You are on page 1of 95

MODYUL 1 - Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan

Marami nang nagtangkang sumulat nang mga Modyul patungkol sa Panitikan ng Pilipinas
upang magkaroon nang malawak at sapat na kaalaman sa panitikang taglay natin dahil isa sa
isinasaad nan gating Konstitusyon na dapat natin tangkilikin at pagyamanin ang ating sariling
wika sa pamamgitan ng mga modyul na ito ay maari mamulat ang bawat isa sa aking kagandahan
at kayamanan ng ating Panitikan.

Dahil dito ang pinaka-layunin ng MODYUL 1 - Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng


Panitikan: Unang Bahagi ay tatalakayin ang mga ilang paksa na patungkol sa Panitikan ng
Pilipinas. Dahil dito minabuti nang mga manunulat na tatalakayin ang modyul na ito sa pinaka
simpleng paraan ng pagtalakay. Dahil kayo ay kumukuha nang kursong BEED – Generalist sa
ating kolehiyo, nakasaad sa propektus nang kursong ito na kumuha ng ganitong asignatura dahil
sa layuning dahil ang pagiging guro ay may malaking bahagi sa pagpapalaganap nang ating
sariling. Darating ang panahon na magiging guro kayo at kinakailangan na may sapat na
kaalaman kayo sa wikang Filipino dahil kayo ang magiging instrumento upang maisakatuparan
ang isinasaad n gating konstitusyon patungkol sa pagpapayabong at pagpapayaman sa sariling
wika natin.

Pangkalahatang layunin ng modyul na ito ang talakayin ang paksang taglay ng Panitikan n
gating bansa. Ang mga sumusunod na mga paksa ay ang unang bahaging tatalakayin natin:

Aralin 1 - Unang Paksa: Batayang kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan


Aralin 2 - Pangalawang Paksa: Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan
Aralin 3 - Pangatlong Paksa: Pag-unlad ng Panitikan

Magsimula na tayo !

1
MODYUL 1 - Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan

Unang Paksa: Batayang kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan

Mga Layunin:
1. Nabibigyang kahalagahan ang katuturan ng Panitikan
2. Natutukoy ang papel na ginagampanan ng pampanitikan tungo sa intelektwalisasyon ng
wikang Filipino
3. Nakikilala ang mahahalagang element na lumikha ng akdang pampanitikan
4. Nagagamit ang estetika bilang instrument sa pagsusuri sa istraktura ng isang akda.

PANIMULA:
Isang mabisang ekspresyon ng isang lipunan ang panitikan. Isa ito sa pangunahing
insttitusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipunan.
Samakatwid, hindi salamin o repleksyon ang panitikan kundi isang institusyon at kasangkapan
na nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisiip at kakayahan ng mga mamamayan sa loob
ng isang lipunan.

PAUNANG GAWAIN:

Ayon sa inyong kaalaman ano ang nauuna sa itlog at manok, alin sa tingin mong nauna at
ipaliwanag ito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________
PAGSUSURI:
Ayon sa sariling pagpapaliwanag sumasang-ayon ka ba na lahat ng bagay sa mundo ay
may pinagmulan?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________

PAGLALAHAD:

Sa kalagayan ngayon ng ating bansa, kailangan nating maunawaan at mapahalagahan ang


anyo, nilalaman, at hangarin ng pag-aaral ng Panitikang Pilipino. Kailangang-kailangan ito
sapagkat ito ay isang maganda paraan ng pagpapalaganap at pagbibigay-halaga sa ating kultura.

2
Kahulugan ng Panitikan

Sa kahulugang pangwika, ang salitang panitikan ay nagmula sa salitang titik na


ginagamitan ng paglalaping pang- at –an at siyang katapat ng literature sa Kastila at literature sa
Ingles. Ayon kay (Arrogante, 1991) ang panitikan ay talaan ng buhay, ang panitikan ay lakas na
pagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. (Salazar). Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao sa iba‟t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan, sa lipunan at
kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Lumikha. (Azarias) at salamin ng kultura ang panitikan,
nakalarawan ditto ang kahapon, ngayon at maging ang bukas ng isang bansa. (Rubin)

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Panitikan ng Pilipinas


1. Makilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing pinagmulan,
ang kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.
2. Mapapahalagahan ang kadilaan n gating kasaysayan, ang pagpapakasakit n gating mga
ninuno upang tamasain ang kalayaan na pinakikinabangan sa kasalukuyan.
3. Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga literatura ng iba‟t
ibang rehiyon at matutunang ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
4. Mailalapit ang damdamin ng mga Pilipino sa isa‟t isa bagama‟t mula sa iba‟t ibang
rehiyon na may magkakaibang kaisipan, paniniwala, at pananampalataya.
5. Mapapangalagaan ang ating yamang pampanitikan na isa sa ating pinakamahalagang
yamang panlipi.
6. Malilinang ang pagmamalasakit sa sariling kultura.

Ang pag-aaral ng panitikan ay naglalayong;


1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba‟t-ibang uri ng panitikan mula sa panahon bago
dumating ang mga Kastila hanggang kasalukuyan.
2. Mapalalim ang pag-unawa tungkol sa mga paraan ng pagbibigay-buhay sa mga saloobin,
pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa pamamagitan ng panitikan bilang produkto ng
lipunan at kasaysayan.
3. Makatulong sa paglikha ng kritikal na pananaw pamamagitan ng pagpapakita ng mga
layunin ng panitikan- maging salamin ng buhay, sumang-ayon o bumalikwas sa
namamayaning kalagayan, at
4. Makabuo ng kamalayan na tumingin sa panitikan bilang mayamang bukal ng mga
saloobin at paniniwala tungkol sa makatuwirang ugnayan ng tao sa sarili, tao sa kapwa,
tao sa kanyang pamayanan at tao sa kanyang lumikha.

Uri ng Literatura
a. Batay sa Paraan ng Pagsasalin
1. Pasalindila – naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao dahil pa
natutunan ang pagsulat (epiko, awiting-bayan, alamat, kasabihan, salawikain,
bugtong, at palaisipan)/

3
2. Pasalinsulat – paraan ng pagsasalin ng literature magmula nang matutunan ng tao ang
sistema ng pagsulat, ito ay higit na mahalaga dahil higit na naiingatan.
3. Pasalintroniko – paglilipat sa pamamgitan ng mga kagamitang elektroniko.

b. Batay sa Anyo

Patula – masining o karaniwang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng mga


taludtod na maaring may sukat at tugma. May tatlong kayarian ang tula, ang pinagkaugalian na
may sukat at tugma, ang blangko berso may sukat ngunit walang tugma at ang malayang
taludturan na walang sukat at tugma. Nahahati sa apat ang mga uri ng tula.
• Liriko o tula ng damdamin – nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o
damdamin ng mga akda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya at awit.
• Pasalaysay – mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa
rito ang kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma tulad ng epiko, awit, at korido.
• Tulang pandulaan – mga dulang nasusulat nang patula tulad ng senakulo, tibag, at
sarsuwela.
• Tulang patnigan – tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo, at
balagtasan

Tuluyan – maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.


Nabibilang ditoi ang anekdota, maikling kuwento, alamat, mito, nobela, talambuhay, pangulong
tudling, sanaysay, balita, talumpati dula, atbp.

Mga elementong lumikha ng mga akdang pampanitikan

• Kapaligiran
• Karanasan
• Salik na Panlipunan at Pampulitika
• Salik na Panrelihiyon
• Edukasyon

Mga kasangkapang pampanitikan na nagbibigay-anyo sa akda

Estetika - ay nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang “pakiramdam”, o


dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas at panloob) ng tao. Kung baga
nakikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao na nakakakita (ng kahit
anuman iyon).

4
Nilalaman
1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Suliranin
4. Aksyon
5. Tema
6. Denotasyon at Konotasyon – ay karaniwan at likas o literal na kahulugan at di
literal na kahulugan
7. Diksyon
8. Mga kasangkapang panretorika
9. Mga kasangkapang pansukat
10. Mga kasangkapang metaporikal
11. Tono
12. Istruktura

Impluwensiya ng Literatura
Mga akda sa iba‟t ibang panig ng mundo na naghatid ng malaking impluwensiya sa
kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay, at kabihasnan ng tao.
a. Banal na Kasulatan o Bibliya – pinakabatayan ng pananampalatayang Kristiyano sa
buong daigdig (Palestina at Gresya)
b. Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim (Arabia)
c. Iliad at Odyssey ni Homer – kinatutuhan ng mga mitolohiya at alamat (Gresya)
d. Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Ingles noong unang panahon.
e. Canterbury Tales ni Geoffrey Chaucer - naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali
ng mga Ingles noong unang panahon.
f. Uncle Tom‟s Cabin ni Harriet Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong
daigdig.
g. Divina Comedia ni Dante Alighieri – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at
pag-uugali (Italya)
h. El Cid Compeador - naglalarawan sa katangiang panlipi at kasaysayan ng mga Kastila
(Espanya).
i. Isang Libo at Isang Gabi – naglalarawan ng pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga
Arabo at Persyano (Arabya at Persya)
j. Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng pananampalataya ng mga Instik
(Tsina)
k. Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitilohiya at
teolohiya ng Ehipto.
l. Awit ni Rolando – kinapapalooban ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya,
isinasalaysay ditto ang gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya.

5
PAGTATAYA:

Panuto: Gumawa ng isang Venn Diagram patungkol sa panitikan at kasaysayan. Ipakita sa venn
diagram ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa na may malaking ambag sa estado ng
kaalaman na taglay n gating bansa.

Assessment Rubric for a Venn diagram

CATEGORY 4 3 2 1

Concept Each section of the Each section of the Each section of the Each section of the
Arrangement diagram contains diagram contains diagram contains diagram contains
four facts easily three facts easily two facts that are very few facts that
identified. identified. (4 somewhat are not easily
(5points) points) identified. (3 identified. (0
points) point)

Content Reflects factual Most of the Reflects some Contains non


information that information is factual information factual information
corresponds with factual and and attempts to put that does not
appropriate section seemingly it in corresponding correspond to the
of diagram. (5 corresponds with section of diagram. appropriate section
points) appropriate section (3 points) of diagram. (0
of diagram. (4 point)
points)

Text Easy to read, Most text is easy Text is not easy to Not legible.
legible. No mis- to read. Fewer than read. Excessive Excessive errors.
spellings. (5 four mis-spellings. mis-spelling more (o point)
points) (4points) than five errors. (3
points)

Presentation of Clean, neat and Fairly neat and Not well Messy and
Product well organized. clean. Some organized. A little unorganized. Not
(5points) organization. (4 cluttered. (3 points) well put together.
points) (0 point)

6
Pangalawang Paksa: Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng panitikan
2. Nagagami sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng bawat dulog
3. Nakapagsasaliksik ng mga Pilisopo na nasa likod ng bawat dulog na ginagamit sa
pagsusuri ng pampanitikan

PANIMULA:
Ang Pangalawang Paksa na napapaloob sa Modyul na ito ay ang mga dulog sa
Pagsusuring pampanitikan mahalaga ang mga dulog na ito upang lubos nating mabatid ang
kahusayan at taglay na kagalingan ng mga anyo ng panitikan. Sa pamamagitan ng mga dulog
lubos nating nauunawaan ang layunin ng akda na labis na nakatutulong sa atin sa pagtuturo ng
panitikan sa mga mag-aaral na maaring mapabilang sa ating klase.

PAUNANG GAWAIN:
Tumukoy nang nalalaman mong teorya patungkol sa panitikan? pumili nang dalawa at
isulat ang mga ito sa patlang sa maikling pagpapakahulugan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAGSUSURI:
Ayon sa mga teoryang napili paano ito maiikokonekta sa panitikan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang literatura o Panitikan ay isang anyo ng sining naglalayong magpabatid ng mga kaisipan
dahil dito maraming paraan upang ipahatid ang mga kaisipin na napapaloob sa mga akdang ito.
Dahil dito ating tuklasin ang ilang mga teorya upang mas mapadali ang pagkakaunawa natin at
lubos na maiintindihan ang mga kaisipan na papaloob sa mga akda sa tulong ng mga teoryang
ito. Ito ang ilang teoryang tatalakayin.

7
1. Bayograpikal - Isang uri ng dulog na kung saan pinapaksa ang buhay at mga
importanteng pangyayayari sa isang may akda. Mahalagang matuklasan at maunawaan
ang katauhan o personalidad ng may akda o manunulat sa isang akdang pampanitikan.
Sa paggamit ng talambuhay na kritisismo, matutuklasan pa rin ang iba pang
impluwensyang makatutulong sa sining ng manunulat ang mga pilosopiyang kaakbay sa
kanyang panahon, ang mga aklat o mga akda na kanyang binasa, ang iba pang tao na
nagsilbing gabay o nagmulat sa kanyang magsulat”
2. Historikal - Sinasaklaw ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay sa mga
aspektong napapalutang sa isang akda. Mga nilalaman ng Historikal ay ang mga
sumusunod talambuhay ng may-akda, ang sitwasyong politikal na nakapaloob sa akda,
ang tradisyon at kombensyong nagpapalutang sa may- akda. Napakahalagang matuklasan
sa dulog na ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunan na may malaking
impluwensiya sa buhay ng manunulat.Nakatuon sa puwersa o lakas sa paraan at
istruktura ng institusyon.
3. Klasisismo - Isang dulog na pinapaniwalaan na walang katupasan ang diwa at espiritu ng
tao kung kaya‟t ibig nitong makalaya sa kinabibilangang daigdig. Lumaganap ang
ganitong dulog sa Grecia bago pa man isinilang si Kristo, Higit na nakilala ang dulog na
ito dahil sa mga uri ng dulang itinanghal sa panahong iyon: Trahedya at Komedya.

3. A. Mga Katangian ng Klasisismo;


a. Pagkamalinaw
b. Pagkamarangal
c. Pagkapayak
d. Pagkamatimpi
e. Pagkakasunod-sunod
f. Pagkakaroon ng hangganan.
4. Humanismo - Ang dulog na ito ay nakapokus sa tao, at ang mga taong nakatuntong ng
pag-aaral at kinilala ng kultura ay maituturing na sibilisado.Ang humuhubog at
lumilinang sa tao a y tinatawag namang Humanismo.“ Ang panitikan ng mga humanista
ay nakasulat sa wikang angkop na angkop sa akdang susulatin…Ito‟y nagtataglay ng
magkakaugnay at nakakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaaliw at
nagpapahalaga sa katotohanan.”

5. Romantisismo - Umusbong noong panahon sa Europa noong ikalawang hati ng


ikalabing-walong dantaon. Ito‟y kabaligtaran sa Klasismo. Ito‟y itinuturing na kilusang
dahil ito ay sumasabay sa paglaganap ng agham at pilosopiya sa daigdig. May dalawang
Uri ng romantisismo: Tradisyunal at romantisismong rebolusyonaryo. a. Hindi
dumadakila sa halagang pantao b. lumulutang ang pagkamakasariling karakter.
Tinatawag na Panahon ng Romantisismo ang pag-usbong ng pagsulat ng sanaysay, tula,
at maikling kwento na naglalaman ng pagka-romantiko.Inspirasyong nang mga
manunulat ng romatisismo ay ang bumubuo sa isang mahusay na akda ay ang pagiging
totoo, inspirasyon at imahinasyon.

6. Realismo - Katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay, at lipunan,


ayon sa mga realista ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Inalalaman ng isang realismong akda ay: sosyo-politikal, kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi. Laganap na paksa sa Realismo: kahirapan, kamangmangan, karahasan,
krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon, atbp May mga simulain
o prinsipyong nais ipahatid sa tao ng mga realista.; 1. Walang hangganan ang pagbabago.
2. Katotohanan ang una‟t huling hantungan ninuman. 3. hindi magaganap ang
palsipikasyon ng tao sa realidad ng lipunan. 4. Pagtatala ng iba‟t ibang mukha ang buhay.

8
7. Formalismo - Hindi binibigyang diin sa teoryang ito ang buhay ng may-akda, hindi
nakapaloob ang kasaysayan at lalong walang mababanaag na implikasyong sosyolohikal,
politikal, sikolohikal, at ekonomiya
Ang tunguhin ng dulog na ito ay:
a. Kaanyuan o Kayarian
b. nilalaman
c. paraan ng pagkakasulat ng akda.

8. Siko-Analitiko - May malaking impluwensya sa teoryang ito Freud na nagsasabi na


“tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan.”
Pinaniniwalaan na naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at
nagkaraoon lamng ng kaganapan ang pagiging isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa
mga nagaganap sa kanyang buhay.

9. Eksistensyalismo - Umusbong sa huling dekada ng nakaraang dantaon. Kalayaan at


awtentikong tanging kinikilala ng dulog na ito. Sinasabi na kitang-kita ng tao ang proseso
ng pagiging tao upang mabuhay. Maihahambing ito sa dulog na romantisismo dahil
mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o ekspresyon.

10. Feminismo - Pinaniniwalaan sa dulog na ito ang sistemang pangkababaihan bilang


isang indibwal na di-kapantay ng kalalakihan. Nilalaman ng mga akdang bakit umusbong
ang teoryang ito ay:
a. mahina
b. marupok
c.tatanga-tanga
d. sunud-sunuran
e. maramdamin
d. emosyonal
f. pantahanan
g. masama

11. Naturalismo - Halos magkatulad lamang ang dulog na to sa realismo. Nakatuon ito
sa bagay na may kaugnayan sa likas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng dulog na ito,
inilalahad ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa doktrina o pilosopiya tungkol sa
biyolohikal at sosyal katangian ng kapaligiran upang makapamili ng paraan ng
pamumuhay ang tao at magkaroon ng malayang pagpapasya.

12. Arketipal - Sa dulog na ito, sinusuri ang paggamit ng mga simbolismo upang
maipahayag ang mga kaisipan na may kaugnayan sa naging karanasan ng tauhan sa isang
akda. Karaniwan ng nababasa natin ang mga kinakatawan ng mga simbolong tulad ng
kalapati, tanikal, timbangan, kandila, sulo, at iba pa. Ayon kay Carl Jung may dalawang
antas ng ating kamalayaan:
a. Personal- na nagtatago ng mga alaala ng nakaraang pangyayari sa buhay ng
tao.
b. Arketipal- na nag-iingat naman ng mga pinagsama-samang alaala na
nakapaloob sa mga imahe at iba pang mga simbolismo.

13. Sosyolohohikal - Nakatuon sa dulog na ito ay ang kalagayan ng mga panlipunang


institusyon gaya ng pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa
lipunan. Sinasaklaw ang internal at external na pagsusuri ng akdang binabasa na may
partikular na katangiang humubog sa pagkatao

9
PAGTATAYA
Panuto: Pumili ng tigdalawang pares na teaorya ayon sa natalakay at bigyan ng
komparatibong pagsusuri ayon sa inyong napansin sa mga teoryang napili. Minamarapat na
sundin ang rubriks upang maging pamantayan sa pagbuo ng iyong komparatibong pagsusuri.
Rubrics Para sa Sanaysay
Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatuna
Inaasahan yan
(5) (4) (2)
(3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi


t ang introduksyon introduksyon ang ang introduksyon nakita sa
introduksyon. ang pangunahing pangunahing paksa at ang ginawang
Malinaw na paksa gayundin subalit hindi sapat pangunahing sanaysay
nakalahad ang ang panlahat na ang paksa. Hindi rin
pangunahing paksa pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
gayundin ang dito. ukol dito. panlahat na
panlahat na pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito
dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadedelop *


bawat talata dahil may sapat na detalye. ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Organisasyon ng Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


Ideya mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
sunod ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
ideya; gumamit makinis ang hindi ganap na
din ng mga pagkakalahad nadedelop.
transisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamo Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *


n ang kongklusyon pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
at naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasa
palagay o paksa batay sa tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at mga
inisa-isa sa isa sa bahaging katwirang inisa-isa
bahaging gitna. gitna. sa bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at mga pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga pangungusap at gamit ng mga gamit ng mga
salita. gamit ng mga salita. salita.
salita.

Kabuuan

10
Pangatlong Paksa: Pag-unlad ng Panitikan

MGA LAYUNIN:
1. Nabibigyang-halaga ang kasaysayan ng pag-unlad ng panitikan ng Pilipinas.
2. Nabibigyang-linaw ang iba‟t ibang katangian ng panitikan sa bawat panahong hinati-
hati ang kasaysayan ng pag-unlad nito.
3. Naiisa-isa ang pagkakaiba-iba sa paksa sa bawat panahon sa kasaysayan ng pag-unlad
ng panitikang Pilipino.
4. Naiuugnay sa ksalukuyan ang mga pinag-daanang karanasan ng mga manunulat sa iba‟t
ibang panahon.

PANIMULA:
Sa panghuling paksa Modyul na ito ay tatalakayin kung paano umunlad ang panitikan sa
Pilipinas na nagbigay daan upang mas mapabuti nating mga Pilipino an gating kultura at
paniniwala. Dahil dito mas lubos nating tinangkilik ang kagadahang daghan ng literatura dahil
dito ating tunghayan kung papaano umunlad an gating panitikan.

PAUNANG GAWAIN:

Ayon sa mga salita nakasulat pansinin ano ang mga pangyayari sa mga bagay.

Bulaklak ng mangga---------------manggang hilaw---------------------manggang hinog

Batang lalaki--------------------binata------------------tatay

PAGSUSURI:
Ayon sa napansin sa larawan ano ang masasabi sa mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAGLALAHAD:

PANAHONG PRE-KOLONYAL

Sinasabing may sariling panitikan na ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang
mga Kastila sa Pilipinas. Ang panitikan ng mga ninuno ay nagtataglay ng mga sumusunod;
a. kasaysayan ng ating lahi
b. mga kwentong bayan

11
c. alamat
d. epiko
e. kantahing bayan/awiting bayan
f. salawikain
g. kasabihan
h. bugtong
i. palaisipan at iba pa.
Ang Baybayin o Alibata ay may labing pitong titik na may labing apat katinig at tatlong
patinig.Likha ng Diyablo sinabi na ang mga panitikang nakasulat sa anyong alibata produkto
nang pananampalataya sa mga diyablo.Ito ay nakasulat sa mga sumusunod;
a. biyas ng kawayan
b. talukap ng bunga o niyog
c. sa dahon
d. balat ng mga punongkahoy.
e. at iba pa.
Gamit naman ang mga sumusunod;
a. lanseta
b. anumang patalim
c. matutulis na bato
d. bakal
e. at iba pa.

Subalit hindi naging matagumpay ang mga kastila sa pagbura sa panitikan ng mga
ninuno natin. Nagpapatotoong ang ating mga ninuno ay may panitikan dahil sa sabi ng mga
kastila ang mga ninuno natin ay likas na mahilig sa mga sumusunod;

a. tula d. bugtong
b. awit e. bulong
c. kwento f. palaisipan

Ayon sa pag-aaral ang mga unang taong nanirahan sa Pilipinas ay ang mga sumusunod;

a. ita c. agta
b. ayta d. baluga

12
Subalit sila ay walang pamahalaan, walang panulat, walang sining, at walang siyensa
pero sanay sa paggamit ng busog at pana sa paghahanap ng pagkain. Maraming salik at dahilan
na nagkaroon ng pagbabago ang pamumuhay ng mga ninuno natin. Dahil sa mga pagdating ng
mga dayuhan mula sa ibang bansa tulad nang mga sumusunod;

a. Indonesyo
b. Manggugusi
c. Bumbay
d. Arabe
e. Persa
f. Malay
g. Kambodya
h. Instik

Ilan sa mga impluwensya ng mga Arabe at Persa na paglaganap ng Islam at sa mga


Malay naman sa kanila natin nakuha ang Alibata sa kanila din nagmula ang mga lahi ng mga
sumusunod;

a. Bisaya
b. Bikol
c. Tagalog
d. Kapampangan
e. Pangasinan
f. Iloko

Ang mga Kambodya naman, sa kanila naman kinuha ang impluwensya sa pagkahilig
natin sa alamat at sa mga Instik sila naman ang nagpayaman sa ating talasalitaan.

Sa pamamagitan ng pandarayuhang ito at pakikipag-kalakalan natin sa mga bansang


nabanggit, napaunlad, napayaman, at nalinang ang ating sariling kultura at panitikan. Ang unang
mga tumira sa Pilipinas ay masasabing hindi tahasang gala, ay walang permenteng tahanan.
Nagsisitigil sa isang pook nang pangkat-pangkat na may sariling pamahalaan kasundo o kaaway
ng mga kalapit-pangkat.

PANAHONG KOLONYAL

Noong 1521 dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ang layunin nila‟y hindi lamang
pananakop bagkus pagpalaganap ang Kristiyanismo sa mga unang Pilipino. Ito ang dahilang may
mga Prayleng kasama sa paglalayag ngf mga Kastila. Ginamit ang alpabetong Romano upang

13
palitan at ipakita ang angat na antas sa lipunan ng mga Kastila sa mga ninunong Pilipino. Mabilis
na natutunan ng mga Pilipino ang paggamit ng alpabetong Romano dahil sa ilang paaralang
Katoliko sa Maynila, sa Visayas at sa Luzon. Naging madali rin sa mga Kastila sa pananakop
dahil pinag-aralan ang mga wikain sa Pilipinas. Nagkaroon nang pagbabago sa ating panitikan
dahil sa ginawang pananaliksik ng mga prayle.

Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagsimula noong unang magtayo ng


bayan si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Ang pangunahing layunin nila‟y maipalaganap
ang relihiyong katolika Apostolika Romana ngunit sa likuran nito ay ang pagpapayaman at
pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan. Sa loob ng 333 taong pananakop nila, lumaganap ang
paksang pangrelihiyon na makikita sa mga tulang liriko, awit, korido, pasyon, duplo, karagatan,
komedya, senakulo atbp. Bunga ng pagmamalupit ng mga Kastila, umusbong ang akdang
humuhiling sa pagbabago na pinangunahan ng mga propagandista at sinundan ng mga akdang
humihimok ng tahasang paghihimagsik na pinasimulan sa Pugad Lawin.

MALAKING PAGBABAGO NA NAGANAP SA PANITIKAN;


a. Tinipon nila at binuo muli ang matatandang panitikang pasalita at pasulat, saka pinasukan ng
mga diwang Katolisismo.

b. Tuwiran – nilimbag ang mga librong may diwang Katolisismo


1. Doctrina Cristiana
2. Nuestra Señiora del Rosario
3. Barlaan at Josaphat
4. Pasyon

c. Di-tuwiran – naman ang mga talambuhay hinggil sa santo o nobena, mahabang salaysay at
mahahabang kwentong may paksang kabanalan at panrelihiyon.

d. Ipinaloob sa panitikan ang Etika at moralidad.

Sa panahon ng mga Amerikano, dumami ang mga limbag na panitikan dahil


nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at pananampalataya. Nagkaroon din ng kalayaan sa
pagtatag ng mga samahang pampanitikan. Naging Malaya sa paksa tulad ng pulitika, kalikasan,
kahirapan, pakikibaka atbp.

Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging mahalaga sa mga manunulat na


Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat.
Mahahati ang panahong ito batay sa mga itinatag na mga samahan ng mga manunulat noong ang
aklatang-bayan (1900-1921 at ilaw at panitik (1922-1934). Ang ilang mga akda ay pinapalooban
ng mga paksang Panahon na sa paghahangad ng kalayaan at Ang romantisismo sa

14
panitikan. Unting-unti nagkaroon ng Mga samahan ng manunulat na may iba‟t ibang
paraan at layunin sa pagbuo ng samahan.

Panahon ng Aklatang-bayan (1900-1921)

Naging tanyag sa panahong ito ang anyong panitikang Pasingaw at Dagli, dahil sa
taglay nitong katangian na madaling isulat at may malalim na kahulugan. Nakakatulong din ito
sa paghihikayat sa mga Pilipino upang gumising sa katotohanan ng pagkaka-alipin sa sariling
bayan. Maliban sa mga nabanggit naging tanyag din ang mgatula sa panahon ng aklatang-bayan
dahil ito ang isa sa mga paraan ng mga tao upang libangin ang mga sarili. Maraming mga
manunulat ang sumikat at umusbong dahil sa mga anyo ng panitikan sumikat sa mga panahon ito
ilan sa mga naging tanyag na manunulat ay ang sumusunod:
• Jose Corazon De Jesus
• Lope K. Santos
• Pedro Gatmaitan
• Iniego Ed Regalado (1855-1896)
• Florentino Collantes (1896-1951)
• Julian Cruz Balmaceda (1885-1947)

Mga Piling Panitikang umusbong sa Panahon ng Aklatang-Bayan

1. Nobela - Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawili-wili na pangyayari sa buhay ng


mga tauhan.

2. Ang Dula at Dulaan –Dalawang uri ng paghihimagsik na ipinamalas ng mga manunulat


sa kanilang mga sinulat.

Nakilala rin sa panahong ito ang mga manunulat ng dula kagaya nina:
 Severino Reyes (1861-1942)
 Patricio Mariano (1877-1935)
 Balagtasan
 Balagtasan-Balitaw
 Batutian
 Bukanegan
 Crissotan

Panahon Ng Ilaw At Panitik

Ang panahon ng ilaw at panitik ay nagsimula sa paglitaw ng maging liwayway noong


1922. Itoy nakilala mula sa tawag na photo news noong mga unang taon nito. Ang Katangian ng
15
pampanitikan sa panahong ito ay tinatawag itong panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon.
Dahil sa Malaya nang makapagbabasa ang mga Pilipino nang mga akdang pampanitikan kung
kaya‟t malaking ang naging epekto nito sa pagbabago sa kultura at paniniwala ng mga Pilipino.
Nagkaroon ng malaking pagbabago bunga ng bagong kultura na napapaloob sa panitikang
umusbong sa Pilipinas. Narito ang ilan sa mga naging sikat na mga panitikan sa panahong ito at
ang mga manunulat sa iba‟t ibang anyo ng panitikan:

Ang Tula – ang paglabas ng liwayway noong taong 1922. Ang siyang higit sa lahat ay
nagpasigla sa mga sangay ng panitikang pilipino lalo na sa tula.

Ang mga makata:


Armado V. Hernandes
Julian Cruz Balmaceda
Ildefonso Santos

Ang panahong ito ay ang pagiging makulay ng tinatawag na paghihimagsik ni Alejandro


Abadillia sa pamamagitan ng pagsulat ng tula.

Ang Nobela- tunay na ang paglitaw ng magasing liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng
pagkakataon sa mga nobelista na makapaglathala ng pagyuyugto-yugto ng kanilang isinulat.
katulad din ng dula kung ano ang siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng
pananakop ng mga amerikano ay ganon din ang panglulupaypay at halos paglalaho ng sumunod
na panahon.

Ang Dula- kung gaano kasigla ang pagtanggap ng sambayanang pilipino sa mga sarsuwela
noong unang taon ng mga amerikano o sa panahon ng aklatang-bayan ay sya ring paglalamig
nila sa panahon ng ilaw at panitik.

Ang maikling katha- taglay ng panahong ito ang tatak ng mga pampanitikang katangian ng
nagpapabukod-tangi sa mga maikling kathang na sulat sa panahong iyon.

Sa Pananakop naman ng mga Hapon noong 1941-1945, bunga ng mga digmaan nabalam
ang pag-unlad n gating panitikan. Pinatigil ang pagsulat ng wikang Ingles kaya‟t sumigla ang
mga manunulat sa Tagalog. Ipanaloob sa maraming akda ang pagmamahal sa bayan. Ang
panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang “ GINTONG PANAHON
NG PANITIKANG PILIPINO" dahil higit na Malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan
at pag sanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito. Ang wikang Ingles
nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga Pilipino ay
ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng pagbabawal na ito
ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang pangunahing paksa ay may kinalaman sa
pagmamahal sa bayan o damdaming nasyonalismo,pagpapahalaga sa kalikasan,relihiyon at pang
araw-araw na pamumuhay sa mga nayon,lalawigan at probinsya.

16
Naging malaya ang lahat ng manunulat sa punto ng porma,teknik ng pag sulat at anyo
bagama't nagging maingat sa pagsanggi sa pag mamalabis ng bagong nandayuhan. Muling
pinabuksan ang Sunday Tribune Magazine, noong 1943.Naglathala ng mga tula,kwento at mga
unang lathalain sa Niponggo.Ang mga paksain ay pawing pumupuri sa kadakilaan ng mga
Hapones. Pinahihintulutang buksan ang mga pahayagan na sumang ayon sa panuntunan ng
censor gaya ng Liwayway,Taliba,Philipine Review,Filipiniana, Shim Seiti, Bagong Araw-New
Day at Pillars

Umusbong at naging masigla ang dula dahil sa mga hakbang ginawa ng mga kastila na
karaniwang isinasagawa ang dula sa Metropolitan Theater, Pinapakita sa mga teatro ay ang stage
shows na ginagawang libangan ng mga tao. Karaniwang kasuotan ng mga lalaki ay Barong
Tagalog at sa mga babae ay balintawak na nagpapakita sa taglay nating kultura. Dahil ditto ang
Philippine National Theater ay itinatag noong Oktubre 14,1943. Ilan sa kanilang mga proyekto
sa Philippine National Theater ay ang pag dadaos ng mga patimpalak sa pag sulat ng iskrip na
tumatalakay sa mga paksa ditto sa Pilipinas upang pasiglahin at mapaunlad ang kultura ng bansa
sa kabuuan.

Hindi rin nagpahuli ang anyong panitikang tula dahil may bagong umusbong anyo ng tula
buhat sa mga hakbang ng mga Hapones sa pagpapanumbalik sa kasiglahan n gating kultura at
maiwaksi ang kolonyal na mentalidad dala ng mga taong nasakop ng mga dayuhan. Ilan sa mga
tulang umusbong ay ang mga sumusunod:
 HAIKU - isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong
taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawa‟y may pitong pantig;
ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli ng haiku, ito‟y dapat na
may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na damdamin at di
mapasusubaliang kariktan.
 TANAGA – Binuhay ng makatang si Ildefonso Santos ,Ito‟y maikli ring katulad ng haiku
ngunit ito‟y may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig. Ito„y
nagpapahayag ng kaisipan at masining na paggamit ng antas ng wika.

Ilan sa mga sumikat na Manunulat at ang kanilang akda sa panahon ng Hapones:


 Liwayway Arceo “Uhaw ang Tigang na Lupa“
 Francisco Rodrigo “Sa Pula Sa Puti“
 Jose Ma Hernandez “Panday Pira”
 Clodualdo Del Mundo “Bulag

17
PATATAYA:
Panuto: Gumawa ng isang repleksyon patungkol sa ating talakayan at ilahad ditto ang inyong
naiisip sa pag-unlad ng Panitikan ng Pilipinas. Minamarapat na sundin ang rubriks bilang
pamantayan sa pagbuo mo sa iyong repleksyon upang masunod ang pagpupuntos na
pagbabasihan ng inyong repleksyon.
Rubrics Para sa Sanaysay
Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatuna
Inaasahan yan
(5) (4) (2)
(3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi


t ang introduksyon introduksyon ang ang introduksyon nakita sa
introduksyon. ang pangunahing pangunahing paksa at ang ginawang
Malinaw na paksa gayundin subalit hindi sapat pangunahing sanaysay
nakalahad ang ang panlahat na ang paksa. Hindi rin
pangunahing paksa pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
gayundin ang dito. ukol dito. panlahat na
panlahat na pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito
dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadedelop *


bawat talata dahil may sapat na detalye. ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Organisasyon ng Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


Ideya mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
sunod ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
ideya; gumamit makinis ang hindi ganap na
din ng mga pagkakalahad nadedelop.
transisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamo Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *


n ang kongklusyon pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
at naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasa
palagay o paksa batay sa tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at mga
inisa-isa sa isa sa bahaging katwirang inisa-isa
bahaging gitna. gitna. sa bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at mga pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga pangungusap at gamit ng mga gamit ng mga
salita. gamit ng mga salita. salita.
salita.

Kabuuan

18
Buod ng Modyul 1

Aralin 1 - Unang Paksa: Batayang kaalaman sa Pag-aaral ng Panitikan – sa bahaging ito ay


lubos nating natutunan ang mga kaalaman na dapat nating malaman kung gaano ka ganda at
kahalaga ang panitikan ng buhay nang mga Pilipino. Malaki ang naging ambag nang panitikan
dahil isa ito sa mga instrumento sa ating kalayaan.
Aralin 2 - Pangalawang Paksa: Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan – sa pangalawang
paksa naman sa modyul na ito ay natuklasan natin ang iba‟t ibang dulog sa Panitikan na may
malaking gampanin sa paglikha at pagbuo n gating panitikan upang maging kaaya-aya ito at
nakakaingganyo ng mga mambabasa. Ang dulog din ay isa sa mga sangkap upang maging isang
mahusay ang isang akdang pampanitikan.
Aralin 3 - Pangatlong Paksa: Pag-unlad ng Panitikan – sa pangatlong bahagi at huling paksa
para sa Modyul na ito ay natalakay kung paano umunlad ang ating panitikan sa loob nang
maraming pagsabok at paano hinubog ang napakaganda at mayaman na panitikan ng Pilipinas.
Nagkakaroon din tayo nang kaalaman paano umunlad at naging tanyag ang mga akdang
panitikan sa Pilipinas sa buong mundo at paano nabago nang panitikan ang buhay nang Pilipino
sa kasalukuyang panahon.

19
UNIT TEST
1. Para sa unit test na ito minamarapat na gumawa nang isang pagbubuod sa mga natalakay
na paksa sa modyul na ito. Minamarapat na bumuo nang buod sa sariling pagkakaintindi
sa mga paksang na talakay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

20
Sanggunian:
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz
A., Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino.
Malabon City: JIMCYVILLE Publication Inc.
 Badayos Paquito A. (2008). Metodolohiya: sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga
Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz
A., Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino.
Malabon City: JIMCYVILLE Publication Inc.

21
Modyul 2 - Piling anyong ng Panitikan sa Pilipinas
Sa bahaging ito ng ating Modyul ditto natin tatalakayin ang mga Piling anyo ng Panitikan na
nagbigay nang maraming papel sa paghubog sa ating bansa. Marami nang nagtangkang sumulat
nang mga Modyul patungkol sa Panitikan ng Pilipinas upang magkaroon nang malawak at sapat
na kaalaman sa panitikang taglay natin dahil isa sa isinasaad nan gating Konstitusyon na dapat
natin tangkilikin at pagyamanin ang ating sariling wika sa pamamgitan ng mga modyul na ito ay
maari mamulat ang bawat isa sa aking kagandahan at kayamanan ng ating Panitikan.

Dahil dito ang pinaka-layunin ng Modyul 2 - Piling anyong ng Panitikan sa Pilipinas Sa


bahaging ito ay pumili lamang nang ilang anyo ng panitikan ang manunulat dahil minabuti nang
mga manunulat na tatalakayin ang modyul na ito sa pinaka simpleng paraan ng pagtalakay. Dahil
kayo ay kumukuha nang kursong BEED – Generalist sa ating kolehiyo, nakasaad sa propektus
nang kursong ito na kumuha ng ganitong asignatura dahil sa layuning dahil ang pagiging guro ay
may malaking bahagi sa pagpapalaganap nang ating sariling. Darating ang panahon na magiging
guro kayo at kinakailangan na may sapat na kaalaman kayo sa wikang Filipino dahil kayo ang
magiging instrumento upang maisakatuparan ang isinasaad n gating konstitusyon patungkol sa
pagpapayabong at pagpapayaman sa sariling wika natin.

Pangkalahatang layunin ng modyul na ito ang talakayin ang paksang taglay ng Panitikan n
gating bansa. Ang mga sumusunod na mga paksa ay ang unang bahaging tatalakayin natin:

Aralin 1 - Ikaapat na Paksa: Panulaang Pilipino


Aralin 2 - Ikalimang Paksa: Sanaysay
Aralin 3 - Ikapitong Paksa: Maikling Kwento
Aralin 4 - Ika-siyam na Paksa: Dula

Magsimula na tayo !

22
Modyul 2 - Piling anyong ng Panitikan sa Pilipinas

Ikaapat na Paksa: Panulaang Pilipino

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga Uri ng Tula
2. Naiisa-isa ang mahahalagang sangkap ng tula.
3. Nakikilala ang mga katangian ng isang mabisang tula

PANIMULA:
Sa unang paksang tatalakayin sa Modyul na ito ay ang Panulaang Pilipino ang paksang
ito ay tatalakayin sapagkat ang pinaka unang anyong umusbong sa Pilipinas ay ang Panulaan
kung kayat minabuti ng guro na talakayin ito upang lubos na maunawaan kung gaano kayaman
an gating literatura bago pa man dumating ang mga dayuhan at paano ito unti-unting nagbago.

PAUNANG GAWAIN:

Piliin ang mga salitang magkakatulad sa iba‟t ibang aspeto, pagkatapos pagdugtong-
dugtungin upang makabuo ng isang talata na may diwa. Maaring magdagdag ng mga salita ayon
sa ninanais imong kalabasan nito.

Maganda Buwan Dilag Marikit

Natatangi Mayumi Kariktan Kabutihan

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSUSURI:
Ayon sa nabuong diwa? Maaring ilista o isulat sa patlang sa tingin mong kahulugan ng
nabuong mong diwa at ipaliwanag?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:
Bago pa sinakop ng malalakas na bansa ang Pilipinas, mayaman na ang
panitikan ng tula. Magaling at matalino ang unang pilipino sa pagbuo ng mga tugma. Mga
tugmaang kinapapaplooban ng mga magagandang kaisipan at talinghaga. napagalaw nang husto
ang mga ninuno ang kanilang mga guni-guni. Naging libangan nila ang pagsulat at pagbuo ng

23
tugma. Noon nabubuo ang tula sa pamamaraang pabigkas at hindi pasulat at tinatawag itong
pasalin-dila o pasalin-labi kung minsan. Ito ang naging tulay ng mga ninuno sa pagpasa-pasa ng
mga kaalamang bayan na kung saan dito nakasentro ang buhay ng sinaunang mga Pilipino. Kaya
ang tula ay may malaking ginagampanan sa kanilang buhay o ang literature ay may malaking
impluwensya sa kanilang pang-araw-araw na buhay, karugtong ng kanilang buhay ang literatura.

Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang


damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at taludtud. Ang Tuka ay
maaring matukoy sa tatlong bahagi.

ELEMENTO NG TULA

Ang sukat ay karamihan or bilang ng pantig sa bawat taludtod sa loob ng saklong.


Saknong ang sumasakop sa lahat ng linya o taludtod sa isang tula. Ito ay karaniwang binubuo ng
isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya. Ang Tugma naman ay ang
pagkakasintunog ng huling pantig sa bawat salita sa katapusan ng bawat taludtud ang isa sa mga
kilalang pagtutugma ngunit maraming uri ng pagtutugma sa tula. Samantalang ang tono o
indayog ay tumtukoy sa diwa ng tula na nagbibigay buhay sa kaisipan na tinataglay ng tula. At
ang persona naman ay ang may boses o ang nagsasalita sa tula. Ito ay maaring maging sa una,
pangalawa o pangatlong panauhan.

Limang Uri ng Panulaan

A. Panugmaang-Bayan

1. Tugmaang Pambata – Maiiksing tula na walang diwa kung mayroon man ito ay
mababaw lamang. Ginagamit ito mga bata kapag napipikon sa laro. Maaring gamitin din
ito ng ina sa nagmamaktol na anak.

Halimbawa.
Ulan-ulan pantay kawayan
Bagyo-bagyo pantay kabayo

2. . Tugmaang matatalinghaga – maiikling tulang may sukat at tugma, may malalim na


paksa at humahasa sa kaisipan. May layuning mangaral, magpaalala at magbigay ng
babala.

Halimbawa:
a. bugtong
b. kawikaan o kasabihan

24
c. salawikain
3. Tugmaang ganap na tula – Nabibilang dito ang tinatawag na tanaga ng katagalugan at
ambahan ng mgta taga-Mindoro. Gumagamit ito ng maririkit na salita na may sukat,
tugma, talinghaga, at kaisipan.

Halimbawa:
Ang tubig na malalim Itong birheng magaling
Malilirip kung libdiw Maliug paghanapin

B. Awiting Bayan – may mayamang kultura ng ating mga ninuno. Naglalarawan ito kung anong
uri ng pamumuhay mayroon sila. Mayaman ito sa kaugalian at tradisyon. May sukat at tugma na
kinapapalooban ng iba‟t ibang damadamin na may marikit na pananalita

1. Uyayi o hele – Awit sa pagpapatulog ng bata. Malambing ang tono at punong-puno ng


pagmamahal dahilan upang makatulog ang isang bata. Ang oyaye ang liriko na maawit
samantalang hele ay ang paraan ng pag-ugoy sa duyan.

2. Soliranin – awit sa paggaod o pamamangka.

3. Kalusan – awit sa sama-samang paggawa. Maaring awitin bago o pagkatapos ng


paggawa. Maari rin naman habang gumagawa.

4. Diona – Awit sa kasal. Inaawit ito nang mahina habang isinasagawa ang seremonya ng
kasal.

5. Kundiman – awit sa pag-ibig. Noong unang panahon nanliligaw ang mga binata sa
pamamagitan ng harana. Umaawit sila sa punong-puno ng pag-ibig at pangarap. Maaring
maging malungkot ito lalo pa‟t ang binata ay binigo ng dalaga. Masaya naman kapag
nakabanaag ng pag-asa. Hindi lamang sa napupusuan ang kundiman, maaring pag-ibig sa
magulang, kapatid, anak at kaibigan. Sa Bisaya tinatawag itong Balitaw, sa Ilokano,
Pamulinawen at Uso sa mga negrito.

6. Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay – awit ng pakikidigma. Inaawit ito bago o


pagkatapos ng pakikidigma.

7. Dalit – awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang himig nito.

25
8. Dung-aw - Awit para sa patay bilang pagda-dalamhati. Maaring purihin ang mga
nagawa noong siya‟y nabubuhay pa.

9. Umbay – Awit ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal na magulang.

10. Ditso – Awit na mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.

C. Epiko – Tinatawag na tulang pasalaysay. Nagsasalay ito ng kabayanihan ng pangunahing


tauhan. Napaloob dito ang kultura ng isang ng isang lalawigan kung saan nagmula ang epiko.
Ang iba‟t ibang epiko buhat sa iba‟t ibang lalawigan na napabantog. Ang mga ito ay may
kasulatan at dokumento.

Lam-ang Ilocos
Handiong Bicol
Hudhud at Awit Ifugao
Hinilawod Bisiya
Bantugan Maranaw
Indarapatra at Sulayman Maguindanao

Dumating ang isang makapangyarihang mananakop. Ito ang mga kastila (1565-1898) na
may layuning palaganapin ang katolisismo at ang kanilang imperyalismo sa ngalan ng krus at
espada. Nanatili parin ang mga uri ng tula na nakilala sa matandang panahon. Ang himig ng tula
ay naging makarelihiyon, nagtuturo ng pagkilala at pagsamba sa Diyos, Santo, Santa at kay
Kristo. Lumaganap ang berso sa tula. Nagturo ng kaugalian at asal na pangmoralidad, ipinakilala
nang husto ang Diyos. Lumaganap ang tinawag na Ladino, ang mga nagsasalita ng
magkasamang wikang Kastila at Tagalog.

PAGTATAYA:
Panuto: Bumuo ng isang sariling komposisyon tula ayon sa mga sangkap ng mahusay na
pagkakabuo ng isang mahusay na tula? Ang rubriks ay ang pagiging pamantayan sa pagbuo ng
sariling tula.
________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

26
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

RUBRIKS SA TULA
Mga Salik Napakagaling Magaling Katamtaman Nangangailangan Iskor
ng Pagsasanay
(4) (3) (2)
(1)

Kaisipan Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at literal


makahulugan ang makahulugan ang may lalim ang ang kabuuan ng
(2X) kabuuan ng tula kabuuan ng tula. kabuuan ng tula
tula.

Talinghag Gumagamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang


a simbolismo/pahiwati simbolismo/pahiwati 1-2 pagtatangkang
g na nakapagpaisip g na bahagyang simbolismo ginawa upang
(1X) sa mga mambabasa. nagpaisip sa mga na nakalito sa makagamit ng
mambabasa. mga simbolismo.
mambabasa.

Pagpili ng Piling-pili ang mga May ilang piling Ang mga Mga payak na
mga Salita salita at pariralang salita at pariralang salita ay di salita lamang ang
ginamit ginamit gaanong pili. gamit
(1X)

Sukat at Gumamit ng May mga sukat at May Walang sukat at


Tugma napakahusay at tugma ngunit may pagtatangkang tugma kung may
angkop na angkop bahagyang gumamit ng naisulat man.
(1X) na sukat at tugma. inkonsistensi. sukat at tugma
ngunit halos
inkosistent
lahat.

Talinghag Gumagamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang


a simbolismo/pahiwati simbolismo/pahiwati 1-2 pagtatangkang
g na nakapagpaisip g na bahagyang simbolismo ginawa upang
(1X) sa mga mambabasa. nagpaisip sa mga na nakalito sa makagamit ng
mambabasa. mga simbolismo.
mambabasa.

Pagpili ng Piling-pili ang mga May ilang piling Ang mga Mga payak na
mga Salita salita at pariralang salita at pariralang salita ay di salita lamang ang
ginamit ginamit gaanong pili. gamit
(1X)

Kabuoan

27
Ikalimang Paksa: Sanaysay

Mga Layunin:
1. Nakilala ang sanaysay bilang isang masining na akda sa tuluyan,
2. Natutukoy ang katuturan at mga uri ng sanaysay,
3. Nababatid ang mga sangkap na dapat taglayin ng isang maayos na sanaysay, at
4. Nakasusulat ng sanaysay ayon sa ibinigay na pamantayan.

PANIMULA:
Sa aralin na ito ay nakatuon sa pagtalakay sa sanaysay na isa sa anyo ng Panitikan na
makikita sa Pilipinas. Isa ang sanaysay sa pinakatinatangkilik ng mga manunulat sa panitilkan
dahil ito impormatibo at madaling gawin. Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong
edukasyon ay kinakailangan na may kaalaman tayo sa sanaysay at upang maituro rin ng mahusay
sa magiging mag-aaral na maari natin maturuan.

PAUNANG GAWAIN:

Suriin ang mga larawan at bigyan ito ng sariling pagpapaliwag ayon sa iyong napansin.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSUSURI:
Mula sa iyong nabuong pagpapaliwanag tukuyin ang mga opinyon at ang pahayag na
may basehan.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Sanaysay Ito ay isang sangay ng panitikang Filipino. Ito‟y kinikilalang isinilang ang
anyong panitikan noong 1580 ayon sa ama ng sanaysay na si Michel De Montaigne. Ang tawag
nila ay essai na ang kahulugan ay isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng
panulat. Ang sanaysay ang isang anyo ng panitikan na ipinapahahayag sa isang paraan tahas
ngunit masining. Tahas sapagkat ang inilalahad dito ng manunulat ay ang kanyang kaisipan,
pala-palagay at damdamin hango sa personal niyang karanasan kundi man ayon sa iniisip niyang
katotohanan.
Kung pag-aaralan ang sanaysay o essay sa ingles na hango sa latin ay nangangahulugan ng “to
try out” o subukin ihayag ang mga ideya sa isang masining na paraan. Mahalaga din ito dahil

28
naibabahagi ng mga manunulat ang kaniyang karanasan, kanya-kanyang opinyon, sariling
saloobin sa isang isyu, At ang mga pagbabago sa kanyang kapaligiran o paligid na ginagalawan.

Mahalagang bagay na natatangi sa ganitong Panitikan ay nagsasalaysay nang mga


pangyayari maaring kronolohikal, prosedjural, o pag-uugnay ng mga pangyayari at, laging
sumasagot sa mga sumusunod na tanong: a. sino b. saan c. kailan d. ano.

MGA URI NG SANAYSAY

1. Pormal – tinatawag na impersonal, ang sanaysay kung ito ay maimpormasyon,


naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng isang
makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng
pinakapiling paksang tinatalakay. Ang sanaysay na palana na tinatawag din na
impersonal ay naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at
lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang
tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng maingat ang piniling
pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan, matalinhaga,
at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong
panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang
tono nito ay seryoso, pang-intelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong
sanaysay na may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon,
ito ay hindi ginagamitan ng unang panauhan sa paglalahad.

Mga Katangian ng Pormal na Sanaysay


 Maanyo rin ito dahil mahigpit itong pinag-aaralan.
 Maingat na pinipili ang pananalita kaya mabigat basahin.
 Pampanitikan kasi makahulugan, matalinghaga, matayutay
 Mapitagan ang tono
 Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may akda.
 Modo nito ay seryoso, paintelektwal, walang halong pagbibiro.

2. Impormal – ang tawag naman kung pamilyar o palagayan naman kung mapang-aliw,
paksaing karaniwan, pang-araw-araw, at personal. Ang sanaysay na di-palana na
tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal.
Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas
ang personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa
sa kanyang pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan,
kaya magaan at madaling maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil
palakaibigan ang tono nito dahil ang pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo
ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Mga Katangian ng Di-Pormal na Sanaysay

29
 Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan at mga isyung na
kababakasan ng personalidad ng may-akda
 Ang pananalita ay parang kombersasyunal lamang
 Parang nagkukwentuhan lamang ang magkaibigan.

Mga Layunin ng Sanaysay

• Ang dalawang uri nang sanaysay ay panlahat na pahayag ay parehong naglalayong


mabigay kaalaman
• Magdulot ng aliw
• Ang pakakaiba lamang nila ay:
• Ang Pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag, manghikayat, at magturo tungo
sa pag-unlad ng kaisipan, moral at hilagyo ng mga mambabasa.
• Ang Impormal – ay nagmimithi na ganyak, magpatawa, o kaya manudyo o magsilbing
salamin sa lahat ng mga saloobin at kondisyong pansikolohikal ng mga mambabasa.

MGA KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANAYSAY

• Mabilis mag-isip
• Sensitibo sa kapaligiran
• May laging tugon at hinuha sa interes ng buhay ng tao, at mga bagay-bagay.
• May kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas lamang.
• Malikhain at orihinal sa isip at damdamin.
• May mapiling panlasa
• May kalugurang mapagkakatiwalaan
• May kabatiran sa mga kaalamang ,makabago hinggil sa makataong kapakanan

PAGTATAYA
Panuto: Bumuo ng sariling komposisyon sanaynay ayon sa mga anyo nito. Ang inyong pagbuo
ng inyong komposisyon ay minamarapat na sundin ang nakasaad sa rubriks bilang pamantayan
sa inyong gagawin.

30
Rubrics Para sa Sanaysay

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatuna
Inaasahan yan
(5) (4) (2)
(3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi


t ang introduksyon introduksyon ang ang introduksyon nakita sa
introduksyon. ang pangunahing pangunahing paksa at ang ginawang
Malinaw na paksa gayundin subalit hindi sapat pangunahing sanaysay
nakalahad ang ang panlahat na ang paksa. Hindi rin
pangunahing paksa pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
gayundin ang dito. ukol dito. panlahat na
panlahat na pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito
dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadedelop *


bawat talata dahil may sapat na detalye. ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Organisasyon ng Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


Ideya mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
sunod ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
ideya; gumamit makinis ang hindi ganap na
din ng mga pagkakalahad nadedelop.
transisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamo Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *


n ang kongklusyon pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
at naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasa
palagay o paksa batay sa tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at mga
inisa-isa sa isa sa bahaging katwirang inisa-isa
bahaging gitna. gitna. sa bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at mga pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga pangungusap at gamit ng mga gamit ng mga
salita. gamit ng mga salita. salita.
salita.

Kabuuan

31
Ikapitong Paksa: Maikling Kwento

MGA LAYUNIN:
1. Natatalakay ang pag-unlad ng maikling kuwento sa bawat panahon
2. Naisasalaysay ang ilang piling maikling sa bawat panahon
3. Nakapagsusuri ng maikling kuwentong kumakatawan sa isang tanging panahon

PANIMULA:
Isa sa mga paraan ng epektibong pagtuturo sa mga mag-aaral ay sa pamamagitan
ng isang pagkukwento subalit kinakailangan na magkaroon ng sapat kaalamn sa napapaloob sa
maikling kwento kaya sa modyul na ito pahapyaw natin talakayin ang Maikling Kwento ang pag
usbong at pag-unlad nito sa Pilipinas.
PAUNANG GAWAIN:

Pumili ng isang sikat na pelikula mapalokal o internasyonal, pagkatapos ay gumawa ng


maikling bersyon nito.

PAGSUSURI:
Ayon sa nabuong maikling bersyon ng pelikulang napili ay tukuyin ang mga sumusunod
na bagay:

Tauhan:_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Suliranin:______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Tagpuan:______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Aral:_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:
Ang maikling kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang
ang ginugugol,agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.
Bago pa man dumating ang mga kastila, mayroon na tayong abilidad sa sining at

32
panitikan.Karamihan sa mga panitikan sa panahong ito ay nagmula lamang sa iisang tao. Gamit
ang pagsasalin-dila, naipasa-pasa ang mga ito sa iba‟t ibsang tao at lugar.

Kwentong Bitbit – dito nagmula o nag-ugat ang maikling kwento. Pumapaksa ang mga
ito sa mga anito, lamang-lupa at mga iba‟t ibang kababalaghan at nilalang. Ilan sa mga ito ay
nakaukit o nakasulat sa mga makikinis na bato, o malalaking dahon at kahoy. Ngunit marami sa
mga nilikhang panitikang ito ay nawala dahil sinira at sinunog ito ng mga prayle dahils sa
naglalaman daw ito ng mga kwento ng demonyo.

Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at


nangigibabaw napangyayarisa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa. Maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng
buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.-Isang uri ng masining na
pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at
makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.Ang maikling
kwento ay maikli at masining.Isang upuan at sandaling panahon lamang ang ginugugol, agad
itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng aral, pananabik at aliw.· Si Edgar Allan Poe
tinaguriang “ama ng maikling kwento sa buong mundo. Ayon sa kanya, ang maikling kwento ay
isang akdang pampanitikan,likha ng guniguni at bungang isipo hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.· Si Deogracias A. Rosario naman Ama ng maikling kwento sa Pilipinas.
Magasing Amarant at Forget me not sinasabing unang sumibol ang isang sangay ng salaysay sa
Panahon ng Katutubo. Ang maikling kwento ay nasilayan na noong panahon bago pa man
dumating ang mga kastilasa ating kapuluan. Karamihan sa mga ito ay pasalin-labi lamang o mga
kwentong bayan. Tinetema ay kalikasan, diyos-diyosan. Ito ay mga pasalitang pagsasalaysayan
sa tradisyong patuluyan.Pinag-ugatan ng Maikling kwento Mitolohiya salaysayin tungkol sa iba‟t
ibang diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang katutubo.-tungkol sa mga kababalaghan at
tungkol sa kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito. Halimbawa: si Malakas at si
Maganda. Alamat isinaslaysay ang pinagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at iba pa.
Pinalulutang din dito ang mahahalagang mensahe at mga aral sa buhay. Pabula uri ng kwentong
gumagamit ng mga hayop bilang tauhan. Naghahatid ng mahahalagang meensahe at aral sa
buhay. Parabula saylaysay hango sa Bibliya. Lumulutang dito ang moral at ispiritwal
napamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

PANAHON NG KASTILA

Sa panahong ito humina ang pagsulat ng maikling kwento dahil sa pagpapalaganap


ng Kristyanismo at nagtuturo ng mga aral mula sa Bibliya nakinapapalooban ng mga aral at utos
ng Diyos. Dito sumibol ang kakana, isang kwentong naglalaman ng mga alamat at engkanto na
ginagamit sa pang-aliw sa mga bata, at parabula, isang kwentong naglalaman ng aral ng Diyos.

PANAHON NG AMERIKANO

Muling sumigla at umunlad ang panitika ng Pilipino dahil sa malaking


impluwensya ng panitikang Ingles. Muling lumitaw ang mga manunulat at nadagdagan pa ito ng
mga manunulat ng Ingles.Sumikat ang Dagli isang uri ng maikling kuwento na naging tampok
ng pamunuan tayo ng mga amerikano, kwentong nangangaral at nanunuligsa. Ang mga Dagling

33
ito ay nalathala sa pahina ng isang pahayagan na “Muling Pagsilang. Lumitaw rin dito ang
pagsulat ng Pasingaw na tungkol sa pag-ibig, pagsuyo, o panliligaw. Dito si Deogracias A.
Rosario Cruz tinaguriang “Ama ng Maikling Kwentong Tagalog”

Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano. Nagkaroon ito ng sariling
pitak sa mga pahayagang Muling Pagsilang at sa dahong Tagalog ng El Renacimiento.
Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa panahong ito ay:
 Dagli
 Pasingaw
 Kwentong bitbit
 Kwentong komersyal
 Kakana
Mga diwa na nanaig sa panahong ito:
 Nasyonalismo
 Kalayaan sa pagpapahayag
 Paglawak ng karanasan
 Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Dagli- Tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad. Ng mga sitwasyong may mga tauhang
nasasangkot ngunit walang aksyong umuunlad at pawng mga paglalarawan lamang. Flash fiction
sa Ingles ito ay isang anyong pampanitikan na isang maikling-maikling kuwento. Binubuo
lamang ito ng ilang daang salita, karaniwan na ang 200-400 salita. Isang uri ng maikling kwento
na naging tampok ng pamunuan tayo ng mga amerikano.
Kwento‟ng nangangaral at nanunuligsa.

Pasingaw - nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang banghay. Ito ay
naglalayong maihandog ang katha sa babaeng pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat.

MGA URI NG MANUNULAT SA PANAHON NG AMERIKANO

 Gumagamit ng wikang kastila: Mga sumunod sa mga yapak nila Jaena, Del Pilar at Rizal.
 Gumagamit ng wikang tagalog: mga nananalig na higit na maunawaan ang akda sa
wikang kinagisnan.
 Gumagamit ng wikang ingles: upang subukin ang sarili sa wikang banyaga na tuluyang
gumaya sa mga modelong kwento ng mga amerikano at iba pang mga dayuhan.

34
PANAHON NG HAPON

Tinaguriang “Gintong Pahina ng Panitikang Pilipino” dahil pinairal ng mga Hapon


ang paggamit ng wikang Pambansa sa pagsulat. Ito ang hakbang ng mga hapones upang
manumbalik ang pagmamahal ng mga Pilipino sa sariling kultura dahil sa labis na pagbabago ng
kaisipan na naidulot ng matagal na pagkakasakop ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan
kung kaya‟t sumigla ang panitikan ng Pilinas dahil sa hakbang na ito ng mga hapones at
lumaganap ang mga panitikan na tumutungkol sa mga kulturang Pilipino. Dahil magandang
naidulot nito sa panitikan sa Pilipinas pinili ang mga pangunahing kuwento sa isang aklat – “Ang
25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino” noong 1943.

Ang panahon ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay itinuturing ng marami


na pinakagintong panahon ng maikling kuwentong Pilipino. Sumigla ang kilusan sa kuwento sa
wikang sarili dahil sa paghihigpit ng mga Hapones sa wikang Ingles. Napilitan ang mga
Pilipinong manunulat sa sariling wika sumulat.

Tema ng mga akda sa Panahon ng Hapones

 Pag-ibig sa bayan
 Kagandahan ng buhay sa lalawigan
 Relasyon ng mga magulang sa anak
 Pagmamahal sa kapwa

MGA URI NG MAIKLING KWENTO

 SALAYSAY - ang uring ito'y walang katangiang nangingibabaw, timbang na timbang


ang mga bahagi, hindi nagmamalabis bagamat masaklaw maluwag ang pagsasalaysay at
hindi apurahan.
 KUWENTO NG KABABALAGHAN - binibigyang kasiyahan sa kuwentong ito ang
ating pananabik sa mga bagay na kataka- taka at salungat sa wastong bait at kaisipan.
Karaniwang lildra lamang ng mayamang guniggni ng may-akda.
 KUWENTO NG KATUTUBONG KULAY - binibigyang-diin ang kapaligiran ng isang
pook. Ang tagpuan ang higit na binibigyang-pansin. Inilalarawnn ang mga tao sa isang
pook, ang kanilang pamumuhay at hanapbuhay, mga gawi, mga kaugalian at rnga
paniniwala.
 KUWENTO NG KATATAWANAN – may kabagalan at ilang paglihis sa balangkas
ang galaw ng mga pangyayari.

35
 KUWENTO NG TAUHAN - nagbibigay-rliin sa mga tauhan.
 KUWENTO NG KATATAKUTAN - Ang damdamin, sa halip na ang mga kilos ang
binibigyang-diin. Pinupukaw ang damdamin ng mambabasa at ang mahalaga ay ang bisa
at kaisahan.
 KUWENTO NG PAKIKIPAGSAPALARAN - ang kawilihan ay nasa balangkas sa
halip na sa mga tauhan ng kuwento. Ang kawilihan ay nababatay sa mga pangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan sa kuwento.
 KUWENTO NG MADULANG PANGYAYARI - kapansin- pansin ang pangyayari sa
ganitong uri ng kuwento. Ang pangyayari'y lubhang mahalaga at nagbubunga ng isang
bigla at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhan sa kuwento.
 KUWENTO NG TALINO - ang may-akda ay lumililkha ng masuliraning kalagayan sa
simula upang mag-alinlangan ang mambabasa hanggang sa sumapit ang takdang oras ng
paglalahad. Ang umaakit sa mambabasa uring ito ng kuwento ay ang pagkakabuo ng
balangkas sa halip na ang rnga tauhang gumaganap.
 KUWENTONG SIKOLOHIKO - inilalarawan ang mga tauhan sa isipan ng
mambabasa. Ang suliranin ng may-akda ay maipadarama sa mambabasa, ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


 Simula – lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat ditto nakasalalay ang kawilihan
ng mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. Pagpapakilala sa Tauhan
b. Pagpapahiwatig ng Suliraning kakaharapin ng tauhan.
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming papalitawin sa kwento.
d. Paglalarawan ng tagpuan.

 Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin.

 Suliranin – problemang hahahrapin ng tauhan.

 Kasukdulan - sa bahaging ito unti-unting naaalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin,
dito natutukoy ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o
magtatagumpay.

 Kakalasan – tulay sa wakas

 Wakas – naihahatid ng may akda ang mensahe sa bahaging ito sa wakas ng kwento.

SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

 Tagpuan – tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kwento. Naglalarawan ito


ng ginagalawan ng mga tauhan sa kwento.

36
 Paksang Diwa – pinaka kaluluwa ng maikling kwento.

 Kaisipan – mensahe ng kwento

 Tauhan – nagbibigay ng buhay sa kwento, makikilala sila sa kanilang panglabas na


kaanyuan-pisikal at pananamit, kilos na nagpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.

 Banghay – ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.


Mga Bahagi ng Banghay:
 Simula
 Suliranin
 Saglit na kasiglahan
 Kasukdulan
 Kakalasan
 Wakas

 Tema o Paksa – ito ang sentral na ideya sa loob ng kwento o ang mahalagang
pangkaisipan ng akda.

 Paksang Diwa – ito ang pinaka diwa ng katha, ito ang pang-isipang iniikiran ng maliliit
na himaymay ng katha at nabubuo ng manunulat ang kasiyahang pandamdamin at
pangkaasalan sa mambabasa

 Himig – ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kwento. Maaring


masaya o malungkot ang kwento, mapagnudyo at mapagpatawa at maromansa.

 Paningin - ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari. Matutukoy ng isang


mambabasa ang iba‟t ibang sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin. Sa
pamamagitan ng paningin, makikilala ang mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon
at ang relasyon ng mga tauhan.

SALIK NG MAIKLING KWENTO


 Kapaunahan – ang mga pangunahing tauhan ay ang siyang ang pinaka-ugat ng masilang
pangyayaring inilahad.
 Kaganyakan – tinatawag din isang saglit na kasiglahan sapagkat ito ang nagpasidhi sa
damdamin at pagnanasa ng mambabasa upang ipagpatuloy ang pagtunghay.
 Kabanghayan – ang pagkakasunod-sunod ng mga naayong pangyayari na mabilis ang
kaganapan at pagkakalahad ay ayon sa istilo ng manunulat.
 Tunggalian – Ito ang tinatawag na gusot o buhol.
 Kasukdulan - Isang bahagi ngunit din salik ding matatawag. Ito ang pinaka masidhing
bahagi dahil dito nakasalalay ang kaalaman ng mambabasa sa sasapitin ng mga tauhan sa
bandang huli

37
Pagtataya:

Panuto: Gumawa ng sariling maikling kwento ayon sa natalakay, Malaya kang pumili ng
paksang ninanais na buoin. Sa pagbuo ng sariling komposisyon minamarapat na ibatay ito sa
rubriks bilang pamantayan sa pagbuo ng iyong maikling kwento

RUBRIKS SA MAIKLING KWENTO


Kategorya Natatangi Katamtamang Kagalingan Nangangailangan ng Iskor
Tulong
(5) (4)
(3)

Paksang-Diwa Makabuluhan, naging parang Makabuluhan, bagama‟t hindi Naging napakakaraniwan ng


bago dahil sa pamamaraan ng nagmistulang orihinal. paksa.
pagsasalaysay at estilo.

Banghay Maayos ang pagkakabalangkas May pagkakaugnay-ugnay ang Magulo at nakalilito ang
ng mga pangyayari. mga pangyayari ngunit may pagkakasunud-sunod ng
ilang bahaging naging mga pangyayari.
masalimuot.

Tauhan Maingat ang paglalarawan ng Umaangkop ang kilos at Hindi umaangkop sa kilos at
katauhan. Umaangkop ang pananalita sa katauhang pananalita ang mga tauhan
kilos at pananalita sa ginagampanang ngunit may sa katauhang ginagampanan.
katauhang ginagampanan sa pagakakataong hindi naging
kwento. konsistent.

Tunggalian Napukaw ang kamalayan ng Naipakita ang tunggalian sa Nagbibigay-daan sa mga


isipan at damdamin ng kwento. Hindi gaanong madulang tagpo upang
mambabasa. nakaantig sa isipan at lalong maging kawili-wili
damdamin ng mga mambabasa. ang pangyayari.

Pananaw Malinaw at mahusay na Malinaw subalit hindi nagamit Napasalin-salin ang


nagamit ang pananaw sa nang lubusan ang pananaw sa pananaw na nagpasalimout
kabuuan ng kwento. kabuuan ng kwento. sa kabuuan ng kwento

Simula at Wakas Naging kaakit-akit ang simula Naipahiwatig ang suliranin sa Naging kawili-wili ang
ng kwento at ang wakas ay simula ng kwento ngunit hindi simula upang maakit ang
nakapagkalas sa suliranin ng naging kawili-wili ang mga mambabasa ngunit
kwento. kakalasan patungong wakas. hindi naging kawili-wili ang
wakas upang maikintal sa
isipan ng mga mambabasa
ang tema ng salaysay.

Pagiging Orihinal Ang kabuuan ng proyekto ay Natapos ang proyekto subalit Natapos ang proyekto
at nagpakita ng lubusang hindi gaanong orihinal at hindi subalit kapos ang paggamit
Pagkamalikhain orihinalidad at pagkamalikhain. gaanong malikhain. ng pagkamalikhain at
walang orihinalidad.

Pagsisikap at Kinakitaan ng lubusang Kinakitaan ng pagsusumikap Kinakitaan ng kaunting


pagtitiyaga pagsusumikap, lampas pa sa ang natapos na proyekto subalit pagsusumikap ang natapos
kinakailangan, ang natapos na may ilang kulang na detalye. na proyekto.
proyekto.

Kasanayan sa Mahusay at maganda ang Natapos ang proyekto subalit Natapos ang proyekto
pagbubuo nabuong proyekto. may depektong nakita. subalit lubhang magulo at
hindi maunawaan.

Saloobin at Masigasig na gumawa upang Masigasig na gumawa subali Walang sagisag sa paggawa
responsibilidad matupad ang layunin ng kinakailangan pa ang at kailangan pang
proyekto. pagsasanay paalalahanan nang malimit.

Kabuoan

38
Ika-siyam na Paksa: Dula

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang anyo ng panitikan kilala sa tawag na dula,
2. Nakakabuo ng sariling komposisyon na dula,
3. Naitatanghal ang panitikan dula sa mga piling pagkakataon.
4. Nagagamit ang paksang dula sa piling pagkaktaon ng pagtuturo.

PANIMULA:
Isa sa mga kilala sa anyo ng panitikan ay ang dula. Ang dula ay maituturing na isa sa
pinakamaganda at nakakaaliw na anyo ng panitikan. Dahil dito minarapat sa kursong ito na
talakayin ang dula dahil sa taglay nitong katangian na maaring gamiting kagamitan upang mas
maging epektibo ang iyong klase. Kaya tunghayan natin ang kalikasan ng dula.

PAUNANG GAWAIN:
Para sa paksang ito pumili ng isang maikling eksena sa mga sikat na pelikula at gayahin
ito. Malaya kang pumili ayon sa iyong kagustuhan at sa tingin mong kaya mong gayahin.
Pagkatapos ay ipresenta o ipapanood mo isang personalidad o higit pa indibidwal ang eksenang
ginaya mo at ang inyong panggagad sa eksenang napili. At ipalista ang kanyang komento sa
isang pirasong papel

PAGSUSURI:
Ayon sa nakasulat sa komento ng taong pinapanood mo sa iyong panggagad. Tukuyin
ang mga komentong positibo at negatibo sa mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.


Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong
buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

39
DULANG PILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO

Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin
muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa
diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan
ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring
ipaliwanag sa dalawang paraan.

Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga
unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay
binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, “characterization”, at “internal conflict.” Ito
ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako,
ayon sa mga aklat, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang
dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang
Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na pangyayari sa
buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito


ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang
paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-
ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang
Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng
kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito‟y nagsisilbing gabay para
sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino.

Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong


Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga
katutubo‟y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang
anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katutubo rin ay mayaman sa
epikong bayan na kalimita‟y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw,
at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan,
kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaan, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mananakop, ay mayroon ng ilang anyo ng
dula ang mga katutubong pilipino.

MGA URI NG DULANG PILIPINO

 Mga Katutubong Dula


 Mga Dula sa Panahon ng Kastila
 Dula sa Panahon ng mga Amerikano
 Bikal at Balak

40
 Karilyo
 Bayok at Embayoka
 Kasayatan
 Dallot
 Pamanhikan
 Dung-aw
 Hugas Kalawang
 Dalling-Daling Moro-Moro
 Senakulo
 Karagatan
 Duplo
 Salubong
 Paglakad ng Estrella at ng Birhen
 Pinetencia
 Carillo
 Puteje
 Juego de Prenda
 Bulaklakan
 Pananapatan
 Moriones
 Dalit Alay (Flores de Mayo)
 Pangangaluluwa
 Panunuluyan
 Tibag
 Santakrusan
 Papuri/Putong Sarsuwela
 Dula sa Makabagong Panahon
 Dulang Pantanghalan na may iba‟t ibang tema
 Dulang Musikal

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa


mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at
pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na
dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng
sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng
papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang pagdating ng mga
Kastila sa Pilipinas nagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang
kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolisismo sa
kapuluan.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng


ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng katauhan sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga
taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula:
ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari
sa buhay Pilipino.

41
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay
yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Sangkap ng dula

 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga
pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng
higit na isang suliranin ang isang dula
 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa
kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian ang isang dula
 Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na
ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya‟y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at
tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula

1. Iskrip o nakasulat na dula/Banghay (Plot) – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;


lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. Ito ay ang
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at sitwasyon sa pamamagitan ng mga karakter
(aktor) na gumagalaw sa tanghalan.

2. Gumaganap o aktor/ Karakter – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa


mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba‟t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula. Ang mga kumikilos at
nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang
bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula.

42
3. Dayalogo – ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula
kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.

4. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag


na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan
ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

5. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan
hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
6. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito
napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula‟y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

7. TEMA – ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas
base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon at pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari at pag-aarte ng mga aktor sa tanghalan. Naililitaw ang tunay na emosyon
ng mga aktor sa tulong ng paglinaw ng tema ng dula.
8. Eksena at tagpo. Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan
samantalang ang tagpo nama‟y ang pagpapalit o ang iba‟t ibang tagpuan na
pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

PAGTATANGHAL NG DULA

AKROSTIK na pinakabatayan habang ika‟y nasa tanghalan.

S – seen before heard ( makita muna bago marinig)

T – talk in projection ( magsalita na may tamang tindig)

A – act realistically ( Umarte nang totoo)

G – give your all ( Ibigay ang lahat)

E – exaggerate ( Eksaherado)

43
PAG-ARTE

1. Pagpasok – dito kailangang maipakita ng aktor na siya ay mula sa tiyak na lugar na may
tiyak na layunin at nasa tiyak na pag-iisip dahil ang unang impresyon na kanyang
ibibigay sa mga manonood ay ang kanyang susi sa papel na kanyang gagampanan.
Kailangang maisaisip at maisapuso niya ang kanyang katauhan bago pa man siya
papasok. Mahalaga ring mapagplanuhang mabuti ang paraan kung paano niya gustong
lumantad lalo na ang kanyang tindig. Dapat na nasisigurong ang lahat ay maayos tulad ng
make-up, kasuotan at mga kagamitan upang hindi mabagabag. Habang hinihintay ang
pagpasok, tiyaking hindi lumalabas ang anino sa entablado at huwag ding harangan ang
labasan.

2. Kapag dalawa o mahigit ang papasok, dapat ang isa ay nagsasalita at iyon ang ang taong
huling lalabas upang hindi na niya kailangan pang lumingon sa kanyang mga kausap.

3. Diin at Balanse sa Entablado – ang direktor ang magtuturo sa tamang posisyon sa


entablado ngunit ang actor ay maaring tumulong sa pamamagitan ng pagtatanda sa
kanyang dapat na posisyon. Kapag natatakpan ang ibang tauhan, ang taong nasa likod
ang kikilos upang isaayos ang posisyon. Iwasan na matakpan ang iba. Bawat tauhan ay
mahalaga at bahagi ng kabuuang larawan ng entablado gaano man ka liit ng linyang
bibitawan o kahit na “extra” lamang.

4. Posisyon at Paggalaw – walang kilos o galaw ang dapat na gawin na walang dahilan.
Ang bawat kilos o galaw ay may kahulugan. Ang pag-upo o pagtayo ay dapat naaayon pa
rin sa papel na ginagampanan. Ang dalawang mag-uusap ay kailangang magtinginan
paminsan-minsan. Tingnan nang diretso ang bagay na pupulutin, ang lugar na
pupuntahan o ang taong kakausapin. Huwag na huwag tumalikod sa mga manonood.

5. Linya at Palatandaan – Dapat kabisado o saulado ang linyang bibigkasin.Kailangan


ding malinaw, buo at malakas ang boses ng mga actor sa pag-uusap. Ang “pag-aadlib” ay
para lamang sa kagipitan upang maiwasan ang katahimikan. Kapag nakalimutan ng isang
aktor ang linya at nawawala ang ibang impormasyon, ang ibang aktor ay mag-aadlib na
hindi pinahahalata ang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpapakita pa rin ng
pagkanatural ng usapan.Kailangang magkaroon ng palatandaan kung saan papasok o
magsisimula sa pagsasalita at huwag itong kalimutan.

GALAW NG KATAWAN AT MGA ALITUNTUNIN

 Tindig – Ito ay mahalaga hindi lamang sa kalusugan kundi pati sa personal na hitsura.

44
 Paglakad – panatilihin ang magandang tindig sa paglalakad. Kailangang nakataas ang
balikat, diretso ang katawan at diretso rin ang pagtingin.

 Pag-upo – panatilihin ang tuwid na pag-upo. Ang mga kamay ay nakalukbay


(relax). Ang kamay na naka gapos ay nagpapahirap sa paghinga at ito ay
nagpapamukhang kabado. Tandaan na ikaw ay unang huhusgahan sa iyong katauhan sa
entablado, susunod na lamang ang sa kung ano ang iyong sasabihin.

 Pagtawid at Pagbalik – Ang gitnang bahagi na entablado ay tinatawag na “center”,


ang harapan ay “downstage” at ang likurang bahagi ay “upstage”

 Pagtawid – ibig sabihin ay ang paggalaw mula sa isang posisyon tungo sa ibang
posisyon.

(A)Up Right Stage

(B)Up Center Stage

(C)Up Left Stage

(D)Right Center Stage

(E)Center Stage

(F)Left Center Stage

(G)Down Right Stage

(H)Down Center Stage

( I )Left Center Stage

 Pagbagsak – ang pagbagsak ng aktor tulad ng pagkamatay o pagkahimatay ng tauhan.

 Kumpas – ito ang paggalaw ng anumang bahagi ng katawan to naghahatid ng mensahe


tulad ng pagtaas o pagbaba ng kilay. Ang pagbabago ng ugali ay unang maipapakita ng
mata pagkatapos ay ng bibig, sunod ay sa mukha, pagkatapos ay sa katawan at ang huli
ay sa pamamagitan ng kilos ng barso, kamay at mga daliri.

45
Mga Kawani ng Produksyon

 Direktok: Ang kanyang pangunahing layunin ay makabuo ng magandang pagtatanghal.


Kailangan niyang madiskubri ang saysay ay kahulugan ng buong dula. Siya rin ang
magpapaliwanag ang dulang isinulat ng tagabuo ng iskrip at ang pipili ng babagay na
artistang gaganap sa papel ng mga tauhan sa dula. Sa kanya nakasalalay ang tagumpay at
kabiguan ng dula.

 Katulong ng Direktor: Siya ay papalit sa direktor kung ito ay wala at magsisilbing


tagapag – ugnay sa iba pang kawani ng produksyon.

 Tagapagdikta – Siya ay hahawak ng isang “prompt book” at mamarkahan niya ang mga
bagay na kailangang tandaan ng mga actor tulad ng kumpas, mga tunog, pagbukas o
pagpatay ng ilaw at iba pa.

 Tagadisenyo ng Tanghalan – magdidisenyo ng lugar na gaganapan ng dula, ng mga


kasuotan at mga mga ilaw sa tanghalan.

 Direktor Teknikal – siya ang magmanipula sa lahat ng mga ilaw, musika, mga espesyal
na tunog at iba pang may kaugnayan sa kuryente. Siya ay makikipagtulungan din sa mga
paghahandang ginagawa ng tagadisenyo ng Tagpuan.

 Tagapamahala ng Entablado – Sinisiguro niya na maayos ang buong entablado na


pagtatanghalan. Siya rin ang mamamahala sa likod ng entablado sa posibleng kagipitang
mangyayari.

 Tagapamahala ng Tanghalan – Ang mag-aayos ng mga upuan ng mga manonood.

PAGTATAYA:
Panuto: Gumawa nang isang sariling komposisyong Monologue. Pagbuo nito ay minamarapat
ibatay sa rubriks na pagbabatayan ng pagtataya sa iyong nagawa. Maaring ipasa ito sa
pamamagitan sa gmail at messenger para sa mga mag-aaral na nakakaonline sa mga hindi naman
ay maaring i-record ang sarili at tawagan ang guro upang makuha ang kanyang proyekto.

46
RUBRIKS SA MONOLOGUE
CATEGORY 4 3 2 1

Posture and Eye Student‟s words are Student may shift Student hunches Student hunches
pronounced well, feet slightly once or shoulders and may shoulders and shifts
Contact
and the words are twice, but it is not a appear nervous. feet back and forth in
not strung together distraction. Feet shift once or a nervous way that
in a confusing way. Shoulders are not twice, but not a distracts from the
The monologue is hunched. distraction. performance
not too fast or slow

Speaks Clearly Student‟s words are Student may Student may Student may
pronounced well, mispronounce one mispronounce two or mispronounce too
and the words are word. Due to nerves, more words. The many words due to
not strung together the monologue may monologue may be a lack of
in a confusing way. be a little fast, but still little fast and one preparedness.
The monologue is understandable. part is hard to hear. Student is too fast or
not too fast or slow. too slow.

Volume Student‟s voice Student‟s voice Student‟s voice is Student‟s voice is


projects sufficiently projects sufficiently. difficult to hear. far too soft. Either no
so that the entire Volume is somewhat Attempts are made attempt is made to
class can easily hear used to dramatic to modify volume for modify volume, or
him/her. Volume is effect. dramatic effect. the attempts fail at
modified according their purpose
to meaning and
dramatic effect.

Preparedness Student has Student has Student forgets Student does not
memorized the memorized the place in monologue have monologue
monologue monologue but has and needs 1 “cue” memorized and
completely with no missed a word or from teacher to ready to perform.
errors and has made two. The student has continue. Some Student‟s
deliberate decisions made decisions choices appear performance
concerning tone, concerning tone, preplanned. appears
volume, focal point, volume, etc. spontaneous
etc.

Tone Student Student has made Student has made Student has made
communicates the deliberate decisions an attempt to no real attempt to
appropriate tone of concerning the tone, communicate communicate
the monologue well and somewhat hits appropriate tone, but appropriate tone.
the mark. with mixed success Monotone voice

Acting Student conveys the Student mostly Student makes an Student makes
emotion of the conveys the emotion attempt to convey limited or no attempt
monologue and of of the monologue the emotion of the to convey
the character that and of the character monologue and is appropriate emotion
he/she is depicting. that he/she is somewhat and does not fully
depicting. successful. carry off the
performance.

47
Buod ng Modyul 2
Aralin 1 - Ikaapat na Paksa: Panulaang Pilipino – Sa bahaging ito nang ating modyul
natalakay natin ang Panulaang Pilipino na kung saan nakita natin gaano kalawak ang saklaw ng
anyong panulaan sa panitikang Pilipino na kung saan naging mahalaga ang gampanin nito upang
umunlad nang panitikan ng ating bansa.
Aralin 2 - Ikalimang Paksa: Sanaysay – Sa paksang ito natalakay natin ang sanaysay
maraming bagong kaalaman tayong natuklas sa bahaging ito dahil linged sa kinagisnan natin
kaalaman patungkol sa sanaysay ay nadagdagan ito dahil sa bagong natuklasa natin sa paksang
sanaysay sa modyul na ito. Napakalaki ang tulong nang sanaysay sa pagiging guro dahil isa ito
sa mga akdang panitikan na palagiang ginagamit bilang isang guro.
Aralin 3 - Ikapitong Paksa: Maikling Kwento – Ang paksaing ito ay lubos na interesado dahil
sa taglay na kahusayan at kagandahan ng anyong panitikan na ito. Dahil ang bawat isa sa atin ay
mayroong nais na ikwentong karanasan sa buhay na kung saan ito ang pinaka angkop na anyo
ng panitikan upang ikwento ang nais mo. Dahil ditto angiging epektibo ito dahil napag-alaman
natin ang mga anyo ng maikling kwento, paano bumubuo ng isang maikling kwento, at ano ang
dapat natin isalang-alang sa pagbuo nito.
Aralin 4 - Ika-siyam na Paksa: Dula – ang huling paksa sa modyul na ito ay lubhang napaka
masining dahil sa kalikasan ng anyo ng panitikan na ito. Sa bahaging ito lubos natin napag-
alaman kung ano ang dula. Ang dula ay isang anyo nang panitikan na hindi na bago sa ating
kultura dahil ito ay may malaking gampanin sa kulturang taglay ng mga Pilipino. Dito sa
paksang ito napag-alaman natin ang iba‟t ibang anyo at sangkap nang dula na maari natin
magamit sa loob n gating klase. Kung minsan din ginagamit din ang dula sa loob ng klase upang
maging instrumento sa mahusay at epektibong pagtuturo.

48
UNIT TEST
1. Para sa unit test na ito minamarapat na gumawa nang isang pagbubuod sa mga natalakay
na paksa sa modyul na ito. Minamarapat na bumuo nang buod sa sariling pagkakaintindi
sa mga paksang na talakay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

49
Sanggunian:
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz
A., Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino.
Malabon City: JIMCYVILLE Publication Inc.
 Badayos Paquito A. (2008). Metodolohiya: sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga
Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz
A., Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino.
Malabon City: JIMCYVILLE Publication Inc.

50
MODYUL 3 - MGA HAKBANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Sa bahagi naman ng asignaturang ito ay tatalakayan natin kung paano ituturo ang Panitikan
at Filipino sa mga mag-aaral. Minabuti ng mga manunulat na gumawa nang ganitong modyul
upang maituro at manigyan nang ilang mga tips ang mga magiging guro kung paano ituturo nang
maayos ang asignaturang Filipino sa antas ng Elementarya. Ayon sa konstitusyon na dapat natin
tangkilikin at pagyamanin ang ating sariling wika sa pamamgitan ng mga modyul na ito ay maari
mamulat ang bawat isa sa aking kagandahan at kayamanan ng ating Panitikan.

Dahil dito ang pinaka-layunin ng MODYUL 3 - MGA HAKBANG SA PAGTUTURO NG


FILIPINO. Sa bahaging tatalakayin ang mga estratehiya at mga dulog sa pagtuturo upang mas
mapdali at maging epektibo ang talakayan sa loob ng klase. Dahil ditto minabuti nang mga
manunulat na tatalakayin ang modyul na ito sa pinaka simpleng paraan ng pagtalakay. Dahil
kayo ay kumukuha nang kursong BEED – Generalist sa ating kolehiyo, nakasaad sa propektus
nang kursong ito na kumuha ng ganitong asignatura dahil sa layuning dahil ang pagiging guro ay
may malaking bahagi sa pagpapalaganap nang ating sariling. Darating ang panahon na magiging
guro kayo at kinakailangan na may sapat na kaalaman kayo sa wikang Filipino dahil kayo ang
magiging instrumento upang maisakatuparan ang isinasaad n gating konstitusyon patungkol sa
pagpapayabong at pagpapayaman sa sariling wika natin.

Ang mga sumusunod na mga paksa ay ang unang bahaging tatalakayin natin:

Aralin 1 - Pangsampung Paksa: Pagpaplano Sa Pagtuturo


Aralin 2 – Panglabing-isang Paksa: Ang Mga Layuning Pampagtuturo
Aralin 3 - Panglabing-dalawang Paksa: Ang Pagtataya
Aralin 4 - Panglabing-tatlong Paksa: Ang Pagtatayang Tradisyunal At Di-Tradisyunal

Magsimula na tayo !

51
MODYUL 3 - MGA HAKBANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Ikasampung Paksa: Ang Pagpaplano sa Pagtuturo

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang iba‟t ibang paraan sa pagpaplano sa Pagtuturo.
2. Nakakabuo ng sariling paraan ng pagpaplano sa pagtuturo.
3. Naisasagawa ang pagpaplano sa pagtuturo sa kanyang sariling paraan.

PANIMULA:

Pagpaplano ay isang hakbang upang paghandaan ang mga bagay na isinasagawa at isang
hakbang upang maisakatuparan ng maayos ang isang gawain. Ang bahaging ito ay tatalakayin
natin ang mga papaano maging epektibo ang pagtuturo sa pamamagitan ng pagpaplano. Dahil
ditto matatalakay natin sa paksang ito ay ang mga hakbangin at paano maisakatuparan ang
pagpaplano ng pagtuturo.

PAUNANG GAWAIN:
Sa loob ng isang klase ano sa tingin mong kailangan sa loob ng klase? Tumukoy nang
limang bagay na kailangan bago simulan ang klase?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSUSURI:
Sa napiling mga bagay bigyan nang pagpapaliwanag kung bakit ito kailangan sa loob ng
klase?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang mga pagpaplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at istilo ng


isang guro. Mahalaga ang pagpaplano at dapat na isinagawa ito ng lahat ng guro bago pumasok
sa klasrum ang isang guro, taglay niya ang mga ideya kung paano tuturuan ang kanyang klase.
Kaya lang, ang proseso ng pagpaplano at pagbabalak ng mga gawain sa pagtuturo ay

52
nagkakaiba-iba ayon sa orentasyon at paniniwala ng isang guro. Bawat guro ay may sariling
paniniwala kung paano ang mabisa at epektibong pagbabahagi ng pagkatuto. May mga
pagpaplanong komprehensibo dahil nakatala ang mga gawain ditto mula sa pagpaplanong
komprehensibo dahil nakatala ang mga gawain ditto mula sa pinakamalaki hanggang kaliit-
liitang ideya. Mayroong namang balangkas lamang ng mga gawain ang nakalahad. Ang iba
nmang mga pagpaplano ay nasa isipan lamang ng guro at malamang na ito‟y hindi maisagawa
dahil sa maraming panngyayaring maaring maganap sa pagkaklase. Samakatuwid, ang
pagkaklaseng walang pagpaplano ay maaring mauwi sa hindi pagkatuto ng mga mag-aaral. May
mga pagpaplanong palipad-hangin lamang dahil kung papasukin mo ang klasrum ay malabong
Makita ang mga inilahad na binalak na mga gawain.
Makatutulong nang malaki para sa isang epektibong pagkaklase ang mahusay na
pagpaplano. Maaring kontrahin ang katotohanang ito lalo na ang mga gurong matagal na sa
pagtuturo. Ang isyu ay hindi tungkol sa kung kailangan ba ng pagpaplano kundi kung paano
ang pagpaplano. Walang isang tiyak na sagot sa tanong na ito. Sa mga bago pa lamang sa
pagtuturo, maaring ang masusing pagpaplano ay makatutulong nang malaki sa kanilan g
pagtuturo. Samantala, sasabihin naman ng mga bihasang guro na kahit sila nakapikit ay
magagawa nilang makapagturo nang mahusay.
Maraming teknik para sa isang mabisang pagpaplano. Sa malawakang
pagpapakahulugan, ang pagpaplano ay tumutuko sa mga gawain na nagbibigay ng direksyon sa
pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing pang mag-aaral at gawain ng guro(Clark at Yinger,
1980). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala sa pagkakaiba-iba ng personalidad at istilo ng
mga guro; pormal, malasusing pagpaplano para sa mga gurong sensitibo sa pangangailangan ng
mga mag-aaral at impormal na proseso para sa iba. Batay sa ganitong pananaw, madali nating
makukuro ang isang depinisyon na naglulundo sa mga pagpaplanong pagtuturo (instrumental
planning). Sa tanglaw ng konteksto ito matutukoy natin na ang pagpaplano ay isinasagawa upang
mabigyan nang tamang direksyon ang pagsasangkot ng mga mag-aaral sa gawain para sa
kanilang pagkatuto.
Sa anumang pagpaplano isasagawa, kailangang bigyang pansin ang sumusunod:
1. Ang layunin ng liksyon
2. Ang pamaraan at pagkakasunod-sunod ng mga teknik o istratehiya
3. Pag-alam sa kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo ng mga lilinangin mga layunin.

Ang tatlong aspektong ito ay mahalagang bahagi ng mga pagpaplanong isinasagawa ng


guro sa isang pagtuturo bagama‟t maaring hindi nagbibigay ng magkakatulad na atensyon o
importansya ang bawat isa. Ang pang-araw-araw na banghay-aralin na ginagawa ng guro bilang
paghahanda sa pagtuturo ay naayon sa kanyang intwisyon at mga desisyong rasyunal tungkol sa
mag-aaral, sa nilalaman at mga kasanayang lilinangin, at mga paraan at mga istratehiyang
gagamitin sa pagtuturo.
MGA ISINASAALANG-ALANG SA PAGPAPLANO
Ang isang guro ay nagpaplano ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring
kalalabasan ng pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakaiimpluwmensya sa pagkatuto sa mga tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan ng isang
guro na;
GAMITIN ANG KANYANG KAALAMAN SA:
 Kalikasan ng panitikan;
 Pagkatuto ng panitikan;
 Paano natutuhan ang mga panitikan;
 Mga salik sa epektibong pagkatuto;

53
 Mga sagabal sa pagkatuto;
 Mga kagamitan sa pagtuturo; at
 Mga dulog, pamamaraan at teknik.

PAGTIYAK O PAGBUO NG DESISYON TUNGKOL SA:


 Ano ang dapat matutuhan;
 Gaano ang maaring matutuhan sa isang tiyak na panahon;
 Pag-aayaw-ayaw ng mga episode sa pagtuturo;
 Anong gawain at materyales ang gamitin at kung saang episode;
 Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng pidbak; at
 Paano tatayain at pahahalagahan ang pagkatuto.

MGA PANANALIKSIK AT ILANG BATAYANG TEORETIKAL SA PAGPAPLANO


Ang katotohanan na ang epektibong pagpaplano ay mahalaga para sa epektibong
pagtuturo ay hindi na lingid sa kabatiran ng marami. Kakaunti lamang kung mayroon mang
pananaliksik sa pagpaplano noong mga nakaraangb dekada. Nito lamang huling 15 taon naging
masigla ang mga pag-aaral at pananaliksik hingil sa pagpaplano. Karamihan sa mga ito‟y mga
palarawang pag-aaral (descriptive research) at isinasagawa sa antas elementarya (Kindsvattter, et
at., 1990) dapat na tanawing pansamantala lamang ang mga paglalahat sa mga pag-aaral na
babangitin ditto subalit kakikitaan ang mga ito ng ilang kabatiran na mahalaga para sa
paghahanda ng mga guro sa elementarya at sekundarya ng mga yunit at pang-araw-araw na
banghay-aralin.
Ano ang mga binabanggit sa ilang pananaliksik tungkol sa aktwal na gawi ng mga guro
sa pagpaplano ng aralin? Natuklasan nina Clark at Yinger (1979) na karamihan sa mga guro ay
hindi matapat na sumusunod sa paglalapat ng mga simulating natutuhan nila sa mga ekspertong
edukador hingil sa pagpaplanong pampagtuturo. Sa pag-aaral na nina Paterson, Marx, at sa
pagpaplano ang nilalaman at mga istretehiya sa pagtuturo bago ang mga layunin. Mas naglalaan
ng mahabang oras sa pag-iisip ang maraming guro kung paano ilalagay sa isang konteksto ang
pagtuturo at pagkatuto kaysa sa mga layunin at ebalwasyon.
Sa pag-aaral nina Levin at Long (1981) natuklasan nila na maganda ang kalalabasan ng
pagkatuto kung may kabatiran ang mga mag-aaral hingil sa mga tiyak na layunin na lilinangin.
Pinatunayan din sa kanilang pag-aaral na pagsasabi ng mga layunin sa mga mag-aaral ay
magbibigay ng direksyon at seguridad sa kanilang pagkatuto.
Napag-alaman nina Clark at Yinger (1980) na humigit-kumulang, 12 oras sa loob ng
isang linggo ang ginugugol ng mga guro sa pagpaplanong pampagtuturo. Ang proseso sa
pagpaplano ay karaniwang nagsisimula sa isang ideya at unti itong nagkakahugis sa
pamamagitan ng patuloy na modipikasyon at eloborasyon. Ang ihandang banghay-aralin ay
isang maliit na bahagi lamang kabuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng
guro. Ayon naman kay Earle (1992), bumubuo ang maraming guro ng mga imahen o senaryo sa
proseso ng kanilang kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng guro.
Lumilikha sila ng paglalarawan sa kanilang isip o diwa kung ano ang maaring anyo ng liksyon at
paano ito epektibong mailalahad sa klase. Samakatuwid, higit na nagaganap ang pagpaplanong
pampagtuturo sa isipan kaysa sa papel para sa maraming guro.
Ayon naman kay Westerman (1991), mas komprehensibo ang pananaw ng mga bihasang
guro sa mga mag-aarl at sa mga kaalamang kanilang itinuturo. Ang mga baguhan nama‟y
nakatutok sa pagtatamo sa layunin sa halip ay isaalang-alang ang dating alam ng mga mag-aaral
at inuugnay ang mga ito sab aging kaalaman. Natuklasan namn ni Tyson (1991) na nagagawa ng
mga sanay na guro na mapagtagni-tagni ang mahahalaga at mahihirap na bahagi ng isang
paksang-aralin kaya nabibigyan nila ito ng ibayong diin. Bibihirang nagagawa ito ng mga

54
baguhang guro. Tiniyak din ng mga sanay na guro kung mauunawaan ng mga mag-aaral ang
mga kasanayang nilinang sa halip na ipalagay na lamang na natutuhan ang mga ito gaya nang
nasa isipan ng maraming bago pa lamang nagtuturo.
Sinabi ni Cooper (1990) na ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatid sa mga
mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik na inilahad at
mga desisyon binubuo sa pagtiyak ng maaring maganap sa pagkaklase, mahirap isipin na
magagawang ng isang epektibong guro ang pagharap sa klase nang walang malinaw na
pagpaplano at desisyon hingil sa layunin, metodo, istratehiya at ebalwasyon sa isasagawang
pagtuturo.
BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPLANO NG ARALIN (BANGHAY ARALIN)
Ilang mga kadahilanan ang ilalahad ditto kaugnay ng pagpaplano ng aralin
1. Iba‟t ibang bagay ang halos magkakasabay na isinasaalang-alang ng mga guro sa
pagbabanghay ng isang aralin. Sa pagpaplano ng aralin, nabibigyan ng pagkakataon ang
guro na pagtimbang-timbangin ang mga bagay na kaugnay ng aralin upang makapamili
siyang mabuti ng mga gawaing angkop ilapat sa bawat episode ng pagkatuto bago ilahad
sa klase.
2. May dalawang dimensyon ang mga gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin: a) ang
gawain na isinasagawa bago pa man simulant ang pagtuturo, at b) mga gawaing sa loob
lamang ng klasrum maisasagawa. Napag-iisipang mabuti ng guro ang buong aralin sa
tulong ng isang banghay o plano at naihanda niya nang mas maaga ang mga kaukulang
kagamitang panturo. Magsisilbing parang isang mapa ang banghay aralin na siyang
tutuntunin ng guro sa pagtuturo. Ang bibigyang atensyon na lamang ng guro ay ang mga
bagay na kailangan niyang gawin habang nagaganap ang pagtuturo at pagkatuto.
3. Nagagawang maihanda ng guro ang kakailanganing software at hardware sa pagtuturo
kung mas maagang mabubuo ang banghay aralin.
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos na gawain. Ito‟y
maaring sangguniin ng guro sa mga darating na araw upang makakuha siya ng mga
impormasyon hinggil sa kung anong mga gawain ang mabisa o di mabisa sa pagkatuto ng
mga batang kanyang tuturuan.
5. Ang pagbuo ng isang malinaw na desisyon ay isang mahalagang batayan sa pagpaplano.
Kailangan sa pagpaplano ang pinakamataas na lebel ng pagbuo ng desisyon. Kung ang
pagpaplano ay hindi naging epektibo, malamang na hindi ito binigyan ng seryosong
atensyon. Ang “pagwawalang-bahala” na binigyang-pansin ni Silberman (1970, p.10) at
sinang-ayunan ni Goodland (1982) ay bunga ng kawalan ng malasakit ng mga guro sa
pagpaplano. Sa tuwing bubuo o magbabalak ang gurong magbanghay-aralin dapat niyang
pag-isipang mabuti ang sumusunod na mga tanong:
a. Anong konsepto, tapik o kasanayan ang mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral sa
tiyak na oras sa isang pagkaklase?
b. Dahil sa binuong silabus, batayang aklat o dating-gawi, possible bang ipagpatuloy na
lamang sa susunod nay unit ang aralin na wala man lamang pagsasaalang-alang kung
ito nga ang pinakaangkop na talakayin?
c. May sapat bang kahandaan ang mga mag-aaral para sa pagtatamo ng mga layunin
para sa isang partikular na yunit o liksyon?
d. Magbubunga kaya ng mataas na antas ng kawilihan ang mga tapik o yunit?
e. Anong mga istratehiya ang gagamitin sa pagtuturo ng tapik o yunit?
f. Anong mga teknik ang maaring gamitin sa pagtataya, pormal o di-pormal man, sa
mga pagsisikap at pagtatamo ng kaalaman ng mga mag-aaral.

55
Bagama‟t maraming mga aklat at mga dalubguro ang sumusuporta sa pagpapalagay na
ang pagpaplano ay isang prosesong lohikal, sa aktwal na pagpaplano, ito‟y sikolohikal at higit na
ginagamitan ng likas na pagkukuro. Ang pagpaplano ay katulad ng pagtitimpla ng isang inumin
at hindi parang paghuhurno ng tinapay o keyk na may sinusunod na resipe.
MGA SALIK NA ISINASAALANG-ALANG SA PAGBABANGHAY-ARALIN
1. Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin na inaasahang matatamo

Alamin kung ano ang panlahat na layuning itinakda para sa aralin. Maaring ito‟y hango sa
PELC o PSSLC na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon. Pagkatapos, alamin din ang mga
kasanayan alam na o dapat pang linangin upang maisakatuparan ang mga layuning panlahat. Ang
pumapailalim na mga kasanayan ang dapat na maging layunin ng bawat gawain sa liksyon o
aralin.
Ang PELC at PSSLC ay talaan ng mga layuning lilinangin sa bawat aralin sa Paaralang
Elementarya at Sekundarya. Ang PELC ay inihanda ng Kawanihan ng Paaralang Elementarya,
samantalang ang PSSLC ay inihanda naman ng kawanihan ng Paaralang Sekundarya.
Halimbawa: Sekundarya
Panlahat na Layunin
Nalilinang ang kakayahang maging mapanuri sa mga ideya/kaisipang nakapaloob sa
binasa.
Mga Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ang mga pagpapahalaga o mga patotoo sa buhay na nais ipaabot ng may akda
sa mga mambabasa.
2. Naibibigay ang opinyon sa dapat na maging wakas ng kwento.
3. Naiibigay ang katwiran sa napiling opsiyon sa mga alternatibong solusyon sa suliraning
inilahad.

Halimbawa: Elementarya
Panlahat na Layunin
Nagagamit ang mga salitang nagsasaad ng kilos
Mga Tiyak na Layunin
1. Nasasabi ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa tulong ng larawan/kilos
2. Natutukoy sa pangungusap ang mga salitang nagsasaad ng kilos
3. Naibibigay ang salitang kilos na angkop sa larawan sitwasyon.

2. Katangian ng mga Mag-aaral

Isaalang-alang ang higit na naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin din ang
kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa wikang pag-aaralan. Ang mga impormasyong ito‟y
makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang panturo, gawain, istilo sa pagkatuto at
pamaraan at teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral

56
Kailangan ang tiyakang pag-iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ng mga mag-aaral
ang kanilang dating kaalaman. Tandaan na ang isang liksyon ay may isang paksa o tapik, mga
gawain, isang genre, at isang sitwasyon. Lahat ng bagong pagkatuto ay kinakailangang mag-ugat
sa dating alam na ng mga mag-aaral. Samakatuwid, bago gamitin ng guro ang dating alam na ng
isang mag-aaral para sa isang pagtuturo kailangan tiyakin niya kung ano na ang alam ng mag-
aaral sa paksang tatalakayin, ang wikang gagamitin, ang mga uri ng gawain, at iba pa.
4. Mga gawain sa pagkatuto

Mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mga mag-aaral. Kung maari, maglahad ng
mga gawaing magagamit ng mga kasanayang nililinang para sa isang aralin.
5. Mga Kagamitang panturo

Pagkatapos matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman ng guro ng mga angkop na
kagamitan (awdyo-biswal) para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magagamit para sa
isang makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.
a. Bago piliin ang mga gawain – Sa yugtong ito‟y isinasaalang-alang ang sumusunod:
 Magagawa ba ng mga gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na
mapagsanayan ang uri n panitikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo ng wika bago isigawa ang gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?
b. Kapag napili at naisaayos na ang mga kagamitan para sa mga itinakdang gwain
 May mga kayarian bang pangwika na maaring hindi binalak ang lumabas sa
pagtuturong isasagawa?
 Kung maroon, makasagabal ba ito sa pagkatuto?
 Kung oo, paano mo ito lulutasin?
 Makabubuti ba kung ituturo muna ito sa mga mag-aaral? Kung hindi, kailangan
bang gumawa ng modipikasyon sa mga gawain? Iba pa.

6. Oras o takdang panahon

Mahalaga ang oras o takdang panahon ayon sa sumusunod na pananaw:


Kung kailan isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaring makaapekto ito sa kalidad ng
atensyong inaasahan mo sa iyong mga mag-aaral. Ang isang aralin na kasabay ng isang klase sa
P.E. na nasa tapat ng iyong klasrum ay hindi maaring maging aralin sa pakikinig. Hindi rin
kasiya-siya sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng balarila bilang huling aralin bago ang pag-uwi.
Kung gaanong oras/panahon gugugulin ay kailangang pag-isipan din sa pagbabanghay ng
aralin. Kiung walang pagsaalang-alang sa tamang oras. Maaring hindi maisakatuparan ang mga
nililinang na layunin. Ang tamang pagtatakda ng mga gawain ay dapat isalang-alang sa
pagpaplano. Halimbawa, pagbibigay ng tanong bago ang pagbasa o pakikinig sa isang teksto ay
maaring makatulong upang malinang sa mga mag-aaral ang kasanayan sa paghula ng
pangyayari. O di kaya naman, ang pagbibigay ng mga tanong pagkatapos basahin ang teksto ay
maaring isagawa upang malinang ang kasanayan sa pag-unawang literal.
7. Partisipasyong guro-mag-aaral

Kailangang pag-isipan ding mabuti ng guro sa yugto ng pagpaplano ng aralin ang haba o
tagal ng partisipasyon ng guro at mag-aaral. Dapat niyang isaisip na ang partisipasyon ng bawat
kasangkot sa isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum ay naayon sa uri ng liksyon at ng
mga layuning nililinang ditto.
8. Pagbabalanse sa pagtatakda ng oras para sa gawain

57
Upang maisagawa ito nang maayos, kailangan tiyakin ng guro na ang itinakdang oras para sa
isang gawain ay naayon sa layuning nililinang para sa gawain. Minsan, napahahaba ang talakay
ng isang yugto ng aralin at naisasakripisyo tuloy ang dapat na talakay sa isang mahalagang
bahagi ng aralin.
9. Pagsusunod-sunod at pag-aantas ng mga gawain

Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naayon sa kung ano ang ituturo, ang sariling
pananaw ng guro sa paksa at kung paano ito natutuhan, at ang paraang kanyang pinananaligan.
Gayunpaman, may ilang tanong na dapat isaisip ang guro sa wastong pagsusunod-sunod at pag-
aantas ng gawain.
a. Dapat bang magsimula muna ako sa mga madadaling gawain bago magpatuloy sa mga
mas mahirap na gawain?
b. Kailangan ko bang isaisip na ang mga naunang gawain ay paghahanda para sa mga
sumusunod pang gawin?
c. Kailanagan bang ang mga gawain ay ugnay-ugnay para sa isang makabuluhang
pagkatuto?

PAGTATAYA:
1. Naniniwala ka bang ang epektibong pagtuturo ay nakabatay sa isang masusing
pagpapalano o mayroon iba pang mga tradisyunal na gawi na mas malaki ang
impluwensya sa mahusay na pagtuturo? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________
2. Anu-anong mga paglalahad ang maari mong buuin sa mga inilahad na pag-aaral at
pananaliksik sa kabanatang ito hinggil sa mga kaugalian nan g mga guro sa kanilang mga
pagpaplanong pampagtuturo? Ilahad ang sariling kabatiran hinggil sa mabisang
pagpaplanong pampagtuturo.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________

58
Rubrics Para sa Sanaysay

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatuna
Inaasahan yan
(5) (4) (2)
(3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi


t ang introduksyon introduksyon ang ang introduksyon nakita sa
introduksyon. ang pangunahing pangunahing paksa at ang ginawang
Malinaw na paksa gayundin subalit hindi sapat pangunahing sanaysay
nakalahad ang ang panlahat na ang paksa. Hindi rin
pangunahing paksa pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
gayundin ang dito. ukol dito. panlahat na
panlahat na pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito
dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadedelop *


bawat talata dahil may sapat na detalye. ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Organisasyon ng Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


Ideya mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
sunod ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
ideya; gumamit makinis ang hindi ganap na
din ng mga pagkakalahad nadedelop.
transisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamo Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *


n ang kongklusyon pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
at naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasa
palagay o paksa batay sa tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at mga
inisa-isa sa isa sa bahaging katwirang inisa-isa
bahaging gitna. gitna. sa bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at mga pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga pangungusap at gamit ng mga gamit ng mga
salita. gamit ng mga salita. salita.
salita.

Kabuuan

59
Labing-isang Paksa: ANG MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang iba‟t ibang paraan ng pagtuturo sa Panitikan.
2. Nakabibigay ng pagkakaiba-iba sa mga epektibong pamamaraan ng pagtuturo ng
panitikan.
3. Nakakabuo ng sariling ebalwasyon sa mga paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

PANIMULA:
Bago natin gawin ang isang bagay ay dapat mayroon tayong layunin bakit natin gawin
ang isang bagay. Sa bahaging ito tatalakayin natin ang mga nararapat at paano gumawa ng mga
layunin upang maisakatuparan ang pagtuturo. Dahil ang isang gawain na walang layunin ay may
malaking posibilidad na hindi lubos na mahusay ang kalabasa dahil walang patutunguhan.
PAUNANG GAWAIN:
Tumukoy nang tatlong gawain na parating mong isinasagawa araw-araw?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSUSURI:
Sa mga napiling gawain bigyan ng pagpapaliwag kung bakit ito isinasagawa araw-araw?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

ANG LAYUNIN AT ANG SOPISTIKASYON NG PAGKATUTO

Ang pagpaplanong pampagtuturo ay hindi nagtatapos pagkaraang madesisyunan


ng guro ang nilalaman at maiayosang pagkakasunod-sunod nito. Kailangan ding pag-
isipan ang mga tiyak na pagkatuto na nais niyang ipaangkin sa mga mag-aarl bilang
bunga ng isang pagtuturo. Ang ganitong kalagayan ay naglulundo sa paghahanda at

60
pagbubuo ng mga layuning pampagtuturo ang tumitiyak kung ano ang mga inaasahang
isasagawa ng mga mag-aaral bilang kinalalabasan ng kanilang pagkahantad sa nilalaman
ng isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.
Inihahanda ng mga guro ang mga layuning pampagtuturo sa liwanag ng nilalaman
ng nilalaman ng aralin na nais nilang matutunan ng mga mag-aaral, pagtiyak sa lebel ng
sopistikadong ng pagkatuto na inaasahann sa mga mag-aaral, at batay sa kakayahan at
kawilihan ng mga tinuturuan. Ang mga layuning pampagtuturo ay magsisilbing posting
pamatnubay sa paghahanda at pagbabalak ng aralin at iba pang pagpaplanong
pamapagtuturo. Sinasangguni rin ang mga ito sa pagpili ng mga angkop na kagamitang
panturo bilang pansuporta sa mga batayang aklat, sa pagtukoy ng angkop na istratehiya,
at paghahanda ng nararapat na ebalwasyon sa pagkatuto.

MGA MITHIIN (GOALS), TUNGUHIN (AIMS), AT LAYUNIN (OBJECTIVES)


SA PAGTUTURO

Ang mga layuning pampagtuturo ay mga tiyak na pagpapahayag na nagbibigay


direksiyon sa isang programang pampagtuturo. Marami nang lapit ang ginagawa ng mga
edukador sa pag-uuri ng mga layuning pampagtuturo upang maitakda ang kanilang
katiyakan ngunit mahirap pa ring isipin kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga ito.
Isa sa mga iskema ng pag-uuri ng layuninng pampagtuturo ay ang tatlong bataang
kategorya sa ibaba.
 Mga Mithiin (GOALS)
 Mga Tunguhin (AIMS)
 Mga Layunin (Objectives)

Ang mga MITHIIN (GOALS)


Ang mga mithiin ay malawak na pagpapahayag ng direksiyon para sa isang
programang pang-edukasyon. Ang mga ito‟y karaniwang binibigayang liwanag ng mga
dalubhasa sa pagbuo ng mga palising pambansa. Halimbawa, sa pagpasok ng dekada ‟90,
naging pokus ng mga pagpaplano ng edukasyon ang pagtaas ng kalidad ng mga paaralan
bilang paghahanda sa bagong milenyum. Ilan sa mga binuong mithiin ay ang mga
sumusunod:
 Sa taong 2020, inaasahang ang mga mag-aaral na Pilipino ay mangunguna sa
pagtatamo ng mga kasanayan sa larangan ng matematika at agham sa Timog
Silangan Asya.
 Sa taong 2020, inaasahang ang bawat Pilipino ay may sapat na gulang ay mga
literate na at may kakayahang magkapagtamo ng mga kasanayang kailangan
upang makipagpaligsahan sa isang ekonimiyang pandaigdig at magagampanan
ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamayan.

Ang mga mithiing ito‟y naglalarawan ng set ng mga pambansan prayoridad para
sa mga programang pang-edukasyon at pampaaralan. Ang mga ito‟y repleksyon ng mga
pagpapahayag at mga pananagutang panlipunan. Subalit ang ganitong malawak na
pagpapahayag ng mithiin ay hindi nagbibigay ng mga tiyak na patnubay sa mga guro para
mailapat sa isang pagtuturong pangklase. Kailangan pa nila ang mga paglilinaw upang
maipatupad ang mga ito sa klasrum gaya nang paghahanap ng mga tiyak na sagot sa mga
tanong na:
 Ano ang ibigsabihin ng literate sa Matematika, Filipino, Kasaysayan, Agham?

61
 Ano ang dapat matamo ng mga tao para mabigyan sila ng pagkakataong
makipagtagisan sa mga larangang pandaigdig?
 Anu-ano ang mga kailanganin para maihanda ang isang tao tungo sa pagiging
may pananagutang mamamayan?

Ang mga TUNGUHIN (AIMS)


Ang tunguhin ay mas tiyak at mas may pokus kasysa sa mithiin. Ang mga ito‟y
nagbibigay ng direksiyon para sa isang tiyak na aralin. Kumakatawan din ang mga ito
upang maisakatuparan ang isang mithiin at padalisayin ang pokus nito upang maiugnay
sa mga inaassahang pagkatuto ng mga mag-aaral. Isa sa mga susing tanong ng mga guro
habang tinitiyak ang mga tunguhin ng mga aralin ay: Ano ang dapat matutuhan ng mga
mag-aaral sa mga aralin sa kurikulum na may tuwirang kaugnayan sa mga hangarinng
itinakda ng pamayanan para sa mga paaralan? Halimbawa, ang mithiin na naglalayong
makalinang ng mga may pananagutang mamamayan ay maaring maglundo sa pagbuo ng
mga tunguhin gaya ng mga itinala sa ibaba para sa isang klase sa Agham Panlipunan sa
paaralang sekundarya.
 Mauunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang-batas.
 Malaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutannay maingat na
pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo, at hudisyal sa ating
pamahalaan.
 Mapanindigan ng bawat mag-aaral ang kaisipan na ang mga mamamayan ay may
tungkulin alamin ang mga isyung pambansa at malayang maipahayag ang
niloloob sa pamamagitan ng pagboto.

Mula sa Mithiin Hanggang Tunguhin


Ang pagbuo ng isang programang pampaaralan na tumutugon sa kailanganin ng
mga mithiin ay mahirap gawin. Ang proseso ay kailangang nakapokus sa mga tunguhing
may kinalaman sa mga aralin. Ito‟y nangangahulugan ng pagbuo ng mga tunguhing
lohikal na dumadaloy mula sa mithiin. Pansinin ang halimbawa sa ibaba:
MITHIIN: Inaasahang ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay
magtataglay ng mga kaalaman at kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang
mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan ng isang demokratikong
pamayanan. Ang malawak na mithiing ito‟y kailangang mag-anyong tunguhin sa liwanag
ng iba‟t ibang lawak ng aralin sa kurikulum gaya ng sumusod:
FILIPINO
 Natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita.
 Mabisang naipapahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat.

MATEMATIKA
 Nakikilala at natutukoy ang mga pagbabaluktot sa mga datos na sinusuri.
 Nauunawaan ang mga datos na nakalahad sa mga tsart at grap.

Subalit may ilang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaugnay ng


mga tunguhin na binubuo para sa isang tiyak na aralin. Ang mga tunguhin ay maaring
hindi kakitaan ng mga impormasyon hinggil sa mga istratehiyang maaring gamitin sa
pagtuturo, kung paano ang pagtataya ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral, at mga tiyak

62
na pagkatuto na inaasahang matatamo pagkatapos ng isang pagtuturo. Ang mga ganitong
katiyakan ay tutugunin n gating huling kategorya: ang mga layuning pampagtuturo.
ANG MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO
Ang mga layuning pampagtuturo (instructional objectives) ay pagpapahayag sa tiyak na
pananalita ng mga pagkatuto o gawin inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral pagkatapos ng
isang pagtuturo. Ang mga ito ay nararapat isaad sa isang paraang tiyak, ang pagganap ditto ay
nakikita at ang bunga o kinalalabasan nito ay nasusukat. May dalawang pangunahing hakbang sa
pagbuo ng mga layuning pampagtuturo. Una, kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng
pagkatuto, at ikalawa, ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang
pagganap ay namamasdan, alalaong-baga, iyong pagganap o pagsasagawa ay makikita
(Gronlund, 1991).
PAGKILALA NG MGA NAMAMASDANG GAWI NG MGA MAG-AARAL
Dapat tandaan na sa paglalahad ng mga layunin, ang mga gawi o kilos ay nakapokus sa
kung ano ang maaring isagawa ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang episode sa pagtuturo at
hindi sa kung ano ang gagawin ng guro habang isinasagawa ang pagtuturo. Narito ang ilang
halimbawa.
 Nailalarawan ang mga hakbang na isinasagawa sa isang eksperimento.
 Naiisa-isa ang mga pangyayari na naging sanhi ng pagkakawatak-watak ng Soviet Union.
 Naipaliliwanag ang paksang-diwa ng isang maikling kwento.
 Nabibigyang-kritik ang binasang aklat o napanood na pelikula.
 Naililipat sa isang dayagram ang mga impormasyong napakinggan tungkol sa isang
paksa.

PAGTATAKDA NG MGA TIYAK NA GAMPANIN


Sa pagbuo ng mga layunin, ang mga gampanin ay dapat na ilahad sa paraang maaring
Makita o marinig ang pagganap o ang bunga o resulta ng pagkaganap. Tignan ang mga
halimbawa sa ibaba.
 Magtala ng mga posibleng hinuha.
 Mailipat sa isang dayagram.
 Maisa-isa ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.
 Maisulat na muli sa sariling pananalita.
 Maglaan ng mga karagdagan halimbawa.

PAGTUKOY SA KALAGAYAN GAGAMPANIN NG GAWAIN


Dapat ding isaalang-alang sa pagbuo ng mga layunin kung sa anong kalagayan
gagampanan ang gwain. Halimbawa:
 … sa tulong ng ruler…..
 … sa isang pagsusulit-padikta…
 … sa isang 10-pahinang pamanahong papel…
 …sa paglikha ng isang orihinal na modelo…

PAGBANGGIT SA PINAKAMABABANG SUKAT O ANTAS NG PAGGANAP SA


GAWAIN
Hindi rin dapat kaligtaan ang pagbuo ng mga layunin ang pagbanggit sa pinakamababang
sukat at antas ng pagganap sa gawain. Ang pagtatakda ng antas ng kahusayan ay kailangang pag-
isipanng mabuti ng guro. Kailangang makatarungan ang itatakdang antas ng kahusayan upang
maging mababa ang lebel ng pagkasiphayo ng ilang mag-aaral. Halimbawa:
63
 …masagutan nang tama ang 6 sa 10 katanungan…
 …matukoy ang 3 sa 5 probisyon ng kasunduan…

ANG ABCD PORMAT SA PAGBUO NG LAYUNING PAMPAGTUTURO


Ang ABCD pormat sa pagbuo ng mga layuning pampagtuturo ay isang praktikal na
lagom ng mga talakayan hinggil sa mga katangian ng isang mahusay na layuning pampagtuturo
(tinatawag din itong layuning pangkagawian o pupil performance objective, (Armstrong at
Savage, 1994). Ang unang apat na letra ng alpabeto ang laging magpapaalala ng mga
mahahalagang component o bahagi nito gaya nang nakalahad sa ibaba.
1. A o Audience – ito‟y tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino
ang gagawa ng mga task o gawain.
2. B o Behavior – ito‟y paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawi o kilos na
inaasahang maipapakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng kanilang
pagkakahantad sa isang pagtuturo.
3. C o Condition – ito‟y paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin
upang makatiyak kung mayroong masteri sa itinakdang kilos o gawi sa pagkatuto.
4. D o Degree – ito‟y paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng pagganap
sa gawain bilang ebidensya ng masteri.

ANG MGA DOMEYN NG LAYUNING PAMPAGTUTURO


May tatlong batayang uri ng mga layunin sa pagtuturo. Ang mga ito‟y napapangkat sa
tatlong domeyn (domain). Ang bawat domeyn ay kumakatawan sa isang partikular na set ng mga
palagay at paniniwala tungkol sa kung paano natututo, kumikilos at gumagalaw ang mga mag-
aaral sa isang pagtuturong pangklasrum.
Kognitib Domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga kakayahan at kasanayang
pangkaisipan ng mga mag-aaral.
Apektib Domeyn – mga layunin na lumilinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at
pagpapahalaga ng mga mag-aaral.
Saykomotor Domeyn – mga layunin na ang tinutungo ay ang paglinang ng mga
kasanayang motor at kasanayang manipulatib.

ANG KOGNITIB DOMEYN


Ang kognitib domeyn ay tumutukoy sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko o
intelektwal. Nasa isipan ng guro ang kognitib domeyn kung ang prayoridad ay ang inaasahang
matutuhan ng mga mag-aaral sa mga aralin o paksang tatalakayin.
Karamihan sa mga kabatiran tungkol sa kognitib domeyn ay nag-uugat sa mga pag-aaral
ni Benjamin Bloom at iba pa niyang mga kasamahan na noong 1956 ay nagpalabas ng anim na
antas o lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip na inilahad mula sa pinakapayak patungo
pinakasopistikadong proseso ng pag-iisip gaya ng nakalahad sa ibaba:
 Kaalaman
 Komprenhensyon/Pag-unawa
 Aplikasyon
 Analisis
 Sintesis
 Ebalwasyon

64
a. Kaalaman – ang lebel na ito ng pag-iisip ay tumutukoy sa simpleng paggunita o pag-
alaala sa mga natutuhang impormasyon. Ang mga salitang pangkagawian na ginagamit
na ito ay : bigyang-kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin.

Halimbawa:
Natutukoy ang mga lalawigan bumubuo sa Rehiyon IV.
b. Komprehensyon o Pag-unawa –binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng
impormasyong natutuhan at pag-uugnay nito sa mga dating alam na impormasyon. Ang
mga salitang pangkagawian sa lebel na ito ay: isalin, baguhin. Lagumin, talakayin,
ilarawan, hanapin, ipahayag

Hallimbawa:
Naipaliliwanag ang mga hakbang kung paano ang isang panukalang batas
ay nagiging batas.
c. Aplikasyon – ito ang paggamit ng natutuhan sa iba‟t ibang paraan o konteksto. Ang mga
salitang pangkagawian sa ilalim nito ay: ilapat, pag-ibahin, paghambingin,
klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan

Halimbawa:
Nailalarawan ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng isang dayagram.
d. Analisis – ito‟y nangangailangan ng pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at
organisasyon ng natutuhan upang Makita ang kabuuan. Ang mga salitang pangkagawian
na ginagamit sa antas na ito ay: pag-uugnay-ugnayin, tukuyin, (ang sanhi at bunga),
kilalanin (ang totoo/paktwal), bumuo (ng hinuha), suriin, magbuod.

Halimbawa:
Napag-uuri-uri ang mga pahayag sa isang babasahin sa pamamagitan ng
pagsulat ng letrang P para sa paktwal na pahayag at O naman sa opinyon.
e. Sintesis – sa lebel na ito, kinakailangan na mapag-ugnay ang iba‟t ibang impormasyon
upang makalikha ng bagong kaalaman. Ang mga salitang pangkagawian sa ilalim nito ay:
lumikha, bumo, bumalangkas, pag-ugnayin, idesenyo, iplano, sumulat.

Halimbawa:
Mula sa tatlong paktwal na pahayag, sumulat ng dalawang talatang
sanaysay na kumikiling sa isang isyu at panindigan ang sariling posisyon sa
tulong ng mga paktwal na pahayag.
f. Ebalwasyon – ang pag-iisip sa lebel ma ito‟y nangangailangan ng pagbuo ng sariling
pagpapasya sa liwanag ng mga inilahad na mga krayterya. Ang mga salitang
pangkagawian sa lebel na ito ay pahalagahan, kilatisin, pangatwiran, suriin,
timbangin, punahin, magtangi, paghambingin
Halimbawa:
Mula sa dalawang artikulo na naglalahad ng magkasalungat na pananaw sa
isang maiinit na isyu, kilatisin kung alin ang nagbibigay ng makatarungang
presentasyon at pangatwiran ang sariling opinyon.

Maraming paraan ang magagamit para makatiyak sa kabisaan ng taksonomiya ni Bloom


sa isang pagpaplanong pampagtuturo. Una, maaring gumamit o bumuo ng layunin na hango sa
65
mahigit sa dalawang lebel o antas. Maraming mga guro na nakapokus lamang sa mga layunin sa
antas o lebel ng kaalaman. Ikalawa, kailangang maging sensitibo ang guro sa pagsusunud-sunod
ng mga lebel- ang layuning pangkaalaman at komprehensiyon ay dapat na manguna roon sa mga
layuning nasa mataas na antas o lebel. At panghuli, kailangan mabatid ng guro na ang mga
layuning nasa mataas na antas ay nangangailangan ng mga pansuportang gawain upang ang
pagkatuto ay maging isang tagumpay.

ANG BANGHAY-ARALIN
Ang banghay-aralin ay maaring tanawin bilang isang iskrip na sinusuod ng guro sa
pagtuturo ng isang tapik para sa isang tiyak na oras o panahon.
Ang banghay aralin ay isang balangkas ng mga layunin, paksang-aralin, kagamitan, at
mga hakbang na sunud-sunod na isinasagawa sa pagsasakatuparan ng layunin at ikapagtatamo ng
mga inaasahang bunga, Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.
I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Pamaraan
IV. Takdang Aralin

May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo.


a. Masusing banghay ng pagtuturo – ito‟y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong
mag-aaral. Ginagamit din ito ng mga datihan nang guro kapag naatasang magpakitang-
turo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang
dapat na sagot ng mag-aaral.
b. Mala-masusing banghay – ito‟y higit na maikli kaysa sa masusing banghay ng
pagtuturo. Sa halip na mayroon pang bahagi ang gawaing guro at gawaing mag-aaral
binabanggit na lamang nang sunud-sunod ang gagawin ng guro sa klase.
c. Maikling banghay – ito‟y talagang maikli lamang. Sa banghay na ito, sapat nang
banggitin kung anong pamaraan ang gamitin ng guro o di kaya‟y banggitin kung anong
pamaraan ang gamitin ng guro o di kaya‟y banggitin ang sunud-sunod na hakbang sa
maikling pangungusap.

Karaniwan nang madetalye ang banghay ng mga bagong guro kaysa sa mga may
karanasan na sa pagtuturo. Nagagawa ng mga datihang guro na isaisip na lamang ang
detalye at hindi sila nangangailangan ng maraming mga hudyat o tulong sa pagkaklase.
Samantala, upang maiwasan ang pangangapa ng mga bagong guro kung paano pagsunod-
sunurin ang mga hakbang, kailangan niya ang paggawa ng masusing banghay.

PAGTATAYA:
1. Naniniwala ka bang ang epektibong pagtuturo ay bunga ng epektibong pagpaplano?
Bakit? Bukod sa epektibong pagpaplano, may alam ka bang proseso na makatutulong
para sa isang mabisang pagtuturo? Anu-ano ang mga ito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

66
________________________________________________________________________
__________________________________________
2. Ipagpalagay na naniniwala ka na ang motibasyon ay mahalagang salik sa pagkatuto. Ano
ang maari mong gawin habang ikaw ay nagpaplano upang makatiyak na ang motibasyon
ng mga mag-aaral ay mabibigyang-puwang sa pagtuturo at pagkatuto?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________

67
Rubrics Para sa Sanaysay

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatuna
Inaasahan yan
(5) (4) (2)
(3) (1)

Introduksyon Nakapanghihikaya Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi


t ang introduksyon introduksyon ang ang introduksyon nakita sa
introduksyon. ang pangunahing pangunahing paksa at ang ginawang
Malinaw na paksa gayundin subalit hindi sapat pangunahing sanaysay
nakalahad ang ang panlahat na ang paksa. Hindi rin
pangunahing paksa pagtanaw ukol pagpapaliwanag nakalahad ang
gayundin ang dito. ukol dito. panlahat na
panlahat na pagpapaliwanag
pagtanaw ukol ukol dito
dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan sa Hindi nadedelop *


bawat talata dahil may sapat na detalye. ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Organisasyon ng Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *


Ideya mahusay ang debelopment ng pagkakaayos ng na organisado ang
pagkakasunud- mga talata mga talata subalit pagkakalahad ng
sunod ng mga subalit hindi ang mga ideya ay sanaysay.
ideya; gumamit makinis ang hindi ganap na
din ng mga pagkakalahad nadedelop.
transisyunal na
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.

Konklusyon Nakapanghahamo Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *


n ang kongklusyon pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
at naipapakita ang palagay o pasya pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang tungkol sa paksa palagay o pasa
palagay o paksa batay sa tungkol sa paksa
batay sa katibayan katibayan at mga batay sa mga
at mga katwirang katwirang inisa- katibayan at mga
inisa-isa sa isa sa bahaging katwirang inisa-isa
bahaging gitna. gitna. sa bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay. pagababaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami *


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at mga pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga pangungusap at gamit ng mga gamit ng mga
salita. gamit ng mga salita. salita.
salita.

Kabuuan

68
Ikalabing-dalawang Paksa: PANITIKAN: MAKABULUHAN AT MAKATAONG
PAGTUTURO

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga dulog sa pagtuturo ng panitikan.
2. Nakakabigay kaibahan sa mga dulog sa pagtuturo ng panitikan.
3. Nakalilikha ng sariling istilo sa pagtuturo ng panitikan sa loob ng kanyang klase.

PANIMULA:
Ang paksang ito ay tatalakayin ang mga pamamaraan ng pagiging epektibo ang
pagtuturo. Ang pagiging makabuluhan at makataong pagtuturo ay kinakailangan ng pagtuturo ng
panitikan. Dahil ang panitikan ay isang anyo nang pagpukaw ng damdamin ng bawat tao. Kung
ang pagtuturo ng panitikan ay hindi mo maabot ang damdamin ng tao ay hindi naging epektibo
ito. Sa bahaging ito minamarapat na malaman natin anu-ano ang mga epektibong paraan.

PAUNANG GAWAIN:
Tukuyin ang dalawang salitang ito, kasaysayan at panitikan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAGSUSURI:
Bigyan nang pagpapaliwag ang pagkakaiba nang dalawang salita sa sariling pananalita?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang Panitikan…Ano ito?


Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na pansemantika ng salitang
panitikan. Ang salitang panitikan, aniya, a binubuo ng pang- na unlapi, ng salitang-ugat at ng –
an na hulapi. Nagiging pan- ang pang- kung inuulapi sa salitang nagsisimula sa mga titik sa d,
l,r,s, at t. Karaniwang ding kinakaltas ang titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya‟t
sa halip na pangtitikan ay nagiging panitikan na ang katumbas sa Ingles ay literature at literature
sa Kastila. Ang salitang titik ay litera sa latin, letra sa kastila, letter sa Ingles na mga salitang-
ugat ng kanilang panumbas na salita sa panitikan. Hindi sana makagugulo sa iyo ang suring ito
sa salitang panitikan. ang mahalaga sa panitikan ay ang pagbasa. Oo ngunit hindi pagbasang
kakaiba.
Dalawa ang karaniwang banggit kung bakit nagbabasa ang isang tao. Una, nagbabasa
siya upang makapagtamo ng mahalagang impormasyon. Para makapagluto isang espesyal na
69
pagkain, kailangan ang pagbabasa ng isang resipe. Kung kailangan pagkukumpunihin ang isang
makina o isang telebisyon set, manwal sa pagkukumpuni ang binabasa. Upang matutuhan ang
isang aralin, aklat tungkol ditto sa babasahin. Ang lahat ito‟y pagbabasa…ngunit pagbabasa na
udyok ng pangangailangan.
May iba pang nagagawa ang pagbabasa. Lalo‟t higit ang pagbabasa ng panitikan.
napapatawa ka nito…napapakislot… kakaligkigin ka rito at kung minsa‟y papawisan ka ng
malapot. Kung nagbabasa ng panitikan, nagagawa mong maihatid ang sarili sa isip at diwa ng
mga tampok na nilalang. Nabibigyan ka nito ng mga bagong tainga at mata…bagong kaisipan,
bagong damdamin. Ito ang karanasang matatamo mo sa pagbabasa panitikan. Tanawin ito bilang
isang nasusulat na taloa na magdudulot sa ito bagong karanasan ng bagong pagtanaw ng buhay.
Tandaan, ang panitikan ay hindi hanguan ng impormasyon. Ikaw ang panitikan,
nananatiling nakalimbang lamang ang mga salita sa isang babasahing panitikan hanggang hindi
ito binubuhay. Ikaw ang bubuhay, magbibihis, magbibigay ng bagong anyo sa akda.
Sa pagbibigay ng panibagong hugis, anyo, at diwa sa isang akda, dapat ay taglay mo na
ang batayang kasanayan at kaalaman pamapanitikan na kapag nasa isip at diwa, di na
mawawaglit, ikaw ang bubuhay, di na mawawala.

ANG PANITIKAN SA ISANG KLASENG PANGWIKA


Para mabisang pagkatuto ng wika, kailangang handugan ang mag-aaral ng mga
awtentikong kagamitan sa pagkatuto na abot ng kanilang pang-unawa- mga kagamitan sa
pagkatuto na tinagurian ni Krashen (1982) na comprehensive input. Samakatuwid, tungkulin ng
isang guro ng wika na paglaanan ang mga mag-aaral ng sapat na dami ng comprehensive input
na magsisilbing mga modelo sa paggamit ng wika tungo sa pagpapalawak at pagpapadalisay ng
kaalaman nila sa balarila. Tungkulin pa rin ng guro na alamin kung paano pinipili at pinag-
aayaw-ayaw ang mga salita upang makabuo ng isang kaisipan, at upang maunawaan nang lubos
ang wikang naririnig at binabasa para sa ganoon ay makalahok ang mga mag-aaral sa mabisang
pakikipagtalastasan. Isang lawak na maaring paghanguan ng ganitong uri ng input ay ang mga
akdang pampanitikan, makikita sa mga akdang ito kung paanong ang mga salita ay maiingat na
pinipili sa pagbup ng isang obra na maghahain sa bumubasa ng isang bagong karanasan. Ang
panitikan bilang input sa isang klaseng pangwika ay maaring magdulot ng kakaibang kawilihan
at interes sa mga mag-aaral sap unto ng nilalaman, tema, paksa, at gamit ng wika. Higit sa lahat,
ang panitikan ay maaring maging tuntungan bata para sa pagsulong at pag-unlad ng personal na
katangian ng isang mag-aaral.
Nagagawa rin ng panitkan na maitaguyod ang kabuuang pag-unlad ng isang mag-aaral sa
mga aspektong sosyal, moral, intelektuwal, estetiko at pagpapahalaga bukod sa nalilinang ang
kanyang kasanayang sa mabisa at epektibong paggamit ng wika. Ang mga kabatirang ito ay
nagbabadya na kung gagamitin ang panitikan bilang input sa klaseng pangwika, kailangan ng
gurong gumagamit ng mga dulog na ang pinakasentro ng lahat ng pagpaplano ay ang mag-aaral.
1. Paglinang ng Wika
Ang mga akdang panitikan ay makatutulong nang malaki sa paglinang ng wika bilang:
 Modelo sa mabisang paggamit ng wika.
 Mga istimulo para sa mga gawaing pangwika; at
 Mga konteksto para sa gawaing pangwika.

Bilang modelo sa mabisang paggamit ng wika, maipapakita ng mga akadang


pampanitikan kung paanong ang talasalitaan, balarila at mga huwarang diskurso ay mabisang
magagamit sa iba‟t ibang anyo ng pagsulat upang maipahatid ang isang mensahe at kung
paanong magagawa ng panitikang gisingin ang mga padamdam upang makaspagsila sa
pagbibigay tugo. Ang paggamit ng mga taglay ng mga akdang pampanitikan halimbawa ay
70
magsisilbing paghimok sa mag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing ng mga bagay
o pangyayari.
Nagagawa rin ng mga akdang pampanitikan na matuthan ng mga mag-aaral ang mga
pormal na kombensyon na ginagamit sa pagsulat. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng panitikan,
nahahatad sila sa mga hugis at anyo ng isang akada gaya ng pararilang “noong unang panahon”
at “may ngiti sa labing binagtas nila ang daan patungong kabayanan” ay magbibigay sa mga
mag-aaral ng kamalayan sa pagsisimula at pagkatapos ng akdang pasalaysay. Nabubuksan din
ang kanilang isipan sa katotohanang ang mga kwento at tulang may mga bahagi ng pag-uulit ng
mga salita, parirala o pangungusap ay nakawiwili sa mga mambabasa lalo na sa mga bata.
Makikita ang ganitong mga pag-uulit sa mga kwentong-bayan at mga pabula.
2. Paglinang na Personal

Malaki ang naitutulong ng panitikan sa pag-unawa sa puso‟t kaisipan ng tao. Inilalahad


nito ang mga mithiin, lunggati, pagkatakot, pangamba, pag-asa, pagmamahal, pagkamuhi ng tao.
Katungkulan ng guro na akayin ang mag-aaral na matuklasan ang mga damdamin at kaisipang
ikinaiiba ng tao sa hayop upang mapabuti ang kanyang pagkatao. May mga manunulat na
niniwala, gaya ng Italyanong si Pirandello, o ng hapong si Mishima at maging ng ating
kababayang si Edgardo Reyes, Halimbawa, na ang misyon ng panitikan ay pawiin ang lambong
ng pagkukunwaring tumatakip sa mukha ng tao. Sinasabing visceral response o ang malalimang
pagtugon ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo nito sapagkat hinihimay ang kaliit-liitang
bahagi ng ating pagkatao (Probst, 1981)
3. Paglinang na Sosyal at Moral

Nagagawa ng panitikan na maranasan at maramdaman ng mambabasa ang mga pag-iisip


at pagdaramdam ng mga taong malayo sa kanyang kinaroroonan ang malikhaing pananaw na ito
sa mga karanasang hindi po nasusumpungan ng mambabasa ay makatutulong sa kanya upang
lubos na maunawaan ang buhay. Ang gwaing pangwika na gumagagamit ng mga akdang
panitikan bilang konteksto ay makatutulong sa ,ga-aaral upang malinang ang kanyang kamalayan
sa mga isyung pantao at kabuhayan pati na ang mga sistema ng pagpapahalagang kaugnay ng
mga ito.
Samakatuwid, tuwiran nating masasabi na magagawa ng panitikan sa isang klaseng
pangwika ang katotohanang ang buhay ay hindi simpleng proseso ng mabuti laban sa masama at
ang kalagayan sa buhay ay hindi rin basta matatakdaan ng itim o puti.
4. Paglinang na Estetiko

Ang salitang “estetiko” ay maikakapit natin sa kaisipang may kaugnayan sa sining


kasama na rito ang panitikan sa aspektong “pangkagandahan, panlas, imahinnasyon, at
pagpapasya”. Kasama sa estetikong karanasan sa panitikan ang kahulugang natatamo natin sa
pagbabasa ng isang kwento o nobela; pakikinig sa masining na pagbasa ng tula o panonood ng
isang dula. Nagagawa nitong salingin an gating diwa at emosyon. Ang pagkakahantad sa mga
mahuhusay na panitikan mula sa mga tugmaang bata hanggang sa mga premyadong akdang
pampanitikan ay mag-aakay sa mga mag-aaral upang tangkilikin at mapahalagahan ang mga ito.
Magagawa rin ng guro ng wika na mapayaman ang wstetikong kamalayan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsasama sa mga programang kamlayan ng mga mag-aaral sa pamamahitan ng
pagsasama sa mga programang pangwika ng mga nalikhaing gawain gaya ng pagtatanghal ng
dula at sabayang pagbasa. Maikakapit ng guro ang paggamit ng biswal(pagpinta) sa
paglalarawan ng mga imahen ng isang tula o di kaya‟y gamiting huwaran para sa kanilang
malikhaing pagsulat.
Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-aaral ng panitikan-yaong pagsasamahin ang
ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o temang ibig palitawin ng mangangatha. Sa tula,

71
halimbawa ang imahen o tayutay a nag-aambag sa tayog ng kaisipan. Mailalahad rin ng guro ang
hanay ng mga salita ang indayog ng mga parirala, ang palagay o tono ng makata ang lunan
panahon at oras na pinag-iikutan ng tula, ang maging damdamin nito, upang maipaliwanag ang
angking kakanyahan ng isang anyong sining.
Ang inilahad na mga gawain ay maaring naging epektibong pangganyak sa mga mag-
aaral upang pag-aralan ang wika at lubos itong mapahalagahan.

MGA PROSESO SA PAGBASA/PAG-AARAL NG PANITIKAN


Ayon kina Cooper at Purves (1973) may walong pamaraan o prosesong ginagamit ang
mga mag-aaral sa pagbabasa/pag-aaral ng panitikan 1) paglalarawan, 2) pagtatangi, 3) pag-
uugnay, 4) pagsusuri, 5) paglalahat 6) pagpapahalaga, 7) pagtataya, 8) paglikha.
Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap,
pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang binasa. Sa pagtatangi, napag-uuri ng mga mag-
aaral ang mga seksyong binasa. Halimbawa, pagkilal ng genre, pagkilala sa may akda, at
pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda. Sa pag-uugnay, nagagawa ng mag-aaral na
maiuugnay ang mga sangkap na ginagamit sa isang akda. Halimbawa, bakit may bilang ang mga
talatang bumubo sa kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit palaging
sinsambit ang salitang mabuti sa “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute? Sa
interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag at pinangngangatwiranan ng mga mag-
aaral ang temang nais ibahagi ng may-akda sa kanyang mambabasa. Halimbawa, Ano ang
ibigsabihin ng pamagat ng dulang “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat at “Walang Panginoon” ni
Deogracias A. Rosario? Ang pagsusuri ng pamagat na ginagamit sa isang akda ay makatutlong
sa pagtukoy ng tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng
dayalogo ng mga tauhan, sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa pagsapo sa
tunggalian. Sa bahaging ito‟y makatutulong nang malaki ang kaalaman ng guro sa paglalapat ng
mga teoryang pampanitikan na kanyang napag-aralan.
Sa ikalimang proseso, ang paglalahat, magagawang mailapat ng mag-aaral ang kanyang
natutuhan buhat sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat ng mga
kasanayang natutuhan sa panitikang Filipino sa pag-aaral sa panitikang Ingles, maging ito‟y tula,
dula, maikling kwento, sanaysay, at nobela.
Sa ikaanim na proseso ay ang pagpapahalaga na karaniwang ginagawa pagkatapos
basahin ang isang akda. Ngunit hindi tuwirang itinturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat
hitik na hitik sa pagpapahalaga ang panitikan.
Upang magkaroon ng direksyon ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa panitikan binanggit
ni Alcantara (1987) ang sumusunod na mga tagubilin o patnubay.
1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya dapat
maghuhusga na ginagamit ang pamantayang galing sa sarili;
2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba‟t ibang sagot sapagkat batid niyang walang lubos
na tama o maling sagot sa tanong na pagpapahalaga;
3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o hindi sa
talakayan;
4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag-aaral;
5. Ginaganyak niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may katapatan;
6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga mag-aaral;
7. Iniiwasan niya ang pagtatanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-aaral; at
8. Nagtatanong siya nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mag-aaral.

72
Sa pagtataya, mapapahalaga ang kagalingan, kabutihan, kapintasan ng isang bahagi/uri
ng panitikan sa pamamagitan ng paggamit ng mga tiyak na pamantayang sinusunod sa
pormalistiko o estetikong pagsusuri gaya ng pinaglalakip ang mga paraang ginagamit ng may
akda sa pagpapalutang ng mga sangkap o anyo ng kanyang isinulat, sa lalim ng kanyang tema o
pilosopiya gayon din ang kanyang pananaw bilang isang alagad ng sining.
Ang paglikha ang pinakatampok sa proseso ng pagbabasa/ pag-aaral ng panitikan dahil
mahalga ditto na masigasig na pamamatnubay ng guro upang makalikha ang mga mag-aaral ng
sariling kwento, sanaysay, tula, dula at iba pang akdang pampanitikan.

IBA‟T IBANG PAGDULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKAN


Nagkaroon ng malalim na pagpapahalaga sa panitikan ang mga mag-aaral kung ang
gurong umaakay sa kanila upang maranasan ang mga akdang panitikan ay may ganap ding
pagkakilala at pagpahalaga sa iba‟t ibang genre ng panitikan. Nais nating makawilihan ng mga
mag-aaral ang pagbabasa ng panitikan. Subalit hindi natin maipamamahagi ang pagkawiling ito
sa panitikan kung tayo sa ating sarili ay hindi kakikitaan ng pagkalugid sa pagbabasa. Kung nais
nating laging nasa isipan ng mga mag-aaral ang panitikan, kailangan handa rin tayong bumigkas
ng mga linya ng tula, kung hindi man buong tula sa harap ng klase. Sa madaling salita, kailangan
ipakita natin sa sariling interes sa panitikan kung nais nating gustuhin ito n gating mag-aaral.
Hindi natin maibigay ang wala sa ating katauhan.
Sa larangan ng pagtuturo, kailangan malawak din ang kaalaman ng guro sa kabuuan ng
teksto; kailangan may kabatiran siya sa iba‟t ibang pakahulugan ng mga salita, larawan at tema
ng teksto; kung hindi alam ng guro ang papel ng wika at teksto, maasahan mo bang
maiintindihan ang mga ito ng mag-aaral? Tandaan, ang hindi natin alam ay hindi natin maituturo.
Naniniwala ang maraming kririko at dalubhasa na maraming paraan ng pagbabasa sa
teksto. Maraming teorya ng panitikan. maraming pagpapakahulugan at interpretasyon ang
maaring gawin kahit na iisang teksto lamang ang binabasa. Maraming aspekto na taglay ang mga
teksto bukod sa kwento at aral na napupulot ditto na karaniwang pokus lamang sa pag-aaral ng
panitikan. samakatuwid, mahalaga para sa isang guro na patuloy na nagbabasa ng mga artikulo,
pananaliksik at mga aklat tungkol sa mabisang pagtuturo upang laging maisapanahon ang mga
nakagawiang mga paraan sa pagtuturo.
Sa lawak ng pagtuturo ng panitikan ay may iba‟t ibang pagdulog na maaring gamitin ng
guro. Dapatwat dapat maunawaan sa puntong ito na walang isang pamaraan o dulog sa pag-aaral
at pagsusuri na magbibigay ng tamang pagpaapkahulugan sa binasa. Nasa porma at nilalaman ng
seleksyon ang pagpili ng angkop na pamaraan at dulog.
PAGDULOG PORMALISTIKO
Sa dulog na ito‟y pinatutuunan ng pansin ang katha o akdang pinag-aaralan ang mga
elementong bumubuo ng katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan ng mga akda kung ang
mga elementong taglayy lamang ng akda ang higit na pinag-uukulan ng pansin. Pormalistiko ang
dulog ng pag-aaral ng isang akdang kung inihihiwalay ang akda sa buhay o pangyayaring
kinasasangkutan ng may-akda, pangkasaysayan man o panlipunan. Ayon kay Soledad Reyes “ sa
detalye at bahagi ng kwento upang itanghal ang pagiging masining at malikhain ng
komposisyong ito”. Tinatalakay ang magagandang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng
katha-ang tema, ang tauhan, ang tagpuan, at ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa dulog
pormalistiko.
PAGDULOG MORALISTIKO
Ayon sa maraming kritiko, hindi sapat na maipakita at mapatunayan kung bakit at paano
naging masining at malikhain ang isang akda. Dapat ay ipakita ang mga pamantayang moral na

73
nakapaloob sa akda. Sa pagdulog moralistiko, pinag-aralan ang panitikan at may pagtatangkang
gamitin ito bilang instrument ng pagbabago ng tao at ng lipunan. Hindi sapat na ilahad ang
panitikan bilang sariling buhay kundi manapa‟y sa isang malikhain at masininng na kaparaanan
ng manunulat ay maipakita ang mga kaisipang moral, ang halaga ng tao, ang kanyang karangalan
at kadakilaan.
Sa pag-aaral ng akda ay naroon moralistikong pananaw at binigyang-diin ang layuning
dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan. Ngunit huwag ipagkamali na sa
pag-aaral ng akda na ginagamitan ng pagdulog moralistiko ay sapat nang itanong ng guro ng
panitikan ang mga mag-aaral na matamang magsuri at magtimbang-timbang ng lakas at
kahinaan, ng tatag at karupukan ng tao sa harap ng mga pagsubok saa kanyang pakikipagtunggali
sa buhay. Ang talakay sa dulog moralistiko ay nakatuon sa bisa ng panitikan sa kaasalan,
kaisipan, at damdamin ng tao. Sa pamamagitan ng dulog na ito naisasakatuparan ang isang
mahalagang tungkulin ng panitikan ayon kay Ruskin, i.e. itaas an gating pagpapasya o panlasa
upang makaabot sa kinikilalang matapat at tumpak sa tunay na buhay.
PAGDULOG SOSYOLOHIKAL O HISTORIKAL
Ang sining a nagsisimula sa kabuuan, di sa kawalan. Sa mga kritikong gumagamit ng
pwersa ng kasaysayan, mataman nilang pinag-aaralan ang kaugnayan ng may-akda sa kanilang
milieu (kapaligiran o panahon) at kung paano ito tumutugon sa pangangailangan o mga suliranin
nito. Sa paningin ni Scott (1965), hangga‟t mapananatili ng panitikan ang bigkis nito sa lipunan,
ang pamaraang sosyolohikal, mayroon man o walang panghikayat ng isang tiyakang teorya, ay
magpapatuloy na magiging malakas o mabisang pwersa ng kritisismo. Ang tradisyon,
halimbawa ng pakikisangkot ng nobelistang Pilipino sa kanilang kapaligiran ay massalamin
magbuhat sa mga sikat na mga manunulat.
Ito‟y mainam na gamitin sa pag-aarak at pagsusuri ng panitikan o akdang pumapaksa sa
mga karanasan ng tao iba‟t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura, at
pangkabuhayan. Hindi lamang ang mga elemento ng akda ang pagtutuunan ng pansin sa pag-
aaral kundi manapa‟y higit na pansin na iuukol sa ugnayan ng sosyo-kultural, politikak at
kapamuhayan at damdamin, asal, kilos, reaksyon ditto sa tao. Sinasabi ang panitikan ay masining
na pagpapahayag ng damdamin, asal, gawi ng tao batay sa mga kapaligirang sosyo-kultural, at
panitikan din ang makapangyaraihan lakas na may bahaging ginampanan sa pakikipag-ugnayan
sa sosyo-kultural.
Sa pagsusuri ng mga akda ay tinatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang mga
sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa ganoon at ganitong buhay, mga
pagkakataong nagiging sanhi o bunga gaya ng mga pang-aapi at pagkaapi, pagkaduhagi,
kaimbihan o di kaya‟y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o pangkat ng tao. Sa
ganitong dulog, ang sistema ng pagpapahalaga sa lipunan ang binibigyang pokus.

PAGDULOG SIKOLOHIKAL
Ang sikolohikal na dulog ay maituturing na isang susi sa pag-unawa sa mga paraan ng
sining sa mga nakakubling layunin ng mga manlilikha at mga motibo ng mga tauhan sa isang
akda. Tinatalakay sa mga akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ang
pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayundin ang mga negatibong damdamin ng pangamba,
takot, galit, pagkabigo, at iba pa. mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay na
katauhan ng indibidwal. Sa kaisipang Freudian, sinasabing patuloy na hahanap-hanapin ang
nakagawian na o paulit-ulit na kilos o gawi ng tao. Diyan naglulundo ang pagkalinang ng
damdaming emosyunal at diyan din umuusbong ang mga suliraning sikolohikal.
Sa dulog sikolohikal, malakas ang tulak na ibinibigay ng mga kaisipang inilahad ni Freud
hinggil sa pagkalinang na emosyonal ng isang tao. Sang-ayon kay Freud ang bukal na mayamang

74
guni-guni ng tao, ng kanyang kaisipan at mga mulaan at sanhi ngt kanyang asal at kilos ay
naroroon na at nakaimbak sa bahagi ng isipang di namamalayan (subconscious). Si Freud ang
nagpakilala ng kaisipan Oedipus complex mula sa dula ni Sopcholes na Oedipus Rex, na
nagkaroon ng kakatwang damdamin/ pagmamahal ng anak na lalaki sa kanyang ina. Ngunit sa
maayos at normal na paglaki at pakakaisip, naglaho ang ganitong pagnanais, humahanap ang
bata ng ibang pag-uukulan ng ganitong damdamin at nililinang ang malusog na pagkatao.

PAGDULOG FEMINISMO
Ang feminismo ay isang pagbalikwas sa patriarkal na sistema ng lipunan na ang lalake
ang may vontrol ng lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae‟y tagasunod lamang sa
lalake sa lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika, ekonomiya, lipunan,
batas, sining
Sa dulog na ito binibigyang pansin ang sumsunod: 1) ang mga manunulat na babae at ang
kanilang kakayahang lumikha ng mga obra 2) mga dahilan kung bakit sila kulang sa pansin; 3)
amh kanilang mga akda-ang tono, larangan-diwa, kalagayan, wikang nagtataglay ng sensibilidad
at iba pa.

PAGDULOG HUMANISTIKO O MAKATAO


Binibigyang-diin ng humanistiko o makataong krisitimo ang ang pagpapahalagang
napapaloob sa panitikan. pinalulutang nito ang kadakilaan, kagitingan ng tao sa kanang pagharap
sa larangan ng buhay. Halimbawa, sa nobela ni Lazaro Francisco, lalo na sa “Ama at Maganda
Pa ang Daigdig, ang pagmamahal sa kapwa tao at pagkatakot sa maykapal ang lagi niyang
pinaiiral. Si Lualhati Bautista, isang feminist, ay nagsisikap ibahin ang tradisyong ginagalawan
ng Pilipina. Siya ay naghihimagsik na maging kasiping o kapiling lamang ng kabiyak,
ipanaglalaban niya ang kanyang karapatan at kaganapan bilang isang nilalang kapantay ng isang
lalaki, gaya ng masasalamin sa Dekada 70‟ at Bata, Bata paano ka ginawa? Samantala,
kanluraning panitikan, iginigiit lagi ni Hemingway na ang tao‟y di magagapi ng mga puwersang
malawak at malaki sa kanya, tulad ng paninindigang isinisiwalat sa mga trahedyang griyego.

PAGDULOG ISTAYLISTIKO
Isang magandang pamaraan sa pagsusuri sa istilo at mga devices na ginagamit ng awtor
ang pagdulog sa istaylistiko. Sa dulog na ito, maaring suriin ang wikang ginagamit ng awtor, ang
paningin o pananaw mng pagkaaksulat ng akda , ang paraan ng paglalarawan ng tauhan at ganap
ng kilos; ang mga tayutay na ginagamitl; at iba pang mga prosodic devices na
makapagpapayaman ng kahulugan tulad ng tono, diin, antala, at haba sa pagbasa ng mga salita.

PAANO ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN


Ang panitikan ay isang sining. Sapagkat isang sining, wlang itong tiyak o istandard na
paraan ng pagtuturo. Gayunpaman, natitiyak kong habang tayo‟y nagbabalitaan, matutuklasan
nating malaking-malaki ang pagkakahawig mng ating mga paraang ginagamit; na nagkakaiba-iba
lamang tayo sa tuon. At upang mapasigla ang pagtuturo nito, kailangan umisip dintayo ng
nararapat na pagbabago sa mga paraan ginagamit na natin. Hayaan ninyong maglahad ako ng
ilang batayang simulain na maaring makatulong para sa ikappanuto n gating pagtuturo ng
panitikan.

75
Panitikan ang dapat ituro at hindi ang kung ano pa man. Karanasan ang magpapatunay na
kakaunting guro lamang ang nagtuturo ng asignaturang ito. Batid nating may mga gurong
nagbibigay ng mga kahanga-hangang panayaw tungkol sa kaligirang kasaysayan ng mga akda ni
Amado V. Hernandez. Ngunit ang panitikan ay hindi kasaysayan. Kung gugugulin ng guro ang
lahat ng panahon sa pagtalakay ng pinagmulan ng isang naisulat na lathain o ng mga detalye sa
buhay ng manunulat, hindi siya nagtuturi ng panitikan. Nagtuturo siya ng kasaysayan. Ang
kaligirang pangkultura at kalakaran ng panahon nang isulat ang akda ay maaring maging kawili-
wili ngunit ito‟y hindi panitikan ganito ang sinabi Sloan (1975)
Ang panitikan ay nagbibigay hugis sa mga bunga ng makabuluhang karanasan ng tao.
Ang panitikan ay kabuuang bunga ng makabuluhang karanasan ng tao. Nagagawa nitong
malinang an gating mga pangitain tungkol sa reyalidad ng buhay. Sa katunayan, ang reyalidad na
ito‟y masalimoot na karanasan natin sa buhay. Mga karanasan malaon na nating alam ngunit
hindi maipaliwanag hangga‟t hindi nakikita o nararanasan sa mga akdang pamapanitikan. Kaya
nga, nagagawang ipadama sa atin ng panitikan ang mga karanasang nabuo sa ating imahinasyon
maraming panahon na ang nakalipas. Naituturo rin sa atin ng panitikan ang mga bagay na nasa
ating sarili na hindi na natin natutuhan at natutuklasan tulad ng tawag St. Augustine na the dark
corner of the heart bilang dantaon na ang nakaraan.
Isaisip nating lagi ang bunga ng makabuluhang karanasan ng tao sa pagtuturo ng
panitikan. Isang bagong guro ang nagsabi ng ganito: “ Halos nalimutan ko na ang simulating ito
noong nakaraang taon”. Tinalakay naming ang Noli Me Tangere at ang mga tanong ay nakatuon
sa nanghay. Anging kasiya-siya iyon sa akin ngunit mukhang di0naktawag ng pansin sa aking
mga tinuruan. Naging parang mekanikal ang kanilang sagot. Naisip komng ang una palang dapat
itanong ay tungkol sa makabuluhang bunga ng karanasan ng aking mga tinuturuan. Halimbawa:
saan at kailan nangyari ang kwento? Kung nangyari kaya ito sa ibang lugar o ibang panahon,
paano mo ito babaguhin?
Isanib ang pagtuturo ng panitikan sa ibang aralin sa kurikulum. Mahirap hatiin ang
makabuluhang karanasan ng tao kaya‟t hindi rin dapat hatiin ang programa ng aralin sa ating
kurikulum sa isang takdang panahon sa pagtuturo ng panitikan. tandaan natin na may iba‟t ibang
paraan ng pag-unawa sa isang kwento at ang mga ito‟y hindi maipapahayag na lahat sa tuluyang
paglalarawan. Ang tunay na pagtaya kung nauunawaan ng mga mag-aaral ang akdang binasa o
narinig ay sa pamamagitan ng isang masining o malikhaing paglalahad. Sa pamamagitan sa
pagsasadula. Matataya kung naunawaan ng mga mag-aaral ang iba‟t ibang tauhan sa akda, ang
pagkasunud-sunod ng mga tauhan o tagpuan, masasabing nagawang maikintal sa isipan ng mag-
aaral ang diwa ng akda. Sa mga batang nasa elementarya, ang pag-unawa sa isang kwento ay
maaring maipakita sa pamamagitan ng kilos, pamimilipit na may kasiyahan, pagbubuntung-
hininga o di kaya‟y ipinapuulit ang akdang nabasa o narinig. Ang isipan, puso at mga pangitaing
naabot ng pananaw ay mga sandatang nagagamit sa pag-unawa ng isang akdang pampanitikan.
Pag-alam sa mga pangkayariang balangkas ng mga akdang pampanitikan. Ang pag-alam
sa mga pagkayariang balangkas o simulain ng mga akdang pampanitikan ay nagbibigay sa guro
ng isang masaklaw na kaalaman hinggil sa kung paano ang pag-ugnayan ng mga ito. Ang
masaklaw na kaalamang ito‟y makatutulong upang maihanay na mabuti ng guro ang mga gawain
sa pagkatuto na magbibigay pagkakataon sa mga mag-aaral upang makapagtanong, magbigay ng
haka o palagay at kongklusyon at matay ang mga ito sa mga ebidensyang nakikita sa paligid.
1. Ang mga arketipo (archetypes). Ito‟y ang mga paulit-ulit ba huwarang bahagi o
sangkap na makikita sa mga akdang panitikan tulad ng mga tauhan, imahen, uri ng
kwento, pangyayari at mga simbolo. Ang mga arketipo ay mga bungang-isip, walang
hangganan at matatag: halimbawa sina Hercules at Superman a nilikha na dantaon
ang pagitan subalit parehong tauhan at kinakatawan nila-bayaning nagtataglay ng
mga pambihirang lakas. Ang matandang tipan ay kakikitaan ng mga imaheng katulad

76
ng kasaganaan at tagtuot na makikita rin sa mga kada ng mga kontemporaryong
manunulat.
2. Kombensiyon (Convention). Ito‟y salita na nagsasabi ng isang pang uri ng
pagkakatulad na makikita natin sa mga akadang panitikan. maaring tauhan, banghay,
tagpuan at iba pa. dapat ituring maipaunawa sa mga mag-aaral na may mga tauhan
para sa ganitong uri ng kwento, ngnit ang tauhang ito‟y, maaring lumabas sa lahat ng
uri ng kwento na iba naman ang anyo o pag-uugali.
3. Imaheng Siklikal at Dayalektikal. Ito‟y mga paulit-ulit ding mga imaheng
matatagpuan sa mga akdang pampanitikan-Siklikal at dayalektikal. Ang pagbabago
ng panahon bilang isang siklo ay maiuugnay natin sa isang uri ng kwento o di kaya‟y
sa bahagi ng kwento. Ang tagsibol at tag-init ay kaugnay ng magandang simula, pag-
asa, at iba pa. ang taglagas at taglamig ay naiiugnay naman natin sa katandaan,
kamatayan, pagkalanta at pagkawala. Ang mga dayalektikong imahen ay maitutulad
naman natin sa mga hardin at paraiso na kumakatawan sa mga pangarap at mithiin ng
tao; ang mga disyerto sa masasamang panginip. May roon ding imaheng kauugnay ng
langit at impiyerno at ang mga ito‟y ikinakapit natin sa mga karanasan.
4. Ang apat na banghay. Batay sa pagkakabuo/banghay, ang isang kwento o anumang
akdang pampanitikan ay mauuri natin sa apat: romansa, trahedya, satiriko, at
komedya. Sa kwento ng romansa masasalamin ang katuparan ng isang nasa ang
nagtatagumpa ng kabutuhan sa kasamaan, at ang pamumuhay nang sagana. Bagama‟t
may mga modipikasyon nagaganap sa kwento ng romansa ayon sa sumusunod; ito sa
isang siklo ng pagbubuo na may tatlong pangunahing antas: isang mapanghamong
paglalakbay, isang tunggalian, mga pagsubok at pagbabalik sa lugar ng pinagsimulan
ng paglalakbay.

Kwento ng trahedya ang mga kwento o tula na nagpapalkita ng hangganan ng


kapangyarihan ng tao na maaring magbunga ng kasawian sa kanyang pangarap. Ang
pagwasak ng magandang pangarap ay isang karanasang ayaw sapitin ng tao subalit
ito‟y nagaganap kahit sabihin pang hindi makatarungan. Ang kwento ng trahedya ay
pagtatangka para patimbangin ang kapangyarihan at kahinaan ng tao at upang
matanggap na rin niya na mayroon pang mas nakahihigit sa kanyang kapangyarihan.

Ang kwento satiriko ay may layuning kumutya ng mga bisyo o kahangalan ng tao,
di kaya‟y naglalarawan iyon ng mga katawa-tawang kalagayan.

Kapag naririnig natin ang komedya, agad na pumapasok sa ating isipan na ito‟y
katatawanan ngunit may mga kwento ng komedya na hindi ganito ang kaisipan. Sa
ganitong kwento nararanasan ang wakas na sasabihin nating mahirap mangyari sa
tunay na buhay.

MGA MUNGKAHING ISTRATEHIYANSA PAGTUTURO NG MGA AKDANG


PAMPANITIKAN
Makabubuting unawain na hindi tuwirang “maituturo” o matutuhan” ang panitikan:
mararanasan ito. Sa pag-aaral ng isang akda, tungkulin ng guro na iparanas sa mga mag-aaral
ang akda. Dapat kinikilala ng guro na may sariling pagtanaw sa akda ang bawat mag-aaral, ito‟y
maaring gumulat, magbibigay-sigla o di kaya‟y magbigay galak sa kanya. Ngunit hindi sapat ang
mga karanasang ito upang ganap na malaman ang kabuuan ng akda. Kailangang makabuo ang
bumabasa ng makabuluhang kamalayang hatid ng karanasan. Pagkatapos “maranasan” ng mag-
aaral ang akda, ano pa an gating maaring ituro?

77
ANG PAGTUTURO NG MAIKLING KATHA
Nagbigay si Sage (1987) ng mga mungkahing gawain sa pagtuturo/pag-aaral ng maikling
katha.
1. Kilalanin/hanguin sa mga karanasan ng mag-aaral ang dating alam sa pamamagitan ng
pagkukwento o pakikinig nila bago talakayin ang akda (pre-reading activity)
2. Maging holistic o ganap na pagtatalakay ng akda sa pamamagitan ng pagmamasid ng
mga ugnayan sa mga aspekto ng kwento.
3. Isaalang-alang ang natural na daloy ng kwento bilang patnubay sa pagtuturo nito. Ito ba‟y
kwento ng tauhan? Tagpuan? Simbolo? Katutubong kulay?
4. Magbigay ng sapat na kaligirang talakay bago pag-aralan ang kwento. Tungkol sa
bokabularyo? Kultura? Mga idyomatikong pagpapahayag? Haba ng pangungusap? Estilo
ng pagkakasulat at iba pa.
5. Patunubay ang mag-aaral (tungkol sa kung paano at kailan dapat basahin ang kwento)
a. Maaring pumili ng bahagi ng kwento na babasahin nang malakas upang mapasimulan
ang pagtalakay (para bang binibigyang-diin ang key moment o climax ng kwento.
b. Hayaang basahin ng mag-aaral ang kwento ng dalawa o mahigit pang ulit upang
masuri at mabigyan ito ng malalim na kahulugan.
6. Ipaliwanang ang katuturan ng mga terminong pampanitikan upang mapaganaan ang
diskusyon
7. Ipakita o ipadama sa mag-aaral ang matulaing bahagi ng isang akda

ANG PAGTUTURO NG TULA


Masalimuot at mahirap ang pagtuturo ng tula dahil sa may iba itong istruktura o
kayariang balangkas. Gaya ng sinabi ni Widdowson (1982) “Poetry uses a deviant language”.
Ano ang implikasyon nito sa pagtuturo? Dapat mabatid ng guro ang sumusunod tungkol sa isang
tula.
 Ang bawat tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng sarilimng
daigdig.
 Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap. May lisensiya siyang
gawin ito.
 Gumagamit ng tula ng sariling jargon o talasalitaan.
 Isipin at unawain ang tula sa iba‟t ibang dimensyon; biswal, pandinig, pandama, panlasa,
at iba pa.
 Ang ganda ng tula ay napayayabong ng iba‟t ibang pagpapakahulugan. Sino ngayon ang
may tamang interpretasyon? Depende ito sa karanasan, kasanayan, katalinuhan, saloobin,
pagkawili, at pamaraan o pagdulog ng guro
 Ang maganda pagbasa ng tu;a (ang tula ay tulad ng musika) ay makapagpagaan ng
pagtuturo nito.

Kahit sinong guro kaya ay maaring makapagturo ng tula? Madaling sumagot ng oo


ngunit magiging mabisa kaya ang kanyangb pagtuturo? Sapat na bang ituro ang kahalagahan ng
sukat at tugma, ng daloy o ritmo at iba pang kalikasan ng tula?
Ang pag-aaral ng tula ay higit pa riyan. Kailangang Makita ng mag-aaral ang
kakanyahang sarili ng makata. Ito ay makikita sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na perlas
ng kaisipan at karanasan ng isang pagkatao na iba kaysa isang laksang kapangalan niya, ang mga
sagisag na sinangkap; salita at parirala tungo sa pagpapalitaw ng kanyang mga hinagap at
damdaming kahit siya ay hindi alam kung saan nanggalimng. Ang magkasamang
sagimsim(intuition) at salamisim(imagination); sa kamay ng makata, nagbibigyan ng kulay, anyo

78
at hubog ang karaniwang salita. Ang mga nabanggit ay ilan sa mga katangian ng isang tula ang
lahat ng binanggit upang magkaroon ng higit na kahulugan ang kanyang pagdulog.

Ang sumusunod ay ilan sa mga patnubay sa pagtuturo ng tula:


1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin
Ang pagpukaw ng marangal na damdamin ay nag-aangat sa pag-iisip tungo sa
isang mataas na layunin at pagpapahalaga sa buhay.
2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni
Kailangang Makita sa ating guniguni ang mga larawang likha ng makata upang
mapukaw an gating damdamin. Kailangang maantig ang lahat n gating pandama,
paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy at pakiramdam.
3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa
Kailangan taglayin ng tula ang marangal at makatotohanang paksa upang
makapukaw ng magagandang damdamin at makaguhit ng larawan sa guniguni.
4. Ang pagtataglay ng tula sa isang magandang kaanyuan
Ito‟y nauukol sa pamaraan ng makata sa pagbuo ng kanyang tula. Ito‟y nauukol sa
paggamit ng tugma, sukat, aliw-iw at piling-piling salita.
5. Mahalagang Tayutay
Ito‟y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya ng pawangis
(metaphor), patulad (simile), panawagan (apostrophe), pabaligho(paradox), at
padiwang-tao (personification), at iba pa. nagpapayabong ang mga ito sa mga
larawang diwa na siyang pumupukaw ng mga mararangal na damdamin ng
mambabasa.
ANG PAGTUTURO NG SANAYSAY
Tandaaan na ang sanaysay ay binabasa , inuunawa at nilalasap (kung baga sa pagkain)
ninanamnam. Upang makuha ang linamnam, binabasa ang kabuuan ng sanaysay, hinahango ang
pangunahing larawan o pangunahing kaisipan. Pagkatapos ay babasahing muli, sa pangalawang
pagkakataon, na hindi na kasimbilis ng unag pagbasa nang sa gayo‟y manguyang mabuti,
masipsip ang katas. Sa unang pagbabasa, nakakatulad ang isang mambabasa sa isang panauhin sa
isang tahanan na tumatawag pa lamang tao po. Sa ikalawang pagbasa para na siyang nakatuloy
sa loob ng tahanan, unti-unting nabubuo sa pangmalas ang kaanyuan ng loob na unti-unti rin
nagkakaroon siya ng pagpapahalaga. At habng nagtatagal siya sa loob ng bahay, napapalagay
ang kanyang loob sapagkat nadama niya ang init ng pagtanggap at magiliw na pakikipag-usap at
pagtuturing.
Kung may pagpapahalaga na at kawilihan ang guro sa sanaysay, maari niya itong
amituro. Sinasabing hindi maituturo ang pagpapahalaga maari lamang maihawa. Sabi nga
appreciation cannot be taught. It can be only be caught. Kaya ihahawa lamang guro sa mga
mag-aaral ang pagpapahalaga. Aakayin natin ang mga mag-aaral kung paano nila
mapahalagahan ang isang partikular na sanaysay
Una, tiyaking may kahandaan na sila sa gagawing pagpapahalaga. May sanligang
kabatiran ba sila kung isinulat ng awtor ang sanaysay. Ang mga mahihirap ba salita sa loob ng
sanaysay ay kailangan munang pag-aralan. Kung hindi, ay magiging sagwil ito sa pagkaunawa sa
nilalaman ng sanaysay at makababawas ang sagwil na ito sa kawilihan ng mag-aaral.
Sumunod, ipabasa ang buong sanaysay at hanapin ang pangunahing diwa o kaisipan.
Ipabasang muli ang sanaysay, at tuklasin ang kaisipang taglay ng bawat talata. Alamin ang
pagkakaugnay ng kaisipan ng bawat talata.
Maaari ring pagawain ng payak na balangkas ang klase at sa tulong ng balangkas na ito
ay lagumin ang diwa ng binasa. Hingan ng reaksyon ang klase batay sa kaisipang nakalahad sa
79
sanaysay. Akayin ang mga mag-aaral na makabuo ng sari-sarili nilang palagay at pagkukuro
hinggil sa paksang tinatakay sa sanaysay.
Naririto pa ang isang mungkahing patnubay sa pagtuturo ng sanaysay.
1. Pagbasa ng sanaysay para sa pangkalahatang impresyon. Akayin ang mag-aaral na
mapansin ang sumusunod: ang tono ng pagsasalita anong salik ng lenggwahe ang
nagbibigay ng ganoon at ganitong impresyon? Sino ang parang kinakausap sa sanaysay?
Ano sa palagay mo ang nag-udyok sa awtor upang sulatin ang sanaysay?
2. Pag-unawa sa nilalaman, bahagi sa pagtuturo ng sanaysay ang mga gawaing talakayan,
pagpapaliwanagan, pakikipagtalo. Magandang bunga ng talakayan ang pagbuo ng mga
mag-aaral at ng kanilang guro ng palagay.

Maraming iba-ibang paraang magagamit sa pagtuturo, tulad ng pagbabalangkas sa


suliranin, pagsasanib ng paksa sa tunay na buhay, pagsusulat ng reaksyon. Maari ring gumamit
ng semantic webbing, paraphrasing, imagining, valuing, panel discussion, information mapping
at iba pa.
Kung pamilyar o di pormal naman ang sanaysay na pinag-aralan, maaring kunin sa pag-
aaral ang sumusunod:
1. Ang pangunahing diwa o sentral ideya
2. Ang paraang ginagamit sa paglalahad
3. Ang iba pang inilahad na kaisipan
4. Ang estilo ng manunulat
5. Ang kayarian ng sanaysay

Anupa‟t sa pagtuturo ng sanaysay o anumang sangay ng panitikan, maaring maakay ang


isang malikhaing guro ang mga tinuturuan sa dako pa roon sa pamamagitan ng sarili na rin
niyang kaparaanan. Lubos na madarama ng mga mag-aaral ang kariktan ng seleksyon, at
malalasap nang buong kasiyahan ang malinamnam na katas ng panulat ng malikhaing
manunulat.

PAGTATAYA
1. Gumawa nang isang Mala-Masusing Banghay aralin na may paksang mga uri ng
Panitikan sa Pilipinas?

80
Rubriks para sa Mala-susing Banghay-Aralin
Point total
/100

Objectives Objectives are not identified Objectives are appropriately Objectives are appropriately Objectives meet proficient
points / 10 or not identified, identified and aligned with criteria,
appropriate for the grade but may not be aligned with state/ are clearly stated, and relate
level, state/ national standards; objectives to
developmental level, or topic national standards, and may are meaningful skills or concepts
not be specific, observable, and essential to student learning.
specific, observable, and/or measurable
measurable.

Assessment Assessment may be At least one formal Formal assessment tool(s) Assessments meet the
points x2 / 20 described, but assessment tool is and proficient
the assessment tool and/or included, but the evaluation evaluation instrument(s) are criteria and reflect a variety of
evaluation instrument are not instrument both assessment types and/or
included. may be missing. included. methods.
The assessment may not The assessment reflects the
reflect the objectives and is appropriate
objectives or may not be to the
appropriate to topic and grade level.
the topic or grade level.

Instructional Plan of instruction is so vague Plan of instruction may, at Plan of instruction is clear Plan of instruction meets the
Strategies or times, be and proficient criteria, utilizes
points x2 / 20 generalized that it is unusable. too vague or lacking elements designed to promote critical multiple
or thinking, inquiry, problem- instructional strategies, and
details necessary for effective solving includes
delivery strategies, or creativity; guiding questions appropriate
of information; instructional instructional for
strategies strategies facilitate the engaging students in higher-
may rely too heavily on learning goals level
lecture or and objectives. thinking.
worksheets, or may not
facilitate the
learning goals and objectives.

Structured Learning activities to engage Learning activities to engage Learning activities engage Student learning activities
Application students are not included or students and meet the
points x2 / 20 are not are included but may not give motivate students with proficient criteria and include
appropriate for the grade level students opportunities opportunities for remediation
or clear opportunities for guided to demonstrate skills or and
topic. and exhibit enrichment.
independent practice or conceptual understanding of
inquiry. the
learning goals through both
guided
and independent practice or
inquiry.

Differentiation Plans for accommodating Plans for accommodating Plans for accommodating Plans for accommodating
points / 10 learner learner learner learner
differences are not included differences show a limited differences are appropriate differences meet proficient
or not understanding of student and criteria
appropriate for student needs. needs. specific for a variety of and are embedded throughout
student the
needs and are designed to wording of the Instructional
facilitate Strategies and Learning Tasks
success for a variety of
students.

Materials Materials and resources are Materials and resources are Materials and resources are Materials and resources meet
points / 10 not listed, but listed proficient criteria and are
listed or not appropriate. specific titles and/or citation with specific citation selected
information may not be information; a and/or designed to meet
identified; range of resources and diverse
materials and resources may technological learning needs.
not be tools that effectively
effectively implemented. implemented by
both teacher and students.

Writing Organization may lack clear Organization is generally Organization is coherent and Organization is coherent,
Conventions movement or focus, making clear, but clear; clear, and
points / 10 the may be poorly formatted. formatting and graphic highly logical, with
ideas difficult to follow. Formal language contains elements formatting and
Numerous grammar, usage, some support readability. graphic elements that strongly
spelling, and punctuation grammar, usage, spelling, or Formal language contains few support readability.
errors punctuation errors that may grammar, usage, spelling, or Language is professional,
may significantly impede impede punctuation errors that do not concise,
readability or expected level readability or expected level impede readability. and precise, with no
of of noticeable
professionalism. professionalism. grammar, usage, spelling, or
punctuation errors.

81
Ikalabing-tatlong Paksa: ANG PAGTATAYA

Mga Layunin:
1. Natutukoy ano ang tungkulin ng pagtataya sa isang pagtuturo.
2. Nakabibigay kaibahan sa uri ng mga pagtataya bago at pagkatapos maisagawa ang
pagtuturo.
3. Nakabubuo ng sariling pagtataya ayon sa kung ano angkop sa kanyang itinuturo.

PANIMULA:
Sa pagtuturo ay kinakailangan na magkaroon ng sukatan ang pagkatuto ng mga mag-aaral
sa bahaging ito ating tatalakayin kung papaano ang mga pagtataya pagkatapos ng isang proseso
ng pagtuturo. Dahil ditto ating talakayin kung ano ang pagtataya.
PAUNANG GAWAIN:
Pumili nang dalawang anyo nang pagsusulit, isa para sa gusto mo at isa para sa ayaw
mong anyo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
PAGSUSURI:
Sa mga napiling mga anyo bigyan nang pagpapaliwanag kung bakit ito ang gusto mo at
ayaw mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGLALAHAD:

Ang salitang pagtataya (assessment) ay maaring lumikha ng iba‟t ibang imahen at pinag-
uugatan ito ng maraming pagtatanong sa isipan ng mga guro. Bagaman ang pagtataya ay maaring
trasdisyunal o di-tradisyunal, ang mga gawain sa pagtataya sa loob ng klasrum ay nakalukob sa
mga katangiang taglay ng mga ito. Maraming guro ang gumagamit ng kombinasyon ng iba‟t
ibang uri ng pagtataya sa pagtiyak kung ano na ang alam ng isang mag-aaral o di kaya nama‟y
kung ano ang maari niyang isagawa.
ANO ANG PAGSUSULIT/PAGTATAYA
Ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat
ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ito ay maaring pormal kung itinakda at may
proctor na namamahala sa pagsusulit. Subalit ang pormal na pagsusulit ay isa lamang sa
maraming paraan sa pagsukat ng natutuhan ay isang walang-tigil na proseso at ito‟y maaring
maganap anumang oras. Kung ang guro‟y nakikinig habang nagbabasa ang mga mag-aaral, kung

82
inoobserbahan niya ang mga mag-aaral sa kanilang pangkatang gawain at kung binabasa at
minarkahan niya ang mga produkto sa pagsulat ng buong klase, nagsasagawa siya ng isang
paghuhusga o pagtataya. Ang gawaing ito‟y maituturing na ang mga impormal na paraan ng
pagsukat sa natutuhan.
Nagbibigay ang guro ng pagsusulit upang makakuha ng mga impormasyonng magagamit
niya sa ebalwasyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng isang yugto ng pagtuturo. Ang mga
impormasyong nakukuha ay magbibigay ng ilang kabatiran hinggil sa kagalingan ng isang
pagtuturo-pagkatuto sa loob ng klasrum.
KAILAN IBINIBIGAY ANG PAGSUSULIT?
1. Bago simulant ang pagtuturo ng isang kasanaan, maaring magbigay ng pagsusulit upang
malaman kung ang mag-aaral ay may taglay nang mga kinakailangan kasanayan (pre-
requisite skills). Ang pagsusulit na ito ay tinatawag na pretest.
2. Sa katapusan ng pagtuturo ng isang kasanayan, nagbibigay tayo ng post test upang
malaman kung natutuhan an gating itinuro.
3. Maari ring magbigay ng maikling pagsusulit o quiz sa katapusan ng aralin bawat araw.
Ang mga quiz ay may lima hanggang sampung aytem lamang at nilalayong sukatin ang
pagkatuto sa kasanayang itinuro sa loob ng apat napung minute o isang oras. Ito ay
tianatawag na panubaybay na pagsusulit (formative test).
4. Sa katapusan ng isang yunit o quarter, nagbibigay tayo ng pagsusulit na pangwakas
(summative test). Ang kinalalabasan ng pagsusulit na ito ang ginagamit na basehan ng
antas ng mga mag-aaral.

MGA URI NG PAGSUSULIT


A. Ayon sa layon, ang pagsusulit ay mauuri gaya ng sumusunod:
1. Pagsusulit sa natanong Kabatiran o Achievement Test. Ito ay batay sa mga
kakayahang itinuro na napapaloob sa ating silabus. Ang pagsusulit na ito ay isang
pagsusulit na pangwakas. Nilalayon ng ganitong pagsusulit na malaman ang
hangganan ng pagkatutong natamo ng mga mag-aaral, sa mga layuning itinakda para
sa isang tiyak na panahon.
2. Panuring pagsusulit o Diagnostic Test. Ito‟y binibigay bago simulant ang pagtuturo
ng isang kasanayan upang matiyak kung taglay nan g mga mag-aaral ang mga
panimulang kakayahan (pre-requisite skills). Ang pagsusulit sa natamong kabatiran sa
isang baiting ay maaring magsilbong panuring pagsusulit sa kasunod na baiting.
3. Pagsusulit sa kahusayan o Proficiency Test. Ito‟y pagsusulit na naglalayong malaman
ang kakayahan ng isang tao sa isang wika na hindi isinasaalang-alang ang anumang
kasanayan na taglay niya sa wikang ito. Ang nilalaman ng ganitong pagsusulit ay
hindi ibinabatay sa nilalaman o mga layunin ng mga kursong pangwika na maaring
napag-aralan nan g taong kukuha ng pagsusulit. Ang pagsusulit ay batay sa isang
ispesipikasyon ng mga gawain dapat maisagawa ng iang kukuha ng pagsusulit para
sabihing may kakayahang siya sa wika.
4. Pagsusulit sa Aptityud o Aptitude Test. Ito ay nagsasabi kung kakayaning matutuhan
ng isang mag-aaral ang isang wika. Sinusukat nito an gang kakayahan o interes sa
pag-aaral ng isang lawak.

B. Ayon sa dami ng kakaahang sinusubok ng bawat aytem


1. Pagsusulit na Discrete Point. Sinusubok nito ang isa lamang kakayahan sa bawat
aytem.

Halimbawa: “Karen, bakit para kang lumuluha?”

83
“Paano‟y napuwing ang aking kanang______?
a. Mata c. kamay
b. Paa d. tainga
2. Pagsusulit na integrative. Sinusubok nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Ang
ilang mga halimbawa ng integrative test ay ang mga sumusunod:
a. Cloze. Ito ay pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may puwang
para sa mga kinaltas na mga salita. Ang pagkakaltas ay maaring tuwing
ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalong salita. Kung mahaba ang cloze, maaring
hayaang walang kaltas ang una at huling talata. Kung maikli ang piniling
kwento o sanaysay. Ang una at huling pangungusap lamang ang hindi
kakaltasan ng salita. Kung ang pagkakaltas ay lagingb ikalima, ikasampu, o
anumang ratio napili, tinatawag na fixed ratio deletion. Kung ang pagkakaltas
ay walang sinusunod na ratio dahil mga pangngalan o mga pandiwa lamang
ang kinakaltas. Ito‟y tinatawag na variable ratio deletion. Kung may
pagpipiliang sago tang mag-aaral, ito ay multiple choice cloze at kung walang
pagpipiliang sagot, ito ay basic cloze.
b. Pagsusulit na Idinikta o Dictation Test. Sinusubok nito ang kakayahang sa
pakikinig, talasalitaan, sa kayarian, at maari ring sa pagbaybay at wastong
paggamit ng malaking titik at bantas. Ang dalawang uri ng pagsusulit na
idinidikta ay standard dictation at ang partial dictation. Sa standard dictation,
isinusulat ng mga mag-aaral ang buong talatang idinidikta. Sa partial
dictation, ang mag-aaral ay binibigyan ng sipi ng talatang ididikta, pero ito ay
may kaltas na mga parirala o pangungusap. Pupunan na lamng niya ang mga
puwang upang mabuo ang talata
c. Ayon sa kakayahan sinusubok
i. Pakikinig
1. Pagkilala ng mga tunog
2. Pag-unawa sa pinakinggang teksto
ii. Pagsasalita
1. Pagbigkas ng tunog
2. Pakikipag-usap
iii. Pagbasa
1. Pagkilala at pag-unawa sa salita
2. Pag-unawa sa seleksyon
iv. Pagsulat
1. Pagsulat ng komposisyon
2. Paggamit ng bantas, wastong baybay, malaking titik

d. Ayon sa gamit ng kinalabasan ng pagsusulit


1. Pagsusulit na Norm Referenced. Sa pagsusulit na norm
referenced inihahambing ang bawat mag-aaral. Ang resulta ng
ganitong pagsusulit ang giangamit na batayan ng mga marka sa
isang kurso. Ang pagsusulit sa natamong kabatiran ay norm
referred.
2. Pagsusulit na Criterion Referenced. Ang pagsusulit na
criterion referenced ay may itinakdang pamantayan na dapat
mapagtagumpayan ng eksameni. Kailangan makaabot ang

84
mag-aaral sa pamantayng ito upang masabing naipasa niya ang
pagsusulit.
e. Ayon sa paraan ng pagmamarka at pagwawasto
1. Pagsusulit na Obhektibo (Objective Type)
a. Maraming pagpipilian (Multiple Choice)
b. Pagtatapat (matching type)
c. Pagpupuno sa puwang/patlang (completion type)
2. Pagsusulit na Subhektibo (Subjective Type)
a. Pagsulat ng sanaysay (essay type)
b. Pagsasalin (translation)
c. Tanong na walang limitasyon ang sagot (open-minded
question)

ANG PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT


Upang maging maayos ang pagsusulit at masukat nito nang buong katapatan ang mga
kasanayan at kabatirang nais sukatin, kailangan ang maayos na pagpaplano at paghahanda.
1. Pagpaplano ng Pagsusulit
a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit
b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.
c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioral objectives) batay sa mga
kasanayan at kakayahang susukatin.
d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang
kabuuang saklaw ng pagsusulit.
e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.
2. Paghahanda ng Pagsusulit
a. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang
patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bubuuin para sa bawat kasanayang
susukatin.
b. Suriin at ayusin ang mga aytem. Makatutulong kung maipasusuri sa isa o
dalawang kaguro ang mga aytem. Magagamit ang sumusunod na mga tanong sa
pagsusuri ng mga aytem.
i. Sinusubok ban g bawat aytem ang isang tiyak na kasanayang kasama sa
talahanayan ng ispesipikasyon/
ii. Akma ba sa sinusubok na kasanayn ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?
iii. Maliwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?
iv. Wala bang mga di-kailangan salita o pahiwatig ang mga aytem?
v. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng
pagsusulit?
vi. Ang mga distractor o joker ba ay sadyang mabuti at maayos ang
pagkakabalanse at hindi magtutunton sa wastong sagot?
vii. May sapat na dami ba ng aytem para sa bawat layunin o kasanayan sa
talahanayan ng ispesipikasyon?
viii. Hindi ba kakikitaan ng regular na padron ang paghahanay ng mga walang
wastong sagot.
c. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.
i. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri
ii. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad muna ang
madadaling aytem bago ang mahihirap na aytem.
d. Ihanda ang mga panuto.

85
1. Ang mga panuto ay dapat gawing payak at maikli ito ay dapat magbigay ng
sumusunod na impormasyon.
i. Ang layunin ng pagsusulit
ii. Ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit
iii. Paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang ba ng tamang sagot ang
isusulat o sisipiin bas a mga sagutamg papel ang sagot.
3. Pagbibigay ng Pagsusulit at Pagwawasto ng mga Papel
4. Pagpapahalaga ng Pagsusulit

Pagsusuri ng bawat aytem upang malaman ang pagkamabisa ng mga aytem.


1. Kahirapan ng aytem (index of difficulty)
2. Kakayahang magtangi (discriminatory power)
3. Pagkamabisa ng bawat distractor.
5. Pagbibigay ng Interpretasyon sa kinalabasan ng Pagsusulit

MGA URI NG AYTEM NG PAGSUSULIT


1. Pagsusulit na Tama o Mali
Ang Tama o Mali ay isang uri ng aytem kung saan, tinutukoy ang mga salita, parirala,
pangungusap o talasalitaan na tama o mali ang kahulugan. May tuntunin sa paghahanda ng
pagsusulit na tama o mali. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Sikaping isa lamang ang binabangit sa pangungusap.
b. Ipahayag nang maliwanag at tiyak ang tanong upang hindi mapag-alinlangan ang sagot.
c. Gawing payak at maikli ang pangungusap.
d. Iwasan ang panggamit ng pananggi o negatibong salita sa aytem.
e. Kung gagamitin ang opinyon, ibigay ang ngalan ng nagsabi nito.
f. Iwasan ang paggamit ng mga pahiwatig tulad ng mga salitang kadalasan, lahat, kung
minsan,maari, lamang at iba pa.

2. Pagtukoy Mali o Error Recognition


Ito ay isang uri ng pagsusulit na integratibo sapagkat sinusubok nito ang pangkalahatang
kasanayan sa wika. Iba‟t iba ang maaring maging anyo ng pagsusulit na ito.
3. Pagsusulit na may Pagpipilian o Multiple Choice
Ang pagsusulit na may pagpipiliang sagot o multiple choice ay binubuo ng dalawang
bahagi. Ang stem o bahagi ng aytem na nagpapahayag ng suliranin at ang mga opsyon o mga
pamimiliang sagot. Isa sa mga opsyon ang tamang sagot. Iyong maling sagot ay tinatawag na
mga distraktor. Ang stem ay maaring nasa anyong pangungusap na hindi tapos, pangungusap
may patlang, buong pangungusap, at pangungusap na patanong gaya ng mga sumusunod
a. Pangungusap na hindi tapos
b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na patanong

4. Pagsusulit na pagpuno sa Patlang o Completion Test


Ito ay pagsusulit na sa halip na pinamimili ang mag-aaral sa wstong sagot ay ipinabibigay
ang tamang sagot.

86
Pagtataya
1. Gumawa nang sariling Talaan ng Ispesipikasyon (Table of Specification) malayang
pumili nang paksa na napapalooban ng 25 na iba‟t ibang tanong.
2. Sa nagawang Talaan ng Ispesipikasyon ay gumawa nang pagsusulit at sundin ang
nakatala sa inyong Talaan ng Ispesipikasyo (TOS)

Rubriks sa Nagawang Pagsusulit


Pamantayan Mahusay (3) Katamtaman (2) Kasiya-siya (1)

Stem (x5) Naiilalahad ng maayos ang Hindi masyadong Hindi na naiilalahad ng


suliranin sa bawat aytem. naiilalahad ng maayos ang maayos ang suliranin sa
suliranin sa bawat aytem. bawat aytem.

Opsyon (x5) Mahusay ang pagkakapili sa Hindi masyadong Hindi mahusay ang
mga opsyon. mahusay ang pagkakapili pagkakapili sa mga
sa mga opsyon. opsyon.

Distractor (x5) Kaakit-akit ang mga Hindi masyadong kaakit- Hindi kaakit-akit ang
distractor sa mga sasagotan akit ang mga distractor sa mga distractor sa mga
tanong mga sasagotan tanong sasagotan tanong

Aytem (x5) Naiiangkop nang maayos ang Hindi masyadong Hindi naiiangkop nang
bokabularyo at kayarian ng naiiangkop nang maayos maayos ang
aytem sa mga sasagot nito. ang bokabularyo at bokabularyo at kayarian
kayarian ng aytem sa mga ng aytem sa mga
sasagot nito. sasagot nito.

Sagot (x5) Mahusay at di naaninag ang Mayroon pagkakataon na Lubhang nakakakuha ng


sagot mula sa mga opsyon ng naaninag ang sagot mula pansin ang sagot mula
mga tanong. sa mga opsyon ng mga sa mga opsyon ng mga
tanong. tanong.

Kabuuan

87
Ikalabing-apat Paksa: ANG PAGTATAYANG TRADISYUNAL AT DI-
TRADISYUNAL

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga pagtatayang tradisyunal at di-tradisyunal.
2. Napagkakaiba-iba ang mga tradisyunal at di-tradisyunal na pagtataya.
3. Nakakabuo ng pagtatayang di-tradisyunal ayon sa kinakailangan ng klase.

PANIMULA:

Pagkatapos talakayin natin ang pagtataya minamarapat na talakayin natin ang iba‟t ibang
anyo at klase nang pagtataya. Sa paksang ito malalaman natin ang iba‟t ibang paraan ng pagbuo
ng tradisyunal at di tradisyunal na pagsukat sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

PAUNANG GAWAIN:

Sa naunang paksa na natalakay, pumili nang isang pagtataya na parating isinasagawa sa


panahon na ito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSUSURI:

Sa napiling pagtataya ano sa tingin mo makaluma ba ito o hindi? At bakit?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Ang salitang pagtataya (assessment) ay maaring lumikha ng iba‟t ibang imahen at pinag-
uugatan ito ng maraming pagtatanong sa isipan ng mga guro. Bagaman ang pagtataya ay maaring
tradisyunal o di-tradisyunal, ang mga gawain sa pagtataya sa loob ng klasrum ay nakalukob sa
mga katangiang taglay ng mga ito. Maraming guro ang gumagamit ng kombinasyon ng iba‟t
ibang uri ng pagtataya sa pagtiyak kung ano ang alam ng isang mag-aaral o di kaya nama‟y kung
ano ang maari niyang isagawa.
Mga tanong-sagot sa Pagtataya
1. Ano ang pagtatayang pangklasrum?

Ito ay ang pangangalap, interpretasyon, at paggamit ng mga impormasyon upang


matulungan ang mga guro ng mabuting desisyon para sa mga kaukulang interbensyon upang
mapabuti ang pagtuturo at pagkatuto.
2. Ano ang pagkakaiba ng pagtataya nuon at ngayon?
Noon: Hanay ng mag-aaral, tahimik na nakaupo, pagsagot sa mga tanong ng inihandang
pagsusulit
Ngayon: Ang pagtataya ay bunga ng maraming pagtatanong gaya ng:

88
 Ano ang aking tatayain?
 Anu-ano ba ang mga uri ng pagtataya
 Ano ba ang pinakakomprenhesibong paraan ng pagtataya para sa aking klase?
 Paano ko ihahanda ang aking mag-aaral sa pagtataya?
3. Anu-ano ang mga layunin ng pagtataya?
 Di-Tradisyunal
a. Upang matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang sariling
natamong kaalaman
b. Upang makapaglaan ng kapaki-pakinabang at positibong pidbak.
c. Upang matunton ang pagsulong at pag-unlad ng bawat mag-aaral
d. Upang maganyak ang mag-aaral para sa sariling pagkatuto
e. Upang maipabatid sa mga mag-aaral at magulang ang inaasahang pagkatuto.
f. Upang mataya hindi lamang ang dami kundi pati rin ang lawak, lalim, at
kalidad ng kaalamn at pagkatuto ng mga mag-aaral.
4. Anu-ano ang mga batayang sangkap ng isang pagtatayang pangklasrum?
 Tradisyunal
a. Upang mataya kung ano ang natutuhan
b. Uoang magamit sa pagmamarka
5. Anu ano ang mga target sa pagkatuto?
a. Ito ay mga pahayag tungkol sa mga dapat isagawa ng mga mag-aaral o ano ang
dapat na nagagawa nang mag-aaral na.
b. Ang kailangang natutuhan ng mga mag-aaral o ano ang dapat na nagagawa nang
mag-aaral.
c. Mga kraytirya/pamantayan sa pag-aantas ng kakayahan isinasagawa/naipakita.
6. Anu-ano ang mga uri ng target sa pagkatuto na dapat ay naipakikita ng mga mag-aaral?
 Kaalaman
o Masteri ng mga mahahalagang paksang aralin. Kabilang ditto ang mga
dapat matutuhan-impormasyon, konsepto, simulain.
 Pagpapaliwanag/Pangangatwiran
o Kakayahan sa pangangatwiran at paglutas ng suliranin. Kabilang ditto ang
HOTS-kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paghahambing, at iba pa.
 Mga kasanayan
o Kakayahan ng mga mag-aaral na maipakita ang mga natutuhang
kasanayan gaya ng:
i. Pagsulat ng liham
ii. Interaksiyong interpersonal/kasanayan sa pakikipanayam
iii. Paglahok sa mga forum
iv. Paggawa ng mga pagsubok/eksperimento
v. Pagpapaandar ng mga gamit/makina nang maayos at ligtas
 Mga Bunga/Produkto
o Kakayahan ng mga mag-aaral na makalikha ng mga gawain/produkto na
kaugnay na dapat nilang matutuhan sa pagkaklase.
 Positibong Bisang Pandamdamin at Pangkaasalan
o Pagtatamo ng mga positibong kalagayan pandamdamin at pangkaasalan;
saloobin at pagpapahalaga, kawilihan, kabisaang pansarili (self-efficiency)
7. Iba‟t ibang Pamaraan ng Pagtataya
 Pagsusulit na Obhetibo
o MCQ
o Fill in the blank

89
 Pagsusulit na Paglalahad
o May hangganang tugon(restricted response)
o Malayang tugon (extended response)
 Pagtatayang Performance-Based
 Pasalitang Pagsusulit
 Pagmamasid
 Pansariling ulat

ANG PAGTATAYA AT ANG RUBRIC


Rubric- isang patnubay sa pagmamarka na nagtataglay ng mga patunay o ebidensya hinggil sa
kung anong lapit at pagpoproseso ang ginagawa ng isnag mag-aaral para sa pagsasagawa ng
isang task. Isa ito sa mga evaluation criteria na gamit sa pagtataya.
Ang isang rubric ay karaniwang binubuo ng apat na lebel:
1. Katangi-tangi (Exceptional)
a. Malikhain/gumamit ng imahinasyon
b. Gumamit ng kritikal na pag-iisip
c. Lumalagpas sa inaasahan
d. May tamang sakop at lalim
2. Ganap (Thorough)
a. Buo at maayos ang paglalahad
b. Nailalapat n naitanghal
c. Nailalapat ang natutuhan
d. Naipapakita ang tamang ugnayan
3. Kasiya-siya (Adequate)
a. Naisaalang-alang ang pinakamababang kailanganin
b. Walang orihinalidad
c. Panlahat na impormasyon lamang ang inilahad
4. Hindi Sapat(Inadequate)
a. Walang nailahad na bagong kaalamn
b. Watak-watak na paglalahad
c. Mababaw ang talakay
d. Hindi nailapat ang anumang pagkatuto

MGA URI NG RUBRIC


1. Holistic Rubric. Naglalarawan ng kabuuang kalidad ng isang performance o produkto
2. Analytic Rubric. Naglalarawan ng kalida ng isang performance o product na may
kaugnayan sa isang tiyak na kraytiryon.
3. Scoring Rubric (Analytic)

MGA PATNUBAY SA PAGBUO NG RUBRIC


1. Tukuyin ang mahahalagang katangian o krayterya ng mahusay ba performance o
produktong may kalidad.
2. Linawin ang kahulugan ng bawat katangian o krayyterya at ang lebel o antas ng
performance.
3. Ilahad ang mga krayterya gamit ang mga termino hinggil sa mga namamasid na gawa o
mga katangian ng isang produkto.

90
4. Gumamit lamang ng makatwirang bilang ng mga krayterya na tiyak na naoobserbahan o
mabibigyan ng paghuhusga.
5. Isaayos ang mga krayterya ayon sa kung paano oobserbahan o tatayain ang mga ito.

PAGTATAYA
1. Gumawa ng sariling bersyon ng mga rubrics na pumapaksa sa Komposisyon ng Isang
Tula.
a. Holistic Rubrics
b. Analytic Rubric.

91
Rubriks para sa Paggawa ng Rubriks

Criteria 1 2 3 4
Unacceptable Acceptable Good/Solid Exemplary

Clarity of criteria Criteria being Criteria being assessed Criteria being Each criteria is distinct,
(x5) assessed are can be assessed are clear, clearly
unclear, identified, but are not appropriate and delineated and fully
inappropriate clearly distinct appropriate
and/or differentiated or are for the
have significant inappropriate assignment(s)/course
overlap

Distinction between Little/no Some distinction Distinction Each level is distinct


Levels (x5) distinction can be between levels between levels is and
made is made, but is not apparent progresses in a clear and
between levels of totally clear logical
achievement how well order

Reliability of Scoring Cross-scoring Cross-scoring by There is general Cross-scoring of


(x5) among faculty faculty and/or agreement assignments
and/ students occasionally between different using rubric results in
or students often produces scorers when consistent
results in inconsistent results using the rubric agreement among
significant (e.g. differs by less scorers
differences than 5-10% or less
than ½ level)

Clarity of Rubric is not Rubric is shared and Rubric is Rubric serves as


Expectations/ shared with provides referenced - used primary
Guidance to learners some idea of the to reference point for
assignment/ introduce an discussion and
Learners (x5)
expectations assignment/guide guidance for
learners assignments as well
as evaluation of
assignment(s),

Support of Rubric is not Rubric is shared but not Rubric is shared Rubric is regularly
Metacognition shared with discussed/ referenced and identified as referenced and
(Awareness of Learning) learners with a tool for helping used to help learners
(x5) respect to what is being learners to identify the
learned understand what skills and knowledge
through the they are they are
assignment(s)/course learning through developing throughout
the assignment/ the
in the course course/ assignment(s)

Engagement of Learners are not Learners offered the Learners discuss Faculty and learners are
Learners in Rubric engaged in rubric and the design of jointly
Development/ Use either may choose to use it the rubric and offer responsible for design
development or for self feedback/ of rubrics
*(x5)
use of the assessment input and are and learners use them in
rubrics responsible for use peer
of rubrics in peer and/or self-evaluation
and/or
selfevaluation

TOTAL

92
Buod ng Modyul 3
Aralin 1 - Pangsampung Paksa: Kagamitang Pampagtuturo – Ang unang paksa para sa
modyul na ito ay ang mga kagamitang pampagtuturo sa bahaging ito natutunan natin ang mga
iba‟t ibang anyo ng kagamitan upang maisakatuparan ang mahusay na pagtuturo sa loob ng
klase.
Aralin 2 – Panglabing-isang Paksa: Pagpaplano Sa Pagtuturo – Ang bahaging ito ay
tinalakay kung anu-ano ang dapat isalang-aalang bago isagawa ang pagtuturo sa loob ng klase.
Bakit kailangan magkaroon ng pagpaplano bago ang pagtuturo dahil ito ang mabinigay nang
direksyon kung ano ang magiging daloy nang iyong pagtuturo.
Aralin 3 - Panglabing-dalawang Paksa: Ang Mga Layuning Pampagtuturo – Sa mga
nagdaan na mga paksa ay natalakay ang iba‟t ibang aspekto upang magkaroon ng mahusay na
paraan ng pagtuturo. Sa bahagig ito naman ay natalakay natin ang mga layunin bago magsagawa
nang pagtuturo dahil lubhang importante ang pagkakaroon ng layunin dahil ito ang magiging
intrumento mo upang malaman pagkatapos mong magturo ay naging mahusay at epektibo ba ang
iyong pagtuturo o hindi mo nakamit at hindi naging mahusay ang iyong pagtuturo.
Aralin 4 - Panglabing-tatlong Paksa: Ang Pagtataya – Matapos nating matalakay ang ilang
hakbang sa pagtuturo sa bahaging ito naman ay tinalakay natin ang hakbang upang masukat ang
pagiging mahusay nang iyong pagsasagawa ng pagtuturo. Dahil dito sa paksang ito natalakay
natin ang mga hakbang upang masukat ang pagkatuto at mga anyo ng pagtataya upang masukat
ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Aralin 5 - Panglabing-apat na Paksa: Ang Pagtatayang Tradisyunal At Di-Tradisyunal – sa
paksang ito ating nilaliman pa ang pagtalakay sa Pagtataya kung ang naunang paksa ay
patungkol sa pagtataya lamang. Sa bahaging ito naman ay nalaman natin ang iba‟t ibang anyo
nang pagatataya. Mayroong anyong tradisyunal at di tradisyunal na nagagamit sa iba‟t ibang uri
nang pagsusulit.

93
UNIT TEST
2. Para sa unit test na ito minamarapat na gumawa nang isang pagbubuod sa mga natalakay
na paksa sa modyul na ito. Minamarapat na bumuo nang buod sa sariling pagkakaintindi
sa mga paksang na talakay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

94
Sanggunian:
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz
A., Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino.
Malabon City: JIMCYVILLE Publication Inc.
 Badayos Paquito A. (2008). Metodolohiya: sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga
Teorya, Simulain, at Istratehiya. Malabon City: Mutya Publishing House Inc.
 Garcia L., Dupale H., Sanchez, Manahan, Cancino, Cruz Z., Guzman, Larafoster, Cruz A.,
Marcelo, Pacada AT. (2012). Metalinggwistik na Pagtalakay sa Wikang Filipino. Malabon City:
JIMCYVILLE Publication Inc.

95

You might also like