Professional Documents
Culture Documents
Ang panitikan ay salamin ng isang lahi at bawat bansa ay may natatanging panitikan na maaring
naimpluwensiyahan at nakaimpluwensiya sa iba. Matutunghayan ntin sa araling ito ang mga matatayog
at mararangal na kaisipan at damdaming hinabi sa pamumuhay, paniniwala at mga pangarap at adhikain
ng mga ninuno mula pa noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Tatalakayin ang kahulugan ng
panitikan, anyo at uri, kahalagahan nito, impluwensiya nito sa buhay ng tao at ang panitikang Pilipino at
mga bahagi nito.
Ayon kay Hnorio Azarias, sa kanyang aklat na “Pilposopia ng Literatura”, ang Panitikan ay
pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag
at iniaayos s iba’t iba niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o
pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba.
Ayon naman kay Arrogante (2004), ang panitikan ay isang talaan ng buhay kung saan naisisiwalat
ng isang tao ang mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay sa kanyang daigdig na
kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pammaraan.
Inilarawan naman ni Salazar (1995) ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan
idinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihang maaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantao na natatangi
sa sangkatauhan.
Binanggit naman nina Buensuceso (2000) sa kanilang aklat na Panitikang Filipino na ang
panitikan ay isang sining ng maayos at magandang pagpapahayag ng damdamin ng tao, pasalita o pasulat
hinggil sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili o pakikitungo sa kapwa.
Pag-uuri ng Panitikan
May dalawang kaparaanan ng pag-uuri ng panitikan. Maaring mauri ito ayon sa pagsasalin at
ayon sa kaanyuan.
Ayon sa Pagsasalin
May tatlong paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa pagsasalin. Maaring oral, pasulat at
elektroniko.
Pasulat (Salinsulat)
Sa paraang salinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng mga Pilipino ang
kanilang panitikan. Naganap ito noong natutuhan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na
ang mas naunang baybayin at mga katulad nito. Nagpahayag ng panitikan ang mga sinaunang Pilipino sa
balabak ng kahoy mula sa mg puno at mga dahon ng mga halaman. Ginamit nilang panulat o pang-ukit
ang matutulis na mga bato at kahoy. Sa pagdating ng mga Kastila, dinal nila sa Pilipinas ang makinang
palimbag o imprenta. Dahil sa teknolohiyang ito, napag-ingatan at naitala nang matagal ang karamihan
sa naunang mga katutubong panitikan ng Pilipinas, bagaman marami ring nawala at nakalimutan.
Elektroniko (Salintroniko)
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang salintroniko, o pagsasalin ng panitikan sa
pamamagitan ng kagamitang elektroniko. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang paggamit ng mga
kompyuter, compact disc, diskette, recorder (tulad ng tape recorder, mp3, mp4 format, USB), mga aklat
na elektroniko (hindi na binubuklat dahil hindi na yari sa papael, bagkus ay nasa mga elektronikong
anyo).
Anyo ng Panitikan
Ang panitikan ay mauuri sa dalawang anyo. Ito ay ang tuluyan at patula
Tuluyan ang anyo ng panitikan kapag ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin na
nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap. Narito ang mga genre na kabilang sa anyong ito:
1. Alamat- Isang kathang- isip na pagssalaysay sa pinagmulan ng mga bagay, pook, halaman, at iba pa.
Hal.Alamat ng Pinya
2. Pabula- Ito ay likhang-isip lamang na ang mga gumaganap na tauhan ay mga hayop nunit kumikilos at
nag-iisip na parang sa tao. Hal. Ang Pagong at ang Matsing
3. Parabula- Mga kwentong karaniwang hango sa Bibliya. Tulad ng pabula, may layunin din itong
mag-iiwan ng aral sa mambabasa. Hal. Ang Alibughang Anak
4. Anekdota- Maikling salaysay na naglalayong umaliw o magbigay-aral sa mga mambabasa. Hal. Si Jose
Rizal at ang Tsinelas
5. Talambuhay- Isang sulatin na naglalahad ng buhay ng isang tao. Maari itong maging talambuhay na
pansarili o talambuhay ng ibang tao
6. Maikling kuwento- Ito ay nagsasalaysay tungkol sa isang pangunahing tauhan at kung paano niya
lulutasin ang kanyang suliranin. May impresyon o kakintalan itong naiiwan sa mga mambabasa. Hal.
Impeng Negro
8. Talumpati- Isa rin itong sanaysay bagamat higit na sinusulat upang bigkasin sa mga panlipunang
pagkakataon. Hal. Wikang Filipino: Mahalagang Salik sa Pagpapahayag ng Karapatang Pantao
9. Dula – Ito ay isang akdang sinulat upang itanghal sa entablado at teatro. Hal. Moses, Moses ni Rogelio
Sikat
10. Nobela- Isang mahabang salysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito ay
sumasaklaw sa mahabang panahon at kinasasangkutan ng maraming tauhan. Hal. Bata, Bata, Paano ka
Ginawa ni Lualhati Bautista
12. Dagli- Ang dagli ay maikling kuwento rin. Naiiba lamang ito sa paraan ng pagsulat sapagkat ito ay
napakaikli ngunit tulad ng maikling kwento nagtataglay din ng mga element ng pagsalaysay tulad ng
tauhan, banghay, kakintalan, resolusyon at iba pa.
13. Kwentong Bayan- Isang salysay na naglalahad ng pangyayari na tuon sa mga gawain, paniniwala,
pagpapahalaga at kaugalian.
Patula ang anyo ng panitikang nagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin na may bilang ng mga
pantig, tugma at aliw-iw. Ito ay may tatlong uri tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko at tulang
padula
Ang tulang liriko o pandamdamin ay nahahati rin sa iba’t ibang uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Ang tulang pasalaysay ay nagsasalaysay ng buhay ng mga kaharian. Ito ay may tatlong uri: epiko, awit, at
kurido (metrical romance). Halimbawa ng Epiko ay ang Biag ni Lam-ang, halimbawa ng awit ay Florante
at Laura ni Francisco Baltazar at halimbawa ng Kurido ay ang Ibong Adarna.
Ang tulang padula ay isinulat at itinatanghal sa dulaan. Ang usapan ng mga gumaganap ay patula. Ang
halimbawa nito’y ang dulang “La India Elegante El Negrito Amante” ni Francisco Baltazar.
ARALIN 2
Salik na Nakaiimpluwensya sa Panitikan
Ang kaunlaran ng panitikan ay nasasalig sa iba’t ibang salik gaya ng kapaligirang pangheograpiya,
ang hilig ng mga tao, ang kanilang paningin sa kagandahan ng kanilang karanasan, ng kanilang
pagkamakabayan at ang mahalaga sa lahat y ang pagkakaroon ng mga henyo sa pagsulat s bawa’t bansa
Kung paano naiimpluwensyahan ng panitikan ang buhay ng tao ang pokus sa araling ito.
Impluwensiya ng Panitikan
Ang panitikan ay may dalawang impluwensiya sa buhay, kaisipan, at ugaliin ng tao.
Una, ito ay nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng
panitikan. Pangalawa, dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit sa damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan. Malaki ang papel na ginagampanan ng panitikan sa
kasaysayan ng isang bansa sa iba’t ibang panahon. Tunghayan natin ang ilang mga akdang pampanitikang
nagdala ng malaking impluwensiya sa daigdig.
1. Ang Banal na Kasulatan na mula sa Palestina at Gresya. Ito ang naging batayan ng pananampalatayang
kristiyanismo.
2. Ang Koran na galling sa Arabia. Pinaka-bibliya ito ng mga Muslim.
3. Ang Iliad at Odessy ni Homer ng Gresya. Kinatutunan ito ng kanilang mitolohiya at palaalamatan.
4. Ang Mahabharata ng India na naglalaman ng kasaysayan ng mga dating Indo at ng kanilang
pananampalataya.
5. Ang Divina Comedia ni Dante Aliegheri ng Italya, na nag-uulat ng moralidad, pananampalataya at
pag-uugali ng mga Italyano ng panahong kinauukulan.
6. Ang Aklat ng mga Araw, na sinulat ni Confucius na naging batayan ng kalinangan, karunungan at
pananampalataya ng mga Intsik.
7. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto na kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipsio.
8. Ang Canterbury Tales ni Chaucer ng Inlatera na naglalarawan ng mga pag-uugali ng mga Ingles at ng
kanilang pananampalataya noong unang panahon.
9. Ang El Cid Compeador ng Espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastla at ng
kanilang mga alamat at kasysayang pambansa noong unang panahon.
10. Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at naging batayan ng simulain ng demokrasya.
11. Ang Sanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persya, na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng Silanganin.
12. Ang Awit ni Rolando na kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransya na nagsasalaysay
ng gintong panahon ng sangkakristyanuhan at ng makulay na kasaysayan ng mga Pranses.
1. Matanto ang kalinangang Pilipino, ang henyo n gating lahi at ang mga minanang yaman ng kaisipan.
2. Malamang tayo’y may marangal na tradisyon katulad ng sa ibang lahi.
3. Matalos ang mga kapintasan at kakulangan n gating panitikan at mapag-aralang ito’y maituwid
4. Makilala an gating kahusayan sa panitikan at ang mga ito’y lalong mapaningning at mapayaman.
5. Sapagkat tayo’y mga Pilipino. Kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.
Aralin 3
Panahon ng Alamat
Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang
lipon ng tao na may panahong magkakaagwat
Tunghayan ang ilang pangyayaring Pambansa sa panahong ito upang lubusang maunawaan ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari sa ating panitikan.
1. Ang mga Ita – ayon sa kasaysayan sila ang unang pangkat ng mga taong nakarating sa ating kapuluan.
Kilala rin sila sa tawag na Agta, Ayta, Agta o Baluga. Ang mga ito ay nakarating sa ating bansa sa
pamamagitan ng paglalakad dahil sa ang ating pulo ay kakabit pa ng lupang Asya.
Ang mga sinaunang ay tumira sa mga kabundukan na may kalinangang katulad ng kanilang mga ninuno:
walang pamahalaan, walang panulat, walang sining, walang siyensya, bagamat sanay sa paggamit ng
busog at pana sa paghahanap ng pagkain.
2. Ang Mga Indonesyo- Sila ay nagmula sa mga lahing Monggol na nalahukan ng Kaukaso. Ang mga
Indones ay nandayuhan ng dalawang sapit
a. Unang Sapit- Binubuo ng mga Indonesyong may mapuputing balat at balingkinitan ang
pangangatawan.
b. Ang Ikalawang Sapit- Nakipamuhay muna at nakipaglahi sa pulo ng Papua bago nakarating sa
ating kapuluan kaya sila ay may malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi,
malalaking ilong at pangahan.
May kabihasnan silang higit sa mga Negrito, may pamahalaan, nagsusuot ng damit, nagluluto ng pagkain
at nagsasaing sa tukil at marunong magpaningas ng apoy sa pamamagitan ng pagkikiskisan ng dalawang
tuyong kahoy na tinatawag na patpat.Mayroon din silang mga alamat, epiko, mga pamahiin at bulong na
pangmahiya.
3. Ang Mga Manggugusi- ang mga Intsik mula sa Fukien (Tsina)na nakarating dito na may lahing Hakka.
Sila ay tinawag na “manggugusi” dahil nilalagay nila ang bangkay ng kaanak sa isang gusi (jar) at ito’y
ibinabaon sa looban o mga kuweba. Ang pandarayuhan nila ay kumalat sa mga pulo ng Batanes at
Babuyanes, sa hilagang-silangang tabing dagat ng Luzon, sa Tayabas, Sorsogon, Samar, Silangang
Mindanao at Celebes gayundin sa Marinduque, Timog Mindanao, mga pulo ng Kalamyanes at Palawan
hanggang Borneo.
4. Ang Mga Dumating sa Mai-i- Ito ang matandang pangalan ng Mindoro. Ayon sa saliksik ay may tala sa
Kanton na may isang bapor ng Arabe na dumating doon noong 982 A.D. na may kalakal galing sa Mai-i.
5. Ang Mga Bumbay- Ang pulo ng Indonesya at ang ating pulo ay malimit daw na mabanggit sa mga
“Kuwento ng Diyataka” at sa ilan sa mga epiko at tulang pasalaysay noong unang panahon ng Budhismo
sa India, mga ilang taon bago inianak si Kristo. Dalawang sapit ang pandarayuhan ng mga Bumbay.
a. Unang Sapit- nangyari noong ika-12 dantaon mula sa Borneo at sila ay may dalang
pananampalatayang Beda (Sumasamba sa kalikasan at araw.
b. Ikalawang Sapit ay nangyari noong ika-13 dantaon na may pananampalatayang Bramin
(naniniwala sa reincarnation at karma)
Ang kapanahunan ng mga epiko ay bahagi ng matandang panitikan. Nagmula ito sa pali-palibot ng taong
1300 A.D. at nagtapos sa panahon ng pananakop ni Legaspi noong 1565. Maituturing na isa sa mga
pinakamatagal ng panitikang Pilipino ang mga epiko.
May salaysay ng kabayanihan ang halos bawat pangkat etniko kaya’t mayaman ang matandang panitikan
sa epiko na nagpasalin-salin sa bibig ng tao.
Ang Epiko
Mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at
kabayanihan ng isang mamamayan. Ang katangian makikita sa epiko ay ang pagkakaroon ng kaisahan ng
banghay, mabilis na aksyon, paggamit ng mga kwentong may kababalaghan, at ng nakatitinag-damdamin
at dakilang paksa. Ang ating mga ninuno ay naglayong gamitin ang epiko para pangritwal at ipangaral sa
mga mamamayan ang kani-kanilang mga tungkulin sa sambayanan. Dahil sa mabagal ang takbo ng buhay
noong panahong iyon, maaring may impluwensiya pa ang kapanahunan ng alamat sa kapanahunan ng
epiko dahil ang kaugalian, tradisyon, pamahiin at pananampalataya ay patuloy pa rin sa karamihan sa
mga pulo at mga barangay na natitira.
b. Ang Ikalawang Sapit - Ay ang mga Malay na may Alibata. Sila’y naglakbay sa pagitan ng 22
hanggang 1300 A.D. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano, Pangasinan,
Kapampangan. Ang ninuno ng ng mga Bisaya at Tagalog ay nakarating dito noong 700 A.D. mula
sa Borneo, sila ay tumigil muna sa Panay at pagkaraan ng ilang taon, ang mga Tagalog ay
nagtuloy sa Mindoro at Taal
c. Ikatlong Sapit - Ang mga Mahometanong Malay. Sila’y dumating dito noong 1300 at 1500 taon
at sila ang mga ninuno ng mga Morong hindi Maranaw. Nagdala sila ng epiko, alamat, kuwentong
bayan at pananampalatayang Islam.
Impluwensiya ng Kambodya
Sa matandang tradisyon at talaalamatan ng Palawan at Mindoro at ilang pulo ng kapuluan ng Sulu ay
may mga tiyak na katangian ng mga alamat ng Kambodya (Indo-Tsina). Sa Sulu ay may mga alamat na
bumabanggit sa bayaning “Orang Dampuan” bayaning siames noong unang panahon. Ang matandang
alpabeto ng mga taga-Palawan at Mindoro ay katulad ng mga silabaryo sa peninsula ng Indo-Tsina.
Ang ating kapuluan ay sinakop ni Madjapahit sa kalagitnaan ng ika-14 na dantaon nang siya ay nasa Java
sa Indonesyo. Ang mga kalapit bansang nasakop niya gaya ng Indo-Tsina, Kambodya, Siam, Annam at
Tongkin ay binigyan ng kapahintulutan na magdala at magbili ng mga kalakal. Kaya’t ang ating bansa ay
nagkaroon ng impluwensiya ng mga banggit lalo na sa panitikan. Ayon pa rin sa aklat ni Salazar (1995) ,
ang mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na lugar.
4. Epiko ng Tagalog-Kumintang
Kasaysayan ng mga pakikidigma ng mga kawal nina Datu Dumangsil ng Taal, Datu Balkasusa ng Quezon
at Bai ng Talim. Tungkol sa kasaysayan ng pagsugo ng Haring Salodan sa kanyang 3 anak na sina Bagtas,
Mandukit at Dikyaw buhat sa kaharian ng Madjapahit tungo sa Mai at Luzon na bahagi noon ng
Kaharian ng Lontok.
i. Ubalon ng Bikol
a. Baltog - anak ni Haring Handiong na namuno sa Samar; isang mandirigmang manlalakay na
binaybay ang Samar hanggang sa Ibalon
b. Gunaw - malaking baha
c. Buwayang nagliliparan at higanteng baboyramo - nakasalamuha ni Baltog
d. Oriol - ahas na may mukha ng babai na hindi mapatay ni Baltog.
Bantugan
a. Prinsipe Bantugan - kapatid ni Haring Madali mula sa kaharian ng Bumbaran
b. Naiingit ang Hari sa prinsipe kaya pinagbawal sa lahat ng nasasakupan na kausapin si Bantugan.
c. Paparuhasan ng kamatayan ang kung sinuman na makipagusap sa prinsipe
d. Prinsesa Datimbang at kapatid niyang hari - nakahanap sa bangkay ni Bantugan
e. Pumasok sa bulwagan ang isang loro na nagsabing ang bangkay ay kay Bantugan.
f. Lumipad sa langit si Madali kasama ang isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni
Bantugan.
g. Haring Miskoyaw - dating kaaway ni Haring Madali; sumalakay sa Bumbaran nang ipinagdiriwang
ang muling pagkabuhay ni Bantugan
Indarapatra at Sulayman
a. Kurita - unang halimaw; may katangi-tanging lakas at maraming paa
b. Tarabusaw - ikalawang halimaw na nakatira sa Bundok Matutum; napakapangit
c. Pah - ikatlong halimaw; nakatira sa bundok ng Bita; isang dambuhalang ibon na may malalapad
na pakpak
d. Ikaapat na halimaw ay ibong mga 7 ulo at may 7 pares na mata
e. Haring Indarapatra - hari ng Mantapuli
f. Prinsipe Sulayman - kapatid ni Haring Indarapatra; inutusan na ipaghiganti ang mga buhay na
nasawi
g. Sumugod si Indarapatra sa bundok ng bita upang ipaghiganti si Sulayman at inalis ang pakpak ng
ibong nakadagan sa katwan ng kapatid.
h. Bundok Kurayan - kung nasan ang halimaw na may 7 ulo.