kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay
na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral
o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito ay ang pagbubuo- buo ng


pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma- tugma.

Mga Halimbawa
Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang
ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na
siyang pinapahulaan.
Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga t
agpuang di kapani paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na
punung-puno ng mga kagilagilalas na mga pangyayari.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit..
Salawikain- Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o
sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Salawikain– nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga
ninuno.
Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Tanaga- ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman
ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda
sa pagpapagunita sa mga kabataan.May estrukturang itong apat (4) na
taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

You might also like