You are on page 1of 2

University of Negros Occidental – Recoletos

College of Arts and Sciences


FILPAN030 – Panitikan sa Filipino
Asynchronous Activities

UNANG GAWAIN: Batayang Kaalaman ng Panitikan

Pangalan: Tolentino, Jan Alexander G.


Kurso: BSEMC
Petsa: Agusto 23, 2021

I. Katuturan ng Panitikan
Panuto: Pumili ng isang manunulat na nagbigay-pakahulugan sa panitikan at ihambing ang kanyang
pagpapakahulugan sa isang akdang pampanitikan na pinakanaaangkop. Magbigay ng
tigdadalawang katunayan sa bawat aspekto. Palitan ang salitang “manunulat” ng pangalan ng
piniling manunulat at ang “akdang pampanitikan” ng piniling akdang pampanitikan.

Aspekto Manunulat Akdang Pampanitikan

1. Pasulat Amando V. Hernandez Nobela

2. Pasalita

3. Tuluyan

4. Patula Francisco Balagtas Tula

II. Kahalagahan ng Panitikan


Panuto: Ipaliwanag ang bawat kahalagahan ng pag-aaral sa panitikang Pilipino sa inyong sariling pagkaka-
unawa (10puntos bawat bilang).

1. Upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang yamang ng isip, at henyo ng ating
lahi na iba kaysa ibang lahi.
Kasagutan:
Mahalaga ang pag-aaral sa panitikang Pilipino upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang
minanang yamang ng isip, at henyo ng ating lahi na iba kaysa ibang lahi. Sa pamamagitan nang pag aral
nito ay malalaman natin kung ano ba ang kultura, kaugalian at tradisyon ng atin pinagmulang bayan. Dito
ma babalikan natin ang pinagmulan nang lahat ng kulturang at tradisyon noon na atin pa ring
nakakaugaliang gawin hangang ngayon. Sa ating bansa ang bawat lugar ay mayroong ibat-ibang kultura
kaya dapat nating tuklasin at alamin kung ano ang mga ito. Iba-iba man ang tradisyon at kultura ng bawat
lugar sa Pilipinas ay maiuugnay parin ito sa isat-isa at masasabing ito ay kulturang Pilipino.
2. Upang matalos na , katulad ng ibang lahi tayo ay mayroon ding kilala at marangal na tradisyong
ginagamit na puhunang salaysayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangang ito.
Kasagutan:
Katulad ng ibang lahi, mayroon din tayong maipagmamalaking tradisyon at kaugalian. Kilala ang
ang mga Pilipino sa mabuting pakikitungo sa at pagiging matulungin sa kapwa o ibang lahi man kapag ito
ay lubos na nangangailangan ng tulong. Kung mapag-aaralan ito at patuloy na ma kasanayan, ito ay
maipapasa sa mga susunod na henerasyon upangang kaugaliang ito ay hindi ma wala sa ating lahi.

3. Upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at nakapagsanay upang mailagan at
mapawi ang mga ito.
Kasagutan:
Bukod sa mabubuting kalinangan, mayroon din namang kapintasan sa ating panitikan. Sa pag-aaral
ng panitikan, maari itong maiwasan at baguhin upang ito ay mawala na ng tuluyan o ma ituwid.

4. Upang makilala ang ating mga kagalingang pampanitikan at lalong madalisay ,mapayabong ,at
mapagningning ang mga kagalingan.
Kasagutan:
Sa pag-aaral ng panitikan, makikilala din nating kung ano ang mga kagalingan ng ating mga ninuno.
Maraming kagalingan ang ating lahi kagaya ng pag gawa ng mga bagay-bagay na magagamit sa pang
araw-araw na gawain. Mayroon ding malalakas mangaso, yung iba naman ay may angking talino.
Mabuting mapag-aralan ito upang maisulat ito sa kasaysayan ng mga Pilipino kung paano nag simula ang
lahat at pano humantong sa kung ano ang mayroon tayo ngayon.

5. Ito’y higit sa lahat ,sapagakat tayo’y mga Pilipino at dapat maging katutubo sa atin ang
magkaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Pilipino.
Kasagutan:
Dapat huwag nating pabayaan na lang ang ating sariling Panitikan. Dapat ito ay pag-aralan at
ipaalam sa mga susunod na henerasyon. Sa pagkakaroon ng malasakit sa atong sariling Panitikan, ito ay
mabubuhay at maipapatuloy na makakaugalian nating mga Pilipino dahil simisimbolo ito kung ano talaga
tayo.

You might also like