You are on page 1of 5

Takdang Aralin:

1.) Uri at Anyo ng Literatura.

Uri ng Panitikan / Literatura

1. Pasalindila (pabigkas o pasalita)


- Ito ang mga panahong hindi pa natututuhan ng mga ninuno ang sistema ng pagsusulat.
Ang pag-awit, pagkuwento, at pag tula ang siyang paraan nila.
2. Pasalinsulat (pasulat)
- Ang kaalamang dati ay karaniwang ginagawa katulad ng pagawit ay ngayon nakuha nang
isulat sa mga dahon at iukit sa mga bato. Sumunod ang pag-imprenta kaya ang mga
naisatitik ay nagagwa pang maipalimbag.
3. Pasalintroniko (paelektroniko)
- Ito ang panahon ng teknolohiya na kinahuhumalingan ng madla kaysa sa pagbabasa ng
nakalimbag na akda sapagkat napapanood at napapakinggan na ang mga ito.

- Anyo ng Literatura o Panitikan

 Tuluyan o Prosa (prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang


kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong
tunog sa huli ng tauludtod.

 Patula o panulaan (poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang


binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga
salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod
sa isang saknong.

 Patanghal
Pumapailalim ito sa dalawang naunang anyo na kung saan ang mga diyalogo ay isinulat
sa
patula at patuluyan. Halimbawa na dito ay dula.

2.) Pangkalahatang katagian ng literatura sa mga anyong tuluyan:

Anyong Tuluyan/ Prosa


 Maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ngpangungusap.

Mga Uri ng Anyong Tuluyan/Prosa:


1. Alamat – ito ay mga salaysaying na lihis sa katotohanan. Tinutukoy rito angpinagmulan ng
mga bagay-bagay sa mundo.
2. Anekdota – kinapapalooban ng kakatwang pangyayari sa buhay ng tao nakapupulutan ng
aral.
3. Mitolohiya/Mito – kwento tungkol sa Diyos at Diyosa, pinagmulan ngsandaigdigan.
(Halimbawa: Alamat ng Maria Makiling)
4. Nobela o Kathambuhay – isang mahabang kwento na nahahati sa kabanatana bunga ng
malikhaing pag-iisip.
5. Pabula – mga kwento tungkol sa hayop na naglalarawan sa mga tao.6.
6. Parabula – mga kwento na hango sa bibliya.
7. Maikling Kwento – maikling katha, mabilis and daloy ng pangyayari tumutukoysa
nangungunang tauhan.
8. Balita – paglalahad ng totoong pangyayari sa loob at labas ng bansa.
9. Talambuhay – ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao nahango sa mga tunay
na pangyayari o impormasyon.
10. Sanaysay – maikling komposisyon na naglalaman ng sariling kuro-kuro ng mayakda.
11. Talumpati – isang buod ng kaisipan na sinasalaysay sa entablado.
12. Kwentong Bayan – mga salaysay na hingil sa mga likhang-isip ng mga tauhanna
kumakatawan sa mga uri ng mamayan na kapupulutan ng araw.
13. Dula - mga kwento na isinasabuhay at nahahati ang pangyayari sa yugto.
14. Editoryal –ito ay pangulong tudling na naglalaman ng kuro-kuro ng editor.
15. Liham - tumutukoy sa saloobin ng manunulat.

3.) Ang mga literatura ng Anyong Patula

Anyong Patula
 Masining na pagsama-sama ng mga salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at
tugma.

1. Tulang Liriko/Damdamin:
a. Oda- Tulang nagpaparangal sa dakilang gawain ng isang tao.
b. Dalit- Tulang nagpaparangal sa maykapal.
c. Soneto- Tulang walang saknong, may palagiang anyo na 14 na taludtod at nagtataglay ng aral
sa buhay.
d. Elehiya- Tula na may kaugnayan sa kamatayan.
e. Awit- Awit ng pag-ibig, kantahing bayan.

2. Tulang Pasalaysay
a. Awit- Tula tungkil sa prinsipe at prinsesa mayroong 12 na pantig. Ang mabuting halimbawa
nito ay ang Florante at Laura.
b. Kurido- Tula tungkol sa pagiging maginoo mayroong 8 na pantig. Halimbawa: Ibong Adarna.
c. Epiko- Tulang tungkol sa pagkabayani. Halimbawa: Biag ni Lam-ang.

3. Tulang Patnigan – Tulang nangagaliangan ng sagutan.

a. Balagtasan- Pagtatalo ng dalawang panig sa paraang patula.


b. Duplo- Tula na nauso sa panahon ng kastila. Ito ay debate na patula na kalimitang ginagawa
kapag may pa-siyam. Kinapapalooban ng mga belyako, belyaka at berdugo.
c. Karagatan- Ito ay isang tula na kadalasang sumusubok sa mga manliligaw ng babae.

4. Tulang Pandulaan -Tulang itinatanghal ng padula.


a. Senakulo- Pagsasalarawan sa pagkabuhay at pagkamatay ni Hesus.
b. Moro-moro- Naglalaman ng paglalaban ng Muslim at Kristyano.
c. Sarsuwela- Itinatanghal sa anyong pasayaw na may masayang awit.

4.) Mga elementong lumilikha sa mga akdang pampanitikan

 Kapaligiran- Binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba’t ibang sangkap ng
kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, pisikal na kapaligiran at mga kaugnay nito.
 Karanasan - Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na
mapaghahanguan ng paksa sa iba’t ibang uri ng akda. Bawat kasaysayan ng isang tao ay
maaring maging batayan para sa isang akdang magbibigay sa mga mambabas ng
pagkakataong Makita ang kanyang sarili sa kanyang binabasa, sa ganoong paraan
nakagagawa siya ng pagkakataong pag-ibayuhin ang kanyang pagsisikap tungo sa isang
makabuluhang pamumuhay.
 Salik na panlipunan/pampolitika - Ang mga gawaing may kaugnayan sa lipunan gayundin sa
pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdadaka ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan,
atkabihasnan ng isang tanging pook o bansa.
 Salik panrelihiyon– Marami mga akdang nakilala hindi lamang sa pilipinas kundi sa buong
daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na
natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya upang ang ating
mga manunulat sa iba’t ibang panahon ay makasulat ng mga obra-maestrang panghabang
panahon.
 Edukasyon– Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpapalawak sa
kalinangan at karunungang taglay na natin. Sa pamamagitan nito ay higit na nagkakaroo ng
puwang sa ating puso ang makalihaing akda na nagpapakilala ng uri ng lipunan.

5.) Impluwensya ng panitikan sa buhay ng tao.


Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao
atito’y may dalawang kalagayan:

1.Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng


panitikan.
2.Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Maraming ang mga akdang pampanitikan nagdadala ng malaking impluwensiya sadaigdig.Ang


ilan sa mga ito’y ang mga sumusunod :
1. Banal na Kasulatan
– nagiging batayan ng pananampalatayang Kristiyano
2. Koran – (Arabia) Bibliya ng mga Muslim
3. Iliad at Odyssey– ni Homer – (Gresya) –siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya
4. Maha-Bharatas- ( Indiya)- kasaysayan ng pananampalataya
5. Divina Comedia- ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano
6. Aklat ng mga Araw- ni Confucious – (Tsina)– naging batayan ng kalinangan at
pananampalatayang Insik
7. Aklat ng mga Patay– (Ehipto)– kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mgataga-Ehipto.
8.Counterburry Tales– ni Chaucer-(Inglatera)- naglalarawan ng mga ugaling Ingles atng kanilang
pananampalataya
9. El Cid Campeador – (Espanya)– nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-uugali
atkasaysayan.
10. Uncle Tom’s Cabin– si Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng matang
mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ngdemokrasya sa
daigdig.

6.) Ang mga kasangkapang pampanitikan na nagbibigay- anyo sa akda

 Nilalaman - tumutukoy sa tauhan, tagpuan, suliranin, aksyon at tema.


 Denotasyon - ito ay karaniwan at likas o "literal" na kahulugan ng salitan o pangungusap.
 Konotasyon - ang tawag sa implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita.
 Diksyon - ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at
makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit.
 Mga kasangkapang panretorika - tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda
upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at
ang mga sangkap nito.
 Mga kasangkapang pansukat - tawag sa pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang
tula, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at
pangungusap kapag ito ay binibigkas.
 Mga kasangkapang metaporikal - ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa
kabuluhan at kahulugan ng akda.
 Tono - ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto.
 Istruktura - Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga
bahagi ng isang akda.

7.) Ilan sa mga anyo ng literatura na lumaganap sa panahon bago dumating ang
mga Kastila.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga
sinaunang Pilipino na nagpapatunay lamang na mayroon ng sibilisasyon ang Pilipinas bago pa
man dumating ang mga Kastila. Karamihan sa mgapanitikan nila ay mga pasalin-dila gaya ng
mga alamat, bulong, kwentong-bayan, awiting bayan, epiko, bugtong, salawikain, sawikain at
kasabihan.

You might also like